Hindi ko maintindihan kung ano'ng dapat kong maramdaman at gawin. Gusto kong magalit sa kanya, gusto kong ibato ang lahat ng gamit na makikita ko sa kanya, gusto kong magwalk-out at iwan siya rito, gusto kong magwala... Pero nanaig pa rin ang pagmamahal at pananabik ngayong nandito na siya sa harapan ko.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit sa baywang. Hindi na napigilan ng mga luha ko ang mag-unahang kumawala mula sa mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko at tila nahihirapan akong huminga... Kung nananaginip lang ako ngayon, sana h'wag muna akong magising. Ayaw ko pang magising.
“J-Jonalyn, my wound,” daing niya at marahan akong hinawakan sa braso.
Agad akong lumayo sa kanya at napatingin sa tagiliran niya. Umakyat ang pag-aalala at takot sa dibdib ko.
“S-sorry, n-nasaktan ba kita? Bumuka ba 'yong sugat mo? D-dadalhin na ba kita sa ospital?” sunod-sunod na tanong ko.
“Hey, relax, I'm fine. You just hugged me too tight, it hurts a little,” sabi na lang niya at hinawakan ang pisngi ko.
Napatitig ako sa kanya, tinitigan kong maigi ang bawat parte ng mukha niya. Inangat ko ang kamay ko upang hawakan ang pisngi niya. Nanatili akong nakatitig sa itim niyang mga mata na para bang doon nakasalalay ang buhay ko.
Halata sa mga mata niya na ilang araw siyang walang matinong tulog. Tinubuan na rin siya ng kaunting balbas at bigote, maputla rin ang mukha at labi niya ngunit hindi naman 'yon nakabawas sa ka-guwapuhang taglay niya.
Napasinghap siya nang walang sabing hinampas ko ang dibdib niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya saka napaawang ang labi habang nakatingin sa 'kin. Nagsalubong naman ang mga kilay ko at muling hinampas ang dibdib niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang muling manlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang umalpas. Nanginginig ang mga labi na muli ko siyang hinampas sa dibdib.
“Balak mo pang umalis at hindi na magpakita sa 'kin?! H-hahayaan mo akong maging masaya kay Vaughn?! Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Arken! Nakikita mo ba ang hitsura ko ngayon?! Ilang araw kong iniyakan ang akala kong pagkamatay mo, pati si Vander umiiyak din, wala ka na rin bang pakialam sa anak natin? P-paano kung hindi ako nagpunta rito? H-habang buhay ko ng aakalain na patay ka na!”
Muli kong sinuntok ang dibdib niya. Hindi naman niya ako pinigilan at hinayaan lang ako na gawin ang gusto ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinuntok ang dibdib niya, sa ganoong paraan ko na lang inilalabas ang lahat ng inis ko sa kanya.
Natigilan lang ako nang hawakan ni Arken ang kamay ko habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.
“That's what you want, right? I know you don't want me dead, but you want me out of your life. You should be happy,” sabi niya sa mahinang boses saka binitiwan ang kamay ko.
Inangat niya ang kamay niya upang pahirin ang mga luha sa pisngi ko. Napabuntong hininga siya habang nakatitig sa mga 'yon na para bang nasasaktan siya kapag nakikita ang mga luha ko.
Natigilan siya nang hawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Lumapit pa ako lalo sa kanya at yumakap sa batok niya. Tila natulos siya sa kinatatayuan niya dahil sa ginawa ko. Napapikit na lang ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya saka pinakinggan ang tibok ng puso niya.
“Mahal kita, Arken,” mahinang bulong ko.
Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya, sinabi ko na lang kaagad ang pakiramdam ko ay dapat kong sabihin. Ngayong buhay na buhay siya at nasa tabi ko, pakiramdam ko hindi ko na dapat palagpasin pa at sabihin ang totoong nararamdaman ko.
Humawak si Arken sa magkabilang balikat ko at bahagyang inilayo ako sa kanya upang titigan ako sa mga mata.
Mabigat ang paghinga niya habang nakatitig sa 'kin, hindi ko mabasa ang emosyon niya. Tila ba hindi siya makapaniwala, tila ba hindi niya alam ang dapat na sabihin.
“M-maybe you're just confused because you thought I was dead,” sabi niya saka hinaplos ang pisngi ko. Umiling ako at muling yumakap sa batok niya. Halata namang natigilan siya nang dampian ko ng halik ang labi niya.
