Chapter 11 - Knew You Were Trouble

RODGINE laced her two fingers at her back. Naidalangin niyang sana’y hindi sila magkita ng isang taong hindi pa siya handang makita—at ayaw pa niyang makita—ngayon. Sana lang ay wala ito roon ngayon.

Sana talaga wala siya rito. Sana hindi siya kasali sa race ngayon, piping dalangin niya.

Hinanap ng tingin niya ang dalawang taong kasama niya sa lugar na iyon. Kasalukuyan siyang nasa Camp Speed—isang lugar sa Batangas para sa mga racing enthusiast at mga mangangarera sa buong bansa. Hindi niya alam na muli pala iyong nagbukas makalipas ang ilang taong pagkakasara. Kasama niya roon ang kaibigan niyang si Remus at ang sampung taong gulang na anak nitong si Toffee na nahihilig ngayon sa motorsports. Kaya nandoon sila ngayon ay para i-enrol ito sa Camp Speed Racing Academy—isang motorsport school for aspiring young racers na ino-offer ng Camp Speed.

Camp Speed also wants to raise awareness for the youth about motorsport. Na hindi lang basketball, volleyball o tennis ang maaaring laruin ng mga ito kundi maging ang racing din. Kaya tamang-tama talaga para kay Toffee ang makapunta doon sa Camp Speed. Iyon nga lang, hindi pabor sa kanya ang pagpunta roon—dahil may iniiwasan siya.

Tinanggal niya ang suot na sunglasses dahil hindi siya masyadong makakita habang suot iyon. Blame it on my oh-so-labo eyes. Nakalimutan kasi niya ang kanyang salamin sa Cebu. Ginusto niyang magsuot ng sunglasses para “magtago” sana. Pero dahil hindi niya makita sina Remus at Toffee ay inalis niya iyon sa kanyang mga mata. Kahit papaano nama’y nakakita siya. At nakita niya ang mag-amang may kausap na mga lalaki sa may bar counter ng Food Rush—ang tanging restaurant na mayroon ang Camp Speed. Doon sila kumakain ngayon. Iyon nga lang, iniwan siya ng mag-ama dahil may nakita yatang kakilala ang mga ito.

Gusto man niyang umalis na sa lugar na iyon ay hindi maaari. She doesn’t want to spoil Toffee’s happiness. Matagal na itong hinihintay ng bata kaya ayaw niyang masira agad ang araw na iyon para dito. Nanggaling pa sila sa Cebu at balak nilang manatili sa Manila ng ilang buwan dahil magbubukas ng isang negosyo roon si Remus kung saan siya kasosyo. Pumunta sila sa Batangas dahil hiling iyon ni Toffee. Hindi siya makaayaw dito dahil masyado itong mapilit na isama siya roon.

Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan para lapitan ang dalawa at ang mga kausap nito. Pero bago pa man siya makalapit sa mga ito’y napaatras na siya dahil nakita niya ang taong ayaw niyang makitang kausap nina Remus at Toffee!

Pak shit! mura niya. Agad siyang tumalikod para bumalik sana sa kanilang mesa pero huli na dahil tinawag na siya ng boses ni Remus.

“Gine, come here,” anito sa kanya. “Gine” ang nakaugaliang itawag ni Remus sa kanya dahil medyo panlalaki daw ang “Rodgine”.

Napakagat-labi siya at mariing napapikit. Wrong move, girl. Bakit kasi nakalimutan mo ang salamin mo? Hindi mo tuloy nakita agad ang “iniiwasan” mong tao. Nasa danger zone ka na naman, aniya sa sarili. Pinatigas niya ang kanyang hitsura bago pumihit paharap kina Remus. She wanted Nick to know that she’s stronger now—that nobody would ever take advantage of her, nobody would use her, nobody would hurt her like he did before.

“Babalik na ako sa table natin. Hihintayin ko na lang kayo do’n. Busy pa kayo eh,” sabi niya kay Remus. Pero lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso saka hinila palapit sa mga kausap nito.

“Tita Gine, they’re Camp Speed patron racers! They’re my idols,” Toffee told her beaming. Kitang-kita niya ang excitement sa mga mata nito.

Nginitian lang niya ito dahil tensed na tensed siya pero hindi pa rin niya inaalis ang tigas ng kanyang anyo. Hindi man niya sulyapan ang taong ayaw niyang makita ay alam niyang nakatingin ito sa kanya—ramdam niyang nakatingin ito sa kanya.

“Gine, these are Gabby Roxas, Slater Young, Zen Figuerroa, Ivan Aguila and Nick Velarde,” pakilala sa kanya ni Remus sa mga lalaking kausap nito at ni Toffee. She almost flinched at the sound of Nick’s name. At nakangiti pa sa kanya ang damuho. Nabuhay tuloy ang galit na naramdaman niya rito noon.

