"Damn, I'm still not good at this."
Napangiwi ako nang matikman ang soup na ginawa ko. I already attended cooking class before just like Xanthos but I'm still not as good as him. That's not fair. He's almost good at everything... well, especially in bed.
I just giggled and shook my head. Masakit na nga ang buong katawan ko, nagawa pang gumana ng malanding hormones ko.
Sana lang talaga mapagtyagaan ni Xanthos ang soup na 'to. Tulog pa siya ngayon kaya ako na ang nagluto dahil ako naman ang unang nagising. Masakit pa talaga ang katawan ko pero kaya ko namang kumilos.
"Hmm, maybe I should add some seasonings," I mumbled. My soup really tastes bland.
"Kiara!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang nagpa-panic na boses ni Xanthos. Nakapamaywang na hinarap ko siya.
"Why are you shouting my name first thing in the morning? Kung makasigaw ka naman akala mo may sunog o--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang agad na lumapit sa 'kin si Xanthos at sinugod ako ng yakap. Napakurap na lang ako at ginantihan na lang din siya ng yakap.
"Damn, I though it was just a dream. I can't believe last night was real... I'm so damn happy," he murmured and hugged me tighter.
Napaismid na lang ako nang nanlambot na naman ako sa yakap n'ya. Yumakap na lang ako nang mahigpit sa baywang n'ya. Agad namang sinubsob ni Xanthos ang mukha sa leeg ko.
"What makes you think that last night was just a dream?" I chuckled.
Xanthos distanced his face on my neck and stared at me. I smiled when I saw his face. He really looked scared as if I will be gone in his sight.
"Last night was too good to be true... You said you love me, we kissed, we had a wonderful sex... I was scared when I woke up without you by my side. I though everything that happened last night was just a dream," he mumbled while staring at me.
I laughed and hugged his waist. "Ang praning mo naman... Gano'n mo ba ako kamahal?" natatawang tanong ko.
"I love you more than myself," agad na sagot n'ya habang titig na titig sa 'kin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at nagpigil ng ngiti. Dinampian ko ng halik ang labi n'ya saka yumakap sa batok n'ya.
"Upo ka muna, tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko. Okay?" sabi ko saka bahagyang kinurot ang matangos n'yang ilong.
Muli ko na siyang tinalikuran at ibinalik ang atensyon ko sa niluluto ko. Natigilan na lang ako nang maramdaman kong agad na yumakap si Xanthos sa akin na tila ayaw n'ya 'kong pakawalan.
"Xanthos... hindi naman ako mawawala," sabi ko na lang saka hinawakan ang kamay n'ya na nakayakap sa baywang ko.
"I love you so much," bulong n'ya saka muling sinubsob ang mukha sa leeg ko.
Napailing na lang ako at hinayaan siyang nakayakap sa 'kin habang inaayos ko ang ginawa kong soup. Mukha namang wala ng balak magpapigil ang lalaking 'to.
Nang matapos na 'ko, pinaupo ko na si Xanthos. Akmang uupo ako sa tabi n'ya pero agad n'ya 'kong hinila paupo sa kandungan n'ya. Muli siyang yumakap sa baywang ko.
"Dito ka lang," sabi n'ya saka bahagyang kinagat ang balikat ko.
"Xanthos... Why did you do that?" I asked and chuckled when he bit my shoulder again.
Nahihirapan akong kumilos dahil ayaw n'yang humiwalay sa 'kin pero hinayaan ko na lang siya. Hindi rin naman ako makakatanggi kapag tumingin ako sa mukha n'ya.
"Xanthos... ikaw na lang ang gumawa ng soup for us," sabi ko saka tumagilid at yumakap sa batok n'ya.
Xanthos' forehead creased. "Why? You already made one, let's eat this," he said and pointed the soup I made.
"That soup... is terrible," I murmured and scratched my nape.
Xanthos chuckled and kissed my lips. "I will still eat it because you made it," he said and took the spoon to have a taste of the soup I made.
I stared at him and waited for his reaction.
"It doesn't taste terrible, it's just kinda bland. We can still do something about this," he said then hugged my waist tighter.