“H'wag mo na 'kong iiwan ulit, Arken. H'wag mo na kaming iwan ni Vander ulit. Sasama ako sa 'yo kahit saan pa 'yan, m-magpapakasal ako sa 'yo kahit saan at kailan. Mahal na mahal kita.”
Pakiramdam ko hindi ko na kontrolado ang mga salitang lumabas sa bibig ko, alam ko sa sarili ko na totoong mahal ko siya. Masyado akong nabulag ng takot na baka masaktan na naman ako kapag minahal ko siya. Pero alam ko na ngayon, malinaw na sa 'kin ngayon.
“Ayaw ko ng mawala ka sa 'kin ulit. Gusto kitang makasama habang buhay. H'wag ka ng lalayo ulit, h'wag ka ng mawala ulit,” sabi ko habang nakayakap pa rin sa batok niya.
Nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko. Hanggang ngayon nakikita ko pa rin sa mukha niya na hindi niya alam kung ano ba ang dapat sabihin o maramdaman.
Napasinghap na lang ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka siniil nang malalim na halik ang labi ko. Hindi naman ako nagdalawang-isip pa at agad na pumikit at tinugon ang halik niya.
Parang panaginip pa rin na nayayakap at nahahalikan ko siya ngayon, parang napakagandang panaginip na ayaw ko ng magising.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa banayad na paghagod ng mga labi niya sa labi ko. Hinigpitan ko ang pagyakap sa batok niya at buong init na nakipaglabanan ng halik sa kanya. Halos magtayuan ang mga balahibo ko sa pananabik nang mas maging mapusok ang paghalik niya sa 'kin.
Napasinghap ako nang marahan niyang kagatin ang ibabang labi ko dahilan para maibuka ko ang labi ko. Bumaba ang kamay niya sa baywang ko at mas hinila ako papalapit sa kanya. Nanghina ang mga tuhod ko nang maramdaman ko ang dila niya sa loob ng bibig ko at nakikipaglabanan sa dila ko. Tila ba ngayon lang siya nakahalik sa paraan ng paghalik niya sa 'kin, ako naman ay sinusubukang pantayan ang intensidad ng bawat halik niya.
Tila pareho kaming naghahabol ng hininga nang kumalas siya sa paghahalikan namin, isinandal niya ang noo niya sa noo ko saka dinampian nang magaan na halik ang labi ko.
Yumakap ako sa baywang niya ngunit siniguro ko na hindi madadali ang sugat niya sa tagiliran. Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan na mapangiti nang titigan niya ang mga mata ko saka hinaplos ang ibabang labi ko. Sa halik at paghawak niya pa lang sa 'kin ay ramdam na ramdam ko na ang pag-iingat at pagmamahal.
“I love you more,” tila paos na usal niya saka ngumiti.
Ang ganda ng ngiti niyang 'yon, lumitaw ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin... iyon ang ngiti na gugustuhin kong makita araw-araw.
* * *
“Paano 'yan? Akala ng mga tao patay ka na? Paano kung may makakita sa 'yo?” tanong ko habang nakaupo sa kandungan ni Arken habang hinahaplos ang buhok niya.
Hindi agad siya sumagot at isinubsob na lang ang mukha sa leeg ko. Napangiti na lang ako nang higpitan niya ang pagyakap sa baywang ko na tila ba ayaw na niya akong pakawalan.
Nandito kami sa isa niyang rest house dito rin sa Sorsogon. Hindi ko alam kung kung ilan bahay at lupa rito, kaya na yata kaming buhayin ng mga pag-aari niya pa lang dito.
Katamtaman lang ang laki ng rest house na 'to ngunit maganda ang pagkaka-disenyo, simple lang pero maganda. Nasa private beach ang rest house na 'to at sa tingin ko ay si Arken din ang may-ari ng beach.
“Arken!” Napahagikhik ako dahil sa kiliti nang amuyin niya ang leeg ko saka dampian nang maliliit na halik 'yon.
“I don't give a fuck about that now. Sa 'yo lang ako may pakialam,” sabi naman niya saka inalis ang pagkakasubsob sa leeg ko saka tumingin sa mga mata ko.
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko dahil nanggigigil ako sa kanya. Natigilan naman siya nang walang pasabi na pinupog ko ng halik ang buong mukha niya, mula sa noo niya, sa pisngi, sa labi, sa baba.
Napangiti siya sa ginawa ko na tila ba aliw na aliw siya at talagang nagustuhan niya iyon. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at yumakap na lang sa batok niya at ako naman ang sumubsob sa mabangong leeg niya.
