Chapter Thirty

Hindi ko matukoy kung ano'ng problema ko. I just found myself distancing myself from Archer without giving him a proper explanation of my behavior. I was affected by his mother's words, I was so affected that it made me question my worth as a woman.

"Kiara, may problema raw ba kayo ni Kuya Archer? Ayaw ka lang n'ya tanungin directly pero alam kong gusto n'yang malaman kung bakit distant ka sa kanya these past few days," sabi ni Abi habang nainom ng beer.

Na kay Xanthos ang kambal ngayon kaya ayos lang na mag-inom sila. Ako naman hindi na masyadong mahilig uminom. Naalis ko na sa sarili ko 'yon simula nang nanganak ako.

Napapalakpak si Denise. "Nako, mareng Abi. Sign na 'yan."

Abi's forehead furrowed. "What do you mean?"

"Sign na 'yan na ang ship ko ang lalayag at sa 'yo naman 'yung lulubog. Sorry mare pero may butas na ang bangka mo, lulubog na 'yan." Napahagalpak ng tawa si Denise.

Napailing na lang ako at kinuha ang inabot na canned beer ni Denise. Wala akong balak uminom ngayon pero mukhang mapipilitan ako. Ilang araw na ang nakakalipas noong nagpunta kami sa mansyon nina Archer pero hanggang ngayon dinadamdam ko pa rin ang mga sinabi ni Tita Celina.

"Ano ba'ng problema n'yo ni kuya? Sabihin mo sa 'kin, hindi ko sasabihin sa kanya, promise," sabi ni Abi at tinaas pa ang kanang kamay n'ya.

Mapait na napangiti na lang ako at napailing. Ayokong sabihin sa kanya ang tungkol do'n lalo pa't magulang n'ya ang mga 'yon.

"Palagi lang talaga akong pagod kaya wala na 'kong masyadong time. Wala naman akong problema kay Archer," sabi ko na lang.

I don't want to avoid him but I can't help it because I'm still contemplating. I have to think everything through especially our relationship. Pakiramdam ko pa naman ay kahit na ano pang gawin ko, hindi ako matatanggap ni Tita Celina. She has someone better for Archer... What if...

I sighed and shook my head. Negativity and insecurity are poisoning my mind.

"Kiara, nay problema ba tayo?"

Natigilan ako nang marahang pinisil ni Archer ang kamay ko. Hindi ko na napansin na nakatulala na lang pala ako sa pagkain. Napatikhim na lang ako at tipid na ngumiti sa kanya.

"Bakit naman tayo magkakaproblema?" ganting tanong ko at muling tumuloy sa pagkain.

"You're not being yourself for the past few days. I'm worried, Kiara. Please tell me if we have a problem and don't try to hide it from me. Please..."

Archer's words left me speechless. I realized that I'm being unfair to him. He's doing his best to make me feel better but here I am, making myself distant and trying to conceal the real problem. I feel pathetic.

"Archer..." I murmured.

Archer stopped walking and looked at me. He intertwined our fingers and gently caressed my hand with his thumb. We just finished eating and we're on our way to his car.

"Why? Is there a problem?" he asked.

I bit my lower lip and looked at him. "Tita Celina doesn't want me for you."

Archer froze with what I said. I know this will be his reaction but I still chose to tell it to him. I don't want to be unfair to him anymore.

"Is that so? That's the reason why you're suddenly distant to me?" he asked and held my shoulder.

I sighed and nodded.

Archer sighed and held both of my cheeks. "Now I know why Mom keeps on pairing me up with some woman. I don't know that she did say something to you... I'm sorry for being oblivious. I should have known," he said while caressing my cheek.

I smiled and shook my head. "There's nothing to be sorry about. I chose to hide it from you... and besides, I can't blame Tita Celina for choosing a woman that you deserve better. I have children, our company is not ours anymore, and my Dad is in prison right now. She's just doing her role as your Mom," I muttered and avoided his gaze.

