Chapter 28

“LET’S play a game called quick fix,” sabi kay Tracy ni Zac. Nasa likod-bahay silang dalawa habang binabantayan si Yanah na maglaro sa mini doll house nito.

Naging maayos ang lunch na pinagsaluhan nila at ng kanyang pamilya. Magiliw ang kanyang mga magulang kay Zac at halatang-halatang gustong-gusto ito ng mga magulang niya lalo na ang mama niya. Hindi ganoon ang pakikitungo ng mga ito kay Francis noon ng ipakilala niya sa mga ito ang huli. At nang ipagpaalam siya ni Zac sa mga ito kung pwede siyang isama ng una sa Batangas bukas ay agad na sumang-ayon ang kanyang mga magulang kahit hindi naman siya pumapayag. Tutal naman daw ay semestral break na.

“Paanong quick fix?” tanong niya rito.

“Simple lang. Magtatanong ako, ‘tapos sasagutin mo ng mabilis ang mga tanong ko. For example, ganito,” sabi nito saka iminwestra ang dalawang kamay na parang nag-uusap sa isa’t isa. “Black or white,” anito sa isang matinis na boses habang ibinubuka ang kanang kamay nito. “White,” sabi naman nito sa totoong boses nito habang ibinubuka ang kabilang kamay.

“Okay. Sige, game,” aniya ritong natatawa. Para itong ewan dahil sa ginawa.

“Sure?”

“Oo. Madali lang naman pala eh,” aniya.

Lumapit ito sa kanya at saka tiningnan siya ng diretso sa mga mata. “Pink or black?” tanong nito.

“Black,” agad na sagot niya.

“Apple or berries?”

“Berries.”

“Pork or chicken?”

“Chicken.”

“Stripes or dots?”

“Stripes.”

“Tea or coffee?”

“Coffee.”

“Pool or beach?”

“Beach.”

“Hot or cold?”

“Cold.”

“Piano or guitar?”

“Piano.”

“Chips or nuts?”

“Nuts.”

“Dereck or Zac?”

“Zac,” mabilis na sagot niya. Natutop niya ang kanyang bibig matapos ma-realize kung ano ang nasabi niya. Pagkatapos ay hinampas niya sa balikat si Zac ng ma-realize ang ginawa nito. Sinadya nito iyon. “Gago ka!”

“What? ‘Yon ang pinaka-tama mong sinabi ‘no. Kinikilig ako, babe,” tatawa-tawang saad nito.

“Tama lahat ng sinabi ko, ‘yong huli lang ang mali,” pairap na sabi niya rito.

“Nope. Marami kang mali. You like apple than berries, dots than stripes, guitar than piano and chips than nuts dahil allergic ka sa nuts,” sabi ni Zac.

“Paano mo nalaman ang mga ‘yon?” gulat na tanong niya rito.

“I watch you everytime. At nagre-research talaga ako sa’yo. Kapag may gusto kang isang tao, aalamin mo ang lahat tungkol sa kanya,” paliwanag nito.

Muntikan na siyang mapatulala rito dahil sa sinabi nito. Pero agad din siyang nakabawi kaya iningusan niya ito. “Ibig sabihin gusto mo lang ako,” aniya.

“What I feel for you is beyond attraction and love, sweetie,” sabi nito sa kanya.

Pinangunutan niya ito ng noo. “Eh ano?” Inaamin na ba nito sa kanya na in love talaga ito sa kanya?

“Obsession. I’m lovingly obsessed with you. So, will you be obsessed with me too?”

Napanganga siya sa sinabi nito. Pero naisip niyang sakyan na lang ang biro nito. “Pag-iisipan ko pa.”

Nang gabing iyon ay hindi siya kaagad nakatulog. Iniisip niya ang dalawang interesanteng bagay na nangyayari sa buhay niya ngayon. Pagkaalis ni Zac sa kanilang bahay ay nakatanggap naman siya ng delivery mula kay Chuck. Dalawang key chain iyon na galing sa McDo—isang sundae at French fries Mcdo key chains. Walang nakalagay na kahit anong sulat, iyon lang. Pakiramdam talaga niya’y kilala niya ang Chuck na iyon dahil kilalang-kilala siya nito. Paano nito malalaman ang mga paborito niya kung hindi niya ito kilala?

