Chapter 14

“GOOD MORNING, Manang Yolly!” masiglang bati ni Rodgine sa mayordoma ng bahay ni Nick nang makita niya ito pagkapunta niya sa kusina. Natawa siya nang makitang magulat ito at halos mabuhusan ng orange juice ang sarili. Dalawang buwan na siyang nanatili roon pero hindi pa rin ito nag-iingat na bigla na lang siyang dadating at mag-iingay kaya palagi itong nagugulat. Hindi naman niya sinasadyang gulatin ito.

“Ano ka ba namang bata ka! Ginulat mo na naman ako,” anito sa kanya.

“Manang, hindi mo na naman narinig ang yabag ko? Uuy, baka nag-moment kayo ni Manong Julio kaya pre-occupied ang isipan n’yo ‘no,” tudyo niya rito na ang tinutukoy ay ang driver ni Nick.

“Ano’ng ‘moment-moment’ ka d’yan. Matanda na kami pareho. Hindi na uso sa’min ang gano’n,” sabi nito sa kanya saka siya inabutan ng isang basong orange juice.

“Thank you, manang. Eh, ano pala ang uso sa inyo?” makulit na tanong niya rito pagkatapos ay umupo sa bar stool sa may kitchen pantry. Nakapang-jogging get up na siya pero makiki-chika muna siya kay Manang Yolly bago siya tumakbo at mag-exercise.

“Ligawan sa ilalim ng buwan,” singit ni Laida na kaedad lang niya. Ito ang gumagawa ng lahat ng hindi na pwedeng gawin ni Manang Yolly katulad ng paglalaba.

Ninais na daw umalis ni Manang Yolly sa poder ni Nick dati at bumalik na lang sa ancestral house ng mga Velarde ngunit hindi pumayag ang una. Naging constant companion na ni Nick si Manang Yolly dahil mula pagkabata ay ito na ang nag-alaga dito kaya hindi pumayag si Nick na umalis sa poder nito ang huli.

“Tumahimik ka nga, Laida. Hintayin mo sina Nick at Snowy sa gate pagkatapos ay paliguan mo na si Snowy,” utos ni Manang Yolly kay Laida. Si “Snowy” ay isang Bichon Frise na aso. Puting-puti ito at pitong taon na raw itong kasama-sama ni Nick. Hindi man daw “consistent” ang mga babaeng nakakarelasyon ni Nick—maliban sa ina nito at kay Manang Yolly—ay si Snowy lang daw ang tumagal na babae sa buhay nito. Kaya naman ito raw ang “girlfriend” talaga ni Nick. Pero may nobya si Nick ngayon—si Muriel at hindi niya ito “feel”.

Siyempre, paano mo magiging “feel” ‘yon eh karibal mo ‘yon, aniya sa sarili. Kahit na may nobya si Nick ay hindi pa rin iyon naging hadlang sa kanya para tuksuhin ito dahil parang hindi naman seryusohan ang relasyon ng dalawa. Tatlong buwan pa lang daw ang relasyon ng mga ito.

Sumang-ayon na lang siya sa sarili. Isa pa’y nagpapasalamat siya kay Nick dahil ginagawa siya nitong abala sa trabaho—at dito na mismo—kaya hindi niya naiisip ang problemang naiwan niya sa Cebu. Hindi pa rin siya handang bumalik doon ngayon. Saka na kapag nabalitaan niyang ititigil na ng mommy at lola niya ang balak ng mga ito. Hanggang ngayon kasi’y ipinahahanap pa rin daw siya ng dalawa. Ang source niya ay ang isang kasambahay nila sa Cebu na si Mimi. Magka-text silang dalawa nito palagi para magbalitaan.

“Uuy, si manang umiiwas,” tudyo niya kay Manang Yolly.

