Chapter Thirty-One

"If you love him, why did you break up with him?" Xanthos asked.

"Narinig mo naman, 'di ba? Ayaw sa 'kin ng parents ni Archer lalo ng nanay n'ya... Pinagsalitaan din ng nanay n'ya ng masasakit ang kambal. Nandoon ang kambal ng mga oras na 'yon at naiinis pa rin ako kapag naaalala ko," sabi ko na lang at napatingin sa dumidilim na langit.

Hindi nga talaga ako iniwan dito ni Xanthos hanggang sa tumigil na ako sa pag-iyak. Hindi siya nagsalita habang naiyak ako at nasa tabi ko lang. Marahil hindi n'ya alam ang sasabihin pero malaking bagay na ang pananatili n'ya sa tabi ko.

"Ano'ng sinabi n'ya sa mga anak ko?" nakakunot noong tanong ni Xanthos.

Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko nang sumama ang tingin n'ya.

"Ahm, d-don't worry... Tinapunan ko naman siya ng asin pagkatapos no'n at ipinaliwanag ko sa mga bata na hindi totoo ang sinabi n'ya," sabi ko na lang.

"Do you want me to ruin her life?" nakakunot-noong tanong ni Xanthos.

Agad akong napasinghap at umiling. "No! Y-You don't have to. I mean, I already gave her a lesson. You don't have to do anything."

Xanthos chuckled and gently rumpled my hair. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya.

"Relax, I'm just kidding," he said and smiled at me.

Tiningnan ko siya nang masama at hinampas ang braso n'ya. "Nasasaktan na nga ako rito, niloloko mo pa 'ko."

He just laughed and flicked my forehead. I just sighed while listening to his refreshing laugh. Ang tagal na noong huli ko siyang narinig na tumawa nang ganito.

Maya maya pa ay naging seryoso ulit si Xanthos. Bahagya siyang ngumiti saka marahang hinaplos ang buhok ko. Nagtatakang napatingin ako sa kanya ngunit hindi ko siya pinigilan.

"Kiara... Thank you for choosing our children. Thank you for letting him go for their sake," he said in a soft voice.

I just smiled and avoided his gaze. "You don't have to thank me for it. Natural lang na piliin ko sila dahil mga anak ko sila. Kahit na mahal ko pa si Archer, hindi ko siya pipiliin kung mga anak ko na ang pag-uusapan dahil mas mahal ko ang mga anak ko. Paulit-ulit ko silang pipiliin..." Napabuntonghininga ako. "...at isa pa, mas maganda na rin na makahanap si Archer ng babaeng mas karapat-dapat sa kanya. He's actually too good for me, no, he's the best for me. Someone like him doesn't deserve a messed up woman like me. H-He deserves a better woman like Yvette. I'm no match for her... She's the kind of woman that Archer deserves."

Saglit na hindi nakapagsalita si Xanthos. Napatingin ako sa kanya. Natigilan ako nang mapansing nakatitig siya sa 'kin.

"You're a perfect woman," he said while staring at me.

Natigilan ako sa sinabi n'ya at tila hindi agad 'yon nagproseso sa isip ko.

"You're the best mother, you're a wonderful, strong, and independent woman... and you're a perfect lover too. I'm your ex-boyfriend so I know. He's actually lucky to have you as her girlfriend. He will never find someone like you again... you're one of a kind," he added. He smiled at me and his smile alone almost reached my heart.

I unconsciously smiled too with his remark. I never thought that I'll get to hear something so heartwarming from him. It feels like all of the self-doubt that Archer's mother caused to me suddenly vanished without a trace. Simple words from his is enough to help me regain my confidence.

"T-Thank you so much, Xanthos." I smiled at him.

"Do you wanna feel better, Kiara?" he asked and stood up.

"O-Of course, I do," sabi ko na lang.

Inilahad ni Xanthos ang kamay n'ya. Kahit nag-aalangan, tinanggap ko iyon. Marahan naman akong hinila patayo ni Xanthos.

"Let's go at my place. Xiana and Xevan are sleeping there. You'll feel much better once you see them," he said and smiled.

I wiped my tears and nodded. "Yeah, that's right. Just seeing them will make me feel better."

