Chapter 40

“Like4Like: If someone liked your photo on Instagram with this hashtag,

you have to like theirs back. Also applicable in real life. i.e.,

@cruzandrada00: You have to like me back. Kailangan mong panagutan

ang ginawa mo sa’kin @littlemisssaffron #Like4Like”

~---~

“WHERE the heck are we going?”

“Shut up,” sikmat ni Cruz kay Bastien. Lulan sila ngayon ng kanyang sasakyan papunta sa pag-aaaring café ng Lola Wanda niya. Inabangan niya sa may BSU si Bastien para isama ito dahil importante. Halos gulagurin niya ito papasok sa kanyang kotse kanina kaya pawis na pawis silang dalawa ngayon.

“Fuck you, Cruz! Saan mo ba ‘ko dadalhin?” maangas na tanong ni Bastien.

“May ipapakausap lang akong mga tao sa’yo para matigil na ‘yang pesteng galit mo sa’kin. Hindi ka naniniwala sa sinabi ko noon sa’yo tungkol sa nangyari kay Pamela, ‘di ba? Puwes, papaniwalain kita ngayon,” sabi niya rito.

Nakita niya ang post ni Pamela na nasa Pilipinas ang pamilya ng mga ito ngayon kaya nag-message siya rito. Niyaya niya itong makipagkita sa kanya kasama si Phoebe at sinabi niyang isasama din niya si Bastien. Pagkatapos nang kanilang high school graduation ay nag-migrate na sa California ang pamilya nina Pamela at Phoebe. Hindi nakapagpaliwanag ang mga ito noon kay Bastien because they don’t feel the need to apologize to him. Hindi naman kasi alam ni Pamela na may gusto dito si Bastien noon. At hindi rin naman niya akalaing aabot hanggang ngayon ang galit nito sa kanya.

Pagdating nila sa café ay agad silang dumiretso sa pina-reserve niyang lugar sa second floor para sa kanilang apat. Hila pa niya sa braso si Bastien para hindi ito makatakas sa kanya. At nang makita nila ang kambal ay ramdam niyang natigilan si Bastien. Napamura pa ito.

“Cruz! Bastien!” nakangiting tawag sa kanila ni Phoebe. Gayundin si Pamela. Parang walang nagawang masama sa kanila ang mga ito. But he’ll that pass because it’s all in the past.

Naupo sila ni Bastien sa tapat ng kambal. “Kumusta na kayo?” tanong niya sa mga ito.

“Maganda pa rin,” confident na sabi ni Phoebe. Kahit pabiro ang pagkakasabi nito niyon ay ramdam niya ang conceit sa tinig nito. Lalo na’t iba ang tinging ibinibigay nito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Cruz. Hindi pa rin ito nagbabago.

“Of course. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa n’yo sa’kin noon,” prangkang sabi niya sa mga ito. The twins backed off.

“Look, Cruz, we’re really sorry about that, okay?” seryosong sabi ni Pamela.

“Sorry na, okay? Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nakaka-get over do’n?” sabi naman ni Phoebe. Sinulyapan nito si Bastien at nagsimulang magpaliwanag dito. But Bastien cut her off.

“Alam ko na ang tungkol do’n. Sinabi niya sa’kin dati,” anito.

Napatingin siya dito. Kung ganoon naman pala ay bakit panay pa rin ang target nito sa kanya?

“Nagtataka ka siguro kung bakit parang galit pa rin ako sa’yo. I guess…I was just insecure. Inggit lang siguro ako mga achievements mo gayong sabay lang naman tayong nagsimulang mag-swimming but I’m always a swim behind you. Habang nag-iipon ka ng medalya, nag-iipon naman ako ng sama ng loob. I’m…sorry,” sabi ni Bastien sa kanya matapos ng meeting nila sa kambal. Naiwan pa sa taas ang kambal pero bumaba na sila ni Bastien dahil kailangan pa daw nitong bumalik sa school. “Pero hindi ko inasahan na dadalhin mo pa ako do’n sa kambal. You must be desperate because of Saffy,” pagkuwa’y sabi nito.

“Yes. Because of Saffy. So, you better back off,” sabi naman niya rito.

“Honestly, gusto ko siya.”

“Fuck,” mariing mura ni Cruz. Tiningnan niya ng masama si Bastien. Pero kahit gusto rin nito si Saffy ay hindi siya uurong dito.

“Fan ko siya eh,” pagkuwa’y dugtong ni Bastien. “Kinabahan ka ba? Fine. I’ll back off. Hindi ko naman talaga siya balak ligawan. But one point, yes, I kinda liked her. Pero dahil nakita ko ngayong parang mamamatay ka ‘pag nawala siya, fine. Hindi na ako makikialam. Besides, hindi ko naman sinasadya kapag nagkikita kami. It just turns out that sometimes, she’s in the same place as me. Gusto lang kitang asarin.”

