Chapter 25

ILANG linggo mula nang tuloy-tuloy na buhos ng regalong natatanggap niya mula kay Chuck ay dumating ang isang sulat na nagsasabi kung pwede daw siyang makipagkita dito. Aminado siyang nitong mga nakalipas na linggo ay naging interesanteng bagay sa buhay niya ang secret admirer niyang si Chuck. Pati ang mga kaibigan ay kinikilig sa isipin na may secret admirer daw siya. Ang iba nama’y nalulumaan sa ginagawang istratihiya ni Chuck. Pero para sa kanya’y ayos lang iyon.

Actually, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Noong una ay natakot siya dahil baka obsessed sa kanya si Chuck pero naisip niyang masyado naman siguro siyang atribida kung iniisip niyang may isang taong magiging obsessed sa kanya. Hindi naman kasi siya sobrang ganda.

Gusto niya ang mga regalong natatanggap niya mula kay Chuck dahil pawang mga paborito niya ang mga iyon. Pero pakiramdam niya’y kilala niya ito. Marami kasi itong mga bagay na alam tungkol sa kanya. Or did he just research about those things? Lahat kasi ng ibinibigay nitong regalo sa kanya’y paborito niya o may kinalaman sa buhay niya.

Gusto niyang makita rin ito. May mga pagkakataon nga na tinangka niyang hulihin kung sino ang nagpapadala sa kanya ng delivery pero hindi niya nahuli kung sino ito. Para bang alam na alam nito ang oras ng tulog, gising at labas niya ng bahay. Minsang hindi siya natulog dahil binantayan niya ang delivery pero hindi naman ito nag-deliver. Nakatulog siya sa buong maghapon at pagkagising niya’y doon naman siya nakatanggap ng delivery.

Ito na ang hinihintay niyang araw para makilala kung sino si Chuck pero nag-aalangan siya dahil ang gusto nitong pagkitaan nila’y ang company anniversary party ng Crescent—ang pinakamalaking real estate company sa bansa.

Hindi siya mahilig sa ganoong kasiyahan dahil hindi naman siya mahilig sa negosyo. Sa kanilang pamilya ay ang mga magulang lang niya ang madalas na dumadalo sa mga ganoong kasiyahan dahil ang ama niya’y may-ari ng isang car dealership company at dumadalo ito sa ganoong okasyon para makakuha ng kliyente. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya na pumasok sa pagnenegosyo dahil mas sumasakit ang ulo niyang mag-isip ng kung anu-anong bagay.

Nagmana siya sa kanyang ina na nasa medical profession ang forte. Registered nurse ang Mama Selena niya pero hindi na ito nagta-trabaho ngayon dahil abala ito sa pag-aalaga kay Yanah at sa pag-aasikaso sa kanilang bahay. Wala kasi silang mga kasambahay para mag-intindi sa kanilang mag-anak. Mas gusto ng mama niyang maging hands on sa kanilang pamilya kaya mas pinili nitong maging housewife.

“O, ano pang tinutunganga mo riyan? Baka mamaya ay dumating na ang sundo mo, hindi ka pa ayos. Bilisan mo na at magbihis ka na,” bungad sa kanya ng mama niya.

“Mama—“

“Give him a chance, Tracy. Hindi porke palpak ang mga naging relasyon mo noon ay maaaring pumalpak rin ang susunod mong relasyon,” anang mama niya.

Inayos nito ang damit na kasama ng sulat galing kay Chuck. Mukhang pinaghandaan talaga ni Chuck ang okasyong iyon para sa pagkikita nila. Pero bakit sa Crescent Corporation anniversary party pa? May kinalaman ba ito sa kompanya?

Hindi kaya si Prime si Chuck? naghihinalang tanong niya sa sarili. Dahil pag-aari ng mga Abellana ang Crescent Company. Ngunit agad din niyang iwinaglit ang isiping iyon sa kanyang isipan dahil parang hindi naman ang tipo ni Prime ang “secret admirer scheme”. Straightforward kasi ang tingin niya kay Prime kaya imposibleng ito si Chuck. At isa pa, mukhang nagkakamabutihan na ito ng kaibigan niyang si Freya.

