Chapter 14

KAUNTING tiis na lang Freya, sabi ni Freya sa sarili. Nasa university gym siya kasama ang miyembro ng basketball varsity team habang binabantayan si Prime. Puspusan ang paghahanda ng mga ito sa nalalapit na championship at puspusan din ang kanyang pagta-trabaho kay Prime. Iyon ang ika-walong araw niya bilang ‘alipin’ nito. She still has fifteen days to go to complete her one month and a week service of slavery to Prime.

Ang tagal pa! himutok niya.

Prime was a total jerk and a pain in the ass too! Nang sabihin nitong gusto siya nitong maging “slave” ay talagang pinatotohanan nitong gawin siyang alipin. Pagkatapos niyang linisan ang unit nito’y mas lalong lumala ang pakikitungo nito sa kanya. Wala itong ibang ginagawa kundi ang utusan siya ng utusan. Tuwing may libreng oras siya ay kailangan niyang gawin ang serbisyo niya dito. Hindi siya maaaring pumalya dahil isang palya lang ay lagot na siya. Kinuha pa nito ang schedule niya kaya alam nito ang mga oras na libre siya.

Wala itong pakialam kung babae siya o hindi. Hindi pa ito nasiyahan sa mga ginawa niya kahapon. Ilang araw na siyang walang maayos na pahinga dahil dito. At sinagad nito ang pagkapagod niya kahapon. Katakot-takot ang pag-uutos nito sa kanya kahapon. Naroon ang pagpapabalik-balik niya sa cafeteria upang bumili ng pagkain nito.

Noong una kasi’y sandwich lang ang pinabili nito. Binili naman niya at dinala dito. Nakalimutan daw nitong magpabili ng tubig kaya naman bumalik pa muli siya sa cafeteria. Kaya sa susunod ay bibilhin na niya ang lahat ng kakailanganin nito. Alam niyang sinusukol lang nito ang pasensiya niya.

At dahil inis din siya sa’kin. The heck!

Kung may nagugustuhan man siya sa pagiging “alipin” niya kay Prime, iyon ay dahil nagkaroon siya ng pribelehiyong mapalapit sa iba pang miyembro ng Princes. Kahit na minsan ay nagsusungit sa kanya si Prime at madalas siya nitong utusan ay mabait naman sa kanya ang ibang miyembro ng team.

Katulad na lang ngayon. Itinuturing siyang prinsesa ng basketball team at tuwang-tuwa siyang nakikipagkwentuhan sa mga ito. The Princes were adorable except for Prime. Unti-unting nakikilala niya ang mga ito. Unti-unting nalalaman niya ang ilang bagay na hindi alam ng ibang estudyante sa mga ito. In their campus, they were more like celebrities. Everybody wants to be their friend. Everyone wants to be with them. At isa na siya sa mga iyon. Kaya maswerte siyang napalapit sa mga ito.

You’re forgetting something, anang isang bahagi ng isipan niya.

Ano naman?

Prime’s hot and sexy body! pilyang saad ng isipan niya. Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata para mawala sa kanyang isip sa isiping iyon. Hinahangaan lang niya ang magandang katawan ni Prime. Iyon lang iyon.

“Marunong ka bang mag-swimming, Freya?” tanong sa kanya ni Jon Drix. Ito ang pinakabata sa buong team at itinuturing na bunso ng lahat doon.

“Hindi eh. Tuturuan mo ako?” malambing na tanong niya rito. Nakababatang kapatid lang ang tingin niya rito ngayon.

Lahat ng miyembro ng Princes ay crush niya pero simula ng makilala niya ng lubusan ang mga ito’y napagtanto niyang si Trey ang nakahihigit sa lahat. Ito na lang ang nag-iisang crush niya ngayon. Katulad din ito ng ugali nina Prime at Dereck pero hindi masungit si Trey at mas lalong hindi ito nakakatakot katulad ni Prime. Sadyang tahimik lang si Trey at mas gusto niyang ganoon na lang ito katahamik. Mas madaling makisama rito kaysa kay Prime.

