Chapter Twenty-Two

Siguro nga kailangan kong lumayo. Everything is suffocating me, I want to breathe, I want to be alone, and I want to escape from all of the pain. I think I deserve to take a rest too, because I can't take all of this anymore.

“Where do you want to go?”

Napalingon ako kay Castor na abala sa pagmamaneho. We didn't bring anything with us, except his car, our phone, and our wallet. Bukod do'n, sarili na lang namin ang bitbit namin. Siguro ay naging padalos-dalos kami, pero ayaw ko ng magtagal pa sa lugar na pinanggalingan namin... Gusto ko sa lugar na tahimik, sa lugar na walang nakakakilala sa 'min.

“Anywhere, Castor. Basta tahimik, kaunti lang ang tao, at walang makakakilala sa 'kin,” bulong ko saka muling tumingin sa bintana.

“Okay, you're the boss, vixen,” he murmured and continued driving.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero sasama na lang ako sa kanya kahit saan basta malayo sa lahat, basta makahinga ako nang ayos, basta matahimik ulit ang isip ko sa lahat.

I froze when Castor held my hand and gently squeezed it. I looked at him, he remained looking at the road while driving. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya na hawakan ang kamay ko.

Nanatili akong tahimik sa biyahe. Ilang oras din ang tinagal no'n, hindi ko alam kung ilang beses akong nakatulog sa biyahe, patuloy ang pag-andar ng oras, pero hindi nagrereklamo si Castor, alam kong napapagod na siya at inaantok dahil ilang oras na siyang nagmamaneho.

“Nagugutom ka ba?” tanong ni Castor saka sumulyap sa 'kin.

“Wala akong gana,” sagot ko na lang saka tipid na ngumiti sa kanya.

“Okay, don't hesitate to tell me if you're hungry,” he murmured.

Hindi na lang ako nagsalita at ipinikit ang mga mata ko. Kakagising ko lang pero gusto ko na namang matulog, ganito talaga siguro kapag mentally drained. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa.

I lost track of time, I don't know where the hell are we, I trust Castor... I know he won't take me to some creepy place or what.

“Angel, wake up.”

I slowly opened my eyes, guwapong mukha ni Castor ang bumungad sa 'kin. Kinusot ko ang mga mata ko at nag-unat ng katawan. Castor stroked my hair with his gentle fingers and wiped my cheeks. My eyes widened when I realized what he just wiped. I gasped and covered my mouth with my hands.

“M-may panis na laway ba ako?” nauutal na tanong ko. Castor chuckled, he didn't answer my question and unbuckled my seatbelt.

Agad siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako palabas at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa paligid, feeling ko nasa maliit na village kami.

“Where are we?” I asked while roaming my eyes around.

Walang masyadong tao, ang tahimik ng lugar at may dagat pa mula sa di kalayuan. Ang lamig ng simoy ng hangin at talagang nakaka-relax, magandang place 'to, magaling pumili si Castor.

“Diba mas maganda kung hindi mo na lang alam? I mean, para kung sakaling tanungin ka nina Cassian, wala kang mai-sagot. You're here to relax and to have peace of mind. Lumayo ka muna sa mga magpapasakit sa ulo mo,” seryosong sabi ni Castor habang matiim na nakatingin sa 'kin.

I crossed my arms, raised my brow, and looked suspiciously at him.

“I think this is low-key kidnapping, Castor Raven.”

Natawa na lang siya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Inakbayan niya rin ako, nagpatianod na lang ako nang magsimula siyang maglakad.

“Well, maybe this is low-key kidnapping, pero malaya ka sa lahat. Ikaw ang masusunod kung kailan tayo babalik sa siyudad. Just like what I said earlier, you're the boss,” he said and chuckled. I just rolled my eyes and nodded.

Naglakad na kami, simple lang ang mga bahay rito, kaunti lang din. May mga ilan kaming nakakasalubong, ngunit hindi naman kami pinapansin ng mga 'yon. Napangiti na lang ako, ayos 'tong lugar na 'to. Everyone is ignoring us as if they don't know us. That gives comfort to my heart, at last... a peaceful place.

