Chapter Thirty-Five

"Xanthos, hindi na nga ako aalis," sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Xanthos just hugged me tighter and kissed my forehead. I bit my lower lip and slapped his chest.

"Wala kang tinutupad sa mga sinabi mo," nakasimangot na sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

"I can't stop hugging you. I can't sleep without hugging you like this. I helped you last time when you were cold, help me too. Hmm?" he said and pulled me closer to him.

Napaismid na lang ako at gumanti ng yakap sa kanya. Nakita kong napangiti siya sa ginawa ko. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa leeg n'ya at pasimple siyang inamoy. Hindi pa rin talaga nagbabago ang natural n'yang amoy.

Tumunghay ako at muling tumingin sa mukha ni Xanthos. Napatingin din naman siya sa 'kin.

"Hmm?" tanong n'ya saka sinimulang haplusin ang buhok ko.

Napailing na lang ako at tumitig na lang sa kanya dahil wala naman talaga akong sasabihin. Gusto ko lang talaga siyang titigan.

Nakipaglabanan na lang siya ng titig sa 'kin. Iniyakap n'ya ang braso sa baywang ko habang nakatitig sa 'kin. Pakiramdam ko matatalo ako dahil sa intensidad ng titig n'ya sa 'kin.

"I told you, stop staring at me as if you want to be kissed again," he muttered and gently caressed my cheek.

I bit my lower lip and help his hand on my cheek. Napapikit na lang ako nang dinampian n'ya nang magaan na halik ang labi ko. Tila nadidismayang napatingin ako sa kanya nang agad din n'yang inilayo ang mukha n'ya sa 'kin.

"Hey, I said stop looking at me like that," Xanthos said and pinched my nose.

Napakapit ako nang mahigpit sa damit n'ya habang nakatitig pa rin sa kanya. Tila napigtad ang pagtitimpi n'ya at tuluyang siniil nang malalim na halik ang labi ko.

Agad kong tinugon ang halik n'ya. Napayakap na lang ako sa batok n'ya nang tuluyan siyang pumaibabaw sa akin habang patuloy akong hinahalikan.

I don't know what pushed me to do this. I just found myself wanting to tease him, wanting to be kissed by him again, as if my body is craving for it for a long time... or maybe I really am.

Xanthos' tongue explored the insides of my mouth. I just found myself moving my tongue against his while arching my body to give him more access. Xanthos' hand went down to my stomach. I gasped for air when he suddenly put his hand inside my shirt and touched my bare stomach.

We were both panting when he finally distanced his lips from mine. He stared at me for a moment but he immediately planted small kisses all over my face, especially at my lips. The sound that his little kisses makes is making my body shiver with sensation. I just opened my eyes slowly and looked at him with drunk-like eyes. He stared at me and gently caressed my lips with his thumb.

"I told you to stop teasing me," he mumbled and gave me a soft kiss on the lips again.

Hindi ko na naalala kung gaano katagal kaming naghalikan. I just fell asleep while hugging him... I just fell asleep with swollen lips.

WALA KAMING naging problema ni Xanthos ng mga nakalipas na araw. May mga pagkakataon na kailangan n'yang umalis at pumasok sa kompanya, pero gumagawa siya ng paraan para magkaroon ng time para sa mga bata. Minsan nga ay naaawa ako sa kanya dahil nakikita ko kung gaano siya kapagod pagkagaling sa trabaho.

"Xanthos, wala ng masyadong laman 'yung ref," sabi ko habang nakatingin sa laman ng ref.

"Is that so?" Napatigil si Xanthos sa pagtitipa sa laptop n'ya at napatingin sa 'kin. "I'll go out to buy groceries."

Natigilan kami nang biglang lumapit sa 'min si Denise. Hinawakan ni Denise ang braso ko at hinila ako palapit kay Xanthos.

"Kayong dalawa ang mag-grocery. Suportahan n'yo ang isa't isa, mga mare. Lumabas-labas naman kayo. Ako na ang bahala magbantay rito sa kambal. Sige na, lumabas kayo, mag-date o kung ano man," sabi ni Denise habang bahagya pa 'kong tinutulak palapit kay Xanthos.

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo?" nakakunot-noong tanong ko na lang saka pinitik ang noo n'ya.

"H'wag ka ng pabebe, mareng Kiara. Sige na, kayong dalawa ang mag-grocery. Isama mo siya, Sir Xanthos. Tingnan mo naman, ang putla na ni Kiara dahil hindi na nakakalabas," sabi ni Denise at itinuro pa ako.

Napatitig sa 'kin si Xanthos. Napataas na lang ang kilay ko dahil titig na titig siya sa 'kin na tila ba tinitingnan n'ya kung maputla talaga ako. Gusto ko tuloy matawa. Naniniwala talaga siya sa mga kalokohan ni Denise?

