Ang alam ko ay hindi lang iyon doon natapos. Kahit sugatan na si kuya ay pinilit niya paring lumaban at tapusin ang kahuli-hulihang tao ni Cleo. Nang mga oras na iyon ay nanghihina na ako para pigilan si kuya.
Nawalan ako ng malay ng mg araw na iyon. Ang masakit na parte ay ang pagkawala ni kuya. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon.
Nasa puder ako ni Felix , pinapagamot ako sa isang pribadong doktor . Hindi ko man lang naramdaman na may tama ako ng baril ng araw na iyon? Mas lamang ang sakit ng damdamin ko kaysa sa pisikal na sakit na natamo.
Anim na buwan na akong nag-aalala kay kuya. Wala rin akong balita sa kanya. Bihira ko rin na kinakausap si Felix. Ni hindi ko pa magawang makapagsalita hanggang ngayon. Ayoko sa maraming tao at gusto kong mapag isa.
Bumalik kami sa Samar. Naging payapa kami dito sa kanyang mansyon.Malawak at malapit sa dagat. May mga nagbago rin dito pero hindi ako umabot sa punto na lumabas.
Pakiramdam ko, kung lalabas ako ay makikita ko kung paano ako pinag kaitan ng kasiyahan sa mundo. Makikita ko ang agwat at layo ko sa ibang tao na simpleng namumuhay.
Hinawakan ko ang aking braso na kakahilom lang galing sa tama ng bala. Sa tuwing napapalakas ang galaw ko ay sumasakit iyon.
"Lets get inside. Umaabon na." Narinig ko ang boses ni Felix sa aking likuran. Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatitig sa mabagsik na dagat.
"Gusto ko nang mamuhay ng mag isa." mahinang sabi ko. Pumikit ako ng mariin at pinangarap ang tahimik na pamumuhay. Gusto kong balikan ang bahay namin dito sa Samar at mamuhay ng tahimik. "Alam ko na babalikan ako ni kuya."
Kahit anong sabi ng imbestigador na wala silang nalakap na impormasyon tungkol kay kuya. O baka raw totoong patay na siya ay hindi ako naniniwala.
Nang dahil sakin ay nagawa niya ang lahat na iyon. Nang dahil sa...
"Hindi ka pa magaling ng lubosan-"
Nilingon ko siya. Nanginginig ang aking labi sa pagpipigil na maiyak. Hindi ko narin alam kung kailan ako huling tumawa. O naging masaya.
"Stop doing this." Umiwas ako at binalik ang tingin sa dagat. Somehow, it ease the pain I felt.
Hindi siya nagsalita. Alam ko na hindi siya papayag. Ngunit, walang makakapigil sa gusto ko. Kung hindi lang ako sugatan at emosyonal na mahina noong kailan ay matagal na akong umalis dito.
Binalikan ko siya ng tingin. Umawang ang aking labi na makitang nakayuko siya. Madilim ang tanging nakikita kong ekspresyon sa kanya ngunit malamlam.
"Kung naguilty ka sa nangyari-" Napaisip ako dahil ng nangyari iyon ay nandoon siya. Bakit siya nandoon? Para iligtas si Bloom? Ngunit... si Bloom ay mahal na mahal si kuya. Kaya ba nandito sakin ngayon si Felix?
"-Huwag kang mag alala dahil wala kang kasalanan. Kung tutuusin ay dapat malaki ang pagpasasalamat ko saiyo dahil...." bumara ang aking lalamunan dahil sa hudyat na luha. "Dahil sa kabila ng nagawa ko ay pinili mong tulungan at kupkupin ako."
Ang mahaba kong buhok ay nilipad ng hangin. Ang ulan ay nanatiling ambon. Sumusunod sa aking buhok ang aking puting bestida na suot.
Gusto kong ngumiti at panatagin siya ng tingnan niya ako ng pagsusumamo. Gusto kong padama na ayos lang ako. Huwag akong kaawaan pero bakit parang hindi ko magawa?
"Gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko sayo noon. S-Siguro nga ang sama sama ko kaya ito n-nangyari sakin-"
Napasinghap ako ng malakas ng hilahin niya ang baywang ko. His chest welcomed me. His embrace feels like ... neverending peace.
"Don't say it. I don't need your sorry. And please don't question all of this because... I love you. Nothing has changed Addelyn."
Pumikit ako ng mariin at niyakap siya ng mahigpit. Bahagya ko siyang tinulak at lumayo. Tinitigan ko ang mga mata niyang namumula at titig na titig sakin.
"Ganoon ba?" mahinang sabi ko at hinawakan ang panga niya. "Kasi mahal rin naman kita at pinili kong gumawa ng paraan na makalapit sa mansyon para saiyo. Para mapalapit muli sayo. Na kaya kong isugal ang buhay ko para humingi ng tawad at balikan ka pero nakita kong masaya ka kay Bloom."
Nanlaki ang mga mata niya at humigpit ang hawak niya sa aking baywang. Umiwas siya at madiing nagmura. Umiwas ako para punasan ang aking luha.
"Kaya ko ang sarili ko. Babalikan ako ni kuya.Iyon ang pangako niya sakin di'ba? Na babalikan niya ako?" pumiyok ang boses ko ng maala-ala ang pagsabog ng kotse noon.
Tumango siya sakin dahil siya ang nagmamaniubra ng imbestigasyon kay kuya. Maging sila kuya Marco ay walang tigil rin sa paghahanap.
"Hindi ako titigil Addelyn.Gagawin ko ang lahat. Pangako."
Tumango ako at lumayo sa kanya.
Minsan pag mahal mo ang isang tao hindi ibig sabihin na kakalimutan mo na ang sarili mo. Hindi ibig sabihin na hahayaan mong mawala ang self worth mo. Pinaglaban ko siya. Sinubukan ko. Siguro hindi pa ito ang oras para atupagin ang pagmamahal. Dahil kung totoong minahal niya ako kahit man lumagas ang panahon ay mananatili ang pagmamahal na iyon.
Napalunok ako. "Aalis ako bukas ng maaga. Lilipat ako sa dating bahay namin. Ipangako mong ibabalik mo ang kuya ko. Kasi may naghihintay sa kanya."
"Addelyn, I can't. Fuck! I'm such an asshole!" aniya ng ilang sandali ng pagpikit.
"You can Felix." napalunok ako. "Oo noon, sobrang naging malungkot ako dahil nakikita ko kung gaano ka importante sayo si Bloom. Kung gaano ka kasaya sa kanya. Inggit na inggit ako kasi gusto ko ... A-Ako rin. Naiinggit ako kasi sinayang kita."
"Addelyn stop." nanginig ang labi niya. Tila hindi na kayang pakinggan ang mga sinabi ko. "H-Hindi ko kayang malayo sayo." aniya sa mahinang boses. "A-ad-"
"Felix!" saway ko ng lumuhod siya at niyakap ako ng mahigpit. "Patawarin mo ako. OO, nagalit ako at nagawa ko iyon pero nanatili ang pagmamahal ko sayo. A-AD.. I can't." pagmamakaawa niya at narinig ko ang kanyang hagulhol. "I love you so much. M-Mula pa noon."
Umawang ang labi ko dahil sa narinig.
"Felix.. K-Kahit iyong mga alaala ko noon ay hindi na lubos na nagbalik."
Lumakas ang ambon. Sa kabila nun ay tila ba mas naging mahinahon ang damdamin ko.
Felix killed the people who rape me. Kahit ang Don Cleo. Ganoon rin si kuya. Nagpapasalamat ako dahil hindi ko ramdam ang mga pangyayaring iyon sakin.
