Chapter Twenty-Four

"Nag-hyperventilate siya kaya siya nahirapang huminga kanina, usually panic, anxiety or stress ang cause no'n. Buti napadaan ako rito dahil may inutos si Sir Arken, pero mas maganda kung dadalhin n'yo siya sa ospital. I'm still a med student, baka may iba pa siyang sakit o ano."

"Sige. Thank you, Adham." Narinig ko ang boses ni Cad.

I slowly opened my eyes. My eyelids and my chest are heavy, but it's bearable now unlike earlier. I never experienced hyperventilating before. I never thought it would be that painful, it felt like my heart is ripping apart. It was so hard to breathe.

Natigilan sila nang mapatingin sa 'kin. Nanghihinang bumangon ako. Bukod kina Cad at Xanthos, may isa pang lalaki sa silid na 'to na hindi pamilyar sa 'kin pero wala na akong pakialam do'n.

Kahit nanghihina ako, pinilit kong tumayo. Hindi maalis ang tingin ko kay Xanthos na nakatingin din sa 'kin. I can't read what's going on in his mind right now.

"Hey, you should rest more," sabi ng lalaking hindi pamilyar sa 'kin saka marahang hinawakan ang braso ko.

"Let me go," mariing sabi ko saka inalis ang pagkakahawak n'ya sa 'kin.

Agad akong lumapit kay Xanthos at kinwelyuhan siya. Nanatili naman siyang walang emosyon na nakatitig sa 'kin.

"Kiara, a-about what you heard earlier, let me explain about--" agad na pinutol ni Xanthos ang sasabihin ni Cadence.

"Leave us alone."

Cad sighed and nodded. He tapped the other guy's shoulder and left us alone in this room. Nanatili naman akong nakakapit nang mahigpit sa damit ni Xanthos na tila doon ko binibigay lahat ng natitirang lakas ko.

"A-Ano ang karapatan mong pagbintangan nang gano'n si Dad at Lolo?! Bakit kailangan mong magsinungaling nang gano'n dahil lang galit ka sa kanila?!"

My hands are literally shaking right now. I can't even think or talk straight because of the raging emotions I feel inside of me. I don't know what to think or believe anymore. My emotions are taking full control of my judgement.

"Calm down, Kiara," Xanthos said and tried to remove my grasp on him.

"How can I calm down after I heard those bullshits from you?! W-What did you say? D-Dad raped your mother?! You've got to be kidding me, Xanthos! He won't do that, he will never do such thing! Bakit ka nagsisinungaling?!"

Nanlalabo na naman ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha. Nanginginig na rin halos buong katawan ko. Natatakot ako sa sasabihin n'ya, pero ang mas kinakatakot ko ay ang katotohanan na kanina lang gusto kong malaman.

Kung gano'ng kasakit din pala ang totoo, sana hindi ko na lang inalam.

"Say something, Xanthos. Tell me that you're lying! P-Please, say something!"

Xanthos closed his eyes and clenched his jaw.

"Fine! Do you really want to hear the truth, huh, Kiara?!" Xanthos asked. "Yes, everything that you heard is true. Y-Your father raped my mother and I saw how my mother suffered from it. A-After that, Aldovino North killed her to shut her up... and I saw it Kiara. I-I saw how your grandfather mercilessly killed my mother like her life is only for him to take. Until now, I can't sleep peacefully because I remember everything every time I close my eyes. T-That's why I want you to suffer too! I want Kairo North's loved ones to suffer too..." Xanthos' eyes glistened as if he's about to cry. Every words he said felt like daggers that stabbed me deep within my soul. I can feel his pain in every words... and it left me speechless.

Nanghihinang napaatras ako. Patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko na halos hindi ko na maaninag ang mukha ni Xanthos. Naluluhang lumabas ako ng silid na 'yon. Nakita kong naghihintay sina Cad sa living room. Akmang lalapit na siya sa 'kin pero agad akong tumakbo palabas ng unit n'ya.

Patuloy akong lumuluha at halos lahat ng nadadaanan ko ay napapatingin sa 'kin pero wala na 'kong pakialam sa lahat ng 'yon. Dali dali akong sumakay ng taxi pabalik sa bahay.

Hindi kayang paniwalaan ng puso ko ang lahat ng sinabi ni Xanthos. Si Dad lang ang gusto kong paniwalaan. Kilala ko si Dad, imposibleng gumawa siya ng gano'ng bagay pati na rin si Lolo. Mabuti silang tao, hindi nila magagawa ang binibintang ni Xanthos... hindi.