“So, seryoso kang crush mo rin siya no’ng p-in-ost mo ang sketch mo sa kanya?” pangangastigo niya rito.

“Ah. Sabi ko kasi sa kanya, bibigyan ko siya ng isang sketch sa koleksyon ko. Pero dahil nagustuhan ko ang isang picture niya, ‘yon na lang ang in-sketch ko.”

“Eh, ‘yong holding hands sa may clinic?”

“Napaso siya at nagmagandang-loob lang naman akong maglagay ng ointment do’n sa napaso niyang kamay kasi walang nag-aasikaso sa kanya sa clinic. Busy ang mga staffs do’n dahil check up ng team at may nahimatay pa,” paliwanag ni Bastien.

“’Yong cake? Bakit ka niya binigyan ng cake?” kastigo pa niya rito.

“Fuck. This is fucking awkward. Bakit hindi na lang si Saffy ang kausapin mo? Binigyan niya ako ng cake bilang ‘thank you’ do’n sa pagtulong ko sa kanya sa clinic.”

“Okay. Thank you,” aniya sabay tapik pa sa balikat nito.

Nakahinga na siya ng maluwag dahil nagkaroon na ng clarifications ang mga issue niya kay Bastien. Ngayon ay mahaharap na niya ng maayos si Saffy. Pero hindi niya akalaing agad-agad silang magkikita ngayon. Nandoon din si Saffy sa Lola’s Café.

LOLA’S CAFÈ. Niyaya si Saffy doon ni Mavis dahil may mga discount coupons daw itong nakuha sa café. Maganda daw kasi ang café kaya nagpahila agad siya kay Mavis. Dahil wala naman siyang ibang gagawin sa araw na iyon ay sumama siya rito. Para makapag-unwind at makapag-isip ng maayos.

“Welcome back, Miss Mavis,” nakangiting bungad ng isang crew kay Mavis nang makarating sila sa Lola’s Café. At dinala sila ng crew sa mesang pang-dalawahan sa may bintana.

“Kailan ka nagpunta dito at bakit hindi mo ‘ko sinama?” tanong niya rito.

True to Mavis’ words, maganda nga ang café. They went for a vintage look with its elegant chandeliers and Victorian sofas but it also has that minimalist vibe of wooden tables and chairs on one area downstairs. The area where the Victorian sofas were would make you feel at home. May second floor din ang mga ito. She made a mental note to check that out later. Pero ang pinaka-unique interior ng lugar ay ang photo frames na nasa isang malaking wall doon. It highlights the vintage look.

“Ah, dito kasi kami gumawa ng isang group project noon,” simpleng paliwanag ni Mavis. Pagkuwa’y um-order na sila ng pagkain. Ni-recommend ni Mavis ang choco lava cake doon kaya um-order siya niyon.

Habang naghihintay ng kanilang order ay nagmuni-muni muna si Saffy. “The latter”. Bangag na at lahat pero iyon pa rin ang laman ng isipan ni Saffy hanggang ngayon. Kagabi pa niya nabasa ang mga katagang iyon sa comment ni Cruz sa Instagram post ni Racer. Hindi siya maka-get over. Nagseselos ito? Kanino at bakit?

“Hindi ka nakatulog ng maayos ‘no? Hay, its amazing how two words could melt a heart. Gusto mo na ‘no? ‘Wag kang magde-deny kundi tutusukin ko ng tinidor ‘yang eye balls mo,” sabi ni Mavis kapagkuwan.

“Yes. I like him,” naiiyak nap ag-amin niya rito. Gusto na niya si Cruz. Noon pa, hindi niya lang in-acknowledge. Pero hindi na magkakaroon ng katuparan ang feelings niya para dito dahil sa pagkakamali niya. “God, hindi ko talaga dapat ginawa ang confession na ‘yon,” nanghihinayang na sabi niya.

“Pero ‘yon ang naging dahilan kung bakit kayo naging malapit sa isa’t isa, ‘di ba?” sabi naman nito. “Isa pa, nagseselos siya kay Bastien. OMG! Ang haba ng hair mo, babe! Who knew, right? Parang kailan lang eh hate na hate mo siya pero ngayon...‘hashtag like4like’!”

“Nagseselos siya kay Bastien?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Tumalon ang puso niya dahil sa sinabi nito. Nagkaroon ng pag-asa ang kanyang puso.