Sumakay na kami sa kotse n'ya. Tahimik na tumingin na lang ako sa mga gusaling nadadaanan namin. Mabigat pa rin sa loob ko ang nangyari. Alam kong hindi ko basta basta makakalimutan si Archer at ang nararamdaman ko para sa kanya... pero iisipin ko na lang na ginawa ko 'yon para sa ikabubuti ng mga anak ko at iyon ang mahalaga... ang mga anak ko ang mahalaga.

Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa pad n'ya. Ang tagal na rin noong huli akong nagpunta rito, pero walang nagbago sa paligid.

Agad akong inihatid ni Xanthos sa silid ng mga bata at naabutan ko silang mahimbing na natutulog. Pakiramdam ko agad na naalis ang bigat sa dibdib ko nang makita sila. Napangiti na lang ako at agad na lumapit at tumabi sa kanila. Buti na lang at malaki ang kama nila.

"You can sleep there beside them... You can also take a shower if you want to, your old clothes are still there," sabi ni Xanthos sa mahinang boses na tila nag-iingat siya na magising ang mga bata.

Napangiti ako at tumango. "Salamat, Xanthos."

Tumango na lang siya bago lumabas ng silid.

Sinunod ko ang sinabi n'ya at nag-shower muna at nagpalit ng damit saka muling humiga sa tabi ng kambal. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na lang na hilahin ako ng antok... Pakiramdam ko talagang napagod ako ngayong araw.

NAGISING AKO nang maramdaman kong may tumatalon sa kama. Kinusot ko ang mga mata ko saka unti-unting idinilat ang mga mata ko.

"Yehey! Nandito si Mama, kuya! Meaning to say, we will finally live together as a whole family!" excited na sabi ni Xiana at muling nagtatalon sa kama.

"Yehey!" sabi rin ni Xevan at nakitalon. Hindi ko inaasahan na sasabihin n'ya 'yon.

"Mga anak..."

Napatingin silang dalawa sa 'kin at agad akong sinugod ng yakap. Napangiti na lang ako at niyakap din sila.

"Mama! Dito na po ba tayo ulit titira kay Papa?" excited na tanong ni Xiana.

I sighed and caressed her hair. "No, baby. I'll just stay here for today. Babalik din ako kay Ninang Denise n'yo mamaya."

Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Xiana dahil sa sinabi ko, gano'n din naman si Xevan.

"Mama, isusumbong po kita kay Papa," paghihimutok ni Xiana at dali daling lumabas ng kwarto. Agad namang sumunod si Xevan sa kanya.

I just shook my head and stood up to take a quick shower before heading out of the room. Umaga na pala. Mukhang tuloy-tuloy ang naging tulog ko rito kagabi.

Dumiretso ako sa kusina nang makaamoy ako ng mabangong niluluto. Naabutan ko si Xanthos na nagluluto habang ang kambal naman nakayakap sa baywang n'ya at ginugulo siya.

Napatitig ako sa kanila. Napapatawa na lang si Xanthos at tila hindi ito naiirita sa pangungulit na ginagawa ng kambal. Hindi ko namalayang napangiti ako habang pinagmamasdan sila.

"Sabi po ni Mama aalis din siya. H'wag ka pong pumayag, Papa! We should live together again, forever and ever! Iyon po ang gusto namin ni Kuya Xevan... Diba?" tanong ni Xiana sa kakambal.

"Opo, Papa," pagsang-ayon naman ni Xevan kay Xiana.

"We can't force your mother to stay here... Now, go back to your sit. I'll prepare your favorite carbonara," Xanthos said and turned off the stove.

Excited na umupo ang kambal sa upuan nila. Ipinaghanda naman sila ng plato ni Xanthos. Natigilan siya nang mapatingin sa akin.

"Come here, Kiara. Eat with us," he said and prepared another plate for me.

Kahit nag-aalangan, lumapit ako sa kanila at umupo. Pinanood ko na lang si Xanthos habang pinaghahain kami. Naghanda siya ng gatas para sa kambal at juice para sa 'kin. Umupo na rin agad siya sa tabi ko pagkatapos maghain.

