Chapter LAST CHAPTER

Ashteroh Alexeev

"Mama, natatakot po ako rito. Umuwi na lang po tayo," pakiusap ko kay Mama saka kumapit sa damit n'ya.

Hinaplos ni Mama ang buhok ko at tipid na ngumiti. Napatakip siya sa bibig n'ya saka napaubo. Napansin ko na ilang araw ng umuubo si Mama at nahihirapan huminga.

"Dito na tayo titira sa Papa mo. Mabait naman siya. Sige na, matulog ka na muna para may lakas ka," nakangiting sabi ni Mama.

Lumaki ako na hindi nakikita o nakikilala ang Papa ko. Kaya nagulat na lang ako nang isama ako ni Mama rito sa malaking bahay. May nakita akong lalaki na kaparehas ko ng kulay ng buhok pero hindi kami kinibo nito, sinabi ni Mama na siya ang Papa ko.

Nandito ako isang silid sa malaking bahay na 'to kasama si Mama. Malaki ang kwarto. Mukhang mayaman ang Papa ko.

Tuluyan akong hinila ng antok habang hinahaplos ni Mama ang buhok ko... na sobrang pinagsisisihan ko.

"M-Mama! Mama nasaan ka na?!" naiyak na sabi ko habang nililibot ang malaking bahay.

Hindi ko makita si Mama. Kanina ko pa siya hinahanap. Ang lalaki naman na sa tingin ko ay Papa ko, nakaupo lang sa sofa habang nainom ng alak. Hindi n'ya ako pinapansin kahit kanina pa ako naiyak at naghahanap kay Mama. Sinubukan kong lumabas pero may mga guard sa malaking gate. Hindi nila ako pinapayagang lumabas.

Tuluyan na akong bumigay at lumapit kay Papa. Umupo ako sa tabi n'ya at marahang niyugyog ang braso n'ya.

"P-Papa, nasaan po si Mama? Hindi ko po siya makita," naluhang sabi ko.

Napasinghap ako nang marahas akong itulak nito palayo sa kanya. Agad namang sumubsob ang payat kong katawan sa sahig, muntik pang tumama ang ulo ko sa kanto ng maliit na mesa.

"Fucking leave me alone! I don't understand you! Get out of my sight, you good for nothing shit!" galit na sigaw ni Papa.

Agad na nanginig ang buong katawan ko dahil sa malaking boses n'ya. Hindi siya nakaka-intindi ng tagalog. Malaking problema 'to. Hindi pa ako nakapag-aral dahil walang pera si Mama... Hindi ako marunong mag-ingles. Ni hindi ako nakakaintindi no'n.

"P-Papa..." Talagang natatakot na ako sa mga oras na 'to. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot na nararamdaman ko sa kanya.

Mas lalo akong natakot nang tumayo siya. Ang tangkad n'ya at ang laki ng katawan n'ya. Pakiramdam ko ay kayang kaya n'ya akong ihagis nang walang kahirap-hirap. Dagdag pa na mukhang lasing na lasing siya.

Napaigik ako nang hilahin ni Papa ang buhok ko at hinila ako patayo. Napasinghap ako nang suntukin n'ya ako sa tiyan. Agad naman akong namilipit sa sakit. Mas lalo akong napaluha habang iniinda ang sakit na natamo ko sa kamao ng sarili kong ama.

Kahit nanghihina pa ako galing sa suntok n'ya, pinilit kong tumayo at dali daling tumakbo papunta sa silid ko. Agad akong nagtago sa ilalim ng kama at doon umiyak nang umiyak.

Niloko ako ni Mama... iniwan n'ya ako nang walang paalam... Paano n'ya nagawa 'yon sa akin? Sabi n'ya mahal n'ya ako at hindi n'ya ako iiiwan. Bakit n'ya nagawang iwan ako sa nakakatakot kong ama?

SA MGA NAKALIPAS na araw, hindi ko alam kung paano ko nagawang manatiling buhay sa pamamahay na 'to. Hindi ako kinakausap ni Papa kapag nasa matinong pag-iisip siya. Bugbog, sugat, at mga pasa naman ang natatamo ko sa kanya kapag lasing siya. Ngayon nga ay may bali ako sa braso dahil tinadyakan n'ya ako nang malakas dito.

Hindi ako nakakakain nang ayos dahil pumupuslit lang ako ng pagkain sa kusina kapag umaalis siya. Hindi ako nakakaligo nang ayos at hindi n'ya rin ako pinalalabas ng bahay na 'to. Hindi n'ya ako pinag-aaral o binibilhan man lang ng kahit ano.

Pakiramdam ko kinukulong n'ya lang ako rito para saktan at parusahan.

Sinubukan kong tumakas dahil hindi ko na talaga kaya... pero nahuli lang ako ng tauhan n'ya. Nawawalan na ako ng pag-asa.