“Oo. Ang dense mo naman. Kaya nga ‘yong ‘the latter’ comment niya, ‘di ba? ‘Yon ‘yon,” kinikilig na sabi ni Mavis.

“Pero…’yong ginawa ko sa kanya,” alanganing sabi niya. Nalaglag ang balikat niya matapos isipin iyon. Imposible ang sinabi ni Mavis.

Nagtaka si Saffy kung bakit hindi na sumagot si Mavis sa kanya. Pagkatapos ay nakita niyang may tinitingnan itong kung ano sa kanyang likuran. Paglingon niya’y nagulat siya ng makitang naroon din sa café si Cruz at kasama pa nito si Bastien.

“Shit! Ano’ng ginagawa nila dito?” muli niyang baling kay Mavis. Nagririgodon na ang puso niya ngayon. Hindi pa siya handing makita ulit si Cruz kahit gusto niya talaga itong makita.

Magulo pero basta…Para akong nagke-crave ng isang pagkain na hindi ko mabili-bili dahil unavailable.

“Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Bastien dito pero…sa lola kasi nina Cruz ang café na ‘to. Si Fitz ang nagdala dito sa’min last time,” pag-amin ni Mavis na ikinalaki ng mga mata ni Saffy.

“Bakit hindi mo agad sina—“

“Hi,” bati sa kanila ni Cruz kaya hindi na naituloy ni Saffy ang iba pa niyang sasabihin. Pero nanlalaki pa rin ang mga mata niya kay Mavis at pakiramdam niya’y sasabog na ang kanyang puso.

“Hello,” sunod namang bati ni Bastien sa kanila. “Okay na ba ang kamay mo, Saffy?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya.

“Medyo masakit pa rin pero tolerable naman. Basta hindi nagagalaw,” sagot niya rito.

“Good,” anito saka walang anu-anong umupo sa katabi niyang upuan habang si Cruz ay nanatiling nakatayo lang doon. “Itatanong ko lang. Do you like me?”

Nagulat siya sa tanong nito. “I used to have a crush on you,” pag-amin niya rito.

“’Used to’. Fuck, I’m sorry, Saffy. If I’ve ever led you on,” sabi nito. Naguluhan siya sa sinabi nito. Hindi naman nito kailangang humingi ng tawad sa kanya para sa naramdaman niya dito noon.

Pagkuwa’y nakita niyang tumayo si Mavis mula sa kinauupuan nito at niyaya ang si Bastien sa kung saan. Which leaves Cruz and her alone there together. The awkwardness between them was seeping through her veins. But she mustered all her courage to look at him when Cruz sat from the chair across her.

“Hi,” lakas-loob na bati niya rito.

“I’m sorry,” pagkuwa’y sabi nito.

“Ha?” Bakit ito humihingi ng tawad sa kanya gayong siya ang nagkamali dito?

“About do’n sa sinabi ni Bastien kanina. He was going for you to spite me,” reveal ni Cruz.

Pagkatapos ay ikinwento nito sa kanya ang pinagmulan ng galit ni Bastien dito pati na ang paliwanag ng lalaki kanina kay Cruz. Sinabi rin nito sa kanya na nakipagkita ito kina Pamela at Phoebe para mapaliwanagan ng maayos si Bastien. At ayon dito’y nagkaayos na daw ang mga ito ngayon. Humingi ito ng tawad sa kanya dahil ito daw ang dahilan kung bakit baka umasa siya kay Bastien.

Pero hindi naman siya umasa kay Bastien kahit ito ang una niyang naging crush. Mas umasa siya kay Cruz na dati niyang hindi gusto. The irony of life.

“‘Wag mo na siyang gustuhin, Saffy. Ako na lang. Hindi na ako nagbibiro ngayon. Ako na lang ang gustuhin mo,” seryosong sabi ni Cruz pagkatapos.

Nabigla siya sa sinabi nito. Gusto rin niya ako? hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Pagkatapos ay naluha na siya. Hindi niya akalaing sa kabila ng ginawa niya rito ay gugustuhin pa rin niya nito. Hindi niya akalaing may pag-asa pa pala siya. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa saya ngayon. Pero hindi pa rin siya makapaniwala.

“Pero ako si Spice Girl.”

“So? Ako naman si Macho King.”

“Hindi ka galit sa’kin?”

“Honestly, na-resolve na natin ang issue na ‘to bago pa kita turuang mag-swimming, ‘di ba? Ikaw man ang sumira sa mundo ko noon, ikaw din naman ang naging dahilan para bumalik sa dati ang pag-ikot no’n ngayon. Better pa nga,” paliwanag ni Cruz.