Umiling si Felix at tumindig ang balahibo ko ng marinig ang hagulhol niya. Sa ilang buwan na magkasama kami ay nanatili akong iwas , tipid magsalita at tahimik at ganoon rin siya pero hindi siya umaalis sa aking tabi. Sa pagtulog ko at ang pagmulat ko ay nadiyan siya. Hindi ko rin maiwasan ang maiinit na gabi.
Ngayon ang makita siyang ganito ay nagpahina sa akin.
"Let's start a new life baby. Please. Di ko na kakayanin pa na makita kang malayo. Please, marry me-"
Agad ko siyang tinulak at lumayo ako. Bumagsak ang kanyang dalawang kamay sa lupa. Kumuyom iyon at nagpatuloy siya sa pag iyak.
"H-Hindi ako nararapat s-sayo Felix." garalgal ang boses ko. Umiling siya at nanatiling nakaluhod. Basang basa sa ulan at namumula ang mga mata.
"You are for me." aniya.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya at unti unti ko siyang tinalikuran.
"You deserve better t-than me Felix. Andito lang ako sa Samar. Hindi ako lalayo. Mag aaral ako dito at aantayin ko si kuya. D-Don't wait for me. Masaya akong makita kang magmahal ng iba."
Doon, ay unti unti nang nagpatakan ang luha ko at kumirot ang aking puso. Isang yakap ang bumalot sakin sa likod at binaon niya ang mukha sa aking leeg.
"Then I'll get old waiting for you. I don't care. D-Dito lang rin ako. Habang buhay akong maghihintay. Mahal na mahal na mahal kita, Ad." naging mahina ang kanyang huling sinabi.
I nodded and tried to escape from his grip.
Parang ayaw niya akong pakawalan. Alam niya na sa oras na magwalay ang aming kamay ay pagdilat niya bukas ay wala na ako.
~~~`
Palagi akong busy lalo na sa huling taon ko sa kolehiyo. Naging abala ako ng nagtransfer ako noon dito mula sa Manila na Unibersidad. Sa kabutihang palad ay pinayagan naman ako. Mabuti nalang nasa akin ang mga black card ni kuya.
Si kuya na di parin nahahanap. Ngunit alam ko na buhay siya. Gusto kong' makapasa sa bar exam bilang guro. Gusto kong ituro ang karapatan ng isang babae. Kung paano pagtibayin ang karapatan natin sa pamamagitan ng pagpatibay ng karapatan ng isang babae.
Noong unang makita ako nila Karen dito ay labis ang gulat nila. Dinalaw ko ang puntod ni nanay at tatay. Halos araw-araw akong bumabalik balik dahil sa aking kasabikan sa kanila.
Ang hirap pala no? Na ang kinasasabikan mo ay wala na.
Mahirap ang mag-isa. Halos hindi ko magawa ang kahit sira na hagdan sa bahay. Kahit ngayon ay sira parin ito.
Pero mas pinaganda ko na ngayon ang bahay kaysa noon. Pinaayos ko rin sa kapitbahay ang sirang gripo at iba pa. Bumili rin ako ng bagong ref at mga matitingkad na kurtina para sa mga bintana.
Nasanay na ako na mag-isa sa bahay. Subalit kahit na sanay ay hindi ko parin malimutan ang huling pag-uusap namin ni Felix.
Binalikan ko ng tingin ang dagat ng makaahon. Kung wala akong ginagawa ay ginugusto ko nalang na mag isa dito sa dagat. Nakakawala ng maraming iniisip ang ginaw ng dagat sa aking balat.
Bumalik ako sa sun lounger para balutin ang sarili ko sa towel na dala. Ito lang ang tanging resort na pinupuntahan ko sa tuwing wala kaming pasok at ngayon napadalaw ulit dahil malapit na ang graduation namin.
