“BAKIT ang aga mo yata, Freya? Ginising ako ni Letty at sinabi niyang paalis ka na,” anang mama ni Freya sa kanya. Alas-kwatro i-medya pa lang ng umaga ay nakagayak na siya dahil alas-singko ang sinabi ni Prime na susunduin niya ito sa condo nito. Simpleng green t-shirt at jeans lang ang suot niya. Nag-sneakers siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung saan sila pupunta. Mabuti na iyong handa ang mga paa niya.
Ngayon din niya sisimulan ang pagiging mabait na alipin kay Prime.
“’Ma, may lakad po kami ni Prime,” aniya rito.
“Si Prime ba ‘kamo? Bakit ang aga naman yata. Saan kayo pupunta?”
“Hindi ko rin po alam. Basta ang sabi niya’y sunduin ko siya ng alas-singko sa condo niya,” kibit-balikat na sabi niya sa kanyang ina. Alam nito kung ano ang parusa sa kanya ni Prime at maski ito’y hindi rin tutol ng sabihin niyang magiging “alipin” siya ni Prime.
“Gwapo si Prime, anak. Bagay kayo,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Mama! Kaaway ko siya! Hindi mo ba nakikita? Pinapahirapan niya ako,” aniya rito.
“He’s just teaching you a lesson,” katwiran ng mama niya. “Malay mo, ginawa ‘to lahat ng Diyos dahil gusto niyang kayo ni Prime ang magkatuluyan,” dugtong pa nito na ikinaikot ng kanyang mga mata.
There she goes again. She grew up believing so much in love because of her mother. Masyado itong hopeless romantic kaya pati siya’y nahawa na rin dito. Pero nagsasawa na siyang maniwala sa tunay na pag-ibig. Parang hindi naman iyon totoo. Hindi ba dapat, kapag sinabing “pag-ibig” iyon na agad iyon? Wala ng iba pang paliwanag o rason basta mahal niyo ang isa’t isa? Bakit sa mga karanasan niya ay hindi naging sapat ang salitang “pag-ibig” para maging maayos ang lahat? Nagmahal naman siya ng totoo.
She fell in love not once, not twice but thrice. And all of those relationships she had were all a big mess.
Nang una siyang magmahal noong nasa high school siya’y naging napakasama ng kinahinatnan niyon. Daig pa niya ang may-asawang pinagtaksilan. Ang unang boyfriend niyang si Iggy ay nakabuntis ng sophomore student noong senior year nila habang sila pang dalawa. Labis na kahihiyan ang inabot niya noon. But her mom said, she was still young then and it was her first time to have a boyfriend and to fall in love. Trial and error daw naman kasi ang love. And so, she believed in her. She believed in love again.
Noong unang taon niya sa kolehiyo ay nakilala naman niya si Austin. He was a college senior. She fell in love with him because he was her dream guy. Noo’y tumatakbo ito bilang president ng student organization ng buong eskwelahan nila. Malaki ang naging respeto nito sa kanya katulad ng ibinibigay na respeto at tiwala rito ng mga estudyante. Nagkaroon sila ng isang relasyon. But he was weak. He has a weak heart. Nagpadala ito sa isang tukso. Hiniwalayan siya nito dahil sa may mahal na raw itong iba. Someone matured than her, someone whom he could do everything he likes to. Her mom said, Austin was not the only guy on earth and she should show him what he’d lost. She believed in her mom. And she believed in love again.
The third time happened just recently. And she fell in love with her rival—Iñigo. Iñigo was the best she’d ever had. Their love story was almost perfect not until she’d known about his engagement. Akala niya’y mahal na mahal siya ni Iñigo katulad nang palagi nitong sinasabi sa kanya ngunit nagkamali siya. Hindi pa pala sapat ang pagmamahal na iyon upang ipaglaban siya nito sa pamilya nito. Her mom said loving is about having faith.
But what is there to have faith about? Lahat na lang ng naging relasyon niya ay palpak. Kaya ngayon ay hindi na niya alam kung maniniwala pa ba siya sa kapangyarihan ng pag-ibig o hindi na. Her friends would think that she could always pass every failed relationship. Pero alam din ng mga ito kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya bago niya magawang tanggapin lahat. She easily fell in love with a guy but she can’t let go of the feeling she nurtured that fast.
