Chapter Thirty-Two

“Bumalik na tayo sa yate! Bakit natin iiwan ang mga bata ro'n, ha?! Nahihibang ka na ba?!”

Alam kong ang lakas ng boses ko at napapatingin sa 'min ang ilang turista, pero naiinis na talaga ako.

“They don't want to come with us, we can't force them,” sabi naman ni Arken. Lalong napakunot ang noo ko.

“So, hahayaan na lang natin ang mga bata sa yate habang nandito tayo? Gano'n?!”

“Relax, Cad is with them. He's trustworthy,” pagpapakalma niya sa 'kin.

“Para sa 'yo trustworthy siya, pero para sa 'kin hindi! Bumalik na tayo sa yate, ngayon din!”

Sinubukan ko siyang hilahin pero hindi siya nagpatinag. Naiinis na napapadyak naman ako sa sahig at sinuntok ang braso niya, mukhang hindi naman siya nasaktan dahil nakatingin lang siya sa 'kin at hindi nagre-react.

“Saang lugar ba 'to?!” naiinis na tanong ko pa.

“Siquijor.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tila hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. Napakamot naman siya sa kilay niya.

“At bakit tayo nasa Siquijor?! Nababaliw ka na ba? Bumalik na tayo sa yate ngayon din!”

Naiinis na binitbit ko ang bag ko at akmang aalis nang hawakan ni Arken ang braso ko at kinuha mula sa 'kin ang bag.

“Jonalyn, napagod ako sa pangangampanya. I deserve to take a rest too, right? And it's awkward to enjoy this island all by myself, so I brought you with me,” sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napabuntong hininga ako nang mapatingin sa mga mata niya, halata nga ang pagod sa mga 'yon. Tama naman siya, deserve niya rin naman ang magpahinga at mag-enjoy.

Medyo nakokonsensya ako sa paninigaw ko sa kanya.

“Bakit tayong dalawa lang? Bakit hindi kasama ang mga bata?” tanong ko na lang saka napairap.

“They don't want to, you know that I tried my best to convinced them to come with us. They want to stay in the yacht, we can't force them to come with us,” paliwanag niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya.

“Jonalyn, if you don't want this, then fine, we'll head back,” sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

Muli akong napatingin sa kanya, tila nagsusumamo ang mga tingin niya, para bang nagmamakaawa siya sa 'kin sa pamamagitan ng mga tingin niya na samahan ko siya at 'wag ko siyang iwan dito. Napabuntong hininga ako.

“Sige na nga, pero kapag na-bored ako, babalik na tayo sa yate. Okay?”

Bahagya siyang napangiti sa sinabi ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Napaismid na lang ako at napaiwas nang tingin nang maramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

Nagpatianod na lang ako sa kanya. Napapatingin ako sa paligid habang naglalakad kami. Sa totoo lang maganda ang dagat dito sa Siquijor, paniguradong maraming magandang lugar na pwedeng puntahan dito. Ayoko lang sabihin kay Arken pero medyo na-e-excite ako. Ngayon na lang ulit yata ako nakapunta sa beach.

“Bakit kailangan nating magcheck-in sa hotel?” nanggagalaiting bulong ko kay Arken.

Hindi niya pinansin ang tanong ko at kinuha na lang ang susi ng silid namin sa receptionist.

“Bagay po kayong dalawa, Ma'am, Sir. Enjoy po kayo sa honeymoon niyo,” nakangiting sabi ng receptionist na tila kinikilig pa.

Akmang magsasalita na ako upang sabihin na hindi kami magh-honeymoon nang hilahin na ako ni Arken papasok ng elevator. Naiinis na sinuntok ko ang dibdib niya.

“Sagutin mo ang tanong ko, bakit kailangang magcheck-in tayo rito?!”

Napabuntong hininga si Arken at hinarap ako.

“Of course we need to, our bags are heavy, we can't always bring them with us,” paliwanag naman niya. Napataas na lang ang kilay ko.