Wait. Alam rin naman ni Zac ang paborito mo, ‘di ba? Hindi kaya…

Nah. That’s too impossible. Sinabi na ni Zac dati na hindi niya kayang maging secret admirer, ‘di ba? sagot niya sa naiisip ng isipan niya.

Isa pa si Zac sa mga hindi nagpapatulog sa kanya ngayon. She was looking forward to their Batangas escapade. She was looking forward to being with him again. Hindi pa siya nakakasigurado kung totoo ba ang mga sinasabi sa kanya ni Zac dahil parang palaging biro na lang rito ang lahat pero iba kasi ang pakiramdam niya rito.

Gusto niya ang isiping mahal talaga siya ni Zac at hindi lang ito nagbibiro. There’s something inside her that likes to say that she likes him too. Hindi lang niya masigurado ngayon dahil sa tingin niya’y masyado pang maaga. Bigla na lang kasi itong nagsabi ng “I love you” at kay Yanah pa. Kaya nag-aalinlangan siyang maniwala.

Isang bagay lang ang sigurado niya ngayon, the shield she made especially for Zac was easily being melted by his sweet nothings. Lalo na tuwing ngumingiti ito sa kanya. Malandi nga talaga ito at hindi niya maikakailang nadadala siya sa mga kalandian nito.

“RACE ME to the water?” hamon ni Tracy kay Zac dahil wala silang magawa. Nasa town house sila ng mga Castillo sa Batangas at hinihintay nila ang niluluto ni Arthur na pagkain para sa kanila. Si Arthur ang mayordomo nina Zac na nag-alaga pala rito simula bata pa ito. Magiliw siyang tinanggap kanina ni Arthur at magaan naman ang loob niya rito.

“Do you want to bet with me?” tanong ni Zac sa kanya.

“What’s the catch?”

“The loser will do anything the winner asks him or her to do,” ani Zac.

“Fine! Pero ako ang mauunang tumakbo by five seconds,” nakangising saad niya.

“Ang daya mo naman! Pero sige,” anitong hinubad ang t-shirt at ang natira na lang nitong suot ay board shorts. Hindi niya napigilang tingnan ang maganda nitong katawan.

Naglakbay ang kanyang mga mata sa katawan nito na para bang isang magandang pelikula ang kanyang pinapanood. Ramdam niya ang biglang pagsiklab ng kung anong sensasyon sa kanyang katawan na hindi niya alam kung galing saan at bakit. Nai-describe na niya kung gaano kaganda ang katawan ni Zac noon pero mas matindi pa roon ang description kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Tama nga si Yanah. Zac’s naked body would make her drool. Oh-my-gosh! Pinagnanasaan ko na talaga si Zac!

“Ahem! Pwede na ba?” untag sa kanya ni Zac.

Nagising naman siya at umayos ng pagkakatayo. Nang tingnan niya ito’y nakangisi ito sa kanya. Tumalikod na lang siya at hinubad ang pang-ibabaw na suot. Nang matapos ay ang one-piece bathing suit na lang niya ang natira.

“Tara na?” yaya niya kay Zac. Siya naman ang napangisi ngayon dahil bahagyang nakaawang ang mga labi nito habang nakatingin sa katawan niya at may paghanga sa mga mata.

I’m sexy and I know it, pilyang sabi niya sa sarili.

”The last one to touch the water lose,” aniya kay Zac at saka tumakbo papunta sa dagat.

“Tracy, may katang!” sigaw naman ni Zac.

Tumigil siya sa pagtakbo at dahan-dahang naglakad pabalik dito. Hinahanap niya kung nasaan ang katang o alimango na sinasabi nito dahil mamaya ay biglang matapakan na lang niya iyon. Takot pa naman siya roon. Nang wala siyang makitang katang sa tabi-tabi at makitang tumatakbo na malapit sa hampas ng alon si Zac ay naningkit ang mga mata niyang tumingin dito. Malinaw na dinaya siya nito.

“I won,” masayang sabi nito ng nasa dagat na.

“You cheated,” akusa niya rito.

“We didn’t have rules,” katwiran naman nito. Napanguso siya pero lumusong naman siya sa tubig at sinamahan ito.

Inirapan lang niya ito at naglunoy sa tubig. Naalala niya si Freoles. Ang batang pamangkin ni Zac na nakita nila kanina sa supermarket ng Milandia kung saan sila bumili ng mga pagkain bago tumuloy sa town house na iyon sa Batangas.