Napatingin ako sa carbonara na niluto n'ya. The carbonara he cooked really looks appetizing. I bit my lower lip and took my fork to have a taste.

"Wow," I mumbled. My eyes widened and looked at Xanthos with disbelief in my eyes. He just smiled and scratched his eyebrow.

"Sabi po sa inyo, Mama. Super masarap magluto si Papa. Kaya po dito na lang po tayo lahat para palagi ka pong ipagluluto ni Papa!" sabi ni Xiana habang ganado sa pagkain.

"Wow, this is so good. I never thought you'll be able to cook something this good other than menudo," I said and giggled.

"Well, I have a weird memory with menudo so I stopped cooking it. If you still remember, you intentionally spilled yourself with it and we ended up making the twins--"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Xanthos. Nagtatakang napatingin naman sa 'min ang kambal. Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa kahihiyan. Bigla na naman tuloy pumasok sa isip ko ang mga kahihiyang ginawa ko kay Xanthos noon... Sobrang nakakahiya talaga kapag naaalala ko.

Xanthos removed my hand from covering his mouth and let out a refreshing laugh. I just glared at him and punched his muscled arm. Hindi na lang kami pinansin ng kambal at tumuloy na lang sa pagkain.

"H-How dare you remember such an embarrassing moment?" I asked while stuttering.

"Well, that embarrassing moment created two angels who are in front of us right now. So you shouldn't regret that," he said, still laughing.

Napaismid na lang ako at muling ibinalik ang atensyon ko sa carbonara. Bakit ko pa kasi binuksan ang topic sa menudo? Inaasar n'ya tuloy ako ngayon.

Hindi muna ako umalis kaagad pagkatapos kumain dahil sa request ng kambal. Nakipaglaro muna ako sa kanila rito.

"Hello, everybody! Kiarabog, alam naming nandito ka kaya h'wag ka ng magtago!"

Napapitlag ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Cadence. Napabuntonghininga na lang ako at napirap. Ang lakas talaga ng tama ng lalaking 'yon kahit kailan.

"Sino ba'ng nagsabi na magtatago ako?" nakapamaywang na tanong ko at sinalubong sila.

Napakunot ang noo ko nang makitang kasama n'ya sina Denise at Xceron. Natigilan ako nang makitang kasama n'ya rin si Abi.

"Mareng Kiara, narinig ko ang tsismis na hiwalay na kayo ni Archer," nakangiting sabi ni Denise. Abot tainga na yata ang ngiti ng baliw na babaeng 'to.

Napabuntonghininga na lang ako at tumango. Sabi na nga ba at siya ang pinakaunang matutuwa kapag nalaman na hiwalay na kami ni Archer.

"Abi... Kumusta na ang kuya mo?" tanong ko, bakas ang pag-aalala sa boses ko.

"He's fine... mukhang matinding bugbog talaga ang inabot n'ya sa lalaking 'yan." Itinuro n'ya si Xanthos na buhat si Xiana. "Pero keri naman," matamlay na dagdag pa n'ya.

Natawa si Denise at inakbayan si Abi. "Mare, okay lang 'yan. Gano'n talaga ang buhay, e. Hindi naman kasalanan ni Kiara kung 'di siya tanggap ng mudrakels n'yo, diba? Saka mother's instinct ang sinunod ni Kiara imbis na pag-ibig, 'yon na lang ang isipin mo," nakangising sabi ni Denise.

Napatingin si Denise kay Xanthos. "Sir Xanthos, baka naman pakigalaw si Kiara--este ng baso pala," sabi ni Denise saka napahagikhik.

Napailing na lang ako sa kadaldalan n'ya. Bakit ang dami n'ya yata masyadong alam? Mukhang nai-tsismis na ni Cad ang buong kwento sa kanilang lahat.

"Kiara, my friend. At dahil break na kayo ng Archer na 'yon. Magce-celebrate--este dadamayan ka namin sa pagluluksa mo. Napagplanuhan namin na mag-outing para sa celebration--este sa pagluluksa dahil single ka na ulit," nakangising sabi ni Cadence.

Napataas ang kilay ko. Bakit masyado naman yata silang mukhang masaya na brokenhearted ako? Saka celebration ang tunog ng outing na sinasabi n'ya sa akin imbis na pagluluksa.