“Ah, nagcheck-in tayo mamahaling hotel para lang may mapaglagyan ang mga bag natin, grabe, ang galing naman,” sarkastikong sabi ko.

Hindi na lang siya nagsalita at hinila ako palabas ng elevator. Binuksan niya ang pinto na may nakalagay na number 302 saka hinila ako papasok doon. Napaismid na lang ako at nagpatianod sa kanya.

Hindi ko maiwasang mamangha nang makapasok kami sa loob ng hotel room, hindi ko akalaing ganito kaganda ang hotel dito sa Siquijor. Hindi na nakakapagtaka kung bakit mahal ang bayad dito.

Inilapag ni Arken ang bag namin sa mesa. Pinanood ko lang siya habang naglalagay siya ng ilang damit namin sa isang bag at shampoo. Para saan naman ang mga 'yon?

Natigilan ako nang agad niyang hinawakan ang kamay ko nang matapos na siyang maglagay ng ilang gamit sa bag saka hinila ako palabas ng hotel room.

“Saan tayo pupunta? May lakad ka ba?!”

“Oo, may lakad tayong dalawa,” sagot na lang niya.

Nagrenta kami ng motor na gagamitin namin para sa paggagala buong araw, 350 lang ang bayad. Nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko, na-excite ako bigla.

“Here is the list of tourist attractions here in Siquijor, it's up to you where we go first,” sabi niya saka may ibinigay sa 'kin na parang catalogue.

Sinuotan niya ako ng helmet habang natingin ako ng pwede naming unahin na puntahan, hinayaan ko na lang siya.

“Wow, dito muna tayo pumunta, Arken! Old enchanted balete tree, sabi rito may super powers daw yung puno na 'yon,” sabi ko saka ipinakita sa kanya ang picture ng balete tree.

“It doesn't have super powers, the old tree is said to be spiritual or mystical, but I don't believe those things though,” sabi na lang niya habang sinusuot ang helmet niya.

“Hindi ka kasi lumaki sa probinsya kaya hindi ka naniniwala sa mga ganyan, totoo kaya 'yon, pati mga aswang.”

“Are you a kid?” tila nang-aasar na tanong niya. Agad ko siyang hinampas sa braso niya.

“Totoo kasi 'yon, sana magalit sa 'yo ang mga kapre at duwende para maniwala ka. Sana may kumulam din sa 'yo,” naiinis na sabi ko.

“Oo na, sige na, totoo na 'yon,” pagsuko niya habang natango pa.

Sumakay na siya sa motor. Napaismid na lang ako at umangkas sa likod niya at yumakap sa baywang niya. Halatang natigilan naman siya sa ginawa ko.

“Huy, okay ka lang?” tanong ko. Bakit para siyang kinuryente riyan?

Napatikhim na lang siya at pinaandar na ang motor. Mas lalo akong na-excite, curious ako sa balete tree na may powers daw kaya ro'n ko gusto unang magpunta.

Gusto ko sana na ako na lang ang magdrive, kaso hindi ko naman alam ang pupuntahan, si Arken naman mukhang alam na.

Kaunti na lang at iisipin kong planado niya 'to...pero sabagay, baka plano na talaga niya ang maggala rito sa Siquijor.

“We're here.”

Napasinghap ako at agad na bumaba ng motor, halos kusang bumuka ang bibig ko nang makita ko na sa personal ang sikat na balete tree rito sa Siquijor.

“Wow, ang laki naman,” tila namamanghang sabi ko. “Halika, Arken!”

Hinawakan ko ang bisig niya at hinila siya papalapit sa tubig na may mga isda. Napatingin ako sa batang katabi namin na ibinababad ang paa niya sa tubig, napatingin din naman siya sa 'min.

