“YOU JUST WHAT?”
Tinakpan ni Poppy ang magkabila niyang tainga dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Franz Matthew. Kasalukuyan silang nasa Sugar Treats na paborito niyang pastry shop para ilibre ito—at para manuhol na rin dito.
Sinadya niya si Franz Matthew sa apartment nito kanina para balaan ito sa mga sinabi niya kina Nate at sa pamilya nito—at para makiusap na rin pala dito. Kailangan niya ng tulong nito para magpanggap ng nagde-date nga silang dalawa. Ayaw niyang bawiin kay Nate ang mga sinabi niya dahil alam niyang aasarin at pagtatawanan lang siya nito. She wouldn’t give him that pleasure.
Nginitian niya ito bago siya nagsalita. “Ilang dates lang naman, Franz. I swear, hindi ito makakaapekto sa love life mo,” pangungumbinsi niya rito.
Napailing sa kanya si Franz Matthew. “Remind me again kung bakit umuwi ka sa Pilipinas ngayon?”
“Because my contract already ended with Star Modelling Management at gusto kong mag-focus sa Chique Boutique ngayon. Isa pa, missed ko na ang pamilya at mga kaibigan ko dito. I want to catch up with everyone,” agad na paliwanag niya kay Franz Matthew.
“Fine. Pero may isang bagay kang nakaligtaang sabihin at sigurado akong hinding-hindi mo ‘yon aaminin sa sarili mo,” makahulugang sabi ni Franz Matthew.
“Ano naman ‘yon?” tanong niya rito bago sumipsip ng Passion Fruit Tea niya.
“Na nami-miss mo si Nate at gusto mong bumalik sa kanya. That after all that happened, you still want to be with him, that you still love him,” ani Franz Matthew.
Pagkatapos nitong magsalita ay napatanga lang siya rito dahil iniisip niya kung saan nito nakuha ang mga sinabi nito. Pagkuwa’y hinampas niya ito sa braso. “Now I know why they call you stupid. Bakit gugustuhin kong makipagbalikan kay Nate gayong galit ako sa kanya?” aniya rito.
“Galit ka na nga ba sa kanya? Base sa nakita kong reaksyon mo no’ng una kayong nagkita pagkatapos ng ilang taon, hindi naman eh. I’ve known you for two years now, Poppy. You were never that lively with me or with your other friends. Hindi ko nakikitang kumikinang ang mga mata mo tuwing may kausap kang tao, kay Nate lang. Kaya alam ko, deep inside you, in love ka pa rin sa kanya,” mahabang litanya sa kanya ni Franz Matthew.
“Hindi lang pala stupidity ang pinaiiral mo, hallucination din. Ikain mo na lang ‘yan,” aniya kay Franz Matthew. Nauna na siyang sumubo dito ng cake na nakahain sa harapan nila at ibaling ang tingin sa ibang direksyon.
“O, ano? Sapul ba?” nang-aasar na tanong sa kanya ni Franz Matthew.
Nginitian niya ito saka dumukwang dito at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Nang makalapit na siya ng maayos dito’y hinawakan niya ang panga nito at pilit na ibinuka ang bibig nito saka siya kumuha ng malaking bahagi ng cake niya at pilit na isinubo iyon dito.
“I love you so much, my date. Sobrang nag-e-enjoy ako sa date natin ngayon,” sarkastikong sabi niya kay Franz Matthew bago bitiwan ang panga nito at lumayo dito.
“Sinasabi ko na nga ba’t in love ka pa rin sa’kin,” anang boses ni Nate sa gilid niya. Sa gulat niya’y napasalampak siya ng upo sa kanyang upuan.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” gulat na tanong niya rito.
“Don’t, Poppy,” sagot ni Nate na ikinakunot-noo niya.
“Ano?”
“’Wag mong isipin na sinusundan kita dito. This is my favorite pastry shop. Sa’kin mo lang nalaman ang tungkol dito, ‘di ba?” ani Nate sa kanya. There’s his lopsided grin and she wanted to scratch his face because of it.
Ano’ng sinasabi ni Franz Matthew kanina na gusto niyang makipagbalikan dito?
Hindi! Never! And no!
“Dream on, Nate,” inis na sabi niya rito.
