I only stayed at Xanthos' place for one week. I stayed at Abi's unit after that. Gulat na gulat siya nang malamang buntis ako. Nagtanong din siya kung bakit ayaw kong umuwi sa bahay pero hindi ko na lang sinabi ang totoong dahilan sa kanya. Ayaw ko na rin naman kasing pag-usapan pa 'yon.
Even though we're having a child, Xanthos and I have separate lives. Hinahayaan ko naman siya na bisitahin ako sa unit ni Denise. Kung minsan nagdadala siya ng mga pagkain o prutas kung minsan naman si Denise ang pinapapunta n'ya. Mas maganda na rin ang malayo kami sa isa't isa ni Xanthos, ito ang tamang desisyon.
Maraming nangyari habang buntis ako. Nang mahigit apat na buwan na 'kong buntis, nagpa-ultrasound ako kasama ni Xanthos at doon namin nalaman na kambal ang anak namin. Sa mga oras na 'yon, nakita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Xanthos. Tila ba masaya siya na kambal ang anak namin.
Si Dad naman, ipinakulong n'ya ang sarili n'ya para pagbayaran ang kasalanan nila ni Lolo sa nanay ni Xanthos. Xanthos didn't say anything about it to me. I don't know if he purposely avoid the topic about it because he doesn't want it to be the cause of my stress or maybe... he doesn't care about it anymore.
I don't want to see or visit my Dad at the prison. Si manang na lang ang nabisita kay Dad. Nasabi rin sa 'kin ni manang na alam na ni Dad na buntis ako at masaya siya para sa 'kin. Hindi ko alam kung masasabi n'ya pa rin 'yon kapag nalaman n'yang si Xanthos ang tatay ng magiging anak ko.
Mabilis na lumipas ang siyam na buwan. Kinakabahan ako nang sobra nang dumating na ang araw na ipapanganak ko na ang kambal. Alam kong hindi na kami malapit ni Xanthos tulad noon pero napilitan akong humawak sa kamay n'ya at doon kumuha ng lakas. Nararamdaman kong hinahaplos n'ya ang buhok ko na tila pinapakalma ako. Wala siyang sinasabi, nanatili siyang tahimik pero ipinapakita n'ya sa bawat kilos n'ya ang pagpapalakas ng loob ko sa mga oras na 'to.
Pakiramdam ko bawing bawi ang sakit na dinanas ko sa panganganak nang marinig ko ang iyak ng kambal. Napangiti ako at nanghihinang napakapit sa kamay ni Xanthos. Naramdaman ko rin na marahan n'yang pinisil ang kamay ko.
"I'm proud of you, Kiara..." narinig kong sabi ni Xanthos bago ako pumikit at tuluyang hinila ng antok.
NANG MAGISING ako, nasa tabi ko na ang kambal. Napangiti ako habang nakatingin sa dalawang anghel na habang buhay na magpapasaya sa 'kin. Ito ang unang beses na nakita ko sila pero pakiramdam ko, sobrang mahal ko sila na handa akong gawin lahat para sa kanila.
I looked at Xanthos beside me. He's staring at our children too as if his world revolves around them. Mukha siyang pagod at walang tulog pero tila hindi n'ya alintana 'yon. Nakatitig siya sa mga anak namin na para bang sapat na 'yon para mawala ang lahat ng pagod na nararamdaman n'ya.
"Do you want to carry them?" I asked him. Xanthos gulped and shook his head.
"I-I don't know how to, they look delicate. I don't want to hurt them," he murmured in a soft voice.
I just smiled and held my little girl's hand. Hinawakan ko naman ang kamay ni Xanthos at inilapit 'yon sa anak naming lalaki. Agad na nanginig ang kamay n'ya. Napangiti na lang ako sa reaksyon n'ya na para bang takot na takot siyang hawakan ang mga anak namin.
"What will be their name?" I asked.
We haven't talk about their names yet. I don't want to decide about it without consulting him first. He's still their father.
"Do you have something in mind?" he asked and looked at me.
"Hmm, I want to name our little girl Xianariah, and this cute boy will be Xevan... Xianariah and Xevan Archante," I said and looked at my babies. Xanthos is right, they really look delicate.
Xanthos smiled and nodded. "Then that will be their name," he mumbled and touched Xianariah's small hand.
Dumating din kaagad sina Cadence at halos pagkaguluhan nila kami lalo na ang kambal. Gusto pa sana n'yang buhatin si Xevan pero agad siyang tiningnan nang masama ni Xanthos.
