Chapter 24

“PESTE talaga! Peste! Peste! Peste!” inis na sigaw ni Tracy habang hinahataw ng mga sipa ang sand bag na nakabitin sa puno ng mangga sa likuran ng bahay nila. It was a Sunday. Wala siyang magawa at ilang araw na niyang iniisip ang nangyari sa Milandia kaya gusto niyang ilabas lahat ang nararamdaman niya.

“Mommy, what’s wrong with Ate Tracy?” narinig niyang tanong ng bunso niyang kapatid na si Yanah sa kanilang ina.

“Ano bang problema mo, Tracy?” tanong ng mama niya.

“I hate him, ‘Ma! I want to kill him!” nanggagalaiti sa galit na sagot niya rito saka muling hinataw ng sipa ng sand bag.

“Sino ba itong tinutukoy mo? Si Francis? Mabuti nga at break na kayo. Matagal na kasi naming sinasabi sa’yo na hindi maganda ang pakiramdam namin sa Francis na ‘yon pero sumige ka pa rin sa pakikipag-relasyon sa kanya. O, eh ano ngayon? ‘Di ba tama kami? Pero ‘wag mo na siyang isipin. Hayaan mo na siya sa buhay niya. Ngayon, makakapagreto na ako sa’yo ng mga gwapo na bagay sa’yo, anak,” excited na sabi ng mama niya.

“Ate, ‘yong kuya ni Fretzie, gwapo. Bagay kayo,” sabi naman ni Yanah. Naiikot niya ang kanyang mga mata sa dalawa. Pitong taong gulang pa lang ito’y marami na itong alam sa kung anu-anong bagay. Paano ba naman kasi’y kung anu-ano rin ang itinuturo rito ng mga amiga ng mama niya. Kaya nga ba ayaw niyang sumama sa mga lakad ng mga ito.

Mukhang siya lang talaga ang naging miserable sa paghihiwalay nila ni Francis. Not that she’s still dwelling over it. Thanks to Zac’s—argh! Naalala ko na naman ‘yon, kainis!

“Alam mo kung ano ang ginagawa ko sa mga babaeng umiiyak?” ani Zac.

“Ano?” maang na tanong niya rito.

“I don’t want to see you crying, Trace,” sabi nito sa kanya. And before she knew it, his lips were already on hers.

The moment Zac’s lips were on hers, her mind had gone blank. Wala na siyang ibang naisip kundi ang mga labi nito sa mga labi niya pati na rin ang puso niyang mabilis at malakas na tumitibok. She had goosebumps! Napanganga pa siya dahil sa gulat. And that was Zac’s cue to slip his tongue into hers to deepen the kiss. Gusto man niyang magprotesta’y hindi niya nagawa dahil trinaidor siya ng kanyang katawan.

The kiss went on for what seemed like minutes and she didn’t even bother to stop it. The unbelievable thing was, she responded to Zac’s kisses and she liked it. She can’t deny the fact that he’s an expert. She had kissed Francis before but the latter didn’t kiss her like that. It was something intimate and hot. Francis’ kisses were nothing like that.

“Wow!” sambit ni Zac pagkatapos niyon.

Shit! What just happened? tanong niya sa kanyang sarili. Tumingin siya sa kanyang paligid. Nakita niyang nakanganga si Camri habang nakatingin sa kanila ni Zac. Nang ilibot niya ang kanyang paningin ay nakita niya ang ibang passersby na nanonood sa eksena nila ni Zac. Out of embarrassment and humiliation, her initial reaction was to kick him, and she did. Natamaan niya ito sa parteng pinakaiingatan ng mga lalaki.

Pagkatapos niyang tuhurin noon si Zac ay mabilis siyang lumayo rito at tumawag ng taxi para makauwi. Nakiusap siya kay Camri na huwag ipagsasabi ang nasaksihan nito o mabanggit man lang nitong muli iyon sa kanya.

Ngunit kahit na ilang beses niyang sabihin sa kanyang sarili na huwag nang alalahanin ang nangyari’y hindi pa rin nasusunod ang gusto niyang mangyari. Naging isang makulit na alaala iyong palaging pilit na nagsusumiksik sa isipan niya. Sino ba naman kasi ang makakalimot sa nangyari? Zac kissed her in a public place with so many people staring at them!

It was a day that hit her humiliating face twice! She broke up with Francis and Zac kissed her! Nitong mga nakaraang araw ay hindi niya naiisip si Francis dahil inookupa ni Zac ang isipan niya. Which is a weird thing since she hates him.

But you liked his kiss, you responded to him, pagpapaalala pa ng isang bahagi ng isipan niya. Isa pa iyon sa bagay na ikinaiinis niya. She really liked his kiss. Francis never kissed her the way Zac did. It was…enchanting.