Nanghihinang naglakad ako papasok ng bahay. Agad akong sinalubong ni manang na mukhang kanina pa naghihintay sa 'kin.

"Ano ka bang bata ka? Bakit naman bigla kang umalis ng ganitong oras? Halos atakihin ako sa puso nang makitang wala ka sa kwarto mo... Teka, b-bakit ka naiyak?" natigilan si manang nang makita akong naluha.

"M-Manang, nasaan po si Dad?"

Napakunot ang noo n'ya. "Nasa library si Sir, hindi pa rin siya natutulog."

Hindi ko na hinintay na sumagot si manang. Dali dali akong nagtungo sa library upang puntahan si Dad. Naabutan ko naman siya na nakatayo ro'n habang nakatitig sa bintana. Napalingon naman siya sa 'kin nang maramdaman n'yang pumasok ako sa loob. Dali dali siyang lumapit sa 'kin.

"What brings you here, Kiara? Do you need something?" Napatitig sa 'kin si Dad. "B-Bakit ka umiiyak, anak?"

I bit my lower lip and suppress my sobs. I held Dad's hand to gather strength and did my best to stop myself from shaking terribly... I know Dad will definitely deny it even if I ask but I don't care, I just want to hear him say that it wasn't true. I want to hear from him that everything that Xanthos said wasn't true... Kung totoo man 'yon, malamang hindi ko kakayanin. Hindi ko talaga kakayanin.

"D-Dad, kilala mo ba si Cerniah Dela Paz?" naluluhang tanong ko.

Natigilan si Dad sa tanong ko. Kitang kita ko kung paano nawalan ng kulay ang mukha n'ya. Hindi rin nakawala sa 'kin ang panginginig ng kamay n'ya na hawak ko ngayon.

"D-Did you... did you rape her, Dad?" I felt a lump on my throat. "I-I'm sorry for asking that, Dad. Of course that can't be true, right? S-Some liar said grandpa killed her after you raped her to silenced her... That's not true, right? P-Please tell me, Dad."

Hindi nakapagsalita si Dad. Mas lalong umakyat ang kaba at takot sa puso ko nang makita ko ang naluluhang mga mata n'ya. Nanghihinang napaatras siya at napaiwas ng tingin sa 'kin. Agad na nag-alpasan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Say something, Dad! B-Bakit hindi mo tinatanggi?! Pinagbibintangan ka ng kung sino sa krimen na hindi mo ginawa! Magsalita ka, Dad! Sabihin mo sa 'kin na hindi totoo ang sinabi n'ya!"

Napahilamos si Dad sa mukha n'ya. Nanghihinang napakapit siya sa table kasabay ng tlyang pagdaloy ng mga luha sa pisngi n'ya.

"H-Hindi ko sinasadya 'yon, Kiara... I-I loved her too much that time. Believe me, Kiara... I-I was drunk and I lose my mind for a second."

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Napatakip ako sa bibig ko habang patuloy na tumatakas ang mga luha mula sa mga mata ko. Tila wala na 'kong maintindihan sa mga oras na 'to. Sobrang bigat sa dibdib. Ang hirap na huminga.

"N-Nagising na lang ako isang araw na patay na siya. I was too late. Desperado na ang Lolo mo ng mga panahong 'yon dahil ayaw n'yang masira ang kompanya dahil sa kasalanan ko. W-Wala akong nagawa, Kiara. Wala akong ibang pagpipilian dahil ayokong masira ang kompanya pati ang kinabukasan mo. K-Kahit gusto kong pagbayaran ang kasalanan ko noon, h-hindi ko magawa dahil ikaw ang nasa isip ko--" agad kong pinutol ang sasabihin n'ya.

"Sinasabi mo bang dahil sa 'kin kaya nandito ka at malaya?! Hindi mo pinagbabayaran ang kasalanan mo para sa 'kin?! Sa tingin mo ikakatuwa kong marinig 'yon?!"

Kahit hinang hina ako ngayon, pinilit kong tumayo. Nanginginig ang mga kamay na lumapit ako kay Dad at sinampal siya. Pakiramdam ko kusang gumalaw ang kamay ko. Pakiramdam ko unti-unting nawawala ang ang respeto ko para sa kanya.

"K-Kiara, anak... p-patawarin mo 'ko," lumuluhang sabi ni Dad.

"Napakasama mo! Sobrang sama n'yo! Paano n'yo nagawang sirain ang buhay ng inosenteng tao para sa pansariling interes n'yo?! Galit na galit ako sa 'yo, Dad! Kinamumuhian kita! K-Kinakahiya ko na ikaw ang tatay ko!"

