Chapter Twenty-Three

"Thank you."

Xceron just gave me a small smile and nodded. Sinenyasan n'ya na lang ako na pumasok na sa loob ng mansyon. Sumakay na rin siya sa kotse n'ya at agad pinaharurot 'yon. Napabuntonghininga na lang ako at pinindot ang doorbell.

Saglit lang akong naghintay at pinagbuksan agad ako ni Manang Lanie. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makita ako.

"Nako naman, hija! Buti dumating ka na, bakit naman ngayon ka lang umuwi? Nag-alala ako sa 'yo."

Mukhang hindi alam ni manang ang totoong nangyari. Mas okay na 'yon, ayoko rin naman na mag-alala siya.

"Halika na sa loob," sabi ni manang at iginiya na 'ko sa mansyon.

My footsteps are heavy as I walk my way inside the house. The house felt empty. Nawala na ang mga katulong at guard pati na rin ang ilan naming gamit. Hindi na ako nagulat, alam ko ng mangyayari 'to dahil kay Xanthos.

"Manang, how's Dad? Is he alright?" I asked.

"Na-discharge na siya sa ospital pero ilang araw na siyang hindi makatulog at makakain nang ayos kakahintay sa 'yo," tila nanenermong sabi ni manang.

I smiled shyly. "Sorry po, manang."

Dumiretso ako sa silid ni Dad dahil nandoon daw siya ngayon. Naabutan ko siyang nakaupo sa malaking kama n'ya habang nakatitig sa bintana... He doesn't look okay, I'm still worried now that I finally saw him.

"Dad..."

Dad immediately looked at me and stood up. Mukha siyang nabunutan ng tinik nang makita ako. Agad siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako.

"Salamat sa Diyos. Sobra akong nag-alala sa 'yo, Kiara. Kapag may nangyaring masama sa 'yo, talagang magpapakamatay ako," halos naluluhang sabi ni Dad habang nakayakap nang mahigpit sa 'kin.

"Please don't say that, Dad... and I'm sorry for making you worry. I-It won't happen again," I muttered and hugged him back.

Kumalas ng yakap si Dad at nag-aalalang sinuri ako ng tingin.

"What did he do to you? Did he hurt you?" he asked while looking at me.

I shook my head. "Xanthos didn't hurt me physically." But he hurt my heart. He caused great damage to my heart.

Dad sighed and caressed my hair. It seems like he didn't have a proper sleep. Napansin ko rin na mas pumayat siya. Pakiramdam ko may tila kung anong kumirot sa puso ko nang makita siyang ganito.

"That man... d-did he say something to you?" Dad asked. For some unknown reason, he seems kinda nervous. His hands start trembling.

"He didn't... Is there something I need to know?" I asked.

Dad just shook his head and caressed my cheek.

"No, darling. Are you tired? You can take a rest," he said and smiled at me.

"You too, Dad. You look tired, I told you to take care of yourself," tila nanenermong sabi ko.

"Okay, okay... I'm sorry, I'll take a rest now."

Pagkatapos kong kausapin si Dad, nagtungo na 'ko sa kwarto ko para mag-shower at magpahinga. Wala naman akong masyadong kinilos pero pagod na pagod ang katawan ko.

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. I'm wondering... Dad saw how Xanthos pointed a gun at me, he saw what Xanthos did to me. Why isn't he doing anything? Why isn't he filing a case or something? I understand that he couldn't call the police when I was with Xanthos but how about now? It doesn't matter to me anyway, but I'm just wondering. Dad is very protective when it comes to me.

Is it because we don't have money anymore? Or is there another reason?

Napailing na lang ako sa mga tumatakbo sa isip ko. Dahil sa pananatili ko kina Xanthos, nagagawa ko tuloy pagdudahan si Dad. Hindi dapat 'yon ang iniisip ko ngayon.

I need to find a job as soon as possible. Ako na ngayon ang dapat aasahan ni Dad lalo pa't halos wala ng natira sa 'min. I should be the one to take care of Dad now.

For now, I'll take a rest first. I just desperately need to close myself from everything even just for a moment.

* * *

"I won't allow it, Kiara!"

Natigilan ako nang magtaas ng boses si Dad. Halata rin namang natigilan siya. Napabuntonghininga na lang siya saka napailing.

Umagang umaga, heto kami at nagtatalo ni Dad. Sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng maghanap ng trabaho. Alam mong ganito ang magiging reaksyon n'ya pero wala naman kaming ibang choice.