“Hindi ba talaga a-attend si papa?” tanong niya sa kanyang mama.

“Masakit nga ang batok niya. Mamaya high blood na ‘yon kaya kailangan niyang magpahinga.”

Napasimangot siya. Wrong timing naman ang problema ng papa niya sa isang tauhan nito. Hayan tuloy at hindi ito makakadalo sa party na iyon ng Crescent Corporation. May kasama sana siyang pumunta roon na kakilala niya.

“’Wag kang mag-alala, pupunta naman do’n ang pamilya Sotto kaya may kakilala ka pa rin do’n,” anang mama niya na ang tinutukoy ay ang pamilya ng kaibigan niyang si Freya. Mabuti sana kung naroon din si Freya. Ang kaso’y hindi rin mahilig sa ganoong okasyon ang kaibigan niyang iyon. Sa kanila nina Freya at Drea ay tanging ang huli lang ang mahilig sa mga ganoong okasyon dahil gustong-gustong humawak ni Drea ng isang negosyo kaya nga Business Administration ang kinuha nitong kurso.

“Mama, pumayag ba talaga si papa na pumunta ako sa party?” tanong niya sa kanyang ina. Parang napakaimposible kasing pumayag ng ganoon kadali ang papa niya na makipagkita siya sa taong hindi pa niya nakikita. May pagka-over-protective kasi ang papa niya. Kahit noong sila pa ni Francis ay hindi basta-basta nakakapunta sa bahay nila si Francis o hindi siya agad-agad na pinapayagan nitong lumabas kasama si Francis.

“Oo. Bakit naman hindi? Actually, na—“ Hindi na itinuloy ng kanyang ina ang iba pang sasabihin nito kaya napakunot ang noo niya habang nakatingin dito. Pakiramdam niya’y may itinatago ito sa kanya.

“’Ma, kilala n’yo ba si Chuck?” nagdududang tanong niya rito.

“Nagpaimbestiga ang papa mo tungkol sa kanya. Kilala na ng papa mo si Chuck pero—“

Hindi na niya pinatapos pa ang pagsasalita ng mama niya dahil lumabas siya ng kanyang kwarto at tinungo ang master’s bedroom ng kanyang mga magulang kung saan nagpapahinga ang papa niya.

“Papa, sino si Chuck?” agad na tanong niya sa kanyang ama pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ng mga ito. Nakasunod naman sa kanya ang mama niya.

“I’ll tell you when you shift into a business course,” pamba-bribe pa nito sa kanya.

Naiikot niya ang kanyang mga mata dito. “Fine. Malalaman ko rin naman mamaya kung sino si Chuck eh,” paingos na sabi niya rito saka muling bumalik sa kanyang kwarto.

Third year na siya bilang isang Medical Technology student pero ang gusto pa rin ng papa niya ay mag-shift siya ng Business Administration o kahit na anong kursong may kinalaman sa negosyo. Ngunit ayaw niya talaga sa pagnenegosyo at alam iyon ng papa niya. Ang maganda lang dito’y hindi siya nito pinipilit. Iyon nga lang ay hindi nawawala sa usapin nila ang bagay na iyon.

Huminga siya ng malalim at saka gumayak para sa pupuntahan niyang party. Hindi na niya kailangan pang abalahin ang sarili para magmaneho patungo sa Hotel Elyse kung saan gaganapin ang party dahil may sumundong sasakyan sa kanya. Tatlumpong minuto lang ang itinagal ng biyahe patungo sa hotel at pagdating niya roo’y agad siyang hinatid ng driver na sumundo sa kanya sa function hall na pinagdarausan ng kasiyahan.

Ngunit bago pa man siya makarating doon ay nakuha ng isang pares ang atensyon niya. Naghahalikan ang mga ito sa hallway kaya imposibleng hindi niya ito makita. Pero nang maghiwalay ang mga ito’y nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mukha ni Zac. Nag-init ang magkabilang pisngi niya pagkakita niya rito. Hindi niya maiwasang maalala ang halik na pinagsaluhan din nila noon sa Milandia.

