Chapter Thirty-Nine

"Xanthos, I can go alone. I know you're not ready to see him yet."

Napailing si Xanthos sa sinabi ko saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko.

"I'll go with you, Kiara. I can do this." Xanthos smiled at me and intertwined our fingers.

Napatitig na lang ako sa kanya. Alam kong ngumingiti lang siya sa 'kin pero hindi magagawang makapagsinungaling ng nanginginig n'yang kamay.

Nakalabas na ngayon ng kulungan si Dad at balak naming magkita. Unofficial ang kaso ni Dad at wala rin naman siyang napakitang ebidensya sa mga sinabi n'yang kasalanan n'ya kaya nasabi sa 'kin ni manang na hesitant ang mga pulis na ikulong siya noon... alam kong ipinakulong ni Dad ang sarili n'ya dahil sa akin. Pero sana... sana pinagdusahan na n'ya ang naging kasalanan n'ya kay Xanthos at sa nanay nito. Alam kong kulang pa ang pamamalagi ni Dad sa kulungan, pero pinili ni Xanthos na palayain siya at subukang patawarin siya para sa pamilya namin.

Tahimik kami sa kotse ni Xanthos. Napapatingin ako sa kanya habang nagmamaneho siya at kitang kita ko na malalim ang iniisip n'ya ngayon. Hindi ko siya masisisi. Sa totoo lang ayaw ko na siyang pasamahin sa 'kin pero sadyang mapilit siya.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating din kami agad sa restaurant kung saan kami magkikita ni Dad. Agad na bumaba si Xanthos at pinagbuksan ako ng kotse saka hinawakan ang kamay ko. Muli ko namang naramdaman ang panlalamig ng kamay n'ya.

Napatigil siya sa paglalakad nang makita n'ya si Dad mula sa glass wall ng restaurant. Nakaupo si Dad habang naghihintay sa akin. Naramdaman ko kung paano mas lalong nanginig ang kamay ni Xanthos.

"Kiara... I-I'm sorry but I can't... I can't face him yet. I'm sorry, I really can't forgive him yet. I-I can't even look at him," sabi ni Xanthos saka napaiwas ng tingin kay Dad.

Napabuntonghininga ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Xanthos saka pinaharap siya sa 'kin. Napatingin naman siya sa 'kin. Kitang kita ko sa mga mata n'ya ang takot, pag-aalinlangan, at halo halong emosyon. Nanginginig din ang mga kamay n'ya sa mga oras na 'to.

"Xanthos... makinig ka sa 'kin." Seryosong tumingin ako sa mga mata n'ya. "Hindi mo kailangang patawarin si Dad para sa 'kin kung hindi mo pa kaya... Maiintindihan ko nga rin kung hindi mo pa siya magawang patawarin habang buhay. H'wag mong pilitin ang sarili mo dahil maiintindihan kita, mapatawad mo man si Dad o hindi. Alam kong mabigat pa rin sa loob mo, hindi madaling kalimutan ang lahat para sa 'yo... Kaya maiintindihan kita kahit hindi mo siya magawang patawarin... Mahal pa rin kita kahit anong mangyari," sabi ko saka bahagyang ngumiti sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Xanthos. Agad n'ya 'kong hinila at niyakap nang mahigpit. Napangiti na lang ako at marahang hinaplos ang likod n'ya.

"Thank you for understanding, Kiara... I honestly want to be a better man for you and I want to start by forgiving your father but--" agad kong pinutol ang sasabihin n'ya.

Bahagya akong dumistansya sa kanya at tinitigan ang mukha n'ya. Napabuntonghininga ako at marahang hinaplos ang pisngi n'ya.

"You already became a better man for me. You don't need to forgive him to be a better man for me... you are already the best and the perfect man for me... So don't force yourself to forgive him. Don't forgive him if your heart is still not ready for it. It's okay... Naiintindihan ko."

Xanthos bit his lower lip. Bahagyang namula ang ilong n'ya pati ang tainga n'ya. Napangiti na lang ako nang muli n'ya 'kong yakapin nang mahigpit.

"You're also the best and the perfect woman for me, Kiara... I love you so much," he muttered and kissed my forehead.

I smiled and gave him a soft kiss on his lips. "I love you too."

