Chapter 10 - Epilogue

“FOCUS on the race, Mitch!”

Yeah. Focus on the race, Mitch, ulit ni Mitch sa isipan niya sa sinabi ni Chris na siyang coach niya sa GP3 Series. Hindi maganda ang naging result ng free practice race niya sa Belgian Grand Prix. He was on P21. At sa qualifying nama’y bahagya siyang nakabawi dahil naka-P8 siya. Ngunit hindi pa rin maganda iyon.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. If he wanted to win this Series and advance to GP2, he has to be more focused on the race. He was to win both Race 1 and Race 2 for him to extend his lead and graduate to GP3. And to be able to do that, he has to clear his mind. He should not think about Kaycee and what he’d done. Dahil kahit na anong pilit niya sa kanyang sarili na ginawa niya ang tama para sa kanilang dalawa’y nagi-guilty pa rin siya.

Pakiramdam niya’y mas inisip niya ang kanyang sarili kaysa ang nararamdaman ni Kaycee. Alam niyang nasaktan niya ito. Oh, god! He wanted to be on a plane back to the Philippines and make everything right. Gusto niyang itama ang pagkakamali niya. Napakasama niya. Sinabi niya dati na ayaw niyang makitang nasasaktan at umiiyak si Kaycee pero siya rin naman sa huli ang nagpaiyak at nagdulot ng sakit dito.

Oh, man. Naalala niya ang hitsura ni Kaycee noong huli silang nagkita sa Sugar Treats. It pained him to see her hurt and crying like that. Lalo na at alam niyang siya ang may kasalanan.

You’re a jerk, Mitch! anang konsensiya niya.

Yeah. I am, sang-ayon naman niya. Kung maaari lang siyang makauwi sa Pilipinas ngayon ay gagawin niya.

If there’s a will, there’s a way, man.

Lumabas siya ng team garage nila at hinanap ang kanyang ama. Kailangan niya itong makausap. Pero ginulat siya dahil pagkakita niya sa kanyang ama’y nakita niyang kasama nito ang Camp Speed boss na si Rev. Inimbitahan nila ito dati na manood doon minsan pero hindi niya inaasahan na ngayon ito manonood ng live doon.

“Rev and I were talking about your results, Mitch,” anang papa niya.

“Bad results you had, Mitch,” bungad sa kanya ni Rev.

“Wrong decisions,” sabi niya rito. Alam niyang isa ito sa mga taong naniniwala sa kanya. It was just so hard for him to balance everything. He chose his formula dream because everybody’s expecting him to be a Formula One racer and he didn’t want to let them down. Iyon ang naging dahilan kung bakit nakasakit siya ng isang tao. His dream, his goals and the people who believe in him.

“Not wrong, Mitch. Hindi ka lang talaga makapag-isip ng maayos dahil may bumabagabag sa’yo,” makahulugang sabi nito sa kanya. Mataman siya nitong tiningnan dahilan para maging uneasy siya. His quizzing look makes him for guilty. “I’ve read her blogs, Mitch. Alam kong may hindi magandang nangyari sa inyong dalawa.”

“Wait. Her? Who’s ‘her’?” tanong ng papa niya.

“I’m in love, ‘Pa,” pag-amin niya sa kanyang ama. It was somewhat awkward. Normal lang sa isang anak na babae ang magtapat na in love ito sa nanay nito, but a son to a father? A “haha” should be there.

“Oh, I get it. Kung in love ka pala, bakit hindi ka inspired ngayon? Ano’ng problema?” tanong ng papa niya.

“I lost it, ‘Pa. I had let go of the girl I love,” aniya.

“What? Bakit kailangan mong gawin ‘yon?” kunot-noong tanong nito sa kanya na para bang napakalaking kasalanan ng nagawa niya.

Well, it is a big crime to hurt the woman you love, man.

“I had to live my dream,” aniya. It’s a lame excuse, yes. And he hates himself for it.

“That’s bull shit, Mitch! Hindi ba pwedeng you could have both? I mean, it would be so much better to live your dream with the woman you love,” anang papa niya.

Napangiti siya sa sinabi nito kasabay ng isang iling. Akala niya’y pipigilan siya ng kanyang ama na magka-girlfriend dahil iisipin nitong maging distraction lang iyon sa career niya. Ito kasi ang palaging nagpapaalala sa kanya na iwasan niya ang anumang distractions. Hindi niya inaasahan na iyon ang mga sasabihin nito sa kanya.

“Hindi ba magiging complicated ‘yon?” tanong niya sa mga ito.

“If you’re happy with what you chose, nothing’s going to be complicated. Kaya ‘wag mong gawing komplikado ang lahat,” anang papa niya.

