NAGPASYA si Tracy na bisitahin si Zac sa opisina nito sa isang branch ng Milandia na malapit sa Crescentville. Wala siyang magawa sa kanilang bahay. Hindi niya mahagilap sina Drea at Freya dahil kanya-kanya ang lakad ng mga ito kasama ang mga nobyo nitong sina Dereck at Prime. Si Zac kasi ay abala sa internship nito sa Milandia.
Nag-text ito sa kanya at sinabing hindi pa ito kumakain ng lunch kaya nagpasya siyang puntahan ito sa opisina nito. Nag-alala siya rito kaya naman bumili siya ng pagkain sa McDo at hinatiran ito sa Milandia. Mukhang inabisuhan na ni Zac ang mga tauhan nito sa mall dahil may lumapit sa kanya na isang security guard at hinatid siya sa opisina nito.
Hindi pa malinaw sa kanila ni Zac kung ano ba sila dahil hindi pa rin siya sigurado sa nararamdaman niya para rito. Basta alam niyang mahal siya ni Zac at alam din niya sa sarili niya na masaya siya tuwing kasama niya ito. Nang gabing pauwi sila sa Maynila galing sa Batangas ay hindi pa rin niya ito sinagot dahil hindi pa naman niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para rito o kung ano ang talagang nararamdaman nito sa kanya.
Yes, he did said that he’s in love with her. Pero kanino nito sinabi? Kay Yanah at hindi diretso sa kanya. She was still waiting for the magical “I love you” word. Pakiramdam kasi niya’y hindi magiging buo o kompleto ang lahat kung hindi pa nila iyon nasasabi ng diretso sa isa’t isa. And yes, she’s also admitting that she’s in love with Zac. Who wouldn’t be?
“Life-saver!” salubong sa kanya ni Zac pagkatapos ay dinaluhong siya ng yakap nito.
“Zac!” saway niya rito pero patuloy lang ito sa pagyakap sa kanya.
“What took you so long?”
“Um-order pa po ako ng pagkain mo. Kaya kumain ka na muna, pwede?” aniya rito.
“Yay! Kinikilig ako, Tracy. Nag-abala ka pa. Salamat ha,” pa-cute na sabi nito sa kanya. “Sabayan mo akong kumain,” anyaya nito sa kanya. Talaga namang sasabay siyang kumain dito kaya bumili siya ng sundae at French fries sa McDo.
Magkaharap silang umupo sa office desk nito. Magkatulong nilang inayos ang mesa para makakain sila ng maayos. Naglatag siya ng tissue paper sa ibabaw ng mesa kung saan niya ibinuhos ang laman ng dalawang large na French fries pagkatapos ay iginitna niya ang dalawang malaking hot fudge sundae. Binilhan niya ng Big Mac at rice meal si Zac at ang paborito daw nitong pineapple juice. Hindi na lang si Zac ang may alam sa mga paborito niya ngayon, alam na rin niya ang mga paborito nito kaya quits na silang dalawa.
“Hey, may nagtanong sa’kin kanina na matandang babae. Ang tanong niya, have I found the girl who could make my heart beat erratically?”
“Oh, ano’ng sabi mo?” tanong niya rito bago sumubo ng fries na isinawsaw niya sa sundae.
“Ikaw muna ang tatanungin ko. Have you found the guy who could make your heart beat erratically?” tanong nito sa kanya.
Napakunot-noo siya. “Bakit ako muna?”
“Ikaw muna. Kapag hindi mo sinagot, hindi ko sasabihin sa’yo kung ano ang sinagot ko sa kanya,” sabi pa nito.
“Hindi pa yata,” sabi na lang niya.
“Weh? Seryoso ako. Baka nakita mo na siya. Baka umiinom siya ng pineapple juice at may Big Mac sa harapan niya. Nakatingin siya sa’yo at kinakausap ka.”
Tinawanan niya ito. “Assuming ka! Eh, ikaw? Have you found the girl who could make your heart beat erratically?”
“Yeah,” anitong nagniningning ang mga mata habang nakatingin sa kanya.
