“AKALA KO BA nag-usap na tayo tungkol sa ‘understanding’? I just want to try it. Bakit ba ayaw mo?” inis na tanong ni Poppy kay Nate.
Nasa Camp Speed sila. Isinama siya roon ni Nate dahil ngayon ang nakatakdang araw nito para magturo sa Camp Speed Racing Academy bilang parte ng consequence nito sa pagkatalo sa nakaraang monthly patron race.
Nang makita niyang enjoy na enjoy ang mga bata sa pagka-karting ay nainggit siya sa mga ito kaya ninais niyang masubukan ding mag-karting. Alam din kasi niyang Karting ang unang lebel ng pangangarera kaya gusto niya iyong subukan. Not that she would make racing a hobby, but she just wanted to try something new.
“Gusto mo bang sa Food Rush na lang maghintay? Magpapatawag ako ng kart para sa’yo,” simpleng pagtataboy sa kanya ni Nate na hindi man lang sumusulyap sa kanya. Well, that’s how she took it even if he didn’t intend to.
Naitaas niya ang isang kilay dito. Naiinis siya sa inaasal nito ngayon. She wanted to try karting for them to have a common ground too. She wanted for them to have something in common. Pero ayaw naman nito. Pakiramdam niya’y bine-baby na naman siya nito.
“Sino ba ang coordinator dito?” sa halip ay tanong niya rito.
“Poppy, ‘wag kang mapilit. You won’t like karting, I’ll tell you,” giit sa kanya ni Nate. Mabilis siya nitong tiningnan pagkuwa’y muling inalis ang tingin sa kanya.
“It’s not for you to decide, Nate,” nakahalukipkip na sabi niya rito.
Hindi ito nakasagot sa sinabi niya. Sa halip ay ibinaling nito ang atensyon sa mga batang enjoy na enjoy sa pagmamaneho ng karts sa racing track ngayon. “Wait in the bleachers, Poppy. Hintayin mo na lang ang coordinator doon,” ani Nate na hindi tumitingin sa kanya.
“Tinopak ka lang ba no’ng isang araw kaya ka nakipagbalikan sa’kin? Or do you just want to bag me that night?” sita niya rito. Kunot-noong napatingin sa kanya si Nate.
“I—What?” bulalas nito.
“I just don’t get it, Nate. Why don’t you want me to try karting? It’s just karting. Look at those kids. Ten years old pa lang sila, ako, twenty-seven na. I’m much more capable of karting than them,” sabi niya rito.
“Poppy, I don’t want to see you hurt,” sabi naman nito sa kanya.
“Crap! Didn’t you hear me? Those kids were ten years old, I’m already twenty-seven!” naiinis na sigaw niya rito.
“Fine. Wait for Fern in the bleachers. I’ll ask him to give you a kart later,” sumusukong sabi nito sa kanya.
“Why don’t you just give me one?” nakahalukipkip na sabi niya rito.
“Poppy—“
“Nate! Sorry na-late ako,” anang boses ng isang babae. Nang lingunin niya kung sino iyon ay nakita niya ang babaeng kasama ni Nate noon sa Food Rush. Ang babaeng tumawag kay Franz Matthew ng “stupid”.
“Kaila! Thank goodness’ you’re here now!” bulalas ni Nate. Nakaramdam siya ng iritasyon sa iginawi nito. Bigla kasing nagliwanag ang mukha nito nang makita ang papalapit na si Kaila na para bang wala siya roon ngayon.
“Nag-check in muna kasi ako sa The Garage Suites,” simpleng paliwanag ni Kaila.
“Okay lang. By the way, this is Poppy, my girlfriend. Poppy, this is Kaila, my very dear friend,” pakilala ni Nate sa kanila ni Kaila.
“Hi, Poppy!” nakangiting bati naman sa kanya ni Kaila.
“Hello,” simpleng bati naman niya rito. Nginitian siya ni Kaila pero bumalik ulit ang atensyon nito kay Nate.
“So, game na tayo? Kumusta naman ang lesson mo so far?” tanong ni Kaila kay Nate saka ito tumingin sa mga batang enjoy na enjoy sa pagka-karting ngayon. Nakasuot ito ng white racing undershirt at ang pang-itaas na bahagi ng racing suit nito ay nakatali sa may baywang nito.