"I told you before that I don't care about those, Kiara. So what if you already have children? They're wonderful kids. So what if you're not a company heiress anymore? So what if you're Dad is in prison? His crime is not yours too... You're a wonderful woman, you're the best girlfriend for me. You're the only one who can make me this happy and you are the one I love."

Napangiti ako sa mga sinabi n'ya. Hinawakan ko ang kamay n'yang nakahawak sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad n'ya sa bawat salitang binibitiwan n'ya.

Pero tama bang ipaglaban pa namin 'to?

Archer and I came back to normal after that conversation. We decided to face and solve problems together for that's what we should be doing. We didn't talk about his parents again but he told me that he will make sure that his parents will like me. I actually doubted his words... Tita Celina will never like me for him.

Mabilis ding natapos ang masasayang araw namin ni Archer dahil sinadya akong bisitahin ni Tita Celina sa unit ni Denise at saktong nandoon din ang kambal. Buti na lang at wala si Denise sa unit dahil kung nandito siya, bala mapikon lang siya sa mga sasabihin ni Tita Celina.

May kasama siyang babae na hindi ko kilala o pamilyar sa akin... pero maganda ito at mukhang nanggaling sa mayamang pamilya.

"Sila ba ang mga anak mo?" tanong ni Tita Celina habang nakatingin sa kambal na abala sa paglalaro.

Pakiramdam ko may kung ano akong naramdaman sa puso ko sa paraan ng pagtingin n'ya sa kambal... Hindi ko 'yon gusto. Wala akong pakialam kahit ano pang tingin ang ibigay n'ya sa 'kin, pero ayaw kong tingnan n'ya ang mga anak ko na para bang nakakadiri sila.

"Opo, sila ang anak ko," sagot ko na lang. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko.

"Who's their father?" Tita Celina asked.

"Xanthos Archante," I answered. I bet she knows Xanthos. Xanthos is well-known in business industry.

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Hindi n'ya naitago ang pagkagulat sa mukha n'ya.

"Xanthos Archante? The powerful business tycoon, Xanthos Archante?" she asked to make sure.

I bit my lower lip and nodded. I don't know why I felt a little proud about it. Xanthos is not just a wise businessman, he's also a good man and a good father to our children.

"Kung katulad n'ya naman pala ang tatay ng mga anak mo, bakit hindi ka na lang makipagbalikan sa kanya?" tanong ni Tita Celina nang mahimasmasan na ito sa pagkagulat nito kanina.

Natigilan ako sa sinabi n'ya. "Hindi na po namin mahal ang isa't isa," nasabi ko na lang.

Tita Celina's eyebrow shot up. "Is that important? I married Archer's Dad without any feelings for him but I eventually fell in love with him. And nowadays, love is not important, Kiara... Being practical is more important." She crossed her arms. "Xanthos Archante is on another level. He's above us, he's more powerful. I'm Archer's Mom but if I were you, I will stick with Mr. Archante. You're not being practical enough, hija. Someone like you won't survive this harsh world."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi n'ya. Gano'n n'ya bang ka-ayaw sa akin at pinagpipilitan n'ya ako kay Xanthos? Alam kong nanay siya ni Archer pero buhay ko 'to, ako ang masusunod kung sino ang gusto kong mahalin.

"By the way, I want you to meet the woman who's way better for my son. She's Yvette De Gracia, she will be my son's fiancée. She's the perfect choice for Archer," Tita Celina said.

"Tita, don't be like that po. Nakakahiya sa girlfriend ni Archer," tila nahihiyang sabi ng babaeng nagngangalang Yvette.

"Why? I'm just telling the truth. Magpapakasal din naman kayo ni Archer sooner or later."