"I'm sorry... Iniisip ko lang na paano kung may mangyari na namang masama sa 'yo?" bakas ang pag-aalala sa boses n'ya.

"He won't bother me again, Dad. I need to find a job for us. Don't you trust your daughter?" I asked him.

"Ako na ang magtatrabaho, Kiara. Just stay here, I can still work for the both of us."

Napailing ako sa sinabi n'ya.

"I finally decided, Dad. Abi will help me find a job. Please don't worry about me and just worry about yourself. Like I said before, you're not getting any younger. Just take a rest and leave everything to me. I'm a strong and independent woman, Dad." I smiled at Dad to give him assurance.

Dad sighed and held my hand. "If you're really decided, I guess I can't do anything about it... but please be careful, Kiara. I'll lose my mind if something happens to you. Please take care of yourself too, darling," Dad said, still disheartened.

After that conversation, I prepared myself to look for a job. I have a good educational background and work experience but it's all because of my connections before. I know things won't be easy from now on... but I have to be strong.

Lumabas na kaagad ako ng mansyon pagkatapos kong mag-ayos. Wala na ang kotse ko kaya sa taxi na lang ako sasakay. Buti na lang talaga at hindi kami iniwan ni Manang Lanie. Hindi mabigat sa dibdib ko ang umalis sa bahay dahil may kasama si Dad.

"Kiara, girl!"

Natigilan ako nang makita si Abi na nakaabang sa labas. Dala n'ya ang kotse n'ya. Napangiti na lang ako, mukhang hindi ko na kailangan mag-commute.

"Ihahatid mo ba ako?" natatawang tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Kung mag-a-apply ka sa kompanya ng pamilya namin, ihahatid kita. Pero kung sa iba ka mag-a-apply, aba manigas ka teh," sabi ni Abi at naghawi pa ng buhok. Natatawang napailing na lang ako.

"Okay, fine. I'll give it a shot."

Agad namang napapalakpak si Abi dahil sa excitement at pinagbuksan ako ng pinto. Papasok na sana ako sa kotse n'ya nang marinig kong may tumawag sa 'kin.

"Kiara my crush!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Denise na tumatakbo papaalapit sa 'kin. Hinihingal naman siya nang makahabol sa 'kin.

"What are you doing here, Denise?" I asked.

"Wait lang, crush. Hihinga muna ko. Wooh!" Napasapo pa si Denise sa dibdib n'ya habang hinihingal.

Abi's eyebrow shot up. "Who is she?" she mumbled.

"Ahm, she's a friend," sagot ko na lang. "By the way, Abi, this is Denise. Denise, this is my best friend, Abi."

Denise pouted. "Akala ko ba ako na ang new best friend mo?" tila nagtatampong tanong n'ya.

I blinked. "H-Huh? When did I say that?"

"Okay, fine. Crush na lang talaga kita. By the way, tinanong ko kay Sir Xceron ang address mo kaya ako nandito. Weird man pero pinag-day off ako ni Sir Xanthos 'walang bayag' kaya nagpunta agad ako rito," paliwanag ni Denise.

Kaya pala simpleng pants at blouse lang ang suot n'ya imbis na work attire.

"Saan pala kayo pupunta?" tanong pa n'ya.

"Mag-a-apply ako sa kompanya nila," sabi ko na lang at tinuro si Abi.

"Ah gano'n ba? Sama ako, Kiara. Sige na, 'diba second best friend mo na 'ko?" Kumapit si Denise sa braso ko.

"Ang feeling close mo naman," mataray na sabat ni Abi.

Napataas ang kilay ni Denise. "Wow, ang sungit mo ha. Mamatay ka sanang virgin."

Napasinghap si Abi sa sinabi n'ya.

"Sorry ka na lang, I'm not a virgin anymore," Abi said and flipped her hair.

Napasinghap si Denise. "Lah, sana all," tila naiinggit na sabi nito.

"I'm gonna be late, guys. Hanggang kailan ba natin pag-uusapan ang virginity stuff?" nakataas kilay na tanong ko.

Napapailing na pumasok na lang ako sa kotse ni Abi at pumwesto sa shotgun seat. Si Denise naman basta na lang sumakay sa backseat. Napairap na lang si Abi pero hindi na lang kumontra.

Buong biyahe, panay ang sagutan nina Abi at Denise. Pakiramdam ko napanggigitnaan ako ng dalawang maingay na babae.

Kahit papa'no naka-survive ako sa ingay nung dalawang 'yon at maayos na nakarating sa kompanya nina Abi. Pumasok na kami sa loob at hanggang doon nakasunod si Denise.

