Chapter Thirty-Four

"Mga mare, gusto pa sana namin magtagal 'to kaso busy tayo sa kanya kanyang life. Sana maulit 'to guys, bye! Ingat kayo sa biyahe!" paalam ni Denise at kumaway sa 'min bago sumakay sa kotse ni Xceron.

"Bye, girls. I had a great time with you all. Sana makapag-chikahan tayo ulit next time," sabi naman ni Angel bago sila umalis ni Zak.

Nagpaalam na rin ako sa kanila bago ako pinagbuksan ng kotse ni Xanthos. Sumakay na lang din siya agad sa loob pagkasakay ko. Natahimik na lang ako at minabuting tumingin sa labas.

Kanina ko pa siya hindi kinikibo, pagkagising pa lang namin. Hindi naman sa ayaw ko siyang kausapin, sadyang nahihiya lang ako nang sobra sa nangyari kagabi. Kung pwede lang talaga burahin ko sa isip n'ya ang nangyari kagabi para lang maging normal ulit kaming dalawa.

"Do you want to eat something?" Xanthos asked while his eyes is still on the road. He's always asking that... kahit ano pa'ng sitwasyon namin.

"I-I'm not hungry," I answered and just closed my eyes.

Magpapanggap na lang ako na tulog para hindi na n'ya ako kausapin.

Natahimik na siya nang mapansing nakapikit ako. Pilit kong pinakakalma ang paghinga ko pati na rin ang nag-iingay kong puso. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko kagabi at pumayag akong makipaghalikan sa kanya... Ano na lang ang iisipin n'ya tungkol sa 'kin?

Pasimple akong napahawak sa labi ko. Halos hindi ako nakatulog nang ayos kagabi. Hindi ko maalala kung anong oras na 'ko nakatulog habang si Xanthos tulog na tulog na sa tabi ko.

Paano n'ya nagawang matulog nang mahimbing sa kabila ng nangyari?

I just shook my head and screamed internally. I really couldn't handle this anymore. Mababaliw ako kakaisip at kaka-overthink. Naiinis ako na sobrang cool lang ni Xanthos sa mga nangyayari habang ako para ng masisiraan ng bait dito.

"I'm thinking about it too."

Natigilan ako at bahagyang napadilat saka lumingon kay Xanthos nang magsalita siya. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

"Ha? What do you mean?" I asked.

"Our kiss last night, I'm thinking about it too... Hindi rin ako mapakali, Kiara," sabi n'ya habang nasa daan pa rin ang tingin.

Natigilan ako nang mapansing bahagyang namumula ang tainga pababa sa leeg n'ya. Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang sarili ko na mapangiti sa hitsura n'ya ngayon.

Minabuti ko na lang na hindi magsalita at muling pumikit. Hindi ko alam kung bakit sumaya ako nang kaunti nang malaman na hindi lang ako ang hindi mapakali tungkol sa nangyari. Akala ko talaga ako lang ang nag-iisip ng nangyari.

PAGKARATING NAMIN sa pad ni Xanthos, agad akong bumaba ng kotse. Si Xanthos na ang nagbitbit ng bag namin pareho at agad ding sumunod sa 'kin.

Excited na pumasok ako sa loob at naabutan ko ang kambal sa living room habang nakikipaglaro kay Abi. Agad akong napangiti nang makita ang mga anak ko.

Napalingon sila sa akin. Agad na napasinghap si Xiana at dali daling tumakbo papalapit sa akin. Gano'n din naman si Xevan.

"Mama! We missed you so much!" hiyaw ni Xiana at nagtatatalon habang nakayakap pa rin sa baywang ko.

"Mama..." sabi naman ni Xevan saka yumakap din sa 'kin.

"Na-miss ko rin kayo, mga baby ko." Lumuhod ako at pinupog ng halik ang mukha nila. Todo hagikhik naman sila na ang sarap pakinggan.

Napalingon si Xiana sa likuran ko. "Papa!"

Nagsilipatan ang kambal kay Xanthos at agad na nagpabuhat dito. Sabay na binuhat ni Xanthos ang kambal. Napayakap naman silang dalawa sa leeg ni Xanthos at halatang tuwang tuwa rin sila na makita ang Papa nila.

"Papa! Meron na po ba kaming new sister?" excited na tanong ni Xiana.

Pakiramdam ko nasamid ako sa tanong n'ya. Maski si Xanthos ay halatang natigilan.