Sinaway niya si Zac dahil lagay lang ito ng lagay ng kung anu-anong pagkain sa cart na tulak niya. Puro instant pa iyon na hindi maganda sa katawan. Wala daw naman kasing nagluluto para rito kaya minsan daw ay instant ang kinakain nito at madalas ay puro take-out foods naman. Tuwing weekend lang daw ito nakakatikim ng lutong-bahay tuwing umuuwi ito sa bahay ng mga ito sa Tagaytay.

“Will you cook for me?” tanong nito sa kanya. Ngumuso pa ito at pinagsiklop ang mga kamay na parang isang batang humihiling ng isang candy. Pinigilan niya ang kanyang sariling mapabunghalit ng tawa dahil sa hitsura nito.

“Hindi ako marunong magluto,” biro niya rito.

“Oh, thanks. Gusto ko ng roast beef. Ho! Nagutom ako bigla,” anitong hawak ang tiyan. Inakbayan siya nito at kinuha nito sa kanya ang cart. Ito na mismo ang nagtulak niyon patungo sa meat section. Ilang beses niyang tinatanggal ang kamay nito sa kanyang balikat ngunit inaakbayan naman muli siya nito.

“Pwede ba?”

“Nangangalay ang braso ko at gusto ko ng may patungan,” sabi nito.

Ano ako patungan? ngali-ngaling putulin na lang niya ang kamay nito para hindi na iyon mangalay. Sumu-sobra na talaga ito.

Ito ang pumili ng karne at pinahiwa na nito iyon sa crew. Pagkatapos ay nagpunta sila sa snack section. Iyon na ang huling destinasyon nila sa supermarket. Halos mapuno na ang malaking cart nila. Malakas siguradong kumain si Zac.

“Hello,” bati sa kanila ng isang batang chubby at singkit. Sa sapantaha niya’y pitong taong gulang na ang bata katulad ng kapatid niyang si Yanah.

“Hi, cute!” magiliw na bati niya rito. Humiwalay siya kay Zac at nilapitan ang bata. Nanggigigil na pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. “What’s your name?”

“Freoles. How about you?”

“I’m Tracy,” pakilala niya rito pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi. He looks so adorable. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na yakapin ito. Cute na cute kasi ito.

“Grabe! Bakit no’ng una mo akong nakita hindi ganyan ang naging pagbati mo sa’kin?” reklamo ni Zac.

“Bakit? Bata ka ba?” aniya rito saka muling ibinaling ang atensyon kay Freoles. “Nasaan ang mommy mo?” tanong niya rito. Lumingon-lingon siya sa paligid.

“She’s just checking something,” simpleng sagot ng bata.

“Talaga? Hindi ka ba mawawala dito?” nag-aalalang tanong niya rito.

“This is his playground. Hindi ‘yan mawawala. ‘Di ba, Freo?” ani Zac dito na para bang kilalang-kilala nito ang bata. Tumango naman si Freoles. Nagtatakang tumingin siya rito. “Pamangkin ko siya sa pinsan,” ani Zac.

Kaya naman pala. Nakalimutan niyang pag-aari nga pala ng pamilya nito ang mall na kinaroroonan nila ngayon. Kaya naman pala tila hindi natatakot si Freoles na magliwaliw sa loob ng supermarket. Marahil ay naroon ito palagi kasama ang mommy nito.

“Boyfriend mo po ba si Tito Zac, Tita Tracy?” inosenteng tanong ni Freoles sa kanya.

“Hindi,” kaswal na sabi niya rito saka ito binulungan. “Ayoko sa bad boys.”

“He’s not bad,” pagtatanggol ni Freoles kay Zac.

“I’m not bad!” sabi ni Zac. Inismiran niya ito.

“Would you like to come with us first?” alok niya kay Freoles.

“Bakit kailangan mo pang isama siya?” ani Zac.

“Because I like him.” Hinawakan niya ang kamay ni Freoles at hinila ito patungo sa chocolate section. Sumunod naman sa kanila si Zac at muli siya nitong inakbayan.

“Bagay po kayo,” sabi ni Freoles sa kanila.

“Talaga?” ani Zac.

“A-ano ka ba, Freo? Ang bata mo pa para sabihin ang ganyan. Dapat ay—“

“Let him say what he wants to say,” putol ni Zac sa mga sasabihin pa niya. Halatang nagustuhan nito ang sinabi ni Freoles.

“O, bakit nga tumatawa ng mag-isa d’yan? Share,” untag ni Zac sa kanya.

