APAT na araw pagkatapos ng hindi inaasahang pagdating ni Lexi at Clara sa buhay ni Alekos ay naggawa na niyang pumasok sa trabaho. Kahit gusto pa sana niyang maglaan pa ng oras para sa mag-ina niya, malaki rin ang responsibilidad niya bilang Presidente at CEO ng Jason Shipping. Marami ang trabahong natambak sa kanya ngunit hindi iyon dahilan upang hindi niya maisip ang anak at kahit ayaw man niyang isipin, pati na rin si Clara.
Gusto ni Alekos na mag-concentrate pero sa tuwina ay lumilitaw na lang ito basta sa isipin niya. Ginugulo siya nito. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa natatakot siya na baka takasan siya nito o baka talagang nagbabalik lang talaga ang damdamin niya rito sa kabila ng lahat ng mga galit. Pero gusto niyang kumbinisihin na baka hindi iyon takot. Gusto niyang pagkatiwalaan kahit papaano si Clara. Isa pa, alam rin niya na mahihirapan itong tumakas kung gugustuhin man nito dahil sinigurado niya sa mga tauhan na bantayan ito nang maigi.
Hindi madalas na maagang umuwi si Alekos sa trabaho ngunit ngayong araw ay ginustong niyang gawin iyon. Na-miss na niya si Lexi. Binilhan niya pa ito nang pasalubong pag-uwi at nakita niya ang saya sa mukha nito nang makita iyon.
“Wow! Bagong teddy bear. Thank you so much po, Daddy!” niyakap siya ng anak at pagkatapos ay niyakap rin ang teddy bear. Hinalikan naman niya ang anak. Nakaramdam siya nang saya sa kaalaman na araw-araw niyang makikita na ganoon ang kanyang anak. Sasalubungin siya nito at maglalambing sa kanya sa pagdating. Pero bukod sa makita ang anak sa ganoong itsura, may isa rin na naisip si Alekos na gusto niyang makita sa tuwing dadating siya mula sa trabaho. Gusto niyang makita si Clara. Inaantay siya. Nakangiti sa kanya. Yayakapin rin siya kagaya ng anak at higit sa lahat...hahalikan.
Ngunit kaiba iyon sa nadatnan ni Alekos. Nakita nga niya si Clara pero hindi ito nakangiti sa kanya. May lungkot siya na nakita sa mukha nito na bahagyang ipinagtaka ni Alekos. Anong dahilan kung bakit malungkot ito? Ngunit bago niya pa maggawang tanungin ito ay niyaya na siya ni Lexi na makipaglaro rito. Inuna niya ang anak dahil pagkatapos ng lahat, kaya lang naman talaga niya pinakikisamahan si Clara ay dahil na rin rito.
Hanggang sa matutulog na si Lexi ay hindi nito ginustong malayo sa kanya. Sabay nila ito na pinatulog ni Clara at hindi kagaya nang mga ginagawa ni Clara noong nakaraan kung saan sinasadya nito na mas maunang matulog kaysa kay Lexi upang hindi niya makausap ito. Nang maramdaman nito na tulog na si Lexi ay nauna pa na umalis sa kuwarto kaysa sa kanya. Sinundan niya ito at nakitang dumiretso ito sa kusina. Mula roon ay may ipinasok itong kahon na nasa lamesa sa ref.
“Ano `yan? `Yan ba `yung cake na ginawa mo kagabi para sa Papa mo?” hula ni Alekos.
Nilingon siya ni Clara. Sandaling tinitigan muna siya nito, mukhang nag-aalinlangan kung sasagutin siya ngunit maya-maya ay nakayuko na tumango.
Lumapit si Alekos rito. “Hindi mo ba naibigay sa Papa mo ang cake?” hindi naman niya pinaghihigpitan ang mga tauhan upang pagbawalan si Clara kung may nanaisin itong gawin. Kung may ipapadala ito o kung may gusto itong bisitahin ay puwede naman nitong gawin basta kasama ang mga tauhan niya. Naiintindihan naman niya ang pagmamalasakit nito sa pamilya nito.