Nahirapan na ako magkaroon ng kaibigan pero kilala ako ng iilan ngunit mas pinili ko nalang na idistansiya ang sarili ko. Simula noong mangyari iyon sakin ay naging iba na ang kilos ko. Hindi na katulad ng dati.
Mas gusto ko na pagtuonan ng pansin ang mahahalagang bagay. Ang makapagtapos ng pag-aaral. Ang matapos ang projects ko. Hindi na ako sumasama kung mag-outing man ang mga kaklase. Mas gugustuhin ko na umuwi at maglinis ng bahay.
Somehow, I find peace being alone. But I never feel to be comfortable again. Kasi ang tao na iyon ay wala na sakin.
Iyong mga nangyari noon ay nanatiling bangungot, nanatiling ala-ala na ayaw kong maalala.
Tumunog ang aking cellphone at napangiti ako ng makita ang pangalan ng caller.
Binalot ko ang tuwalya sa katawan at pumunta sa side resto nila na nakaugalian kong' kainan ng cordon bleu.
"Hello Armando?" napangiti ako at umupo sa paborito kong pwesto.
May nag entertain agad na waiter sakin at alam na nila ang palagi kong' kinakain.
"The usual parin ba miss Ganda?" nakangiting wika ng kanilang waiter. Ngumiti ako at tumango.
"Yes please. Tsaka isang wine na rin, yung' sparkling."
"Right away miss Ganda."
"How's school?" si Armando sa kabilang linya. Nang ilang araw na makabalik ako sa bahay ay nakita ko agad si Armando. Alam ko na malaki ang naging parte niya sa buhay ko. Kahit na sa mga alaala ko noon. Paano kaya kung siya nalang ang minahal ko kaysa kay Felix? Ano kaya kami ngayon?
Magiging ganito pa ba ako?
Tinanong ko noon si Armando kung bakit ngayon lang siya nagpakita sakin? Nalaman ko na pinagbantaan raw siya ni Felix na huwag lalapit sakin. Kahit gustuhin niya ay ayaw rin ni kuya na lumapit siya sa akin.
"Fine. Malapit na ang graduation ko. Saan kaba?"
Huminga siya ng malalim."We're having a mission last night. I'm tired." aniya. Nandoon siya sa Manila para sa kanyang trabaho. "But I'm here in Samar right now. Turn around please."
HUH?
Hinanap ko siya at nakita kong nasa hallway siya mula sa main ng resort! Naka pamulsa ang isang kamay at may hawak na cellphone ang isa. Napangiti ako at kumaway sa kanya. Lumapit siya sa sakin at hindi ko maiwasan na punain ang katawan niya. Naaalala ko si Felix sa kanya.
Swerte ng babaeng mapapaibig ni Armando. Kung hindi ako nagkakamali ay marami nang' nagkakandarapa sa kanya kahit mga modelo sa ibang bansa.
"Checking me out huh?" he said at umupo. Agad siyang dumagdag ng iilan pang pagkain.
"Gutom ka ba? Ang dami mong inoder." at pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkain na nasa mesa namin.
"That's all for you. Pumapayat ka lalo."
Napanguso tuloy ako at tinitigan ang aking katawan na nakabalot sa tuwalya. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi lag ito ang unang pagkakataon na maramdaman ito. Napapikit ako at napakuyom ng kamay.
"I'm sorry." sinabi niya at hinawakan ako sa kamay.
"Ayos lang ako." sabi ko." Magbibihis muna ako."
"I'm sorry." aniya at seryoso ang tingin sakin. Tipid akong tumango sa kanya at nagbihis muna sa CR dito bago siya binalikan.
Hindi parin maalis alis sa sistena ko ang biglaang mataranta minsan.
"Ad, gusto mong magpagamot muna?" alok sakin ni Armando. Umiling ako dahil nagpapakunsulta naman ako sa dating doctor na nag aalaga sakin ng nasa puder ako ni Felix.
