Napagtanto ko lang yata ang katangahan ko nang sumapit na ang umaga.
Napatingin ako sa gwapong mukha ni Arken na natutulog habang nakayakap nang mahigpit sa 'kin. Napabuntong hininga na lang ako at sinubukang alisin ang matipunong braso niya pero agad niya iyong iniyakap ng mas mahigpit sa akin.
Paano ba ako makakaalis nito? Gusto ko ng maligo at makapagsuot nang maayos na damit. T-shirt niya ang suot ko ngayon, naiilang ako na maabutan niya akong ganito ang hitsura.
Sinubukan kong alisin muli ang pagkakayakap niya sa 'kin ngunit hindi na naman ako nagtagumpay. Napasapo na lang ako sa noo ko.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay ni Arken na bumababa sa pang-upo ko.
Agad kong hinampas ang braso niya, sabi na nga ba at gising talaga ang hinayupak na 'to!
“Arken, bitiwan mo ako kung ayaw mong tadyakan kita,” pananakot ko na lang.
Bakit ba kasi nagpadala ako sa init ng katawan kagabi? Oo nga at gwapo siya, maganda ang katawa, at mabango rin, pero hindi naman sapat na dahilan 'yon para bumigay na lang ako basta.
Ano ba kasi ang nakain ko at hinayaan kong may mangyari sa 'min ulit? Nahihibang na yata talaga ako.
Impit na napatili ako nang pumaibabaw sa 'kin si Arken. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Pilit kong pinigil ang paghinga ko.
Paniguradong hindi maganda ang amoy ng hininga ko, nakakahiya kapag naamoy niya.
“Matapang ka na ngayon?” nakangising tanong niya.
Napasinghap ako nang ipasok niya ang kamay sa loob ng t-shirt na suot ko. Agad na nanlambot ang mga tuhod ko sa ginawa niyang 'yon. Ang mainit niyang kamay ay nasa tiyan ko na ngayon at marahang hinahaplos 'yon. Napalunok na lang ako at pinigil ang sarili ko na mapakagat-labi.
“But last night, you were different. You were helpless when I touched you, when I kissed you, when I fu--”
Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko na ang susunod niyang sasabihin at paniguradong kabalbalan iyon. Bakit ba walang filter ang bibig ng lalaking 'to?
“Hindi ako natutuwa ha, n-nalasing lang talaga ako nang kaunti kaya nangyari 'yon,” pagdadahilan ko na lang.
Isang lagok lang naman ang ininom ko at ewan ko ba kung nakakalasing na 'yon, pero iyon na lang ang idadahilan ko dahil ayaw kong aminin na nadala ako sa mga halik niya.
“Hmm, really?” tila nang-aakit na tanong niya.
Napasinghap ako nang umakyat ang kamay niya sa dibdib ko at marahang pinisil 'yon. Agad ko namang tinapik ang braso niya. Ngumisi lang naman siya sa 'kin.
“Let's take a bath together.”
Muli akong napasinghap nang walang pasabi na binuhat ako nito. Wala naman akong nagawa kundi ang kumapit sa batok niya at iyakap ang mga hita ko sa baywang niya.
“Arken, duda akong ligo lang ang gagawin natin kaya bitiwan mo ako. Maliligo ako mag-isa,” naiinis na sabi ko at sinubukang magpumiglas sa pagkakahawak niya ngunit hindi siya nakinig at ipinasok pa rin ako sa banyo.
LUMABAS NA kami ng hotel pagkatapos naming maligo at magbihis. Tama nga ako na hindi lang ligo ang mangyayari, hindi ko alam kung saan nakukuha ni Arken ang lakas niya sa gano'ng bagay. Hindi ba uso sa kanya ang mapagod?
“What do you want to eat?” tanong ni Arken habang hawak hawak ang kamay ko. Hinayaan ko na lang siya dahil komportable naman ako ro'n kahit papa'no.
Ang sarap maglakad-lakad dito dahil kitang kita ang malinis na dagat. May mga bilihan din ng kung ano-anong pagkain sa paligid at maraming turista, pero hindi naman gano'ng karami.