Umiling si Clara. “Naibigay ko. Pero i-ibinalik niya.”
Kumunot ang noo ni Alekos. “Bakit?”
Hindi umimik si Clara. Nanatili lamang na nakatitig sa hindi ibinalik na cake.
“Baka dahil hindi masarap?” biro niya kay Clara.
Naningkit ang mga matang tumingin sa kanya si Clara. At sa gulat niya ay lumambot na lang iyon at biglang umiyak. Tila may kumurot sa damdamin ni Alekos sa nakitang anyo nito.
“I-I’m sorry. Niloloko lang naman kita,” na-guilty si Alekos.
“N-no. Hindi naman dahil doon...” patuloy pa rin na umiiyak ito pero sinusubukan na nitong punasan ang mga luha.
“Kung ganoon, ano iyon?” gusto niyang aluin si Clara. Gusto niyang mapatahan agad ito dahil hindi niya makaya na makitang umiiyak ito. Ilang beses na rin naman siyang nakakita ng mga umiiyak na babae---partikular dahil na rin sa kanya. Ngunit hindi iyon nagbigay sa kanya ng ganoong epekto kagaya ng nakikita kay Clara.
Umiling si Clara. “Ayaw kong pag-usapan.” wika nito saka inilagay na nang tuluyan sa ref ang hawak na cake. Iniwan na rin siya nito pagkatapos.
Lalong kumunot ang noo ni Alekos. Gusto niyang magtanong ng mga dahilan kung bakit pero parang unti-unti na siyang nagkakahinala kung ano iyon.
Sa tuwing nauungkat niya kay Clara ang tungkol sa pamilya nito, palagi nitong sinasabi na hindi nito gustong pag-usapan ang tungkol roon. Isa lang ang ibig sabihin noon: may problema si Clara sa pamilya nito.
Inalala ni Alekos ang mga nangyari. Naalala niya ang pagkikita nila ni Mr. Navarro sa kasal ng isa sa mga kasamahan sa negosyo at ang reaksyon ni Clara nang tanungin niya ito nang humingi ito ng tulong sa kanya nang ma-kidnap si Lexi.
“Matagal ka na naming nilimot. Hindi mo pa ba naiintindihan ang mga iyon? You dishonoured the family name. Wala akong anak na disgrasyada at dahil doon, wala ka ng aasahan sa akin. Hindi ko gustong tulungan ka!”
“Hindi nila ako kayang tulungan.”
Umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isip niya. Nanginig siya. Hindi kaya---?
Naalala rin ni Alekos ang mga sandali kung saan nagreklamo si Lexi na maliit lang ang bahay na tinutuluyan ng mga ito at ni Clara dati. Ang mga dahilan kung bakit nahirapan itong harapin ang mga kidnappers...
Tumiim ang mga bagang ni Alekos sa mga naisip na posibilidad. Kinuha niya ang cell phone niya pagkatapos ay tinawagan ang kilala niyang private investigator.
“Kailangan kong malaman ang lahat ng nangyari kay Clara Navarro at sa pamilya nito sa mga nakalipas na anim na taon. Kailangan ko ang impormasyon sa lalong madaling panahon.”
Hindi naman siya binigo ng private investigator. Ilang oras pagkatapos niyang mag-utos sa private investigator ay may naibigay agad itong impormasyon sa kanya.
“B-bakit madali mo lang na nakuha?” naggawa niyang itanong rito. Gising pa siya dahil hindi rin siya makatulog sa kaiisip ng mga posibilidad sa mga nangyari kay Clara.
“Kilala ko po si Mr. Navarro, Sir. At hindi naman po sikreto na pinalayas na po niya ang anak na babae sa buhay niya pagkatapos po na mabuntis ito ng---“
Hindi na pinagpatuloy ni Alekos ang pagsasalita ng imbestigador. Tinapos na niya ang tawag. Nanghina siya sa mga nalaman.