Napatingin ako kay Yvette na napapatungo. I'm not getting any bitch vibes from her. Mukha talaga siyang mabait at tila nahihiya talaga siya sa mga sinasabi ni Tita Celina. Napatingin siya sa 'kin at tila nahingi ng paumanhin ang mga mata n'ya.

Napatingin si Tita Celina sa kambal. I felt another pang in my chest the way she looks at my innocent children. My jaw clenched... I hate it.

"Kahit na ipagpilitan mo pa ang sarili mo kay Archer, sa tingin mo ba magiging madali ang lahat para sa mga anak mo? They will be mistreated, Kiara. Ituturing sila na sampid at basura, gusto mo ba 'yon? Ina ka rin at alam kong ayaw mo 'yon. Anak sa labas ang magiging lagay nila at ikaw nga hindi ko matanggap, sila pa kaya? Ayoko ng mga sampid at pakalat-kalat sa pamilya ko, Kiara."

Napakuyom ang kamao ko. Bumigat ang paghinga ko at napatingin sa kambal. Nakatingin sila sa 'min at tila ba narinig nila ang sinabi ni Tita Celina. Tila may kumirot sa puso ko nang makita ang malungkot nilang mukha.

"Saglit lang po." Tumayo ako at nagtungo sa kitchen counter.

Dumakot ako ng asin at walang habas na inihagis 'yon kay Tita Celina. Napahiyaw naman siya at dali daling tumayo upang pagpagin ang sarili.

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo sa 'kin pero wala kang karapatang pagsalitaan nang gano'n ang mga anak ko! Wala akong pakialam kahit nanay ka pa ni Archer! Kaya umalis ka na bago ko maisipang kumukulong tubig naman ang ihagis sa pagmumukha mo!"

Tuluyan nang naputol ang pagtitimpi ko. Wala siyang karapatan na tawaging sampid ang mga anak ko at sa harap pa nila mismo. Pakiramdam ko nawala na ang kakarampot na paggalang na nararamdaman ko sa kanya nang oras na nakita kong nasaktan ang mga anak ko sa sinabi n'ya.

"Gaya nga ng sabi mo, ina tayong pareho... Kaya alam kong alam mo ang pinakaayaw ng mga inang katulad natin! Ayaw na ayaw kong nasasaktan ang mga anak ko, kaya umalis ka! H'wag kang magpapakita sa akin ulit!" sigaw ko pa at muli siyang sinabuyan ng asin.

Hindi nakapagsalita si Tita Celina pero masama ang tingin nito sa 'kin. Dali dali na lang siyang umalis kasama si Yvette at iniwan kami.

Nanghihinang napakapit ako sa mesa saka napapikit nang mariin. Sinanay ko na ang sarili kong magtimpi sa mga bagay bagay pero nawawala ang lahat ng 'yon kapag mga anak ko na ang napag-uusapan.

"Mama..."

Napatingin ako sa kambal na tila nag-aalangang lumapit sa akin. Napabuntonghininga ako at ako na mismo ang lumapit sa kanila. Hinaplos ko ang buhok nila at niyakap sila nang mahigpit.

"Sorry mga baby ko. Hindi totoo ang sinabi n'ya, hindi kayo sampid o basura. Sorry kung kailangan n'yo pang marinig 'yon... H'wag n'yo ng isipin 'yon ha? Hindi totoo 'yon. Mahal na mahal kayo ni Mama," sabi ko habang hinahaplos ang buhok nila.

Yumakap naman sa 'kin ang kambal. Pakiramdam ko kahit papa'no ay kumalma ang puso ko dahil sa simpleng yakap mula sa kanila.

"Love ka rin po namin, Mama... Hindi na po namin 'yon iisipin dahil sabi po ni Papa, treasure daw po kami ni Xevan sa buhay n'yong dalawa," sabi ni Xiana saka kumalas sa pagkakayakap sa 'kin at binigyan ako nang matamis na ngiti.

Pakiramdam ko nahawa ako sa magandang ngiti na 'yon at napangiti na lang din ako.

