“Real talk: to let others know that you are talking honestly and sincerely;
being true to your thoughts and feelings. i.e.,
@littlemisssaffron: I found someone I won’t ever give up on. #RealTalk”
~---~
Two years later…
MAAGANG nagising si Saffy dahil kailangan niyang maagang makarating sa kanyang café. Yes, may sarili na siyang café ngayon na regalo sa kanya ng kanyang pamilya noong gr-um-aduate siya ng college ilang buwan pa lang ang nakalilipas. Katulong niyang mag-manage niyon si Jigo. At masaya siya dahil nang alukin niya itong makasama niya’y agad itong pumayag kahit marami itong nakukuhang offer sa malalaking hotels.
Nag-prepare siya ng breakfast para sa kanya at sa Ate Cinnamon niya. Silang dalawa na lang ang natira doon sa condo dahil may sariling condo na ang Kuya Sage niya kasama si Dave. Alam na ng mga magulang nila ang tungkol sa relasyon ng dalawa. Na-high blood ang mga ito noong una lalo na ang papa niya nagreklamong wala daw magpapatuloy ng lahi nila. Pero sa huli ay tinanggap din nito ang katotohanan kahit maya-maya ang tanong nito kung hindi na daw ba magbabago ng “taste” ang kuya niya.
As for her…
Mavis: Babe! Pagkagising mo, tingnan mo ‘yong bagong post sa BSUSF, okay?
Napakunot-noo si Saffy nang mabasa ang text na iyon ni Mavis. Past midnight ito nag-text kanina at tulog na siya ng mga oras na iyon kaya ngayon lang niya nabasa ang text nito. Matagal na siyang hindi nagbabasa sa BSU Secret Files dahil nagka-trauma siya sa nagawa niyang kasalanan noon. Pero ginawa pa rin niya ang sinabi ni Mavis. Tsinek niya kung ano ang bagong post daw na iyon sa BSU Secret Files.
BSU Secret Files
“Macho & Spice”
[WARNING: Mahaba ‘to. Read at your own risk. But if you’re SPICE GIRL, it’s a must-read!]
Madalas magkamali ang isang tao. Pero okay lang ‘yon dahil do’n naman tayo natututo. Minsan kasi, pinangungunahan tayo ng emosyon kaya hindi tayo nakakapag-isip ng logical reason para masolusyunan ang isang problema. Pero sino nga ba naman ang makaka-ignore basta sa ating nararamdaman, ‘di ba?
Two years ago, nag-confess dito si Spice Girl tungkol sa pagkaumay niya sa abs ko at ang pagre-reveal na bading daw ako dahil nakita niya kami ng kaibigan ko na naghahalikan. (Clarification lang: nag-perform ako ng CPR sa kaibigan kong ‘yon no’ng nalunod siya. Tinuturuan ko kasi siyang lumangoy para makapasa siya sa P.E. class niya.) Anyway, prior to that confession, may nililigawan akong babae noon for two years na sineryoso ko talaga.
After Spice Girl’s confession came out, sinabi sa’kin ng nililigawan ko na hindi na daw kami pwedeng magkita. Imagine the hurt and doom I’ve felt during that time. Two years ko siyang niligawan, two years akong naghintay sa kanya ‘tapos gano’n lang? Nang dahil sa isang confession na hindi naman totoo? At dahil nga hurt and down ako noon, napabayaan ko ang swimming career ko. Tinanggal ako noon ni coach sa starting lineup, sa official team. Hindi kasi ako nakapag-practice dahil nagmukmok lang ako sa dorm. Nagpakalasing. Nagpakasira. Nag-post pa ako sa Instagram ng ‘Looking for Spice Girl’. I blamed that confession for my life’s ruin.
Then, a few days later, tumambay kami ng pinsan ko sa paborito naming café sa may school. Do’n kami pumwesto sa may counter. Nag-rant ako sa pinsan ko. Narinig no’ng dalawang barista na nando’n ang mga sinabi ko. ‘Yong babaeng barista biglang nagsalita—she’s obviously not a fan of mine dahil hindi siya nangiming saktan ako ng mga salita niya. But I was thankful to her later on. Sinampal niya sa’kin ‘yong mga rason kung bakit hindi dapat ako magpadala sa confession na ‘yon. Ipinamukha niya sa’kin na hindi talaga ako gusto no’ng babaeng niligawan ko noon dahil kung oo ay hindi siya agad maniniwala sa confession na ‘yon. Hearing all those words, nakaramdam ako ng hiya—sa babaeng barista, sa mga kaibigan at ka-teammate ko na na-disappoint sa’kin. At naawa ako sa sarili ko.
That girl’s words haunted me at na-realize ko na ang weak ko pala talaga. I felt really grateful to her. Gusto kong makabawi sa kanya. Kaya no’ng nalaman kong kailangan niya ng tulong para makapasa sa swimming class niya ay nag-offer agad ako ng tulong. Maraming nangyari no’n—tinanggihan niya ako, napapayag ko naman siya pero umiwas din siya agad sa’kin dahil nao-awkward-an siya at hindi daw naman kami close.
