Nangyari na nga ang pinakamimithi naming lahat. Ang aming graduation day.
“Grabe ang saya ko!" aniya ni Bettina, kaklase ko. Binati kami ng iilan lalo na at kasali ako sa mga may honors.
"Congratulations Addelyn hija!" aniya ng isa sa mga naging guro ko.
"Salamat po." sabi ko at pinunasan ang mumunting luha sa gilid ng mga mata ko.
I'm so happy. Kasi kahit sa mga napagdaanan ko ay hindi ako nabigo. Ang daming tao dito sa Field ng skwelahan kung saan ginanap ang aming graduation. Padilim na rin at nakita ko kung paano yakapin ang mga kaklase ko ng kani-kanilang pamilya.
Nagpaalam si ma'am Declaro sakin para batiin rin ang ibang gumraduate. Nagpicture taking kami at ang naging Cum Laude ngayong graduation ay magpaparty raw.
"Ad!"Nilapitan niya ako ni Claire at niyugyog. Masayang masaya ako ngayon. Gusto ko talagang maging guro.
"May handa 'raw sila Chito sa bahay nila. May limang lechon doon. Sana naman ay sumama kana this time!"
Napaisip ako dahil sa tuwing niyaya nila ako noon sa mga birthday ay hindi ako pumapayag dahil sa umiiwas ako. Ngayon siguro naman ay kakayanin ko lalo na at masaya ako ngayong gabi.
"Sige!"
"Iyon oh! Pumayag si Addy!"
"Weh? Di nga?" si Klara,isa rin sa mga kaklase ko.
Tumawa ako at tumango. "OO nga. "
Dahil doon ay ginusto na namin na umuwi dahil sa magbibihis pa kami. Ang iba naman ay dumiretso na sa bahay nila Chito.Si Chito ay tahimik lang na kaklase namin at halatang matalino. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na barumbado at pa bida bida sa room namin.
Tatlong taon na ang nagdaan at wala parin akong balita kay kuya. Nanikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko iyon. Hindi ko minsan maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko.
Kasi kung hindi ko pinilit na magtrabaho sa mansyon ay hindi magkakaproblema si kuya sakin.
Habang nasa traysikel ako ay tumunog ang cellphone ko. Nakita kong' si Armando iyon.
"Dito lang po kuya!" si Klara. Dito sa Samar ay mahilig makipag joyride ang mga kaklase ko. Ngayon, mas nauna nila akong hinatid. Bumaba na ako at nagpaalam sa kanila.
"Daanan ka nalang namin mamaya ah?" si Claire na sinisigurado na sasama ako.
"Sige! Thank you!"
Tumalikod agad ako para pumasok na sa bahay nang makita ko rin ang bahay nila tita Korina. Graduate narin pala si Karen. Kasi huling pagkikita namin ay pinili ko maging casual sa kanila. Hindi na kami tulad ng dati na palaging sumasama. Hindi na rin nila ako pinansin pa ng ilang buwan.
Nangunot ang noo ko dahil akala ko kaka graduate lang rin ni Karen. Hindi ko na rin siya nakikita sa school ilang buwan na dahil buntis pala siya?
Napalunok ako ng pumasok sila ng mama niya sa kanilang bahay na hindi kalayuan sa bahay namin. Sumunod ag isang lalaki na kakababa lang sa isang sasakyan.
"B-Borge?" bulong ko at nanlaki ang mga mata. Huminga ako ng malalim at masaya para ka Karen.
Pumasok ako at binasa ang text ni Armando sakin.
(Happy graduation baby.)-Armando.
Kinagat ko ang labi ng mabasa ang kanyang text.
(Thank you so much. Hope to see you soon.)- ako.
Hindi simpleng tao si Armando dahil sa kanyang pagpunta punta dito ay nalaman ko na sobrang busy niya palang tao.
Binuksan ko ang ilaw ng bahay at pupunta na sana sa itaas ng makarinig ako ng kalabog sa kusina.
"Shit!" dinalaw ako ng sobrang kaba. Nasapo ko ang labi ng pumunta sa kusina at nakitang may bulaklak na sa itaas ng mesa at....may pagkain na nakahanda doon.
Napasabunot ako sa sariling buhok at napamura. Wala akong maisip kung sino ang may gawa nito dahil si Armando ay nasa ibang bansa/1 Pero baka nga.. siya?
