Chapter Twenty-Six

Xanthos Archante

Wala akong pakialam kahit pa habang buhay pa kaming mamuhay ng mahirap, wala akong pakialam kahit minsan wala kaming makain, wala akong pakialam sa kahit anong sitwasyon... basta kasama namin si nanay. Lahat kakayanin ko.

"Nay, nasaan po ang tatay namin ni Xanthos?"

Napatingin kami ni nanay kay Xceron na abala sa paggawa ng pamaypay. Naiinis na binato ko siya ng basahan na nasa tabi ko.

"Sabing tawagin mo 'kong kuya, e!" sabi ko na lang para malayo ang usapan sa tatay namin. "Nay, tingnan n'yo naman po si Ronron, hindi na po nakakatuwa," paghihimutok ko.

"Eh bakit mo ba kasi ako tinatawag na Ronron? Ang ganda ganda ng pangalan ko, e," nakangusong sabi ni Xceron saka binato ako ng pamaypay.

Natawa na lang si nanay habang pinapanood kami. Napatigil siya sa paggawa ng pamaypay at lumapit sa 'min saka niyakap kami.

"Kayo talagang dalawa ang nagtatanggal ng lahat ng pagod ko. Alam n'yo ba 'yon, mga baby ko?" nakangiting tanong ni nanay saka pinupog kami ng halik sa pisngi.

"Nay naman, binata na po ako," sabi ko na lang saka bahagyang tinulak si nanay.

"Anong binata? Gusto mong kurutin ko 'yang singit mo? Hindi pa binata ang 15 years old," napapailing na sabi ni nanay.

Ang totoo n'yan madalas akong mapagkamalang 12 years old o pababa dahil maliit ako para sa edad ko. Nasabi sa 'kin ni nanay na kinulang ako sa buwan noong pinagbubuntis n'ya pa lang ako kaya masyado akong maliit at mahina kumpara kay Xceron kahit mas bata siya sa 'kin ng dalawang taon. Madalas din akong magkasakit kaya palaging napapagod si nanay pagdating sa pag-aalaga sa 'kin.

Gusto ko na agad lumaki para ako naman ang mag-aalaga sa kanya, sa kanila ni Xceron. Kapag lumaki na 'ko, hindi ko na hahayaang mapagod si nanay at magtrabaho.

"Xanthos, Xceron... pasensya na kung kailangan n'yo munang tumigil sa pag-aaral ngayong taon ha? Babawi si nanay next school year. Ibibili ko kayo ng maraming notebook kaya dapat top 1 ulit kayo next year," nakangiting sabi ni nanay saka hinaplos ang buhok namin ni Xceron.

"Nay, okay lang naman po sa 'min. Basta po magkakasama tayo lagi," sabi ni Xceron at nag-thumbs up pa.

Napangiti si nanay. "Siyempre gagawin ko pa rin lahat para mapag-aral kayo. Kasi diba may mga pangarap kayo? Ano nga ulit 'yon?" tanong ni nanay.

"Nay, pangarap ko po maging macho na pulis tapos ipagtatanggol ko ang mga naaapi tapos ikukulong ko 'yung masasamang tao," mayabang na sabi ko. Natawa naman sina nanay.

"Ako 'nay, pangarap ko po maging superhero kagaya ni Superman!" sabi naman ni Xceron. Binato ko siya ng pamaypay.

"Hindi naman pinag-aaralan sa school 'yon, e. Saka hindi na kailangan ng superhero kung may pulis na katulad ko," sabi ko na lang.

Natatawa na lang si nanay habang pinapanood kami. Bahagya n'yang ginulo ang buhok namin ni Xceron.

"Ako naman ang nanay ng future macho na pulis at superhero kaya kailangan mas magsipag ako para matupad n'yo ang mga pangarap n'yo. Kaya kapag pumasok na kayo sa school next year, galingan n'yo ulit. Okay?" nakangiting tanong ni nanay.

"Opo, 'nay!" sabay na sagot naman namin ni Xceron.

Wala kaming reklamo ni Xceron sa simpleng pamumuhay namin. Walang ibang importante sa 'min kundi si nanay. Maski sa tatay namin wala na rin kaming pakialam. Pangalan lang ang alam namin sa kanya, ni hindi namin alam kung ano'ng hitsura n'ya at kahit hindi sabihin ni nanay... alam naming inabandona kami ng tatay namin.