She felt her face suddenly became hot. “T-talaga?”
“Oo naman. She’s special.”
“Sino?”
“You.”
Sweetness crap! Kinikilig ako! Wala na talaga. In love na talaga ako sa kanya, naghuhumiyaw na sabi niya sa sarili.
Dinukwang siya ni Zac at may ideya na siya kung ano ang gagawin nito pero hinayaan lang niya ito. Nakangiti sila sa isa’t isa ni Zac habang unti-unting palapit ang mukha nito sa kanya. Isang isod na lang ay maglalapat na ang mga labi nila. Ngunit bago pa man makalapat ang mga labi nito sa labi niya’y biglang bumukas ang pinto ng opisina nito kaya naman agad na lumayo siya rito.
“Zac!” galit na sigaw ng boses ng isang babae mula sa likuran niya. Nang tingnan niya kung sino ang pumasok sa opisina ni Zac ay nakita niya ang babaeng mukhang aristokrata. Nakasuot ito ng putting white suit at putting high-heeled stiletto. She looked formidable and intelligent. “Who are you?” tanong nito sa kanya.
“I-I’m Tracy Suazon,” sagot niya rito.
“Mom, she’s my girlfriend,” sabi ni Zac dito na ikinagulat niya,
Dobleng gulat! Ito ang ina ni Zac at “girlfriend” ang pakilala sa kanya dito ni Zac.
“Excuse me?” anang ina ni Zac habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay muli itong bumaling kay Zac. May envelope itong padarag na ipinatong sa mesa ni Zac. “Then, explain that to me! Sanya Rodriguez? Do you know her? She’s pregnant and she’s claiming you as the father of her child!” galit na wika ng mommy ni Zac sa huli.
Pakiramdam niya’y naubos sa kilig niya kanina ang lahat ng enerhiya sa kanyang katawan o kaya nama’y hinihigop ng ina ni Zac dahil sa sinabi nito kaya nanghina siya. Si Sanya ang babaeng kahalikan ni Zac noon sa Hotel Elyse noong anniversary party ng Crescent Corporation.
“Mom! She’s just a fling,” ani Zac.
Ka-fling pa rin nito si Sanya kahit na nanliligaw ito sa kanya? Damn, fool!
“You didn’t take care of your fling carefully, then. Matagal ko nang sinabi sa’yo dati na tigilan mo na ‘yang kalokohan mo! Paano mo sosolusyunan ‘yan ngayon?” galit na saad ng mommy ni Zac dito.
“Tracy…” baling sa kanya ni Zac.
“Uwi na muna ako,” paalam niya rito saka tinungo ang pinto pero agad siyang nahabol ni Zac at pinigilan siya nito. “Ayusin mo muna ang mga problema mo, Zac. Oh, no. Actually, ‘wag ka na palang magpakita sa’kin kahit kailan,” sabi niya rito saka nagpumiglas na kumawala sa pagkakahawak nito.
Don’t cry, Tracy! You’re a tough girl and tough girls don’t cry, sabi niya sa sarili. Patakbo niyang tinungo ang elevator doon at paglabas niya ng Milandia ay agad siyang tumawag ng taxi para umuwi sa bahay nila. Pagkarating niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya roon sina Drea at Freya habang kalaro si Yanah pero hindi niya pinansin ang mga ito. Dumiretso siya sa kanyang kwarto.
Ayaw niyang makitang masaya sina Drea at Freya dahil mainggit lang siya. Masaya na ang mga ito sa kanya-kanyang love life ng mga ito gayong siya’y naging palpak. This one was the toughest hurt to bear of all those times that she fell in love. She was least hurt when she broke up with Francis. Siguro ay tama ang sinabi noon ni Freya na nakikita lang niya ang sarili niya noon kay Francis pero totoo na minahal naman niya ito kahit papaano. The hurt she felt because of Duke then was almost as hurtful as this hurt she’s feeling right now because he was her first love. But the hurt she’s feeling right now because of Zac was almost unbearable.