"H'wag kang mag-alala sa kambal dahil si Abi raw ang magbabantay sa kanila habang nasa beach tayo," dagdag pa ni Cad.

"Bakit hindi na lang isama ang mga anak ko?" nakapamaywang na tanong ko.

"Marecakes, hindi pwede dahil may inuman na magaganap do'n. Gusto mo bang maaga mapariwara 'yang kambal? Sige na, pumayag ka na. Alam mo bang pupunta na ang mga kaibigan namin ni Xanthos pati mga girlfriend at asawa nila. Bawal ka ng tumanggi, mare. Mahiya ka naman sa kanila," pangungulit pa ni Cad.

"Hindi papayag ang mga anak ko na iwan ko sila," pagdadahilan ko na lang.

"Mama, okay lang po sa amin," sabi ni Xiana.

Gusto kong mapasapo sa noo ko dahil pakiramdam ko wala na akong kawala sa sitwasyong 'to. Para saan ba kasi ang outing na 'to? Sobrang saya ba talaga nila na single na ulit ako?

Napatingin ako kay Xanthos. Wala naman siyang reaksyon sa narinig. Napabuntonghininga na lang ako at muling tumingin kay Cad.

"Oo na, sige na!"

TATLONG ARAW daw kaming mananatili sa beach na tinutukoy ni Cad. Kanya kanya kami ng way papunta ro'n at kay Xanthos na raw ako sumabay. Sa totoo lang medyo kinakabahan ako dahil alam kong mga kasamahan nila sa organisasyon nila ni Xanthos ang mga nandoon.

Hindi naman siguro sila sobrang sama kagaya ng iniisip ko.

"Do you want to eat something?" Xanthos asked while driving.

I just shook my head. "I'm not hungry."

Natigilan ako nang mapansing nakikita ko na ang dagat sa nadadaanan namin. Medyo nakaramdam ako ng excitement. Ang tagal na rin pala noong huli akong nagpunta ng beach. Nawalan na ako ng time simula ng magtrabaho ako.

Makalipas pa ang ilang minuto, nakarating na kami ni Xanthos. Mas lalong umakyat ang kakaibang pakiramdam sa puso ko nang makakita ng maraming kotse na nakaparada.

Agad na bumaba ng kotse si Xanthos at pinagbuksan ako. Kinuha n'ya ang bag ko mula sa 'kin at siya ang nagbuhat no'n.

"So... let's go?" Xanthos asked.

I just smiled and nodded.

Nagtungo kami sa malaking rest house. Talagang malaki 'yon at halos mapaawang ang labi ko sa ganda ng disenyo. Modern rest house ang style n'ya at hindi biro ang laki no'n.

Pumasok na kami sa loob. Bahagya akong napaatras nang makitang halos puro couple ang nasa loob at tila may kanya-kanyang mundo ang mga 'yon. Napakapit ako sa damit ni Xanthos at bahagyang napaatras.

"You'll be fine, Kiara," bulong ni Xanthos sa 'kin at marahang hinawakan ang likod ko.

"Mareng Kiara! Kanina ko pa kayo hinihintay punyemas kayo. Namuti na mga mata namin kakahintay, special kayo, ghorl?"

Tiningnan ko nang masama si Cadence dahil napatingin halos sa amin ang lahat dahil sa lakas ng boses n'ya.

"Halika, mareng Kiara. Ipapakilala kita sa kanila. Don't be shy, mare. Isipin mo na lang na mga itlog sila," sabi ni Cad at hinila ako palapit sa mga kaibigan nila.

"Ito kilala mo naman 'diba? Si Zakarius 'to saka 'yang pangit na katabi n'ya, asawa n'ya 'yan... Si Angel Mendoza," sabi ni Cad.

Napaawang ang labi ko nang mamukhaan ang babae... Artista siya diba? Grabe, hindi ko inaakalang ganito siya kaganda sa personal.

"Hello, Kiara. Nice to meet you," nakangiting sabi ni Angel at naglahad ng kamay. Napalunok ako at nakipagkamay sa kanya.

Ang lambot ng kamay n'ya, nakakahiya.