"Do you want to come with me, Kiara?" tanong ni Xanthos.

Bahagyang siniko ni Denise ang tagiliran ko. "H'wag ka ng mag-inarte, mare. Hindi na kayo mga bata kaya maglandian na kayong dalawa at magparami," bulong ni Denise. Tiningnan ko na lang siya nang masama saka hinampas ang braso n'ya.

"Oo raw, Sir. Gustong gusto sumama ni Kiara," sabi ni Denise. "Hintayin mo siya rito, Sir. Magbibihis lang siya... Halika na, mare," sabi ni Denise at basta na lang ako hinila papunta sa kwarto namin ni Xanthos.

Napakamot na lang ako sa batok ko habang ipinipili n'ya 'ko ng damit sa closet.

"Nako, nai-i-stress ako sa inyong dalawa ni Sir. Kailan ba kayo kikilos nang kusa? Bakit kailangan ko gumawa ng way para sa inyong dalawa? Hay nako, hirap na hirap na 'ko maging president ng fans club n'yo ha," panenermon ni Denise saka lumapit sa 'kin at inabutan ako ng damit.

"Bakit kailangang ito pa ang isuot ko?" tanong ko at inangat ang dress na pinili n'ya para sa 'kin.

"Siyempre, date 'yon kaya kailangan maganda ka. I know naman na lagi kang maganda, pero need mo maging maganda lalo. Okay?" sabi n'ya na lang.

Napaismid ako. "Hindi naman kasi 'yon date. Grocery lang ang habol namin kaya kami lalabas," nakapamaywang na sabi ko.

"Basta, hindi 'yan. Magbihis ka na mare at baka mainip si Sir Xanthos sa labas," sabi ni Denise at agad din akong iniwan para makapagbihis.

Napailing na lang ako at sinuot na lang din ang dress na binigay ni Denise. Naglagay lang ako nang simpleng make up at hinayaang nakabagsak ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Denise na panay ang bulong kay Xanthos paglabas ko. Agad na napataas ang kilay ko. Hindi maganda ang kutob ko sa mga pinagsasasabi ng babaeng 'yon kay Xanthos.

"Oh siya, sige na. Umalis na kayong dalawa. H'wag kayong mag-alala sa kambal dahil ako ang bahala sa kanila," pagtataboy sa 'min ni Denise.

Pagkatapos naming magpaalam sa kambal, umalis na rin kami agad ni Xanthos. Tahimik lang kaming pareho sa kotse. Napapaisip ako sa sarili ko kung bakit nasasakyan ko ang trip ni Denise sa buhay.

Napailing na lang ako at napahilot sa sentido ko.

Agad akong pinagbuksan ng kotse ni Xanthos pagdating namin sa mall. Nginitian ko na lang siya saka agad na bumaba ng kotse.

"Kiara..."

Napatingin ako kay Xanthos na seryosong nakatingin sa 'kin.

"Hmm? Bakit?" tanong ko saka napahawak sa braso ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nailang. Dapat talaga mas simpleng damit na lang ang sinuot ko. Grocery lang naman ang ipinunta namin dito... Kasalanan talaga 'to ni Denise.

"Can I hold your hand?" tanong n'ya.

Pakiramdam ko nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa tanong n'ya. Tinitigan ko pa siya lalo para alamin kung seryoso ba siya o nagbibiro lang... Mukhang seryoso siya.

"W-Why do you have to hold my hand?" I asked and cleared the lump in my throat.

"I want to. You can say no if you don't want me to hold your hand," he said and smiled at me.

I bit my lower lip while staring at him. How can I say no when he's giving me a smile like that? Is he doing this on purpose?

"I don't know why do you want to hold my hand... b-but I don't mind," I murmured and avoided his gaze.

Natigilan na lang ako nang maramdaman kong hinawakan n'ya na ang kamay ko. I looked at him when he intertwined our fingers. He bit his lower lip as if he's suppressing himself from smiling.

Hindi na lang ako nagsalita nang maglakad na kami papasok sa mall. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para hindi n'ya mahalata na nanlalamig ang mga kamay ko.

"Look at him, 'yung maraming tattoos, ang gwapo n'ya, 'no?"

Napakunot ang noo ko nang mapansing may mga babaeng nagbubulungan malapit sa 'min. Nakatingin sila kay Xanthos ngayon. Napatingin ako sa hitsura ni Xanthos. He's just wearing a casual clothes, pants and plain white T-shirt so the the tattoos on his arms are visible. It makes him more handsome and appealing.

My forehead creased. I glared at those girls. Napatigil naman sila sa pagbubulungan nang mapansing tumingin ako at agad na lumayo.

The fact that Xanthos is so handsome and attractive despite of his age is kinda irritating for some unknown reason.

"Ahm, Kiara..."

I tried to calm myself when Xanthos called me... Why am I even pissed off?