Hanggang ngayon nga’y hindi pa rin siya gaanong nakaka-get over kay Iñigo lalo na’t palagi niya itong nakikita dahil magkaklase sila. Nahihirapan siyang mag-move on pero kinakaya naman niya. Kahit paano’y nagpapasalamat siya sa ibinigay na “parusa” sa kanya ni Prime dahil nawawala sa isip niya si Iñigo. Alam niyang darating ang panahon na makakalimutan din niya ang pagmamahal niya rito. Besides, tatlong buwan lang naman niya itong naging nobyo.
Sa kanilang magkakaibigan nina Drea at Tracy, siya ang may pinakamadaming karanasan sa pakikipagrelasyon. Si Drea ay hindi pa nagkakaroon ng nobyo kahit kailan dahil hinihintay nitong ligawan ito ng ka-village nilang si Dominic. Si Tracy naman ay may boyfriend ngayon—si Francis. Siya ang nag-impluwensiya sa dalawa na manalig sa pag-ibig. Pero siya ngayon ang nawawalan ng pag-asa.
I have reasons. At saka, imposibleng maging kami ni Prime. We hate each other.
“’Ma, ayaw ko munang mag-boyfriend ulit. Saka na siguro ‘pag may trabaho na ako. Nakakasawa nang masaktan eh,” aniya sa kanyang ina.
“Experiences really teach everyone a lesson, but it doesn’t teach us how to be afraid. Hindi naman talaga madali ang magmahal, anak. May mga taong mas matindi pa ang sakit at hirap ng kalooban na pinagdaanan kaysa sa’yo pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagmamahal. You have a heart and no matter how hard you stop yourself from loving someone, you can’t because your heart would tell you to love. The right love will come for you, anak. And it would be your prime reason of living,” anang mama niya.
Right love. Is there such?
NAMANGHA si Freya sa nasaksihan. Magiliw na nakikitungo si Prime sa mga tao sa Crescent Foundations na isang habitat para sa mga inabusong babae, nawawalang bata at matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya. Ang pamilya nila’y walang ganoon kalaking foundation pero may tinutulungan naman silang ibang foundation. Pero ang pamilya nina Prime ay kahanga-hanga.
Sa nakikita niya ngayon ay nawala ang pagkainis niya kay Prime at napalitan iyon ng paghanga. Namangha siya dahil nakita niyang walang humpay ito kung ngumiti sa mga tao roon pagkababa pa lang nila sa kanilang sasakyan. Hindi pa niya ito nakikitang ngumiti. Ngayon pa lang. Halatang malapit ito sa mga tao roon. Lumambong ang puso niya para rito. Iba ang Prime na nakikita niya ngayon sa Prime na kilala niya. Tila ito ibang tao sa paningin niya.
Alas-sais na sila nakarating sa habitat at nagulat pa siya na maagang nagsisimula ang araw doon. Maging ang mga bata’y gising na at nakakain na. Nakaramdam siya ng hiya sa mga ito dahil karaniwa’y tanghali na siya kung magising. Kung hindi lang niya iniisip na maaaring dagdagan ni Prime ang paninilbihan niya rito’y nuncang gigising siya ng ganoon kaaga.
“Freya,” tawag sa kanya ni Prime. Karga nito ang isang batang babae na mahigpit na nakayap dito. Lumapit siya rito at binati ang batang babae.
“Hello, little girl. Ano’ng pangalan mo?” masuyong tanong niya sa bata.
“Ako si Gelou. Si Kuya Prime ang nagpangalan sa’kin,” anitong tila ipinagyayabang pa sa kanya na si Prime nga ang nagpangalan dito.
“Ang cute naman ng name mo at pati na rin ikaw,” aniya rito saka bumaling kay Prime. “Ilang taon na siya?”
“Three years old. Baby pa lang siya’y nandito na siya,” ani Prime. He wasn’t a snob now. Naging vibrant ito ngayon na para bang ganoon naman talaga ito palagi.
“Prime, aba’y may kasama ka palang magandang babae. Akala ko’y si Daphne ang kasama mo,” anang isang middle-aged na babae. Sinalubong nito ng yakap at halik si Prime. Ang Daphne na sinasabi ng babae’y ang nakababatang kapatid ni Prime.
“Busy po si Daphne kaya si Freya po ang isinama ko rito, Manang Mely,” sagot ni Prime sa babae.
