“I can see sparkles in your eyes, whenever he’s near it shines. The aura of love is within you, because you love him too.” patulang sabi ni Lemon sa kanya.
Kasalukuyang nasa Omakase para kumain. Si Cage ay sandaling nagpaalam dahil may kinausap itong tao sa isang table. Sa bahay kasi niya natulog si Lemon kagabi at hindi ito nakapagluto ng kakainin nila kaya nang pumunta si Cage sa kanila’y niyaya na lang sila nitong kumain sa labas. It wasn’t her thing but she just can’t say ‘no’ to Cage now.
Napalapit na ito sa kanya. Nakilala na niya itong mabuti at pareho na silang komportable sa isa’t isa. At alam niyang iyon ang tinutukoy ni Lemon. Pero mas ayos sa kanya na ganito na lang muna sila ni Cage ngayon. Mas magandang i-enjoy muna niya kung ano ang mayroon sila ngayon.
“Lemon, gusto ko siya, ‘yon lang.”
“Tell that to the marines, Ate, ‘cause I won’t listen to you. Kitang-kita na ang ebidensiya ayaw mo pang umamin.”
“Lemon, hindi ko alam. Right now, Cage and I are just enjoying what we have for the moment.”
“You don’t need to know, you should feel it.”
Napangiti lang siya rito. “Lemon, in love ka ba ngayon?”
“Ako? Hindi ah. ‘Wag mo ngang ipasa sa’kin ang nararamdaman mo, Ate. Kunwari ka pa eh.” anito. Naiikot lang niya ang kanyang mga mata dito bilang sagot saka umiling. Nang makabalik si Cage sa table nila’y sakto namang dating ng kanilang pagkain na agad nilantakan ni Lemon.
“Sino ‘yong kinausap mo?” tanong niya kay Cage.
“Oh, just a client.” anito saka tinuro ang gawi nang pinuntahan nito. Isang may edad na lalaki ang nakita niya roon kasama ang pamilya nito pero lumampas ang tingin niya sa table na iyon dahil may nakita siyang pamilyar na mukha.
“Ate, may problema ba?” narinig niyang tanong ni Lemon pero hindi niya ito sinagot. Patuloy pa rin siyang tumitingin sa babaeng nakaupo sa mesa kasunod ng mesa ng kliyente ni Cage. Iyon ang nakatatandang kapatid ni Brian. Marahil ay nararamdaman nitong may tumitingin dito kaya lumingon ito at nakita siya.
“Caraleigh, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Cage pero hindi na niya ito nagawa pang sagutin dahil lumapit na sa kanila si Ate Rem na kapatid ni Brian.
“Caraleigh, ikaw pala ‘yan! Kumusta ka na?” bati nito sa kanya. Nakipag-beso ito sa kanya. She suddenly felt uneasy somehow.
“O-okay lang po ako, Ate Rem. Ikaw?” ganting bati niya rito. “By the way, si Lemon, kapatid ko at si Cage…kaibigan ko. Si Ate Rem.”
“I see.” anito saka nakipagbeso kina Cage at Lemon. “Hindi ka na nagagawi sa bahay. Sabi ni Rev, hindi ka na rin daw pumupunta sa Batangas ah. Nami-miss ka na namin.”
Bigla siyang nakaramdam ng guilt. Parang ipinaparating nito sa kanya na nakalimutan na niya ang lahat ng bagay na may kinalaman kay Brian. Nitong mga nakaraang Linggo kasi’y si Cage ang kasama niya. Aminado siyang nag-i-enjoy siya sa presensiya ni Cage at mas pinili niyang sumama rito kaysa pumunta sa Batangas. Ate Rem made it sound like she had forgotten everything about Brian and that she felt guilty about it.
“N-naging busy lang po ako kaya hindi na ako nakakapunta.” katwiran niya.
“Okay lang ‘yon. Naiintindihan naman namin ang trabaho mo.” nakangiting sabi nito. “Sige ha. Nag-take out lang ako ng pagkain. I think ready na siya so, alis na ako. It’s nice seeing you here again. It’s nice meeting you two, too.” baling nito kina Cage at Lemon saka nito kinuha ang take-out order sa waiter at tinungo ang pinto.