“You heard your old man here, Mitch. Win the race and come back to the Philippines with me. Ayusin natin ‘yang takbo ng puso mo,” sabi ni Rev. He was poker-faced as ever.

“Pagkatapos naman ng race na ito, may dalawang linggo pa bago ang susunod na race kaya maayos mo pa ang problema mong ‘yan,” anang papa niya.

“Be sure to win the races today, Mitch. Kaycee’s going to hate you if you won’t,” bilin pa sa kanya ni Rev.

I would sure win this for her.

THIS day is going to be great for you, Kaycee, sabi ni Kaycee sa sarili habang papasok siya sa Food Rush. Tsinek niya ang dalang backpack. Naroon na ang lahat ng kailangan niya para sa araw na iyon. Naroon na ang notepad, video cam, voice recorder, cell phone at ang ever reliable camera niya. Parang ganoon din ang naging routine niya last monthly race. Ang kaibahan lang ngayo’y talagang pumunta siya roon para sa kanyang agenda: ang magtrabaho.

“Good morning, Mrs. Esguerra!” bati sa kanya ng mga patron racers na nabungaran niya sa Food Rush na sina Gabby, Slater, Nick, Ivan at Zen.

Naroon ang Kuya Nick at Ivan niya dahil kasali ang mga ito sa Camp Speed Patron Race na mangyayari mamaya. Ayon sa dinig niya’y motorbike racing ang kategoryang paglalabanan ngayon. At ang makakalaban ng mga ito’y sina Lexos, Koen, Ashton, Aze at Patrick pati na rin ang triplets na sina Zen, Zeb at Zeke na pawang magagaling na patron racers nila.

Sinimangutan niya ang mga ito. “Divorced na kami,” biro niya sa mga ito.

“Talaga? Pero bakit—“

“Sssshhh. Surprise ‘yon. Don’t spoil it,” putol ng Kuya Zen niya sa iba pang sasabihin ng Kuya Gabby niya. Anong surprise ang sinasabi nito?

“Wala ba si Kuya Raff dito?” tanong niya sa mga ito.

“Nand’yan lang ‘yon sa tabi-tabi. Bakit siya ang hinahanap mo?” anang Kuya Slater niya.

“Magpapalibre kasi ako sa kanya ng French Vanilla eh,” nakangising saad niya.

“Order ka na, Kayce. Icha-charge namin kay M—me. Sa’kin,” anang Kuya Zen niya.

“Weh? Sigurado ka? Hindi ka naman nilalagnat n’yan?” biro niya rito. Never kasi siya nitong inilibre sa café nito kahit na close sila nito.

“Hindi. Sige na. Um-order ka na nang kahit anong gusto mo,” udyok nito sa kanya.

Umupo siya sa tabi ng mga ito saka siya um-order ng French Vanilla at Choco Mousse na paborito niya roon. May mga babaeng lumapit sa mesa nila at nagpakuha ang mga ito ng litrato sa mga kuya niya. Mabuti na lang at hindi siya inutusan ng mga itong kumuha ng picture ng mga ito dahil baka matarayan lang niya ang mga ito. Pero nagulat siya ng may isang fan na babaeng lumapit sa kanya at nagtanong.

“Ikaw si Kylie Jane ‘di ba?” tanong nito sa kanya.

“Yes,” nakangiting sagot niya rito.

“Reader mo ako. Sa’yo ko nalaman ang tungkol dito sa Camp Speed. Miss Kylie, kumusta na kayo ni Mitch Esguerra?” tanong nito sa kanya. Mas pinili niyang hindi na lang magsalita.

“Ah, eh, miss, keep posted na lang,” pananagip sa kanya nang Kuya Gabby niya.

“Bagay na bagay kayo ni Mitch Esguerra, Miss Kylie,” anang babae bago ito lumayo sa kanila at nagtungo sa kabilang mesa kung nasaan ang ibang kasama nitong fans.

Ibinaling naman niya ang kanyang atensyon sa pagtatanong sa mga patron racers. “Kuya S, bakit present ka ngayon? Hindi ka na kasali sa race ‘di ba?” tanong niya sa kanyang Kuya Slater at inilabas na niya ang kanyang notepad.

“I just want to know who’d win this time,” kibit-balikat na saad ng Kuya Slater niya. There was something weird about him that she couldn’t point a finger at. Basta iba ang aura nito ngayon. Ganoon din ang Kuya Gabby niya.

“And even Vonn and Keith is back,” anang Kuya Gabby niya.

“Ha? Eh ‘di ba may formula races sila ngayon? Paano sila—“

“For some unknown reason, they’re here,” anang Kuya Zen niya.

So, that means maaaring nandito rin si Mitch?