Namuhay si Clara na mag-isa sa loob ng anim na taon. Pinabayaan ito ng pamilya nito. Itinakwil sa kabila ng kondisyon nito. Paano naggawa ni Clara na maka-survive sa loob ng mga taon na iyon? At paanong naggawa iyon ng pamilya nito sa kanya?
Napakasama ng mga nangyari. Kahit hindi iyon naranasan ni Alekos, naramdaman na rin niya ang sakit. Maraming tanong rin ang mga pumasok sa isip ni Alekos. Isa na roon ay kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang mga nangyari rito...
Lalo pang sumama ang pakiramdam ni Alekos nang maisip na maaari rin na may kasalanan siya. Pagkatapos ng nakitang pagtatago sa kanya ni Clara ng totoong estado ng buhay nito ay hindi na niya pinili na pakinggan ito. Sinukuan na niya ito. Hindi na siya nakibalita rito. Hindi niya naggawang makinig rito...
Naiinis si Alekos sa mga naramdaman. Hindi niya gusto ang mga nalaman, ang mga nangyari sa nakaraan, ang naggawa. Ngunit ganoon pa man, ipinangako ni Alekos sa sarili na gagawa siya ng paraan upang hindi na muli masasaktan si Clara o ang anak man niya. Ipinapangako niya na kahit sino man ay wala na rin ang magagawang manakit sa mag-ina niya.
NAGULAT si Clara nang dumating ang weekends ay niyaya siya ni Alekos na lumabas. Mas nagulat pa siya nang hindi nito pinasama sa lakad nila si Lexi nila. Sa halip, inihatid nila ito sa bahay ng kapatid nitong si Cristiano upang makalaro ang mga pinsan nito roon. Kasalukuyan rin na nasa bahay ang anak ng bunsong kapatid ni Alekos na si Daimon na si Jaysen. Tila naramdaman naman agad ng mga ito na magkakadugo ang mga ito dahil naging madali para sa mga ito ang magkasundo. Masaya si Lexi na magkaroon ng mga bagong kalaro. Masaya at wala rin itong reklamo ng iwan nila ito roon.
Si Clara, sa kabila ng hindi gustong mawalay sa anak ay nakaramdam rin naman ng kasiyahan na may lakad sila ngayon ni Alekos na sila lamang. Pakiramdam niya ay bumalik sila sa dati---dating. Sa kabila ng lungkot na naramdaman sa mga nakalipas na araw dahil sa rejection na natanggap na naman muli sa kanyang ama, tila nabawi naman ang lahat ng mga iyon sa nangyari ngayon. Gusto niya ang pakiramdam na lumabas sila ni Alekos at ramdam niya na hindi masama ang intensyon nito sa ginawa nitong iyon. Patunay na roon na maganda ang ngiti nito habang nagda-drive. Hindi nito pinasama ang driver nito sa lakad nila na lalo lamang nakapagpa-intimate ng sitwasyon nila. Ayaw sanang isipin ni Clara na ganoon dahil mas gusto niyang lumayo kay Alekos. Ngunit sa tuwing ginagawa naman niya ay nakakaramdam siya ng kakaibang saya sa puso niya kaya hindi rin niya mapigilan. Lalo na ngayong ramdam niya na hindi na kagaya si Alekos nang muli silang magkita. Hindi na niya nararamdaman na galit ito sa kanya. Ikinagulat niya iyon dahil kahit papaano, naiintindihan niya si Alekos. Malaking bagay ang ipinagkait niya rito. Hindi siya umaasa na maging mabait ito sa kanya, ang mapatawad siya kaagad nito, lalo na at hindi pa nga niya sinunod ang kagustuhan nito.
Dinala siya ni Alekos sa isang shooting range. Kagaya nang pakiramdam na gusto nitong mapag-isa silang dalawa, naging malaking gulat rin sa kanya ang pagdala nito sa kanya roon.
“Bakit dinala mo ako rito?”