For goodness sake, Tracy! Forget about it! Hindi mo makakalimutan ‘yon kung hindi mo na iisipin, sabi naman ng matinong bahagi ng isipan niya.

But, could one really control what she thinks? anang makulit na bahagi ng isipan niya.

“This is getting crazier,” she blurted out loud.

Breathe in, breathe out. Relax, Trace. Chill ka lang, sabi niya sa sarili.

“Ano’ng sinasabi mo d’yan, Tracy?”

“Wala, ‘Ma. Hindi tungkol kay Francis ‘to, okay? Ayaw ko na siyang maalala kaya ‘wag n’yo na siyang ipaalala sa’kin, ha?” aniya sa mga ito. Nang araw na maghiwalay sila ni Francis ay ibinalik niya rito ang lahat ng regalong ibinigay nito sa kanya. Pati ang numero nito’y binura na rin niya maging ang mga picture nilang dalawa’y binura na rin niya sa kanyang cell phone. Francis was totally out of her life right now.

Lumapit sa may tabi niya si Yanah at nag-Indian seat. “Ate, did you kiss Francis?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.

“Mama! Ano ba ‘tong mga sinasabi ni Yanah?” baling niya sa mama nila.

“Ate, kasi naman, maybe if you’ve kissed Francis, maybe he’d turn into a handsome prince,” sabi ni Yanah. Napanganga siya sa sinabi nito. Pinigilan niya ang sarili na matawa.

“Yanah, hindi naman palaka si Francis eh,” sabi niya rito.

“Naisip ko lang kasi baka umepekto sa kanya ‘yong magic ng true love’s kiss para maging gwapo siya,” ani Yanah.

“Mama! Ano ba naman ‘yang mga itinuturo mo kay Yanah? Kung anu-ano na ang naiisip n’yan,” baling niya sa kanyang ina.

“Matalino lang talaga ang kapatid mo, Tracy,” nakangising saad ng mama niya saka ito bumaling kay Yanah. “Baby, hindi naman si Francis ang true love ng ate mo kaya kahit na halikan siya ng ate mo, hindi siya magiging handsome prince.”

“Mama!” saway niya sa kanyang ina. Kaya napo-pollute ang utak ng kapatid niya.

“Anyway, pumunta ka sa may sala dahil may delivery do’n para sa’yo. May bago ka na agad manliligaw? Agad-agad ha,” panunukso ng mama niya na ipinagtataka niya.

“Ano’ng delivery?”

“Ate, siguro kung bubuksan mo ‘yong box malalaman nating lahat kung ano ang laman ng delivery,” pilosopong sabi sa kanya ni Yanah. Lumapit siya rito at dinutdot ito sa noo.

“Ikaw, kung anu-ano na ang natututunan mo. ‘Wag ka na ngang sumama kina mama sa spa dahil kung anu-ano ang naririnig mo do’n,” bilin niya rito bago pumunta sa sala. Tinawanan lang siya ng mama niya.

“Mama, ate’s no fun,” narinig pa niyang sabi ni Yanah sa kanilang ina.

“’Di kasi gwapo ang naging boyfriend niya kaya siya grumpy. Kaya ang mission natin ngayon, ihanap siya ng gwapong boyfriend, okay?” narinig naman niyang sabi ng mama niya kaya siya patakbong bumalik doon.

“’Wag kayong makikialam sa lovelife ko! At, ayaw kong magka-boyfriend ulit!” mariing sabi niya sa mga ito.

“Pero, ate, mukhang may bago kang manliligaw kaya hindi imposibleng magka-boyfriend ka ulit,” ani Yanah.

“Kung sakali man na may bago akong manliligaw, hindi ko naman siya sasagutin kaya hindi ako magkaka-boyfriend,” aniya.

“But what if he’s your true love? Palalampasin mo ba ‘yon dahil lang hindi naging maganda ang previous relationship mo? What if he’s now a handsome prince?” sunud-sunod na tanong ni Yanah.

“I’m no princess, Yanah. And stop believing in those fairy tales. They aren’t real!” sabi niya rito. “’Ma, ‘wag mo nang paasahin si Yanah. Please lang,” baling naman niya sa kanyang ina saka muling iniwan ang mga ito roon para pumunta sa kanilang salas.

She was once a believer of fairy tales. That someday, a handsome prince will come and sweep her off her feet and that she would have her happy ever after. Iyon ang naging drama niya noong high school siya. Noong na-in love siya sa campus prince na si Duke.