“Gayahin natin yung bata,” bulong ko kag Arken saka hinubad ang sandals ko, umupo ako at ibinabad ang mga paa ko. Umupo rin naman si Arken sa tabi ko at hinubad ang itim na flip flops na suot niya at ibinabad ang mga paa niya sa tubig.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit ang mga isda sa mga paa ko. Dali dali kong inangat ang mga paa ko nang maramdaman kong kinakagat nila 'yon.

“Arken, kinakain nila ang paa ko.”

Bahagyang natawa si Arken nang kumapit ako sa braso niya. Tiningnan ko naman siya nang masama at hinampas, nakailang hampas na yata ako sa kanya ngayong araw.

Humawak si Arken sa baywang ko at hinila ako ng mas malapit sa kanya. Hindi na lang ako tumutol dahil natatakot ako sa mga isda.

“Relax, they're just eating the dead skin of your feet. They are harmless,” sabi naman niya.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at muling inilublob ang mga paa ko. Magtitiwala ako sa kanya dahil mukhang nag-e-enjoy siya sa pagkagat ng mga isda sa paa niya.

“Arken, ang laki ng isdang 'yon, papalapit siya sa paa ko. Paano kung masugatan ako?”

Umakyat ang kaba sa dibdib ko nang tuluyan nang dumikit ang medyo malaking isda sa paa ko. Mas humigpit ang kapit ko kay Arken.

Lumuwag ang pagkakakapit ko sa kanya nang maramdamang hindi naman pala masakit kumagat ang isda. Napangiti na lang ako at hinayaan siyang kagat-kagatin ang paa ko.

PAGKATAPOS NAMIN sa balete tree, nagyaya ako na magpunta sa Cambugahay Falls na nakita ko rin sa catalogue, sabi kaunti lang daw ang taong napunta ro'n at tahimik kaya roon ako nagyaya.

“Ahh! Ang ganda!”

Napatili ako nang mapatingin ako sa magandang kulay ng tubig ng Cabugahay Falls. Mas maganda ito kaysa sa picture. Kulay asul na may halong kulay berde ang tubig at talagang malinis.

May ilan ding tao, siguro mabibilang lang sa daliri kaya mas lalo akong natuwa. Ayaw ko talaga sa mataong lugar, buti na lang at nagpunta kami rito.

“Jonalyn!”

Agad kong tinalon ang tubig nang makababa kami. Halatang nagulat si Arken at napasigaw pa dahil bigla na lang akong tumalon.

Napahagalpak ako ng tawa at lumangoy. Napatingin ako kay Arken na nakakunot ang noo habang nakatingin sa 'kin, tinawanan ko na lang siya.

“Halika na! Ang sarap lumangoy rito!” pagyayaya ko sa kanya.

Wala na siyang nagawa at hinubad ang t-shirt niya saka lumusong sa tubig. Lumangoy siya papalapit sa 'kin at humawak sa baywang ko.

Napatingin ako sa mga tao na nalambitin sa parang lubid saka tumatalon sa itaas. Napaawang ang labi ko habang nakatingin do'n.

“Arken, i-try natin 'yon!” excited na sabi ko at itinuro ang lubid. Napakunot naman ang noo niya.

“Baka kung ano pa'ng mangyari sa 'yo,” sabi na lang niya. Napaismid naman ako at humawak sa braso niya saka niyugyog 'yon.

“Sige na, hindi naman ako maaano riyan eh, maglalambitin lang naman tapos bibitiw na kapag tatapat na sa tubig. Sige na,” pamimilit ko sa kanya.

Sa huli, ako rin ang nasunod. Umakyat kami sa lalambitinan, pinanood muna namin ang mga nauna sa 'min. Mukhang masaya talaga 'to, first time kong maligo sa ganitong lugar eh.

Nakaramdam ako nang kaunting kaba nang ako na ang lalambitin. Akmang susugod na ako nang hawakan ni Arken ang braso ko.

“Be careful, I will demolish this place if something happens to you... not even a fucking scratch, Jonalyn,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Natawa na lang ako sa sinabi niya at mahinang hinampas siya.