Ang ganda rito sa Siquijor at talagang probinsya ang datingan. Baka sa susunod nga ay pumunta ulit ako rito, isasama ko na si Vander sa susunod para naman makapag-enjoy ang batang 'yon.
“Kahit ano okay lang sa akin...ikaw na ang mamili dahil may allergy ka. Ano ba ang gusto mong kainin?” ganting tanong ko. Hindi naman kasi ako pihikan sa pagkain.
“I want to eat you.”
Gulat na napatingin ako kay Arken. Tumingin lang siya sa 'kin saka napakibit-balikat. Naiinis na hinampas ko na lang braso niya.
“Hindi ako nakikipagbiruan, Arken,” pananakot ko saka pinaningkitan siya ng mga mata.
“Ikaw naman talaga ang gusto kong kainin,” bulong pa niya na narinig ko naman.
Napatakip na lang ako sa mukha ko upang maitago ang pamumula no'n. Hindi ako sanay na puro kabalbalan ang pinagsasasabi ni Arken, palagi kasi siyang seryoso. Naninibago ako, hindi ako prepared sa mga kalokohang pinagsasasabi niya.
“How about binatog?”
Natigilan ako sa sinabi niya at napaisip. Ang tagal ko na ring hindi nakakakain ng binatog dahil ayaw ko ng kahit anong magpapaalala sa 'kin kay Arken noon.
“Gusto mo na ng binatog ngayon?” natatawang tanong ko.
“Binatog ain't that bad,” sabi na lang niya.
Buti na lang at may nabibilhan ng binatog dito. Sa totoo lang ay na-miss ko talagang kumain nito dahil ilang taon na yata ang nakakalipas nang huli akong kumain ng binatog.
“Ibili mo pa ako, ubos na yung akin,” sabi ko saka ibinigay kay Arken ang paper cup na wala ng laman.
“Eat mine, hindi ko naman mauubos 'to.”
Akmang kukuhanin ko na ang binatog niya ngunit agad niya iyong iniwas sa 'kin. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
“I'll feed you,” sabi niya saka bahagyang ngumiti. Napaismid na lang ako.
“Ang dami mong kaartehan sa buhay, Arken.”
Wala na akong nagawa nang subuan niya ako. Ngayon ko lang natuklasan na may pagka-isip bata itong si Arken. Akala ko talaga puro pulitika at pagpatay lang ang nasa isip niya. Para siya ngayong boyfriend na nagpapacute sa girlfriend niya.
Napailing na lang ako sa naiisip ko.
“Masyado tayong agaw-pansin, ako na nga lang!”
Muli niyang iniwas sa akin ang binatog nang akmang kukuhanin ko iyon. Napasinghap na lang ako kasabay ng pag-iinit ng magkabilang pisngi ko nang dampian niya ng halik ang labi ko. Napatingin ako sa paligid, may mga ilang natingin sa amin ngayon, lalo na kay Arken.
Hindi ko sila masisisi, ang gwapo niya palagi.
Napangisi na lang siya at muli akong sinubuan ng binatog.
“Bakit hindi mo maubos 'yan? Ang hina mo naman kumain,” panenermon ko sa kanya.
Parang baligtad yata kaming dalawa. Sa mga nakikita ko, yung babae ang mahina kumain at ang lalaki naman ang malakas kumain.
“I don't want to gain weight, I'm body conscious. My perfect body is a product of my hard work, working out ain't easy.”
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko upang pigilan na matawa sa pinagsasabi niya. Napakayabang naman ng lalaking 'to.
“Grabe yung perfect body ha. May kayabangan ka pala sa katawan 'no?” natatawang sabi ko na lang.
Inagaw ko sa kanya ang binatog saka sinubukan siyang subuan. Napakunot naman ang noo niya.
“Ayoko ng kumain,” sabi naman niya. Napailing na lang ako.
“Hindi mo kailangan ng perfect body kasi gwapo ka na naman, kumain ka na lang nang kumain.”