This feels really awkward! sabi niya sa sarili. Gusto niyang tumakbo na palabas sa hotel pagkakita niya kay Zac. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Basta hindi niya nagustuhan ang eksenang nakita niya. Pero napako naman siya mula sa kinatatayuan niya.

“Sanya, don’t ever do that again,” mariing wika ni Zac sa babaeng kahalikan nito. Nakatalikod sa kanya ang babae kaya hindi niya makita ang mukha nito.

“Why, Zac? Have you found a better playmate than me?” anang babae.

Napaawang ang mga labi niya sa narinig pero sa huli’y napailing na lang siya. Malandi! Playboy! hiyaw ng isipan niya patungkol kay Zac. Hindi niya namalayan na naikuyom na niya ang kanyang mga kamao dahil sa sobrang inis kay Zac.

“Yes, Sanya. So, you better stop whatever you’re doing or whatever you plan to do now,” sabi naman ni Zac sa babae.

She really loathes his kind. Walang pakundangan sa mga babaeng nakakarelasyon nito. Wala man lang itong respeto sa babaeng kausap nito. Kahit na pa siguro sabihing “bitch” ang babaeng kausap nito ngayo’y babae pa rin iyon. Zac’s the worse jackass ever!

Hindi na siya nakapagtimpi pa. Nilapitan niya ang dalawa. Nagulat pa si Zac nang makita siya.

“Miss, he’s a jackass,” sabi niya sa babae.

“Who are you?” mataray na tanong ng babae. Tinaasan niya ito ng kilay.

“I’m just a concerned citizen. Kung ayaw mong makinig sa’kin, okay lang. Pero kung ako sa’yo, hindi ko na hahangarin pang makipagbalikan sa lalaking ‘to dahil wala ka rin namang mapapala sa kanya,” aniya sa babae.

“What are you saying? Zac’s the best guy there ever was. At kung sinasabi mo ‘yan para makuha mo siya, I’m not giving him to you,” sabi ng babae na halos ikanganga niya.

Ay, tanga! “Fine. Bahala ka sa buhay mo. And for your information, I don’t even like him,” aniya sa babae. Hindi na niya hinintay pang makasagot ito dahil pumasok na siya sa loob ng function hall.

Hinanap niya roon ang pamilya Sotto at nang makita niya ang Kuya Ylac niya’y sinabi nitong nandoon din daw si Freya. Ngunit nang hinanap naman niya si Freya ay hindi na niya ito makita sa paligid. May kalakihan din kasi ang function hall na iyon. Kaya pumwesto na lang siya sa may gitnang bahagi ng hall kung saan posible siyang makita ni Chuck. Nakita niyang naroon ang mga Princes. Normal lang siguro sa mga ito ang dumalo sa ganoong okasyon dahil sa mga susunod na tao’y ang mga ito na ang magmamana ng mga negosyo ng pamilya ng mga ito.

She almost smirked at the thought of why she was there. She was there to meet her secret admirer. An epic reason to attend a business gathering like that.

“Tracy,” narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ni Zac pero hindi niya ito pinansin. “Tracy,” muling tawag nito sa kanya pero hindi pa rin niya ito pinansin.

“Sorry sa nakita mo. Hindi ko alam na pupunta—“

“Bakit ka nagso-‘sorry’? Close ba tayo?” sarkastiko at may halong katarayan na tanong niya rito. Hindi niya nga maintindihan kung bakit kailangan nitong magpaliwanag sa kanya.

“Oo naman. We even kiss—“

“One more word about that and I’ll kill you. Seriously, Castillo, hindi mo kailangang magpaliwanag sa’kin. Wala tayong koneksyon sa isa’t isa. At kung natatakot kang malaman ng ‘better playmate’ mo ang tungkol sa nakita kong eksena, ‘wag kang mag-alala, hindi ako tsismosa,” aniya rito.

He smirked coldly at her. “You really think the worst of me, huh?”

“Do you have a good side, then?” sarkastikong tanong niya rito. Mukhang na-offend ito sa sinabi niya dahil biglang naging blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi tuloy naging madali para sa kanyang basahin kung ano ang iniisip nito ng mga oras na iyon.