“Wag ka ngang OA riyan, hindi naman ako mamamatay rito eh. Sige na, tatalon na 'ko!”

Hindi ko na siya hinintay at agad na nag-swing sa lubid.

“Ahhhh!”

Napasigaw ako nang bitiwan ko na ang lubid. Napahagalpak ako ng tawa dahil sa tuwa saka tiningnan si Arken mula sa itaas. Muli akong natawa sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin, para bang nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakatalon ako ng ligtas.

Lumangoy ako sa mismong falls at itinapat ang ulo ko sa tubig. Napatingin ako kay Arken na tumalon din saka agad na lumangoy papalapit sa 'kin.

“I almost had an heart attack because of your stunt,” tila nanenermong sabi niya.

“Wag ka ng KJ, halika rito sa tubig, parang ulan.”

Hinila ko si Arken palapit sa 'kin, sa ilalim ng falls. Natawa ako nang mapapitlag siya sa gulat dahil sa tubig.

“Ang cute mo minsan kahit ang tanda mo na,” natatawang sabi ko sa kanya.

Mas lalo akong natawa nang tingnan niya ako nang masama. Ayaw na ayaw niya talaga na sinasabihan siyang matanda kahit matanda na naman talaga siya.

Pagkatapos naming maligo sa Cabugahay Falls, nagtungo kami sa Capilay Spring park at butterfly sanctuary. Sobra akong nag-enjoy maghapon dahil ang ganda pala rito sa Siquijor, mas maganda kaysa sa inaasahan ko.

“Magsimba naman tayo,” sabi ko kay Arken pagkagaling namin sa butterfly sanctuary.

Siguro maganda rin ang simbahan nila rito, napanood ko noon sa TV ang isang simbahan dito sa Siquijor, nalimutan ko lang talaga ang pangalan.

Agad akong bumaba ng motor pagkarating namin sa simbahan. Akmang tatakbo na ako papuntang simbahan nang hawakan ni Arken ang kamay ko.

“You're still wearing a helmet, dummy,” sabi niya saka lumapit sa 'kin upang tanggalin ang helmet na suot ko.

Natigilan ako at napatitig sa mukha niya habang tinatanggal niya iyon. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya, pakiramdam ko bumagal ang oras habang tinatanggal niya ang helmet ko, bumibigat din ang hangin at nagdudulot 'yon ng kakaibang tensyon na hindi ko maipaliwanag.

“Hey, are you alright?” tanong niya.

Doon lang ako natauhan na natanggal na pala niya ang helmet. Napakurap na lang ako at agad na napaiwas ng tingin sa kanya saka tumikhim. Sana hindi niya nahalatang natulala ako sa kanya.

Bakit naman kasi ako natulala? Inaantok na ba ako?

Hinawakan ni Arken ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin bago ako hinila papasok sa simbahan. Hindi na lang ako pumalag at hinayaan siya.

“Baka masunog ka rito,” bulong ko nang makapasok na kami sa simbahan. Napakunot ang noo ni Arken saka tumingin sa 'kin.

“What did you say?” tanong niya. Natawa na lang ako at napailing.

Nagsimula na ang sermon ng pari. Taimtim akong nakikinig habang napapatingin kay Arken na mukhang nakikinig din.

“Huwag kang papatay, walang sinuman ang may karapatan na kumuha ng buhay na alay ng Diyos.”

Napatingin ako kay Arken at siniko ang tagiliran niya.

“Wag kang magulo, nakikinig ako,” sabi naman niya at kinuha na lang ang kamay ko saka hinawakan 'yon.

Aba, mukhang nagbabagong buhay na siya ah. Parang noon lang ni hindi niya alam ang mga ginagawa sa loob ng simbahan, noon, maski pags-sign of the cross kinokopya niya pa sa iba.

Lumabas na kami ng simbahan nang matapos ang misa. Doon lang ako nakaramdam ng pagod, parang nahigop yata ng araw na 'to ang lahat ng lakas ko. Pero sobrang worth it naman dahil aminin ko man o hindi, talagang nag-enjoy ako kahit pa si Arken ang kasama ko.