Natigilan ako nang matahimik siya sa sinabi ko. Napakunot ang noo ko at nagtatakang napatingin sa kanya, bakit para siyang nakakita ng multo riyan?
Unti-unti akong napangiti nang mapansin ko ang pamumula ng mukha niya. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko upang pigilan ang sarili ko na mapahagalpak ng tawa sa hitsura niya.
“Huy, grabe ka, ngayon ka lang ba nasabihan ng gwapo at kinikilig ka riyan?” natatawang tanong ko.
Agad siyang napatikhim at napaiwas ng tingin sa 'kin. Mas lalo akong natawa, hindi ko alam na may ganitong side si Arken.
“Hindi ako kinikilig,” pagtanggi naman niya. Napangisi na lang ako at sinundot ang tagiliran niya.
“Sus, kinikilig ka eh. Okay lang naman kiligin, normal sa tao 'yon. Hay, muntik ko ng pagdudahan kung tao ka ba talaga, ngayon napatunayan mo na sa 'kin na tao ka talaga,” natatawang sabi ko habang napapailing. Tumingin naman siya nang masama sa 'kin.
“Hoy, bakit ka ba natahimik diyan? Huy, gwapo,” pang-aasar ko pa.
Naiinis na tumayo na siya at iniwan ako sa bilihan ng binatog. Agad akong tumayo at sinundan siya saka kumapit sa matipunong braso niya. Tiningnan ko ang mukha niya, nakakunot pa rin ang noo niya. Mukhang napikon talaga siya sa pang-aasar ko.
“Arken, nagtatampo ka ba?” tanong ko. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa, baka lalo pa siyang mainis niyan.
“Wag ka ng magtampo, Arken Zaviere. Ibili mo na lang ako no'n, gusto ko no'n,” sabi ko saka itinuro ang bilihan ng fruit shake.
Napasimangot ako nang alisin niya ang pagkakahawak ko sa braso niya saka muling tumuloy sa paglalakad. Grabe naman siyang magtampo, gusto niya pa bang lambingin ko siya o ano?
“Arken! 'Wag ka na kasing magalit! Ano ba'ng gusto mong sabihin ko? Pangit ka? Ano'ng magagawa ko eh sa gwapo ka naman talaga?”
Humabol ako sa kanya at muling kumapit sa braso niya at pinigilan siya na maglakad. Naiinis na ako, kung may dala lang akong pera, hindi ako magpapabili ng fruit shake sa kanya.
“Arken! Gusto ko nga kasi ng fruit shake, mamaya ka na mag-inarte. Okay?”
Napaismid ako nang manatili siyang walang kibo habang masama pa rin ang mukha.
Ang cute naman kasi ng reaksyon niya nang sabihan ko siya na gwapo, para siyang kinikilig na ewan. Para bang sinabihan siya ng ‘I love you’ ng crush niya, gano'n 'yong reaksyon niya. Paano ba naman ako hindi matatawa no'n?
“Arken, seryoso na ako, 'wag ka ng magtampo riyan. Gusto ko ng mango shake kasi paborito ko 'yon, sige na,” pangungulit ko pa sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako at napakamot sa batok ko. Mukhang kailangan ko ng gamitin ang trick na ‘yon. Iyon lang ang alam kong paraan para hindi na siya magtampo riyan.
Tumikhim ako upang ihanda ang malambing kong boses.
“Mayor...”
Napatigil siya sa paglalakad. Lihim akong napangiti sa naging reaksyon niya.
“Mayor...ayaw mo ba talaga akong ibili no'n, mayor?”
Napabuntong hininga siya saka tumingin sa 'kin. Pinigilan ko ang sarili na mapangiti dahil sa pagbabago ng ekspresyon niya. Hindi na nakakunot ang noo niya tulad kanina.
“Fine, what do you want?”
‘Mayor’ ko lang pala ang katapat mo, Arken Zaviere.
Napangiti na lang ako at itinuro ang stall ng fruit shake. Kinuha niya ang wallet niya saka nagtungo sa bilihan, excited na sumunod naman ako sa kanya.