Sa panggigilalas niya’y bigla na lang nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Bahagya siyang napaatras dahil sa ginawa nito pero hindi siya tuluyang nakalayo dito dahil hinawakan nito ang likuran niya at bahagya siya nitong inilapit sa katawan nito. Nahigit niya ang kanyang hininga dahil sa paglalapit ng katawan nila. Nang tingnan niya si Nate ay pakiramdam niya’y nabitin na sa ere ang hininga niya at literal na bumilis ang tibok ng puso niya.
“Why did you tell me you love me?” swabeng tanong nito sa kanya.
“A-ano?” Sweetness crap! What is happening to me?
He smiled his charming smile on her that got her heart beat wildly. Mischief was all written in his eyes. “You said, ‘I love you so much, my Nate’. Iyon nga lang, bakit kay Franz ka nakatingin?”
Nang marinig niya ang tawa ng isang babae sa gilid nila’y doon siya natauhan. Agad niyang itinulak palayo sa kanya si Nate at pinandilatan ito ng mata. “’Date’ ang sabi ko at hindi ‘Nate’. Why would I say ‘I love you’ to you? Tayo pa ba?” pagtataray niya rito.
“I know you want to,” sabi pa nito.
“I’ll curse you to death, Nate!” inis na sigaw niya rito. Sa pangigilalas niya—the second time around—muli ay bigla na naman nitong inilapit ang mukha nito sa kanya. Sa pagkakataong ito, ilang hinga na lang ay maglalapit na ang kani-kanilang labi. At siyempre pa, mas naging eratiko ang pagtibok ng puso niya.
“Kiss me now, then,” he said in a slow teasing sexy voice that got her knees so weak she almost crumpled. Nang ma-realize niyang nag-iiba na ang pakiramdam niya ay muli niyang itinulak si Nate palayo sa kanya.
“Ano ba’ng pinagsasasabi mo?” pagtataray niya rito.
“You said you wanted to kiss me to death,” ani Nate.
“I said I’ll curse you to death!” sigaw niya rito na binigyang diin ang salitang “curse”.
“You know what? You have a very unique way of saying ‘kiss’,” nakangising saad ni Nate.
“Damn you!” inis na sabi niya rito. The nerve of this guy! Nag-walk out siya sa mga ito. Nang lumampas siiya kay Nate ay binangga niya ito sa balikat sa sobrang inis niya rito. Hindi na niya inaalala pa si Franz Matthew dahil sa sobrang inis kay Nate.
What ever happened to the Nate who’s a romantic gentleman then? Bakit biglang naging nakakairitang Nate na ito ngayon?
“Poppy!” narinig niyang tawag sa kanya ni Franz Matthew bago pa man siya makarating sa pintuan ng Sugar Treats.
“Tara na nga! Bad vibes lang ang lugar na ‘to,” yaya niya rito.
“Gusto mong ipakita kay Nate na nagde-date tayo ‘di ba? Then, let’s do it,” ani Franz Matthew sa kanya saka nito ginagap ang kamay niya at hinila siya pabalik sa table nila kung saan nakaupo na si Nate at ang babaeng kasama nito. Hindi niya akalaing totoo pala ang sinabi ni Nate noon na may “date” nga itong tunay. Akala kasi niya’y sinabi lang nito iyon para asarin siya—o pagselosin.
Bakit? Nagseselos ka ba? kastigo niya sa sarili.
Of course not! Why would I be jealous? Hindi na kami, agad namang sabi niya sa sarili.
Ang tanong eh kung nagseselos ka lang. Hindi naman kailangang magkarelasyon kayo para makaramdam ka ng selos para sa isang tao eh, pangungulit pa ng isang bahagi ng isipan niya.
Isang tumataginting na “no” ang sagot niya roon. Matagal na niyang sinupil ang kung anumang nararamdaman niya para kay Nate dahil sa ginawa nito sa kanya noon. Kaya siguro nagagawa niyang makipagbangayan dito ngayon ay dahil inis at galit na ang nararamdaman niya rito.
“Hi! Pa-share na kami ha,” ani Franz Matthew kina Nate at sa babae pagkuwa’y pinaupo siya nito sa tabi ni Nate at ito nama’y sa tabi ng babae. Hindi niya alam kung bakit biglang pumayag si Franz Matthew sa gusto niyang mangyari pero alam niyang may binabalak ito.
Tinaasan niya ng kilay si Franz Matthew. “Para magkakaharap ang mga magkaka-date,” katwiran nito sa kanya. “I’m Franz Matthew,” pakilala nito sa babaeng kasama ni Nate.