Substitute lang siya, ganoon?
“Aba’y kumain na ba kayo? Nagluto ako ng sopas. Tamang-tama dahil wala na kayong kaagaw sa kainan dahil tapos na kaming kumain lahat,” ani Manang Mely.
“Naku, manang! Ginugutom mo naman ako eh. Alam mo namang paborito ko ang sopas mo,” sabi ni Prime dito. He sounded so genuine. Para talagang nag-transform ito sa kakaibang katauhan.
“Kuya Prime, magba-basketball ba tayo mamaya?” tanong ng isang batang lalaking tantiya niya’y siyam na taong gulang na.
“Oo naman, Rodney. Tuturuan ko kayo ng techniques mamaya,” magiliw na sabi ni Prime sa mga bata. Naghiyawan naman sa tuwa ang mga ito.
“O, ay siya, halina kayo sa loob ng makakain na kayo,” anyaya sa kanila ni Manang Mely. Nagpatiuna itong pumasok sa loob ng pinaka-main building ng habitat at sumunod naman sila ni Prime dito samantalang ang mga bata’y niyaya ng helpers para maligo.
“Kuya Prime, ikaw ang magligo sa’kin,” ani Gelou. Hindi niya mapigilang mapatawa. Hindi niya ma-imagine si Prime na nagpapaligo ng isang bata.
“Oo naman, baby. Kakain lang ako, ‘tapos paliliguan na kita. Katulad ng dati ‘di ba?” ani Prime.
“You mean…”
“Yes, Freya. Tumutulong akong magpaligo sa kanila,” sagot nito. Biglang nahiya siya rito. Hindi naman niya akalaing ganoon ito kabait na pati ang paliligo sa mga bata’y ginawa din nito.
Napalunok siya. “Gusto mo akong tumulong din dito, ‘di ba? I can do that,” aniya rito.
“Sigurado ka?” tila nanghahamong tanong nito sa kanya. Ibinaba nito si Gelou at hinawakan na lang ang bata sa kamay.
“Sigurado ako,” aniya rito. Inabot niya ang kabilang kamay ni Gelou at naglakad sila papasok sa main building. Alam niyang matindi ang pagdaraanan niya ng araw na iyon pero kakayanin niya. She wants to prove herself to Prime.
Sa hindi niya malamang dahilan ay gusto niya itong mapa-impress. Ayaw na niyang maramdaman ang hiyang naramdaman niya rito kanina dahil parang pakiramdam niya’y wala siyang ibang bagay na alam niyang gawin maliban sa pagpipinta.
“What are you doing?” kunot-noong tanong sa kanya ni Prime. Siya na kasi ang naglagay ng sopas para rito.
“Nilagyan ka ng sopas,” sagot niya rito. “Kain ka na,” nakangiting sabi niya rito.
His lips formed into a lopsided smile. “Nice. Hindi na kita kailangang utusan pa,” anito.
“I’m trying to be a good girl now. You know, I don’t want to be called a brat again.”
Pagkatapos nilang kumain ng sopas ay dinala nila ni Prime sa liguan ng mga bata si Gelou at magkatulong nilang pinaliguan ang bata. Hindi pa siya nakakapagpaligo ng bata kahit kailan pero naging madali ang lahat sa kanya dahil kay Prime. Hindi naman pala mahirap magpaligo ng bata. Dati kasi’y iniisip niyang mahirap dahil makukulit ang mga bata pero hindi pala. Natuwa pa siya ng isang batang lalaking nagpapaligo din sa kanya. Pinagbigyan naman niya ito. Hindi niya alintana na mabasa ang sapatos niya maging ang mga damit niya.
Pagkatapos nilang paliguan ang mga bata’y isa-isa nila itong binihisan. Malapad ang ngiting pumaskil sa kanyang mga labi habang pinapanood si Prime na nagbibihis sa mga batang nakapila dito. Tinulungan na niya itong magbihis sa mga bata dahil mukhang matatagalan pa itong makatapos kung walang tutulong dito. Kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga bata si Prime.
