“LEMON!” iritadong sigaw ni Caraleigh sa kanyang kapatid na naroon na naman sa bahay niya at kung anu-anong damit ang dala.
Pagkabukas niya ng pintuan ay agad itong pumasok mula sa labas at dumiretso sa kwarto niya. Nang makita niyang madami itong dalang paper bags ay kinabahan na siya kung ano ang maaaring misyon nito sa bahay niya.
“Ate, kailangan mong isukat lahat nang ‘to, ‘tas tingnan natin kung ano ang pinaka-bagay sa’yo.” sabi lang nito na inignora ang tono ng pananalita niya.
“Saan ko naman gaga-------“
“Ate, subukan mo nga ‘to. ‘Yan ang first bet ko para sa’yo, pero sabi ni Mommy, mas bagay daw sa’yo ang plain-colored dress pero chic para mas sophisticated and matured.” paliwanag nito habang itinatapat sa kanya ang isang red floral dress.
Mini-dress na nga yata ‘yon. Pakiwari niya kasi’y hahapit ‘yon sa katawan niya kapag sinuot niya.
“Para saan naman ang mga ‘to?” nakapamaywang na tanong niya rito.
“Your first date with Kuya Cage, remember? ‘Wag mong sabihing nakalimutan mo na ‘yon.”
Oh, the d-a-t-e! Paano ko makakalimutan ‘yon eh hiyang-hiya ako? Naaalala pa niya kung ano ang ginawa ni Cage sa kanya kahapon. Nag-lunch out sila ng mga ka-opisina niya. Nagulat pa nga siya dahil niyaya siya ng mga ito na kumain sa labas. Nakaugalian na kasi nilang hindi sabay-sabay na kumain. Pero dahil nasiyahan siya at nagkasabay-sabay silang lahat ay pumayag siya.
Pagbalik niya sa kanilang opisina ay nagulat siya ng bigla na lang may nagsalitang isang lalaki sa kanilang speaker. Hindi pamilyar sa kanya ang boses nang lalaki. Kinabahan na nga siya dahil baka may masamang mangyayari. Pero tahimik lang na bumalik sa kanya-kanyang posisyon ang mga kasamahan niya habang hindi tumitingin sa kanya. Siya naman ay nakatayo lang sa isang tabi at inaanalisa kung sino ang lalaking nagsasalita.
Nang magpakilala ang lalaki ay nagtaka siya dahil isa itong disc jock sa Dream Radio. Hindi nakikinig ang ahensiya nila sa kahit na anong istasyon dahil abala sila sa trabaho kaya nagtaka siya kung sino ang nagpahintulot niyon para sa araw na iyon. Sinabi ng DJ na nagpakilalang “Trey” na may mangyayaring isang napaka-gandang event nang hapong iyon.
Pagkatapos niyon ay may lumapit sa kanyang mga kaopisina niya. Pawang nakangiti ang mga ito samantalang ang iba’y nakangisi naman. Nag-isang linya ang mga ito habang nakatingin sa kanya. At nang tumalikod ang mga ito’y may mga letrang bumuo nang katagang “Will you have a date with me?” na nakalagay sa likod ng mga ito.
“’Yes’ lang ang pwede mong sabihin ngayong araw na ‘to, Caraleigh.” iyon ang sabi sa kanya ni Cage na nasa likuran na pala niya. She was speechless. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niyang una dahil halo-halo na ang mga iyon. Idagdag pa ang mga nakangising mukha ng mga kaopisina niya pati na rin ang Papa niya at si Calyx na siya palang pumayag na gawin iyon ni Cage.
“Silence means ‘yes’, Cage. Kaya may date na kayo ni Ate.” singit noon ni Calyx. Kung makikita siguro niya ang sarili niya nang mga panahong iyon ay baka makita niyang mukha na siyang kamatis dahil init na init ang mukha niya sa hiya.
Na-set-up ang date na ito na wala siyang nasabi. Pero kaninang umaga ay nakausap niya si Cage tungkol doon. Sinabi niya ritong papayag siya pero ayaw niyang kumain sa mamahaling restaurant. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Cage. Pero alam niyang magiging espesyal ang gabing ito.
What the heck? You’re in love with him now? sita niya sa sarili. Hindi. Na-appreciate ko lang kung ano ang nagagawa niya para sa’kin. sagot naman ng isang bahagi ng kanyang isipan. Tuwing umaga kasi’y palagi na lang niya itong nakakagisnang nagluluto o kaya nama’y tapos nang magluto at naglilinis ng kanyang sasakyan o nagdidilig ng mga halaman. Sa pamamahay lang niya ginagawa ni Cage ang mga iyon dahil maraming katulong ang mga ito sa bahay ng mga Alonzo.