“Imee,” pakilala naman ng babae saka binigyan si Franz Matthew ng matamis na ngiti.
“I can’t believe this,” palatak niya habang masama ang tingin kina Nate at sa babae nito.
Kung maka-‘babae nito’ ka, hindi naman na kayo ni Nate, anang isang bahagi ng isipan niya dahilan para mapatigil siya pag-iisip. Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa kanyang sarili.
“I can’t believe that you’re actually dating him,” ani Nate sa kanya sabay turo kay Franz Matthew.
“Bakit naman hindi?” nakataas ang isang kilay na tanong niya rito.
“He’s stupid, insensitive and childish,” sagot ni Nate na diretsong nakatingin sa kanya.
“Pero sweet siya, thoughtful at humorous,” pagtatanggol naman niya kay Franz Matthew dito. “At stick to one lang talaga siya kung magmahal,” pagpaparinig niya rito. “This is what I can’t believe. I can’t believe that someone would want to date Nate too,” sabi naman niya kay Imee.
“Bakit naman?” tanong ni Imee.
“He’s the worst playboy ever. Siguro hindi pa lalabas ngayon ang tunay na kulay niya pero kapag naging kayo na, good luck na lang sa’yo,” dire-diretsong sabi niya kay Imee na hindi man lang sumusulyap kay Nate.
Hindi ka mukhang nagbabanta, mukha kang nagseselos at ayaw mong maging sila kaya sinasabi mo ‘yan sa kanya ngayon, anang isang bahagi ng isipan niya.
“Thanks for that unsolicited warning. Pero hindi ko naman hahayaang tumingin pa sa ibang babae si Nate. I know how to take care of the things that are mine,” seryosong sabi ni Imee at iba ang naging dating niyon sa kanya.
Pakiramdam niya ay kasalanan niya rin kung bakit naging playboy si Nate noon—dahil hinayaan niya itong maging ganoon sa kanya. Imee’s words made her realize how careless she had been then.
Ah, shit! This is all fucked up.
“I need some air,” paalam sa kanila ni Nate kapagkuwan saka ito tumayo at lumabas ng Sugar Treats. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Pagkatapos ay nakita na lang niyang kapwa nakatitig sa kanya sina Franz Matthew at Imee. Bigla siyang na-guilty sa mga sinabi niya patungkol kay Nate.
“Talk it out,” biglang sabi ni Franz Matthew. Wala sa sariling tumango siya rito.
Guilt was eating her. Kaya nagdesisyon siyang sundan ito sa labas.
“THEIR CARAMEL Cheesecake was better than before,” bungad ni Poppy kay Nate bago siya umupo sa tabi nito. Naroon sila sa paborito nilang bench na nakapwesto sa tapat ng isang fire tree sa labas ng Sugar Treats.
They actually gave that fire tree a name—Cornelia. “Corne” from her name Popcorne and “Nelia” from jumbled letters of Nathaniel’s name. Na-miss niyang tumambay sa lugar na iyon. Na-miss niya si Cornelia na naging witness sa mga naging awayan at lambingan nila ni Nate noon doon. Heck, she missed being this close to Nate.
Uh-oh. That’s a dangerous thought, Poppy, anang isang bahagi ng isipan niya pero hindi niya iyon inintindi dahil hanggang ngayon ay nagi-guilty pa rin siya sa mga nasabi niya kay Nate.
“Must have been love,” sabi ni Nate.
“Huh?” kunot-noong tanong niya rito.
“Sugar and Seff’s together now. They’re getting married next month,” kwento ni Nate tungkol sa mag-best friend na may-ari ng Sugar Treats.
Hindi na siya nagulat pa doon dahil noon pa ma’y alam na niyang iba na ang tingin ni Seff kay Sugar. Hindi pa lang siguro napapansin ni Sugar noon ang pagtingin ni Seff dito pero mabuti at na-realize na nito ngayon na mahal din nito ang matalik na kaibigan. She’s happy for the both of them.
“They’re perfect together,” komento niya.
“It’s not really about how perfect the two people are for each other. It’s actually about how they understand each other for them to stay in a relationship much longer. And trust too,” makahulugang sabi ni Nate na pakiwari niya’y patama nito sa kanya.
“What happened to us, Nate? We used to be happy then,” aniya rito. Bago pa niya ma-realize kung ano ang nasabi niya ay nasagot na siya ni Nate.
