Galit sakin si Felix. Nahihirapan rin ako sa exam namin. Hindi ko rin masabi kung pinapahirapan niya ako o mahirap lang talaga ang mga exam namin. Nakita ko rin kung gaano sila ka close ni Bloom. Magkakilala pala sila ni Bloom noon pa man.
"Kuya , kamusta ka?" sinagot ko ang tawag ni kuya ng makapasok ako sa kwarto ko. Pagod ako dahil pinaasikaso ng butler ang garden sa amin. Halos lahat ng paligid ng mansyon ay pinalinisan.
Dumapa ako sa kama at niyakap ang unan. Mabuti nalang wala pa dito ang kahati ko sa kwarto na isang katulong.
"Ikaw ang dapat ko na tanungin niyan. Are you okay there?"
Huminga ako ng malalim. "Oo kuya. Pagod lang ako.
Huminga siya ng malalim. Pinikit ko ang mga mata sa nararamdaman na antok.
Nakakapagod rin. Ganito rin kaya ang nararamdaman ng mga ka edad ko? I am eighteen at malapit na akong mag nineteen. Pakiramdam ko, nakakapagod na dito sa mundo. Hindi ako mahilig gumala. Nakakabanas kapag maraming tao.
Nakikita ko ang peace of mind ko sa isang sulok na payapa. Pakiramdam ko ay iyon na ang masayang moment ko. Kahit nagkakape lang ako basta payapa ang pakiramdam ko.
Pero alam ko na hindi iyon ganoon. Hindi magiging payapa ang buhay ko.
Maging si Kuya Diego ay may nililihim sakin. Ayaw niyang problemahin ko pa iyon.
"Nasa Samar uli si Melissa." nagulat ako sa sinabi ni kuya.
"Huh? Bakit? Saan siya nanunuluyan?"
"Hindi maganda ang kanyang mental health. She needs me. Cleo needs her. Sa lumang mansyon siya naninirahan. Kailangan ko siyang dalhin dito."
Natahimik ako.
"And I need your help."
Pumayag ako sa sinabi ni kuya. Wala namang ibang makakatulong sa kanya pagdating kay Melissa kundi ako.
Gamay ko ang ugali ni Melissa. She's bipolar. Biglaan siyang babait. Biglaan siyang magalit.
Maaga kaming lahat natulog ng araw na iyon. Nagpaalam rin ako na kailangan kong umuwi sa Samar dahil sa lola ko. White lies.
Naiplano na namin iyon ni Kuya Diego. Kinabukasan ay mayroong party si Don Cleo. Umuwi siya ng mansyon at kinakabahan ang mga katulong. Ang alam ko mayroong pa-party ang Don.
Buong araw ay abala kami sa paglalabas ng mga platong mamahalin at wine glass. Nahirapan rin kami sa paglagay ng red carpet pero katulong namin ang mga professional na naglalagay nun. May kinuha rin sila na magdesign ng paligid.
Pinunasan ko ang pawis ng tawagin ako ni Ate Esma, isa sa mga kasamahan ko dito.
"Addelyn, tumulong ka doon sa kusina. Mamayang 6 ng gabi ang umpisa nitong party kaya dapat..." tinitigan niya ang suot ko. Napatingin rin ako. "Hay! Naibigay na ba ni Wena ang uniporme niyo para mamaya?"
"Wala naman pong binigay. Mayroon po ba?" nangunot ang noo ko. Alam ko na ayaw sakin ni Wena.
Huminga ng malalim si Esma. "Si Wena talaga. Inggit kasi sayo kasi ang ganda mo! Kahit na nakauniporme ka ng pangkatulong ay lumalabas parin ang hubog ng katawan mo."
Ngumisi ako at umiling. "Hindi naman ho."
"Basta, ibibigay ko nalang mamaya sa kwarto niyo. Oh, siya doon kana."
Agad naman akong tumulong. Wala nang pahinga hanggang sa naging engrande na ang paligid. Madilim na ng naligo ako sa kwarto. Nasa kama ko na rin ang aming uniporme na kulay puti na hanggang tuhod. Pero ng sinuot ko iyon ay mahigpit iyon sa aking katawan.
Nakita ko si Wena na kakalabas lang ng aming kwarto. Siya ang kahati ko sa maliit na kwarto namin.
Napabuga nalang ako ng hangin. "Tsk, bahala na."
Lumabas ako ng kwarto at nakitang abala na ang mga kasamahan namin.
"Addelyn,patulong. Sa mesa nila Don Cleo." si Maya ng ibigay sakin ang tray ng beef steak.