"W-Where did you get that ridiculous idea?" Xanthos asked and looked at me.

"Sabi po ni Ninang Denise, pagbalik n'yo raw pong dalawa galing sa beach, magkakaroon na raw po kami ng new sister or brother ni Kuya Xevan," sabi ni Xiana habang hindi maalis ang ngiti sa labi nito.

Napasapo ako sa noo ko. Parang gusto ko tuloy puntahan ngayon si Denise at tadyakan. Kung ano-anong tinuturo n'ya sa mga anak ko.

"Nandito na kayong dalawa, aalis na 'ko ha..." sabi ni Abi saka kinuha ang bag n'ya.

"Abi, usap tayo sa labas," sabi ko saka hinawakan ang kamay n'ya. "Xiana, Xevan... dito muna kayo sa Papa n'yo. Mag-uusap lang kami ng ninang Abi n'yo sa labas."

Lumabas din kami agad ni Abi at nagtungo sa pool area.

"Abi, kumusta na si Archer?" tanong ko, bakas pa rin ang pag-aalala sa boses ko.

Abi sighed and gave me a faint smile. "He's fine, don't worry... pero hindi n'ya pa rin matanggap ang break up n'yo. Last time lang, nakipag-away siya kay Mom dahil nga nalaman n'ya ang nangyari."

Napabuntonghininga ako at napahawak sa laylayan ng damit ko. Sabi na nga ba at mangyayari 'yon.

"Wala kang kasalanan, bitch. Sadyang gano'n talaga si Mom. Ayoko na ring ipilit ang sa inyo ni kuya dahil magugulo lang ang mga buhay n'yo pareho. Siguro hindi lang talaga kayo para sa isa't isa," sabi ni Abi at napabuntonghininga saka hinawakan ang kamay ko.

"S-Sorry, Abi... You know I love your brother, right? I really love him, but my children are the ones who will suffer if we continued our relationship... You know too that I love my children more than anything," I said and smiled faintly.

"I know, Kiara, and I understand. You don't have to be sorry. Just focus on your kids and if possible, try to look deep inside your heart. I guess there's someone that you really love more than you love my brother... I can see it anyway, Kiara. Kahit noon pa, masyado ko lang ipinipilit ang sa inyo ni kuya dahil gusto kita maging sister-in-law," natatawang sabi n'ya.

Napakunot ang noo ko. Napangiti na lang si Abi at yumakap saka nagpaalam na bago umalis.

Siguro mas makakabuti na rin para sa amin ni Archer ang h'wag na lang muna mag-usap. Darating naman siguro ang araw na magiging komportable ulit kami sa isa't isa... kapag naka-move on na kaming pareho sa mga nararamdaman namin.

"Papa, na-miss ko po ang mga luto n'yo," nakangusong sabi ni Xiana habang nakaupo sa kandungan ng Papa n'ya.

"Me too," segunda ni Xevan na nakaupo sa sahig habang nakayakap sa binti ni Xanthos.

Napangiti na lang ako habang tahimik na nakaupo at nakatitig sa kanila. Mas lumalabas ang kulit ng kambal kapag si Xanthos ang kasama nila. Pakiramdam ko ay kaya kong umupo lang dito maghapon at panoorin silang tatlo.

"What do you want me to cook?" Xanthos asked and pinched Xiana's nose gently.

"I want to try your menudo, Papa. Hindi ko pa po natitikman 'yung luto n'yong menudo," nakangusong sabi ni Xiana.

Natigilan si Xanthos at napaubo. Pasimple siyang tumingin sa 'kin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at napakamot sa leeg ko.

"Okay, I'll cook it for you if that's what you want," Xanthos said and rumpled Xiana's hair gently.

Nagtungo na sina Xanthos sa kusina para magluto. Nakasunod naman ang mga anak namin sa kanya at mukhang balak na namang guluhin siya sa ginagawa.

Nagtungo na lang din ako sa kusina para panoorin sila. Hindi ko alam kung bakit sobrang nakukuntento na 'kong panoorin ang kulitan nilang tatlo... Ang cute lang kasi talaga nilang tingnan.

Naghain na si Xanthos pagkatapos n'yang magluto. Nitong mga nakaraang araw ko nakita na asikasong asikaso n'ya lagi ang kambal. Hindi ko talaga maiwasang isipin na swerte pa rin ako at siya ang tatay ng mga anak ko.

"Here's yours, please don't spill it again just like before," Xanthos murmured when he sat beside me.