Damn you, Nick! How could you still smile to me like that? Ano ‘to lokohan?

“Guys, this is Rodgine Lores Ruiz—“

“His wife,” agad na pakilala niya sa mga lalaki.

Nawiwirduhang tumingin sa kanya si Remus pagkatapos at maging si Toffee ay napatingala sa kanya. Mabuti na lang at hindi nagkomento ang bata dahil matagal na nitong inuungot sa kanya na maging “mommy” na nito. Hinawakan niya ang kamay ni Remus at pinisil iyon para iparating ditong sumakay na lang ito sa “trip” niya.

“Nice to meet all of you,” nakangiting sabi niya sa mga lalaki—eyeing each one except for Nick. Pero hindi siya nakaligtas dito.

“It’s a pleasure to meet the wife,” sabi ni Nick sa kanya na binigyang diin pa ang salitang “wife” bago naglahad ng kamay sa kanya.

Pak shit ka talaga, Nick! mura niya rito sa kanyang isipan. Binitiwan ni Remus ang kamay niya at halos iladlad na nito iyon sa nakalahad na kamay ni Nick. Matagal ang naging reaksyon niya dahil sa ginawa nito. Nang makita niyang nakatingin sa kanya ang mga lalaking kausap niya’y nakaramdam siya ng ilang. Kaya out of courtesy and good manners, tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Nick.

But the moment their hands touched, she felt like she’s going to be in trouble again—especially, her heart. Dahil agad-agad ay naramdaman niyang tumalon iyon kasunod ang sampung cart wheel at limang somersault. Kaya agad niyang binawi ang kanyang kamay mula kay Nick. Pinili na rin niyang makipagkamay sa apat pang lalaking ipinakilala ni Remus sa kanya para kahit papaano’y hindi na niya maramdaman ang init ng palad ni Nick kanina.

But even if minutes passed and several hands touched hers, his touch still lingered and her hand suddenly itched for their hands to touch again.

Hold it, Rodgine! Warning, warning, warning! Peste! Si Nick ‘yan! paalala niya sa kanyang sarili. Hindi na niya kailangang i-elaborate pa sa kanyang sarili kung para saan ang warning na iyon.

“Anak n’yo bang dalawa si Toffee?” pagkuwa’y tanong ni Nick na ikinagulat niya. Talagang nagtanong pa ito ng ganoon.

“Anak ko si Toffee. But Gine’s not his mom,” sagot naman ni Remus dito.

“I see,” tumatangong sabi ni Nick.

“You should stay and watch the race today. ‘Yong lowest five kasi ang magiging teachers ni Toffee sa Camp Speed Racing Academy,” sabi ni Gabby sa kanila kapagkuwan.

“We’ll stay and watch!” agad na sabi ni Toffee bago pa man siya makakontra. Hindi tuloy niya mapigilan ang mapasimangot.

“I guess your mom’s not happy with that,” puna ni Nick sa kanya.

Peste ka talaga! “Hindi. Okay lang sa’kin. Basta masaya ang baby ko,” aniya saka kinurot ang pisngi ni Toffee na palagi niyang ginagawa. Matambok kasi ang pisngi ni Toffee na pinanggigigilan niya palagi.

“Thank you, Tita Gine!” masayang pasasalamat sa kanya ni Toffee bago ito bumaling sa limang lalaki. “Sana kayo po ang maging teacher ko sa academy.”

“Out na kami d’yan. Ang Tito Zen, Tito Ivan at Tito Nick mo ang may posibilidad na maging teacher mo, Toffee,” ani Gabby kay Toffee.

“Kaya ipagdasal mo na matalo sila para sila ang maging teachers mo,” sabi naman ni Slater.

“Bakit? Ano ‘yon parang consequence ng mga matatalo ang magturo sa academy?” curious na tanong ni Remus sa mga ito.

“Yes. Ang owners ang gumawa ng consequence na ‘yon,” ani Zen.

Sana manalo si Nick para hindi ko na siya makita dito kapag nag-aaral na dito si Toffee, piping dalangin niya.

“Oh, I see. Well, good luck sa inyo. Hindi madaling magturo sa mga makukulit na bata,” sabi ni Remus sa mga lalaki.

“Sinabi mo pa. We experienced it first hand. Mahirap na nakakatuwa din,” ani Slater.

“Okay lang naman sa’king magturo. Lalo na kung si Toffee ang tuturuan. Are you going to be around during their course of training?” tanong ni Nick kay Remus pero pakiramdam niya’y ang tanong na iyon ay para sa kanya.

Napapantastikuhan siyang tumingin kay Nick. Kailan pa ito naging “cool and carefree”? Saan na napunta ang seryoso at supladong si Nicholai Velarde na palaging nagto-torture sa kanya noon?