Nanatili na lang si Xanthos sa kotse at ako na lang ang pumasok sa restaurant. Agad na napatayo si Dad at halatang nagulat nang makita ako. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko saka umupo sa tapat n'ya.

Umupo na lang din si Dad. "N-Nasaan si Xanthos? Akala ko kasama mo siya," sabi n'ya.

Napatingin ako kay Dad. Halos puti na ang lahat ng buhok n'ya at malaki ang pinayat n'ya. Tila naging magaspang din ang mga kamay n'ya dahil sa pagtatrabaho sa kulungan. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at uminom ng tubig.

"Sa tingin mo magagawa ka n'yang harapin matapos ng ginawa mo sa nanay n'ya noon? Sobra sobra na nagawa ka n'yang palabasin sa kulungan, sobra ka naman kung hihilingin mo pa na makita siya," mariing sabi ko saka muling tumingin sa kanya.

Natahimik si Dad sa sinabi ko.

"G-Gusto ko lang sanang makahingi ng tawad sa kanya ng personal. Alam kong hindi n'ya 'ko mapapatawad kahit na lumuhod ako sa harapan n'ya... pero gusto ko pa rin humingi ng tawad," sabi ni Dad saka napatungo.

"You and grandpa caused him too much trauma. Just seeing your face is already too much for him to bear. Just... Just don't your face to him, it will be better that way. He can't forgive you yet, but he chose to get you out of the prison because he loves me so much. That man... that man loves me so much that he's willing to forget everything you did just for me. But I don't want him to do that. Ayaw kong patawarin ka n'ya dahil hindi mo deserve ang kapatawaran n'ya," dire-diretsong sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Mas lalong lumamlam ang mga mata ni Dad. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa ilalim ng mesa.

"Mamuhay ka na lang ng tahimik, Dad. Hahayaan kong makita mo ang mga anak ko paminsan-minsan. Napag-usapan na namin 'yon ni Xanthos at pumayag siya... pero hindi ibig sabihin na hahayaan kong makita mo ang kambal ay pinapatawad na kita. Galit pa rin ako sa 'yo, Dad... Galit na galit pa rin ako sa 'yo at kay Lolo dahil sa pagpapahirap na ginawa n'yo kay Xanthos at sa nanay n'ya," mariing sabi ko at napakapit nang mahigpit sa sling bag ko.

Tipid na ngumiti si Dad at tumango. "I know, Kiara. Malaki na ang pasasalamat ko na pumayag kang magkita tayo ngayon at pinapayagan mo 'kong makita ang mga apo ko. Salamat, Kiara," sabi ni Dad saka bahagyang ngumiti sa akin.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at agad na tumayo. "Aalis na 'ko," sabi ko na lang at dali dali siyang iniwan palabas ng restaurant.

Mabigat pa rin ang dibdib ko habang naglalakad palayo. Napatingin na lang ako kay Xanthos na nasa kotse at naghihintay sa akin... Pakiramdam ko muling gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang mukha n'ya.

Maybe just like how I give comfort to his existence just like he said to me before... he can give comfort to my heart too.

* * *

"Bakit bigla kang nagyayaya lumabas?" natatawang tanong ko kay Xanthos.

"Wala lang, I just want to spend some time with you alone... Don't worry, Denise is taking care of Xiana ang Xevan right now," Xanthos said and hugged my waist.

Wala na lang akong nagawa kundi ang pumayag. Sabagay, sa tingin ko kailangan nga naming mag-date paminsan-minsan. Pambawi na lang sa ilang taon naming pag-aalinlangan sa isa't isa.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Xanthos habang nagmamaneho siya.

"Church," sagot n'ya saka hinawakan ang kamay ko.

Natigilan ako sa sinabi n'ya. "I thought you don't like going to church," I said while staring at him.

"You don't know? I weekly go to church with the kids," he said and intertwined our fingers.

Napasinghap ako sa sinabi n'ya. Hindi nabanggit sa 'kin ng kambal na nagsisimba sila kasama si Xanthos. Hindi ko akalaing magagawa ni Xanthos na magsimba linggo-linggo para sa kambal. Naalala ko noong unang beses kaming nagsimba noon, halos patayin na n'ya sa tingin ang pari dahil hindi n'ya nagugustuhan ang mga sinasabi nito.