Mukhang nauna na namang mag-jogging sa kanya si Nick kasama si Snowy. Mula nang tumira siya doo’y hindi niya ito nakasabay mag-jogging dahil tuwing weekends lang siya nagdya-jogging samantalang ito’y araw-araw. Kaya hindi nakapagtatakang napaka-fit and healthy nito. Kaya may disiplina sa pag-e-exercise at pagdyi-gym si Nick ay dahil parte iyon ng training nito bilang isang racer.

“Umiiwas saan?” anang baritonong tinig ni Nick mula sa likuran niya. Muntikan na niyang mabitiwan ang basong hawak niya dahil sa gulat. Nakita niyang napangisi sa kanya si Manang Yolly at alam niya kung bakit. Si Nick ang gumagawa sa kanya ng ginagawa niyang paggulat dito.

“Si Manang Yolly kasi...”

Napatigil siya sa pagsasalita nang mapatingin siya rito. Nakasuot ito ng sombrero at shades pero hindi iyon ang nakapagpanganga sa kanya—literal na nganga talaga—kundi dahil shirtless ito! Tanging walking shorts, ang itim na wristband nito sa kaliwang kamay at sneakers ang suot nito sa katawan.

Drool! Drool! Drool!

Iyon ang unang beses na nakita niya itong shirtless. Kaya hindi niya napigilan ang mga matang maglandas sa katawan nito. Napalunok siya ng makitang may mumunting pawis na tumutulo sa katawan nito—or was it water? Basta ang alam niya’y mayroong six pack abs si Nick dahil lantad na lantad iyon sa kanya. Kita din niya ang red underwear nitong suot dahil medyo nakababa ang shorts nito.

“Hoy, Rodgine! Inom ng juice,” untag sa kanya ni Laida pagkuwa’y pinainom siya nito ng orange juice deretso mula sa basong hawak niya kanina nang hindi siya naabisuhan. Muntik na tuloy siyang mabulunan kahit na hindi iyon pagkain.

“Ano ba, Laida!” reklamo niya kay Laida.

“Eh, kasi naman. Inaalala lang kita. Baka kasi ma-heat stroke ka bigla,” ani Laida sa kanya. Alam niyang ang tinutukoy nito’y ang pagtitig niya sa hitsura ni Nick ngayon.

Pinandilatan niya ito ng mata pagkatapos ay muling tumingin kay Nick. Pak shit! Ang hot niya talaga! Ang swerte naman ni Muriel! Nagagawa niyang damhin ang katawang ito.

“Saan umiiwas si manang?” muling tanong sa kanya ni Nick. He seemed oblivious about the stares she’s giving him. O nananadya lang ito sa kanya? Baka naman gusto talaga nitong ibalandra sa harapan niya ang maganda nitong katawan.

Kung gano’n. Sige. Tumitig ka lang, Rodgine. Libre naman eh, pilyang saad ng isang bahagi ng isipan niya.

“Inaasar ko kasi siya kay Manong Julio. Nag-moment yata sila kanina,” sagot niya rito habang nakatingin sa katawan nito. Mukhang hindi naman nito napapansin ang tingin niya dahil abala ito sa pagpapakain kay Snowy.

Ang manyak mo na, Rodgine! anang isang bahagi ng isipan niya.

Hindi ah! I’m just appreciating his body, katwiran naman niya sa sarili.

“’Wag n’yo ngang asarin ‘yong dalawa sa isa’t isa. Wala na kayong pakialam kung ayaw o gusto man nila ang isa’t isa,” seryosong sabi sa kanya ni Nick. Naitaas niya ang isang kilay dito. Akala pa naman niya’y good mood ito nang umagang iyon pero hayun at umarangkada na naman ang pagiging masungit at seryoso nito.

Hindi ka na nasanay sa kanya. Ngumingiti lang naman ‘yan sa mga kliyente eh.

“KJ talaga,” pabulong na sabi niya.

“Para ka namang bubuyog, Rodgine,” ani Nick sa kanya.