So, nagka-karting pala siya. Siya lang ang babaeng pwedeng mangarera, gano’n? bitter na sabi niya sa sarili. Muli siyang napahalukipkip at napataas ang kilay sa dalawang nag-uusap. Hindi niya gusto ang pakiramdam na binale-wala siya ni Nate nang dahil kay Kaila.
“I hate it,” mariing sabi ni Nate kay Kaila.
“Akala ko ba gusto mong magka-anak?” natatawang tanong ni Kaila dito. Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ni Kaila.
Bumilis ang tibok ng puso niya at pumitik ang sintido niya dahil sa matinding inis. They’re talking about having kids in front of her!
“Oo, pero hindi naman ganito karami. Ikaw ba papayag na ganito karami ang magiging anak mo?” tanong naman ni Nate kay Kaila na mas lalong ikinalaki ng mata niya at ikinainis niya.
Damn you two! ngali-ngaling sabihin niya iyon sa mga ito.
Naikuyom niya ang magkabilang kamao at nagpapadyak na tinungo ang bleachers kung saan naka-istambay ang mga yaya at magulang ng mga batang nagka-karting.
Nagpupuyos ang damdamin na i-t-in-ext niya si Franz Matthew at sinabing pumunta ito doon ngayon para may kakampi siya—na para bang kaaway niya sina Nate at Kaila.
Nagseselos ka lang, anang isang bahagi ng isipan niya.
I’m too damn jealous I wanted to kill them! exaggerated na sabi niya sa sarili sa sobrang inis niya kina Nate at Kaila.
Then, she heard someone chuckle beside her. Nang tingnan niya kung sino iyon ay nakita niya ang isa sa mukha ng triplets na Figuerroa. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung sino ito sa triplets.
“’Wag kang masyadong magselos. Hindi ka masyadong pinapansin ni Nate kanina dahil binabantayan niya ang mga bata. Sa kanya kasi nakasalalay ang kaligtasan nila. I admire his patience on you, though. Kung ako ‘yon, kanina pa kita nabulyawan. It’s essential to have your full attention on the kids when you’re teaching here. Heck, Nate has his attention both on you and the kids. Hands down ako sa kanya. You must really be special to him,” sabi sa kanya ng lalaki.
Dahil sa mga sinabi nito’y nahiya siya kay Nate, dito, sa ibang taong nakakita sa inasal niya at sa kanyang sarili. Why hadn’t she thought of that? Hindi nga pala naroon si Nate para asikasuhin siya. Ang mga bata nga pala ang ipinunta doon ni Nate at hindi ang i-date siya. Heck, she was supposed to be there to support him.
Shit! Napaka-childish mo, Poppy!
“Pero hindi rin naman kita masisisi kung magseselos ka kina Kaila at Nate. Those two grew close together since they met here five years ago. They’re both broken-hearted then. They found comfort in each others’ arms. Akala nga namin, sila nang dalawa noon. Si Nate lang kasi ang nakakapagpakalma kay Kaila tuwing dumarating ang day twenty-one per month at si Kaila lang din ang nakakapagpa-sober kay Nate tuwing lasing ito,” kwento pa ng lalaki.
She didn’t know if he was there to be a friend or he was there to put pain in her heart. Dahil kung ang huli ang balak nito’y nagtatagumpay ito. It was too painful to see Nate with another girl. Lalo na’t ang sakit na idinulot niya kay Nate noon ang naging dahilan para magkalapit ang mga ito. Ganoon sa sakit na naramdaman niya noon nang makita niyang may kasama itong ibang babae sa loob ng condo unit nito limang taon na ang nakararaan.
‘Ayan ka na naman, Poppy. Stop thinking negative thoughts. Magkaibigan lang silang dalawa. Pinakilala ka ngang girlfriend, ‘di ba? sabi naman ng isang bahagi ng isipan niya sa kanya. Kahit papaano ay nakalma siya dahil sa isiping iyon.
“Zeb Figuerroa, right?” tanong niya sa lalaki.
“Lucky guess,” natatawang sabi ng lalaki sa kanya.
“I hate you,” tahasang sabi naman niya rito. Pero tinawanan lang siya nito.
“Ouch. Well, sometimes, the truth really hurts,” sabi pa nito sa kanya. Inirapan na lang niya ito at piniling huwag pansinin sa mga susunod na oras.