Tuluyan akong napahagulgol ng iyak. Pakiramdam ko ngayon lang sumakit ng ganito ang dibdib ko. Iba ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayong napatunayan kong totoo ang binibintang ni Xanthos sa pamilya ko. Hindi ko na alam kung magagawa ko pang lumunok ng pagkain o matulog sa gabi... pero walang wala ang sakit na nararamdaman ko ngayon kumpara sa sakit na ilang taong tiniis ni Xanthos.

"K-Kung gusto mo, ipapakulong ko ang sarili ko ngayon din, Kiara. H-Habang buhay kong pagdurusahan sa kulungan ang naging kasalanan namin ng Lolo mo. H'wag mo lang akong kamuhian, anak... Ikaw na lang ang meron ako." Sinubukang hawakan ni Dad ang braso ko ngunit agad akong umiwas sa kanya.

"H'wag mo 'kong hawakan!"

Nanghihinang humakbang ako palayo kay Dad. Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin n'ya o ang makita man lang ang mukha n'ya. I hate him so much, I hate him and grandpa to death!

Naramdaman kong humabol sa 'kin si Dad hanggang sa makalabas ako ng mansyon pero dali dali akong tumakbo palayo. Kahit hinang hina ang mga binti ko, pinilit kong makatakbo palayo hanggang sa hindi ko na siya makita. Nang makakita ako ng taxi, agad akong sumakay ro'n pabalik sa unit ni Cad.

Patuloy akong naiyak sa biyahe. Nararamdaman kong tumitingin sa 'kin ang driver pero minabuti n'yang hindi na lang magtanong. Hanggang ngayon nanginginig ako sa sobrang galit. Pakiramdam ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong katinding galit, sobrang bigat sa pakiramdam.

I'm mentally and physically tired right now. I've never been this tired before. Pati ang mga mata ko ay pagod na rin sa pag-iyak pero ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagdaloy.

Agad akong sinalubong ni Cadence pagpasok ko sa unit n'ya. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata n'ya nang makita ang kalagayan ko ngayon. Nanginginig ang mga kamay na napayakap ako sa sarili ko habang patuloy na naluha.

"I-I don't want to go home, Cad... Can I stay here for awhile?"

Napalingon si Cad sa likuran n'ya, napatingin din ako ro'n. Natigilan ako nang makita si Xanthos na nakaupo sa couch habang nakatingin sa direksyon namin. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya... Nandito pa rin pala siya.

"You can stay here, Kiara," he said and caressed my hair.

Nanginginig ang mga tuhod na nagtungo ako sa kusina. Naramdaman kong hinahabol ako ng tingin ni Cad ngunit hindi na lang siya nagsalita. Agad akong kumuha ng kutsilyo.

"Kiara!"

Agad na lumapit sa 'kin si Cad at sinubukang kuhanin sa 'kin ang kutsilyo ngunit hinigpitan ko ang hawak ko ro'n.

"Kiara, p-please calm down. Don't do this."

I can't hear Cad's voice anymore. I don't know what to feel anymore. My mind is stuffy, my chest feels heavy... Sobrang bigat na ng pakiramdam ko.

"Cad, I'll talk to her. Iwan mo muna kami," sabi ni Xanthos nang makalapit na siya sa 'min.

Napabuntonghininga si Cad. Tila nagdadalawang isip pa siya kung iiwan kami pero napatango na lang siya at lumayo.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig at napahagulgol ng iyak habang nakahawak pa rin sa kutsilyo. Lumuhod si Xanthos at hinawakan ang kamay kong may hawak na kutsilyo. Agad ko namang itinutok ang kutsilyo sa tiyan ko.

"I-I give you the liberty to kill me, Xanthos. Make my Dad pay by killing me. P-Please, kill me now."

Xanthos didn't say anything. He forcefully took the knife from me and threw it away.

"Stop it, Kiara. Just stop," he muttered.

Napapikit ako nang mariin habang patuloy pa ring umiiyak sa harapan n'ya. Pakiramdam ko kusang kumilos ang katawan ko at hinila siya para yakapin. Halata namang natigilan siya sa ginawa ko.

"Kiara..."