"Why?" I asked and looked at him.

Natigilan ako nang may ipakitang ticket sa 'kin si Xanthos. He cleared his throat and scratched his thick eyebrow.

"Denise gave these to me. Maybe we should... watch a movie first," he said and avoided my gaze.

I blinked and gulped as my heart beats faster than usual. I bit my lower lip and held his hand tighter. He looked at me when I did that.

"I-It would be a waste if we won't watch that movie," I said and scratched my nape.

Napangiti si Xanthos sa sinabi ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng sinehan at katabi si Xanthos, buti na lang at kaunti na lang ang nanonood ng movie dahil last week na nito sa sinehan. Tragic romance daw ang movie na papanoorin namin. Buti na lang at hindi horror dahil naalala ko na takot si Xanthos sa mga gano'ng movie.

Habang tumatagal ang movie, mas lalo itong nagiging emosyonal. Napapatingin naman si Xanthos sa 'kin sa tuwing naririnig n'ya na napapahikbi ako.

Inabutan ako ng panyo ni Xanthos nang tuluyan na 'kong maiyak sa pinapanood namin. Naramdaman kong bahagya n'ya 'kong hinila palapit sa kanya at inakbayan ako.

"Hey, are you alright?" tila nag-aalalang tanong n'ya.

"W-Why did she have to die? He's all alone now, t-this is so heartbreaking. I won't watch something like this again," naiiyak na sabi ko.

Naiiyak pa rin ako hanggang sa makalabas kami ng sinehan. Hinawakan ni Xanthos ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya. Nakasimangot na napatitig na lang ako sa kanya. Marahan n'yang inangat ang mukha ko upang magtagpo ang mga mata naming dalawa.

Marahan n'yang pinunasan ng panyo ang pisngi ko at gilid ng mata ko. Hinayaan ko na lang siya saka kumapit sa t-shirt n'ya.

"Tingnan mo, ang sweet nila."

"I want a boyfriend like him."

Napansin kong may mga napapatingin sa 'min pero tila wala siyang pakialam do'n... Nasa akin lang ang atensyon n'ya.

"Why are you crying like this over a movie?" Xanthos asked softly and chuckled.

I glared at him. "And you were a scaredy cat over a horror movie," ganting asar ko sa kanya.

"Hey, that was before. Hindi na 'ko takot ngayon," natatawang sabi na lang n'ya.

Kumain muna kami sa isang restaurant bago namin tuluyang napagdesisyunan na mamili. Pakiramdam ko nga siya ang nanay sa 'ming dalawa dahil mas alam n'ya ang mga dapat na bilhin.

Nang matapos na kaming mamili, isinakay na namin sa kotse ang mga pinamili namin. Akmang sasakay na ako sa kotse nang mapansing pamilyar ang kotse na katabi ng sa amin ni Xanthos.

Bahagya akong napaatras nang bumukas 'yon. Natigilan ako nang makitang bumaba ng kotse si Archer. Maski si Xanthos ay halatang natigilan.

"Kiara..." sabi ni Archer habang nakatingin sa akin.

"W-What are you doing here?" I asked.

"Can we talk? Kahit saglit lang, please," pakiusap n'ya habang nakatitig sa 'kin.

Napatingin ako kay Xanthos. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon... Bakit tila nagpapaaalam ako sa kanya kung pwede kong kausapin si Archer.

Xanthos just gave me a small smile and nodded.

Napagdesisyunan ko na lang na sumama kay Archer. Nagtungo kami sa malapit na coffee shop at doon nag-usap.

"Kumusta ka na, Kiara?" tanong ni Archer saka ngumiti sa akin.

Napatungo ako at napahawak sa laylayan ng dress ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin nang ayos sa kanya.

Hiwalay na kami pero pakiramdam ko nahuli n'ya ako na may kasamang iba... hindi komportable ang pakiramdam ko dahil siguro ilang linggo pa lang ang nakakalipas nang maghiwalay kami.

"Don't worry, hindi kita pipilitin na makipagbalikan. Gusto ko lang humingi ng sorry sa mga nasabi ni Mom sa 'yo. I'm really sorry, Kiara," hinging paumanhin n'ya.

Napatingin ako sa kanya. "You don't have to say sorry. It's not your fault," I mumbled and smiled faintly at him.

Saglit kaming natahimik. Sa totoo lang sobrang naiilang ako sa mga oras na 'to. Ang mga gusto kong sabihin kay Archer noon ay ayaw ng lumabas sa bibig ko ngayon.

"I know you still love him, Kiara. Kahit noong tayo na, alam kong mahal mo pa rin siya... Alam kong iba ang pagmamahal mo para sa kanya," sabi ni Archer saka tipid na ngumiti.

Pakiramdam ko may kung anong kumirot sa puso ko nang makita ang ngiti n'yang 'yon.