In her house, Cage is just a plain homey guy. Natutuwa siya sa mga ginagawa nito para sa kanya. Kaya hindi na rin siya gaanong naiinis dito. Hindi na kasi ito ang Cage na napag-aralan niya noon. Hindi na rin ito gumigimik sa gabi dahil kung hindi ito nasa bahay niya’y nasa bahay naman ito ng pamilya niya at kung wala naman siya sa bahay niya’y nasa bahay siya ng pamilya nito.
Napalapit na rin kasi sa kanya ang pamilya ng mga Alonzo kaya hindi na siya naiilang sa mga ito. Maging ang mga girlfriend nina Nicko at Kyle na sina Xanthia at Yngrid ay naging close na rin niya. Ngayon, alam niyang masaya na ang Mama France niya kung nasaan man ito dahil masaya na rin ang mga anak nito.
Oh, and Cage is happy with you too.
Napatigil siya sa isiping iyon. Was Cage really happy with her? Nagbago ito para sa kanya. Baka nakalimutan na nito ang sarili dahil sa kanya. Bakit hindi niya iyon naisip noon pa man?
“Nagbago siya para sa’kin.” sambit niya.
“Ha? Ate, ano’ng sinasabi mo?” naguguluhang tanong ni Lemon sa kanya pero patuloy pa rin ito sa pagpili ng damit para sa kanya.
“Nagbago si Cage para sa’kin.”
“Oo. At, mas naging mega-Cage siya ngayon, ‘di ba? Ang swerte mo sa kanya, Ate. Gusto ko, ‘yong magiging boyfriend ko, katulad din ni Kuya Cage. Gagawin ang lahat para sa’kin.” tila nananaginip na sabi ni Lemon.
“Lemon, that’s a not good thing. Baka nakalimutan na niya ang sarili niya dahil sa’kin, dahil sa gusto niyang i-appreciate ko siya.”
“Ate, he changed because he liked to. He changed for you, pero hindi ibig sabihin no’n na kinalimutan na niya ang sarili niya. Believe me, hindi mawawala ang tatak-Cage niya dahil kinikilig pa rin ako sa kanya.” Huminga siya ng malalim. “Ate, you should open your heart to see what Kuya Cage is really is. You’ll be surprised to know that he’s more than who you think he is.” seryosong sabi ni Lemon.
Napamata siya rito. “Saan galing ‘yan?”
“Imbento ko lang. Ate, may originality din naman ako minsan. Anyways, I think you should go for Kuya Cage. Hindi ko sinasabing makonsensiya ka dahil marami na siyang nagawa hindi lang para sa’yo kundi para sa’min na rin, pero bagay kayo. You would be happy together. Bulag ka lang kasi.”
“Hindi ako bulag!”
“Then, go try and really see what’s in store for the both of you.”
NAPATAWA si Caraleigh nang makita niyang nagbi-breathing exercises si Cage nang sumilip siya sa kanilang bintana habang tinutungo ni Lemon ang pinto para pagbuksan ang gate kay Cage. Pero maliban sa pagtawa niya rito’y humanga siya rito.
Nakasuot ito ng isang baby blue polo. His sleeves rolled up to his elbows. Naka-maong pants lang ito at leather rubber shoes. Relo lang din ang tanging adorno nito sa katawan. Simple lang ang ayos nito pero malakas pa rin ang dating nito sa kanya. Bigla tuloy siyang na-conscious sa sarili niyang suot.
Sa dinami-rami nang pinasukat sa kanya ni Lemon ay ang jumpsuit ang napili nito para sa kanya. Lemon said she looks gorgeous on that black fitted jumpsuit. Hindi naman siya komportable dahil kahit hindi hakab sa kanya ang pantalon niyong part ay hakab naman sa katawan niya ang top niyon. Nang iharap naman siya ni Lemon sa salamin ay nasiyahan siya sa nakita kaya ayos na sa kanya. Isa pa, kahit saan sila pumunta ni Cage ay babagay daw ang jumpsuit na iyon dahil simple lang iyon.
“He’s nervous, Ate. Inlababo talaga siya sa’yo.” ani Lemon nang bumalik ito sa loob. Kasunod na nito si Cage kaya hindi na siya nakapagsalita pa. Pero mas gumanda ang pakiramdam niya sa sinabi nito.