“Arken, nagugutom na 'ko,” sabi ko pagkapasok na pagkapasok namin sa hotel room.

“What do you want to eat?” tanong niya habang inaayos ang mga gamit namin.

“Basta seafood, tapos marami kasi gutom na gutom na 'ko. Um-order ka na lang ha, tinatamad na ako tumayo.”

“Okay.”

Basta na lang ako humiga sa kama at nagpagulong-gulong do'n. Ang lambot ng kama at ang bango, inaantok tuloy ako.

Napagdesisyunan kong magshower muna para hindi ako antukin. Si Arken naman ang sumunod pagkatapos ko.

“Wow, ang dami mong in-order, puro seafood.”

Excited na umupo ako sa upuan at agad na nagbalat ng hipon at tinikman 'yon.

“Wow, ang sarap ng timpla nila sa hipon. Paano kaya 'to?” tanong ko saka muling kumuha ng isang hipon at binalatan 'yon.

Nagtatakang napatingin ako kay Arken nang mapansing instant noodles lang ang kinakain niya. Agad na napataas ang kilay ko.

Kumuha ako ng alimasag at binuksan 'yon saka kinuha ang laman no'n. Lumapit ako kay Arken at inilapit ang pagkain sa bibig niya.

“Bakit instant noodles lang ang kinakain mo? Kainin mo 'to, masarap 'to, maniwala ka sa 'kin,” sabi ko saka ipinagduldulan ang laman ng alimasag sa kanya.

“No, I'm fine with this,” sabi na lang niya. Napaismid ako at mas lalong inilapit 'yon sa kanya.

“Kapag hindi mo 'to kinain, aalis talaga ako,” pananakot ko sa kanya.

Napakamot na lang siya sa kilay niya at isinubo ang alimasag. Napangiti na lang ako at napasuntok pa sa hangin. Achievement 'yon.

Ipinagpatuloy ko na ang pagkain. Natigilan ako at napatingin kay Arken nang mapansin kong natahimik siya.

“Arken, okay ka lang?”

Namumula ang mukha niya. Napaubo siya at dali daling nagtungo sa sink at iniluwa ang nasa bibig niya. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya saka inabutan siya ng tubig.

“Huy, ano'ng nangyayari sa 'yo?” nag-aalalang tanong ko habang tinatapik-tapik ko ang likod niya.

Muli siyang napaubo at pinahid ang bibig niya. Umakyat ang kaba sa dibdib ko dahil namumula ang mukha at leeg niya.

“D-dadalhin na ba kita sa ospital?”

Umiling naman siya at kinuha ang bag niya sa mesa at kumuha ng gamot do'n at ininom 'yon. Hinahabol ko lang ng tingin ang bawat kilos niya.

“I'm allergic to shellfish,” sabi niya saka napapikit nang mariin.

“Tanga ka pala eh! Bakit kinain mo 'yon?! Sana sinabi mo sa 'kin na allergic ka riyan!”

Napaiwas siya ng tingin sa 'kin saka muling uminom ng tubig.

“I have my medicine with me, and besides, my allergy isn't fatal,” sabi naman niya saka napahawak sa leeg niya na medyo namumula pa rin.

Bakit hindi ko alam na allergic siya sa seafood? Noong nagpunta kami nina Arkia sa Cebu noon, nakain naman siya ng seafood ah.

Pero sa pagkakaalala ko rin ay taga-balat lang siya ng kinakain namin ni Arkia noon.

Nangi-ngitngit ang kalooban ko, bakit hindi ko 'yon alam? Naiinis ako na hindi ko alam ang mahalagang bagay na 'yon tungkol sa kanya.

* * *

Nakatulog ako na hindi maalis sa isip ko ang katotohanang hindi ko alam na allergic sa seafood si Arken, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako naiinis.