“Naalala ko lang si Freoles. Sana isinama natin siya dito,” aniya rito.

“No way! Istorbo lang ‘yon sa’tin ‘no,” tanggi nito.

“As if naman may ginagawa tayong importante dito.”

Sukat sa sinabi niyang iyon ay ngumisi ito sa kanya. “Gusto mo bang may gawin tayo?” nanunuksong tanong nito sa kanya.

“Whatever, Zac. Ano nga pala ang iuutos mo sa’kin?” tanong na lang niya rito.

“Mamaya ko na sasabihin. How’s your heart?”

“Bakit ganyan ba ang palagi mong tanong sa’kin? Of course, it’s still beating. Kapag hindi, natural mamatay ako,” papilosopong sabi niya rito.

“To whom it’s beating for?” seryosong tanong ni Zac. Napamaang siya sa tanong nito dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. “How about that Chuck? Your secret admirer?” tanong pa nito.

“Hindi ko siya kilala but I like him. I like his gifts. Wish ko lang magpakilala na siya sa’kin. Bakit mo naman siya naitanong?”

“Wala naman. Naitanong ko lang,” kibit-balikat na sabi nito.

“Teka nga, ikaw ba si Chuck?” nagdududang tanong niya rito.

“No! I mean, bakit pa ako magiging secret admirer kung pwede ko namang sabihin sa’yo ng diretso kung ano ang gusto kong sabihin, ‘di ba?” katwiran nito.

“Really? Eh, torpe ka rin naman eh,” halos pabulong na sabi niya.

“Ano? Hindi ako torpe ah,” tanggi nito.

“Torpe ka, Castillo! Trust me.” Lumangoy siya palayo kay Zac. Naguguluhan na siya sa mga ikinikilos ni Zac. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya nito balak na ibitin sa ere.

Hinabol siya ni Zac. Tiningnan niya ito ng diretso sa mga mata at tumingin din naman ito ng diretso sa kanya na tila may pag-aalinlangan pa sa mga mata. Tangkang magsasalita na ito ng biglang sumigaw si Arthur at sabihing handa na ang tanghalian nila. Kaya tuluyan na siyang lumayo kay Zac at pumunta sa pampang.

“NAKAISIP ka na ba kung ano ang iuutos mo sa’kin?” tanong ni Tracy kay Zac habang nag-i-star gazing sila. Ngayon lang ulit niya ito kinausap dahil nao-awkward-an siya sa katahimikan sa pagitan nila. Gusto na sana niyang umuwi kanina pero ayaw pa ni Zac.

Tinawagan na ni Zac ang kanyang mga magulang at sinabi nitong male-late sila ng uwi ngayong gabi. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa sa kanyang mga magulang dahil agad na pumayag ang mga ito sa paalam ni Zac na para bang ibinubugaw siya ng mga ito sa huli. Napailing na lang siya sa isipin.

“There are so many stars in the sky tonight,” sabi ni Zac sa halip na sagutin ang tanong niya. Tumingin siya sa kalangitan. Madami ngang bituin ang nagkalat doon ngayon.

“Yeah, so?”

“I remember those times, when I was a kid and Arthur said that I could wish upon a star. Marami akong wishes noon,” anito.

“Ano naman?”

“Everybody thinks that I’m a playboy. But those girls I’m having a fling with, they too were playgirls. So, quits lang kami. Lame and inexcusable, I know. But, I’m a guy and I’m not serious with them,” he breathed heavily.

“Sabihin mo na sa’kin kung ano ang gusto mong ipagawa,” pag-iiba niya ng usapan.

Bahagya itong ngumiti saka seryosong tumingin sa kanya. “Baka hindi mo magawa ang gusto ko,” anito.

Kumunot ang noo niya. “Ano ba ‘yon?”

Isang maluwang na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Pakiramdam niya ng mga panahong iyon ay napakaganda niya para tingnan siya ng isang tulad ni Zac. The way Zac looks at her made her feel incredibly alive and beautiful. Naramdaman man niya ang kakaibang kaba mula sa kanyang dibdib ay nakaya niyang tumitig sa mga mata nito. Mga matang kakikitaan mo ng pag-asa at pagmamahal.

Pagmamahal? Talaga lang ha?

“Gusto ko na gustuhin mo rin ako, Tracy,” masuyong sabi nito sa kanya at naramdaman niyang tumalon ang puso niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.