Chapter 27

“HELL, NO!”

Nagulat si Poppy sa naging sigaw na iyon ni Nate. Dumagundong ang sigaw na iyon ni Nate sa buong opisina ni Rev. Camp Speed and Gear One—a motorsport magazine—asked her to be on their next issue with the Formula One racer Vonn La Croix opposite Nate. Magiging partner niya ang dalawa sa photoshoot. Tatlong buwan daw mula ngayon kasi’y anibersaryo na ng Camp Speed kaya gusto itong i-feature ng Gear One. Pumayag naman ang mga may-ari ng Camp dahil promotion din iyon. Maaga nga lang ang photoshoot dahil sinamantala ng mga ito na hindi pa abala sina Vonn ngayon sa kani-kanilang karera.

Iyon nga lamang, kailangan ng mga ito ng representative mula sa leisure racers at sa mga professional racers. Nauna nang pumayag si Vonn para sa magazine feature dahil sanay naman na ito roon. Ngayon ay kinakausap nina Rev at Kaycee si Nate na sumama sa photoshoot bilang parte ng consequence sa pagkatalo nito sa nakaraang patron race. Ayon daw kasi kay Raoul—na isa rin sa mga may-ari at naging coach ni Nate—ay hindi sumunod sa team order ang huli. Kaya ang magazine feature na iyon ang napagpasyahang iparusa ng mga ito kay Nate.

“It’s final, Nate,” sabi ni Rev dito.

“What? It can’t be final! Magtuturo na lang ako ng dalawang linggo sa CSRA,” reklamo ni Nate.

“Kuya Nate, pumayag ka na. Kasama mo naman si Ate Poppy sa shoot eh,” pangungumbinsi pa dito ni Kaycee.

Nahilot niya ang magkabila niyang sintido dahil sa sinabi ni Kaycee. Hindi na nga siya nagsasalita para hindi siya mapansin ni Nate pero dahil binanggit na ni Kaycee ang pangalan niya ay lumipad sa kanya ang tingin ng una.

Simula nang mag-usap sila noon sa Sugar Treats ay ngayon pa lang sila muling nagkita. Ayaw niyang magpakita dito dahil hindi pa rin niya alam kung ano ang sasabihin niya rito at kung anong approach ba ang dapat niyang gawin dito. Pero nakahinga siya ng maluwag dahil alam niyang hindi naman pala ito nagloko noon. She actually felt more than glad. Iyon nga lang, nahihiya siyang humarap dito.

Guilt was eating her. She wanted to make up with him but she just don’t know how to.

“Bakit nga siya kasama do’n?” tanong naman ni Nate patungkol sa kanya.

“She would make you look good,” ani Rev dito.

“I’m already good looking,” sabi naman ni Nate. Naitaas niya ang isang kilay niya rito. Ayaw ba siya nitong makasama?

Strike to your heart, Poppy. That thought hurts, tila nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng isipan niya.

“Prove it, then. Pose for that magazine,” hamon niya rito. Sukat sa sinabi niya’y bigla itong ngumisi sa kanya.

“All right. I’ll do the photoshoot if Poppy agrees to have a date with me,” biglang sabi ni Nate na ikinalaki ng mata niya.

“It’s part of your consequence, right? Bakit kailangang magbigay ka rin ng kondisyon?” nakataas ang isang kilay na tanong niya rito.

Does it matter? He still has a thing for you! Go for it! anang isang bahagi ng isipan niya. Nagdulot iyon ng kakaibang kilig sa kanya.

“Take it or leave it,” nakahalukipkip namang sabi ni Nate.

“Ang lakas ng loob na mag-alok ng date pero no’ng isang araw lang, may kasamang ka-date,” pagpaparinig niya rito.

“Imee is just a friend. You’re with Franz Matthew then too,” ganti naman nito sa kanya.

“He was just a friend too,” sabi naman niya rito.

“Ah, so you just said you dated him to make me jealous, huh?” ani Nate na ikinalaki niya ng mga mata. Napahagikhik naman si Kaycee sa tabi nila.