“Mango shake,” bulong ko sa kanya. Tumango na lang siya.
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko nang ibigay na sa 'kin ng tindera ang mango shake. Napatingin naman ako kay Arken na nakatitig lang sa 'kin. Minsan naiilang ako kapag natitig siya nang ganyan, pakiramdam ko kasi gandang ganda siya sa 'kin...pero alam ko namang hindi. Ang dami niyang nakakasalimuhang magagandang babae, malamang walang wala ako sa mga 'yon.
“Gusto mo?” pag-aalok ko sa kanya ng mango shake. Umiling na lang siya.
“Gusto mo bang tawagin kita ulit na mayor ha?” nakangising tanong ko saka siniko ang tagiliran niya.
“Wag kang makulit,” sabi na lang niya saka muling hinawakan ang kamay ko.
Alam kong weird 'to pero mas gwapo ang boses niya kapag nagta-tagalog, siguro talagang iba yung dating dahil madalang siyang magtagalog.
“Arken, may joke ako sa 'yo,” sabi ko saka muling ininom ang mango shake. Napataas naman ang kilay niya saka tumingin sa 'kin.
“Hmm?”
“Knock knock.”
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay na sabihin niya ang who's there?
“Hoy, knock knock,” muling sabi ko na lang.
“What am I suppose to say?” nagtatakang tanong niya.
Napabuntong hininga na lang ako at napasapo sa noo ko, bakit ba palagi kong nakakalimutan na wala siyang enjoyment sa buhay?
“Sabihin mo, who's there. Ulitin ko ha, knock knock.”
“Who's there?” pagsakay na lang niya sa trip ko.
“Arken.”
Napakunot ang noo niya.
“What?” tila naguguluhang tanong na lang niya. Muli akong napabuntong hininga.
“Mali naman eh. Sabihin mo, Arken who?”
“Fine. Arken who?”
Tumikhim muna ako bago kinanta ang joke ko.
“Arken ka na lang, Arken ka na lang... Ang dinadasal sa araw-araw, Arken ka na lang, Arken ka na lang... At maghihintay hanggang akin ka na.
Giliw...”
Bumagsak ang mga balikat ko nang manatili siyang walang reaksyon habang nakatitig lang sa 'kin. Napaismid na lang ako at hinampas ang braso niya.
“Bakit wala kang reaksyon? Joke 'yon!”
“Ah, should I laugh then? But where's the joke in that?” tila walang ka-ide-ideyang tanong niya.
“Hay nako, ewan ko nga sa 'yo!”
Napapadyak na lang ako sa sahig at iniwan siya ro'n. Malamang hindi niya alam ang kantang 'yon kaya hindi siya natatawa. Pero nakakainis pa rin, dapat kahit kunwari lang tumawa na lang siya. Nakakahiya kaya magjoke tapos hindi naman tatawanan.
“Ayen!”
Humabol sa 'kin si Arken saka hinawakan ang kamay ko. Napaismid na lang ako at inalis ang pagkakahawak niya sa 'kin, ako naman ang magtatampo ngayon.
“Are you mad? Sorry, I'll laugh next time, promise.”
Hindi ako nakinig at tumuloy lang sa paglalakad. Naiinis pa rin ako, ilang minuto kong pinag-isipan ang joke na 'yon tapos wala siyang reaksyon.
“I have a joke for you too.”
Napatigil ako sa paglalakad at nakataas-kilay na napatingin sa kanya. Seryoso ba siya ro'n?
“Knock knock.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilin ang pagngiti, baka hindi na siya magjoke kapag bumigay ako.
Bakit kasi ang cute ng pagkakasabi niya sa knock knock? Talagang may accent pa ring kasama.
“Who's there?” tila masungit pa rin na tanong ko.
“Ayen.”
‘Wag kang tatawa, Ayen.’ bulong ko sa sarili ko.
“Ayen who?”