"Kay Kuya Archer ka magpa-interview, Kiara. Para tanggap ka kaagad. Ship ko na kayo ulit since sabi mo wala na kayo ni Mr. Archante," nakangiting sabi ni Abi saka yumakap sa isang braso ko.

"Sino naman 'yung Archer na 'yon? Hindi pwede, si Sir Xanthos pa rin dapat kahit mapanakit siya. I believe in tinaguan ng anak supremacy. Pero sige, pwede rin maging boyfriend n'ya ang Archer na 'yon tapos magseselos si Sir Xanthos," sabi naman ni Denise at sa kabilang braso ko naman siya yumakap.

"What the hell is that woman saying?" bulong ni Abi sa 'kin. "But well, I kinda like her, she's cute," dagdag pa n'ya.

I just smiled and nodded. She's right. Denise is cute indeed. You can forget all your problems just by talking to her and listening to her out of this world stories.

"Hala, si Sir Cad ba 'yon?" tanong ni Denise

Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi n'ya. Tiningnan ko ang tinitingnan n'ya at tama nga siya, naglalakad si Cadence papalapit sa 'min ngayon.

I don't know what to do. Should I just avoid him or what?

"Kiara... Can we talk?"

I just sighed and looked at him. I can't just ignore him. He seems serious this time. Maybe he has to say something important. I guess it won't hurt to hear him out.

"Kausapin mo na siya, Kiara. Isa siya sa potential second lead. Baka siya ang kilalaning ama ng baby n'yo ni Sir Xanthos," bulong ni Denise.

"Ano ka ba? Hindi naman ako buntis," natatawang sabi ko na lang.

"Di mo sure," sabi naman n'ya.

Tumingin na lang ako kay Cad saka tumango. Napilitan sina Abi at Denise na iwan kaming dalawa. Nagtungo kami sa malapit na coffee shop. Tahimik lang ako habang magkasama kami.

"Kiara, ano... Sorry, a-ano, sorry sa kasalanan ko. Wala na 'kong masabi kasi ayoko namang i-justify 'yung ginawa ko. Ginusto kong gawin 'yon, 'yung mga ginawa ko, choice ko 'yon. Pwede akong tumanggi pero pumayag ako."

I don't know what to say, I remained quiet while listening to him... It's just, I don't know what to say because deep inside, I want him to defend himself.

"I know you won't believe me if I say that I didn't do that because of money... I actually did that because I want to help Xanthos," Cadence added.

"W-Why do you want to help him do something like that?" My voice broke.

"I've been his friend for almost twenty years. His actions shouldn't be justified but he had gone through a lot. His past made him like that. Your family, especially your father and your grandfather made him like that. You don't need to understand us... you don't need to understand him. Just live a normal life again and be happy. Isipin mo na lang na hindi kami dumating sa buhay mo. You don't deserve to be tormented by him, you know nothing, you're not involved."

Nanatili akong tahimik. Napatungo ako at napahawak sa sling bag ko. Gustong gusto kong itanong sa kanya kung ano'ng kasalanan ng pamilya ko... pero pakiramdam ko gaya ni Xceron, hindi n'ya 'yon sasagutin dahil gusto n'yang mamuhay ako ng normal.

Pero ginulo na ni Xanthos ang buhay ko... hindi madali ang mamuhay ng normal ulit. Hindi gano'ng kadali.

NATANGGAP AKO bilang accountant sa kompanya nina Abi. Isang linggo na rin akong nagtatrabaho ro'n at pilit kong binabalik sa normal ang sarili ko kahit na mahirap.

Napapansin ko sa sarili ko na nahihirapan na ako lalong matulog sa gabi at palagi akong walang gana kumain. Hindi mapalagay ang isip ko.

Naiisip ko si Dad, si Mom, si Xanthos... naiisip ko kung ano'ng atraso ng pamilya ko ang tinutukoy nila. Gusto kong malaman at pakiramdam ko, patuloy akong magiging ganito hangga't hindi ko nalalaman.

Sinubukan kong tanungin si Denise pero wala siyang alam tungkol do'n. Si Cad naman, kahit tanungin ko siya... alam kong hindi n'ya sasabihin.

"Crush, ang laki ng pinayat mo. Maganda ka pa rin naman pero baka naman napapabayaan mo na ang health mo," sabi ni Denise habang nakain ng turon.

