Castor didn't mention that 'I love you' thingy again, which is good, I honestly don't know what to say and what to react. All this time I thought he just see me as a friend, kung alam ko lang sana hindi na ako sumama sa kanya... Ayokong masaktan lang siya dahil alam kong hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya.
Natigilan ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang makarinig ako ng katok. Tumayo ako at agad na binuksan ang pinto sa kuwarto ko. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Castor, ngumiti siya sa 'kin.
"Hey, let's eat," he casually said and scratched his nape. I just gave him a small smile and nodded.
I tried to forget his confession two days ago because he didn't mention it again. Umaakto siya ngayon na para bang hindi siya umamin sa 'kin, pero mas maganda na rin 'to. I don't want to give him false hope, ayaw ko siyang paasahin sa bagay hindi ko maibibigay sa kanya.
"Angel, hija, halika rito. Nagluto ako ng almusal," nakangiting bati ni Lola Gladys habang naghahain ng pagkain sa mesa.
Hindi ako nakain nang marami tuwing breakfast, pero sa loob ng three days na nandito ako, palagi na 'kong nakain ng marami. Palagi kasing nagluluto si Lola Gladys for us, nakakahiya naman kumain nang kaunti, sayang ang effort niya and isa pa, napansin ko rin sa sarili ko na ang lakas ko na kumain. Stress eating siguro ang ginagawa ko.
"Lola Gladys, this is so masarap. Ano po ang tawag dito?" tanong ko at inangat ang fish na sinasawsaw sa suka na may bawang.
"Tinapa 'yan, hija, masaya ako at nagustuhan mo. Akala ko hindi ka nakain ng mga ganitong pagkain," nakangiting sabi ni Lola Gladys. Kasabay namin nga ngayon kumain. Madalas talaga ay sumasabay siya sa 'min.
"Kahit sardinas kinakain ni Angel, Lola. Mukha lang po siyang maarte," natatawang sabi ni Castor at kinurot ang pisngi ko. Siniko ko ang tagiliran niya.
"Maarte naman talaga ako," nakaismid na sabi ko at inirapan siya.
"Wow, proud maarte." Tinawanan pa ako ni Castor.
Natawa na lang si Lola Gladys sa amin. Sigurado na aasarin na naman kami ni Lola.
"Hay nako, bagay na bagay talaga kayong dalawa. Aba, Angel, sagutin mo na itong apo ko. Wala ka ng hahanapin pa kay Castor. Ikaw naman, Castor, napakahina mo naman, galingan mo naman, mauunahan ka ng iba kay Angel," napapailing na sabi ni Lola Gladys.
"Lola naman, friends lang po kami ni Castor," sabi ko na lang saka muling sumubo ng kanin. Mapapadami na naman ang kain ko nito.
"Ouch," Castor exclaimed and clutched his chest.
"Ang arte ha," pang-aasar ko pa sa kanya.
"Natinik lang kasi, assuming ka masyado," natatawang sabi ni Castor saka uminom ng tubig. Tiningnan ko na lang siya nang masama.
"But you said you love me," I said and raised my eyebrow. Castor faced me and looked into my eyes. He smirked at me and pinched my chin.
"Aw, gusto rin," nakangising sabi niya.
I blinked when I realized what I just said. I avoided his gaze and focused on my food. I can feel my cheeks heating up, I suddenly felt embarrassed, baka isipin niya na nag-a-assume ako masyado.
"Hindi ka nakakatuwa," I muttered
Bakit naman kasi umamin pa siya?
Natigilan ako nang maramdaman kong hinawakan ni Castor ang kamay ko sa ilalim ng table. Napatingin akong muli sa kanya, he smiled at me.
"Is it okay if I express my feelings? I don't want you to be uncomfortable around me, kaya hindi ko na binabanggit ulit," Castor muttered while staring at me. I just gave him an awkward smile and avoided his gaze.
"I-I don't know, I don't want to give you false hope, Castor. You know I can't love you back." Napatingin ako sa plato ko na halos wala ng laman.
"Mukhang kailangan ko ng umalis para mas makapag-usap kayo nang ayos."
Natigilan kaming pareho ni Castor at napatingin kay Lola Gladys, doon lang namin na-realize na nandito pa pala si Lola. Lola Gladys just nodded and smiled, as if she's saying that it's alright. Nilagay niya ang plato niya sa sink at hinugasan saka agad na lumabas ng rest house.