“Castor! Hijo!”

Natigilan ako nang may lumapit sa aming matandang babae. Napangiti naman si Castor at sinalubong siya ng yakap.

“Lola! Ang tanda mo na po talaga!” natatawang sabi ni Castor habang hinihimas-himas ang likod ng matandang babae.

“Walang hiya ka pa rin talagang bata ka! Aba, sino ba iyang magandang dalaga na kasama mo?” tanong nito nang mapatingin sa 'kin, alanganing ngumiti na lang ako sa kanya.

“Lola, siya po si Angel, kaibigan ko. Angel, si Lola Gladys nga pala,” nakangiting sabi ni Castor saka inakbayan si Lola Gladys.

“M-magandang hapon po,” I greeted. I bit my lower lip because I stuttered.

“Magandang hapon din sa 'yo, hija. Dati akong katulong ng pamilya ni Castor. Para ko ng apo itong si Castor dahil ako ang nagpalaki sa Papa niya pati na rin sa kanya. Nako, masaya ako na malaman na may girlpren na itong apo ko,” tuwang tuwa na sabi ni Lola Gladys at hinawakan pa ang kamay ko.

Castor scratched his nape and apologetically smiled at me. I just gave Lola Gladys a sweet smile and held her hands too.

“Hindi po ako girlfriend ni Castor, we're just friends lang po... good friends.”

Hindi naman ito ang unang beses na napagkamalan kaming magkasintahan ni Castor. Medyo sanay na ako sa ganito.

“Ay sus, doon na rin patungo iyon. Oh siya nga pala, ito ang susi sa rest house mo, Castor. Dadalhan ko na lang kayo ng pagkain doon palagi, magpahinga na lang kayo at alam kong mahirap ang buhay-artista.” Inabot ni Lola Gladys ang susi kay Castor. Gulat na napatingin ako sa kanya.

Alam niyang artista kami?

“Sige po, salamat. Una na po kami,” paalam ni Castor saka muling lumapit sa 'kin at hinawakan ang kamay ko.

Naglakad na kami palayo kay Lola Gladys. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, masyado akong nadi-distract sa ganda ng dagat. May ilang mga bata na naglalaro do'n.

Nakarating kami sa isang rest house, malaki ang rest house na 'to at malayo sa mga bahay, tahimik ito at mukhang kahit papa'no ay matatahimik ako, kahit ilang araw lang... gusto ko munang ipahinga ang isip ko.

Simple lang ang disenyo ng rest house ni Castor. Modern-type rest house ito pero hindi naman sobrang intricate ng design, mararamdaman mo pa rin na nasa bahay ka.

Nagtungo kami sa isang silid. Castor opened the door and guided me inside. Simpleng silid lang iyon na may single bed at TV.

“This will be your room, Angel. Magpahinga ka muna riyan, bibili lang ako ng ilang damit at gamit,” sabi ni Castor saka ngumiti sa 'kin at lumabas ng silid.

I sighed and sat on the bed, kahit papa'no ay comfortable naman. Humiga ako at tumitig sa kisame. Maybe this is really what I need, I need to stay away from everything. I need to build my strength and courage again. Pakiramdam ko kasi naging mahina ako, siguro nga ay kailangan ko munang mag-ipon ng lakas.

HINDI KO na namalayan na naka-idlip pala ako. Bumangon ako at tumingin sa paligid. Hindi pa ba nadating si Castor?

Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa living room. Malapit ng dumilim, nasaan na kaya si Castor?

Umupo ako sa couch at niyakap ang mga tuhod ko. Napatingin ako sa cellphone na hawak ko. My hands are shaking, nangangati ako na i-open ang phone ko at tingnan ang comments ng mga tao. Pero gaya nga ng sabi ni Cassian, walang magandang idudulot sa 'kin kung gagawin ko 'yon.

I took a deep breath and calm myself. Saglit ko lang naman titingnan, saglit lang talaga. After that, papatayin ko na ulit ang phone ko.