Nagulat na naman siya dahil lumapit ito sa kanya para humingi ng orange juice kay Manang Yolly kaya nakatabi niya ito. Their skins touched—her elbow to his abs—and she felt burnt. Kaya bahagya siyang napapitlag at napalayo rito. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon niya rito. Tila may kuryenteng dumaloy sa kanilang mga katawan. Pero baka siya lang ang nakaramdam niyon dahil tila wala namang ibang naramdaman si Nick sa pagdadaiti ng kanilang mga balat.

“Oo nga pala. May makakasama ka na sa office starting tomorrow. Pero bukas, ikaw ang makikipag-meeting sa isang kliyente natin sa Makati since I’m going to a meeting about my race,” pagbibigay alam nito sa kanya.

Maliban sa Royale ay abala din sa pakikipagkarera si Nick. Isa itong superbike champion at sa susunod na buwan nga ay may sasalihan itong karera sa Australia kaya naghahanda ito ngayon. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala ito sa training sa Clark kaya madalas ay siya ang uma-attend ng mga meeting nito. Sa loob ng dalawang buwang pagtatrabaho niya rito’y nagamay na niya ang mga ginagawa nito dahil palagi silang magkasama.

“Nag-hire ka ng bagong assistant? Sa wakas!”

“Yeah. She’s Kyle’s friend. Ipinakiusap siya ni Kyle sa’kin kahapon kaya tinanggap ko. Anyway, Yngrid’s going to be my assistant. The difference between you two is that you can attend a meeting I can’t meet while Yngrid can’t do that. Pero ang mga ginagawa mo dati ay gagawin mo pa rin kapag hindi pwede si Yngrid,” paliwanag sa kanya ni Nick na ikinakunot-noo niya.

“Sino ba ‘yang Yngrid na ‘yan? Parang pa-VIP naman o may favoritism ka lang talaga? Bakit parang pwede siyang mamili ng trabaho samantalang ako—“

“Hinihingi ko ba ang opinion mo, Rodgine? Just be friends with her,” masungit na utos sa kanya ni Nick.

“Hindi ako nakikipag-friends na lang basta sa isang tao ‘no,” aniya rito.

“Bakit ka pala nakipagkaibigan sa’kin noon?” tanong nito sa kanya.

“Sinong nagsabi sa’yo na friends tayo?” aniya rito.

“Eh, ano tayo?” kunot-noong tanong nito.

“’Tayo’,” pabirong sabi niya rito. Ito naman ang nagtaas ng isang kilay sa kanya. At dahil sa ginawa nitong iyon ay mas lalo itong naging ‘hot’ sa paningin niya. “Magdamit ka nga! Nakaka-demonyo ka eh,” hindi na niya napigilang sabi dito. Baka mamaya kasi’y bigla na lang niya itong mayakap.

“You’re not my type, Rodgine,” sabi nito sa kanya bago kinarga si Snowy.

“Hindi mo pa kasi ako kilalang masyado. Wait ‘til you—“

“I’m not interested,” masungit na sabi ni Nick saka tinalikuran na sila.

“Hoy! Saan ka na pupunta?” tawag niya rito.

“Kailangan ko pa bang magpaalam sa’yo? I can go wherever I want at hindi ko na kailangang magpaalam sa’yo,” masungit nasabi nito sa kanya. Mabuti naman at sinagot nito ang tanong niya. Madalas kasi ay hindi ito nagsasalita at palagi’y seryoso o masungit ito.

“Eh, bakit pala pinansin mo ang tanong ko?” kastigo niya rito. Napangisi siya ng tila matigilan ito dahil sa pagtatanong niya. “Paliliguan mo ba si Snowy? Hindi pa rin ako naliligo,” pabirong sabi niya rito.

“Rodgine!” saway sa kanya ni Manang Yolly.

“Joke lang, manang. Sinasabi ko lang eh,” nakangising sabi niya rito.