Muli akong napatingin kay Castor, nakatingin pa rin pala siya sa 'kin.
"Nag-aalala ka ba na baka masaktan ako?" tanong niya habang matiim na nakatingin sa 'kin.
I sighed and bit my lower lip. I nodded and turned my gaze away from him.
Natigilan ako nang hawakan niya ang baba ko at marahan akong pinaharap sa kanya. Napatingin na lang ako sa mga mata niya, seryoso ang mga 'yon habang titig na titig sa 'kin.
"Pursuing you is my choice, Angel. Kung masasaktan man ako, wala kang kasalanan do'n."
Kahit na, kung hindi ko siya pipigilan sa nararamdaman niya... masasaktan siya ng dahil sa 'kin, makakasakit ako ng kaibigan na palaging nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko siya.
* * *
"Castor, alam mo ba kung saan ako makakabili ng lobster?"
Natigilan si Castor sa paghuhugas ng mga plato at napalingon sa akin. I just bit my lower lip and sighed. I really want lobster right now, I will pair it with banana.
"Lobster? Kailan ka pa nahilig sa lobster?" Castor asked, confusion is evident in his eyes. I just shrugged and tapped my fingers on the table.
"I don't know, I suddenly want a lobster, a really big lobster... I want to pair it with banana. I'm already salivating just by thinking about it, damn," I murmured and touched my bottom lip, imagining a big lobster, and banana.
Hindi ko rin talaga alam kung bakig nagc-crave ako sa lobster ngayong umaga. Fruits lang naman ang gusto kong almusal palagi. But right now, I really want to eat lobster.
"Just wait here, I'll buy lobster and banana for you." Castor wiped his wet hands and removed his apron.
Napangiti na lang ako nang lumabas siya ng rest house. Sana makabili siya kaagad ng lobster, at sana meron siyang mabilhan.
Nagtungo na lang ako sa living room para manood ng TV. Sinabihan ako ni Castor na mas maganda kung hindi ako manonood ng TV dahil baka lalo lang akong ma-down, but okay lang naman. I'll just watch animal channel, or even cartoons.
Nilipat ko na lang sa animal channel. I was fascinated, turtles ang fini-feature nila ngayon. Turtles are amusing. Ipinapakita ngayon kung paano nagle-lay ng eggs ang turtles.
Natigilan ako nang ipakita sa TV ang baby turtles na pinipilit umalis ng buhanginan, their Mom buried them after laying them nung eggs pa sila. I bit my lower lip when tears dwelled in my eyes. Napahikbi ako at napatakip sa bibig ko. Paano na ang baby turtles? Nasaan ang Mommy nila? Baka naman nahuli ng mga fisherman ang Mommy turtle nila o baka naman na-stuck sa polluted na dagat?
Tuluyan ng kumawala ang mga luha ko habang pinapanood ang baby turtles na pilit na gumagapang papuntang dagat. How will they survive on their own without their mother? Makikita ba nila ang Mommy turtle nila?
"Hey, Angel, are you crying?"
Napatingin ako kay Castor na kakarating lang. May dala siyang container na may buhay na lobster sa loob, nagalaw-galaw pa ang lobster.
Agad niyang inilagay ang container sa table at lumapit sa 'kin.
"Sabi ko naman sa 'yo na h'wag ka munang manood ng TV at baka makasakit lang--"
Natigilan siya nang mapatingin sa TV. He looked at me again with confusion in his eyes. Muli siyang tumingin sa TV, saka muling tumingin sa 'kin.
"You're crying because of turtles? Really?" tila hindi makapaniwalang tanong niya.
I sobbed and covered my face with my hands. I cried harder and turned my gaze away from the TV, I can't bear to watch it anymore. It's so heartbreaking.
"O-okay, papatayin ko na lang ang TV," sabi ni Castor at pinatay ang TV.
Inalis niya ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko, pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya. He chuckled while wiping ng tears, I glared at him and gently punched his chest.
"My goodness, turtles made you cry like this," natatawang sabi niya pa.
"Dapat pinanood mo rin, kawawa yung baby turtles. M-maiiyak ka rin sigurado. Is there a charity for turtles? Magdo-donate talaga ako," bulong ko.