"Mahal mo pa rin ako kahit ganito ako magluto?" nakakunot-noong tanong ko.
Natawa si Xanthos. "Of course... I can cook for us anyway."
I sighed and buried my face on his neck. "Teach me how to cook, Xanthos. I want to learn how you cook delicious menudo and carbonara," I said and played with his hair.
"Sure, baby," he mumbled and kissed my temple.
HINDI KO alam kung gaano kami katagal naglandian ni Xanthos sa bahay n'ya na 'yon. Kung hindi ko pa ipapaalala sa kanya ang kambal, baka nakayakap pa rin siya sa 'kin at hindi nakilos.
"Ay wow, matapos kong alagaan ang mga anak n'yo at papasukin sa school, babalik kayo rito nang hindi na mapaghiwalay? Grabe naman, mga mare," napapailing na sabi ni Cad habang nakatingin sa 'min.
Hindi siya pinansin ni Xanthos at tuloy lang na nakayakap sa 'kin. Natatawang napailing na lang ako at marahang hinaplos ang likod n'ya... para siyang bata.
"H'wag ka ngang panira, Cad. Nakakakilig kaya! Myghad, sa wakas at nangyari na talaga ang matagal ko ng hiling," tila kinikilig na sabi ni Denise habang nakatingin sa 'min ni Xanthos.
Natigilan lang kami nang umalis si Xanthos sa pagkakasubsob sa leeg ko saka tiningnan nang masama sina Cad.
"Umalis na kayong dalawa," masungit na sabi ni Xanthos saka mas lalo akong hinila palapit sa kanya.
"Ay grabe, Sir... wala kang utang na loob sa president ng fans club n'yo. Excuse me lang, pero ang laki ng contribution ko. Kung wala ako, malamang hanggang ngayon hindi pa kayo nagbabalikan kasi mga pabebe kayo," nakapamaywang na reklamo ni Denise.
"Thank you, Denise," nakangiting sabi ko na lang.
Si Xanthos naman ay tila walang pakialam sa pag-e-emote ni Denise at patuloy lang na nakayakap sa 'kin.
"Fine, makalayas na nga lang. Mukhang gusto na kaming sipain paalis ni Sir, e," napapailing na sabi ni Denise saka tumayo at lumabas na ng pad ni Xanthos
"Bye na rin, malalandi." Napakamot naman si Cad sa batok n'ya at sumunod na lang din kay Denise at umalis.
"Umalis na sila, Xanthos," sabi ko na lang saka marahang hinaplos ang buhok n'ya.
"I love you so much," Xanthos murmured and planted soft kisses on my neck.
I smiled and swirl his curly hair around my finger. "I love you too."
Napatunghay si Xanthos sa sinabi ko saka tumitig sa 'kin. He let out a heavy sigh and caressed my cheek gently. He smiled at me and kissed my lips.
"Please, say it again," sabi n'ya habang titig na titig sa akin.
"I love you, Xanthos Archante. I love you, I love you, I love you..."
Xanthos bit his lower lip and smiled. Tila nanggigigil na niyakap na naman n'ya ako saka sumubsob sa leeg ko. Natawa na lang ako ay niyakap din siya. Para talaga siyang bata ngayong araw.
NANG SUMAPIT na ang uwian ng kambal, napagdesisyunan na naming puntahan sila sa school para sunduin. Malamang magugulat ang kambal dahil ito ang unang beses na parehas kami ni Xanthos na susundo sa kanila.
"Xanthos, dalhin muna natin sa mall ang kambal bago tayo umuwi," sabi ko saka yumakap sa braso n'ya pagkalabas namin sa kotse.
"Sure, baby..." he said and kissed my hand.
"Mama! Papa!"
Agad akong napangiti nang marinig ang boses ni Xiana. Nag-uunahan silang tumakbo ni Xevan papalapit sa amin ni Xanthos. Agad akong yumuko at pinupog ng halik ang kambal. Napahagikhik naman sila sa ginawa ko.
"Mama, parehas po kayong pumunta ni Papa! I'm so happy!" tuwang tuwa na sabi ni Xiana nang buhatin sila ni Xanthos.