“Oo ba! Kung gusto mo, ngayon na,” ani Jon Drix.

“Sus! Swimming lang? Sa’kin ka na lang magpaturo, Freya. Mas makikinabang ka pa. Magagamit mo ang tae kwon do para self-defense,” mayabang na saad ni Zephyr.

“Naturuan na ako ni Tracy ng tae kwon do dati eh. Black belter kasi ang kaibigan kong ‘yon,” aniya rito. Hindi niya kailanman gustong ulitin ang mag-aral ng tae kwon do dahil masakit iyon sa katawan. Inulan ng tukso si Zephyr dahil nabara ito sa sinabi niya.

“Sino’ng Tracy?” interesadong tanong nito para siguro pagtakpan ang nasaling na pride.

“Tracy Suazon. She’s one of my best friends,” nakangiting sabi niya rito.

“Hey, I’ve heard that name before,” ani Zephyr. Sinegundahan naman ito ni Colby at ni Jon Drix.

“Siya ‘yong nag-assist sa’tin sa clinic,” sabi ni Jasper sa mga ito. “Sa’kin ka na lang magpaturo, Free. Magaling akong magluto,” alok naman ni Jasper sa kanya. Napangiwi siya. Hindi siya interesadong matutong magluto dahil ayaw niyang nagluluto. Ang gusto lang niya ay kumain.

“Daphne’s going to kill her,” singit ni Zac.

“I’m going to kill her first,” sabi naman ni Jasper. Napakunot ang noo niya dahil sa tinuran nito. “I’m just kidding, Freya,” bawi nito.

“Slave!” putol ng kontrabida sa kanyang magandang karanasan—si Prime.

Awtomatikong nagpaskil siya ng pekeng ngiti sa mga labi pagkaharap dito. Kasalukuyang nakikipagbuno ito sa Lat Machine sa gym. Kitang-kita niya ang paggalaw ng mga muscle nito sa braso. Namamawis na ang mga iyon pero kay sarap pa rin niyong tingnan dahil maganda ang pagkakahubog ng mga muscle ni Prime. Parang natutusko siyang lapitan ito at punasan ang pawisan nitong katawan. Nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay tila tumalon ang puso niya.

She somehow felt something, like a connection between the two of them. Pero naputol agad iyon dahil sa masamang tinging ipinukol sa kanya ni Prime.

“Ano pa ang hinihintay mo d’yan? Ako pa ang lalapit sa’yo?”

He’s Prime, dammit! paalala niya sa sarili. In a minute there, she felt something different between her and Prime. Pero alam niyang wala lang iyon. Baka kung anu-ano lang ang naiisip niya.

“Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo, kamahalan?”

“Are you mocking me?”

“No. Why would I? Napakabait mo ngang amo eh. Pinagpapahinga n’yo ako ng matagal at konti lang ang iniuutos n’yo sa’kin. Kaya naman ang saya-saya ko,” sarkastikong sabi niya rito.

“You can take your off tomorrow,” sabi nito sa kanya. Hindi makapaniwalang tumingin siya rito. Naawa ba ito sa kanya? Himalang may awa naman pala itong nararamdaman kahit paano.

“Talaga?” Weekend na bukas at kung hindi siya magiging “alipin” kay Prime ay mabubuo niya ang weekend niya. Makakalabas siya kasama sina Drea at Tracy. May usapan pa naman silang tatlo na manonood ng sine.

Tumango ito. “Pero susunduin mo ako sa condo sa Sunday ng alas-singko ng umaga dahil may pupuntahan tayo,” anito. Nalaglag ang mga balikat niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya mapapanood ang Avengers kasama ang mga kaibigan niya.

“Hindi ba pwedeng i-postpone ‘yon?”

“Nagrereklamo ka?”

“Nagtatanong lang po ako.”

“Hindi pwede dahil importante ‘yon. Hindi ka pwedeng umatras o umangal,” pinal na sabi nito.

Bumalik siya sa mga lalaking kausap niya kanina. “Ano na nga ulit ang pinag-uusapan natin?” tanong niya sa mga ito.