“Hindi ka talaga mapapansin ni Nate kung ganyan ang suot mo, dear,” sabi naman ng isang ginang sa tabi niya. Bigla siyang napatingin sa suot niya.
Naka-fitted pants, sneakers at loose shirt lang kasi siya. Komportable siya sa kanyang suot dahil luwag sa kanya ang damit at malamig iyon sa katawan. Mainit kasi sa Camp Speed.
“Tingnan mo si Kaila,” anitong itinuro si Kaila na masaya pa ring nakikipag-usap kay Nate ngayon. “Kahit naka-racing attire siya, ang sexy pa rin niya. Kailangan mo siyang talunin kung gusto mong sa’yo lang ang atensyon ni Nate,” anang babae sa kanya. Hindi ba siya mukhang sexy?
Nginitian niya ang ginang at nagpasalamat dito. Sakto namang dating ng coordinator doon kaya agad niya itong nilapitan ang humiram ng gunting. Sinabi na rin niya rito ang balak niyang pagsubok sa pagka-karting kaya ini-reserve na siya nito ng isang kart doon hiwalay nang sa mga batang nag-aaral mag-karting.
Gusto niya ng sexy? I’ll give him sexy, sabi niya sa sarili niya.
Pumasok siya sa comfort room doon. Gamit ang gunting ay tinabas niya ang sleeves ng t-shirt na suot niya at pinutol niya iyon hanggang sa kalahati ng katawan niya. Nang matapos ang pag-i-improvise niya sa kanyang suot ay humarap siya sa salamin at napangiti. Ngayon ay sleeveless na ang suot niya at kitang-kita ang baywang at pusod niya dahil sa ginawa niyang pagtabas sa damit niya.
Now that is sexy, nakangiting sabi niya sa sarili.
Ibinalik niya ang gunting sa coordinator at muli siyang bumalik sa tabi ng ginang na nakausap niya. Nag-thumbs up naman ito sa kinalabasan ng outfit niya ngayon. Hinintay niyang tawagin siya ni Fern—ang coordinator doon—pero hindi pala siya pwedeng mag-karting dahil hindi pa tapos ang lesson ng mga bata. Ibig sabihin ay hihintayin pa niyang matapos sina Nate bago siya makapag-karting.
“Wow! You really plan to distract Nate, huh?” pang-aasar na naman sa kanya ni Zeb. Inisip niya kung sino ang girlfriend nito sa mga naikwento sa kanya ni Kaycee noon.
“Wait a minute,” nakangising sabi niya kay Zeb saka i-d-in-ial ang numero ni Kaycee sa kanyang cell phone. “Hey, Kayce. Can you give me Karla’s number? May importante lang akong sasabihin sa kanya,” agad na sabi niya kay Kaycee.
“Okay. Ifo-forward ko na lang sa’yo, ate,” sabi naman ni Kaycee sa kanya.
“Thanks!” aniya rito saka tinapos ang tawag.
“Why do you want Karla’s number?” kunot-noong tanong ni Zeb sa kanya.
“Oh, I’ll just tell her that you’re here with another girl. Good news, right?” pang-aasar naman niya rito.
Sumimangot ito sa kanya saka walang anu-anong nilayasan siya. Pinanood na lang niya itong umalis sa lugar. Napangisi naman siya sa kanyang sarili. Pagharap niya sa racing arena ay nakasalubong niya ang tingin ni Nate. Itinaas niya ang dalawang kilay niya rito para tanungin ito na kung bakit. Pagkuwa’y lumapit naman ito sa kanya.
“What did Zeb tell you?” anitong tumabi sa kanya.
“Nothing. He just told me that you and Kaila were very dear friends. You shared heartaches together,” sabi niya rito na may pagka-sarkastiko ang tinig.
Sukat sa sinabi niya’y nginisihan siya nito. “Ah, you’re jealous,” nanunuksong sabi nito sa kanya. Ipinulupot nito sa baywang niya ang isang braso nito at saka humilig sa balikat niya.
“I know that I don’t have to, but I am,” pag-amin niya rito. Umayos ito ng upo at tumingin ng diretso sa mga mata niya.
“Are you hurt? I’ll kill Zeb for this,” anito.
“Silly. I’m just jealous. Pero alam ko namang ako ang mahal mo at ako ang priority mo. I’m sorry for acting so childish earlier. Dapat mo nga palang intindihin ang mga bata. I’m going to be fine here. So, go,” aniya rito.
