“Ayen, taga-saan ba kayo sa Camarines Sur? Para naman mapuntahan ko kayo,” sabi ni Wrena saka hinawakan ang kamay ko. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya.
“Bibisitahin ka na lang namin sa Caloocan, bibisita naman ako sa 'yo paminsan-minsan e,” sabi ko na lang saka pinulbuhan ang likod ni Vander.
“Bakit hindi na lang kayo sa Caloocan tumira? May mga kapatid ka naman na nagbabantay sa mga magulang mo diba? Saka mas marami kang pwedeng pagtrabahuhan sa Caloocan,” nakangusong sabi pa ni Wrena.
Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kanya saka umiling.
“Hindi ko kayang tumira ro'n, Wrena. M-maaalala ko lang siya,” sabi ko na lang at napailing.
Napabuntong hininga na lang si Wrena at hinaplos ang buhok ko na tila pinapakalma ako. Napatingin din naman si Vander sa 'kin saka yumakap sa baywang ko. Napangiti na lang ako at dinampian ng halik ang sentido niya.
Ayoko munang umiyak, napagod na ang mga mata ko. Gusto ko muna ng sariwang hangin at malimutan ang lahat kahit saglit... Pero alam kong mananatili siya sa puso ko, mananatili si Arken sa puso ko habang buhay.
Tinulungan ako ni Wrena na mag empake. Buti na lang at ipinadala na rito ni Vaughn ang mga damit namin ni Vander para hindi na kami mahirapan.
Laking pasasalamat ko nang tanggapin ni Vaughn ang pagtanggi ko sa kasal. Sinabihan na lang niya ako na kung may maitutulong siya sa 'kin ay sabihin ko lang.
Malaki ang pasasalamat ko kay Vaughn, naging mabuti siya sa 'min ng anak ko. Hindi ko lang talaga siya kayang pakasalan, sa tingin ko nga ay hindi ko naman talaga siya minahal. Masyado lang akong naging thankful sa kanya dahil sa mga naging tulong niya sa amin ni Vander.
Nagresign na rin ako sa vet clinic. Nanghihinayang man ang amo ko, sinabihan niya na lang ako na mag-ingat sa pag-uwi sa Camarines Sur at pwedeng pwede akong bumalik sa vet kung gusto ko. Nagpaalam na rin ako sa mga naging kaibigan ko ro'n na sina Ember.
“Hindi ka ba nagtataka kay Mayor Vaughn? Bakit basta na lang siya pumayag na hindi na tuloy ang kasal niyo?” tanong ni Wrena habang nakain ng apple.
“Iyan ka na naman sa mga iniisip mo, siyempre wala naman siyang ibang magagawa kundi tanggapin dahil ayaw ko ng ituloy ang kasal,” sabi ko na lang habang hinahaplos ang buhok ni Vander, tulog na naman ang anak ko. Simula nang mawala si Arken, palagi siyang natutulog, mukhang doon niya inilalabas ang lungkot niya.
“Hindi mo 'ko naiintindihan e, kung talagang mahal ka niya, hindi niya agad matatanggap 'yon, o kaya gagawa siya ng paraan para mahalin mo siya ulit, gano'n. Siya tinanggap na lang niya basta na ayaw mo ng ituloy. Parang may mali e,” sabi ni Wrena saka naningkit pa ang mga mata. Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya.
“Nga pala, Wrena, magpapaalam muna ako kay Vaughn bago ako umalis. Pupuntahan ko siya saglit, pakibantayan muna si Vander.”
Bukas na kami pupunta ng Camarines Sur ni Vander. Wala namang tutol ang anak ko sa plano ko. Sa totoo lang hindi ko pa nasasabi kina nanay na uuwi kami ni Vander doon, paniguradong magugulat sila, pero matutuwa rin dahil tuwang tuwa ang mga 'yon kay Vander pati na rin ang mga kapatid ko ro'n.
Meron akong kapatid na lalaki, yung isa si Kuya Jomer na mas matanda ng dalawang taon sa 'kin, teacher siya. Yung isa naman ay si John, mas bata sa 'kin ng tatlong taon, engineer na siya ngayon.
Ako ang nag-iisang babaeng anak kaya galit na galit noon sina nanay nang sabihin kong buntis ako, lalo pa silang nagalit dahil wala akong ipinakilalang tatay. Ngunit natanggap din naman nila di kalaunan.