“Wait here,” sabi sa kanya ni Prime matapos nilang bihisan ang mga bata. Ilang minuto rin itong nawala at pagkabalik nito’y inabutan siya nito ng puting t-shirt. “Bakit kasi hindi ka nagdala ng extra shirt?” anito.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Bahagya siyang kinilig sa ginawa nito. Nabasa siya kanina sa paliligo sa mga bata. Nakita siguro ni Prime na basa ang t-shirt niya kaya binigyan siya nito ng t-shirt.
“Hindi mo naman sinabi kung ano ang gagawin natin eh. Thanks. Teka, paano ka?” tanong rito.
“May dala pa akong isa,” anito.
Prime, ‘wag kang maging ganyan. Baka mahalin muli kita, pilyang sabi niya sa sarili. Parang bumalik na naman kasi ang pagka-crush niya rito dahil sa ipinapakita nitong kabutihan sa kanya ngayon. One hundred pogi points ang magiliw nitong turing sa mga tao sa habitat.
Pagkapalit nila ng damit ay lumipat naman sila sa lugar ng mga inabusong kababaihan at tinulungan nila ang mga itong magtanim ng halaman at gulay sa likod-bahay ng mga ito. Hindi siya marunong magtanim pero naging hamon para sa kanya ang matuto niyon lalo pa’t nakita niya kung gaano kasanay si Prime na gawin iyon.
Sa bawat ikinikilos ni Prime ng araw na iyon, ipinaparamdam nito sa kanyang parang wala siyang kwentang babae. Ni hindi siya marunong ng gawaing bahay. Kahit simpleng luto lang ay hindi siya marunong, lalo na ang pagtatanim. Napu-frustrate siya dahil sa ipinapakitang kagalingan ni Prime ngayon. At dahil doon ay nahihiya siya rito.
Tinabihan siya ni Prime. “Something wrong?” tanong nito sa kanya.
Ngumiti siya rito. “Si Prime ka ba talaga?”
“Bakit? Don’t I look like Prime?” nagtatakang tanong nito sa kanya.
“No. You seem like a different person to me. Dati naman, hindi ka ngumingiti. Palagi kang seryoso at pormal. Pagkatapos, pagdating natin dito, bigla ka na lang nag-transform,” aniya rito.
“Kapag nanatili akong seryoso hanggang dito, hindi magiging magaan ang pakiramdam ng mga nakatira dito. They’re supposed to feel happy sa kabila ng pinagdaanan nila. Iyon ang gusto kong maramdaman nila kaya hanggang sa maari’y hindi ako nagiging pormal sa kanila,” paliwanag nito.
“So, bakit pormal at seryoso ka sa school?”
“You don’t want to know,” anito.
“Siyempre, gusto kong malaman,” aniya rito.
“Pinapatay mo ‘yong halaman. Masyadong mahigpit ang hawak mo. Hindi ka man lang ba naturuan ng tamang gardening sa home economics noon?” sa halip ay tanong sa kanya ni Prime. Inilihis nito ang usapan.
Sumimangot siya. Ipinaramdam na naman nito sa kanyang wala siyang kwenta. “I passed home economics through Drea and Tracy’s help,” mahinang sabi niya rito.
“Gano’n ka ba talaga? Ayaw mong may magawa para sa sarili mo? First of, nag-uutos ka pero ayaw mo namang magpautos. Tamad ka. Hindi ka nagkukusang matuto ng gawaing-bahay. I mean, you’re a girl. You’re supposed to know how to those things but you neglect to do it,” sermon nito sa kanya na labis na ikinalungkot niya.
“Huwag kang mag-alala. Sisikapin kong matuto para sa’yo,” sabi niya rito. Tumayo siya at iniwan ito roon. Tinungo niya ang main building.
Why the hell did she say that? “Sisikapin kong matuto para sa’yo”. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nasabi. Basta nalungkot at nainis na lang siya sa kanyang sarili.
DUMAING dahil sa sakit si Freya pagkatapos linisan ng alcohol ni Manang Mely ang sugat niya sa kanyang kaliwanang hintuturo. Nagkaroon ng hiwa ang kanyang daliri ng dahil napamali siya ng gayat sa patatas. Kaninang iniwan niya ang gardening ay nakigulo naman siya sa mga kababaihang naghahanda para sa kanilang pananghalian kasama si Manang Mely—ang overall coordinator ng Crescent Foundations.