Napatingin ako sa hitsura ko sa basag na salamin. Sobrang payat ko na. Ang dami kong pasa at sugat. Maski ako hindi ko na nakikilala ang sarili ko sa tuwing tumitingin ako sa salamin.

Gusto ko na lang sumuko at hayaan ang sarili kong mamatay rito.

"You stupid piece of shit!"

Napadaing ako nang makatikim ako nang malakas na tadyak mula kay Papa. Malakas na tumama ang likod ko sa pader at pakiramdam ko pati buto ko ro'n ay mababali na rin.

Natigilan ako nang mapansing kumuha siya ng kutsilyo saka lumapit sa akin. Mapait na napangiti na lang ako at pumikit... Ayoko ng lumaban. Sumusuko na ako sa buhay ko.

Natigilan lang ako nang makarinig ako ng tila putok ng baril. Gano'n na lang ang gulat ko nang bumagsak si Papa sa sahig... kumalat ang dugo n'ya ro'n.

Napatingin ako sa lalaking bumaril kay Papa. Nag-iisa lang siya at walang kasama. Malamig na nakatitig siya sa walang buhay na katawan ni Papa. Napabuga siya ng hangin saka tumingin sa akin... kulay asul ang mga mata n'ya.

"Hindi ka ba natatakot? Pinatay ko ang tatay mo sa harapan mo," malamig na sabi nito.

Hindi ako kumibo. Sa totoo lang, wala akong nararamdaman. Dapat sa sitwasyon na 'to ay matatakot o malulungkot ako dahil namatay ang tatay ko sa harapan ko... pero wala akong maramdaman.

Mali man ang maramdaman 'to... pero tila nakahinga ako nang maluwag. Wala ng mananakit sa akin. Hindi na ako masasaktan.

"Hay... Nanakawan ko dapat si Mr. Alexeev, pero tangina. May awa pa rin pala akong nararamdaman sa puso ko." Napangisi ang lalaki saka napailing. "Hindi ko na nanakawan ang tatay mo. Sa 'yo na lahat ng yaman n'ya. Sige na, aalis na 'ko," sabi ng lalaki bago tumalikod at naglakad palayo.

Kahit hinang hina ako at hindi makapaglakad nang ayos, inipon ko ang buong lakas ko para habulin siya at kumapit sa damit n'ya.

"S-Sasama ako sa 'yo," nanghihinang sabi ko. Mas hinigpitan ko ang kapit sa damit n'ya para hindi siya umalis.

Lumingon sa 'kin ang lalaki. Napabuntonghininga siya saka napakamot sa batok n'ya. "Bata, pinatay ko ang tatay mo sa harapan mo... bakit gusto mo pa ring sumama sa akin?"

"Wala akong pakialam sa kanya... I-Ikaw na ang tatay ko. Please po, isama n'yo po ako. Natatakot po ako rito. Gagawin ko po ang kahit anong gusto n'yo," pakiusap ko sa kanya.

Muling napabuga ng hangin ang lalaki at marahang ginulo ang buhok ko. "Isasama lang kita kung pumapayag kang maging miyembro ng feroci."

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi n'ya pero tumango na lang ako. Ayoko na sa lugar na 'to.

"Bata, ano'ng pangalan mo?" tanong pa n'ya.

"Ashteroh..." sagot ko naman.

Tumitig siya sa mga mata ko saka napangisi. "Gan'yan ang mga matang gustong gusto ko... Ashteroh, miyembro ka na ngayon ng feroci. Tawagin mo 'kong Zachariah... Ako si Zachariah Cavalcante."

THAT'S HOW I became indebted to Zachariah. For me, he was my savior. I also see him as a father even though I know he's just using me for his own gain. I don't mind. I don't care about those things anymore. I don't mind stealing and killing people for him even if I don't have much reason for doing it unlike other feroci members. Zachariah saved me, that's the only reason why I was blindly following his orders.

But when Zachariah died, I became an inactive member of feroci. Unlike them, I don't have any reason to be committed to feroci. Zakarius doesn't seem to mind. Hindi naman kasi siya mahigpit kagaya ni Zachariah. But I believe that he's way clever than his father.

"Siya ang nanay mo, diba? Well, matagal na siyang pumanaw, Ashteroh. Namatay siya sa lung cancer bago ka pa maging miyembro ng feroci," Cadence said and gave me an envelope.

I sighed and closed my eyes. I know she has her reasons for leaving me to my asshole father... But I don't like her way of solving things. Hinayaan n'ya ang sarili n'ya na mamatay at iniwan ako sa tatay ko dahil iniisip n'yang iyon lang ang paraan.

I love my mother... but I hate people like her. Ayoko ng lolokohin ako at iiwan ako nang walang paalam... Ayoko ng maiwan ulit ng taong mahal ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.