“You dressed like that ‘tapos itataboy mo lang ako?” anito sa kanya.
“Oh, this,” painosenteng sabi niya rito saka ito nginisihan. “Nainitan kasi ako,” palusot niya rito.
“Tease,” sabi naman nito sa kanya saka siya binigyan ng mabilis na halik sa mga labi.
“Captured!” sigaw ng kung sino sa likuran nila na ikinatingin din ng ibang tao sa bleachers. Nakita niya ang triplets na sina Zen, Zeb at Zeke Figuerroa na hawak ang kani-kanilang cell phone habang nakaumang sa kanila ni Nate ang mga iyon.
“Ise-share ko na ‘to sa Facebook,” anang isang triplet na marahil ay si Zen o si Zeke. Alam kasi niya kung sino si Zeb sa mga ito dahil kausap lang niya ito kanina.
“Ipo-post ko naman ‘to sa Instagram,” sabi naman ni Zeb.
“At ise-send ko ito kay Raoul! Dagdag parusa din dahil hindi sine-seryoso ni Nate ang lessons niya,” sabi ng isa pa.
Tumayo si Nate sa tabi niya. “You three, die now!” sigaw nito sa tatlo na ikinatawa niya.
“Sige na, babe. Bumalik ka na do’n. Tapusin mo na ‘to para makauwi na tayo, okay?” sabi niya kay Nate.
“I think I would agree on Aze. Gusto ko na ring mag-sponsor ng kulungan ng mga tsismoso dito sa Camp,” pagpaparinig ni Nate sa sa triplets.
“And our girls’ would bail us out,” sabi naman ni Zeke.
“We’ll see. Tatawagan ko sina Akane, Karla at Rahzel mamaya para sabihing may kasama kayong tatlong ibang babae dito,” pananakot naman ni Nate sa mga ito. Sabay-sabay na umungol ang tatlo.
“So, sa kasalan na talaga ang tuloy n’yong dalawa?” tanong sa kanila ni Zen.
“Uuy, Poppy. Kung gusto mo ng stripper para sa bridal shower mo, pwedeng-pwede si Zen. He would strip for you for free,” sabi naman ni Zeb.
“Euzebio! Kanina ka pa ha! Poppy’s not a bit interested in Zen,” ani Nate.
“Zen is a stripper? Really?” hindi makapaniwalang tanong niya sa triplets.
“Do you want a private show, baby?” pabirong tanong naman sa kanya ni Zen.
“What the hell? You three, die now!” naiinis na sigaw ni Nate sa tatlo bago ito humarap sa kanya. “Hindi ka pa ba kontento sa katawan ko? I could strip for you here.”
Natatawang umiling siya rito. “I was just kidding,” aniya rito.
“Yeah, yeah,” sabi lang nito sa kanya saka ito bumalik sa trabaho nito.
“I love you, babe!” natatawang sigaw naman niya rito dahilan para maghiyawan ang mga manonood doon. Nginitian niya ang mga ito at kumaway. Noon naman lumapit sa kanya si Kaila.
“Sana naman hindi na kayo mag-break ulit ni Nate,” sabi nito sa kanya na ikinataas ng isang kilay niya. Hangga’t maaari ay gusto niyang maging friendly sa mga kaibigan ni Nate pero iba ang pakiramdam niya kay Kaila.
“I assure you that we won’t,” seryosong sabi niya rito.
“Good. I don’t want to see him hurt again,” sabi pa nito sa kanya.
“He won’t be hurt again,” sabi naman niya rito.
Pumitik ang sintido niya at bumilis ang tibok ng puso niya dahil nakaramdam siya ng inis kay Kaila. Para kasing sinasabi nitong masama siya o hindi naman kaya’y kapag sinaktan muli niya si Nate ay kukunin nito sa kanya ang nobyo niya. She feels being threatened. O, dala lang iyon ng pagseselos niya rito?
“Okay. If ever you hurt him again, he won’t be coming back to you anymore,” ani Kaila.
“We’ll be together forever, Kaila,” sabi naman niya rito. Tinanguan naman siya nito at muling bumalik para tulungan si Nate sa pagtuturo sa mga bata.
She should be careful with Kaila. She thinks that she will be dangerous to their relationship.