Ah, so hindi mo pa rin pala talaga siya nakakalimutan, nanunudyong saad ng isang bahagi ng isipan niya. Namura niya ang sarili dahil doon.

“Hindi ako makakasama sa kanya dahil sa trabaho. Pero si Gine ang sasama sa kanya,” agad na sagot naman ni Remus kay Nick.

“Depende pa rin ‘yon kung wala akong gagawing mahalaga,” sabi naman niya. “Wala pa tayong napapag-usapan na ganyan,” aniya kay Remus. Wala naman talaga silang pinag-uusapang ganoon. Hindi pa kasi nila alam kung paano ang magiging arrangement ng pag-aaral ni Toffee sa Camp Speed.

One month ang in-enrol nitong kurso sa Camp Speed kung saan magka-karting ito kaya home study ang gagawin nito para sa mga klaseng naiwan nito sa Cebu. Sa isang international school kasi nag-aaral si Toffee kaya pwedeng i-arrange na ganoon ang class schedules nito. Siyempre pa, may dagdag na bayad iyon. Pero dahil iisang anak lang si Toffee ay naibibigay dito ni Remus ang lahat.

Ang Camp Speed Racing Academy ang matagal na nitong iniuungot kay Remus kaya pinagbigyan na ito ng huli. Isang buwan lang naman ang course na iyon. Pagkatapos niyon ay babalik na si Toffee sa Cebu para bumalik sa totoong pag-aaral nito. Isa pa’y namana naman ni Toffee kay Remus ang pagkahilig sa mga kotse kaya hindi rin maka-hindi ang huli sa una. Car dealership kasi ang linya ng negosyo ni Remus.

“We’ll talk later,” ani Remus sa kanya.

“You should accompany Toffee. Lahat ng mga bata ay may kasamang magulang tuwing nagle-lesson dito,” giit pa ni Nick.

“I guess, problema na namin ‘yon, Mr. Velarde,” mataray na sabi niya rito.

“Okay. I’m just saying,” anitong itinaas pa ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa kanya.

“Okay. Time to go na. Magbibihis pa kami para sa race eh,” ani Ivan bago pa lumala ang tension sa pagitan nila ni Nick.

“Wish us luck,” sabi naman ni Nick pagkuwa’y kumindat pa sa kanya. Pakiramdam niya’y nagsirko ang puso niya.

Aba’t marunong ng kumindat ang damuhong ito ngayon! I wish you bad luck! ngali-ngaling sabihin niya iyon dito.

Tange! Kapag natalo siya, isa siya sa magtuturo kay Toffee. Makikita at makikita mo pa rin siya, sabi naman ng isang bahagi ng isipan niya.

“Good luck,” sabi niya rito na labas sa ilong. Pagkatapos niyon ay niyaya na niya sina Remus at Toffee na bumalik sa mesa nila para ituloy ang kanilang pagkain.

“What’s with you?” tanong sa kanya ni Remus pagkaupo nila sa kanilang mesa.

“Nothing,” aniya rito.

“Bakit ‘wife’?” tanong pa rin nito sa kanya. She grunted. Pero hindi niya sinagot ang tanong nito. “Siya ba ‘yong ‘Sirius’ na sinasabi mo?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya. Mukhang hindi talaga nito pakakawalan ang topic na iyon.

Si Nick nga ang “Sirius” na sinasabi nito dahil ‘seryoso’ si Nick kaya “Sirius” ang code name na ginamit niya rito tuwing nagkukwento siya kay Remus noon. Napakalaki ng pasasalamat niya kay Remus dahil ito ang nagsalba sa dignidad niya noon. Kung hindi dahil dito’y kasal na siguro siya sa lalaking hindi niya mahal ngayon.

“Fine. Siya ‘yon. ‘Wag ka na munang magtanong tungkol sa kanya ngayon,” sabi niya rito.

“Right. ‘Cause he’s still troubling you right now,” kaswal na sabi nito sa kanya pero matindi ang naging impact niyon sa kanya.

He is, sang-ayon naman ng makulit na bahagi ng isipan niya.

“NICK! WHAT the hell are you doing?” singhal kay Nick ng coach niyang si Raoul mula sa radio earphone na suot niya sa ilalim ng helmet niya.

“Excited lang,” natatawang sagot niya rito. He gassed up even before the five red lights are off that’s why he omitted a time penalty. Idadagdag ang time penalty na iyon sa magiging ending time record niya pagkatapos ng race mamaya.

Raoul Maxwell—known as the ever controllable freak as he is—he would never let his riders lose. Kailangang isa sa kanila ni Aze ang manalo sa race na iyon. Dahil sigurado siya sa kanyang sarili na matatalo siya.

Susubukan ko ang “myth” na ‘yon. Ngayon natin malalaman kung totoo ba ang “myth” na ‘yon o hindi. Kahit imposibleng maayos pa ang love life ko, aniya sa sarili.