Tinawanan lang ako ni Castor habang napapailing. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko saka agad na tumayo at nagtungo sa kusina. Sumunod na lang ako sa kanya. Umupo ako sa upuan at napatitig sa lobster na nasa table.
"Paano ang naiwan na babies ng lobster na 'to?" I asked and pointed the lobster. Castor just chuckled and took the container.
"So you don't want lobster anymore?" he asked. I bit my lower lip and sighed.
"I want lobster," murmured. Muling natawa si Castor at nagtungo na sa sink para trabahuhin ang lobster.
Pinanood ko na lang siya habang pinapatay niya ang lobster, napapangiwi na lang ako dahil naaawa ako, but I really want to eat lobster right now.
Tahimik na lang ako habang pinapanood si Castor na magluto. Alam ko na noon pa na marunong talaga siyang magluto... Parehas sila ni Zak, Zak is a good cook, and he likes meats so much.
Natigilan ako nang bigla siyang pumasok sa isip ko, napailing na lang ako. Hindi ko na dapat iniisip pa ang lalaking 'yon, malamang si Jaze ang kasama niya ngayon, malamang nagpapakasaya silang dalawa ngayon.
"Here's your lobster, and a banana." Castor put the plate in front of me. Kumuha siya ng saging at binalatan 'yon saka nilagay sa plato ko. Napangiti na lang ako nang makitang umuusok pa ang lobster.
Kinuha muli ni Castor ang plato, sinimulan na niyang balatan ang lobster. Pinanood ko na lang siya, maglalaway na yata ang bagang ko, kanina pa ako natatakam sa lobster.
Matapos balatan, inilapit na ni Castor sa akin ang plato. Agad na akong kumain, si Castor naman ay nanonood lang sa 'kin. Hindi ko na lang siya pinansin, busy ako sa lobster ko.
Ngayon lang yata ako na-satisfy nang ganito sa pagkain. Feeling ko napagbigyan akong kainin ang gusto ko after ten years, gano'n yung feeling.
"Dahan-dahan, himdi naman kita hihingian, e," natatawang sabi ni Castor habang pinapanood ako. Inabutan niya ako ng tubig at inilapit 'yon sa 'kin.
Kinagatan ko rin ang saging, hindi ko na lang pinansin si Castor at tumuloy sa pagkain. I don't want anyone to bother me right now, gusto ko lang kumain nang kumain.
Napahawak na lang ako sa tiyan ko nang matapos akong kumain, ngayon lang yata ako nabusog nang ganito sa buong buhay ko.
Natigilan ako nang maramdaman kong tila bumabaligtad ang sikmura ko. I grimaced and caressed my stomach, nasobrahan yata ako sa kain.
Napatakip ako sa bibig ko nang maramdaman kong maduduwal ako. Agad akong tumayo at nagtungo sa sink at agad na naduwal. Agad na lumapit sa 'kin si Castor at hinaplos ang likod ko.
"Hey, are you alright?" nag-aalalang tanong niya habang hinihimas ang likod ko.
"I'm fine, nasobrahan lang yata ako sa kain," sabi ko na lang at agad na nagmumog.
Napangiwi ako nang sumakit na naman ang sikmura ko. Muli akong naduwal, hinimas naman agad ni Castor ang likod ko. Bahagya pang nanginginig ang kamay niya at halatang kinakabahan siya para sa 'kin.
"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? I'm worried, dadalhin na kita sa ospital."
CASTOR TOOK me to the hospital after that... but the doctor's findings shocked me... I honestly don't know what to feel.
"Congratulations, you're six weeks pregnant."
Natigilan ako sinabi ng doktor, maski si Castor ay halatang natigilan din. Nanlamig ang mga kamay ko, pati buong katawan ko ay nanghina. Marahang hinawakan ni Castor ang kamay ko na tila pinapakalma ako.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal natahimik ni Castor sa loob ng opisina ng doktor. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, halo halo ang pakiramdam... pero mas nangunguna sa akin ang kaba. Buntis ako... magkaka-anak kami ni Zakarius.
"I trust you, doc, I paid you for this. Kapag lumabas sa media ang tungkol dito, kakasuhan kita," seryosong sabi ni Castor sa doktor.
Tahimik pa rin ako hanggang sa biyahe namin pabalik sa rest house. Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse at nakatulala. Mukhang nahalata ni Castor na ayaw kong makipag-usap kaya hindi na lang siya nagsalita.