“Magtino ka na nga, Rodgine,” seryosong sabi sa kanya ni Nick saka ito lumabas ng kusina. Nagpaalam naman siya kay Manang Yolly at sumunod palabas kay Nick. Kailangan na niyang tumakbo para naman makapag-burn siya ng fats. Hindi lang si Nick ang dapat maging sexy sa kanilang dalawa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya isinusuko ang plano niyang “paibigin” din ito sa kanya dahil habang tumatagal ay mas lalo niya itong nagiging crush. Kailangang maging crush din siya nito bago matapos ang buwang iyon.

“Ano ‘yang suot mo?” tanong sa kanya ni Nick bago siya makalabas ng gate. Doon kasi sa may garden nito paliliguan si Snowy kung saan malapit ang gate na lalabasan niya.

“Jogging attire,” aniya rito. Na-conscious pa siyang tumingin sa sarili dahil sa tanong nito.

“You’re wearing a bra,” ani Nick.

“Sports bra ‘to,” sabi niya rito.

“It’s still a bra. Magpalit ka nga ng damit,” utos nito sa kanya na ikinataas niya ng isang kilay.

“Aba! Mas mahalay nga ‘yang get up mo kaysa sa’kin ‘no,” sabi niya rito habang tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

“I’m a guy. I can get naked without giving away too much unlike you,” anito sa kanya sa pinaseryosong tinig.

“Hindi naman ako nakahubad ah,” giit niya rito.

“You almost are! Mag-t-shirt ka na lang o hindi ka makakalabas ng gate na ‘yan,” pananakot pa nito sa kanya.

“Ayoko nga! Bakit ba? Ano bang masama sa suot ko? This is a sports bra! Women wears this,” giit pa rin niya rito.

“And men would look at you as if you’re a specimen under a microscope,” sagot naman nito sa kanya.

“Isa ka ba do’n? Unless, you’re—“

“Magpalit ka na lang ng damit, Rodgine!” pasigaw na sabi nito sa kanya.

“Ayoko nga,” sabi niya rito saka ito iniwan doon. Pero bago pa man siya makalabas ng gate ay pinigilan na siya nito.

“Isasauli na kita sa mommy at lola mo,” banta pa nito sa kanya. She grunted at him. Ipiniksi niya ang kamay na hawak nito at bumalik siya sa kanyang kwarto para magpalit ng damit. Kung bakit ba naman kasi naabutan siya nito ngayong umaga.

Dati kasi’y hindi sila nag-aabot para mag-jogging kaya hindi nito nakikita ang mga sinusuot niyang damit. Pagkatapos kasi nitong mag-jogging ay kung hindi ito umaalis ng bahay ay nagkukulong ito sa library ng bahay. Kung bakit ba kasi naisipan pa nitong paliguan si Snowy ngayon.

“O, pwede na ba ito?” tanong niya rito nang muli siyang humarap dito. Nakasuot siya ng sando na pinatungan niya ng isang oversized shirt at naka-shorts din siya.

“Hindi ka nga naka-bra, naka-shorts ka naman,” komento nito.

“Ano ba? Ayoko na lang mag-jogging! Bwisit ka,” pasinghal na sabi niya rito. Nawalan na siya ng ganang tumakbo pa dahil naubos ang energy niya sa pakikipagtalo, pagkainis at pagtitig dito. Kaya para mainis naman ito sa kanya’y kinuha niya si Snowy at nilaru-laro.

“Akin na si Snowy. Maliligo na siya,” ani Nick habang inaabot si Snowy sa kanya pero inilalayo niya rito ang aso.

“Maglalaro pa kami ni Snowy ‘no,” pang-aasar niya rito.

“Rodgine,” anito sa nagbabantang tinig.

“Nicholai,” panggagaya niya rito.

“Mag-jogging ka na nga,” pagkuwa’y sabi nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng isang kilay.

“Ayoko nang mag-jogging. Nawala na ako sa mood. Gusto ko nang makipaglaro kay Snowy,” aniya rito.

“Brat,” anito sa kanya bago siya layuan.

“Sungit,” ganti naman niya rito.