“Arken,” mahinang usal ko.
“Hmm?” Hinaplos niya ang buhok ko habang ang isang bisig ay nakayakap pa rin sa baywang ko.
“Ano ba talagang nangyari? Bakit na nabaril? Paano ka napunta ro'n? Pwede mo bang ipaliwanag sa 'kin lahat?”
Inalis ko ang pagkakasubsob sa leeg niya at seryosong tumitig sa mga mata niya. Napabuntong hininga siya saka napakagat sa ibabang labi niya.
“I was abducted, I wanted to be alone after that exhausting day, but those motherfckers kidnapped me. I can beat their ass, but I don't have much energy that time...you know, you rejected me that day. I saw Vaughn there, he was tied up. I was about to fight them back but they said that they have you and they can kill you in just a snap of a finger, you know I'm vulnerable and thoughtless when it comes to you. My mind was clouded, I became foolish that time. They saw how stupid I am when it comes to you. I have a feeling who's behind it all, he must be one of those running governor too, maybe it was Santos or Polionia but I didn't give a fuck anymore, I just want you to be safe. They was about to shoot Vaughn, but I stopped them. You said last time that you can't live without him. I can't let him die, I tried to buy time and waited for my men to come. I requested to be killed first and text Adham to take care of Arkia, I'd been shot for how many times before but I'm a human too. Baka 'yon na talaga ang huling sandali ko, I can't let Arkia grow up with Vierra, I trust Adham more than her...and they shoot me, and then I saw you.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko at naiinis na sinuntok ang dibdib niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Natigilan siya nang muli kong suntukin ang dibdib niya.
“Tanga ka ba?! Sinakripisyo mo ang sarili mo para kay Vaughn dahil lang sinabi ko na hindi ko kayang mabuhay ng wala siya?! Baliw ka ba?! Hindi ko sinabing mamatay ka para kay Vaughn!”
Napangiti na lang siya at hinawakan ang nakakuyom kong kamao saka dinampian ng halik 'yon.
“But I'm alive.” Napangiti siya nang simangutan ko lang siya.
Natigilan ako, naramdaman ko ang pagbigat ng pakiramdam ko nang maalala ko ang tungkol kay Vaughn. Mukhang hindi alam ni Arken na kasabwat si Vaughn sa nangyari dahil na-uto siya ng acting ng mga walang hiyang 'yon.
“Arken.”
“Hmm?” tanong niya.
“S-si Vaughn, kasabwat talaga siya sa nangyari, b-baka nga siya talaga ang mastermind, e. Inamin niya sa 'kin na kasabwat siya sa pagpatay sa 'yo at gano'n daw talaga ang pulituka. Maraming gustong pumatay sa 'yo, Arken,” nag-aalalang sabi ko saka yumakap sa leeg niya.
“That motherfcker, I thought he was there too for he was blackmailed because of you. Damn him,” mariing sabi niya kasabay ng pag-igting ng panga niya.
“Magsumbong ka sa pulis, Arken, ipahuli mo siya. Paano kung pagtangkaan niya ulit ang buhay mo?” nag-aalalang tanong ko saka hinaplos ang pisngi niya.
Natigilan ako nang matawa siya sa sinabi ko. Agad namang nagsalubong ang mga kilay ko, may nakakatawa ba sa sinabi ko?
“That's a cute thing to say, Jonalyn. Damn, you're so cute,” natatawang sabi pa rin niya.
Once in a blue moon ko na nga lang siyang makitang natawa, nakakainis pa.
“Bakit ka ba natawa? Seryoso ako!” Muli kong hinampas ang dibdib niya.
“Seryoso rin ako sa 'yo,” sabi naman niya saka dinampian ng halik ang tungki ng ilong ko.
Nag-init ang magkabilang pisngi ko ngunit tumikhim na lang ako at sinimangutan siya. Bakit ba siya nabanat nang ganyan? Seryoso ang pinag-uusapan namin.
“Arken, ano na ba ang plano mo?” pangungulit ko pa.
“I'll let Zakarius or Xanthos handle that. I just want to focus on you, Arkia and Vander from now on. Hindi na ako tatakbong gobernador, I'll just focus on my businesses. I don't care about influence, power and a lot of money anymore... you're more than enough,” puno ng sinseridad na sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Para akong nilulusaw ng mga tingin niyang 'yon, para bang inaangkin na niya ang buong pagkatao ko...nakakapanghina, pero gusto ko ang pakiramdam na 'yon.