"A-Armando!? Ikaw ba iyan?!"sigaw ko. Nagbabakasakali na baka gusto akong isurprise ni Armando?
"Armando!" Damn it! Walang sumasagot kaya nilagay ko muna ang mga dala ko galing sa graduation sa silya at nilapitan ang mga pagkain at ang bulaklak.
Gusto kong sabihin na si Felix kasi magaling siyang magluto ng menudo at menudo ngayon ang isa sa mga putahe sa mesa! Pero matagal nang hindi nagpapakita sakin si Felix.
Isa isa kong tinitigan ang mga handa at nakitang masasarap iyon. Tinikman ko agad ang chocolate cake at napaungol ako sa sarap. Nagutom ako!
Kinuha ko rin ang isang bugkos ng bulaklak at nakita ang naka note doon.
(I'm happy that you're graduate. I miss you so much, baby.") -F
Nanlamig ako at tumigil sa pagkain ng cake. Ibig sabihin ay nandiot siya kanina?Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Uminit ang gilid ng aking mga mata at inamoy ang bulaklak.
Dahil dito ay nawalan ako ng mood na sumama sa after party namin pero nakapangako ako na sasama ako. Hinsi ko inaasahan ang lahat ng ito sa totoo lang. Gusto ko na mag conclude pero... Hay! Bahala na nga!
Tinakpan ko ang mga pagkain at ang iba ay nilagay sa ref. Ang dami nito!Puwedeng puwede ko imbitahan sina Claire at Klara dito sa bahay pagkatapos doon. Hindi ko kasi ito lahat mauubos!
Pumunta na ako sa aking kwarto para mag half bath at binilisan ang aking kilos para makapagbihis na!Mamaya ay nandito na sila Claire at Klara!
Binalot ko ang katawan sa tuwalya at kahit basa pa an iilang parte ng katawan ko ay naghanap na ako ng panty ko. Pagka talikod ko para kumuha ng damit angbisyang hindi ko inaasahan!
Napasigaw ako ng madulas sa basang sahig ng kwarto ko at tumama pa ang aking gilid sa matulis na dulo ng kama!
Napaigik ako at napahiyaw.
Sobrang sakit ng gilid ko! Dahil sa pagkakadulas ay natanggal ang tuwallya sa katawan at nasagi ako sa dulo ng kama! Kitang kita ko ang pulang linya sa aking tagiliran,malapit sa aking dibdib!
"Fuck!" biglang may sumipa sa bintana kaya nasira iyon! Nawala ang iniinda kong sakit sa gilid ng makita si Felix na naka itim na T-shirt at nakapantalon! Kahit na naka cap siya ay kitang kita ko an kurba ng kanyang labi at ang tangos ng kanyang ilong!
"Shit!"malutong niyang mura at mabilis akong pinangko para ilagay sa kama. Dahil sa gulat ko ay hindi ako mkapagsalita!
Napakuyom ang aking kamay sa kutson ng aking higaan. Not minding that I am naked. Ang tuwalya ay nasa sahig lang at tumaas ang kilay ko ng bihasang bihasa niyang nakita agad ang emergency kit sa aparador. Nakita ko rin na bago na ang pintuan ng kwarto ko! Ngayon o lang napansin!
Nang makalalapit siya ay pinagkrus ko agad ang aking dalawang kamay sa aking dibdib. Napahinto siya at napalunok. Nagkatitigan kaming dalawa habang ako ay litong lito sa lahat na nangyaring biglaan na ito.
"Let me see." paos ang kanyang boses habang hawak ang tagiliran ko, handa niyang gamutin.
Sobra sobra ang kabog ng puso ko.Napalunok ako ng nagmatigas ako na magamot niyang mabuti. Huminto siya habang nakaluhod sa aking harapan.
"B-Bakit ka nandito?"
Yumuko siya at nakita ko muli kung gaano siya kakisig at kgwapo. Sa nagdaang taon ay mas naging maskulado lang siya lalo at may mumunting balbas na tumubo sa kanya panga.
Malamlam niya akong tinitigan at hinila ang kumot para takpan ang aking katawan.
"Diego is waiting for you." he whispered. Naging hudyat iyon para sa aking mga luha na pumatak. Kinagat ko ang nanginginig na labi dahil sa inaasahan kong ibabalita niya sakin.