“Gusto ko na matuto kang gumamit ng baril,” simpleng sagot lang ni Alekos. Lumabas ito sa driver seat at umikot papunta sa kanya upang pagbuksan siya ng pinto. Inilahad nito ang kamay nito sa kanya upang alalayan siyang makababa. Dahil sa nakakakuryenteng pakiramdam na dulot ng pagkakahawak ng mga kamay nila ni Alekos, naitabi ni Clara ang kanyang mga pagtataka. Pagkatapos ng lahat, kung ano an ang dahilan ni Alekos kung bakit gusto nitong matuto siya noon ay balewala na sa kanya basta manatili lamang ang saya na nararamdaman niya ngayong magkasama sila.
Binati sila ng lalaking instructor ng shooting range at nagsagawa ng ilang briefing. Nakinig nang mabuti si Clara habang si Alekos naman ay hindi na iyon pinakinggan. Inisip niya na kaya ganoon ay dahil eksperto na ito roon. Pagkatapos ng lahat, makapangyarihan itong tao. Kailangan nito na matuto ng mga self-defense kahit na ba madalas ay pinapalibutan rin ito ng mga bodyguards.
Nang mag-actual practice na sila ay kinausap ni Alekos ang instructor. Nagpaalam si Alekos na gusto nitong siya ang maging instructor sa actual practice. Pumayag naman ang instructor dahil kilala naman nito si Alekos at alam nitong may sapat rin na kaalaman ang lalaki roon.
“Hindi mo na dapat ginawa iyon. Trabaho nila ang turuan ako,”
Umiling si Alekos. “Kapag tinuruan ka niya sa actual practice, ibig sabihin lang noon ay lalapit at hahawakan ka niya. This thing needs a lot of touching. Closely. At ayaw ko nang ganoon. Ayaw ko na makitang may isang lalaki na lumalapit sa `yo nang ganito...” wika ni Alekos at hinawakan ang mga kamay niya at awtomatikong pinalakas pa noon ang tibok nang puso niya na malakas na rin ang tibok sa kaalaman na nasa paligid lamang ito.
Still possessive as ever, nasa isip-isip ni Clara. Pero sa halip na mainis dahil wala naman silang masasabi na relasyon ni Alekos ngayon, nakaramdam pa ng saya si Clara na ganoon ang ginagawa ni Alekos. Ayaw siyang pahawakan nito sa ibang lalaki. Ibig sabihin lang noon ay pinapahalagahan siya nito.
Inalalayan siya ni Alekos na makuha ang tamang posisyon upang maging maayos ang unang subok niya sa pagbaril. “Put your hand over your shoulder,” wika nito habang inilalagay sa tamang puwesto ang kamay niya.
Sinubukang makinig ni Clara sa instructions ni Alekos. Ngunit habang magkalapit ang mga katawan nila, lalo na ang mga mukha nila habang ipinupuwesto ang baril ay nagulo si Clara. Sa halip na mag-concentrate sa ginagawa, mas nakapag-concentrate siya sa seryoso pero napakaguwapo pa rin na mukha ni Alekos. Hindi pa niya mapapansin ang ginagawa kung hindi pa kumunot ang noo ni Alekos at sinita siya.
“Hey, hindi ako ang target mo. Huwag kang tumitig sa akin,” takang wika nito ngunit maya-maya ay unti-unti rin na sumilay ang ngiti.
Ikaw ang target ng puso ko at umaasa ako na sana ma-bulls eye din ako diyan sa `yo! Gusto sanang sabihin ni Clara ngunit pinigilan niya ang sarili. Nakakahiya! Namula ang pisngi niya at pinilit na mag-concentrate na sa totoong kanyang target. Pinilit niyang kalmahin ang katawan niya at hindi na umasa pa sa kanyang puso dahil palaging magulo iyon basta si Alekos ang nasa paligid. Matagal-tagal rin niyang nakuha ang tamang kilos sa basic ng pamamaril kaya matagal rin na magulo ang damdamin niya. Ngunit kung gulo talaga iyon, iyon na siguro ang gulo na nanaisin niyang maranasan habang buhay.