"Mama, love n'yo na po ang isa't isa?" tila inosenteng tanong ni Xevan habang nakayakap sa leeg ng Papa n'ya.
Natawa na lang ako at bahagyang kinurot ang maliit na ilong ni Xevan. Kung ano-ano talaga ang tinuturo ni Denise sa mga anak ko.
Panay ang kwento ni Xiana nang nasa kotse na kami. Halatang tuwang tuwa sila na sabay kaming sumundo ni Xanthos sa kanila. Hindi pa kasi kami nakapunta nang sabay sa school nila, ito ang unang beses.
Nagtungo agad kami sa mall. Nakahawak sa 'kin si Xevan habang si Xiana naman ay buhat ni Xanthos. Panay pa rin ang kwento n'ya. Napapangiti na lang ako habang nakikinig.
"Tapos Papa, meron pong lumapit sa 'kin na classmate ko. He said crush n'ya raw po ako," sabi ni Xiana.
Kitang kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ni Xanthos. Agad na napakunot ang noo n'ya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko upang magpigil ng tawa.
"Who is he?" mariing tanong ni Xanthos kay Xiana.
Pabiro kong hinampas ang braso ni Xanthos saka bumulong sa kanya.
"Don't be so mad, Daddy... It looks like you wanna beat someone up," natatawang sabi ko saka hinawakan ang kamay n'ya.
Napaismid na lang si Xanthos. "Kiss me if you want me to calm down," sabi n'ya saka inilapit ang pisngi sa 'kin.
Natawa na lang ako at dinampian ng halik ang pisngi n'ya.
"OMG, Mama! Ang sweet n'yo po ni Papa," tila kinikilig na sabi ni Xiana.
Natawa na lang si Xanthos at dinampian ng halik ang pisngi ng anak namin. Napangiti na lang ako habang nakatitig sa kanila.
Ang tagal din naming naglaro at naggala sa mall. Kitang kita ko sa kambal na tuwang tuwa sila. Kung minsan ay napapatitig na lang ako sa kanilang tatlo sa tuwing naglalaro sila... Napapaisip ako na sobrang swerte ko dahil kitang kita ko kung gaano kamahal ni Xanthos ang mga anak namin.
"Mama..."
Napatingin ako kay Xiana. Hinihintay namin dito ang Papa n'ya pati si Xevan na bumili ng ice cream. Natigilan ako nang yumakap si Xiana sa baywang ko saka ngumiti nang matamis sa 'kin.
Pakiramdam ko tila may kung ano'ng humaplos sa puso ko nang makita ang magandang ngiti ng anak ko.
"Super happy ko po na love n'yo na ni Papa ang isa't isa. Super happy ko po talaga," sabi n'ya habang nakayakap pa rin sa akin.
Napangiti ako at marahang hinaplos ang buhok n'ya.
"Sorry kung kayo ang nahirapan ni Xevan sa naging setup namin ng Papa n'yo... Don't worry, babawi kami sa inyong dalawa. Mas magiging mabuting magulang pa lalo kami sa inyo," sabi ko saka dinampian ng halik ang noo n'ya.
"Best parents na po kayo para sa 'min ni Kuya Xevan. Kaya nga po love na love namin kayo," sabi ni Xiana saka mas hinigpitan ang yakap sa 'kin. Lalo naman akong napangiti at napayakap din sa kanya.
Natigilan kami ni Xiana nang makarinig ng iyak ng bata sa bilihan ng ice cream kung nasaan sina Xanthos. Agad kong hinawakan kamay ni Xiana at nagtungo kami ro'n.
Natigilan kami nang makitang may batang babae na naiyak sa harapan nina Xanthos. Agad akong lumapit sa kanila dahil nagtitinginan na ang mga tao sa direksyon nila.
"What happened here, Xanthos?" tanong ko nang makalapit sa kanila.
Xanthos scratched his nape. "I-I don't really understand. She just suddenly cried," Xanthos said while looking at the kid.
"He's scary!" iyak ng bata saka itinuro si Xanthos.
Napakurap si Xanthos at nagtatakang itinuro ang sarili n'ya. Agad kong hinampas ang braso ni Xanthos at tiningnan siya nang masama.