"Ninong nila ako, pareng Xanthos. Please h'wag epal," sabi ni Cad saka muling tumingin sa kambal.
"Hala ang cute talaga nila, parang bola," sabi naman ni Denise habang nakikipagtulakan kay Cad dahil masyado itong nakaharang sa kambal.
"OMG, I'm gonna be a Tita now!" Abi said and clapped her hands.
May dumating din na dalawang lalaki na hindi pamilyar sa 'kin. The other man has blue pair of eyes, he looks like a foreigner. Napatingin ako sa isang lalaki at pilit na inalala kung saan ko siya nakita... natigilan ako nang maalala kong Eron ang pangalan n'ya. Nagpunta na siya sa unit ni Cad noon.
"Congrats, pareng Xanthos. Magbagong buhay ka na," sabi ni Eron saka tinapik ang balikat ni Xanthos. "By the way, do you still remember me, Kiara?" tanong ni Eron sa 'kin. Napangiti na lang ako at tumango.
The other unfamiliar man tapped Xanthos' shoulder too. "Take good care of them, Xanthos."
"Hala, kilala mo ba 'yung poging 'yon, Kiara?" bulong ni Abi sa 'kin saka itinuro ang lalaking may asul na mga mata. "Si Director Zakarius Cavalcante 'yan. OMG, bakit ang daming gwapong kaibigan ni Cad?" tila kinikilig na sabi ni Abi. Natatawang napailing na lang ako.
Xanthos and I live together again. Bumalik ako sa pad n'ya para parehas naming maalagaan ang kambal. I can see that Xanthos is really trying his best to be a good father. I never heard him complain even though he's always tired from work and taking care of our twin. He actually looks happy every time he's with Xiana and Xevan.
I can say that I'm still lucky that he's the father of my children.
Nang tumungtong na sa tatlong taon ang edad nina Xiana at Xevan. Napagdesisyunan kong humiwalay ulit kay Xanthos. Ayokong masanay sa presensa n'ya, ayokong masanay na magkasama kami, ayokong mahalin siya ulit. Gusto kong manatiling mga magulang nina Xiana at Xevan ang relasyon namin... at hindi na hihigit pa ro'n.
Nagkaroon kami ng schedule ni Xanthos sa pag-aalaga kina Xiana. Linggo linggo kaming naghahalinhinang mag-alaga sa kambal. Walang naging reklamo si Xanthos sa lahat ng naging desisyon ko. Sa unit ni Denise ako natuloy ngayon, gusto ko sana na kumuha ng sarili kong unit pero pinilit ako ni Denise na sa kanya na lang tumira dahil mag-isa lang siya. Napamahal na rin kasi siya sa kambal.
Itinuloy ko naman ang trabaho ko sa kompanya nina Abi at direktang nagtrabaho sa kuya n'ya na si Archer. Buti na lang at mabait siya at naiintindihan n'ya ang schedule ko sa pag-aalaga sa mga anak ko. Kung minsan nga binibisita n'ya rin ang kambal at binibili ng kung ano-ano.
Mahirap ang set up namin ni Xanthos ngayon pero mas mabuti na 'yon kaysa ang tumira kami nang magkasama. Ayokong magaya sa 'kin ang mga anak namin. Lumaki ako na akala ko masayang pamilya kami. Ayokong paniwalain ang mga anak ko sa hindi totoo.
Habang lumalaki ang kambal, mas lalo nilang nagiging kamukha si Xanthos. Maski ang buhok nila ay nakuha rin nila kay Xanthos. Hindi naman ako nagrereklamo, mahal na mahal ko pa rin naman sila... medyo nakakatampo lang talaga sa side ko.
Nang tumungtong na sa limang taon ang edad ng kambal, nagsimula na silang magtaka sa sitwasyon namin ni Xanthos, lalo na si Xianariah.
Xiana hugged my waist. "Mama, I don't understand po... Bakit po separate kayo ng house ni Papa? Sabi sa school namin ang family nasa iisang house together. Bakit po hindi na lang tayo magsama-sama para po hindi na namin kailangan magpalipat-lipat ni Kuya Xevan every week?" Xiana asked.