Nang matapos sila ngayong araw sa lesson ng basic shooting, doon lang niya naggawang tanungin si Alekos.
“Salamat sa pagdala mo sa akin dito. I enjoyed a lot. Pero puwede ko bang tanungin kung bakit mo ito ginawa?”
Hinawakan ni Alekos ang pisngi ni Clara. “Dahil gusto ko na maging malakas ka, Clara. Para kapag may nangyari pa na masasamang bagay sa `yo, makakaya mong lampasan iyon kaysa dati. Sa susunod ay dadalhin rin kita sa iba pang centers upang matuto ka naman ng self defense at---“
Kumunot ang noo ni Clara. “Bakit gusto mo na maging malakas ako? Na matuto ako na lumaban para sa sarili ko?”
“Puwede kitang i-hire ng bodyguards pero iba pa rin kapag may sarili kang lakas. You’re a part of me now. I’m a powerful man and known as a ruthless businessman. Hindi miminsan na nakatanggap ako ng mga death threats kaya kailangan ko rin na protektahan ang sarili at pamilya ko. Alam ko na mahihirapan ako na hindi ka masaktan sa pang-emosyonal na aspeto. Minsan ay mahirap kontrolin ang sarili ko at madalas ako na nakakagawa ng mga pagkakamali. Pero gagawin ko ang lahat upang kahit sa pampisikal na aspeto ng mga sakit ay masiguradong hindi ka na maagrabyado.”
Kumurap-kurap si Clara. “Ibig sabihin ay hindi mo ako gusto na masaktan?”
Tumango si Alekos.
Umiling-iling si Clara, naguluhan. “Pero bakit? Nakagawa ako nang malaking kasalanan sa `yo. Itinago ko sa `yo si Lexi...ipinagkait ko sa `yo ang maraming taon---“
“Na ipinagtataka ko pa rin naman kung bakit. Pero alam ko na ang lahat ng nangyari sa buhay mo, Clara. I hope you don’t mind but I had you investigated. Hindi ko nagustuhan ang lahat ng nalaman ko, lalo na ang tungkol sa pamilya mo.” Tumiim ang mga bagang ni Alekos. “Hindi ko maggawang maisip na pinagdaanan mo ang lahat ng iyon...”
Bumuntong-hininga si Clara, ang paraan niya upang alisin ang lahat ng mga alaala.
“N-nakaraan na iyon. Hindi ko na sana gustong pag-usapan pa. Pagkatapos ng lahat, naging maayos naman ang buhay ko sa kabila ng pagtakwil nila sa akin. I survived. Hindi man naging kagaya ng dati ang buhay ko ngunit ang mahalaga ay naging maayos kahit papaano ang pamumuhay ko.”
Walang tumanggap kay Clara pagkatapos ng pagtatakwil sa kanya ng mga magulang. Dahil hindi naman nila mahal ni Jeffrey ang isa’t isa, hindi rin siya nito tinulungan. Naging negative para rito at sa pamilya nito ang nangyari sa kanya. Kagaya ng mga magulang, hindi siya nito tinanggap at minabuti na lamang na balewalain ang engagement. Ngunit sa kabila ng lahat, itinuturing pa rin ni Clara na masuwerte siya dahil pagkatapos siyang palayasin ng mga magulang ay nakahanap siya ng trabaho. Nakatapos siya ng kursong HRM at hilig niya ang baking. Nag-apply siya sa isang malaking coffee shop bilang pastry chef at natanggap naman siya sa kabila ng kondisyon niya. Suwerte rin na hindi maselan ang pagbubuntis niya kay Lexi kaya hindi naging komplikado ang buhay trabaho niya. Nang dalawang taon na si Lexi ay medyo nakaluwag-luwag na siya sa gastusin kaya naggawa na niyang mag-ipon. Doon niya sinimulan na itayo ang sariling negosyo: isang made-to-order cake online shop. Iyon ang naisip niyang business dahil na rin sa background ng pamilya niya sa ganoon rin na business. Naging mabenta iyon dahilan upang lalo na maging masaya si Clara roon. Mas ninais rin niya iyon kaysa sa dating trabaho para mas makasama niya ang anak na noong bagong panganak ay madalas na pinaalagaan lang din niya sa kapitbahay niya para makapagtrabaho.