Naturuan ko pa rin siyang mag-swimming at napalapit ako sa kanya. Pero siya, obvious na reserved pa rin sa’kin. ‘Tapos nalaman kong crush pala niya ‘yong karibal ko noon. Tutol ako do’n pero dahil alam ko namang wala sa karakter niya ang manligaw ng lalaki’y cool lang ako. Pero ang tarantado kong karibal, biglang duma-moves sa kanya. Doon na ako nag-panic. Kasi baka mamaya, gamitin lang siya no’ng karibal ko laban sa’kin. Hanggang sa pakiramdam ko ay nagulo na naman ang mundo ko.
Hindi ko inasahan na siya pala ang mata ng bagyong ‘yon. Nag-confess siya sa’kin. Siya daw si Spice Girl. Siya daw ‘yong babaeng sumira ng mundo ko.
I was shocked. Nagalit ba ako? Hindi. Dahil siya rin naman ang muling bumuo ng mundo ko. Pero dahil kay karibal, kailangan ko munang lumayo sa kanya. Para hindi siya maipit sa iringan namin. Para hindi siya maging tampulan ng locker room talks na kapag narinig niya’y siguradong makakasakit sa kanya. Kahit ramdam ko na noon na gusto ko na siya, pinilit ko pa ring ‘wag lumapit sa kanya. Dahil katatapos ko lang masaktan eh at hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya. Ayaw kong magkamali sa kanya. Pero dahil sa letseng pakikipag-holding hands daw niya sa karibal ko, nag-cave in na ako sa nararamdaman ko. Beast mode!
Nagkita ulit kaming dalawa at nagkapaliwanagan. Katulad ng sinabi ko kanina, wala na sak’in ‘yong ginawa niya dahil siya rin naman ang naging daan para maging okay ulit ako. Sabi ko sa kanya, she has to like me back. Na kailangan niyang panagutan ‘yong ginawa niya sa’kin. And thank God, she did. Niligawan ko siya for a few months bago naging kami. At kahit may mga problemang nangyari along the way, I’m so glad na kami pa rin ngayon. She became my inspiration to accomplish my goals in life and I, hers.
Galit na galit ako sa page na ‘to dati pero dahil dito naman nagsimula ang love story ko na pang-forever, mahal ko na rin kayo. Haha! Hindi ako makapaniwalang totoo pala ang spark dito. Hindi na kailangan ng Omegle o ng kung anu-anong site para makita mo ang forever mo. Malay mo, nandito pala sa BSUSF ang natatanging forever mo.
To Spice Girl, I love you. Happy 2nd anniversary to us! Alam kong wala akong amor sa’yo dati pero na-push ko, ‘di ba? Thank you for liking me back, for the million H&K (and many more to come) and for loving me now. May request lang ako sa’yo, marry me. Kahit two years from now pa dahil magagalit si Papa kung ngayon na. Okay? I love you, Macchi! Forever na ‘to!
Lovingly Yours,
Macho King
IE
20**
Malawak ang ngiti ni Saffy pagkatapos niyang mabasa iyon. Agad niyang i-d-in-ial ang number ni Cruz. Alam niyang gising na ito dahil may morning practice ito ngayon.
“I love you too, ‘Ga,” bungad niya kay Cruz pagkasagot pa lang nito ng phone.
“I love you more, Macchi,” agad namang sagot nito.
“No. I love you more.”
“Grabe! Hindi ako sa lamig kinikilig eh, sa’yo,” anito. Malamang ay nasa may pool na ito.
“Take care of your abs. ‘Yan lang talaga ang mahal ko sa’yo,” pabirong sabi niya rito.
“’Sus. Parang dati umay na umay ka dito ah,” sabi nito pero tinawanan lang niya ito. “May hindi ka pa sinasagot na tanong,” pagkuwa’y sabi nito.
Napangiti si Saffy. “Hindi naman tanong ‘yon, ‘di ba? But, yes. I’ll marry you—“
“Yes, yes, yes!” sigaw nito sa kabilang linya.
“Kapag natalo mo sa bato-bato pick si Kenny,” natatawang sabi niya dito pagkatapos.
“Hay, mabili na nga ang Disneyland para kay Kenny. Pang-bribe,” sabi naman nito. Tawa naman siya ng tawa dito.
“Drop by the café later. I’ll prepare something special for you,” aniya.
“Kahit ikaw lang, sapat na,” sabi naman nito.
“I love you, ‘Ga.”
“I love you too, Macchi.”
Pagkatapos niyang kausapin si Cruz ay ni-repost niya sa Instagram ang unang picture nila sa Lola’s Café noon kung kailan at saan sila unang nagkaaminan ng kanilang nararamdaman para sa isa’t isa.
@littlemisssaffron: Remember this? It’s been two years. I can’t believe we wouldn’t fail. I can’t believe we could actually last this long. But I’m so thankful to always have you by my side, ‘Ga. I love you. Sa ating dalawa, ikaw ang palaging nagsasabi ng mga katagang ‘to. Pero sana hindi ako nagkulang sa pagpaparamdam sa’yo na mahal kita. Dahil totoo ‘yon. Let’s make this last, okay? #ForeverWithYou @cruzandrada00 Happy 2nd anniversary to us, ‘Ga!
@nikkikarenina: Wah. Tagal na pala ninyo. What’s your secret?
@littlemisssaffron: I found someone I wouldn’t give up on. #RealTalk