“So, it’s settled then. She would date you but within the Camp’s premises only,” ani Rev na ikinagulat niya. Pagkuwa’y lumapit ito sa kanya at saka bumulong. “Don’t worry. I’ll keep an eye on you,” bulong sa kanya ni Rev.

“Rev, get your lips away from my girl’s ear or I’ll cut it off,” banta ni Nate kay Rev na ikinagulat niya. Narinig pa niyang napasinghap si Kaycee pero ngumisi din ito pagkatapos.

‘My girl’s ear’?

“Sa pagkakaalam ko, matagal na kayong break ni Poppy,” pang-aasar pa ni Rev kay Nate.

“That doesn’t mean you could whisper in her ear,” nakasimangot na sabi ni Nate dito. Pagkuwa’y lumapit ito sa kanya at hinila siya patayo mula sa kanyang kinauupuan.

Inilayo siya nit okay Rev.

The gesture was irritatingly sweet and cute.

“Let’s go,” yaya sa kanya ni Nate.

“Wait. Pumapayag ka na ba sa photoshoot, Kuya Nate?” pahabol na tanong dito ni Kaycee. Sa kanya naman tumingin si Nate.

“What?” maang na tanong niya rito.

“Would you have a date with me or not?” tanong naman nito sa kanya. Sinulyapan niya si Rev at nag-thumbs up ito sa kanya. Natawa siya rito.

“S-sige,” alanganing sabi niya rito. Actually, she was unsure of herself. Unsure if she could still avoid herself from loving Nate. Again. Does she have the right to love him again?

Nate squeezed her hand gently as if to make sure that it’s for real. Pagkuwa’y bumaling ito kay Kaycee. “I’m in, Kayce.”

“WHY DID I EVER AGREE TO REV?” naiiling na sabi ni Nate na tinawanan lang ni Poppy.

Pagkagaling nila sa opisina ni Rev ay dinala siya nito sa Food Rush para doon sila kumain at mag-date pero hindi naman sila magkaroon ng privacy dahil pagkapasok pa lang nila roo’y pineste na sila ng mga kapwa patrons nito na naroon ngayon. Kahit saan yata sila pumunta sa loob ng Camp Speed ay pepestehin pa rin sila ng mga kasama nito.

“We can still have a date after this, Nate. That is, if you really want to,” sabi naman niya rito. She felt herself blush.

“Of course, I want to,” nakangiting sabi nito sa kanya.

Pagkuwa’y kinuha nito ang cell phone nito at nag-dial ng numero roon. Maya-maya pa’y kausap na nito sa kabilang linya ang kanang-kamay-slash-alalay nitong si Zaldi. Loyal pa rin pala dito si Zaldi.

“Zal, please prepare the villa. We’ll be there after fifteen minutes. The kitchen. Yes. Please prepare those. Hmm? Yes. Poppy. Thanks,” nakangiting sabi ni Nate habang nakikipag-usap ito sa telepono.

“Where is your villa?” tanong niya rito.

“Nandito rin siya sa Batangas. So, shall we go?” yaya nito sa kanya. Inilahad nito ang isang kamay nito sa kanya at nakangiting ibinigay naman niya rito ang isang kamay niya.

When their hands touched again, she knew that their connection was still there.

“And they’re now back together,” a guy in a three-piece crisp business suit said in a sing-song tune.

“Fuck up, Aze! Why are you here anyway? This isn’t your most favorite place in Camp Speed,” sabi naman ni Nate sa lalaking tinawag nitong ‘Aze’ na humarang sa kanila.

“Speed Cafe isn’t his most favorite place too. Or it was, not until it had a new manager,” sabi naman ng isa pang patron na nakaupo sa may bar lounge ng Food Rush. Nakilala niya ito bilang si Zen Figuerroa na isa sa mga triplets.

“Majh is actually cute, you know. Feeling ko masaya siyang maging ka-date,” sabi naman ng isa pa.