"Next naman, halika, mare. Ito naman kilala mo na rin. Si Ashteroh 'to, itong katabi n'ya, si Nathalie."

Rainbow ang kulay ng buhok ni Nathalie pero bagay naman 'yon sa kanya. Bumagay 'yon sa features ng mukha n'ya.

"Hello, beh. Ang ganda mo. Akin ka na lang, iingatan ko ang imong heart--aray! Tangina naman, Ashteroh!" reklamo ni Nathalie nang batukan siya ni Ashteroh.

Natawa na lang ako dahil ang cute nilang dalawa.

"Okay tama na kayo. Next naman, kilala mo na rin, si Eron 'to tapos katabi n'ya si Cristina," sabi ni Cad.

Mukhang hindi makabasag pinggan si Cristina. Mukha siyang mabait at talagang maamo ang mukha n'ya. Hindi ko maisip na si Eron ang nakatuluyan ng katulad n'ya.

"Hello, Kiara," mahinhin na sabi ni Cristina at nahihiyang ngumiti sa akin.

"H-Hello," sabi ko na lang din.

"Next malanding couple... Ito naman sina Pirius at Mary Faith."

Napatingin ako kay Pirius, mukha siyang masungit at galit sa mundo. Nakayakap siya sa baywang ni Mary Faith na para bang ayaw na n'yang pakawalan ito.

"I told you just call me Faith, asshole!" asik ni Mary Faith kay Cad. "Don't listen to him, Kiara. Please just call me, Faith," nakangiting sabi n'ya.

"Okay, Faith," nakangiting sabi ko na lang din.

"Ito namang dalawa, sina Remor at Cherry," sabi naman ni Cad.

"Hi, Kiara," nakangiting sabi ni Cherry.

"Hello, Cherry. Nice to meet you," nakangiting bati ko rin sa kanya.

"Siyempre, save the best for last. Ito nga pala ang maganda kong girlfriend na hanggang ngayon hindi mo pa kilala kasi gusto ko pa-mysterious... Ito nga pala Kamelliah Jomelyn, Liah for short," sabi ni Cad at inakbayan ang babaeng huli n'yang pinakilala.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam na may babae na magagawang pumatol kay Cad.

"Shut up, bitch... Hindi mo 'ko girlfriend," nakapamaywang na sabi ni Liah.

"Aw 'no, hindi na naman kita girlfriend. So kailan? Bukas na lang ulit gano'n? Bitch na bitch talaga datingan ko," reklamo ni Cad.

"May reklamo ka, bitch? Kung ayaw mo, pwede na nating tapusin ang--"

"Sige po, I'm your bitch. Kiss mo na lang ang bitch na 'to para manahimik na," sabi ni Cad saka niyakap si Liah.

Napakamot na lang ako sa batok ko dahil puro naglalandian ang mga tao sa paligid. Bakit kailangan kong maranasan 'to?

Napatingin ako kay Xanthos na wala namang kibo at nakatingin lang sa 'kin. Alanganing ngumiti na lang ako sa kanya.

"Okay, guys. Pag-uusapan na natin ang hatian sa kwarto... Since puro naman tayo mag-asawa at magjowa, couples na lang ang maghahati sa kwarto. Eight ang rooms dito, sakto sa eight couples. Okay na ba? Hahatid ko na kayo sa bawat room n'yo para malagay n'yo na mga gamit n'yo ro'n," sabi ni Denise.

"D-Denise... Hindi kami couple ni Xanthos, it will be awkward for us to share a room," I said and raised my hand.

Natigilan ako nang magkatinginan sila. Napakunot ang noo ko nang mapansing tila nagbubulungan sila lalo na ang mga babae.

"Pasensya na, mareng Kiara pero mas komportable ang mga babae rito na tumabi sa mga asawa nila kaya walang may balak tumabi sa 'yo. Wala namang malisya kung mag-share kayo sa kwarto ni Sir Xanthos, diba? Saka may mga anak na kayo, magkakahiyaan pa ba kayo? Hehe," sabi ni Denise at nag-peace sign.

Napakurap na lang ako at napakamot sa batok ko. Muli akong napatingin kay Xanthos... Tamang desisyon ba na pumayag akong sumama rito?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.