"Sige." kinuha ko iyon at lumabas ng kusina. Nakita ko na napakaganda ng set up ngayong gabi. Namamangha rin ako kung gaano karangya ang mga tao na nandirito.
Napapangiti ako ng makita ko si kuya. Napatingin siya sakin at umiwas. Ang dami nila. Magagarang tao at mga naka formal attire. Lalo na si kuya, ang guwapo guwapo niya.
Ngumisi ako sa kanya at nilapag ko sa mesa nila ang beef steak. Tahimik ko iyong nilalagay ng makita ang titog sakin ni Don Cleo.
Kumalabog ang dibdib ko ng makita ang pagtitig niya sa aking katawan. Nang titigan niya ang mukha ko ay nangunot ang noo niya. Biglang nag vibrate ang aking cellphone na nasa bulsa kaya tumalikod ako para mabasa iyon.
Please take care tonight- Kuya Diego
Dahil sa sobrang abala ay hindi ko na siya nareplyan pero nakikita ko ang pag bantay niya sa akin.
Mas dumami pa ang mga tao at nakita ko pang nagtatawanan si Bloom at Felix. Sakto rin dahil kung saan sila nakatayo malapit sa chocolate fountain ay doon ko rin ilalagay ang mga donuts.
Kinabahan ako lalo na at nakita ko ang pagtitig niya sakin.
"Oh! Hi Addelyn! Kamusta?"
Ngumiti ako kay Bloom. Bihira ko siyang makita sa mansyon ng mga nakaraang linggo.
"Maayos naman po. S-Sige po."
Nang titigan ko si Felix ay madiin lang ang titig niya sakin.
"Kumain ka muna Ad. Kumuha ka nitong marshmallow. Sinong gumawa nito?" Tanong ni Bloom at gustong kumain ako.
"Ah ako po Bloom. May dinagdag lang akong pampatakam diyan."Sinubukan kong kumuha doon at kinain ng may sumiko sakin.
"Addelyn! Grabe ka naman! Hindi ka na nahiya kay madam Bloom at senyorita Felix! Kumain kapa talaga dyan! Mamaya pa tayo kakain uy-"
"No! No, it's fine! Hindi pa kayo nakakain?" gulantang ni Bloom. "God! It's already 10 in the evening! Kumain na muna kayo. Pasabi sa ibang katulong na magset ng grupo. Pa salit salit ng oras."
Huminga ako ng malalim at ngumiti. Nahiya ako. "Uhm, alis na ako."
Mabilis akong umalis doon. Pagod na pagod na ako ng nagka-oras ako na kumain.
"Ad, mukhang pagod kana. Umupo ka muna doon sa bench. Ako na dito."
"Salamat po ate Esma. Medyo masakit na itong talampakan ko dahil sa sapatos."
"Naku, namamaga nga! Sige doon kana muna. O magpahinga kana. Wala namang masyadong tao."
Pinagpasyahan ko na pumunta doon sa bench at magpahinga. Kasi kung didiretso ako sa kwarto alam kong mang iinis na naman si Wena sakin. Mas mabuti na pag pumasok ako doon ay tulog na siya.
Hinilot ko ang aking batok at lumanghap ng hangin. Malamig na dito sa labas at mahamog na.
Nang tingnan ko sa gilid ay nakita ko na nandoon pala si Felix at Bloom! Sobrang lapit ng mukha nila at tila ba kakatapos lang nila maghalikan.
Kinagat ko ang labi at nakaramdam ng guwang at sakit sa dibdib.
"N-Nandiyan ka pala Ad!" maging si Bloom ay nagulat.
Malamlam kong tiningnan si Felix na namumula ang labi.
"Matulog kana Bloom." aniya kay Bloom. Tila nahiya si Bloom na nakita ko sila.
Ngumiti lang ako at nagbigay ng paumanhin. Nauna na akong pumasok at gusto nalang na sa kwarto. Kung saang hindi ko sila makikita.
Siguro nga hindi iyon ganon ka halaga sa kanya. Iyong mga pinagdanan namin noon. Sino ba ang gustong alalahanin iyon? Walang kwenta naman iyon.
Ano kaya ang nararamdaman ni kuya ngayon ? Ayos lang kaya siya?
Nakita ko na maingay na natutulog si Wena. Tila pagod rin siya. Nagpalit nalang ako ng damit at natulog na rin.
Bukas aalis narin kami ni kuya. Gusto ko muna na wala akong alalahanin pero tila ba may sariling utak ang mga daliri ko.