"W-Why do you keep on reminding me that?!" naiinis na sabi ko at hinampas ang braso n'ya.

Xanthos just laughed and started eating. I just rolled my eyes at him and started eating too... His menudo still tastes like before. Pakiramdam ko ito pa rin ang pinakamasarap na menudong natikman ko.

"Wow, Papa! It tastes so good. This is my favorite na!" tuwang tuwa na sabi ni Xiana.

Napangiti si Xanthos habang nakatitig sa mga bata na ganado kumain.

"Kanina ka pa titig nang titig sa 'kin." Xanthos looked at me. "You make me wanna bite you," he said and gave me a teasing smile.

I gasped and covered his face with both of my hands. Xanthos chuckled and removed my hands on his face. Akmang babawiin ko na ang kamay ko mula sa kanya pero hinawakan n'ya lang nang mahigpit ang mga 'yon nang isang kamay n'ya lang... pero hindi naman gano'ng kahigpit na tipong nakakasakit.

"X-Xanthos... my hands," I mumbled while trying to avoid his gaze.

"You've been staring at me as if you wanna be kissed again... You don't play fair, why keep teasing me like that?" he mumbled while still staring at me.

I gasped when he suddenly pulled my chair closer to him. He finally let go of my hands but he cornered me with his arms... Todo iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko sa hindi ko malamang dahilan.

"OMG! Ang sweet n'yo po! Ibig sabihin po ba dito na tayo titira kasi love na ni Mama at Papa ang isa't isa?"

Natigilan naman kaming pareho ni Xanthos at napalingon kay Xiana. Agad akong napailing at bahagyang tinulak si Xanthos palayo.

"N-No, it's not the case, Xiana..." I said and tried to push Xanthos again but he just pull me closer to him.

"Kiara..."

Napatingin ako kay Xanthos. Ang kaninang nang-aasar na mukha nito ay naging seryoso.

"Why don't you consider it?" he asked in a soft voice. "I promise I won't touch you without your permission or do something that you won't like... I won't hurt you and I will be good to you." He gulped, he seems nervous. "Why don't you just... stay here with me? I'm just... I'm just so done with the cold nights, I'm so tired of sleeping alone... You don't have to sleep beside me, you don't have to always talk to me, you'll have the liberty to do whatever you want... Just stay here with Xiana and Xevan. That's all I ask for," bulong n'ya habang hindi maalis ang seryosong titig sa 'kin.

Natahimik ako habang nakikipaglabanan ng titig sa kanya. Napahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng dress ko. Napalunok ako at pinakatitigan nang maigi ang mga mata n'ya.

Napatingin ako sa kambal. Nagsusumamo ang mga mata nila na tila ba sinasabi nila na dito na lang kami tumira kasama si Xanthos.

Muli akong napatingin kay Xanthos. Napalunok ako at napatango... pakiramdam ko kusang gumalaw ang katawan ko at ang labi ko.

"S-Sige, dito na lang ulit kami titira."

Agad na napatayo sina Xiana at Xevan at nagsisigaw sa tuwa. Napangiti naman si Xanthos at tila nakahinga nang maluwag sa naging sagot ko.

"H-Hindi ako pumayag para sa 'yo, pumayag ako na dito ulit dahil sa kambal," bulong ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.

Natigilan ako nang marahang hinawakan ni Xanthos ang baba ko at pinaharap ako sa kanya. Ang ganda ng ngiti sa labi n'ya ngayon.

"Of course, baby. It's for Xiana and Xevan. I know, but I'm still delighted," he said and took my hand and gently kissed it while staring at me.

My heart beats faster and my face instantly reddened. I immediately took my hand away from him.

"Y-You said you won't touch me without permission," I said while stuttering.

Xanthos chuckled. "Oh, sorry. I did it unconsciously... I won't do it again," he said and slightly distanced himself from me.

"S-Siguraduhin mo lang," nauutal na sabi ko na lang saka napaismid.

Tamang desisyon ba 'to? Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na parang nagiging padalos-dalos ako sa pagdedesisyon.

"Mareng Kiara, sana h'wag ka ng bumalik sa unit ko at dito ka na lang talaga forever," nakangiting sabi ni Denise matapos n'yang dalhin ang mga gamit ko mula sa unit n'ya.

Mukhang tuwang tuwa na naman ang bruhang 'to.