Hindi talaga nagdadalawang isip si Xiana na itanong at sabihin ang nasa isip n'ya kahit ano pa 'yon. Si Xevan naman ay tahimik lang sa tabi ng kambal n'ya. Salungat ni Xiana, hindi masyadong nagsasalita si Xevan. Alam kong gusto n'ya ring magtanong gaya ni Xiana pero mas pinipili n'ya ang manahimik.
"Baby, I already explained it to you before, right? Your father and I are not married or in love with each other... but we love you both and we're doing our best to be good parent to you and Xevan, that's what important, right?"
Xiana sighed and just nodded. I know she wants us to be together. I know this set up is hard for them too but I don't want to end up falling in love with their father again. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maalis ang nararamdaman ko para kay Xanthos at ngayong hindi ko na siya mahal... ayokong gumawa ng bagay na maaaring magpabalik ng nararamdaman ko sa kanya noon.
"Hey, kids! Delivery time. Salubungin n'yo naman ang pinakapoging ninong n'yo," sabi ni Cadence pagdating n'ya rito sa unit ni Denise.
"Ninong Cad!"
Agad na sinalubong ng yakap ng kambal si Cad. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.
"Alam n'yo na, kids. Ihahatid ko na kayo sa pangit n'yong tatay. Excited na ba kayong makita ang Papa Xanthos n'yo?" tanong ni Cad at nagtaas-baba pa ng kilay.
"Opo! I want to see him now, we missed him," Xiana said and pouted.
Lumapit na sa 'kin sina Xiana at Xevan para magpaalam. Napangiti na lang ako at pinupog sila ng halik. Napahagikhik naman sila at yumakap sa 'kin.
"Magpapakabait kayo sa Papa n'yo ha. I love you both my babies," sabi ko saka muling hinalikan ang pisngi nila.
"Ops, okay na 'yan, mare. Halika na kayo, kids," sabi ni Cad at binitbit ang bag ng kambal. "Bye, Kiarabog, see you next week!"
Si Cadence ang naghahatid sa mga bata kay Xanthos, si Denise naman ang naghahatid sa kanila rito. Kung iisipin, magulo talaga ang set up namin pero nasanay na rin naman kami sa ganito. Mahigit dalawang taon ng ganito ang sistema namin.
"Kiara, wala ba talaga kayong balak magbalikan ni Sir Xanthos?" tanong ni Denise habang nainom ng kape sa tabi ko.
I smiled and drank my coffee too. "We don't love each other, Denise. I don't want to be with him just because we have children. I don't want to be in a loveless relationship. I know I'm being unfair to Xiana and Xevan but I don't want to fool them with something like that. I experienced it before and it was terrible."
Napabuntonghininga na lang si Denise saka napatango. "Ano kasi... diba hate ko si Sir Xanthos five years ago pero ngayon kasi naaawa ako sa kanya. Mukha siyang malungkot sa tuwing kinukuha ko na sa kanya 'yung kambal. Alam kong hindi lang nagsasabi si Sir pero alam kong gusto ka n'yang i-approach ulit. Diba sabi ko naman sa 'yo na nakikita kong mahal ka n'ya noon pa?"
Napailing na lang ako sa sinabi ni Denise. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nasuko sa pag-iisip ng kung ano-ano tungkol sa nararamdaman ni Xanthos.
"Reading romance stuff is too bad for you," natatawang sabi ko na lang sa kanya.
It's impossible... and even if he does, that won't be my problem anymore. I respect Xanthos as the father of my children and that's it... nothing more, nothing less.
KINUMUSTA KO si Dad mula kay manang. Kahit galit ako sa kanya, binigyan ko pa rin siya ng litrato ng kambal at pinaabot 'yon kay manang. Sa tingin ko naman ay may karapatan pa rin siyang makita man lang ang mukha ng mga apo n'ya.
"Kiara..."
Napatingin ako kay Archer nang mapadaan siya sa opisina ko. Agad akong napangiti at sinalubong siya.
"Do you need something, Sir?" I asked him.
He tilted his head and scratched his nape. "How many times do I have to tell you that you don't need to call me Sir? Just call me by my name," tila may bahid ng pagtatampong sabi n'ya.
I shook my head. "You're still my boss, Sir Archer."
Archer just sighed and licked his lower lip. He took a deep breath as if he's preeparing himself to say something.
"Ahm, Kiara... Can we have... ahm, dinner together?" he asked.
Natigilan ako sa sinabi n'ya. Napatikhim ako at napaiwas ng tingin saka pilit na pinakalma ang sarili ko. Bakit naman kaya bigla siyang nagyayaya mag-dinner?