"Hello, kayo ba ang mga anak ni Cerniah?"

Nagtatakang napatingin kami ni Xceron sa lalaking lumabas ng kotse. May dala siyang mga pagkain at tsokolate. Napakunot na lang ang noo ko at hinawakan ang kamay ni Xceron at ipinwesto siya sa likuran ko kahit pa di hamak na mas matangkad siya sa akin.

Wala si nanay ngayon kaya ako ang bantay sa bahay. Sinabi n'ya na h'wag kaming magtiwala sa hindi namin kilala.

"Sino po kayo?" nakakunot-noong tanong ko.

"Ako si Kairo, tawagin n'yo na lang akong Tito Kairo," nakangiting sabi ng lalaki.

"Bakit ka po namin tatawaging Tito? Kapatid ka po ba ni nanay?" tanong ko pa.

Natawa na lang ang lalaking nagngangalang Kairo at napakamot sa batok n'ya.

"That's not what I mean."

Natigilan kami ni Xceron nang dumating na si nanay. Agad kaming tumakbo papalapit sa kanya at yumakap sa bewang n'ya. Napangiti naman siya at hinaplos ang buhok namin.

Natigilan si nanay nang mapatingin sa lalaking Kairo ang pangalan.

"S-Sir Kairo, bakit po kayo napadaan dito?" sabi na lang ni nanay.

Lumapit ang Kairo na 'yon sa amin at inabot kay nanay ang mga dala n'yang kung ano-ano. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Xceron.

"Pwede ba tayong mag-usap, Cerniah?" tanong ng lalaki.

Napabuntonghininga si nanay at napatingin sa amin ni Xceron.

"Mga anak, pumasok muna kayo sa bahay... Kakausapin ko lang ang amo ko," sabi na lang ni nanay.

Kahit ayaw namin, napilitan kaming sumunod ni Xceron at pumasok sa loob. Ngunit nanatili kaming nakadungaw para marinig ang usapan nila.

"Cerniah, seryoso ako sa sinabi ko noong nakaraan. Mahal talaga kita, hayaan mo 'kong ligawan ka."

Agad na napakunot ang noo ko. Sabi na nga ba at may iba akong pakiramdam sa Kairo na 'yon. Maganda ang nanay namin kaya alam ko kaagad na may crush siya kay nanay.

Wala namang kaso sa amin ni Xceron kung magkakaroon si nanay ng bagong asawa... basta ba hindi n'ya sasaktan si nanay, walang kaso sa amin.

"Sir, may asawa't anak na po kayo. Ayoko pong makasira ng pamilya at isa pa, wala na po akong balak na pumasok sa relasyon ulit," sagot naman ni nanay.

Napakuyom ang kamao ko. Aba, may asawa't anak na pala siya pero may crush siya kay nanay. Ayoko na sa Kairo na 'yan para kay nanay.

"Sabi ko naman sa 'yo na handa akong hiwalayan si Akira. Alam mo rin naman na hindi namin mahal ang isa't isa umpisa pa lang... Please, Cerniah, please give me a chance. Handa akong akuin ang mga anak mo, kahi ano gagawin ko. I really love you, Cerniah," sabi ng lalaki saka hinawakan ang kamay ni nanay.

Napabuntonghininga si nanay at marahang inalis ang pagkakahawak ng Kairo na 'yon sa kanya.

"Sorry po talaga, Sir. Nasa mga anak ko lang po ang atensyon ko ngayon. Sila lang po ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Wala po akong panahon sa mga ganitong bagay, Sir. Pasensya na po," sabi na lang ni nanay.

Hindi na namin nakita ulit ang Kairo na 'yon pagkatapos no'n. Ayaw na rin naman namin sa kanya dahil may pamilya na pala siya pero gusto n'ya pa ring ligawan si nanay.

Pero isang araw... lahat nagbago sa buhay naming lahat.

"Nay! Nay! N-Nawawala po si Xceron!" naluluhang sabi ko nang makitang wala na si Xceron sa labas ng bahay.

Sinubukan ko na rin siyang hanapin sa mga posibleng lugar na pwede n'yang puntahan pero wala siya ro'n.

"A-Ano? Nawawala ang kapatid mo?" tanong ni nanay. Tila ito ang unang beses na nakita ko siyang namutla nang ganito.

Dali daling lumabas ng bahay si nanay at nagsuot ng tsinelas. Napalingon siya sa 'kin at hinaplos ang pisngi ko.