Inamin niya sa mga itong hindi siya marunong magluto at hindi siya marunong gumawa ng gawaing bahay. Naging willing naman ang mga itong turuan siya. Matiyagang itinuro sa kanya nina Manang Mely ang tamang paghiwa ng mga gulay. Pero napamali ang hiwa niya sa isang patatas dahil masyadong malaki iyon. Nagamitan niya ng pwersa at tumuloy ang kutsilyo sa kamay niya.
“Bakit kasi tumulong ka pa do’n eh, alam mo namang hindi ka marunong,” galit na sermon ni Prime sa kanya habang nakatalikod.
“Bakit ba galit ka eh hindi naman ikaw ang nasugatan?” inis na tanong niya rito. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagkakaganoon. Sinusubukan na nga niyang matuto ng gawaing-bahay para wala na itong mapuna sa kanya pagkatapos ay kagagalitan naman siya nito ng ganoon.
“Takot si Prime sa dugo,” bulong sa kanya ni Manang Mely. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni manang saka siya natawa ng malakas. The high and mighty Prime Abellana is afraid of blood.
“Sa susunod, ‘wag kang gagawa ng isang bagay na hindi mo naman alam gawin kung pa’no,” sabi pa nito sa kanya.
Nang malagyan ni Manang Mely ng bandage ang kanyang daliri ay lumapit siya kay Prime at ipinakita iyon dito. He jerked away from her. Todo tawa naman siya sa pagsasalubong ng mga kilay nito.
“Funny, Freya. Tandaan mong alipin pa rin kita at inuutusan kitang ‘wag tumawa,” mariing utos nito sa kanya. Now, he was back to his old self again. Napailing na lang siya at pilit na pinigil ang pagtawa.
Magana nilang pinagsaluhan ang inilutong pagkain ng mga kababaihan. She felt proud. Kahit na hindi siya kasama sa pagluluto niyon ay may parte pa rin siya para magawa ang mga putaheng nakahain sa harap nila ngayon. Naging isang tagahiwa siya hanggang sa nahiwa din ang kamay niya.
Sa simpleng bagay na iyon ay nakaramdaman siya ng kakaibang saya. Iyong sayang nararamdaman lang niya tuwing may nagagawa siyang isang mahirap na bagay. Hindi lang kay Prime siya may napatunayan kundi maging sa sarili niya. Kaya naman pala niyang gumawa ng gawaing-bahay. Kailangan lang niya ng kaunting push.
Kinahapunan ay naglaro ng basketball ang mga batang lalaki kasama si Prime. Tuwang-tuwang nanonood sila ng mga tao roon sa mga ito.
“Napaka-swerte mo kay Prime, hija,” anang isang matandang babae sa kanyang tabi.
“Oo nga. Mabuting bata ‘yan. Ipinapanalangin nga naming sana’y dumating na ang babaeng nararapat para sa kanya,” sabi pa ng isa.
“Bata pa naman po si Prime. Hindi po niya kailangang magmadali,” aniya sa mga ito. “At saka po, hindi ko po siya boyfriend.”
“Hindi ba? Sayang naman. Bagay pa naman kayong dalawa,” ani Manang Mely.
Umiling siya. Imposibleng mangyari iyon. ‘Di ba? aniya sa sarili.
“Para kay Ate Freya,” narinig niyang sigaw ng isang bata. Nagtaka siya kung bakit nito iyon nasabi nang kudlitin siya ni Manang Mely. Itinuro nito sa kanya si Prime na handa nang mag-shoot ng bola sa ring.
Shoot! Nai-shoot nga nito ang bola. Naks! Para sa’kin ‘yon, kinikilig na sabi niya sa sarili.
Napuno ng tuksuhan ang buong paligid kaya naisipan niyang tuksuhin din si Prime.
“Ganyan talaga ako kamahal ni Prime,” biro niya na lalong ikinalakas ng tuksuhan. Sa hindi niya mawaring dahilan ay kinilig siya sa tuksuhang iyon. Parang gustong-gustong niyang matukso kay Prime. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Prime pero tinawanan lang niya ito.
Nakalimutan na niya ang planong pagpapakabait kay Prime para inisin ito dahil natural na lumabas ang pagkamabait niya rito. Mabait kasi ito ngayong araw. Isa pa’y nag-enjoy siya sa habitat kasama ito. Pakiramdam niya’y kilalang-kilala na niya si Prime.
“What was that all about?” tanong ni Prime nang makalapit ito sa kanya.