Sauladong saulado ko parin ang numero ni Felix. Malakas ang loob ko na tinawagan ang numero niya.
Ilang ring lang ay kanya iyong sinagot. Siguro hindi na sila magkasama ni Bloom.
Hindi siya nagsalita. Hindi ko maiwasan na hindi humagulhol dahil sa nilulukumos ang dibdib ko.
"M-Mahal mo ba siya?" Tanong ko.
Katahimikan.
"Mahal ko si Bloom . She's important. If you call just to ask about it, I am now telling you that she's mine. Huwag mo siyang sasaktan." aniya sa seryosong boses.
Nasapo ko ang labi. Maraming luha ang nailabas ko. Wala na akong pake kung magising si Wena basta gusto kong umiyak.
Pinatay ko ang tawag at pinilit na makatulog.
That's life. Hindi naman ako mamamatay kung walang magmamahal sakin? Kaya ko naman mabuhay na aatupagin ko ang pagtatrabaho dito at pag makapag aral sa susunod.
Felix will be a memories for me. Forever. Hindi na babalik pa at hanggang doon nalang.
~~~~
Mabilis ang mga pangyayari at tila ba isang panaginip. Umuwi kami ng Samar ni kuya. Nakita kami ni Mustique. Hindi lang iyon, ang mas nagpadurog pa sakin lalo ay ang makitang sinundan ni Felix si Bloom sa Samar.
Ewan ko rin kung bakit boyfriend ang tawag Melissa kay kuya. She is obsessed with kuya Diego.
Hindi ko magawang magalit kay Melissa kay kuya o kay Bloom. Gusto kong magalit sa nararamdaman ko.
Nagpaiwan ako sa mansyon na tinitirhan ni Melissa dito sa Samar at nakita kong papaalis na silang dalawa ni kuya. Magkatabi kaming matulog ni kuya at saksi ako kung paano siya nabagabag. Galit si Bloom sa kanya.
She just misunderstood the situation. Naiintindihan ko iyon. Minsan talaga nakakagawa ng mga bagay at nakaka gawa ng desisyon kapag wala kang alam.
"Are you sure? Dito ka lang?" handa na silang bumalik ng Manila habang ako ay gusto ko munang manatili dito.
Tumango ako. "Oo. Gusto ko munang mamasyal dito."
Nilibot niya ang tingin sa aking kabuuan.
"Take care please." namamaos ang boses ni kuya. "Ikaw nalang ang mayroon ako. Baka makapatay ako kapag may mangyaring masama sayo."
Umiwas ako habang tumatawa. "Kuya, walang mangyayari sakin! Ano ka ba! Kaya ko ang sarili ko."
Niyakap niya ako ng mahigpit. Napakaoverprotective niya sakin.
Namayani ang katahimikan ng umalis sila kuya at Melissa. Huminga ako ng malalim at humiga sa duyan. Malakas ang hangin kahit mainit kaya nakakaantok.
Hindi ko na namalayan na nakatulog ako ng ilang oras. Hapon na ako ng magising.
Kumakalam ang sikmura ko. Sobrang tahimik ng paligid. Itong mansyon ay nasa mataas na bahagi kaya nakikita ko ang mga sasakyang dumadaan sa ibaba.
Nagtaka ako ng makakita ng pamilyar na lalaki doon.
Nakapamulsa siya at kahit sa malayo, alam ko na siya ito. Umalis ako sa pagkakahawak sa duyan at nilapitan ang gate namin na nasa ibaba.
Alam kong halata sa mukha ko na bagong gising ako. Ang gaan ng aking pakiramdam.
Ngumisi ako sa kanya ng buksan ko ang gate.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ko kay Armando. Ibang iba siya ngayon dahil naka t shirt nalang siya. Dati kasi kapag nakikita ko siya ay naka suit siya palagi.
Kinagat niya ang labi. "Yeah. I've heard from Diego na nanatili ka dito so...." he shrugged. Doon ko nakita na marami siyang bitbit na pagkain.
Naglaway ako bigla!
"Oh! Pasok ka!"
Kinagat ko ang labi dahil masyado akong halata na gutom. Humalakhak siya at sabay kaming dalawa na pumasok sa loob. Nasa labas lang nakapark ang kanyang sasakyan.
Ang sasarap ng binili niyang pagkain. Mainit init pa. Tinulungan niya ako sa kusina na maghanda nitong mga binili niya.
"Ang dami naman."
Ngumisi siya. "Alam kong' gutom ka. Here.... sabaw iyan."
Kinagat ko ang labi at tinikman iyon.
"Ang sarap."