Binuksan ko ang phone ko, agad kong nag-open ng social media. Nanginig ang buong katawan ko nang makitang trending pa rin ang issue namin ni Zak. In-open ko ang messages at mas lalo akong nanghina sa mga pinapadala nilang message sa akin, pati na rin sa mga comments.

Magtago ka na lang sa lungga mo, filthy wh*re!

Sa ginagawa niyong yan baka ma-depress yan, kaya galingan niyo pa hahahaha.

Angel Mendoza lang desperada at boyfriend stealer. Yuck!

Hindi ko papanoorin ang ire-release niyang movies kahit pa nandoon si Castor. Nakakaawa talaga si Castor, sa malandi pa siya nai-partner.

I bit my lower lip and bursted into tears. I don't know why I'm still scrolling and reading their comments kahit pa tinatapakan na ng mga tao ang pagkatao ko sa comments.

“No phone!”

Natigilan ako nang may humablot ng phone ko. Napatingin ako kay Castor na seryosong nakatingin sa 'kin. He sat beside me and wiped my tears, napabuntong hininga na lang siya habang nakatingin sa 'kin.

“Please, stop looking at your phone, Angel. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Nandito ka para kalimutan ang lahat kahit saglit lang. Please, Angel. Help yourself, I can't bear to see you like this,” he murmured and pulled me closer to him and hugged me. Gumanti ako ng yakap sa kanya habang umiiyak sa dibdib niya.

Sana lumipas na 'to, sana matapos na ang lahat ng 'to.

* * *

“Buong araw kang tulog, baka naman manaba ka niyan,” natatawang sabi ni Castor habang sinusuklayan ang buhok ko. Inismiran ko na lang siya saka tiningnan nang masama sa salamin.

I'm just wearing a simple floral beach dress, puro ganitong damit ang binili ni Castor. Maganda rin naman, it feels comfortable kahit simple lang.

“Ako na ang magco-comb ng buhok ko, Castor. Para kang parlorista,” sabi ko na lang at inagaw sa kanya ang suklay. Natawa na lang siya at hinayaan ako.

“Angel, gusto mo bang maglakad-lakad tayo sa dalampasigan? Or gusto mo bang maligo sa dagat, malinis ang dagat dito,” sabi niya habang nakatitig sa 'kin sa salamin.

“Bukas na lang ako maliligo sa dagat, gusto kong magpa-tan, wala ng sun ngayon, e. Maglakad-lakad na lang tayo,” sabi ko na lang saka tumayo matapos magsuklay.

Hindi na ako nag-apply ng make up. It seems like Castor is not bothered with my bare face. Wala naman siyang sinasabi, hahayaan ko na lang. Wala na rin akong gana mag-make up, para saan pa?

“Let's go?” Castor asked and smiled at me. He held my hand and intertwined our fingers. Kahapon pa, simula nang dumating kami rito, napansin ko na nagiging touchy si Castor... pero hinahayaan ko na lang, we even kissed several times before. Hindi na siguro dapat big deal ang paghawak niya sa kamay ko.

Tahimik kaming naglakad sa dalampasigan, ang lamig ng simoy ng hangin. It feels relaxing, pinapagaan nito ang loob ko at tila ba pinapa-kalma ang sistema ko.

“Bakit parang hindi tayo kilala ng mga tao rito?” tanong ko kay Castor habang tumitingin sa mga tao mula sa di kalayuan, may mga nagtitinda ng isda at kung ano-ano, may mga bata ring naglalaro.

“Walang TV ang mga tao rito, Angel. Kung meron man, palaging malabo. Saka mas gusto ng mga tao rito ang nakikipag-kwentuhan at nakikipaglaro kaysa sa gadgets or manood ng TV. This is a good place to escape the showbiz world, right?” Castor asked and smiled at me. I just nodded and gave him a small smile. He's right, this place is wonderful and so peaceful.

“Kuya Castor! Kuya Castor!”