"I-It's not like that, Archer. You know that I really loved you, right? I was sincere, I-I admit I kind of used you at first but I really developed feelings--" agad n'yang pinutol ang sasabihin ko.

"Don't worry, I know, Kiara... I know you were sincere. I know that you loved me... but not the way that you did towards him. And that's okay. I was lucky enough to be loved by you even for a short time. I'm more than thankful," Archer said and smiled at me.

I bit my lower lip when my vision became blurry because of my tears. Agad namang tumayo si Archer at lumapit sa 'kin. Lumuhod siya at agad akong inabutan ng panyo.

"Hey, don't cry... Baka isipin ni Xanthos, pinapaiyak kita," sabi ni Archer saka bahagyang natawa.

"I'm sorry, Archer... I was so lucky too, I'm lucky to be loved by a good man like you even though I don't deserve it," I said while crying.

Archer smiled and gently wiped my tears with his thumb.

"Thank you for saying that. Thank you for everything, Kiara. I will never forget you, and I hope... when everything's fine, I hope we can still be friends." He stood up. "I'm sincerely wishing for your happiness. I hope you'll be finally happy with him."

Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik matapos ng naging pag-uusap namin ni Archer. Napagtanto ko kung gaano ako kaswerte na may nagmahal sa 'kin na katulad n'ya... alam n'ya ang totoong nararamdaman ko pero pinili n'ya pa rin ang mahalin ako.

Natigilan ako nang mapansing tahimik lang si Xanthos na nagmamaneho sa tabi ko. Hindi na lang din ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa pad n'ya. Hindi ko alam kung bakit siya natahimik... may naging problema ba kami?

"Kiara, Cad is inviting me at his bar. I'll go home before 12," pagpapaalam sa 'kin ni Xanthos nang sumapit ang gabi.

Tumango na lang ako at hinayaan siyang umalis. Hindi ko alam kung bakit tila hindi ako mapakali dahil sa pagiging tahimik n'ya. Gusto kong malaman kung ano'ng problema, pero nahihiya akong magtanong sa kanya.

Malapit ng mag-12 pero hindi pa nauwi si Xanthos. Tumambay na lang ako sa living room para hintayin siya. Hindi rin kasi ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. Dapat hindi na lang siya nagsabi ng oras para hindi ako nag-aalala.

"Mareng Kiara! Help!"

Napatayo ako nang marinig ang boses ni Cad. Agad akong lumapit sa kanya nang makitang akay akay n'ya si Xanthos na mukhang lasing na lasing.

"D-Dalhin natin siya sa kwarto," sabi ko na lang at tinulungan siyang akayin si Xanthos.

"Bakit naman siya nagpakalasing nang ganyan?" tanong ko kay Cad nang maihiga na namin sa kama si Xanthos.

"Nako, secret na lang, lods. Sige, sibat na 'ko." Akmang aalis si Cad pero napalingon siya sa akin. "Ingat ka, mare. Nagiging honest si Xanthos kapag lasing," nakangising sabi ni Cad bago tuluyang umalis.

Napailing na lang ako at inasikaso na si Xanthos. Pinunasan ko na lang siya matapos kong hubarin ang sapatos n'ya.

Akmang tatayo na ako ngunit agad na nahawakan ni Xanthos ang kamay ko. Natigilan ako nang bumangon siya habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa 'kin.

"X-Xanthos?"

Natigilan ako nang marahan n'ya akong hinila para yakapin. Hindi naman agad ako nakakilos sa ginawa n'ya.

"Ikaw ba si Kiara? S-Si Kiara North?" bulong n'ya habang nakayakap sa 'kin.

Bahagyang ngumiti ako at tumango. "Oo, ako si Kiara North."

Hindi agad siya nakapagsalita. Naramdaman ko lang ang mabibigat n'yang paghinga sa leeg ko.

"If you're Kiara North... then you must be the woman I love the most."

Pakiramdam ko natulos ako sa pwesto ko ngayon nang marinig ko ang sinabi n'ya. Bumigat ang paghinga ko at tila nanghihinang napakapit sa damit n'ya.

"W-What did you say?" I asked.

Is he saying the truth? But Cad said... Cad said that he's honest when he's drunk.

"I-I will try to forgive your father. I will try to forget everything they did. I will even release him from that prison if you want me to... I will be a better man, I will be a better version of myself yesterday, I will be better everyday. I will always be good to you... Just please, stop loving him. Don't love him anymore... Just love me instead. P-Please," he muttered and hugged me tighter.

"X-Xanthos," I mumbled and gripped his shirt tighter.

Ang lakas ng kabog ng puso ko na tila nabibingi na ako dahil do'n. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tila naluluha ako dahil sa mga sinabi n'ya.

"I-I love you so much, Kiara North... Mahal na mahal talaga kita, sobrang mahal na mahal kita."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.