Huminga muna siya nang malalim. Hindi nakawala sa paningin ko ang bahagyang pamumula ng mukha niya na tila ba nahihiya siya kaagad sa sasabihin niya.
“Ayen ka na lang, Ayen ka na lang... Ang dinadasal sa araw-araw, Ayen ka na lang, Ayen ka na lang.”
“Pft!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak ng tawa. Napapahampas pa ako sa kanya habang nakahawak sa tiyan ko.
Mali ang tono ng pagkanta niya, halata ring pilit. Ang nakakatawa pa ro'n ay ang hitsura niya ngayon, parang gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa dahil sa kahihiyan.
“I made you laugh, you're not mad at me anymore, aren't you?”
Muli kong hinampas ang braso niya habang natatawa pa rin.
“Hay, grabe, sobrang benta ng joke mo kahit ginaya mo lang naman yung akin,” napapailing na sabi ko na lang.
Dapat nai-record ko ang joke niyang 'yon, papakinggan ko kapag hindi maganda ang mood ko. Baka kahit ilang daang beses kong pakinggan 'yon, matatawa pa rin ako.
“Damn, that's embarassing.”
Muli akong natawa nang tuluyan na siyang magwalk out, hindi niya siguro kinayanan ang kahihiyan dahil sa joke niya.
“Mayor, wait!”
* * *
“Ulitin mo na kasi yung joke mo kanina, gagawin ko lang ringtone ko,” pangungulit ko pa kay Arken.
Kababalik lang namin dito sa yate. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-move on sa joke niya. Nanghihinayang pa rin ako na hindi ko 'yon nai-record dahil mukhang wala na siyang balak na ulitin 'yon.
“Papa! Mama Ayen!”
Napangiti ako nang makita sina Arkia at Vander. Agad ko silang sinugod ng yakap, na-miss ko ang dalawang batang 'to. Sana sumama na lang sila sa 'min para naman nakapag-enjoy rin sila, sa susunod nga ay isasama ko sila.
“Kumusta kayong dalawa? Hindi ba kayo na-boring dito?” tanong ko. Sabay naman silang umiling.
Kapag magkadikit nang ganito si Arkia at Vander, mas nakikita ang pagiging magkamukha nila.
“Mama.”
Napangiti ako nang yumakap sa 'kin si Vander. Mukhang na-miss din ako ng anak ko, hindi rin naman kasi siya sanay na hindi ako nakikita kahit hindi siya masyadong showy.
GABI NA rin nang makabalik kami ni Arken kaya ipinagluto ko na sila ng hapunan.
“Mama Ayen, saan po kayo nagpunta ni Papa?” tanong ni Arkia habang nakain.
“Sa Siquijor beh, sayang nga at hindi kayo sumama. Ang ganda ro'n...bakit nga ba hindi kayo sumama?” tanong ko habang pinupunasan ang bibig ni Vander.
Nagkatinginan lang sina Vander at Arkia, mas lalo akong nagtaka nang mapahagikhik si Arkia. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng tinginan nilang 'yan?
“Gusto po kasi namin na magkaroon kayo ng moment ni Papa,” kinikilig na sabi na lang ni Arkia. Napakunot ang noo ko.
“Ikaw na bata ka, anong moment ang pinagsasabi mo riyan? Kurutin kita eh,” sabi ko na lang at pinaningkitan siya ng mga mata.
Napatingin ako kay Arken. Natigilan ako nang mapansing nakatititg siya sa 'kin. Hindi ko alam ngunit may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko habang nakikipaglabanan ng tingin sa kanya. Kanina pa ba siya nakatitig sa 'kin?
Bumigat ang paghinga ko nang bahagya siyang ngumiti sa 'kin. Alam ko na noon pa na mas lalo siyang guma-gwapo kapag ngumingiti siya, pero parang hindi yata nasanay ang puso ko sa katotohanang 'yon.
Bakit naghu-huramentado ang puso ko?
Napailing na lang ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Bakit ko ba nararamdaman 'to ngayon sa kanya? Bakit hindi na naman mapakali ang puso kong 'to kapag nakikita o kasama ko siya?