"Sure, I have free time."
Pumayag ako sa pagyayaya n'yang mag-dinner kahit na medyo uncomfortable para sa 'kin. Masyado siyang mabait na siya na mismo ang nag-adjust sa schedule ko. Hindi n'ya pa rin ako inaalis sa trabaho kahit pa two weeks a month lang akong nakakapasok sa trabaho. Ayoko namang maging masama at tanggihan siya sa ganitong bagay.
"Kiara..."
Natigilan ako at napalingon kay Archer nang tawagin n'ya 'ko. Kakatapos lang namin mag-dinner at naglalakad lakad na lang kami dito sa labas.
"Hmm?" I asked and smiled at him.
"I love you," he said while staring directly at me.
I literally froze with his confession. Inaasahan ko ng ganito ang nararamdaman n'ya para sa'kin pero hindi ko pa rin inaasahan na magagawa n'yang aminin 'yon sa 'kin.
"I-I don't know what to say, Sir Archer... alam mong meron na 'kong mga anak at--"
"Does it matter?" tanong n'ya habang serysosong nakatingin sa 'kin. "I can take care of Xiana and Xevan too. I already love them and treat them as my children."
Hindi ako nakasagot sa sinabi n'ya. Napatingin ako sa mga mata n'ya at wala akong makitang bahid ng pag-aalinlangan sa mga 'yon.
Dapat ko na bang buksan ulit ang puso ko sa ganito?
Kumpara kay Xanthos, alam kong hindi ako masasaktan kay Archer. Kuya siya ni Abi at alam ko kung gaano siya katino at kabait.
"I'm not pressuring you, Kiara. I just want you to let me prove my sincerity to you. I love you, Kiara... Please let me court you."
Pinayagan kong manligaw si Archer. Sari sari ang mga reaksyon na natanggap ko kina Denise. Payag na payag si Abi habang sina Denise naman ay todo kontra sa naging desisyon ko.
"Kiara, sana pag-isipan mo munang maigi. Baka naman nabibigla ka lang o ano," sabi ni Denise at hinawakan ang kamay ko.
I smiled and looked at her. "I want to give him a chance, Denise. Tinanong ko na rin ang opinyon ng kambal tungkol do'n, they don't seem to be against it too. Besides, Archer is a good man."
Wala na rin siyang nagawa sa naging desisyon ko. Walang imik sina Cadence pero nararamdaman ko ang hindi n'ya pagsang-ayon sa panliligaw ni Archer sa akin. Alam kong katulad ni Denise, isa siya sa mga umaasa na may pag-asa sa pagitan namin ni Xanthos.
Pero alam din nila na imposible ng mangyari 'yon.
DALAWANG BUWAN ding nanligaw sa 'kin si Archer. Habang nililigawan n'ya ako, tila nililigawan n'ya rin ang mga anak ko. Habang tumatagal, natatagpuan ko na lang din ang sarili kong nahuhulog ang loob sa kanya.
Siguro mahal ko na rin siya.
"Kiara, what should we buy for Xiana and Xevan this time?" Archer asked and smiled at me.
Napangiti na lang din ako. Pakiramdam ko may kung ano sa ngiti n'ya at napapangiti na rin ako.
"You're spoiling them too much," I said and chuckled.
Nandito kami sa kotse n'ya at balak naming pumunta sa mall, balak na naman yata n'yang bilhan ng kung ano-ano ang kambal.
"Of course, because I love them... and I love you too," he said and caressed my cheek.
I smiled and held his hand. "I love you too, Archer."
Natigilan siya sa sinabi ko. Natawa ako nang bahagyang napaawang ang labi n'ya habang tila hindi makapaniwalang nakatingin sa 'kin ngayon.
"W-What did you say?" he asked, still stunned.
"I said I love you, my boyfriend."
Ang pagkagulat n'ya ay napalitan ng malaking ngiti. Nanginginig ang mga kamay na hinila n'ya ako para yakapin ako. Napangiti naman ako at ginantihan ang mahigpit n'yang yakap. Kumalas din naman siya agad at muling napatitig sa 'kin. Marahan n'yang hinaplos ang pisngi ko habang maluha-luhang nakatitig sa mga mata ko.
"Damn, Kiara... I love you more."
He immediately sealed my lips with a soft kiss. I hugged his nape and instantly responded to his kiss... I guess loving a man like him isn't so bad after all. I like this feeling, I missed this feeling.