“Ako ang bahala kay Vander, ingat ka ha. Bumalik ka ng buo ha, wala talaga akong tiwala riyan sa Mayor Vaughn na 'yan,” sabi niya saka napaismid.
Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Wrena ang mga ideyang 'yan, pero siguro dahil buntis siya kaya kung ano-ano ang naiisip niya.
PINAPASOK AKO kaagad ng guard nang makarating ako sa bahay ni Vaughn. Sa totoo lang ay mami-miss ko rin ang bahay na 'to dahil dito na lumaki si Vander.
“Nasaan si Vaughn, Aling Rita?” tanong ko sa katulong ni Vaugn na si Aling Rita na abala sa paghuhugas ng pinggan.
“Ayen, ikaw pala! Nandoon si Sir Vaughn sa opisina niya. Babalik na ba kayo ni Vander dito?” tanong niya. Tipid na ngumiti na lang ako at umiling.
“Hindi po, magpapaalam lang po ako kay Vaughn dahil uuwi na kami ni Vander sa Camarines Sur,” sabi ko na lang saka ngumiti sa kanya. Binigyan naman ako nang malungkot na ngiti ng ginang.
“Gano'n ba? Sige, mag-iingat kayong mag-ina ha. Buong akala ko talaga ay magkakatuluyan kayo ni Sir Vaughn,” tila nanghihinayang na sabi nito.
“Akala ko rin po,” sabi ko na lang.
Agad na akong nagtungo sa ikalawang palapag at dumiretso sa opisina ni Vaughn. Binuksan ko na lang basta ang pinto at hindi na kumatok. Natigilan ako nang mapansing abala si Vaugh sa kausap nito sa phone at hindi ako nito napansin.
“That's a good news. It's a sure win now without Zaviere. Killing him was worth it. Parehas naman tayong nakinabang. Nah, that's a good thing.”
Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Para akong sinaksak nang paulit-ulit, parang hindi agad natanggap ng sistema ko ang sinabi niya... Ngunit rinig na rinig ko iyon... Siya ang pumatay kay Arken?
Natigilan si Vaughn nang mapalingon sa pwesto ko. Nanatili akong nakatayo rito habang tila hindi pa rin makapaniwala habang nakatitig sa kanya.
“Ayen, how long have you been there?” nakakunot-noong tanong niya saka lumapit sa 'kin. Agad naman akong napaatras.
“P-pinatay mo si Arken? Ikaw ang pumatay kay Arken?”
Napabuntong hininga siya saka napapikit nang mariin. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit agad kong naiwas iyon sa kanya.
“I didn't kill him, Ayen. Tumulong lang ako para mapatay siya ng totoong suspect dito, I just used you to capture him, you are his weakness. But don't make it sound like I killed him with my own hands, I didn't. Ayen, you have to understand the world of politics. Kapag pinasok mo ang pulitika, madudungisan talaga ang mga kamay mo. Well, I'll be honest, I proposed to you because I know you're his weakness. You won't believe how crazy he is for you. But I helped you sincerely before, please don't forget that,” sabi na lang niya saka hinawakan ang kamay ko.
Nanatili akong nakatitig sa kanya, kusa namang kumawala ang mga luha mula sa mga mata ko at hindi ko iyon napigilan. Hindi ko akalain na ang taong pinagkatiwalaan ko nang buong puso ang siyang dahilan kung bakit namatay si Arken.
Ako ang kahinaan ni Arken. Namatay siya nang dahil din sa 'kin, namatay siya nang walang laban dahil mahina siya pagdating sa 'kin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at buong lakas na itinulak si Vaughn. Hindi ko matagalan ang nakakadiring hawak niya. Kahit pa tinulungan niya ako noon, wala akong maramdaman sa kanya kundi poot at galit.
Natigilan ako nang ngumisi lang siya sa 'kin saka pinagpag ang coat niya.
“You should be grateful, I won't kill you, Ayen, naging espesyal ka rin naman sa 'kin. Wala rin namang maniniwala sa 'yo kapag sinabi mo na isa ako sa dahilan kung bakit namatay si Zaviere. Bumalik ka na lang sa pinaggalingan mo, kasama si Vander. Mahal mo ang anak mo diba? H'wag mo na akong subukan, mamuhay ka na lang nang tahimik kung ayaw mong madamay ang pinakamamahal mong anak,” sabi niya saka binigyan ako nang nakakatakot na ngiti.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko hindi na siya ang Vaughn na nakilala ko, pakiramdam ko hindi na siya ang Vaughn na tumulong sa 'kin at naging karamay ko.