Ang laki nga talaga ng pinagbago n'ya.

Tahimik na nakinig kami sa pari nang nasa simbahan na kami. Nakahawak lang siya sa kamay ko habang nakikinig sa pari. Mukhang marami pa talagang nakakagulat na bagay ang hindi ko pa alam kay Xanthos.

Nang matapos ang misa, lumabas na kami ni Xanthos. Natigilan ako nang hilahin n'ya ako papunta sa bilihan ng dirty ice cream.

"Kuya! Nasaan po sina Xiana?"

Natigilan ako nang may mga batang lumapit kay Xanthos. Napangiti naman si Xanthos at bumili ng ice cream para sa mga bata. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang pinagmamasdan siya.

"Bakit hindi n'yo sinusuot ang mga damit na binili namin ni Xiana sa inyo?" tanong ni Xanthos sa mga bata.

Medyo marurungis ang mga bata pero tila hindi n'ya alintana 'yon. Tahimik na nakaupo lang ako habang pinagmamasdan siya. Mukhang kilala ng mga batang 'yon pati ang mga anak namin... Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakatititg sa kanya.

"Nilalabhan pa po, kuya. Sino po pala siya?" tanong ng isang bata saka napatingin sa 'kin.

Napangiti si Xanthos bago sumagot. "Siya ang nanay nina Xiana. Siya ang babaeng mahal ko," sabi ni Xanthos saka bahagyang ginulo ang buhok ng batang nagtanong.

Tila may kung anong humaplos sa puso ko nang marinig ko ang sinabi n'ya sa bata. Bahagyang nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang kumawala. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na 'to dahil sa tuwa.

Ano'ng ginawa ko past life ko para mahalin nang ganito ng katulad ni Xanthos?

Matapos makipag-usap sa mga bata. Nagsimula na kaming maglakad-lakad ni Xanthos. Yumakap ako sa braso n'ya at isinandal ang ulo ko ro'n.

"I love you, Xanthos..." bulong ko.

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Pero agad din naman siyang umakbay sa 'kin at dinampian ng halik ang sentido ko.

"I love you more, Kiara... Mahal na mahal kita," sabi n'ya saka hinawakan ang kamay ko.

Napangiti na lang ako at tahimik na naglakad kasama siya. Natatandaan ko ang pinupuntahan namin ngayon. Dito kami unang naglakad-lakad ni Xanthos noong unang date namin... Ng mga panahong 'yon, malamang hindi n'ya pa ako mahal at paghihiganti pa lang ang nasa isip n'ya.

Pero ibang iba na ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal n'ya sa 'kin kahit sa simpleng kilos n'ya.

Inabot kami ng dilim at nakarating kami sa tabing-dagat sa paglalakad. Natigilan ako nang makakita ng pamilyar na yate.

Ito ang yate na una naming sinakyan... marami ang hindi magandang alaala sa yate na 'yon.

Naramdaman kong bahagyang humigpit ang hawak ni Xanthos sa kamay ko. Tumingin siya sa 'kin at tipid na ngumiti.

"I know we don't have a good memory in that yacht... But I want to remove those memory and replace it with something good. I know what I did back then was unforgivable, but I'll work hard to repent on it. I promise that I will do everything I can to make you happy," he mumbled and kissed my forehead. I just smiled and closed my eyes.

Nilibot ko ang tingin sa yate nang makasakay na kami ro'n. Walang masyadong nagbago ro'n at pakiramdam ko ito pa rin ang hitsura nito nang huli kong nakita ang yate na 'to.

Tahimik na pinagmasdan ko ang buwan pati na ang dagat. Napapikit ako at dinama ang malamig na hangin na tumatama sa katawan ko.

Natigilan na lang ako nang maramdaman kong yumakap si Xanthos mula sa likuran ko. Isinandal n'ya ang baba n'ya sa balikat ko saka sinubsob ang mukha sa leeg ko.

"Kiara... I know I already told this to you like a hundred times... But I still want to tell you that I love you so much... Sobra... sobrang mahal na mahal kita, Kiara."

Pagkasabi n'ya no'n, natigilan ako nang biglang may lumitaw na fireworks sa langit. Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa maingay na kalangitan. Ayokong isipin na siya ang may gawa no'n... pero nakatingin siya sa 'kin ngayon na tila ba hinihintay n'ya ang reaksyon ko.