"Tama ang Papa n'yo... Kayo ang pinaka-importanteng treasure sa buhay naming dalawa." Muli ko silang niyakap at pinupog ng halik ang mukha nila. Pakiramdam ko gumaan lalo ang pakiramdam ko nang marinig ko ang matunog na tawa nila.

Tuluyan na akong umiwas kay Archer pagkatapos ng tagpo namin ng nanay n'ya. Alam kong ramdam n'ya 'yon pero pilit n'yang inaayos ang lahat sa pagitan namin.

"Kiarabog! Tangina ni Archer, nakita ko may kasamang babae. Nagde-date pa sila," sumbong sa 'kin ni Cadence.

Napabuntonghininga ako. "Hindi n'ya kabit 'yon, Cad. Malamang iyon 'yung babaeng ipinipilit ng nanay n'ya sa kanya. Kung ano-anong iniisip mo kay Archer... H'wag mong sasabihin 'yon kahit kanino, lalo kay Xanthos," sabi ko na lang saka uminom ng tubig.

Alam kong hindi magagawa ni Archer ang gano'ng bagay.

Natigilan ako nang mapansing pa-sipol sipol si Cad at hindi makatingin nang ayos sa 'kin. "B-Bakit bawal kong sabihin kay Xanthos?"

"Malamang, baka kung ano pa'ng magawa n'ya kay Archer," sabi ko na lang saka umupo sa upuan na malapit.

Hindi na nakapagsalita si Cad. Napakunot ang noo ko nang mapansing pagalaw-galaw siya.

"Don't tell me... you already told him that gibberish?" I asked and stood up.

"Actually, mare... kay Xanthos ko unang sinabi. Hehe, h'wag kang mag-alala, hindi naman siya mukhang galit pero may dala siyang baril," sabi ni Cad at nag-peace sign pa sa akin.

Napapikit ako nang mariin. Gusto kong tadyakan si Cad ngayon pero wala na 'kong oras para do'n.

"N-Nasaan siya ngayon?" tanong ko kay Cad.

"A-Ano... Papunta siya ro'n sa restaurant kung nasaan sina Archer saka 'yung babae n'ya," sabi ni Cad saka napakamot sa batok n'ya.

Agad na 'kong umalis nang sabihin na ni Cad kung saang restaurant 'yon. Pinagpapawisan ako nang malamig habang nasa taxi. I know Xanthos' past. I know that he killed a lot of people. He admitted it to me before.

I know he can kill Archer if he wants to.

Umakyat ang kaba sa dibdib ko nang makitang wala na sina Archer sa restaurant nang magpunta ako ro'n.

"Kiara..."

Natigilan ako nang may babaeng lumapit sa akin. Napakunot ang noo ko habang pilit na inaalala kung sino siya... Yvette?

"H-Hinahanap mo ba si Archer? Nagpunta sila ro'n, kinaladkad siya ni Xanthos Archante papunta ro'n," sabi n'ya at itinuro ang building na malapit na sa pagkakatanda ko ay abandonado na.

Dali dali akong nagtungo ro'n. Naramdaman kong sumunod sa akin si Yvette pero hinayaan ko na lang siya.

Napasinghap ako nang maabutang sinusuntok ni Xanthos si Archer na walang kalaban-laban. Dali dali akong pumasok upang pigilan siya.

"X-Xanthos! Stop it! Please, stop!"

Natigilan naman siya nang marinig ang boses ko. Napatingin siya sa 'kin at pabalyang binitiwan ang kwelyo ni Archer. Duguan ang kamao n'ya pero mas malala ang kalagayan ni Archer.

Agad akong lumapit kay Archer at inalalayan siyang tumayo.

"M-Mali ka ng iniisip, Xanthos. Archer didn't cheat on me, he will never do that... Please, believe me, d-don't hurt him anymore."

