Chapter 29

“GAME! YOU DO THE PIZZA, I’ll do the cake,” masiglang sabi ni Poppy kay Nate.

Nasa villa pa rin sila nito at plano nilang manatili roon hanggang sa weekend. Nagpaalam na si Nate sa AlCom na magli-leave ito hanggang sa weekend at siya nama’y nagsabi na kay Paris na hindi muna siya pupunta sa Chique. They both planned to make up for the five long years that had been wasted.

Napagkasunduan nila pareho na gagawin nilang bonding moment ang pagluluto. Si Nate na rin mismo kasi ang nagsabi sa kanya na magpapakitang gilas ito sa paggawa ng home-made pizza. She’s looking forward to seeing him knead and toss the pizza dough. Siya naman kasi’y sanay nang mag-bake ng cake at matagal na siya nitong napanood noon.

“Okay. Let’s do this,” sabi naman ni Nate. Nagulat siya ng bigla na lang itong naghubad ng t-shirt.

“What are you doing?” tanong niya rito.

“I always cook shirtless, babe,” anito sa kanya sabay kindat.

“What a tease,” sabi naman niya rito.

“You can bake a cake half-naked too,” panunukso nito sa kanya.

“Not even a chance, babe,” paingos na sabi niya rito saka niya hinarap ang mga ingredients na gagamitin niya sa paggawa ng chocolate cake.

Tig-isa sila ng table ni Nate sa state of the art kitchen nito. Sa mga sumunod na minute ay sa kani-kanilang ginagawa sila nag-focus. O, siya lang pala. Tila kasi may ibang balak si Nate. Ang balak yata nito ay tuksuhin siya dahil hindi siya sa ginagawang cake makapagpokus kundi dito mismo. Maya-maya ay umalis ito sa table nito dahil itinabi nito ang kailangang umalsa na dough bago iyon i-knead. May kinuha itong remote sa may pantry at maya-maya’y may pumailanlang na tugtog sa ere.

Pagkuwa’y lumapit ito sa kanya, ipinulupot ang isang braso sa baywang niya at pinaharap siya rito. Hinapit siya nito palapit sa katawan nito. Before she even knows what he’s doing, they’re both swaying to the music’s tune. Inilagay ni Nate ang isang kamay niya sa balikat nito habang hawak nito ang isang kamay niya samantalang ang isang kamay naman nito’y nasa likod niya.

“The moment you wake up, before you put on your wake up, I say a little prayer for you. While combing your hair now, and wondering what dress to wear now, I say a little prayer for you,” swabeng kanta ni Nate na ikinatawa niya. Pero nagsabay silang dalawa sa pagkanta ng chorus.

“Forever, forever, you’ll stay in my heart and I will love you. Forever, forever, we never will part, oh, how I love you. Together, together, that’s how it must be to live without you would only be heartbreak for me.”

“I run for the bus, dear. While riding I think of us, dear. I say a little prayer for you. At work I just take time and all through my coffee break time. I say a little prayer for you,” kanta naman niya sa ikalawang verse ng kanta kay Nate.

“Forever, forever, you’ll stay in my heart and I will love you. Forever, forever, we never will part, oh, how I love you. Together, together, that’s how it must be to live without you would only be heartbreak for me,” duet nila ni Nate sa chorus.

“My darling, believe me. For me there is no one but you,” sabi ni Nate sa kanya at hindi na pakanta ang tono nito.

“There is no one else but you,” ganti naman niya rito. And before she could even say something again, Nate bent down and claimed her lips for a mouthwatering kiss.

Ah, those five years are worth it.

“WHAT DID YOU DO AFTER WE BROKE UP?” tanong ni Poppy kay Nate nang kumakain na silang dalawa sa may garden ng villa nito. Magkatabi silang nakaupo sa hammock na nasa gitna ng dalawang malaking puno ng mangga doon.

“Work, work and work,” ani Nate.

“Really? Pure work and no fun?” tanong naman niya rito.

“There’s a bit of fun but a lot of work,” nangingiting sabi nito habang nakatingin sa kanya. “Are you fishing for things to make me feel guilty?” tanong naman nito sa kanya.

“Huh? Of course not! Masama bang magtanong?” paingos na sabi niya rito.

“I did work, mainly. Ikaw? What did you do after we broke up?” tanong nito sa kanya.

“Work, work and work,” sabi niya rin dito.

“Nah. You showed me,” nakangising sabi nito sa kanya kaya alam niyang inaasar lang siya nito. Pabirong hinampas niya ito sa balikat na ikinatawa lang nito. “So, there had been that Brazilian guy, the Italian, the German, the Spanish, the guy from Georgia and even Matt McDonell,” pang-aasar pa nito sa kanya.

“Ah, so you’ve been reading gossips then,” ganti naman niya rito.