"Anak, h'wag kang aalis ha. B-Babalik ako rito na kasama ko na si Xceron. H'wag na h'wag kang aalis, dito ka lang."

Kahit hindi ako mapalagay, sinunod ko ang sinabi ni nanay at naghintay na lang sa bahay. Mahigit sampung oras din yata akong naghintay. May naiwang pagkain sa mesa pero hindi ko 'yon nagalaw...

...gusto ko sabay-sabay kaming tatlo na kakain sa mesa.

Natigilan ako nang dumating si nanay... pero hindi n'ya kasama si Xceron. Pero ang mas nagpagulat sa 'kin ay ang hitsura n'ya pagkauwi n'ya.

Sira sira ang damit ni nanay na halos nakahubad na siya. May mga pasa at sugat sa ilang parte ng katawan n'ya at mukhang hinang hina siya. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang lumuluha n'yang mga mata.

"Nay! A-Ano pong nangyari sa 'yo? S-Sinong gunawa nito sa 'yo, nay?!" naluluhang tanong ko habang binabalutan siya ng towel.

Nanginginig na napayakap si nanay sa sarili n'ya habang lumuluha. Pakiramdam ko pati ako nasasaktan habang nakatingin sa kalagayan n'ya ngayon. Galit na galit ako, nangingitngit ang kalooban ko habang nakikita si nanay na umiiyak at mukhang takot na takot.

Kinse anyos pa lang ako pero may ideya na ako kung ano ang nangyari sa kanya... at kapag naiisip ko na tama ang hinala ko, lalong nagliliyab ang galit sa puso ko.

Anong karapatan nilang pahirapan at paglaruan ng ganito ang nanay ko?

"Nay! A-Ano pong nangyari? S-Sabihin mo sa 'kin..."

Napapikit nang mariin si nanay at napahagulgol ng iyak. "G-Ginahasa ako ni Sir Kairo..." naluluhang usal ni nanay.

Bumigat ang paghinga ko sa sinabi n'ya. Hindi ko na namalayan na nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luha. Agad kong niyakap si nanay habang lumuluha.

Kunalas din agad si nanay sa pagkakayakap sa 'kin at tumingin nang diretso sa mga mata ko.

"P-Pupunta ako ng presinto para magsampa ng kaso... dito ka lang sa bahay, Xanthos. H'wag kang aalis, h-hintayin mo at magbaka-sakali ka na darating si Xceron dito."

Napailing ako at kumapit sa braso n'ya.

"S-Sasamahan po kita, nay. Paano kung may mangyaring masama sa 'yo? H-Hindi po ako papayag na umalis ka mag-isa," sabi ko at pilit na humawak sa braso n'ya.

Walang nagawa si nanay kundi ang isama ako. Nagmamadali kaming umalis ng bahay para magtungo sa presinto... pero hindi pa kami nakakarating do'n, nakaaninag na si nanay ng tatlong kotse na papalapit sa amin.

Agad na napaatras si nanay. Nanginginig na itinulak n'ya ako sa malapit na poste na tila itinatago n'ya ako ro'n.

"H'wag na h'wag kang aalis d'yan, Xanthos. K-Kahit anong mangyari, kahit ano pa'ng makita mo, h'wag na h'wag kang aalis diyan, anak..." naluluhang sabi ni nanay at iniharang ang basurahan sa akin at pinaupo ako para magtago ro'n.

Pakiramdam ko kailangan kong sundin ang sinabi n'ya kaya tumango na lang ako kahit mabigat sa loob ko.

Hinabol ko na lang ng tingin si nanay nang agad n'ya akong iniwan sa poste at sinalubong ang tatlong kotse na tumigil sa harapan n'ya. Sumilip ako sa nangyayari, gustong gusto ko ng lumabas at lapitan si nanay.

Napansin kong may sinasabi ang matandang lalaki na nasa unahan. May sinasabi siya kay nanay na hindi ko marinig, gano'n din naman si nanay at mukhang may sinasabi sa kanya.

Sino ba ang matandang 'yon?

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagdilim ng lahat sa paligid ko nang walang habas na binaril ng lalaki si nanay. Agad na nanginig ang buong katawan ko nang limang beses pa yata nitong binaril ang nanay ko.

Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko nang bumagsak ang duguang katawan ni nanay sa sahig.