Sukat sa sinabi niyang iyon ay itinapat nito sa kanya ang hose sa may garden kaya nabasa siya. Tahol ng tahol si Snowy dahil pati ito ay nabasa rin. Tiningnan niya ng masama si Nick pero nanatiling poker-faced itong nakatingin sa kanya.

“Akin na si Snowy,” anito sa kanya.

“Ayaw sa’yo ni Snowy ngayon,” pang-aasar pa niya rito.

“Ah, gano’n? Ayaw mo talaga siyang ibigay sa’kin?” nagbabantang tanong nito sa kanya pero iningusan lang niya ito.

“Snowy loves me more than you now,” aniya rito. Dahil sa sinabi niya’y muli siya nitong tinapatan ng hose kaya ngayon ay basang-basa na siya. Nabitawan niya si Snowy para sanggain ang tubig na nanggagaling sa hose. Akala niya’y titigil na si Nick sa pambabasa sa kanya dahil hindi na niya hawak si Snowy pero patuloy pa rin ang pagbasa nito sa kanya kaya tumakbo siya palapit dito para agawin dito ang hose.

Nakipag-agawan siya dito sa hose pero hindi siya nanalo. Kapwa sila basang-basa nang biglang tumigil ang tubig na nanggagaling sa hose. Tahol naman ng tahol sa kanila si Snowy. Dapat ay ito ang maliligo pero silang dalawa ni Nick ang naligo—nang hindi sinasadya.

“Ano ba naman kayong dalawa? Sayang ang tubig. D’yan pa kayo naglalambingan,” sermon sa kanila ni Manang Yolly.

“Hayaan mo na sila, Yolly. Nagmo-moment eh,” tudyo sa kanila ni Manong Julio. Kinikilig siya dahil sa mga pang-aasar ng mga ito.

Sige pa. Asarin n’yo pa kami sa isa’t isa. Me, like it! pilyang saad ng isang bahagi ng isipan niya.

“Si Nick kasi, manang. Dinaan sa pambabasa ‘yong pagkagusto sa’kin. He wanted to see me wet kasi,” pabirong sabi niya pagkatapos ay tumawa ng malakas.

“Rodgine!” nagbabantang sabi ni Nick. Nag-peace sign siya rito.

“Aminin mo na kasi para hindi ka na nahihirapan. Crush mo ‘ko ‘no?” pang-aasar niya rito. Siniko pa niya ito. Kinikilig talaga siya ngayon. Gustong-gusto niya tuwing naiipit sila ni Nick sa ganitong sitwasyon sa kanilang “household”.

“Sa ating dalawa, ikaw ang mukhang may crush sa’kin,” sabi naman nito sa kanya.

“So? What are you going to do about that?” nanghahamong tanong niya rito. Lakas-loob na lumapit pa siya dito at tiningnan ito ng deretso sa mga mata hanggang sa gahibla na lang ang layo ng mga mukha nila.

Pinalamlam niya ang kanyang mga mata habang nakatingin ng deretso sa mga mata nito. She even managed to lick her lips and smiled seductively at Nick.

Kumagat ka naman sa mga panunukso ko kahit minsan, Nick, ngali-ngaling sabihin niya dito.

Nakita niyang napalunok si Nick kaya akala niya’y kakagat na rin ito sa wakas sa mga panunukso niya pero nagkamali siya. Marahan lang nitong pinitik ang noo niya saka tila napapasong lumayo sa kanya at kinuha si Snowy.

“Magtino ka na, Rodgine. Kung hindi, ibabalik kita sa nanay mo,” banta nito sa kanya.

“Duwag!” sigaw naman niya rito.

Lord, wala ba talaga kaming pag-asang dalawa? Baka naman pwedeng mayro’n, piping dalangin niya sa Itaas.

Hindi pa tapos ang laban, Rodgine. Kaya mo ‘to! Pagtsi-cheer niya sa sarili. Indeed. The game just started.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.