Matagal na niyang gusto si Duke noon. Simula noong nasa elementary pa siya’y para kay Duke lang talaga ang nagniningning niyang mga mata. Lahat ng katangian ng isang lalaking gugustuhin niyang maging boyfriend ay na kay Duke na. Matalino pero hindi lang nito nagagamit ang katalinuhang iyon ng maayos dahil mas inuuna nito ang basketball. Pero alam niyang magse-seryoso ito kapag may babae nang nakapagpatino dito. At naniniwala siyang, siya ang babaeng iyon.

Duke Cipriano had been the only one whom her eyes looked lovingly and her heart beat solely. Iyon nga lang ay hindi siya nito napapansin. Napapansin nito sina Drea at Tracy pero hindi siya.

Noong high school kasi siya ay isang simpleng teenager lang siya. She was nothing like Drea who’s both a beauty and a geek nor was she like Freya who’s a fabulous chic that every guy she met swoon over her. She was just a plain Jane. She wore baggy jeans, braces and she had pimples all over her face then.

Kaya naman laking gulat niya nang isang araw ay lapitan siya ni Duke. Tinanong siya nito kung maaari niya itong turuan sa Trigonometry subject nila noon. And she gladly said yes. Kahit na hindi siya pinayagan nina Drea at Freya dahil mukha raw may itinatago si Duke ay sumige pa rin siya. Wala siyang pakialam sa iniisip ng iba dahil para sa kanya’y achievement iyon. That finally, her crush noticed her.

She fell in love with Duke even more. Halos araw-araw kasi silang magkasama noon at hindi lang sa Trigonometry niya ito tinutulungan. Maliban pa roon, lumabas-labas na rin silang dalawa kahit na hindi iyon konektado sa school subjects nila. Pakiramdam niya’y natupad na niya ang lahat ng pangarap niya. Ang kulang na lang ay “I love you” at ang “true love’s kiss” nila.

But just when everything falls into place, nalaman niyang lokohan lang pala ang lahat. Nakipaglapit lang pala sa kanya si Duke dahil sa isang pustahan. Pinagpustahan siya nito at ng mga kaibigan nito. Kung sa loob daw ng isang buwan at magiging girlfriend siya ni Duke ay ibibigay ni Hanz—isa sa mga kaibigan ni Duke—ang girlfriend nito noon na si Francine.

Yeah. Girls were treated like toys back then. Too bad.

Labis siyang nasaktan noon dahil akala niya’y totoo ang lahat. Akala niya’y nangyayari sa totoong buhay ang fairy tales love stories pero nagkamali siya. That’s the time when she stopped believing in them and she started seeing reality.

Kaya naman bago siya pumasok sa kolehiyo noon ay inayos niya ang kanyang sarili sa tulong nina Drea at Freya. Inalis niya ang braces niya, nagbago siya ng wardrobe at natuto siyang magpa-facial para mawala ang pimples niya sa mukha. Noon din siya nagdesisyong mag-aral ng tae kwon do. She wanted to be tough. Ang tae kwon do rin ang isang bagay na nagturo sa kanyang magpakatatag at tumayo sa sarili niyang mga paa.

Iyon ang rason kung bakit ayaw niya sa mga gwapo. Kapag may nanliligaw sa kanya noo’y hindi niya tinitingnan sa histura ang mga ito kundi sa ugali. Because looks can be deceiving. Ngunit ngayon, sa tingin niya sa ibang lalaki’y pakitang-tao din lang tuwing nanliligaw ang mga ito. Katulad na lang ni Francis. Hindi niya akalain na magtu-two-time pa ito gayong akala niya noo’y hindi siya nito sasaktan.

Naiinis na naman siya. Akala mo kasi’y kung sinong gwapo si Francis para lokohin siya at ipagpalit siya sa ibang babae. Porke sinabi niya na maghanap ito ng ibang girlfriend para gawin ang mga “bagay” na hindi nito magawa sa kanya ay talagang ginawa nito.

Ah, hindi pala. Kahit na pala hindi ko sinabi ‘yon ay mayro’n pala siyang ibang girlfriend talaga, paalala niya sa sarili.

Napailing na lang siya at inalis sa isipan ang lokong ex-boyfriend niya. Wala nang rason para isipin pa niya si Francis kahit na ang makipag-usap o makipagkita dito katulad ng hinihingi nito sa kanya nitong mga nakaraang araw.

Pagdating niya sa kanilang salas ay nakita niya ang medium-sized box na siguro’y “delivery” na sinasabi ng mama niya at ni Yanah. Agad niya iyong binuksan at nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Puro Avengers collectibles ang nasa loob ng box. Ngunit pinigilan muna niya ang kanyang sarili na hawakan ang mga iyon at inuna munang kunin ang puting envelope na kasama ng mga iyon. It was a letter from “Chuck”.