Tila wala na 'kong pakialam sa bilin ni nanay. Nanginginig na lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagkukumahog na tumakbo papunta kay nanay.

"N-Nanay!" hiyaw ko at agad na nilapitan si nanay at niyakap ang duguang katawan n'ya.

"Sir, may bata pala. Anak yata ni Cerniah 'yan, anong gagawin natin?" tanong ng lalaking kasama ng matandang bumaril kay nanay.

"Just let him be... wala rin naman siyang magagawa," walang emosyon na sabi ng matanda at sumakay sa kotse at pinaharurot 'yon.

Naiwan kami ni nanay nang umalis na silang lahat.

"N-Nay, gising ka... g-gumising ka, nay... p-pakiusap." Hinubad ko ang damit ko at itinapal 'yon sa duguang katawan ni nanay.

Patuloy akong naluha at pilit na tinatakpan ang dugong tumatagas mula sa katawan ni nanay kahit na alam kong wala 'yong magagawa.

"X-Xanthos..." nanghihinang sabi ni nanay at hinawakan ang kamay ko na tila pinapatigil n'ya ako sa ginagawa ko.

"N-Nay, h'wag ka na pong magsalita. D-Dadalhin kita sa ospital. P-Please, 'nay, h'wag kang pipikit. Nagmamakaawa ako, nay..."

Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot. Takot na takot ako ngayon, hindi ko na rin mapigilan ang mga luhang patuloy na umaalpas mula sa mga mata ko.

"X-Xanthos... m-mahal na mahal k-ko kayo ni Xceron. M-Mahal na mahal ko kayo..." tuluyan ng napapikit si nanay matapos n'yang sabihin 'yon.

Pakiramdam ko tumigil ang lahat sa paligid ko nang mapagtantong hindi na humihinga si nanay. Nanginginig ang mga kamay na inilapat ko pa rin ang damit ko sa dumudugo n'yang katawan habang umiiyak nang malakas.

"Aaah! Nay! N-Nay gumising ka! Tulong! T-Tulungan n'yo kami! Nay!" Hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Patuloy akong sumisigaw pero parang walang nakakarinig sa 'min.

Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa maubusan ako ng boses. Patuloy kong pinagdarasal na sana magising na 'ko sa bangungot na 'to... pero ang walang buhay na katawan ni nanay na nasa mga bisig ko ang nagpatunay sa 'kin na nasa masakit na katotohanan ako.

* * *

"Pinatay n'ya ang nanay ko! K-Kitang kita ko na pinatay n'ya si nanay! Bakit ayaw mong maniwala sa 'kin?!"

Lumapit ako sa abogado at kinwelyuhan siya. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit habang naluluha. Napabuntonghininga naman ang abogado at inalis ang pagkakahawak ko sa damit n'ya.

"Kilala mo ba ang pinagbibintangan mo, bata? Si Aldovino North ang pinagbibintangan mo. Bakit naman n'ya papatayin ang nanay mo? Wala siyang mapapala ro'n," tila wala lang na sabi nito.

Napakuyom ang kamao ko kasabay ng bumibigat kong paghinga.

"Wala akong pakialam kung sino pa siya! Gusto kong makulong siya! I-Ipapakulong ko siya!" hiyaw ko at binato ang lahat ng gamit na nasa mesa.

Napabuntonghininga ang abogado at tinapik ang balikat ko.

"Kumalma ka muna, hijo. Pag-isipan mo munang maigi ang mga binibitiwan mong salita," sabi ng abogado bago ako iniwan.

Mabigat ang loob ko sa nangyayari. Alam kong ganito sila dahil wala kaming pera... pero gusto ko pa rin umasa na mapagbabayaran ng mga hayop na 'yon ang ginawa nila sa nanay ko.

"Matigas ang ulo ng batang 'yon, Sir. Desidido talaga siya na tumestigo laban sa 'yo."

Natigilan ako habang nakikinig sa usapan ng abogado at ng matandang 'yon na pumatay kay nanay. Sinundan ko ang abogadong may hawak ng kaso ni nanay at nakita ko siyang nagtungo sa isang coffee shop kausap ang hayop na pumatay kay nanay. Napakuyom ang kamao ko habang nakatingin nang masama sa kanila... sabi na nga ba at magkasabwat silang dalawa.

Agad ko silang sinugod. Binato ko ng bato ang ulo ng Aldovino na 'yon. Napasinghap naman ang mga tao sa paligid namin.