Napangisi ako at inilapit ang labi ko sa tainga niya saka bumulong.
“Pwede pa rin ba kitang tawaging mayor?”
Natawa ako dahil tila natulos siya sa kinauupuan niya dahil sa sinabi ko. Huminga siya nang malalim at isinandal ang likod sa sandalan ng couch habang seryosong nakatitig sa 'kin. Hinila niya ang baywan ko papalapit sa kanya saka bumulong sa tainga ko.
“This conversation will lead us on the bed, Jonalyn... naked,” bulong niya saka marahang kinagat ang tainga ko.
Natigilan kaming pareho nang makarinig kami ng yabag. Akmang aalis ako sa kandungan ni Arken nang makita ko sina Adham at Cadence ngunit agad na niyakap niya ang baywang ko.
“Ayos ah, sarap ng buhay mo, gago. Akala ko patay ka na tapos--aray! Tangina naman, Adham!”
Hindi na naituloy ni Cadence ang sasabihin nang sikuhin ni Adham ang sikmura niya. Namula ang mukha ni Cadence dahil siguro masakit talaga ang pagsiko ni Adham sa kanya.
“Sorry for disturbing you, Sir. Lalabas na kami,” hinging paumanhin ni Adham saka hinila palabas si Cadence saka iniwan kaming muli ni Arken.
Tiningnan ko nang masama si Arken. Napangiti na lang siya saka muling isinubsob ang mukha sa leeg ko.
“Arken, paano kung tangkain ka ulit nilang patayin? Hindi ako matahimik, natatakot ako.”
Hindi ko kakayanin kapag nawala na naman siya sa 'kin.
Tumunghay siya saka matiim na tumitig sa mga mata ko.
“Do you want me to kill them? Do you want me to kill Vaughn?” seryosong tanong niya. Agad naman akong napailing.
“H'wag naman, kahit papa'no malaki pa rin ang naitulong niya sa 'kin noon,” sabi ko na lang saka napabuntong hininga.
“H'wag kang matakot. I know how to defend myself and besides, I think they won't bother me anymore because I'm quitting politics. I don't want you to live in my mess, you deserve a peaceful life,” sabi niya habang nakatitig pa rin nang diretso sa mga mata ko.
“Sigurado ka ba na talagang gusto mong tumigil sa pulitika, Arken?”
Ayaw ko naman na tumigil siya sa pulitka ng dahil lang sa 'kin.
Tipid na ngumiti siya sa 'kin saka tumango. Halata naman sa mukha niya na wala lang 'yon sa kanya.
“Ayoko ng natatakot ka. I want you to live in a safe world, safe place with me.”
Napangiti na lang ako at sumandal sa dibdib niya. Nasasabik na akong mamuhay kasama siya, kasama ang mga anak namin.
Natigilan ako nang maalala ko si Vander.
“Arken, mukhang kailangan mong magpakita kay Vander.”
PINAPUNTA NI Arken si Adham kina Wrena upang kuhanin si Vander. Ayaw pa raw ibigay ni Wrena si Vander noong una pero mukhang nakilala naman daw ni Vander si Adham at kusa itong sumama sa kanya. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman mabilis magtiwala si Vander.
“Is he a ghost?”
Nakakunot ang noo ni Vander habang nakatitig kay Arken. Hindi ko mawari kung masaya ba siya o naiinis, pero hindi ko naman siya masisisi. Ilang gabi rin siyang umiyak dahil akala niya ay wala na si Arken.
“He's not a ghost, Vander. Akala ko rin noong una ghost siya, pero hindi. Buhay ang Papa natin, hawakan mo siya.”
Napangiti ako nang kuhanin ni Arkia ang kamay ni Vander at inilapit 'yon sa kamay ni Arken. Mas lalong sumama ang mukha ni Vander.
“I cried for nothing,” masungit na sabi ni Vander saka naiinis na binitiwan ang kamay ni Arken.
Imbis na magalit, napangiti na lang si Arken sa inasal ng anak saka binuhat ito. Buti at nakakaya niyang buhatin si Vander, hindi ko na kasi kayang buhatin ang anak kong 'yan, e.
“You cried because of me? That's an honor, my son,” tila natatawang sabi ni Arken saka kinurot ang tungki ng ilong ni Vander.
Natigilan ako nang humawak si Arkia sa kamay ko. Napangiti naman ako at hinaplos ang malambot niyang buhok.