Natigilan siya sa isipin. Hindi. Baka sina Kuya Vonn at Kuya Keith lang ang umuwi. Imposibleng nandito rin si Mitch. He was going to live his dream and all that, ‘di ba? At least, sina Kuya Vonn at Kuya Keith, Formula One racers na, paliwanag niya sa sarili.

“Yes, Kayce. I’m here,” anang pamilyar na boses ni Mitch sa likuran niya. Pakiramdam niya’y nanigas siya mula sa kinauupuan niya nang marinig niya ang boses nito kahit na hindi pa man siya nakakainom ng kape.

“Good luck sa race n’yo mamaya ha? Galingan n’yo lahat. Sa committee garage na ako para makapag-ready na kami sa coverage,” paalam niya sa mga ito na hindi pinapansin si Mitch. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at mabilis na lumabas ng Food Rush.

“Kaycee!” habol sa kanya ni Mitch.

How funny. A month ago, siya pa ang naghahabol dito, pero ngayon ay ito na ang naghahabol sa kanya.

“Kaycee, I’m so sorry,” anitong pilit na umaagapay sa paglalakad niya. Pero hindi pa rin niya ito pinapansin.

Bakit kailangan pa nitong bumalik at magpakita sa kanya gayong nagmu-move on na siya?

“I was a jerk for hurting you. I was a fool to let you go. I’m sorry I’ve made that mistake. I would never ever—“

“Shut up, Mitch!” naiinis na sigaw niya rito.

“Kayce, listen to me first—“

“Shut the hell up!” muling sigaw niya rito saka ipinagpatuloy ang paglalakad niya patungo sa committee garage ngunit muli siyang hinabol ni Mitch at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat niya.

“Sabi mo dati good listener ka kaya makinig ka sa’kin. Please,” pakiusap nito sa kanya.

“Think about this, Mitch. Kung kakausapin mo ako ngayon, babawiin mo ang lahat ng sinabi mo noon, aasa na naman ako. Pagod na akong umasa, kaya utang-na-loob, tama na,” aniya rito.

“I’m sorry. Alam kong nasaktan kita noon, I’m really sorry. Hindi ko ‘yon ginusto at lalong hindi ko ‘yon sinadya,” sabi nito bago bumunot ng malalim na buntong-hininga saka pinakawalan iyon at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. “The thing is, I love you, Kaycee,” anito sa kanya.

Nagpumiglas siya sa hawak nito. Paasahin na naman niya ako. Matagal na niyang hinihintay ang “I love you” nito noon pero nag-iba na siya ng gusto ngayon.

“Fuck up, Mitch!” singhal niya rito at muling naglakad palayo rito ngunit nahabol na naman siya nito kaya sumuko na siya. “Fine! Speak up,” aniya rito.

“That very same day, plinano ko nang magtapat sa’yo. No’ng magka-tweet tayo sa Twitter. But then, my father showed up and told me about Red Bull. It’s my formula dream. I’ve weighed my options and I’ve been a jerk. Mas pinili kong sundin ang nauna kong pangarap kaysa ang pangarap na mas makapagpapasaya pa sa’kin. You can’t imagine the difficulty I’ve been through when I chose to let you go and to see you cry like that. It was pure torture.”

“That’s bull shit, Mitch!” sigaw niya rito dahil sa sobrang frustration na nararamdaman.

“Yeah. I’ve been told,” sang-ayon nito sa kanya saka muling huminga ng malalim bago nagpatuloy. “Kung nabalitaan mo, hindi maganda ang naging resulta ng free practice at qualifying ko sa Belgium. It’s because I’ve been thinking of you. And more than my guilty conscience, something hit me big time. You’re far much better than a formula dream and I totally messed up when I chose to let you go. I’m terribly sorry. Then, my father told me that I could live my dream with the woman I love. Sabi ko sa sarili ko, ang tanga ko talaga at hindi ko naisip ‘yon dati. Mas inisip ko ang sarili ko kaysa ang mararamdaman ko. Ginawa ko pang komplikado ang lahat para sa’tin.”

Shit! Fuck up, heart! mura niya sa puso niya. Nararamdaman kasi niyang tatraidurin siya niyon dahil ang tibok ng puso niya’y nagsasabing “go” pa rin siya kay Mitch.

Real love, girl, real love.