Tumango-tango si Alekos. “Naiintindihan ko,” wika nito saka sa gulat niya ay niyakap siya nito. “At nang dahil doon, pakiramdam ko ay unti-unti ko ng natatanggap. Mahirap man na intindihin pero ramdam ko na may kasalanan rin ako. Hindi ko ginustong makita ka pa muli, ang makibalita tungkol sa `yo o sa nangyari sa pamilya mo. Hindi ko nalaman ang napakasakit na naranasan mo na alam ko na naranasan mo ng dahil sa akin. Dahil kay Lexi. Binalewala ko ang pagpapaliwanag mo. Pati na rin ang sulat mo.
“But you’re here, trying to give your best for her. Sa kabila ng lahat, mas pinili mo siya kaysa sa pamilya mo. Hindi ka sumuko at sinubukang ibigay ang lahat sa kanya kahit siya ang pinakadahilan kung bakit naggawa iyon sa `yo ng pamilya mo. Pakiramdam ko ay nabawasan ang sama ng loob ko. Naging masakit sa `yo ang lahat, Clara. Naging malaki ang pinagdaanan mo---probably, mas masakit pa kaysa sa sakit na naramdaman ko nang ipagkait mo sa akin si Lexi. At nang dahil doon, nagkaroon ako ng pakiramdam na hindi ka na dapat masaktan pa dahil sa lahat ng mga sakit.”
Pakiramdam ni Clara ay natunaw siya sa lahat ng sinabi ni Alekos. Hindi niya inaasahan na marinig iyon mula kay Alekos. Sa nakalipas na taon ay nasubaybayan niya ang buhay nito. He remained the playboy he once be. Naging tuso rin ito sa negosyo. Hindi maganda ang ugali nito at kapag may sumusubok na lumaban rito, kahit kailan ay hindi nito inisip ang mararamdaman ng mga ito. Kailangang ito ang manalo kahit na ba may masaktan ito. Pero ngayon...sa kabila ng naggawa niya rito ay mabilis lamang siya na naintindihan ito.
Pagdating sa kanya, ramdam niya na may puso si Alekos. At sapat ng dahilan para kay Clara iyon upang maging masaya at hindi na magsisi sa desisyon na paglapit niya rito. Sa kamay ni Alekos, pakiramdam niya ay ligtas siya.
Hindi kagaya ng iniisip ng mga magulang niya, hindi ito kontrabida. Hindi rin ito masama at sasaktan lang siya kagaya nang inisip niya nang makita niya ito sa tagpong nakapagpabago ng buhay niya. Nagkamali siya ng akala kay Alekos. He really cared for her.
Masaya si Clara sa isinisigaw ng puso niya na may nararamdaman pa rin siya kay Alekos pagakatapos ng lahat.
CHAPTER SIX
“ANONG ginagawa mo rito?” inunahan na ni Clara si Alekos sa pagsasalita nang maramdaman niya ang presensiya nito habang nasa kusina siya. Alas onse na ng gabi at kasalukuyan siyang nagba-bake dahil may order siya ngayon ng cake.
“Dapat ay ibinabalik ko sa `yo ang tanong na iyan. Its late. `Wag mong sabihin na gusto mo pa rin suyuin ang Papa mo kahit tapos na ang kaarawan niya?”
Umiling si Clara. “Nagtatrabaho ako. Kailangan kong ipa-deliver ang mga cupcakes na ito bukas ng umaga.”
Tumaas ang isang kilay ni Alekos. “Bakit pa? Hindi mo na kailangang magtrabaho. I can provide you and Lexi all the things you need.”