“Alam mo, Nate, gusto kong mag-sponsor ng isang kulungan dito sa Camp. Kulungan ng mga tsismoso,” sabi ni Aze bago ito tumalikod at naglakad palabas ng Food Rush. Nagtawanan lang naman ang mga lalaking nang-asar dito.

“Pikon talaga ‘yong si Aze. Ang lakas mang-asar pero kapag siya ang inasar, wagas kung mapikon,” naiiling na sabi ni Nate sa kanya bago siya nito igiya palabas ng Food Rush. Mabuti at hindi na sila pinansin pa ng ibang diners doon.

Habang magkahawak-kamay pa rin ay sumakay sila ni Nate sa isang kart na naghatid sa kanila sa parking lot sa may North Gate kung saan nakaparada ang kotse ng una. Pagkakita nila sa kotse ni Nate ay napabulalas siya.

“Sweetness crap! This is your car?” nanlalaki ang mga matang tanong niya rito. It was a black Lamborghini Veveno. She did a photoshoot in a car like that for a demin brand a year ago. Iyon nga lang, hindi niya nasubukang imaneho iyon dahil nirentahan lang daw ng denim brand ang kotseng ginamit nila para sa photoshoot.

“Yup. I bought it last year. Did you like it?” ani Nate sa kanya.

“I love it!” aniyang hinawakan ang hood ng kotse.

“I love her too. And her name’s Poppy,” sabi ni Nate na biglang ikinatingin niya rito. Nakangiti ito sa kanya dahilan para kiligin siya. Naging eratiko ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya’y sinabihan na rin siya nito ng “I love you”.

And damn, she missed hearing those words from him. That made it official. She wanted him back.

“You named your car after me?” tanong niya rito.

“I bought her because of you. You modelled a demin with this car last year. That made me want to have her,” sabi ni Nate sa kanya. The way he said it shot through her. His voice was achingly sensual and it made her want to kiss him senseless. He said those words as if he wanted her too.

“Wow,” iyon lang ang nasabi niya dahil hindi niya alam kung ano ang ibabalik dito.

But one thing’s for sure, she was still in love with this guy and she wants to have his love too. If that’s even possible.

ILANG BESES NA PINAHANGA at pinabilib ni Nate si Poppy nang araw na iyon. Pakiramdam niya’y kinukuha talaga nito ang loob niya. And the truth is, he’s succeeding. Hooked na hooked na siya sa lahat ng ginagawa nito mula pa kanina sa opisina ni Rev hanggang sa makarating sila sa villa nito at ngayong nakatayo ito sa harapan niya para lutuan siya ng pagkain.

She was simply charmed. Hindi niya alam na marunong na pala itong magluto ngayon. Dati kasi’y siya ang palaging nagluluto para dito. Who ever said that guys who cook looks like gays would eat their words when they see Nate in an apron. He was freaking hot! Well, mainly because he was shirtless underneath the apron he was wearing.

Napamura pa siya kanina sa kanyang sarili habang pinapanood niyang mahubad si Nate. If she knew that Nate would turn out to be this hot while cooking, she wouldn’t have let him do that. Tila nanunukso pa ito ng tila naging slow motion ang paghuhubad nito ng pang-itaas na damit kanina.

His hard pecs came into view, then his washboard abs, broad chest and shoulders. She saw how his muscles flexed at his every movement. Napatitig siya sa may tiyan nito pababa sa may pecs nito. He was still sexy as ever. She remembered when she used to run her fingers from his broad chest tickling him down to his abs and down to his...

Oh, fudge.

Ah, hindi niya makalimutan ang mga nakita niya at ang naramdaman niya kanina nang mangyari iyon. Napainom siya ng lemonade na inihain nito sa kanya ng wala sa oras kanina. Inisigaw pa ng isipan niya na “ask him to take his pants off” kanina.