Hindi na sana niya papansinin ang sinasabing “myth” ng “the Formers” kung hindi niya nakita kanina ang babaeng gumugulo sa puso’t isipan niya sa loob ng limang taong lumipas pero hindi niya maaaring makuha dahil kasal na ito at dahil alam niyang galit na galit ito sa kanya hanggang ngayon. He’s a hundred percent sure that even if Rodgine’s—the girl she loves—single now, she wouldn’t do anything about him. Nakilala pa niya kanina ang “pamilya” nito. Ironically, the picture of the three inspired him more—to lose the race.

Kapag kasi natalo siya sa patron race na iyon ay haharapin niya ang consequence na maging teacher sa Camp Speed Racing Academy na in-enrol-an ni Toffee—ang anak nina Remus at Rodgine. Sigurado siyang sasamahan ni Rodgine si Toffee sa Camp Speed tuwing lesson nito kaya sigurado siyang makikita niya ito palagi roon. Kahit na maraming expectators ang manonood sa patron race na iyon ay kailangan niyang ipatalo ang race na iyon para sa ikapapanatag ng loob niya—ng puso niya.

Nakikita na niya kung ano ang magiging headline ng report ni Kaycee Jean—ang official Camp Speed journalist—kapag natalo siya. “Nick Velarde: A Champion, A Loser”. Napailing siya sa sarili. Sa kategoryang angat pa siya pa magpapatalo. Nakikinita-kinita na niya ang magiging pagtawa sa kanya ng mga co-patron racers niya kapag natalo siya. He’s a superbike champion. And today’s MotoGP-themed patron race is no difference to the genre he’s into—SBK or the Superbike World Series. Kaya katawa-tawa talaga kapag natalo siya.

But he has to lose in order to have the love he wants. If the myth is real.

“Get your head in the race, Nick!” muling singhal sa kanya ni Raoul na nakapagpabalik sa kanya sa realidad. Sakto iyon sa pagpatay ng limang red lights.

He gassed up and drove as fast as he could to the circuit that’s mostly of turns and curves. His body shifted from left to right as he drove into each circuit’s turns. Ingat na ingat siyang makagawa ng maling turn dahil dikit ang laban nila ng kanyang mga kakompetensiya. Wala siyang rason para matalo ang laban na iyon dahil isang Ducati bike ang gamit niya ngunit gagawin niya ang lahat para magpatalo.

It’s his love life at stake. He has to take a risk.

“Nick! Ano’ng ginagawa mo? Go for the pole position!” sigaw sa kanya ni Raoul mula sa radio phone nila.

“Can’t pass through, Lexos,” sabi lang niya rito. He smiled to himself as he let a blue bike pass by him. Hindi na niya napansin kung sino iyon.

“Do everything just to pass by him!” muling sigaw nito sa kanya.

“Shut up, Raoul,” sabi lang niya rito.

“Please tell me you’re not thinking of losing this race on purpose,” anito sa kanya.

“Actually, I am,” sagot niya rito.

“Damn that stupid myth!” inis na sabi sa kanya ni Raoul saka nito pinatay ang radio sa kanya. Alam niyang hindi na ito magsasalita sa kanya mamaya. Kailangan na lang niyang tapusin ang race na ito. Kahit pang-anim lang siya. Basta matalo siya at hindi siya ang pinaka-lowest ay ayos na sa kanya.

Forty-five minutes lang ang itinagal ng race. Kasama sana siya sa top five ngunit dahil kailangang ibawas sa time record niya ang penalty niya kanina ay naging P6 siya. Kanya-kanyang kantiyaw ang ginawa sa kanila nina Ivan, Zen, Zeb at Zeke ng ibang patron racers dahil silang lima ang kulelat. Ngunit sa kanilang lima, siya lang ang nakangiti.

“Damn it!” sabay-sabay na mura ng apat na natalo.

“O, ‘wag kayong masyadong bad trip. Gayahin n’yo na lang si Nick. Masaya,” pang-aasar pa sa kanila ng kasama sa top five na si Ashton.

Hindi na lang niya pinansin ang pang-aasar nito. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Rodgine at nakita niyang palapit ito sa kanila kasama sina Remus at Toffee. Ngayon niya malalaman kung mabisa ba talaga ang “myth” na iyon.

“Tito Nick, I’m so sad kasi natalo ka. But I’m also happy kasi magiging teacher kita sa academy,” agad na sabi sa kanya ni Toffee. Ramdam niya ang excitement nito.

“I guess we’ll be hanging out often, huh,” aniya sa bata bago sumulyap kay Rodgine na ngayon ay nakasimangot. He missed her pout, her cute eyes—all of her.

You got it bad until now. But too bad you let her slip away then, aniya sa sarili.

I just hope the ‘myth’ is real.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.