Kinaladkad nila ako palabas. Hindi naman nagsalita ang matanda na tila wala lang sa kanya ang ginawa kong pagbato sa kanya. Lumapit siya sa 'kin at hinarap ako. Nanatili naman akong nakatingin nang masama sa kanya habang pilit na nagpupumiglas sa hawak sa 'kin ng mga tauhan n'ya.

"Hindi ka ba nagtataka kung nasaan ang kapatid mo?" tanong n'ya.

Pakiramdam ko natulos ako sa kinatatayuan ko.

"Kung gusto mong makita ulit ang kapatid mo, mamuhay ka ng tahimik at kalimutan ang nangyari... naiintindihan mo ba?"

Wala akong naging laban nang banggitin n'ya ang kapatid ko. Pakiramdam ko sobrang hina ko na hindi ko man lang magawang malaman kung nasaan si Xceron...Wala akong laban sa lahat, wala akong laban kay Aldovino North.

"Iyan na ang kapatid mo. Mas maganda kung mananahimik na lang kayong magkapatid. Magpasalamat kayo at naawa pa sa inyo si Sir Aldovino."

Itinulak ng isang lalaki si Xceron palabas ng kotse nila saka agad na umalis. Agad ko namang nasalo ang kapatid ko. Nanginig ang buong katawan ko nang makitang maraming sugat at pasa sa katawan si Xceron na tila ba binugbog siya ng mga 'yon.

Nakuyom ko ang kamao ko habang puno ng galit na lumuluha. Kahit na mabigat si Xceron. Pinilit ko siyang ipasan sa likod ko at dinala sa bahay.

TULALA AKONG naglakad palayo sa sa bahat. Gusto ko munang mapag-isa saglit hangga't hindi pa nagigising si Xceron. Nagtungo ako sa tahimik na lugar at umupo habang nakatitig sa papalubog na araw.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang bigat na para sa 'kin ng lahat.

"Xanthos Dela Paz..."

Natigilan ako nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko ngunit hindi ako nag-abalang tingnan kung sino 'yon... wala na 'kong lakas, wala na 'kong pakialam.

"Hindi madaling kalabanin si Aldovino North, 'di ba?" tanong pa ng lalaki.

Hindi na lang ako nagsalita.

"Gusto mo bang maghiganti?"

Natigilan ako sa tanong n'ya. Walang emosyon na napatingin ako sa kanya. Hindi pamilyar sa 'kin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit kilala n'ya ako pero wala na 'kong pakialam do'n.

Napangisi ang lalaki. "I like the look in your eyes, Xanthos Dela Paz. Your eyes look lifeless, but it has unbearable wrath and anger deep inside."

Hindi ko pinansin ang sinabi n'yang 'yon.

"Paano ako maghihiganti? Paano ko sila magagawang pagbayarin sa ginawa nila? Sabihin mo sa 'kin, paano sila magdurusa sa mga kamay ko?" sunod-sunod na tanong ko.

Napangiti ang lalaki. "Before that, I'll introduce myself first. I'm Zachariah Cavalcante... tutulungan kitang maghiganti sa mga taong 'yon sa abot ng makakaya ko."

SA HINDI inaasahang pangyayari, biglaang nagparamdam si Xavion Archante... siya ang tatay namin ni Xceron. Sinabi n'ya na gusto n'ya kaming dalhin sa poder n'ya.

"Ano'ng nararamdaman mo sa tatay mo?" tanong ni Zachariah.

"Galit," malamig na sagot ko.

Napangisi siya. "Gawin mo kung ano'ng dapat mong gawin. Sundin mo ang halimaw sa loob mo."

Sumama kami ni Xceron kay Xavion Archante. Naging malinaw sa 'kin na kinuha n'ya lang kami dahil kailangan n'ya ng magmamana ng kayamanan n'ya.

Balak n'yang hati-hatiin ang kayamanan n'ya sa 'min pati na rin sa iba n'ya pang kamag-anak... pero wala akong pakialam. Sisiguruhin ko na sa amin lang ni Xceron mapupunta ang lahat ng 'yon.

"Xavion Archante..." mariing sabi ko habang nakatitig sa kanya na mahina na at nakahiga na lang sa malaking kama n'ya.

Halatang natigilan siya sa sinabi ko.

"Magpahinga ka na ngayon, matulog ka na at h'wag ka ng gigising. H'wag kang mag-alala dahil pakikinabangan ko ang lahat ng pera mo," walang emosyon na sabi ko habang malamig na nakatitig sa kanya.