She lay curled up in bed. Halos hinahabol na niya ang kanyang paghinga dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makahinga ng maayos kakaiyak. Hindi maampat ang mga luha niya sa pagtulo. She really fell in love with him. Ang akala niya’y ang kulang na lang sa kanila’y ang magical na “I love you” dahil mayroon na silang “true love’s kiss” na dalawa pa nga pero nakalimutan niya ang “villain” na maaaring humadlang sa “happy ever after” nila. Come to think of it, she’s being realistic but she didn’t notice that she was living almost a fairy tale life.
Don’t worry, self. Everything will be all right, pagtsi-cheer niya sa sarili.
PAGKATAPOS umalis ni Tracy sa opisina ni Zac ay kinausap niya ang mommy niya. Sigurado siyang dito ipinadala ni Sanya ang pregnancy test result na iyon dahil alam ni Sanya na righteous ang mommy niya. Ipinaliwanag niya ritong imposibleng mabuntis niya si Sanya. He was always careful when it comes to his playmates. Masyado lang talagang obsessed sa kanya si Sanya kaya hindi siya nito matantanan. Kaya naman sinundo niya ito sa bahay ng mga Rodriguez at dinala sa isang branch ng McDo para makausap ito ng maayos. Kung sa ibang pagkakataon siguro’y matatawa siya rito dahil halatang hindi ito komportable sa lugar. But she had to bear that after what she did to him.
“Zac, why are we here?” tanong ni Sanya sa kanya.
“Try this,” aniya rito saka inabot dito ang Hot Fudge Sundae at French fries. He showed her how to eat those two together. Nawi-wirduhang tumingin sa kanya si Sanya. Ganoon din ang ginawa niyang pagtingin kay Tracy eleven years ago.
“Why are we really here? Makikipagbalikan ka na ba sa’kin?” magiliw na tanong nito sa kanya.
“I’m here to tell you a story. So you won’t pull your ‘pregnancy scheme’ on me again. Seriously, Sanya. I’m not stupid. I wouldn’t fall for your scheme,” sabi niya rito.
Ikinwento niya rito kung ano ang nangyari eleven years ago nang hindi na ito nagkomento pa dahil guilty ito. Ikinwento rin niya rito ang mga bagay na ginawa niya para kay Tracy. Pagkatapos niyang magkwento rito’y binigyan siya nito ng isang hindi makapaniwalang tingin.
“You really searched for her, huh? All these years? It’s not even fate that brought you two together,” hindi makapaniwalang sabi nito sa kanya.
“I don’t care. I love her,” sabi niya rito.
“What if she’s not that girl you once ate here with eleven years ago? What if she’s not your first love? Would you still do all of this for her?” tanong nito sa kanya.
“Maybe, no. Maybe if she’s not that girl, everything else will be easy for me. Hindi ako mato-torpe dahil hindi ako mawa-wonderstruck tuwing sinasabi ko sa sarili ko na ‘finally, nahanap ko na siya’. Hindi ako maduduwag aminin sa kanya na ako ang batang ‘yon dahil hindi ako matatakot na ma-reject niya. You see, everything with Tracy was different and would always be a first,” aniya rito pagkuwa’y napangiti siya. Naalala kasi niya ang mga bagay na ginawa niya para rito na nagsimula sa isang “Oplan”.
“Fine. Hindi na ako makikialam sa inyo. I’m sorry if I’ve messed everything up for you, Zac. ‘Wag kang mag-alala, magso-‘sorry’ ako kay Tracy personally. ‘Yong pregnancy test results na ipinadala ko sa mommy mo, hiningi ko lang ‘yon sa assistant ng mommy ko,” paliwanag nito sa kanya. OB-gyn kasi ang mommy nito. “I’m desperate! Sinabi ko na kasi sa sarili ko na ikaw ang mapapangasawa ko. Yeah. You could say that I’m crazily obsessed with you. Pero ngayon, tanggap ko na na may ‘one true love’ pala talaga. I wish I would have one, someday,” sabi nito sa kanya.
“I’m sure you would have your one true love someday, Sanya. Just wait and see,” nakangiting sabi niya rito. He had to make up for Tracy, big time.