“Who’s Chuck?” tanong niya sa sarili. Nagkibit-balikat na lang muna siya saka binasa ng malakas ang laman ng sulat. “I hate to see you cry. I hope these things make you smile. Chuck,” basa niya sa sulat.

“Ooooh. How sweet! Who’s Chuck, ate?” intregerang tanong ni Yanah. Nasa may likuran na pala niya ito kasama ang mama nila nang hindi niya namalayan.

Nag-isip siya. May kakilala ba siyang Chuck? “Wala akong kilalang Chuck,” kunot-noong sabi niya sa mga ito.

Sinuri niya isa-isa ang Avengers collectibles na naroon. Nanlaki ang mga mata niya sa ilang laruan dahil ang iba roo’y collector’s edition at alam niyang mahal ang mga iyon.

“’Ma, sino ang nagdala nito dito?”

“Hindi ko alam. Pagkabukas ko ng gate, nando’n na ‘yan eh,” anang mama niya.

“Ate, may secret admirer ka!”

Weird. I have a secret admirer? Ancient.

“Hindi kaya galing ‘yan kay Francis, anak?” anang mama niya.

“No. Why would he name himself ‘Chuck’? Ni hindi nga siya mahilig sa Chuck Taylors,” aniya.

“O, eh malay mo naman. Kaya nga secret admirer eh,” katwiran ng mama niya. Nagkibit-balikat na lang siya at inabala ang sarili sa pagtingin ng mga collectibles. May ilang collectibles na rin siyang nabili sa ilang specialty stores pero kaunti pa lang iyon.

Who the hell is Chuck? But whoever he is, he really knows how to please her.

Just when she’s about to hug all her gifts, her phone rang. Numero lang ang nag-register sa screen ng cell phone niya at hindi pamilyar sa kanya ang numerong iyon. Nonetheless, she answered the call. Nagbabaka-sakali kasi siyang baka si “Chuck” ang tumatawag.

“Hello?” sagot niya sa tawag.

“Hi, babe! How’s your heart?” tanong ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya.

“Still beating. Who’s this?” kunot-noong tanong niya. Babe?

“Ang sakit! Ang sakit-sakit! Hindi mo ako maalala? Pagkatapos nating pagsaluhan ang isang maalab na hali—“

Nanlaki ang kanyang mga mata nang malaman kung sino ang nasa kabilang linya. Hindi na niya ito pinatapos pang magsalita at agad niya itong sininghalan. “Peste ka!

Don’t you ever call me again! Kapag nakita kita sa sunod, I’ll kill you!” nanggagalaiti sa galit na sigaw niya rito.

Hindi isang “Chuck” ang tumawag kundi isang makulit at nakakainis na “Zac”.

“Ate, sino ‘yon? Why are you so angry? Sabi ni mama, masama daw ang magbanta sa isang tao,” sabi ni Yanah sa kanya.

Naiikot niya ang kanyang mga mata. “It’s Chuckie doll, Yanah. My worst nightmare. Kaya okay lang na patayin ko siya, ‘di ba?” pabirong sabi niya sa kanyang kapatid pagkatapos ay napabaling siya sa kanyang ina na isang makahulugang ngiti ang nakapaskil sa mga labi. “What, ‘Ma?”

“Is that a new guy? ‘Yong katatawag lang sa’yo?”

“Paano’ng ‘new’?” nagtatakang tanong niya.

“Bago sa buhay mo. Aba, anak! Ang ganda mo talaga. Kabe-break n’yo lang ni Francis pero dalawang lalaki na agad ang nagpaparamdam sa’yo. Ang haba ng hair mo!”

“Mama! Itong si Chuck, matatanggap ko pa. Pero ‘yong si Zac? Mapapatay ko siya,” aniya rito.

“I smell something fishy,” nakangising saad nito.

“It’s nothing fishy, ‘Ma. It’s something irritating,” naiinis pa rin na sabi niya.

“What if si Zac pala si Chuck?” pagkuwa’y tanong nito.

“Ano?”

“Paano kung iisang tao lang pala sila?” ulit na tanong ng mama niya.

Napaisip siya sa sinabi nito. But Zac’s egotistic, he would never go far beyond secretly giving gifts to someone. Isa pa, ni hindi niya alam kung gusto ba siya ni Zac o pinagti-trip-an lang siya nito.

She’d had enough of Zac’s type then. Flirt, always playful, always irritating and always handsome. Ang mga lalaking katulad nito’y mga paasa lamang. Gusto ka kunwari pero hindi naman pala dahil gusto lang nilang makaiskor sa’yo. O kaya nama’y gusto ka ngayon pero mamaya’y hindi na. At ang mas masahol pa’y sinasabing gusto ka lang dahil sa isang pustahan.

She would never deal with Zac’s type. Not now, not ever.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.