Alam ni Armando ang nangyari sakin kaya minsanan na lang siya makapunta sakin dahil sa sinisisi niya rin ang kanyang sarili. Nalulungkot ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganoon. Pero tapos na ang lahat.
Felix killed them all. Hindi ako pabor na pumapatay ng tao si Felix pero sa punto na ito ay hindi ako aapila lalo na sa mga nangyari.
Wala akong balita kay Bloom. Ang hulig alam ko ay buntis siya at nakunan dahil rin sa nangyari noon.
Ang daming apektadong tao dahil sa nangyari noon. Hindi lang ako ang may malagim na nakaraan. Hindi lang ako ang nagluluksa at nalulungkot.
Wala rin akong balita kay Felix. Pero minsan ay pakiramdam ko ay nandiyan lang siya. O baka umaasa lamang ako na ganoon. Pero ang totoo ay umalis na siya at bumalik ng Manila?
Pero sabi niya ay dito lang siya? Ni isang beses simula ng iwan ko siya ay hindi ko na siya nakita. Kahit minsan ko na nakikita sila Borge dito . Maging sila Karen at Tita Korina ay nakikita ko.
Hindi ko alam kung alam ba nila ang nangyari sakin? It doesn't matter. Ang importante sakin ngayon ang pag aaral ng mabuti at maging guro.
Hinatid ako ni Armando pabalik sa bahay. Nang nasa labas na kami ng bahay ay hindi muna ako lumabas ng kanyang sasakyan. Ito na naman ang pakiramdam ko na mag iisa na naman ako sa bahay. Nakakalungkot . Nalulungkot ako pero kailangan ko maging matibay.
Una, sarili ko lang ang mayroon ako ngayon. Ayoko nang dumipende sa isang kaibigan. Nadala na ako noon ay Karen. Kay Bloom. Na hindi lahat ng kaibigan ay nagtatagal. Kailangan ko maging matatag at antayin si kuya kahit walang kasiguraduhan kung magkikita pa kami.
Unti-unti nang dumudilim ang paligid. "P-Pasensiya kana kung...hindi parin kita mapapasok. H-Hindi pa talaga ako s-sanay."
Huminga siya ng malalim at tumango. "I understand Addelyn." nakita kong' humigpit ang hawak niya sa steering wheel.
Napalunok ako. "Kung hindi lang ako pumayag sa gusto noon ng kuya mo na layuan ka, sana alam ko. Sana hindi nangyari ito." buong buo ang boses niya ngunit punong-puno ng diin. I closed my eyes tight.
I nodded while my eyes were still closed. I'm still lucky coz' I have them. They care too much for me. Ang swerte ko parin.
And for the last time he hold my hand. Tinitigan ko iyon at kahit na nanginginig ang kalamnan ko ay hinayaan ko siyang hawakan ako.
"You know that I will never hurt you." he said. Dumaloy ang aking luha ng lubusang pinagsiklop ang kamay naming dalawa.
"I love you Addelyn. I love you." he whispered. "Please marry me if you are ready. I will protect you no matter what."
Kinagat ko ang labi. Hindi ko alam ang aking isasagot.
"I will wait. We don't have to rush things."
"Thank you Armando. Thank you."
Sa kabila ng nangyari ay swerte parin ako sa mga taong nandito para sa akin at sa pagkakataon na maaabot ko parin ang aking pangarap. Na kahit man sugatan ang aking pagkatao ay hindi iyon naging hadlang paa isuko ko ang aking pangarap.
How funny that, I still love him. I'm still inlove with him. Mahal ko siya sa paraan na alam kong ikakabuti naming dalawa. Ang pagmamahal ko ay hindi na magbabago pero ang pagmamahal na ito ay nakuntento lamang na kahit hindi kami nagkakatagpo ay alam ko... na siya parin ang nasa puso ko.
Mahal ko siya sa pamamagitan na magkalayo kaming dalawa at hindi pipilitin pang' maging magkasama.