Tinitigan niya si Alekos. Ramdam naman niya iyon. Ngunit hindi niya gustong bitawan ang kanyang trabaho. “Gusto ko na kahit papaano ay kumikita pa rin ako. Ayaw kong umasa lang palagi sa `yo,”
Ngumisi si Alekos. “Hmmm... career-driven? Well, kung iyon ang gusto mo, wala akong magagawa roon. Ayaw kong kontrolin ka sa kung ano ang gusto mo.”
Ngumiti si Clara. Nagustuhan ni Clara na ganoon ang gustong gawin sa kanya ni Alekos. Simula nang itakwil siya ng mga magulang, hindi na siya naggawang kontrolin ng kung sino man. At kung may masasabi man siyang maganda tungkol sa ginawa ng mga ito, iyon na siguro iyon. Malaya siyang nagagawa ang mga bagay na gusto niya at gusto niyang manatili iyon sa ganoon. Sinubukan ni Clara na mag-concentrate sa kanyang ginagawa.
“So...can I help you?”
Tinaasan ng isang kilay ni Clara si Alekos. “Hindi ka naman marunong mag-bake.”
“Kung ganoon, turuan mo ako,” determinadong wika ni Alekos. Tinignan nito ang ginagawa niya. “What are you whisking?”
“Icing,” sagot niya rito kahit ayaw talagang i-entertain ni Clara ito. Nagugulo siya kapag nasa paligid si Alekos. Hindi siya makapag-concentrate. “Patapos na ako kaya I don’t think I need any help. Gabi na, magpahinga ka na. May pasok ka pa bukas---“ bago pa matapos ang sasabihin ni Clara ay bigla na lang dumukit si Alekos sa bowl na nilalagyan ng icing. “Alekos!”
Natatawang tinikman naman nito iyon at hindi nagpaapekto sa pagbabanta niya. “Sweet,” komento nito sa kabila ng masamang tingin na ibinigay niya rito. Pagkatapos ay dumukit muli ito at inilagay ang daliri nito sa bibig niya. “Ngayon naman ay tikman mo.”
Napatingin si Clara sa mga mata ni Alekos at pakiramdam niya ay nahipnotismo siya. Naggawa ni Alekos nang malaya ang pagpapatikim sa kanya ng icing sa pamamagitan ng pagsubo nito ng daliri sa bibig niya. Naibaba ni Clara ang hawak-hawak na bowl dahil sa ginawa nito.
Hilig ni Clara na tikman ang mga ginagawa niya at sa pagkakataong iyon, pakiramdam niya ay ang icing ang pinakamasarap na natikman niya. Hindi na lamang niya sigurado kung dahil na-perfect ba talaga niya ang ginagawa o epekto lang iyon ng pagsusubo sa kanya ni Alekos. Dahil rin kasi sa ginawa nito ay natikman rin niya ang daliri nito at natagpuan niyang nagbibigay iyon ng nakakakiliting sensasyon na dumaloy sa buong katawan niya. “S-sweet nga,”
Ngumisi si Alekos. Lalo lang iyong nagbigay ng kakaibang pakiramdam kay Clara. Dumukit muli si Alekos ng icing at tinikman muli iyon. Nanuyo ang lalamunan ni Clara nang may matira sa labi ni Alekos. Nagkaroon ng udyok sa loob niya na gustong tanggalin iyon...sa pamamagitan ng paghalik sa mga labi nito.
Pinagalitan ni Clara ang sarili. Wala silang relasyon ni Alekos. Wala itong sinasabi. Nakaramdam man siya ng saya sa ipinaparamdam nito sa mga nakaraang araw, hindi sapat iyon para bumigay na talaga siya ng tuluyan rito. Pero tila napakahirap pigilan ng sarili.
“There’s something on your lips---“
“Ne?” ngumisi muli ito na lalong nagpatahip ng puso ni Clara.
Tumango siya at sa gulat niya ay pinahiran rin nito ang labi niya ng icing. “Ngayon ay mayroon ka na rin. And I feel tempted to remove that sweet thing in the sweetest way possible, Clara...”