“H-hi.” bati nito sa kanyang nauutal pa. He’s looking at her as if she was the most beautiful woman in the world which made her feel both conscious and great.
“Hello.” Shit! Muntikan na rin siyang mautal.
“Parang ngayon lang kayo nagkita ah. That’s good. Magiging maganda ang date n’yo.” singit ni Lemon sa kanila.
Atribidang hinila sila nito pareho palapit sa isa’t isa pagkatapos ay itinulak palabas ng pintuan nila. Natawa na lang sila ni Cage nang agad na sinarado nito ang pinto nang makalabas na sila.
“Well, I guess that’s our send off, right?” ani Cage. Tawa lang ang sinagot niya rito dahil nakita niyang hindi ito komportable.
“Cage, hindi ito ang parehong first date natin kaya bakit mukhang kinakabahan ka?”
“It’s because this is going to be the first date that I ever get to be serious.” anito.
“Tara na?” tanging sambit niya.
Hindi na kasi siya komportable sa nararamdaman niya dahil sa mga sinasabi sa kanya ni Cage. Hindi ako comfortable na maging hindi comfortable. Ang gulo. Pero, basta. Nakakainis kasi ‘tong Cage na ‘to. Bakit gano’n? Tuwing sinasabihan kasi siya ni Cage nang mga banat at hirit nito’y nakararamdam siya ng kilig at hindi siya mapakali.
Kontroladong-kontrolado niya ang kanyang sarili tuwing nasa malapit lang si Cage pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang kontrolin ang kanyang sarili.
Naglakad sila pero nagtaka siya nang hindi sila sumakay sa kotse nito. Hinawakan nito ang kamay niya at naglakad sila sa kalye na nakatunganga siya rito kasi’y kinikilig siya. That simple gesture made her feel a lot more loved.
“’Wag mong sabihing maglalakad lang tayo?” aniya rito.
“Ayaw mo? Well, ako gusto ko ang ganito lang tayo. Naglalakad habang magkahawak-kamay. I wouldn’t ask for anything more.” masuyong sabi nito sa kanya.
Bigla niyang hinaglit ang kamay niya mula rito. Naroon na naman kasi ang kakaibang kilig na nararamdaman niya para rito. Ayaw niyang aminin sa kanyang sarili noon na kinikilig siya kay Cage dahil pilit niyang kinokontrol ang kanyang nararamdaman pero hindi na niya iyon maitago pa ngayon.
Cage is just so…adorable.
“Dalian mo na ang paglalakad para makarating na tayo saan man tayo pupunta.” aniya rito.
“Masyado kang excited, Caraleigh. Sa ka-excite-an mo, ‘di mo na natanggal ang price tag sa damit mo.” natatawang sabi nito.
Oh-my-god! Kinapa niya ang likuran ng kanyang damit. Naroon pa nga ang price tag. Bakit hindi niya naisipang tanggalin iyon kanina? Dahil minadali ni Lemon ang pagsusuot sa’yo ng damit. At excited ka talaga sa date na ito. Pakiramdam niya’y parang sasabog na sa init ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan.
“Ako na. Sa sunod kasi, ‘wag mo masyadong ipahalata sa’kin na excited kang makasama ako.” biro ni Cage.
“Ang kapal mo! Never pa akong na-excite na makasama ka.” Tumawa lang ito na halatang hindi naniniwala sa sinabi niya. Bwisit kasi! “Dalian mo na d’yan. Ang arte-arte mo!” inis na sabi niya rito.
Iiling-iling na hinawakan muli nito ang kanyang kamay saka siya masuyong hinila papunta sa isang bahay na isang bahay lang ang agwat mula sa kanila. Nagtaka pa siya dahil nakabukas ang gate ng bahay na iyon na ang pagkakaalam niya’y dati’y kina Mrs. Eilinger pero nag-migrate na ang pamilya nang mga ito sa Germany kaya ibinenta na ang bahay ng mga ito.
“Teka, bakit tayo papasok d’yan?”
“This is part of my surprise for you.” Kunot-noo lang ang naisagot niya rito. Pero hinawakan siya nito sa kanyang siko at iginiya papasok sa bakuran ng bahay na iyon.
Pagtambad sa kanya nang garden malapit sa may pool ay namangha siya sa nakita. Isang picnic blanket ang nakalatag sa gitna ng berdeng damo sa garden na iyon habang may isang basket na nakapatong doon laman ang isang bote ng alak. Walang kahit na anong arte ang ayos ng lugar pero romantic pa rin iyon para sa kanya.