Agad akong nagtungo sa living room at tulala pa rin nang umupo sa couch. Naramdaman kong umupo si Castor sa tabi ko. He held my hand amd my shoulder, he made me face him and looked at me intensely. He sighed and slightly pinched my chin.
"He's the father, right?" he asked. I just bit my lower lip and avoided his gaze.
"N-natatakot ako, Castor," mahinang usal ko.
Castor gently squeezed my hand, tila ba pinapakalma ako.
"Wala kang dapat ikatakot, I'm here. Tutulungan kitang palakihin ang bata, I can be his father. H'wag kang matakot, I'm always here for you," Castor murmured and caressed my cheek.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko kasabay ng panlalabo ng paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Napahawak ako sa tiyan ko. Natatakot ako, sobra akong natatakot sa mga susunod na mangyayari sa buhay ko pero kailangan kong maging matapang dahil may isa ng buhay na nakasalalay sa 'kin ngayon.
"I can do this alone, Castor. I really appreciate your effort, but I want to be strong and independent for my child, and besides, ayaw kong maging unfair sa 'yo. You have a great life ahead of you, Castor. I don't want to put you into my mess."
Castor sighed and shook his head. Matiim na tumitig siya sa mga mata ko na tila ba sinasabi niyang wala siyang pakialam sa lahat... pero ayaw kong idamay siya, ayaw kong maging unfair sa kanya.
"I will help you, Angel, whether you like it or not."
* * *
"Baby, gusto mong kantahan kita?"
Hinahaplos ko ang tiyan ko na maliit pa rin hanggang ngayon habang nakaupo sa beach chair. Gabi na ngayon at nakatitig ako sa dagat, kailangan ko munang pakalmahin ang isip ko. The moon's reflection on the sea looks magnificent, it's relaxing, kahit papa'no ay nawala ang mga bumabagabag sa isip ko.
To be honest, I'm still scared. Magulong mundo ang ginagalawan ko lalo pa ngayon na may issue ako. Ayaw kong mabuhay ang anak ko sa magulong mundo ng katulad ng sa 'kin. I want the best for my child, I don't want him or her to suffer just like me. I want to give my child a peaceful life. I'm willing to leave everything for my child, even the showbiz world.
Hindi ko pa naipapanganak ang bata sa tiyan ko, ni hindi pa nga siya buo... pero mahal ko na kaagad siya.
"Angel."
Napalingon ako kay Castor. Ngumiti siya sa 'kin saka pumwesto sa tabi ko. He squatted to meet my gaze, he held my hand and intertwined our fingers.
"Gabi na, mahahamugan ka rito, baka makasama pa sa baby," tila nag-aalalang sabi niya saka bumaba ang tingin niya sa tiyan ko.
"Balot na balot naman ako, I'm fine, gusto ko lang mag-relax dito," I said and smiled at him.
Nakasuot ako ng makapal na jacket at jogging pants, sinuotan naman ako ng cap ni Castor saka inayos ang buhok ko.
"Ano'ng plano mo, Angel?" tanong ni Castor saka umupo sa buhanginan, sa may tabi ko.
"Ano pa ba? I'll be quitting showbiz, that won't be easy, siguradong marami akong kailangang bayaran. Pero ayaw ko na mabuhay ang anak ko sa magulong mundo ko. Gusto ko nang tahimik na buhay kasama ang anak ko, siguro next week pupunta na ako ng New Zealand. Doon ko na palalakihin ang anak ko kasama ang parents ko, marami-rami na rin naman akong naipon, e," paliwanag ko. Napatango na lang si Castor.
"How about Director Cavalcante? Will you tell him about it?" he asked while staring at me. I just smiled bitterly at him.
"I won't tell him about it, Castor. I will never tell him about my child. Wala siyang karapatang malaman, saka ayaw kong magulo pa sila ni Jaze. Ayaw ko na rin ng magpapasakit sa ulo ko," bulong ko saka muling tumingin sa dagat.
"Can I follow you, Angel? Puwede ba kitang samahan? I mean, I want to be with you and help you, as well as your child. Hindi ko naman sinasabi na mahalin mo 'ko pabalik, gusto lang kitang suportahan. I know you're strong and independent, but I want to be with you."