Xanthos just looked at Archer with his emotionless eyes. He sighed and took a handkerchief inside his coat and wiped his hands. Hindi na siya nagsalita at napasandal na lang sa pader.

"K-Kiara... I'll explain everything. T-There's nothing going on between Yvette and I. P-Pinagbigyan ko na lang si Mom para hindi na siya--" agad kong pinutol ang sasabihin ni Archer.

"I know. I know you won't cheat on me, Archer," I said and smiled at him.

Archer smiled despite having many wounds. "T-Thank you."

"B-But, let's... let's end this relationship, Archer."

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Pati si Xanthos na kanina pa tahimik at nakatingin lang sa 'min ay halatang natigilan din.

"W-What do you mean, Kiara? I thought you believe me, w-why are you suddenly breaking up with me?" Archer asked. His voice is shaking.

"I believe in you, Archer... B-But we can't be together anymore. Your family is against us, they don't want you to end up with a woman who has children and a criminal's daughter... I-I understand their concern, Archer. You should too," I said while trying to stop myself from crying.

"I-I told you before, Kiara. All of it don't matter as long as I love you. A-Akala ko ba okay na tayo, Kiara? Bakit naman ganito? Y-You know how much I love you... H-Hindi mo na ba ako mahal?"

Tuluyan ng kumawala ang mga luha ko sa sinabi n'ya.

"I love you, Archer. I really do... but I love my children more and I'm choosing them... I don't want them to be mistreated, Archer. Gusto ko ng tahimik na buhay kasama sila pero kung ipipilit natin ang sa atin, magugulo lang ang buhay ng mga anak ko at ayaw kong mangyari 'yon. S-Sila ang pinakamahalaga para sa 'kin at ayokong tratuhin silang sampid. Ayoko ng kailangan pa nilang ipagsiksikan ang sarili nila. K-Kung ako lang din ang tatratuhing masama ng nanay mo, wala akong pakialam. Pero ibang usapan na kapag mga anak ko, Archer. M-Mahal kita pero sana maintindihan mo kung bakit kailangan kong gawin 'to."

Hindi nakapagsalita si Archer pero kitang kita ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi n'ya. Nasasaktan ako habang nakatitig sa naluha n'yang mukha pero wala akong magagawa... Mga anak ko ang palagi kong uunahin.

"Yvette... P-Please pakidala sa ospital si Archer," sabi ko kay Yvette na nakatayo mula sa di kalayuan habang nakatingin sa 'min.

Kahit nag-aalangan, lumapit si Yvette at sinubukang alalayan si Archer. Mukhang nanghihina na rin si Archer dahil sa mga natamo n'ya kaya wala siyang nagawa kundi ang sumama kay Yvette.

"M-Mag-uusap pa tayo, Kiara... H-Hindi pa tapos ang pag-uusap natin," sabi ni Archer bago sila tuluyang umalis ni Yvette.

Umalis na rin kami ng building na 'yon ni Xanthos at naglakad lakad. Nakasunod lang siya sa 'kin hanggang sa makarating kami sa malapit na pasyalan. Umupo ako sa bench, naramdaman kong umupo rin si Xanthos sa tabi ko pero medyo malayo-layo ang pwesto n'ya sa akin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang tuluyan na akong napatakip sa mukha ko kasabay ng paghagulgol ng iyak. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak. Hindi naman nagsasalita si Xanthos sa tabi ko at hinayaan lang akong umiyak.

"A-Ang sakit sakit Xanthos... H-Hindi talaga kami pwede pero mahal ko siya. Mahal ko talaga si Archer..." naluluhang sabi ko habang patuloy na pinapahid ang mga luhang kumakawala mula sa mga mata ko.

Hindi agad nakapagsalita si Xanthos. Kahit papa'no nagpapasalamat ako na nandito siya sa tabi ko at nakikinig sa akin.

"I know, Kiara... Just cry and let it all out. I won't leave you here."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.