Napatingin ako sa grupo ng mga bata na natakbo papalapit sa 'min, yung iba sa kanila ay nakaapak pa at mukhang naligo sa dagat. Napabitiw si Castor sa kamay ko nang pagkaguluhan siya ng mga bata.

“Kuya Castor, galit po ako sa 'yo kasi crush ka ni Deng Deng. Ako ang crush niya noon pero dumating ka, hindi na niya 'ko crush,” nakangusong sabi ng batang lalaki sa unahan. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

“Talaga? May crush sa 'kin si Deng Deng? Aba, kawawa ka naman pala. Sa akin nagkaka-crush ang mga crush niyo,” mayabang na sabi ni Castor at ngumisi pa sa mga batang lalaki. Naghiyawan naman ang mga bata at muling sinugod si Castor. Natatawang napaupo na lang si Castor sa buhanginan at hinayaan ang mga bata.

“Ate ganda! Ako na lang po ang crush mo, para hindi na po kami yabangan ni Kuya Castor. H'wag niyo na lang po siya maging crush,” nakasimangot na sabi ng isang bata at hinawakan ang kamay ko.

I chuckled, I squatted my body to meet the boy's gaze. I smiled at him and pinched his soft cheeks gently. I may be a bitch, but I really like kids, kahit marungis pa sila. I'm soft when it comes to kids and elderlies. Hindi naman ako mabait pero hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag-donate sa charities para sa mga bata at matatanda.

“Hindi ko siya crush, ikaw ang crush ko,” nakangiting sabi ko sa kanya.

The little boy giggled and his face reddened. I smiled unknowingly because of his cuteness, he's so innocent and cute.

“Ouch, grabe ka, Angel,” pabirong sabi ni Castor at napasapo pa sa dibdib niya. Inirapan ko na lang siya. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang tumayo.

“Narinig mo 'yon, Kuya Castor? Ako na ang crush ni Ate ganda!” natatawang sabi ng bata, natawa na lang din ako.

“Yabang mo naman, oh siya, sige na, maglaro na ulit kayo. H'wag matigas ang ulo sa mga magulang niyo ha, magpakabait,” panenermon ni Castor saka kinurot ang ilong ng bata sa unahan. Napangiti na lang ako.

Tumakbo na ang mga bata palayo at bumalik na sa paglalaro. Castor held my hand again and we continued walking on the seashore. I just closed my eyes and feel the cold air embracing my body. Castor really brought me to a simple but wonderful place.

I opened my eyes and looked at Castor, natigilan ako nang mapansing nakatitig pala siya sa 'kin. I gave him my pure and real smile, sobra ko talagang na-appreciate ang ginawa niyang 'to. I'm so lucky to have a friend like him.

“Thank you so much, Castor. Palagi kang to the rescue sa akin kahit madalas kitang tinatarayan,” natatawang sabi ko saka tumigil sa paglalakad at tumingin sa kanya. Castor smiled at me and gently pinched my chin.

“Hindi ka si Angel kung hindi ka mataray, I'm used to it.”

“Well, on point,” I said and chuckled.

Natahimik kaming pareho, natigilan ako nang mapansing nakatitig pa rin siya sa 'kin. He gently caressed my cheek while looking intently into my eyes. He sighed, licked his lower lip, and then he smiled at me again.

“I know you still love him, Angel. Alam ko na hindi basta mawawala ang nararamdaman mo sa kanya, but I want you to stop loving him. Please stop loving him, Angel.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Lumapit pa siya sa 'kin at matiim na tumitig sa mga mata ko. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa ibabang labi ko.

“C-Castor.”

“Walang kaso sa 'kin ang maging rebound, Angel. I don't mind.” He sighed and looked at me with gentle eyes. Inilapit niya ang mukha sa 'kin at dinampian nang magaan na halik ang pisngi ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa ginawa niya kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko.

He looked into my eyes after that soft kiss. He smiled at me and caressed my arm.

“You seem to have no idea, so I'll tell you now...” He put his hands on my shoulders and stared into my eyes. He let out a sigh and smiled.

“...I love you, Angel.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.