Ang sakit, ang bigat sa dibdib. Dapat naniwala ako kay Arken noong sinabi niya na hindi basta basta si Vaughn, sana naniwala ako kay Arken nang sabihin niya na hindi ko dapat pagkatiwalaan si Vaughn.
Kung maibabalik ko lang ang oras, agad kong pupuntahan si Arken at agad na sasama sa kanya. Kung maibabalik ko lang ang oras, ipaparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.
* * *
Hindi ko alam kung bakit hinayaan pa rin ako ni Vaughn na mabuhay kahit nalaman ko na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Arken... Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.
Gusto ko mang magsumbong sa otoridad, gusto ko mang pagbayaran nina Vaughn at ng kasabwat niya ang ginawa nila kay Arken, wala akong magawa. Kung buhay ko lang ang nakasalalay ay wala akong pakialam, pero hindi ko makakaya lalo pa't baka may mangyaring masama kay Vander. Ang mga walang pusong tulad nila ay siguradong makakagawa nang ganoong kasamang bagay.
“Ayen, mag-iingat kayo ro'n. I-text mo sa akin ang exact address niyo ro'n para mapuntahan ko kayo minsan. Saka pupunta ka sa binyag ng anak ko ha, ninang ka,” sabi ni Wrena habang nakahawak sa kamay ko. Napangiti na lang ako at tumango.
“Oo naman, dapat makita ng inaanak ko ang maganda niyang ninang,” nakangiting sabi ko saka marahang hinaplos ang malaki na niyang tiyan.
Bibisita rin naman ako sa kanila sa Calocan, gusto kong makilala ako ng inaanak ko sa personal.
“Wrena, pwede bang mahiram ang laptop mo o laptop ni Aljen? May titingnan lang ako.”
Agad namang kinuha ni Wrena ang laptop niya sa drawer at binuksan 'yon saka inabot sa 'kin. Napangiti na lang ako saka kinuha iyon.
“Sige, maiwan muna kita rito ha. Si Vander nga pala ayaw ng bitiwan nina Mama. Akala yata nila apo nila si Vander,” napapailing na sabi niya bago lumabas ng silid.
Napabuntong hininga ako at kinuha ang flash drive na ibinigay sa 'kin ni Vierra noong nakaraan. Kahit nanghihina ako at kinakabahan sa laman no'n, isinalpak ko pa rin iyon sa laptop. Agad kong pinindot ang video file na may nakapangalan na Arken Zaviere.
Bumigat ang paghinga ko nang mukha ni Arken ang bumungad sa akin sa video. Napakagat ako sa ibabang labi ko kasabay ng panlalabo ng paningin ko dahil sa mga luha.
“Why do I have to do this shit, Vierra?” tanong ni Arken habang nakatitig camera. Pakiramdam ko sa 'kin siya nakatitig.
“Come on, Arken. You have to do this. Kapag namatay ka o ano man, ipapakita ko 'to kay Ayen. Para naman malaman niya ang totoo mong feelings, para naman hindi ka niya kamuhian forever.”
Narinig ko ang boses ni Vierra ngunit wala siya sa tapat ng camera.
“Fine, get the fuck out so I can focus here.”
Kahit naluha ay natawa pa rin ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga napakasungit ni Arken.
Tumingin nang diretso si Arken sa camera. Inayos niya pa ang buhok niya, nahalata ko na kinakabahan siya sa video dahil napapaiwas siya ng tingin do'n.
“Jonalyn, I-I know I pushed you away a-and... Fuck. I just want you to know that I didn't want to do that. I'm sorry, sorry for ruining your life, I'm sorry because I... I have to be like this. I want you to know that...”
Natigilan siya sa pagsasalita, napahilamos siya sa mukha niya, tila ba pinipigilan ang sarili na maluha.