“Nah. I just have a very reliable source. Pero alam ko namang pure dates lang ang mga ‘yon. I know that all these years, ako pa rin. Alam kong noon pa man, wala nang makakapalit sa’kin d’yan sa puso mo,” sabi pa nito sa kanya.

“At sino ang reliable source na ‘yon?” kunot-noong tanong niya rito.

“You’ll know soon,” anito sabay kindat sa kanya.

“How many women, Nate?” isa pang tanong niya rito.

“How many women...what?” tila naguguluhang tanong ni Nate sa kanya.

“How many women did you—“

“No one. It’s just you, Poppy,” agad na sabi ni Nate hindi pa man siya tapos magsalita.

“Weh? Five years? You’ve been celibate for five years? Unbelievable!” hindi makapaniwalang sabi niya rito.

“Believe it or not, yes. I go out on dates but I haven’t bagged someone. Whenever I’m on the verge of doing it, I feel like I’m betraying you,” sabi pa nito.

Na-touched siya dahil sa sinabi nito. It had been her for him all these years. How could she be so dumb to let this man go before? Humarap siya rito at hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Tumitig siya sa mga mata nito.

“I won’t ever let you go again, Nate. Kapag naging sensitive na naman ako o naging mababaw o nagpapaka-childish na naman ako, please remind me that I love you, that you’re worth it. Okay?” masuyong sabi niya rito.

Nginitian siya ni Nate saka nito ginagap ang isang kamay niya. He kissed the back of her hand and gazed at her lovingly.

“We won’t ever let go of each other now. Do you know why I did racing? It’s because it’s giving me an adrenaline rush—the only thing that makes my skin and heart alive these past few years without you. I did racing because you’re not here. You’re basically the only one who can make me feel alive,” masuyong sabi ni Nate sa kanya. Nakatingin ito ng diretso sa kanyang mga mata at ganoon din naman ang ginawa niya rito.

Somehow, she couldn’t evade his stares. That moment was so surreal—she never knew that it could happen between them again. Akala kasi talaga niya’y tapos na sa kanila ni Nate ang lahat.

“Do you know why I keep on bantering with you? It’s because it’s the only way I can talk to you properly without feeling awkward or uneasy. Those talks, it’s special to me because I had it with you,” sabi pa ni Nate na iniipit sa kanang tainga niya ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumabing sa mukha niya. Saka nito hinawakan ang pisngi niya.

“Do you know why I’m holding back then? It’s because I’m afraid to know that you don’t love me anymore—worse, that you’re still mad at me for what have happened before. Poppy, I’ve been trying to annoy you because through that, I would have a moment with you. Through that, somehow, I’ve known that you still have feelings for me. I’ve been trying to annoy you but the truth is, I love you. I never stopped from loving you, Poppy. It’s going to be the end of me if I did. You’re the only one who can move my heart,” masuyong sabi sa kanya ni Nate.

“Thank you, Nate. Thank you,” emosyunal na sabi niya rito saka niya tinawid ang distansiya nila at hinalikan ito sa mga labi.

No one could love better than Nate. Kahit na siya pa ang naging immature noon at siya ang may kasalanan ng lahat, ito pa rin ang naghinuhod para sa kanya.

THE WHOLE WORLD now knows that Poppy and Nate are back together. Natuwa si Poppy sa feedback ng Twitter at Instagram followers niya patungkol sa picture na i-p-in-ost niya sa dalawang social networking sites na iyon. Kuha nila ni Nate ang picture na i-p-in-ost niya nang sabay silang mag-agahan sa villa nito kanina bago sila bumalik ng Maynila. Puro positibo ang feedback ng mga ito pero inulan naman ng tukso ang picture na iyon ng mga kakilala niyang konektado sa Camp Speed.

@Mrs_Esguerra : @The_Popcorne They are so back together. Gonna post this on my blog, tweet sa kanya ni Kaycee.

@Gine_Sparks : @The_Popcorne And the myth finally worked, tweet naman sa kanya ni Rodgine.

@Rmaxwell : @Mrs_Esguerra @The_Popcorne Stupid myth, tweet naman ni Raoul na siguro’y nakita ang tweet ni Kaycee sa kanya kaya sumingit din ito.

@Mrs_Esguerra : @Rmaxwell @The_Popcorne Ikaw na ang sunod, Kuya Raoul! Hahaha! :P, reply naman dito ni Kaycee.

@Rmaxwell: @Mrs_Esguerra @The_Popcorne Not in this lifetime, reply naman dito ni Raoul.

@The_Popcorne : @Rmaxwell @Mrs_Esguerra Kakainin mo rin ‘yang sinabi mo, Raoul. : ), reply niya sa mga ito.

Pero ang talagang nakapagtawa sa kanya ay ang mga reply nina Daniel Cross—na kapwa niya model—at ni Franz Matthew.

@danielcross : @The_Popcorne Cream! Paano na ako? Wala na akong partner. Mas maganda pa rin ang Cookie and Cream kaysa sa Ice-Cream. XD, tweet sa kanya ni Daniel na umani ng maraming Retweets at Favorites mula sa kanilang followers.