“It’s amazing how your love and the crazy stuff you pulled on me changed my mind in an instant. Pangarap kong maging pinakamagaling na Formula One driver pero mas matindi ang pangarap kong maging boyfriend mo. Since day one, attracted na ako sa’yo pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil akala ko, hindi ko maaaring pagsabayin ang races ko at ang love life ko. Tama ka noong una, remember that time when you interviewed me? You said I was distracted. I am, with you. When I turned into the committee garage and saw you cheering, kahit na nakalampas na ako do’n, my mind was still reeling on that specific scene that I saw. My mind was stuck on you. Kaya kahit na anong pilit kong mag-focus sa karera ay hindi ko nagawa dahil na-distract na ako sa’yo. You and your adorable smile. So when I’ve heard all the nice things about you from your family and you gave me your sweet adorable smile, I told myself that you’re worth a try. And I stand corrected, you’re worth everything,” sabi nito.

Napayuko siya. Naiiyak siya sa kilig. Bakit ba kailangang dumaan pa sa pagsubok ng lahat ng istorya? Palagi na lang may conflict, palagi na lang may away. But then, naisip niya, hindi nila malulubos ang saya pagkatapos kung wala silang matututunan at wala silang magiging starting point para sa mas magandang kinabukasan.

Wala na. Ganito ba talaga kagaga dapat kapag nagmamahal ka? aniya sa sarili.

“You can now curse me, Kayce,” untag sa kanya ni Mitch.

Umiling siya rito. “Why do you have to be so freaking hot?” nakangiting tanong niya rito pero nangingilid naman ang mga luha niya sa kanyang pisngi.

Ngumiti sa kanya si Mitch. At doon niya nasigurado sa kanyang sariling may kahahantungan din pala ang pangangarap niya. She cried harder as Mitch hugged her tightly. She felt him kissed the top of her head as he kept on saying “I love you”.

She was an exception to the rule. She was crying because even though they’ve been through a lot, all her cries, doubts and heartaches, she would still have her happy ending after all. And yes, it would be with this wonderful guy named “Mitch”.

PAWANG may ngiti sa mga labi sina Kaycee at Mitch habang nanonood ng Camp Speed Patron Race na pinanalo nina Lexos, Koen, Ashton, Aze at Patrick—respectively. Katatawa-tawang lowest five naman sina Nick, Ivan, at ang triplets na sina Zen, Zeb at Zeke—respectively.

May isang bagay na binanggit ang “The Formers” ng Camp Speed—ang mga dating patron ng Camp na pumupunta na lang doon ngayon para makibalita at minsan ay makigulo na rin—tungkol sa iba pang consequence ng mga natatalo sa Camp Speed Patron Race ayon sa karanasan ng mga ito noon na ikinatakot ng mga napasama sa lowest five.

“Do you think it’s real?” tanong niya kay Mitch.

“I guess so. I had you,” nakangiting sabi ni Mitch.

Napangiti na rin siya rito. Kung totoo man ang “myth” na iyon, good luck na lang sa lowest five nang monthly race na iyon. Their love stories would surely be in a roller coaster ride.

--------

NABULABOG sa pagsusulat ng isang manuscript si Kaycee dahil tumunog nang tumunog ang cell phone niya. Kinuha niya iyon at nakita niyang may notification siya galing sa isang Twitter user na may account name na “@MitchLovesK_”. She had no idea who that is. Pero naiintriga siya sa account name nito kaya agad niyang pinindot ang notification na iyon. Hindi kasi nakabukas ang Twitter niya sa laptop niya dahil hindi siya makakapag-concentrate sa pagsusulat kapag nagkataon.

Nanlaki ang mga mata niya at napatawa siya nang mabasa niya ang tweet niya iyon.

@MitchLovesK_ : @Kylie_Jane You’re far much better than a trophy, babe. And I love you. : ) <3 anang tweet na iyon. May kasama iyong picture nilang dalawa ni Mitch kung saan nakatingin siya sa camera samantalang humahalik naman sa pisngi niya si Mitch noon. Na-touched siya sa ginawa nito. That photo was taken this afternoon after he won the GP3 Series.

“Mitch!” tawag niya rito. Parang nasa malayong lugar ito kung makapag-tweet ito ng ganoon kayong kasama naman niya ito sa apartment ng mga ito sa London.

Yes. She’s in London and she’d finally watched a live formula race where Mitch won. Isn’t that great?

“Yes, babe?” anito nitong ang ulo lang ang nakasungaw sa pinto ng kwartong inookupa niya.

“Naisip kong palitan ang Twitter name ko,” aniya rito. Lumapit ito sa kanya bago hinalikan ang noo niya at tumabi sa kanya.

“Talaga? Ano’ng ipapalit mong name?”

“Mrs. Esguerra. How does that sound?”

“Perfect,” nakangiting sabi nito sa kanya.

And then, his head bent down on hers as he claimed her lips for a searing kiss. She and Mitch are both living their dream together now. It’s amazing how a dream could turn into a reality. She would be “Mrs. Esguerra” afterall. So, dare to dream. It’s powerful.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.