Hinila siya ni Cage palapit doon at maingat na iniupo sa blanket. “I bought this house para malapit lang ako sa’yo. Gusto ko sana ‘yong kapitbahay mo lang ako pero ayaw ipagbenta sa’kin ni Mrs. Serna ‘yong bahay nila eh.”
“Natural, bahay nila ‘yon eh. Cage! Nagsayang ka lang ng pera! May bahay naman kayo eh.” aniya rito.
“Gusto ko ngang mapalapit sa’yo.”
“Nagsayang ka lang ng pera.”
“Okay lang. Malapit naman na ako sa’yo.”
“Nagsayang ka lang ng pera.”
“Okay lang nga.”
“Nagsayang ka lang ng pera.”
“Isa pang sabi ng ‘nagsayang ka lang pera’, hahalikan na kita.” banta nito. She pierced her lips together.
Inilabas nito mula sa basket ang isang bote ng champagne kasunod ang tupperware ng kung anu-anong pagkain. Puro finger foods at sandwiches ang dala nito pero marami ang mga iyon dahil alam nito kung gaano siya kalakas kumain. Araw-araw na kasi niya itong nakakasabay sa pagkain ng umagahan at minsan nama’y nakakasabay niya itong kumain sa labas. Hindi date na maituturing ang mga iyon. Ito talaga ang opisyal na una nilang date.
“I never believed that I actually could love again…until I saw you, Caraleigh.” sabi ni Cage. Kasalukuyan silang nakahiga sa blanket na nakalatag sa garden habang tinitingnan ang mabituin na langit.
They were both silent for a moment. Siya, hindi alam kung ano ang sasabihin pero naririnig niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Si Cage, alam niyang nakatingin sa kanya at hinihintay ang magiging reaksyon niya.
“I had a serious girlfriend once. Siya ‘yong kauna-unahang girlfriend ko. Siya ‘yong babaeng nagdulot ng sakit sa’kin at wala si Mommy para damayan ako. She was my first. First holding-hands-while-walking, first date, first kiss, first love, first everything. And I loved her. Siya ang lahat sa’kin noong panahong iyon. Pero ipinagpalit niya ako sa isang lalaking ‘mas’ kaysa sa’kin. Mas gwapo, mas mayaman, mas magaling at mas matalino.”
“Simula noon, I’ve never been serious to any girl. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako muling iibig pa kung ang lahat naman ngayon ay ginagawang laro lang ang pakikipag-relasyon at pag-ibig. Why? Dahil mas importante na ngayon sa bawat isa ang isang gwapong boyfriend, mayaman at magaling. It’s all for the looks. Hindi na uso ngayon ang pag-ibig. That’s what love taught me. Kaya naglalaro na lang ako.”
“But then, you came. When I saw you at that bar counter, you’ve never left my mind and you’ve already invaded my heart. Corny, I know, pero ‘yon ang totoo. I’m willing to do anything for you, Caraleigh. I’m willing to wait if that’s what you want.”
Hindi pa rin siya nagsalita. Nanatili siyang nakatingin sa langit na para bang naroon ang dapat niyang sabihin kay Cage.
“Pwede ba kitang isayaw?” tanong nito.
“Wala namang music eh.” aniya. Saka naman ito nag-hum ng isang kantang hindi niya malaman kung ano ang title. Pero mellow iyon. Kinuha nito ang kanyang mga kamay at itinayo siya ng marahan mula sa blanket.
She smiled. They started to sway together like a real music was playing along. Well, there is a music playing along other than Cage’s humming voice, it’s their hearts beating together as one.
“I love you, Caraleigh.” masuyong sabi ni Cage.
She was caught off guard. Alam na niyang sasabihin iyon ni Cage pero hindi niya napaghandaan ang sandaling iyon. Mas lalong hindi niya napaghandaan ang isasagot niya rito. Nararamdaman niyang gusto na niyang sabihing gusto na niya ito pero parang hindi pa rin handa ang buong sistema niyang papasukin ito sa kanyang puso.
Just when she’s about to push Cage away, the rain started to pour. And instead of getting inside, Cage held her hand and silently asked her to dance with him there, under the pouring rain, with just his eyes pleading. And she just couldn’t say ‘no’ to his plea. Dahil alam niyang kahit gaano pa niya kontrolin ang kanyang sarili’y, gusto na niya si Cage.
Niyakap siya nito at sumayaw sila sa garden na iyon habang bumubuhos ang ulan. She felt weird but it was the cutest, sweetest and most romantic date she’d ever had.