“What? We’re just having fun,” aniya rito na dahilan kung bakit nagsalubong ang mga kilay nito. Ano ang nasabi niyang mali?
“I’m not a toy,” seryosong sabi nito.
PRIME muttered a curse. Hindi niya napigilan ang kanyang sariling lingunin ang natutulog na si Freya sa passenger seat katabi niya. Siya ang nagmaneho pauwi dahil alam niyang pagod ito sa maghapon. Nakita niya ang effort nitong pasayahin ang mga tao sa habitat at natuwa naman siya rito. Hindi naman pala ito prima donna. Naasar lang siya rito dahil sa mga ginawa nitong biro sa kanya.
He’s not a toy to have fun with.
Naiinis ka lang dahil binibiro ka lang niya, anang isang bahagi ng isipan niya.
What? You’re insinuating that I like her?
Hindi ba? Hindi agad niya iyon nasagot. Hindi kasi niya maitatanggi sa sarili na bahagya siyang kinilig sa mga ngiting ibinigay nito sa kanya sa maghapon. Hindi karaniwan na binibigyan siya nito ng ngiti dahil palagi itong nakasimangot sa kanya. Kaya baka nagulat lang siya at hindi kinilig.
Of course not! I hate her.
Pinipilit mo lang ang sarili mong hindi siya gustuhin dahil akala mo noo’y katulad siya ni Emma, anang isang bahagi ng isipan niya. He cursed again.
Emma was his ex-girlfriend. His first and last and only serious ex-girlfriend. Kaklase niya ito noong high school siya sa isang international school. Isa itong campus queen bee. Nakukuha nito ang lahat ng gusto nito. Nainis siya rito dahil kahit na nakikita nitong isa siyang malaking isda ay hindi ito gumagawa ng paraan para mabingwit siya. Noong una pa lang niya itong makita ay nabighani na siya sa taglay nitong kagandahan.
He felt unwanted because of her. Lalo na at gustong-gusto niya si Emma noon. Kaya naman laking tuwa niya nang makasabay niya itong magbakasyon sa ibang bansa. Dahil doon ay naging close silang dalawa. And eventually, they became a couple. Anong tuwa niya ng sagutin siya nito. Lalo siyang nahulog dito nang magkaroon na sila ng relasyon.
Pero ang tuwa niyang iyon ay agad ding naputol dahil nalaman niyang si Zac pala ang talagang gusto nito. Ginamit lang siya nito para mapalapit kay Zac. Labis siyang nasaktan dahil sa ginawa nito kaya naman simula noon ay hindi na siya sumubok pang makipagrelasyon o kahit makipag-date man lang.
Hindi na rin niya nagawa pang tumingin sa mga babae. Lalo na sa mga babaeng katulad ni Emma. Ito ang babaeng nagbigay sa kanya ng unang sakit sa puso at isinumpa niya sa sariling hindi na niya mararamdaman pa ang sakit na naramdaman niya noon dahil dito.
Freya was like Emma. Hindi man nito tahasang ipinapakita sa ibang tao ang nais nitong makuha ang lahat ay ganoon ang nakikita niya rito. Kaya inis na inis siya rito nang marinig niya noon ang sinabi nito kay Iñigo. That she can have a man in just a simple snap of the fingers. He hated her because of that.
Pero nang makita niya ang paraan ng pagngiti nito sa mga bata kanina’y parang nagbago ang tingin niya rito. Nakita rin niya ang effort nitong makatulong sa iba at patunayan sa kanyang mali siya sa pagsasabing “brat” ito.
And she’s really beautiful.
Himbing na himbing ito sa pagkakatulog sa passenger seat. Mukha itong isang maamong anghel kapag tulog. May ilang hibla ng buhok nitong nalaglag sa may mga mata nito pero hindi pa rin niyon natatabunan ang ganda ng mukha nito. Naniniwala siyang hindi ito isang “brat” na katulad ng iniisip niya rito base sa mga nasaksihan niyang kilos nito sas buong araw nilang pagsasama.
Kapag ganoon ito palagi’y baka hindi niya mapigilan ang kanyang sariling gustuhin ito. Weakness pa naman niya ang mga babaeng malalantik ang mga mata. And Freya has those.
You’re forgetting something. He has a boyfriend. Remember the Iñigo scene?
He cursed again.