Pinag usapan namin ang mga nangyari habang kumakain. Halos hindi namin maubos ubos.
Nagpupunas ako ng mesa ng makita ko siyang naghugas ng pinggan.
"Hey! Naghuhugas ka?!" gulat ko. He pursed his lips. Tila ba nagulat rin siya sa sinabi ko.
"Bakit? Am I an alien?"
Tumawa ako kasi oo nga naman! Kahit mahirap o mayaman kung nagluluto dapat marunong maghugas ng pinggan.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa duyan at sabay naming tinitigan ang papalubog na araw.
Napatingin ako kay Armando at bumuga ng hangin. Naririnig namin ang hampas ng alon at ingay ng mga ibon. Ang mansyon kasi ay nasa tuktok at gilid ng dagat.
Ang ganda ng Samar.
"Baka hindi ko na maalala pa ang nakaraan." sabi ko. Umiwas ako ng tinitigan niya ako.
"Wala nang bumabalik sa memorya ko bukod sa huling naalala ko." namuo ang luha sa aking mga mata.
Kahit nagulat ako sa hawak ni Armando sakin sa baywang ay hinayaan ko siya. Sa huli naramdaman ko ang halik niya sa buhok ko. Nagtagal doon ang halik niya.
"Babalik man o hindi minahal parin kita Addelyn. Kung hindi na ako ngayon hindi kita pipilitin."
Suminghap ako at pinunasan ang aking luha.
"Hindi ibig sabihin na nawala ang pagmamahalan natin ay kailangan nang mag iwasan. I am still thankful that I met you."
Tumango ako. "Hindi naman kita iiwasan. Hindi ko lang alam kung paano ka pakikitunguhan lalo na sa nangyari noon."
"Hmmmm... 'tsaka mo na iyan isipin kapag ramdam' ko na wala talaga akong pag asa . Pero hanggang nakikita kong' nag iisa ka ay hindi kita iiwan."
Mapait akong ngumiti. Nagdadalamhati ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit.
Nakapag desisyon ako na tatapusin ko nalang ang pagtrabaho ko bilang katulong kina Bloom. Noong una gusto ko pa kasi alam ko na nandoon si Bloom at teacher niya si Felix.
Ngayon, gusto ko nang iwasan silang dalawa. Magiging masaya ako kay Felix kung silang dalawa. My brother deserve someone else. Napatunayan ko iyon ng makita ko kung paano titigan nj Bloom si Felix.
Nagmamahal ako kaya alam ko ang titig ng isang taong nagmamahal. Ganoon ang nakikita ko kay Bloom kapag nakatitig kay Felix.
This is just a trials to my feelings. I don't know how to handle this kind of pain. But despite of that... life must go on. I respect them especially that they seems fond of each other.
Pagkatapos kong magliwaliw sa Samar at nabisita ang puntod ng kinilala kong magulang ay umuwi na ako ng Maynila. Ni hindi ko binisita sila Karen kasi pakiramdam ko ay hindi ko kaya.
Iilan nalang rin ang natitirang araw ko sa mansyon. Ngayon, nakauwi na ako at napag utusan ng mayordoma na tawagin si Bloom.
Kinagat ko ang labi ng kumatok ako sa kanyang kwarto at may bagay rin ako na gustong kumpirmahin.
"Yes?" tinaasan niya agad ako kilay. Huminga ako ng malalim. Baka nga akala niya sakin ngayon ay isang traidor o kaaway lalo na sa nadatnan niya sa Samar na kasama ko si Melissa.
"Puwede ba tayong mag- usap?" mahinang tanong ko.
"As your senyorita..I don't give you the right to talk to me as long as I want to. We are not friends.." Inaasahan ko na ganito ang tungo niya sa akin ngayon.
"Senyorita. Isa lang po. K-Kayo ba ni Felix-"
"Hindi. Pero mananatili ako sa tabi niya, dahil mahalaga siya sakin. Hindi ko siya sasaktan tulad ng ginawa mo. He does not deserved you. Bitch."
Namilog ang mga mata ko sa narinig.
"Leave now."
"Mag ayos na po raw kayo sabi ni Don Cleo para sa intimate dinner senyora." sabi ko at halos hindi makalunok. Ano bang ginawa ko Felix? Wala naman ah!
Papababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko ang mayordoma.
"Addelyn." tila balisa niya. "Gusto ka raw makausap ng Don Cleo sa kanyang opisina ngayon."
Tumango ako sa sinabi ng mayordoma. Fuck! Sana hindi niya pa malaman na magkapatid kami ni kuya bago ako umalis dito.