"I made it, baby. I-I save your brother. He's here."
Naalala ko noon ang pangako niya sakin na ibabalik niya si kuya. Matagal na panahon siyang nawala. Dahil ba sa pag hahanap niya kay kuya?
"N-Nasaan siya?" pinunasan ko ang aking luha.
Bakit ganito? Bakit kumportableng kumportable ako? Iba sa mga nakaraang taon na hindi ako sanay sa mga taong nallapit sakin kahi kay Armando. Pero kay Felix...
"He's with Bloomeria."
Kinagat ko ang labi dahil alam ko kung gaano ka mahal ni kuya si Bloom. Tinitigan ko si Felix. Tintantya kung ano ang magiging reaksyon niya na magkasama pala ngayon si kuya at si Bloom.
"How about you?" paos kong tanong sa kanya.
Kinagat niya ang labi niya. Nakita ko kung gaano nanginginig iyon. Kumirot ang puso ko.
"I'm home. Finally, home."
~~`
Nanginginig ang labi kong, tinikom. Suminghap ako at ngumiti.
"Salamat sa hinanda mo." alam ko na nabigla man ako sa ginawa niyang handa sakin. Dahil sa tagal ng panahon na rin.
Unti unti niyang hinubad ang kanyang cap at namilog ang mga mata ko ng makita ang army cut niyang buhok!
Parang wala lang sa kanya na nabigla ako. Ako lang naman ang nakaramdam nun habang siya, hindi siya aware kung gaano ako namamangha. Umubo ako at inayos ang pagkakatabon ng kumot sa hubad kong katawan.
"Hindi dapat ako magpapakita. Tulad ng dati pero narinig kitang sumigaw. I got trauma so..."
Mas lalong lumugmok ang puso ko sa malalim at madilim na walang hanggan.
I understand kung bakit niya ito ginawa. Tumango ako sa kanya at inayos ang sarili. Marami akong gustong sabihin o itanong sa kanya pero may lakad ako ngayon at hindi puwedeng tanggihan.
"Uh, gusto kong makita si kuya. " Tumayo ako para kunin ang aking damit at nilingon siya. Tahimik lang siyang nakatingin sakin. Nakita ko kung gaano ka miserable ang kanyang mga mata kaya umiwas ako.
"Ikaw pala ang umayos ng sirang pintuan at hagdan. Salamat." mahina kong sabi sa kanya.
Nakatingin lang siya sakin at tumango. Para siyang pagod o nanghihinayang.
"Congratulations." aniya sa mababa at paos na boses.
Ngumiti ako at binaba ang titig. "Salamat. Ikaw? K-Kamusta sa mga nag daang taon?"
Tumalikod siya at hinarap ang bintana. Sinara niya iyon kaya nakuha ko iyong hudyat para magbihis.
Nanatili siyang nakatalikod. "Nothing. Nothing's change about me. I just... search for your brother. Just...eat..work..sleep and..." bigla siyang humarap at buti nalang at nakabihis na ako.
"And...eyeing you from a far."
Napalunok ako dahil tama ang hinuha ko. Na pakiramdam ko ay nandoon lang siya at nagmamasid. Tama nga ako.
"Uh..." gusto ko sanang sabihin na aalis ako ngayon pero sa dibdib ko ang dami ko gustong itanong at malaman.
May pumitong traysikel sa labas. Narinig ko pa ang sigaw ni Claire at Klara sakin.
Tumaas ang kanyang kilay.
"After party." he stated. Tila narinig niya mula pa kanina.
"O-Oo, uh.. Saan kana niyan?"
Umiwas siya at tila nag isip rin. "Hide out maybe?"
Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa kanya. "Ang bahay mo dito? Ang mansyon?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na ako tumitira doon."
Nabigla ako sa kanyang sinagot pero narinig muli ang tawag ng mga kaklase. Masyado na silang maingay sa labas kaya bumaba narin ako at para malaman ko rin kung saan ang tungo ni Felix.
Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko ang traysikel ,at hindi lang iyon dahil si Chito pala ang may dala nun kasama sila Klara at Claire.
"Ang bagal mo naman-"
Sa pagkahinto niya palang ay alam ko na kung sino ang nakita nila sa likod ko.