Nang tanungin niya si Nate kung bakit naghuhubad ito’y naiinitan daw kasi ito kapag nagluluto kaya naghuhubad daw talaga ito ng t-shirt tuwing nagluluto ito. And she wondered how many girls he had cooked for while he was...shirtless.

“Ilang babae na ang pinagluto mo?” tanong niya rito.

“One,” nakangiting sagot nito sa kanya.

“Really? Sino?” Please don’t let him say a name.

“You,” anito sa kanya sabay kindat. That made her heart jolt in surprise. Simpleng salita lang pero malakas ang naging epekto sa kanya. She feels like rolling in the floor with too much giddiness. Sobrang kilig ang nararamdaman niya ngayon.

“Can I ask you something, Poppy?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya.

“Fire away,” nakangiting sabi naman niya rito.

“What’s your favorite memory of me or a scene involving me?” tanong nito sa kanya. Matagal siyang sumagot kahit na may isang partikular na pangyayari naman talaga siyang isasagot sa tanong nito. “Except for the times that I’m naked in front of you,” pabirong dugtong nito.

“I’m sorry to say this but that wasn’t actually in my list. My fellow models’ body is way hotter than yours,” pabirong sabi niya rito.

“See? That’s one of the reasons why I don’t want you to do modelling then. You’ll find a guy who’s much hotter—or better than me,” magaang sabi ni Nate pero may kaseryosohan sa tinig nito.

She cleared her throat before answering his question. “My favorite memory of you was the first time you wore an apron and the first time you tried on baking. Natatandaan mo ba ‘yon? No’ng sinubukan mong mag-bake ng chocolate cake pero epic fail kasi nasunog ‘yong cake and you almost blew up the whole oven? Grabe! That’s really hilarious. Hinding-hindi ko ‘yon makakalimutan. But aside from the funny side, I also found it sweet and romantic. Iyong thought pa lang na inisip mong ipag-bake ako ng cake at ‘yong effort mo sa paggawa no’n kahit palpak, panalong-panalo na. I didn’t care if it’s a total failure. Your gesture meant so much more to me than the cake itself,” sabi niya kay Nate. Muli siyang napangiti nang maalala ang eksenang iyon sa buhay nila ni Nate.

Tawa ng tawa si Poppy nang makita niyang naka-apron si Nate at pawis na pawis ang noo nito. Tinawagan kasi siya ni Mommy Cora dahil sinabi nito sa kanyang may sakit daw si Nate at naka-apron ito. Kailangan daw niyang pumunta sa bahay ng mga ito dahil baka daw sumabog na ang buong bahay ng mga ito sa ginagawa ni Nate. Naguguluhan man sa sinabi ng ginang ay nagtungo pa rin siya sa bahay ng mga ito. At iyon nga ang nadatnan niya—si Nate at ang sunog nitong chocolate cake.

“I hate to say this to you, but this cake is for you,” ani Nate sa kanya sa isang pilit na ngiti dahil alam niyang frustrated ito sa kinalabasan ng ginawa nito. Napailing siya rito pero buong puso niyang tinanggap ang cake na gawa nito.

“You don’t have to do this,” sabi niya rito. Lumapit siya rito at pinahiran ang pawis sa noo nito gamit ang tuwalyang nakasabit sa balikat nito. Pagkuwa’y hinalikan niya ito sa pisngi kahit na ang dumi na nitong tingnan. Nate won’t ever be dirty for her and even if he is, he’d still look hot and yummy for her.

“Gusto kong gawin. Palagi na lang kasing ikaw ang nagluluto sa’ting dalawa. It’s high time I did something special for you,” paliwanag ni Nate.

“You’re already doing something special for me. You’re loving me,” masuyong sabi niya rito saka ito ginawaran ng magaang halik sa mga labi.

She knows how much Nate values his masculinity and he really doesn’t know how to cook or bake. Kaya natutuwa talaga siya ngayon dito dahil marunong na itong magluto at siya pa ang unang ipinagluto nito.

“So, how about you? What’s your favorite memory of me?” tanong naman niya kay Nate.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.