Nakasama niya si Daniel sa isang photoshoot sa Manhattan noon para sa isang local magazine at simula noo’y naging malapit na sila sa isa’t isa. Isa ito sa mga kaibigan niya na hindi niya i-d-in-ate dahil pure friendship lang talaga ang gusto nito sa kanya. Alam kasi niyang may hinihintay si Daniel na babae at alam din nito kung ano ang nangyari sa kanya.

@The_Popcorne : @danielcross Favorite ko naman ang ice cream eh. Bakit nga pala Ice? reply niya sa tweet nito.

@danielcross : @The_Popcorne Nate looks so cold, reply naman ni Daniel. Hindi na siya nag-abala pang tanungin ito kung bakit nito kilala si Nate.

@The_Popcorne : @danielcross Not with me. Ang hot kaya niya. ; )

@danielcross : @The_Popcorne Haaay, love. :D, reply nito sa kanya na ikinatawa niya talaga. Balang-araw ay mararanasan din nito ang matinding klase ng pag-ibig na dapat dito.

@FMGomez : @The_Popcorne It’s official. Break na tayo, tweet ni Franz Matthew sa kanya na umani ng maraming tanong mula sa kanilang followers.

@The_Popcorne : @FMGomez Ihahanap na lang kita ng bagong date. Pambawi ko lang sa’yo. Hahaha! reply naman niya rito.

@FMGomez : @The_Popcorne Ayoko. I want you. I-break mo na ang boyfriend mo! reply sa kanya ni Franz Matthew na ikinahagikhik niya. May mainit na kamay na humaplos sa puso niya pagkabasa niya sa salitang “boyfriend” mula sa tweet ni Franz Matthew.

Ah, boyfriend ko na ulit si Nate, kinikilig na sabi niya sa sarili. Tila ngayon lang iyon nag-sink in sa kanya. After all this time, she was still really in love with him.

“Hoy! Masyado kang masaya,” bungad ni Paris sa kanya.

Nasa Chique Boutique kasi siya ngayon at tinulungan niya si Poppy na magbantay ng negosyo nila. Nag-training na rin kasi siyang magpatakbo niyon ng araw na iyon para halinhanan sila ni Paris sa pagbabantay. Naghati na rin sila ng trabaho. Babawi siya rito ngayong dito na siya sa Pilipinas mananatili.

“I can never be any happier, Paris! The feeling was so surreal. Hindi ko inakala na magkakabalikan pa kami ni Nate. Amazing, isn’t it?” masayang sabi niya kay Paris.

Masayang nginitian siya nito. “I’m so happy for you, Poppy. You truly are meant to be together again,” anito sa kanya.

She sighed dreamily. “Yeah. Babawi ako sa kanya ngayon. This time, not even distance could break us apart,” confident na sabi niya kay Paris.

“Don’t ever give up, Poppy. That’s the key. Kahit na anong mangyari, ‘wag mo siyang bitawan kasi nakikita ko naman sa inyo na mahal n’yo ang isa’t isa. Masyado lang talaga kayong ma-pride. Learn to overcome it,” payo sa kanya ni Paris.

“Salamat,” nakangiting sabi niya rito. Tama ito. Maya-maya’y nakatanggap siya ng isang tawag mula kay Louelle at isang tili agad ang isinalubong nito sa kanya. Marahil ay nakita na nito ang picture nila ni Nate.

“Make kwento na!” pasigaw na sabi nito sa kanya. Pero bago pa man siya makapagsimula ng kwento rito’y umarangkada na agad ito sa pagsasalita. “Sinasabi ko na nga ba at kayo pa rin sa huli! Oh my gosh! Nakaka-inspire kayo at nakakainggit din. I have to see you both together when I get there. I’m so happy for you, Poppy! Alam ko naman na noon pa man ay siya pa rin ang mahal mo. Kahit na palagi mong sinasabi na galit ka sa kanya at naiinis ka sa kanya, I know that deep inside, you still love him. And I was right all along!”

“Yeah, yeah. Ang dami mo ng sinabi,” naiiling na sabi niya rito.

“I’m just so excited to see the both of you together. So, how did it happen?”

“I was the one who screwed up five years ago. The girl I saw with him was his cousin. Grabe, ‘di ba?” aniya rito. At katulad ng naging reaksyon ni Franz Matthew noon, grabe ang naging tawa nito sa kanya.

“Good thing he loves you so much. You are so lucky to have him. Don’t ever let him go, Poppy. Or I’ll shave your head,” banta pa nito sa kanya na ikinatawa niya.

“Kung kailangan kong itali ang katawan ko sa kanya para hindi kami magkahiwalay kahit na anong mangyari ay gagawin ko,” sabi naman niya rito.

But seriously, she won’t ever give up on Nate. Whatever happens.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.