Maya maya pa, natigilan naman ako nang mapansing may apat na malalaking yacht ang papalapit sa pwesto namin. Napaawang ang labi ko nang sunod sunod na humilera iyon sa tapat ng yacht na sinasakyan namin ni Xanthos ngunit ang ikinagulat ko ay ang mga tao na nakasakay sa yacht na 'yon. May hawak silang mga sky lantern saka sabay sabay na inangat 'yon at pinalipad. Mas lalo akong nagulat nang makita ang mga kaibigan namin, sina Denise, Abi, sina Cad, at ang mga kasama ni Xanthos sa organisasyon nila. Pati ang kambal ay nandoon din at nagtatatalon.

Umilaw ang tila Christmas lights na nakapalibot sa bawat yacht at doon ko lang nakita ang nakasulat sa apat na yate.

Kiara...

Will you

marry

me?

Napatakip ako sa bibig ko kasabay bg tuluyang pag-alpas ng mga luha mula sa mga mata ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig din ang mga tuhod ko. Tuloy tuloy ako sa pagluha na halos hindi ko na makita ang paligid.

Hinawakan ni Xanthos ang kamay ko. Natigilan ako nang dahan dahan siyang lumuhod sa harapan ko habang hindi maalis ang titig sa lumuluhang mukha ko. Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao sa apat na yate nang makitang lumuhod si Xanthos.

Kinuha ni Xanthos ang maliit na box mula sa bulsa ng blazer n'ya at binuksan 'yon. Nakita ko ang makinang na singsing na nasa loob no'n.

"You can say no if you're still not ready for this or if everything's too fast for you... I can wait for you even if it takes forever, someone like you is always worth the wait. Married or not, I will do everything to make you happy. I will cherish every moments that we will have together with our kids. I will love you more than myself for the rest of my life... I will give you the love that someone like you deserve... At the end of the day, my words right now are just words and it can't do anything... I'll just show it to you, how much I love you. I will show it to you everyday, endlessly, without boundaries... Araw-araw kitang mamahalin, Kiara North... walang sawa, hanggang dulo... palagi kitang mamahalin." Pasimpleng pinahid ni Xanthos ang luhang tumakas mula sa mga mata n'ya. "I love you so much, baby. Mahal na mahal kita."

Hindi ko na napigilan ang muling pag-alpas ng masasaganang luha mula sa mga mata ko habang ninanamnam ko ang bawat salitang sinasabi n'ya. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang napakagandang panaginip... pero ang init ng kamay ni Xanthos na nakahawak sa akin ang nagpapatunay na totoo ang lahat... totoong nangyayari ang lahat ng 'to.

Agad akong yumuko at sinugod siya ng yakap. Napahagulgol ako ng iyak at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao nang makitang niyakap ko si Xanthos.

"M-Magpapakasal ako sa 'yo kahit kailan mo gusto, Xanthos... kahit ngayon pa mismo... Mahal na mahal din kita. Mahal na mahal kita, Xanthos," naluhang sambit ko habang nakayakap sa kanya.

Natigilan si Xanthos at bahagyang dumistansya sa akin. Napangiti ako nang makitang tuluyan na siyang napaluha habang nakatitig sa 'kin.

Agad siyang tumayo nang mahimasmasan at niyakap ako nang mahigpit. Napangiti na lang ako at ginantihan ang mainit na yakap n'ya. Ramdam na ramdam ko ang bahagyang panginginig n'ya pati na rin ang malakas na tibok ng puso n'ya.

Kumalas din agad siya sa pagkakayakap sa 'kin. Nanginginig ang mga kamay na kinuha n'ya ang singsing sa box at akmang isusuot sa akin ang singsing pero hindi n'ya malusot-lusot ang singsing dahil sa panginginig ng kamay n'ya.

"Damn," mariing mura n'ya.

Natawa na lang ako at kinuha ang singsing mula sa kanya at ako na mismo ang nagsuot no'n sa sarili ko.

Muli ko siyang sinugod ng yakap. Naramdaman kong napangiti siya saka gumanti rin nang mahigpit na yakap sa 'kin.

"I can't wait to be your husband... I love you so much, Kiara."

I smiled and closed my eyes... Me too, I can't wait to be his wife.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.