"H'wag kang mag-isip ng kung ano-ano diyan. Pinagbigyan ko lang ang gusto ng kambal," sabi ko na lang at kumagat sa French fries na iniluto ni Xanthos kanina.

"Ay weh? Ang tagal ka ng pinipilit ng kambal na tumira kayo rito, bakit ngayon ka lang pumayag?" nakangising tanong ni Denise.

Napatingin ako kay Xanthos na nakikipaglaro sa kambal sa living room. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at muling napatingin kay Abi.

"Kung ano-ano namang iniisip mo... Sadyang hindi na kami mga bata, saka na-realize ko na hindi naman masamang pagbigyan ko 'yung kambal sa ganitong bagay dahil sila rin ang nahihirapan sa palipat-lipat kada linggo," sabi ko na lang saka muling kumain ng fries.

"Ay sus, sige na, oo na," sabi na lang ni Denise. "Dahil sa kambal daw, lol," narinig kong bulong ni Denise. Tiningnan ko naman siya nang masama.

Umalis din agad si Denise dahil may kailangan pa raw siyang gawin. Pagsapit ng gabi, inasikaso ko na ang kambal para sa pagtulog nila. Akmang tatabi ako sa kanila pero agad nila akong pinigilan.

"Mama, dapat po magkatabi ang Mama at Papa," napapahikab na sabi ni Xiana. Napakunot ang noo ko.

"What do you mean?" I asked.

"Dapat po kayong dalawa ni Papa ang share sa room," dagdag pa ni Xiana.

Nagkatinginan kami ni Xanthos na nakatayo at nakasandal sa pinto. Wala na kaming nagawa kundi ang lumabas ng kwarto dahil pinagpipilitan nila na dapat kaming mag-share sa kwarto ni Xanthos.

"Don't worry, I'll just sleep on the couch if you're not comfortable," sabi ni Xanthos at kumuha ng isang unan. Akmang aalis na siya ngunit agad ko siyang tinawag.

"X-Xanthos!"

Napalingon siya sa 'kin. "Hmm?"

"W-We can just... sleep here together. The bed is big anyway," I murmured while trying to avoid his gaze.

Napatitig sa 'kin si Xanthos. Hindi ko mabasa ang iniisip n'ya ngayon.

"Teasing me should have limitation too, Kiara," sabi ni Xanthos at lumapit saka umupo sa kama.

"I-I'm not teasing you! Nagmamagandang loob lang ako," nakakunot-noong sabi ko.

Natawa si Xanthos sa naging reaksyon ko at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Tahimik na humiga na kaming pareho. Medyo malaki-laki naman ang espasyo sa pagitan naming dalawa kaya sa tingin ko magiging okay lang ang lahat.

Natigilan ako nang tumunog ang phone ko sa bedside table. Kinuha ko 'yon at binasa ang text... Natigilan ako nang makitang mula kay Archer iyon.

Kiara, please let's talk. Even for the last time. Please, Kiara.

I bit my lower lip when I read his text. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Napabuntonghininga ako nang magsend ng address si Archer. Napakagat na lang ako sa kuko ko.

"Who's that?" Xanthos asked, he's staring at the ceiling.

"A-Archer," I answered in a soft voice.

I sighed and stood up. Maybe I should really talk to him one last time. Hindi maayos ang huli naming pag-uusap, siguro nga ay kailangan muna namin ng closure para wala kaming samaan ng loob pareho.

Nagtungo ako sa pinto ng kwarto at akmang bubuksan 'yon ngunit natigilan na lang ako nang agad na humarang ang kamay ni Xanthos do'n.

"Where do you think you're going?" he murmured to my ear.

My whole body shivered because of some unknown reason. I turned my back on the door and faced Xanthos... Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko ngayon.

"I-I'll talk to him one last time, it's just for closure. I think we both need it," I said and avoided his gaze.

Xanthos held my chin and made me face him. He sighed and gently caressed my cheek.

"Do you want to see him?" he asked in a low tone while staring at me.

Hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakatitig sa mga mata n'ya at pilit na inaalam ang iniisip n'ya ngayon. Napatitig ako sa mga mata n'ya. Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ko nagsusumamo ang mga mata n'ya na h'wag na 'kong tumuloy at manatili na lang dito.

Pakiramdam ko kusang gumalaw ang kamay ko upang hawakan ang kamay n'ya na nakahawak sa pisngi ko. Napalunok ako habang nakatitig pa rin sa kanya.

"S-Siguro... hindi na lang ako aalis."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.