Ang babaw naman yata kung kaiinisan ko 'yon, at para saan?

NAGISING AKO na wala si Arken sa tabi ko. Napatingin ako sa wall clock, 1 am pa lang pala. Bakit hindi pa natutulog si Arken?

Bumangon ako upang hanapin si Arken, naabutan ko siya sa may dining area habang nainom ng alak.

Hindi yata siya makatulog.

Hindi niya ako napansin dahil nakatalikod siya sa pwesto ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya, halatang natigilan siya nang makita ako.

“Bakit gising ka pa?” tanong ko sa kanya.

“Can't sleep.”

Napatango na lang ako tumitig sa kanya, mukhang maraming bumabagabag sa isip niya ngayon. Nakikita ko 'yon sa mga mata niya.

“Arken, hindi mo na kailangang gawin 'to.”

Natigilan siya sa sinabi ko. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang beer mula sa kanya at ininom 'yon. Isang lagok lang naman ang ininom ko at muli 'yong ibinalik sa kanya.

“Alam ko kung bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to para mapagaan ang loob ko, dahil kay Vaughn diba?”

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

“May galit ka ba talaga kay Vaughn? O talagang gusto mo lang manalo sa pagka-gobernador? Iniisip mo ba na kahinaan ako ni Vaughn?”

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa 'kin.

“O baka ginagawa mo 'to dahil naaawa ka sa 'kin, o baka dahil gusto mong bumawi sa kasalanan mo noon...o baka inaaliw mo lang ako para makuha mo si Vander.”

Napaiwas ako ng tingin sa mga mata niya matapos kong sabihin 'yon. Nanghihina ang mga tuhod ko, pero ayaw tumigil ng bibig ko sa pagsasalita.

Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit niya ginagawa 'to, dahil imposibleng wala.

Alam kong ginagamit niya lang ako.

“Bullsht.”

Natigilan ako sa sinabi niya at gulat na napatingin sa kanya. Napangisi na lang siya at muling lumagok ng alak bago muling tumingin sa mga mata ko.

Napasinghap ako nang hilahin niya ang upuang inuupuan ko papalapit sa kanya. Nanlambot ang mga tuhod ko nang halos magdikit na ang ilong naming dalawa dahil sa sobrang lapit niya sa 'kin.

“It's you that I want,” tila paos na bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Natahimik ako sa sinabi niya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko dahil sa intensidad ng titig niya sa 'kin.

“H-hindi ako naniniwala.”

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang paniwalaan na iyon ang dahilan niya. Masamang tao si Arken, pero hindi siya ganyang kababaw.

“Then don't, I'll just make you believe me.”

Napasinghap ako nang walang pasabi niyang hinawakan ang baywang ko at inangat ako saka iniupo sa mesa. Napakislot ako nang ibuka niya ang mga hita ko saka pumwesto sa pagitan no'n at hinila ako papalapit sa kanya. Napakapit ako sa balikat niya dahil sa pagkabigla.

“A-Arken.”

Sinubukan kong kapain ang nararamdaman ko. Bakit walang bahid ng pagtutol sa puso ko? Bakit parang hindi ako naiinis sa ginagawa niya?

Pakiramdam ko naririnig ko na ang tibok ng puso ko dahil sa lakas ng tibok no'n, parang kusa itong tumutugon sa mga ginagawa ni Arken.

Hindi ko alam ngunit kusang kumilos ang katawan ko at yumakap sa batok niya. Halatang natigilan siya nang dampian ko ng halik ang labi niya.

Napatitig siya sa 'kin dahil sa ginawa ko. Pakiramdam ko malulusaw ako sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin, parang may kakaibang enerhiya na humihila sa 'kin, hindi ko maipaliwanag.

“I'm not a gentleman, Jonalyn.”

Napapikit na lang ako nang tuluyan na niyang siniil ng halik ang labi ko, ngunit imbis na itulak ko siya at pigilan, yumakap pa ako sa kanya at tinugon ang halik niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.