“Shit. Akala ko…” hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Lumipat ng upuan si Cruz sa tabi niya at niyakap siya. Dahil sa overwhelming emotions na nararamdaman niya’y patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha niya. Tinulungan naman siya ni Cruz na pahiran ang mga iyon.

“I’m sorry kung iniwasan kita, Saffy. I’m sorry kung pinili kitang layuan noon. Ayaw ko kasing madamay ka sa iringan namin ni Bastien. Ayaw ko rin na maging tampulan ka ng locker room talks sa’min. At gusto kong makasiguro muna sa nararamdaman ko sa’yo. Yes, I know I like you but I don’t want you to accept my broken heart. I want to give you all of it. All of me. So, I took sometime,” paliwanag pa ni Cruz.

She was dumbfounded by the moment. Hindi niya akalaing darating pa ang ganitong pag-asa sa kanya. Pero masaya siya. Kaya hindi na siya nag-inarte pa. Niyakap din niya si Cruz bilang paraan ng pagtugon sa nararamdaman niya dito.

“You have to like me back. Kailangan mong panagutan ang ginawa mo sa’kin,” pagkuwa’y sabi nito na ikinatawa ni Saffy.

“I like you too, Cruz,” sabi nito.

“Yes!” masayang sigaw nito saka walang anu-anong hinalikan siya sa pisngi.

“Pero kailangan mo muna akong ligawan. Kailangan mo ring ma-meet ang parents ko dahil mino-monitor ako lagi ng mga ‘yon. Lalo na si mama,” sabi niya rito.

“Okay. Gusto mo mag-set na tayo ng family meeting ngayon eh,” excited na sabi nito. Natawa siya dito.

“Keep calm. Kain muna tayo.”

“Cruz!” tawag dito ng isang tinig. Paglingon nila’y nakita nila ang Lola Wanda nitong kasama sina Mavis at Kenny. Tumayo silang dalawa ni Cruz mula sa kanilang inuupuan para batiin ito.

“Oh. ‘Macchi’, it’s you,” magiliw na bati sa kanya ni Lola Wanda. Bigla siyang napatingin kay Cruz. Nasabi nito sa kanya noon na malapit talaga ito kay Lola Wanda—noong tinawag siyang “Little Miss Saffron ni Cruz” ng matanda—pero hindi niya inasahang malalaman agad ng matanda ang pet name sa kanya ni Cruz.

I guess that name will haunt me for the rest of my life. Pero okay lang. Hanggang akin din si Cruz.

“Hello, lola,” nakangiting bati niya rito.

“Kayo na ba? You should update your status on Facebook, Twitter and Instagram na. LOL na,” excited na sabi pa ni Lola Wanda.

“Laugh out loud? Lola, ano’ng konek?” tanong dito ni Mavis.

“Hindi. ‘Love Out Loud’. ‘Di ka updated, Mavis,” sagot naman ng matanda kay Mavis na ikinatawa nilang lahat.

At dahil sa request nito’y nag-post si Cruz ng picture nila sa Instagram. Si Lola Wanda pa mismo ang kumuha ng picture na iyon—dahil masyado itong excited para sa kanilang dalawa—kung saan sila magkaharap na umiinom ng milkshake sa Lola’s Café kanina. At katulad ng dati’y pinagpiyestahan agad iyon hindi lang ng lahat ng followers nito.

@cruzandrada00: You have to like me back. Kailangan mong panagutan ang ginawa mo sa’kin. @littlemisssaffron #Like4Like

@superracer21: Finally, man! At dahil nakita kong nasa Lola’s kayo, mag-uwi ka naman dito ng apple pie. Please. Congrats sa inyong dalawa! @cruzandrada00 @littlemisssaffron

@fitz_patrick: Grabe! Unfair! Naunahan mo pa ‘ko. Nasaan ang hustisya sa pagmamahal? @cruzandrada00 Pero masaya ako para sa inyo ni @littlemisssaffron LOL

@_cinnamonroll: Paghandaan mo nang mag-aral kung paano mag-shooting, @cruzandrada00 Do’n mo lang makukuha ang loob ni Papa. I’m so happy for you @littlemisssaffron Libre ka nang panaginipan si Cruz ngayon. Hahaha!

@mightythor_nton: Eh ‘di wow!

@WanderLola61: LOL @cruzandrada00 @littlemisssaffron Welcome, apo.  @fitz_patrick Hindi ka pa kasi umamin kay @mavispolicarpio Ooops. #SorryNotSorry

@cruzandrada00: Thank you everyone. With everyone’s approval, let the ligawan begin @littlemisssaffron 

@littlemisssaffron: Like! 

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.