Natulala si Clara sa sinabi ni Alekos. Alam na niya kung ano ang gagawin nito at hindi rin niya maitatanggi na gusto niya na mangyari iyon. Iyon rin naman ang nasa isip niya `di ba? Paniguradong magugustuhan niya iyon kahit alam niyang gulo ang dala niyon. She was trying to concentrate on what she was doing. Pero si Alekos, ang temptasyon na mas nakakaakit pa kaysa sa isang sako ng tsokolate. Isang temptasyon na siyang pinakamahirap tanggihan sa lahat.
Hinalikan siya ni Alekos. Awtomatikong kumalat ang init sa katawan ni Clara. At hindi niya mapigilan na ibalik rin kay Alekos ang gusto nito na gusto rin niya. They shared a passionate kiss. Hanggang sa maramdaman niya na naging malaro ang mga kamay ni Alekos. Pumunta iyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan niya. Unti-unti rin na bumaba ang labi nito sa kanyang leeg hanggang makarating iyon sa kanyang dibdib.
Napaungol si Clara. She was enjoying every minute Alekos was doing it. Hindi man niya naranasan ang mga ganoon sa ibang lalaki kaya wala siyang mapapagkumparahan pero ang klase ng pakiramdam na ibinibigay sa kanya ni Alekos kapag ginagawa iyon ay higit pa sa sapat.
And she knew she wanted more. He wanted more, too. Ramdam niya iyon, lalo na nang buhatin pa siya nito upang ipatong sa kitchen counter. Lumalim ang mga halik nito at nahirapan si Clara na tanggihan iyon kagaya ng dati. Alekos was just simply irresistible.
“Y-you are supposed to be helping me, not distracting me...” wika niya sa pamamagitan
Naging mapaglaro ang ngiti nito. “Tinulungan naman kita. Tinulungan mo rin ako. Tinulungan natin ang isa’t isa. We let the fire burned into our body. At sisiguraduhin ko na magugustuhan mo rin ito at hindi mo na magagawang isipin ang ginagawa mo...”
Hindi na nakapagsalita pang muli si Clara. Hinayaan niya si Alekos sa kung anong gusto nito dahil gusto rin niya iyon.
Hanggang sa ipinosisyon ni Alekos ang sarili para pumasok sa kanya ay hindi na rin nakuha na magsalita ni Clara. Ang tanging naggawa na lang ni Clara ay ang pumayag sa pamamagitan ng pag-ungol sa ginagawa sa kanya ni Alekos.
“I want you more than I wanted any woman...” wika ni Alekos nang magtapos.
Hindi iyon ang gustong marinig ni Clara mula kay Alekos pero kahit papaano, masaya na siya roon. Maaaring sandali pa lamang ang lumilipas upang ma-develop siya nang ganoon kay Alekos pero masyadong matindi ang atraksyon niya rito. Ang atraksyon na akala niya ay nalimutan na niya ngunit ngayong nagkita sila muli ay tila mas lalo pang lumalim.
Ang atraksyon na bumalik muli sa pagmamahal.
Mali ang ginawa ni Clara. Parang inuulit lang niya ang nakaraan. Ibinigay niya kay Alekos ang sarili niya kahit alam niyang kagaya noon, wala na naman siyang kasiguraduhan rito. Mas matindi pa nga ngayon dahil walang kahit anong ipinangako sa kanya si Alekos. Maaaring mabait sa kanya si Alekos, itinuturing siya nito ng ayos pero hindi siya nito mahal. Wala rin itong binabanggit na handa itong manatili siya sa buhay nito habang buhay.
Ngunit may malaking bahagi ng isip ni Clara na sa kabila ng problema, ayaw niyang isipin iyon. Ayaw niyang isipin ang mga mali. Ang tanging gusto lang niya ay ang pagbigyan ang sarili, ang mahalin si Alekos kahit maaaring wala iyon na kapalit.
Kahit papaano ay sapat na sa kanya ang pinagsasamahan nila.
Sa ngayon.