Napansin ko na palagi yatang may time si Denise na samahan ako. Tinanong ko siya kung nag-resign na ba siya kay Xanthos pero secretary pa rin daw siya nito. Pero nakakapagtaka na lagi siyang nakabuntot sa 'kin. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko naman siyang kasama palagi, nakakapagtaka lang talaga.

Gaya ng paulit-ulit na nangyayari, umuwi ako ng walang lakas. Agad akong humiga sa kama at tumitig sa kisame habang nag-aalpasan ang mga luha mula sa mga mata ko.

As I expected, this is not easy. I don't know why I have to love him too much and suffer from it big time. This is so unfair. Do I even deserve this?

I stood up and wiped my tears. I can't take this anymore. I need to talk to Cad. I want to know everything now. It feels like I need to know it now.

Lumabas ako ng bahay nang hindi alam ni Dad. Agad akong sumakay ng taxi at nagtungo sa unit ni Cad.

Pakiramdam ko, alam ko man o hindi ang totoo, mahihirapan at mahihirapan pa rin ako kaya mas maganda ng alam ko. Ayoko ng manatiling walang alam sa mga nangyayari.

I won't be able to get over Xanthos if I don't know his reason. I have to know it. Kung maaari pilitin ko si Cad, gagawin ko para lang sabihin n'ya sa 'kin ang totoo.

Pinindot ko ang doorbell nang nasa tapat na ako ng pinto ni Cad. Pero nakailang pindot na yata ako, wala pa ring nagbubukas ng pinto.

Sira ba ang doorbell n'ya?

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maalala ko ang PIN code ni Cad. Sana iyon pa rin ang code n'ya.

Napabuntonghininga ako at pinindot ang PIN code n'ya. Tila nakahinga ako nang maluwag nang magbukas 'yon.

"Cad?" tawag ko sa kanya nang pumasok na ako sa loob.

Tila walang tao sa loob dahil tahimik pero nakabukas naman ang ilaw. Siguro nandito si Cad. Baka hindi lang talaga gumana ang doorbell n'ya.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Himala na wala masyadong kalat sa unit ni Cad ngayon... pero nasaan ba siya?

Nagtungo ako sa balcony. Natigilan ako nang makitang nandoon si Xanthos, kausap n'ya si Cadence.

Nandito rin siya? Mukhang kailangan ko ng umalis nang palihim. Buti na lang at nakatalikod sila sa pwesto ko.

Akmang aalis na ako ngunit narinig kong binanggit ni Cad ang pangalan ko.

"Kung wala ka talagang pakialam kay Kiara, bakit tinatanong mo siya sa 'kin palagi? Saka akala mo ba hindi ko alam na pinapabuntot mo 'yung secretary mo sa kanya? Bakit hindi mo na lang siya kausapin, mag-sorry ka, ayusin n'yo ang problema n'yo," sabi ni Cad saka nagbuga ng usok mula sa sigarilyo n'ya.

"Why would I say sorry? She's Kairo's daughter, Cad... and besides, I just want to make sure that she's living a miserable life," Xanthos said.

I bit my lower lip and suppressed my tears. It seems like coming here wasn't a good idea.

"Ulol, sa 'kin ka pa magsisinungaling. Mas matagal mo 'kong nakasama kaysa kay Xceron. Kilala kita, ibang level 'yang pagiging in denial mo. Niloloko mo lang 'yang sarili mo," napapailing na sabi ni Cad.

Natahimik si Xanthos. Napalunok ako at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng damit ko. Bakit hinihintay ko ang sasabihin n'ya?

"She's a North, Cad. Kairo North raped my helpless mother... A-And Kiara's grandfather, Aldovino North, killed my mother after that. So tell me, Cad. How can I love her?!"

Pakiramdam ko literal na nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Xanthos. Agad na nanginig ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Bumigat ang paghinga ko na halos hinahabol ko na 'yon dahil sa matinding paninikip ng dibdib ko.

Agad na napatingin sa 'kin sina Xanthos at Cad nang gumawa ng ingay ang pagbagsak ko sa sahig.

"K-Kiara..." mahinang usal ni Cad.

Napasapo ako sa dibdib ko habang pilit na hinahabol ang paghinga ko. Sobrang sakit ng dibdib ko. Naiiyak ako dahil hindi na ako makahinga.

"I-I can't breathe... h-help me," naghahabol hiningang sabi ko habang lumuluha.

Nakita ko na lang na nagmamadaling lumapit sa 'kin sina Cad at Xanthos bago ako tuluyang nawalan ng malay.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.