Napangiwi siya dahil na-offend yata talaga niya ito. She felt like saying ‘sorry’. Pero bago pa man niya magawa ay iniwan na siya nito roon.

SUNDAY afternoon. Nagpunta si Tracy sa Sports and Wellness Shop na malapit lang sa Crescentville dahil part-time tae kwon do teacher siya roon ng mga batang edad lima-hanggang sampung taong gulang. Hindi kasi siya pinayagang magturo ng pinsan niyang si Kuya Andro sa adults dahil baka i-harrass lang daw siya ng mga tinuturuan nito. Ngunit nagpunta siya sa SWS hindi para magturo kundi para hamunin ng laban ang pinsan niyang si Andro. Gusto niyang ilabas ang inis na nararamdaman niya at kalimutan kung ano ang nangyari sa buhay niya nitong mga nakalipas na araw.

Frustrated siya. Bale-wala ang naging pagdalo niya sa Crescent Corporation anniversary party dahil hindi naman niya nakilala si Chuck. Ngayon tuloy ay iniisip niyang pinagti-trip-an lang siya ng Chuck na iyon. Bigla rin kasing tumigil ang pagpapadala nito ng mga regalo sa kanya kaya naisip niyang baka hindi nagustuhan ni Chuck ang ayos niya noong party kaya hindi na siya nito nilapitan.

Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Hindi naman niya ipinipilit ang sarili niya sa isang tao. Kung ayaw nito sa kanya, ayos lang. Hindi naman siya naghahanap ng mga lalaking magkakagusto sa kanya.

Oh, come on, Tracy. ‘Yon lang ba talaga ang iniisip mo?

Fine! Ilang araw siyang hindi nakatulog dahil kay Zac. Hindi dahil sa halik nito—na nakalimutan na niya, siguro—kundi dahil sa hitsura nito noong huli silang nagkita sa party. The offended look of Zac’s face kept on haunting her even to her dream. Ilang gabi na kasi niyang napapanaginipan si Zac. Minsan ay tinangka niya itong kausapin sa school pero lumayo ito sa kanya na para bang allergic ito sa kanya. Pinilit niyang huwag nang isipin si Zac dahil baka nag-iinarte lang ito pero hindi niya mapigilang hindi ito isipin.

Really weird, crazy and irritating!

“Tracy, ano’ng ginagawa mo dito? Na-miss mo ang klase mo kanina ah,” anang Kuya Andro niya nang makita siya nito. Napangiwi siya sa sinabi nito. Na-late kasi siya ng gising kaninang umaga na sana’y oras ng pagtuturo niya sa mga bata dahil na-late siya ng tulog. You get the idea why.

“Sorry, kuya,” hinging-paumanhin niya rito.

“Ayos lang, may pumalit naman sa’yo eh,” anitong ipinagtaka niya. Ang alam kasi niya’y on leave ang kapalitan niya bilang teacher ng mga bata na si Chrissa. Hindi niya lang alam kung bakit.

“Sino?”

“Siya,” anang pinsan niya sabay turo sa likuran niya. Pagharap niya’y nakita niya si Zac. Sa gulat niya’y napaawang ang mga labi niya. Tila na-rewind ang nangyari noon sa Milandia dahil hindi na siya nakapagprotesta sa sumunod na nangyari. Namalayan na lang niyang magkalapat na ang mga labi nila ni Zac. At katulad pa rin ng dati ang reaksyon niya sa halik nito.

Nang marinig niyang maghiyawan ang mga tao sa SWS ay itinulak niya palayo si Zac. His sexy grin was again visible in his face. Hindi siya makapagsalita dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Parang kanina lang ay iniisip niya ito pagkatapos ay narito na ito sa harap niya ngayon.

“The last time we saw each other, you asked me if I have a good side. That’s only one of my good sides, Trace. Wait ‘til you see—“

Hindi na niya ito pinatapos pang makapagsalita. Malinaw na hinalikan lang siya nito para may mapatunayan. And she didn’t like his reason. Ayaw niya sa mga rason nito kung bakit siya nito hinahalikan. Kaya naman agad niya itong hinataw ng sipa sa gitnang bahagi ng mga hita nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.