Napasapo si Xavion sa dibdib n'ya marahil sa gulat dahil sa mga sinabi ko.

Inilapit ko ang labi ko sa tainga n'ya at binulungan siya.

"Ang lakas ng loob mong kuhanin kami ni Xceron para pakinabangan matapos mong abandonahin at hayaang mamatay si nanay... ang tigas din naman ng mukha mong putangina ka."

Walang emosyon na nakatitig lang ako kay Xavion hanggang sa mga huling sandali ng buhay n'ya. Wala akong naramdamang lungkot o kahit ano... siguro nga talagang unti unti ko ng naaalis ang lahat ng hindi mahalagang emosyon sa loob ko.

* * *

I became more heartless and merciless. I can't even recognize myself anymore. I let my monster took over to reach my only goal in life.

Kairo and Aldovino North made me like this... And they have to pay for it in the most painful way possible.

"Bakit mo hinahanap ang bahay ni Atty. Berosa? Kilala mo ba siya?" Cad asked and puffed on his cigarette.

"Mind your own business," I said and took my gun.

"Ah, still cold as ever, huh," Cad said and laughed.

I went inside Atty. Berosa's house easily. His guards are weak as fuck. They didn't even make me sweat.

I reached his room. I kicked the door that it almost flew inside his room. Atty. Berosa woke up. He gasped and immediately stood up.

"S-Sino ka?! A-Ano'ng kailangan mo sa 'kin?!"

I grinned and walk my way inside his room. "You're hurting my feelings, attorney... How could you forget me?"

I can't blame him. My built drastically changed over the years. I trained hard for my goal, I made myself physically strong to achieve what I want to accomplish.

"I'm Xanthos Dela Paz, attorney. Do you not remember my mother, Cerniah Dela Paz, anymore? You were the attorney of her case before... right?"

I felt his body trembled in fear while staring at me. I smirked when I felt a satisfying feeling within me seeing him tremble with fear.

"T-That was a long time ago... M-Magkano ba ang gusto mo? Babayaran kita kahit magkano... P-Pakiusap, h'wag mo lang akong patayin."

Inilabas ko ang baril ko at ikinasa 'yon saka itinutok sa kanya. Atty. Berosa's eyes widened in fear. I just smiled at him before I buried the bullets in his head five times.

"I don't need your money, asshole."

I came back to my job after killing Atty. Berosa. I honestly want to kill Kairo and Aldovino now but I want to save the worst people for last. I have to prepare for it and make sure I'll execute it perfectly.

I'll make them suffer... without mercy.

I OPENED my eyes while catching my breath. I sighed and massaged my temple, trying to calm myself.

It's the same nightmare again. I never had a peaceful sleep for almost 20 years. Everything is haunting me every time I close my eyes... I'm really hopeless.

I sighed and stared at the night sky. If Zachariah Cavalcante is still alive... he'll be disappointed in me.

I just shook my head and went inside. I took a shower to calm myself even a little bit. I sighed and stared at myself in the mirror.

I stared at my almost fully-tattoed body. I started having those tattoos because I want to feel physical pain, I want my emotional pain to be substituted by physical pain. Halos hindi ko na namalayan na napupuno na no'n ang katawan ko sa mga nakalipas na taon.

I promised to myself that I'll stop having tattoos when I finally reached my goal... when I'm finally happy.

I sighed and shook my head. I just wore pajamas and didn't bother to wear something to cover my tattooed body. I went to Kiara's room and I saw her peacefully sleeping while hugging my pillow.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi n'ya. I fixed her blanket and gently caressed her hair.

I smiled when I suddenly realized that her peaceful face can help me calm down. It feels like my heart is at peace even for a moment.

Before, I should have realized too that I only get to sleep peacefully without nightmares and sleep paralysis every time she's sleeping beside me.

Maybe because I don't want to admit it to myself. I can't accept the fact that Kairo North's daughter can give comfort to my existence... It was foolish. It was ironic.

"Hmm..." Kiara groaned and hugged the pillow tighter.

I just smiled while staring at her. Cadence is right, I'm the most in denial person. Even at this moment, even if I'm unconsciously smiling while staring at her, my mind is still denying what Kiara can do to my system... but I guess there's really nothing I can do now. I'm so helpless.

And maybe... I should stop having tattoos now.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.