Napalunok ako at ibinaling na lang ang atensyon ko sa pagkain.
Hindi ko dapat hayaan pa na lumalim ito...pagkatapos nito hindi na ulit kami magkakasama. Pansamantala lang ang lahat ng 'to, hindi na dapat pa lumalim ang nararamdaman kong 'to.
* * *
“Jonalyn.”
Natigilan ako sa pagtitig sa dagat at napatingin kay Arken. Lumapit siya sa 'kin saka yumakap sa baywang ko mula sa likuran. Hindi na lang ako kumontra ngunit napapitlag ako nang isandal niya ang baba niya sa balikat ko.
Hindi na naman normal ang pagtibok ng puso ko ngayon.
“This is the last day, we'll reach Sorsogon in a few minutes,” mahinang sambit niya.
Oo nga pala, ilang oras na rin ang nakalipas. Babalik na kami sa Sorsogon ni Vander, babalik na kami kay Vaughn.
“Excited na 'kong umuwi,” sabi ko na lang.
Pinilit kong kapain ang damdamin ko. Bakit parang hindi naman ako masaya? Bakit parang gusto ko pang manatili rito? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Nanatili siyang nakayakap sa 'kin hanggang sa hindi ko na napansin ang oras.
“Mama, we're here.”
Napatingin ako kay Vander, agad namang bumitiw si Arken sa 'kin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kung anong nawala sa pagkatao ko nang bumitiw siya sa pagkakayakap sa 'kin.
Kailangan ko ng masanay sa ganito. Aalalahanin ko na lang siguro ang mga panahong galit ako sa kanya, aalalahanin ko na lang ang mga panahong sinaktan niya ang damdamin ko at itinaboy niya ako sa buhay niya.
Tama, gano'n na nga lang ang iisipin ko at makakalimutan ko rin ulit siya.
“Ayen!”
Natigilan ako nang salubungin ako ni Vaughn pagbabang pagbaba namin ng yate. Agad niya akong sinugod ng yakap, napalunok na lang ako at gumanti ng yakap sa kanya.
Bakit ganito ang pakiramdam ko sa yakap ni Vaughn? Ibang iba ang pakiramdam no'n sa yakap ni Arken.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at alanganing ngumiti sa kanya. Napangiti na lang din siya at marahang hinaplos ang pisngi ko.
“V-Vaughn, pasensya na kung hindi kita natawagan, wala akong dalang cellphone at--” agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
“It's fine, at least you came back. Please don't disappear like that again,” tila nag-aalalang sabi niya habang nakatitig sa 'kin. Ngumiti na lang ako at tumango.
“Vander, halika na,” sabi ko kay Vander at hinawakan ang kamay niya.
Lumingon ang anak ko sa kinatatayuan ni Arken. Kahit ayokong lumingon sa kanya, may kung anong nagtulak sa 'kin upang lingunin siya.
Nakapamulsa siya habang matiim na nakatitig sa 'kin, may emosyon akong nakikita sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag... Nararamdaman din ba niya ang nararamdaman ko ngayon?
“Take care of my son, Regnier,” malamig na sabi ni Arken saka ibinaling ang tingin niya kay Vaughn.
“Don't tell me what to do, Zaviere. I know better when it comes to them, shut the fuck up,” mariing sabi ni Vaughn. Hinawakan ko na lang ang braso niya upang pakalmahin siya.
“Pagod na ako, Vaughn. Umuwi na tayo,” sabi ko na lang. Tumango naman siya at iginiya ako sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto, agad akong pumwesto sa may shotgun seat. Si Vander naman ay sumakay na rin sa backseat.
Bumigat ang pakiramdam ko nang paandarin na ni Vaughn ang sasakyan. Napalunok ako at tiningnan si Arken mula sa side mirror ng kotse.
Babalik na ulit sa normal ang buhay ko kasama si Vaughn...at hindi ko na dapat pang isipin si Arken. Iisipin ko na lang na panaginip lang ang ilang araw na nakasama ko siya.