"Chito.." narinig ko si Felix.
Kilala niya si Chito?!
"Kuya. Nandiyan kana pala." si Chito na may nerd glasses pa ay nakitaan ko ng pagkapilyo ng makita si Felix at bumalik agad iyon sa pagiginh malamig.
Kahit si Klara at Claire ay nagtutulakan.
" Kuya Felix nandiyan ka pala! Long time no see!"
Damn it! Napamura ako sa isip at napapikit. Kaya pala habulin rin si Chito kahit na nerd pero maappeal.
Yawa! Pero ang pagkakaalam ko ay.... Shit! Pero magkamukha talaga sila ni Felix at ngayon ko lang natanto!
Ibig sabihin, kahit wala si Felix alam niya parin lahat sakin?
Kinagat ko ang labi ng mapanukso akong titigan ng mga kaklase. Kung tutuusin ay dapat kuya rin tawag ko kay Felix dahil sa agwat ng edad namin pero... Alam kong hindi iyon ka aya aya.
"Mag ingat sa pagdala ng traysikel. Hinay hinay." paalala niya at tinitigan ako. Umiwas ako at hindi na makapagsalita.
"Sabi na! Sila parin!" narinig kong bulong ni Klara kay Claire.
"Buti nalang talaga dinaanan na kami ni Chito sa bahay nakatipid pa kami. Marami na bang tao doon Chito?" tanong ni Claire.
Tinitigan ko si Felix at tumango ako. "Aalis na kami. I-Ikaw?"
Humalukipkip siya at napunta ang titig ko sa mamimintog niyang braso. Nakita ko doon ang bagong tattoo niya.
"Sa hide out na ako...mamaya. Sasama muna ako sa inyo. Andar na Chito." aniya sa kapatid at pinaandar agad ni Chito ang traysikel.
Nasa loob si Claire at Klara. Mayroong dalawang mauupuan rin sa likod nitong traysikel pero baka doon uupo si Felix kaya mas pinili ko na sa backride nalang pumwesto.
Umupo ako doon sa backride at dumagundong ang dibdib ko dahil tumabi sakin si Felix. Hindi siya nagsalita at tahimik kang rin.
"Kumapit ka." bulong niya ng umalis na kami.
Napakurap kurap ako at tumango dahil sa bigla ko ay hindi ko na alam ang gagawin.
Naninibago lang ako at bigla sa mga nalaman. Oo ganoon nga.
Saktong binabaybay na namin ang highway ng tumunog ang cellphone ko sa text ni... Armando.
Naopen ko agad ang screen ng cellphone ko kaya kitang kita agad kung sino ang nagtext.
(I'll visit you tomorrow. Goodnight.) -Armando.
At aminin ko man o sa hindi alam kong nabasa rin iyon ni Felix lalo na at dikit na dikit kaming dalawa.
Hindi lang iyon dahil may bato atang nadaanan ang traysikel ni Chito kaya umumpok rin ako sa upuan at bahagyang napaisod lalo kay Felix.
Kanya kanyang reklamo si Claire at Klara sa loob.
"Ano ba 'yan Chito! Ang sakit ng pwet ko!" halos maiyak si Klara.
"Ako rin!" segunda ni Claire.
"Akong bahala diyan mamaya." aniya ni Chito na ikinatili ng dalawa pero si Chito ay natahimik lang ulit at seryoso lang.
Gagi? Grabe 'tong nerd na ito.
"Ad, you forgot where to place your hand." narinig kong bulong ni Felix at ng titigan ko ang kamay ay nasa zipper na iyon ni Felix nakakapit.
"Ay hala! Hala sorry!" Shit! Kaya pala ang tigas akala ko kapitan nitong traysikel. Hindi ko talaga alam kanina dahil pinapakinggan ko sila Chito!
Halos mamula ako at maiyak sa kahihiyan. Ano ba yan Ad, ngayon lang bumalik si Felix tapos nakakahiya ang nangyari.
Narinig ko ang malutong na pagmumura ni Felix ng bitawan ko iyon.
"S-Sorry talaga. A-Akala ko bakal." Napakagat labi ako at pumikit ng mariin sa kahihiyan. Hindi na ako tumingin pa sa kanya hanggang sa dumating nasa bahay nila Chito.