Hindi ko alam ang sasabihin, ayaw ko siyang paasahin. Hindi ko mabilang kung ilang beses ko ng sinabi sa kanya na hindi ko matutugunan ang nararamdaman niya, pero ayaw pa rin niyang sumuko. Nakokonsensya ako na inaaksaya niya ang oras at effort niya para sa akin.
"Angel, ayaw mo pa bang pumasok sa loob?" tanong ni Castor. I just gave him a small smile.
"Maya-maya papasok na ako, saglit lang ako rito, mauna ka na sa loob," sabi ko na lang saka muling tumingin sa dagat.
"Okay, pumasok ka rin agad." Tumayo na siya at pinagpag ang sweatpants niya saka umalis. Nilingon ko siya at hinabol ng tingin hanggang sa makarating na siya sa rest house.
Hinaplos ko ang tiyan ko saka muling tumingin sa dagat. Bukas ng umaga ay maglalakad-lakad ako rito sa dalampasigan dahil sa susunod na araw, ihahanda ko na ang sarili ko. I'll talk to Cassian I'll tell him that I will finally quit on showbiz.
I stood up and took a deep breath. I will be strong for my child, I will give and provide the best for him or her, I know I can do it on my own... I will do my best.
"Angel."
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. My insides churned and the butterflies in my stomach instantly reacted as if they know who's the owner of that voice. I inhaled deeply, trying to calm my system.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. My knees weakened when I saw him standing there, staring intently at me. My whole body shivered because the intensity of his blue eyes. I avoided his gaze and licked my lower lip.
No, don't mind him. You don't need him, Angel.
Niyakap ko na lang ang sarili ko at dire-diretsong naglakad patungong rest house. Akmang lalagpasan ko na siya nang agad niyang nahawakan ang braso ko.
"Let's talk, Angel."
Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at itinulak siya palayo. Hindi na ako magiging mahina sa kanya ngayon dahil napatunayan na niya sa 'kin kung ano ang lugar ko sa puso niya.
He doesn't give a fuck about me.
"Is there anything for us to talk about, Zakarius?! Kung nandito ka dahil sa issue nating dalawa, h'wag kang mag-alala dahil inaasikaso na 'yon ni Cassian ngayon! Now, let me go! I don't want to see your face," I said while gritting my teeth and turned my back on him again.
Muli niyang hinawakan ang braso ko. Marahan niya akong hinila at pinaharap sa kanya. He held my arms gently and looked into my eyes.
"Come with me, please. Let's fix this, my angel." Hinawakan niya ang kamay ko.
Muli ko siyang itinulak palayo.
"H'wag mo akong daanin sa ganyan, Zak! Puwede ba umalis ka na lang?! Baka malaman pa 'to ni Jaze, baka kung ano na naman ang isipin niya tungkol sa 'kin. S-sa girlfriend mo na lang ituon ang atensyon mo at hayaan mo na 'ko." Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mabasag ang boses ko.
Tears dwelled in my eyes. I turned my gaze away from him and let out a sob. Mas emosyonal ako ngayon dala ng pagbubuntis ko.
Zakarius held my cheek and made me face him. Napatingin ako sa asul niyang mga mata, marahan niyang hinaplos ang pisngi ko habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.
"She's not my girlfriend..."
Natigilan ako sa sinabi niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at buong lakas na itinulak siya.
"Wala akong panahong makipaglokohan sa 'yo! Just fucking leave me alone!"
Muli ko siyang tinalikuran. Naglakad ako nang mabilis pabalik ng rest house pero agad akong niyakap ni Zak mula sa likuran. Natulos ako sa kinatatayuan ko, mas hinigpitan naman ni Zak ang pagyakap sa 'kin.
"I'm sorry, I just had to take care of something... I'm sorry for making you wait, my angel," bulong niya saka marahang hinaplos ang braso ko.
"S-sino ang nagsabi sa 'yong hinintay kita?! Wala akong pakialam kahit habang buhay ka ng hindi magpakita! Bitiwan mo 'ko!"
Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya, pero hinila niya lang ako lalo papalapit sa kanya.
"Let me go, Zakarius. H'wag mo na 'kong pahirapan at paasahin sa mga ganyan mo. Balikan mo na lang si Jaze at iwanan mo na--"
Agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"I love you... I love you so much, Angel."