“We have differences that we didn’t overcome. You were sensitive and I am full of pride. We’re in contrast with each other and we didn’t do anything about it. We didn’t fight it. We didn’t fight for our relationship—our love,” sabi ni Nate.
“You didn’t fight, Nate. I did,” sabi niya rito.
“You didn’t trust me,” sumbat naman nito sa kanya.
“What are you talking about? I trusted you pero wala kang ginawa kundi saktan ako! I saw you with your ‘honey’, damn you! And don’t you dare deny about it!” naiinis na sabi niya rito.
“You just saw us. You didn’t even care to listen to my side. I’ll repeat what I’ve said back then, don’t assume unless something’s proven,” makahulugang sabi nito sa kanya.
“Sometimes, what you see is real,” ganti naman niya rito.
“Well, what you see isn’t real. Honey is my cousin—sa mother’s side—and her name’s Honeyleth Ignacio. Bumalik siya noon dito galing sa US dahil nagrebelde siya sa mga magulang niya. Hindi siya makatuloy sa bahay noon dahil siguradong itatawag siya ni mommy sa tita ko kaya sa’kin siya tumuloy. She’s my dear cousin, Poppy. Walang malisya ang mga nakita mo,” paliwanag ni Nate sa kanya.
Napaawang ang mga labi niya. Pakiramdam niya’y nanuyo ang lalamunan niya at gusto na niyang lumubog mula sa kinauupuan niya. She felt her face flush with embarrassment and guilt. And then, it dawned on her. Everything was her fault.
Nate was calling that girl “Honey” because that was her name. Hindi niya magawang tumingin kay Nate. He probably want to laugh at her now.
“Bakit hindi ka nagpaliwanag sa’kin noon? Or, bakit hindi mo pinagpilitan ang paliwanag mo noon?” nagawa niyang itanong dito.
“You went back to Manhattan and you started dating. I don’t want a girlfriend who doesn’t trust me. You showed me, Poppy,” sagot nito sa kanya na mas lalong nakapagpalala sa nararamdaman niyang guilt.
“You showed me too!” nanunumbat na sabi niya rito. Pero na-realize niyang mali talaga silang dalawa. “I’m sorry,” sabi niya rin dito. Pero sincere iyon. Mabilis na tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at walang lingon-likod na nagtungo sa loob ng Sugar Treats.
Narinig niyang tinawag siya ni Nate pero hindi niya ito pinansin. Hiyang-hiya siya rito at sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito. Nang lapitan niya si Franz Matthew ay agad niya itong hinila palabas ng Sugar Treats at dire-diretso sila sa kanyang sasakyan.
“Poppy, what happened? Bakit sobrang pula ng mukha mo?” tanong sa kanya ni Franz Matthew. Pakiramdam niya’y mas nag-init pa ang buong mukha niya dahil sa naging puna nito.
“Mamaya ko na sasabihin sa’yo. Pumasok ka na sa loob. Drive for me, please?” pakiusap niya rito saka siya pumasok sa passenger seat ng sasakyan niya. Ngunit bago pa man siya makapasok doo’y may malakas na kamay na pumigil sa kanya. Paglingon niya’y nakita niya si Nate.
“Why are you running away?” tanong nito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin dito.
“M-may appointment pa ako ngayon kaya kailangan ko ng umalis,” pagsisinungaling niya rito.
“Poppy, you know that I’m telling the truth, right? You trust me, right?” tanong ni Nate. Mas nakadagdag pa iyon sa pamumula ng mukha niya. Sobrang guilt na ang nararamdaman niya ngayon.
Tinanguan niya ito saka siya mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan. Nag-seatbelt siya bago niya sinabi kay Franz Matthew na umalis na sila roon.
“What happened?” curious na tanong nito.
“It’s all my fault. I branded him a playboy which isn’t true. Honey is his cousin and her real name’s Honeyleth! Shit!” sabi niya kay Franz Matthew. Bigla itong nag-preno at kung hindi siya naka-seatbelt ay malamang na nakanudnod na ang mukha niya sa windshield ng sasakyan.
Tumingin si Franz Matthew sa kanya saka ito bumunghalit ng tawa. “Five years, Poppy! Five years! Do you want to buy some honey?” pang-aalaska pa sa kanya ni Franz Matthew.
“May the gods curse you,” inis naman na sabi niya rito.
But the truth is, she ran away because she was afraid to hear that Nate doesn’t love her anymore. She didn’t want to admit it but the feeling of not having Nate’s affection anymore sucks.