“Tuturuan ka namin ng kung anu-ano,” ani Zac.

“Okay. Sino’ng sunod na mag-o-offer?” tanong niya sa mga ito.

“Slave!” muling tawag sa kanya ni Prime na ikinainis niya. Ano na naman ba ang kailangan nito? “Give me my towel,” utos nito. Agad na kinuha niya ang tuwalya nito sa ibabaw ng bag nito at ibinigay iyon dito. Saka niya muling binalingan sina Zac.

“So?”

“Hey, Freya, I was just wondering if maybe I could ask you o—“

“Slave!” putol ni Prime sa mga sinasabi ni Jethro.

“Ano na naman? Can’t you just ask me all the things you need at one time para hindi naman masyadong nakakapagod?”

“Nagrereklamo ka? Okay lang naman. Dadagdagan ko na lang ng araw—“

I truly hate him to the core! “Okay, fine. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, kamahalan?” malumanay na tanong niya rito. She heard everyone giggle inside the room but she didn’t mind it.

“Ibili mo kaming lahat ng meryenda sa cafeteria,” utos ni Prime sa kanya. Agad na tumutol ang buong sistema niya sa gusto nitong mangyari.

“Ako na lang!” prisinta ni Jethro.

“I’m not talking to you, Ramirez!” singhal dito ni Prime pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. “So, would you do it or not?”

Nakipaglaban siya ng tingin dito. Kung sana’y nakakatunaw ang tingin ay gusto sana niyang tunawin si Prime ngayon para wala na siyang problema pa.

“Freya, tutu—“ Tiningnan ni Prime ng matalim ang nagsalitang si Colby. “Tutulog na ako,” agap ni Colby sa talaga namang iaalok nitong pagtulong sa kanya.

“Ruthless cow,” she murmured irritatingly at Prime.

“May sinasabi ka ba?”

“Wala po, kamahalan. Gagawin ko na po ang iniuutos mo,” labag sa loob na sabi niya rito dahil wala rin naman siyang magagawa.

“Ako na lang ang manlilibre at sasamahan ko na lang si Freya,” pagkuwa’y sabi ni Zac. Tiningnan niya si Prime. Ipinagpapatuloy na nito ang pakikipagbuno sa Lat Machine. Nagtaka siya kung bakit hindi man lang nito pinigilan si Zac.

“Bakit ang lakas mo kay Prime?” tanong niya kay Zac nang makalabas sila ng gym.

“Maybe because we’re friends?” nakangiting sabi nito.

“Ang daya! Kaibigan din naman niya si Jethro ah.”

“May crush ka kay Jethro?”

“Oo. Crush ko naman kayong lahat eh,” tahasang pag-amin niya rito. Bale-wala lang sa kanyang aminin dito ang pagkaka-crush niya sa mga ito dahil totoo naman iyon. Hindi naman kasi masamang magka-crush. At kahit noon pa mang hindi siya close sa mga ito’y hindi niya itinatago ang pagka-crush niya sa mga ito.

“Talaga? Pati si Prime?” amused na tanong ni Zac.

Marahas siyang umiling. “Dati pero hindi na ngayon. Pagkatapos niya akong gawing alipin? No way!”

Tumawa si Zac. “Prime hates you,” makatotohanang sabi nito.

“I already know that. Sinabi talaga niya sa’kin. Kaya ba niya ako ginawang alipin?”

“That and because you’re pretty.” Should she be flattered by that? “Gusto mo ba ng tip kung paano paamuin si Prime?”

“Hindi ko siya gustong paamuin. Gusto ko siyang labanan. I hate him,” aniya rito.

Tumango-tango si Zac. “Be nice to him, then.”

“Ano?”

“Iyon ang paraan para mainis din siya sa’yo,” makahulugang sabi nito.

“Bakit?” nagtatakang tanong niya rito.

“Basta. You’ll soon see why,” sabi nito sa kanya saka siya kinindatan. Hindi naman siya kinilig.

I’d like to try it. Pretend-nice lang naman. Kayang-kaya ko ‘yon. Wait for it, Prime. You’ll gonna hate it.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.