“Mama Ayen, hindi na po ba kayo maghihiwalay ni Papa? Magkakasama na po ba tayo?” tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napangiti naman ako at tumango saka bahagyang kinurot ang pisngi niya.
“Kapag nawala na naman bigla ang Papa mo, maghahanap ako ng ibang lalaki, bahala siya at manlalalaki talaga ako. Bahala siya sa--”
Agad na pinutol ni Arken ang sasabihin ko.
“Jonalyn,” ma-otoridad na sabi niya habang nakakunot ang noo. Inirapan ko lang siya.
“Nyenyenye,” pang-aasar ko. Napahagikhik naman si Arkia saka yumakap sa baywang ko.
Ibinaba ni Arken si Vander saka lumapit sa 'kin. Impit na napatili ako nang kurutin niya ang magkabilang pisngi ko. Tiningnan ko naman siya nang masama saka hinampas ang dibdib niya.
“Anong manlalalaki ang sinasabi mo, Jonalyn Zaviere? Hmm?” tanong niya saka pinaningkitan ako ng mga mata.
Naiinis na inalis ko ang mga kamay niya sa pisngi ko. Napailing na lang siya at hinila ako para yakapin. Kahit naiinis pa ako sa pangungurot niya sa pisngi ko, gumanti na lang din ako ng yakap sa kanya.
“Ang isip-bata mo kamo, bakit ka nangungurot ng pisngi? Matanda ka na, e,” nang-aasar na sabi ko.
Natawa ako nang kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin saka tiningnan ako nang masama.
“Joke lang, pikon masyado,” sabi ko na lang at dinampian ng halik ang pisngi niya.
Napakagat na lang siya sa ibabang labi niya at yumakap sa baywang ko saka siniil nang magaan na halik ang labi ko.
“Yuck, my innocent eyes! Vander, this is a couple thing, let's get out of here,” narinig kong sabi ni Arkia.
Natatawang itinulak ko ang dibdib ni Arken at napatingin kina Arkia at Vander na lumabas ng rest house, mukhang sa garden na lang sila tatambay dalawa. Napaka-harot naman kasi nitong si Arken, e.
Natigilan ako nang may maalala ako. Agad akong napatingin kay Arken.
“Arken, pupunta pa rin kami ni Vander ng Camarines Sur para puntahan ang mga magulang ko. Pero h'wag kang mag-alala dahil tatlong araw lang naman 'yon, saka tatawagan kita palagi,” sabi ko saka yumakap sa batok niya.
“Sure, but can I come with you? I want to meet your parents.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Sinuri ko ang mga mata niya upang alamin kung seryoso ba talaga siya o nagbibiro lang.
“Seryoso ka ba? Gusto mo talagang ma-meet ang mga magulang ko?” Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan na mapangiti.
Tumango si Arken saka mas hinila ako papalapit sa kanya.
“We'll get married, right? You said it earlier. You're serious about it, right?” tila nahihiyang tanong niya. Napapaiwas pa siya ng tingin sa 'kin na para bang kinakabahan siya na biro lang ang sinabi ko kanina.
“Oo naman, seryoso ako ro'n,” sabi ko na lang habang nakatitig nang diretso sa kanya.
Tila nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Natawa na lang ako dahil ang cute niyang tingnan dahil do'n.
“That's why I need to meet your family. Let me come with you, please. I want to meet them,” sabi niya habang hinahalik-halikan ang magkabilang pisngi at labi ko. Natatawa na lang ako sa ginagawa niya.
“Sure ka? Dapat ready ka. Galit pa naman ang mga magulang ko sa tatay ni Vander, at siyempre ikaw 'yon. Wala silang pakialam kahit mayaman ka pa o dating mayor ng Caloocan City,” pananakot ko sa kanya.
“That's fine and understandable.”
Napangiti na lang ako at tumango. Ngayon pa lang nakikita ko na na hindi padadaliin nina tatay ang lahat para sa kanya.
“Napaka-understanding naman ng mayor ko,” tila nanunuksong sabi ko at sinundot sundot pa ang dibdib niya.
Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko na sumusundot sa dibdib niya saka ngumisi sa 'kin. Ang gwapo niya kapag ngumi-ngisi, mukha siyang gwapong pilyo. Kapag may ibang nakakita sa kanya baka nalusaw na ang panty.
“Yes, I'm your mayor, baby. I'm all yours,” tila paos na sabi niya bago siniil nang mapusok na halik ang labi ko.