"Pati ba naman bata, tinatakot mo?" panenermon ko sa kanya.
"I-I didn't do anything to that kid, baby. Tanungin mo pa si Xevan," depensa n'ya saka itinuro si Xevan na tahimik lang sa tabi n'ya.
"Papa didn't do anything bad to her, Mama. Sinabihan lang po siya ni Papa na h'wag siyang sisingit sa pila dahil bad 'yon," paliwanag naman ni Xevan.
Agad na dumating ang nanay ng batang naiyak.
"Bakit ka naiyak? Sino'ng umaway sa 'yo?" tanong nito habang pinupunasan ang luha ng anak.
"Ate, that scary guy got mad at me! Sumingit lang naman po ako sa pila!" sumbong ng bata saka itinuro si Xanthos.
Mukhang kapatid pala ng babae ang bata.
Agad na tumayo ang babae at galit na hinarap si Xanthos. "Ano ba 'yan, Sir? Pati ba naman bata papagalitan mo dahil sa maliit na bagay lang--"
Natigilan ang babae nang mapatingin kay Xanthos. Agad na napataas ang kilay ko nang mapalitan ng ngiti ang kaninang galit na mukha ng babae.
"Oh... Sir, pasensya na sa kapatid ko. Medyo makulit talaga siya... Nasaktan ka po ba? Pwede ko bang makuha ang number mo kung sakaling--" agad kong pinutol ang sasabihin n'ya.
"Mukhang wala ng problema, Xanthos. Halika na, sa iba na lang tayo bumili ng ice cream para sa mga anak natin," sabi ko at pinagdiinan pa ang huling salita.
Agad akong humawak sa braso ni Xanthos at hinila siya palayo ro'n.
Mukhang mamomroblema pa yata ako kay Xanthos. Bakit ang lapitin n'ya pa rin sa mga babae?
* * *
"Hey, are you still mad?" Xanthos asked and hugged me from behind.
Humarap ako sa kanya at yumakap sa kanya. Naramdaman ko na lang na napangiti siya saka marahang hinaplos ang buhok ko.
"Ang tanda mo na... bakit ang dami pa ring babaeng interesado sa 'yo?" nakasimangot na tanong ko.
Natawa si Xanthos. "Pero sa 'yo lang ako interesado," sabi naman n'ya saka mas hinila ako palapit sa kanya.
Pinaunan ako ni Xanthos sa braso n'ya. Napapikit na lang ako nang maramdaman kong inaamoy n'ya ang buhok ko habang hinahaplos 'yon.
Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa n'ya, lalong nakakaantok.
"Kiara..."
I slowly opened my eyes and looked at him. Seryoso ang mukha n'ya na nakatitig sa 'kin habang patuloy pa ring hinahaplos ang buhok ko.
"Balak ko ng palabasin sa kulungan ang tatay mo."
Natigilan ako sa sinabi n'ya. Hindi agad ako nakasagot at napatitig na lang sa kanya, pilit kong binabasa ang iniisip n'ya ngayon.
"Bakit? Iyon ba ang gusto mo?" tanong ko sa mahinang boses.
Hindi agad nakasagot si Xanthos. Napabuntonghininga siya habang nakatitig pa rin sa akin.
"He's still your father, Kiara... I-I still can't forgive him, but he's still your father," he mumbled and avoided my gaze.
Napabuntonghininga ako at hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya at pinaharap siya sa 'kin.
"Xanthos... Is that what you really want?" I asked while staring at him. "He may be my father, but what he did to you and your family was unforgivable... You don't have to force yourself like this just because he's my father... Even I can't forgive him until now," I whispered and gave him a soft kiss on his chin.
Xanthos gave me a faint smile and caressed my cheek.
"I... I will try to forgive him. I can't promise that I can... B-But I'll try. I have to let go of my past if I want to be a better person for you and our children."
I sighed while staring at him. He seems serious and determined. I just nodded and smiled at him even though I know that he can't do that... He will never be able to forgive my father.
But even though he can't, I will respect it... I'm more than thankful seeing him trying his best to be a better person for me and our children... It's more than enough.