"S-Sorry, Xanthos. Sorry dahil kinailangan mong danasin ang lahat ng 'yon dahil sa pamilya ko. S-Siguro hirap na hirap ka pa rin hanggang ngayon. S-Sorry dahil kinailangan mong magkaganito dahil sa kanila. A-Alam kong hindi ka masama, napilitan kang maging masama at mahirapan mag-isa dahil sa pamilya ko... S-Sorry, Xanthos. Sorry dahil nahihirapan ka nang sobra. H-Hindi mo deserve maranasan ang lahat ng 'yon. H-Hindi ko alam kung paano namin pagbabayaran 'yon, hindi ko alam kung paano aalisin ang sakit na nararamdaman mo. S-Sabihin mo sa 'kin kung paano ko mapapagaan ang pakiramdam mo... kahit konti lang, kahit sariling buhay ko 'yung kapalit... mawala lang 'yung bigat sa puso mo." Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

Natigilan ako nang mapansing nanginginig ang balikat ni Xanthos. Napalunok ako at napatigil sa pag-iyak...

Umiiyak ba siya?

"X-Xanthos..." Akmang kakalas ako sa pagyakap sa kanya upang makita ang mukha n'ya pero agad siyang humawak sa likod ko. Tila ba pinipigilan n'ya akong kumalas ng yakap sa kanya.

"P-Please, don't look at me. J-Just keep hugging me like this, please."

Pakiramdam ko ay lalo akong nanghina nang marinig ko ang nanginginig n'yang boses. Palagi kong nakikitang malungkot ang mga mata n'ya pero ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak. He looks like a lost child crying in his mother's arms. I just found myself caressing his back, letting him cry. He hugged me tighter and buried his face on my neck. Naramdaman kong nababasa 'yon ng luha pero wala na 'kong pakialam. Ang gusto ko lang ay ang mapagaan ang pakiramdam n'ya kahit sa ganitong paraan.

"Kiara, I-I don't know what to do anymore..."

Napaluha na rin ako nang marinig ang tila nahihirapan n'yang boses. Halos hindi ko maisip kung gaano katagal n'ya kinimkim at sinarili ang mga luhang inilalabas n'ya ngayon. Pakiramdam ko parang batong dumadagan sa puso ko ang mga paghikbi n'ya at ang pagtulo ng mga luha n'ya sa balikat ko.

Napakapit ako nang mahigpit sa damit n'ya nang maramdaman kong nanlalabo ang paningin ko. Napailing ako at pilit na nilabanan ang pag-ikot ng paningin ko pero pakiramdam ko unti unti akong nilalamon ng pagkahilong nararamdaman ko.

"X-Xanthos..." nasabi ko na lang bago tuluyang nagdilim ang paningin ko at bumagsak sa mga bisig n'ya.

I OPENED my eyes slowly. I groaned softly when I felt a slight pain on my stomach. I roamed my eyes around the place. I saw Xanthos sitting on the chair beside my bed. Nakatitig siya sa ibang direksyon kaya malamang hindi n'ya napansing gising na ako. Napadaing na lang ako at pinilit na bumangon.

Mukhang nasa ospital kami ngayon. Siguro dinala agad nila ako rito matapos kong mawalan ng malay.

Muli akong tumingin kay Xanthos, nakatingin na siya sa 'kin ngayon. Napatingin ako sa namumula n'yang mga mata na mukhang kakagaling sa pag-iyak. Napabuntonghininga siya saka tumayo at lumapit sa 'kin. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya nang marahan n'yang inilapat ang palad sa noo ko.

"Humiga ka ulit," sabi na lang n'ya saka muli akong inalalayan pahiga sa kama. Hindi na lang ako kumontra at sinunod siya.

Muling umupo si Xanthos sa upuan n'ya at tumitig na lang sa 'kin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko sobrang daming nangyari ngayong araw na halos hindi 'yon nagpo-proseso nang ayos sa isip ko.

Natigilan lang ako sa pag-iisip nang may pumasok na doktor sa silid.

"Good evening, Mr. Archante, Ms. North," sabi ng doktor nang makalapit ito sa amin.

"How's the result, doc? How is she?" tanong ni Xanthos sa doktor.

"Ms. North collapsed because of fatigue or too much stress." The doctor looked at me. "You have to be careful from now on, Ms. North. Avoid stress as much as possible because it won't be good for you and your child. Buti na lang at malakas ang kapit ng bata."

Pakiramdam ko tumigil ang lahat sa paligid ko nang marinig ko ang huling sinabi ng doktor. Maski si Xanthos ay halatang natigilan din.

"What did you just say?" tanong ni Xanthos at napatayo pa mula sa kinauupuan nito.

Muli akong natigagal sa isinagot ng doktor.

"Ms. North is seven weeks pregnant."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.