“W-when you came into my life, I wished to be a simple guy with a normal life. Y-you made me desire things I shouldn't... Pangarap kong mahalin ka nang hindi natatakot sa mga pwedeng mangyari. I want to wake up every morning with you, together with our future children, and grow old together. But I don't deserve you, Vierra is right... You're too good for me, you're too perfect for me. Hanggang pangarap na lang ang gusto kong mangyari mamuhay nang simple kasama ka, tumanda na kasama ka... My whole life, I thought I only want one thing, power. But when I met you, I realized that power isn't really the one I want. I just want to be Arken, I just want to be Jonalyn's Arken, not Arken who holds a lot of power and terror. I-I just want to be your Arken.”
Napatakip ako sa bibig ko habang lumuluha. Ayokong marinig nina Wrena na naiyak na naman ako... Kahit hindi ko na mapigilan, kahit ang bigat bigat na sa pakiramdam, kahit parang bibigay na ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
“I-I know this is a crazy thing to say after what I've done to you, but I love you so much. You are my dream, you are my everything, you are my angel... Mahal na mahal kita, Jonalyn.”
Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak at bumigay dahil sa huling sinabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko habang patuloy na lumuluha.
“M-mahal din kita, Arken. Mahal na mahal din kita.”
* * *
“Nasaan ka ba, Ayen? Mahuhuli na kayo ni Vander niyan e,” panenermon ni Wrena sa kabilang linya.
“Saglit lang ako, uuwi rin ako kaagad,” sabi ko na lang saka agad na ibinaba ang tawag.
Napatingin ako sa bahay na pinuntahan namin ni Arken noon. May nakasabit ng karatula na may nakalagay na for sale sa gate.
Gusto ko munang pumunta rito bago kami umalis ni Vander. May naging alaala rin kami ni Arken dito, sa ganitong paraan na lang ako magpapaalam sa kanya dahil hindi ko siya kayang puntahan sa Spain.
May mga alaala agad na pumasok sa isipan ko nang pasukin ko ang gate. Naalala ko nang dalhin ako rito ni Arken upang pag-usapan ang tungkol kay Vander, nabali pa noon ang takong ng sapatos ko at binuhat niya ako. Noon pa lang dapat napansin ko na na mahal ko pa rin siya... Na hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Marami akong mga bagay na hindi nagawa noong nasa piling ko pa si Arken, sana hindi pride ang pinairal ko noon. Kung nagawa ko lang sabihin na mahal ko pa rin siya, malamang buhay pa siya ngayon at kasama ko.
Madilim ang loob ng bahay at wala ng mga gamit, nakakapagtaka na hindi iyon naka-lock, dahil siguro inabandona na ito at ibebenta na rin naman. Sana lang ay walang makakita sa akin, baka mapagkamalan pa akong trespasser dito.
Napabuntong hininga na lang ako at umakyat sa ikalawang palapag. Natigilan ako nang mapansing may bulto ng lalaki sa may balcony, nakatalikod ito sa pwesto ko at mukhang may kausap sa phone.
“May tao pala,” bulong ko at akmang aalis na nang marinig ko itong nagsalita.
“Prepare our ticket to Spain, of course, Arkia too.”
Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Nanginginig ang mga tuhod na lumapit pa ako nang kaunti sa lalaki.
Imposible, alam kong sa kanya ang boses na 'yon, hindi ako pwedeng magkamali.
“About Jonalyn...”
Napabuntong hininga siya at natigilan sa pagsasalita.
“...I-I will let her be happy with Vaughn, everyone assumes that I'm dead anyway. Until now, I wish that I didn't survive.” Napabuntong hininga siya. “But I'm dead here anyway, we will just stay in Spain for the rest of our fucking lives. I don't want to bother Jonalyn again, I-I just caused her a lot of trouble.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nanginginig iyon. Pinilit kong h'wag gumawa ng ingay at pigilin ang mga luhang gustong gusto ng kumawala.
Ibinulsa na niya ang phone saka napalingon sa pwesto ko. Natigilan siya nang makita ako. Kusa namang tumakas ang mga luha mula sa mga mata ko habang nakikipaglabanan ng titig sa kanya.
“Jonalyn...”
Naikuyom ko ang mga kamao ko habang nakatingin nang masama sa kanya, walang kontrol sa pagluha ang mga mata ko dahil sa halo halong pakiramdam, pagkagulat, inis, galit... tuwa.
“N-napakasama mo talaga, Arken Zaviere.”