Hindi siya nakatiis at sinundan niya ito. Nang maabutan niya ito sa labas ng Omakase ay agad na humingi siya ng tawad dito. Pakiramdam kasi niya’y may nagawa siyang isang malaking kasalanan na dapat niyang ihingi ng tawad dito at sa pamilya nito. Ang pagkakita pa lang nito sa kanya sa restaurant na iyon kasama si Cage ay pakiramdam niya’y kasalanan na niya sa mga ito. Pakiramdam niya’y nagtaksil siya kay Brian.
It’s a wonder why she’d never thought of Brian these past few days. And again, she felt guilty.
“Bakit ka nagso-‘sorry’?” nagtatakang tanong nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita. Yumuko lang siya. “Caraleigh, I know Brian is happy for you whenever he is right now. You deserve to be happy. You deserve to love again. Kung iniisip mo na nagtatampo kami sa’yo dahil hindi ka na nakakadalaw sa’min, hindi. Naiintindihan namin ang trabaho mo at masaya kami para sa’yo dahil nagmamahal ka na muli ngayon.”
“Hindi po kami ni Cage.”
“Oh, hindi ba?” anito saka tumawa. “Caraleigh, lukaret ka kung pakakawalan mo pa siya. Pakawalan mo na si Brian. Kapag hindi mo ‘yon ginawa, hindi ka magiging masaya. Caraleigh, hindi na babalik si Brian. Tanggapin mo na ‘yon sa sarili mo. Nagawa na namin. Hindi naman ibig sabihin no’n na kalilimutan na natin si Brian. He will forever be in our hearts. Pero kailangan mo ng mag-move on.”
“Ate Rem…”
Niyakap siya nito ng mahigpit. “You deserve to be happy. Alam kong mahal mo ang kapatid ko, pero may karapatan kang magmahal muli, Caraleigh. Allow yourself to love again. Allow yourself to be happy.” sabi nito sa kanya. Hinalikan siya nito sa pisngi at saka sumakay sa kotse nitong naka-park sa tabing kalsada.
“Caraleigh!” tawag sa kanya ni Cage. Nang lingunin niya ito’y tila ayaw na niyang mag-isip pa ng iba. Pero labis na guilt ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon at nakikita niya si Brian sa kanyang isipan.
I swore never to love anybody other than Brian. I swore to love him forever. No one else, just him. Pero bakit iba ang nararamdaman niya kay Cage? Masaya siya tuwing kasama ito hanggang sa nakita niya kanina ang kapatid ni Brian. She felt like she has a hanging feeling somewhere out there but she didn’t know how to put an end into it.
DAMN! Napamura si Cage dahil kanina pa niya tinatawagan si Caraleigh pero hindi nito sinasagot ang telepono nito sa opisina maging sa bahay nito pati na rin ang cell phone nito. Kaninang pagka-gising niya at pumunta siya sa bahay nito’y wala na ito roon. Ang sabi ni Mrs. Serna ay maagang umalis si Caraleigh at mukhang nagmamadali. Ilang araw na itong ganoon.
Nagpunta siya sa opisina ng mga ito pero wala raw doon si Caraleigh at sinabi sa kanyang may proyektong hinahawakan. Hindi na siya mapakali sa kanyang opisina dahil hindi na siya sanay na hindi ito nakakausap man lang. Hindi na siya sanay na hindi ito kasabay na kumain sa agahan. Hindi na siya sanay na hindi ito nakakausap kahit isang minuto man lang. Dahil nasanay na siya sa presensiya ni Caraleigh.
Iniiwasan siya nito, iyon ang sigurado siya. Nagtataka siya ngayon kung bakit. Caraleigh started to act strange after they ate out at Omakase. Pagkatapos nitong makausap ang babaeng ipinakilala nitong Rem. Simula noo’y iniwasan na siya ni Caraleigh. And it’s making him crazy.
Maayos na ang turingan nila sa isa’t isa. Alam niyang nakuha na niya ang loob nito at masaya sila sa piling ng isa’t isa. Mahal na mahal niya si Caraleigh at gagawin niya ang lahat makasama lang ito habang-buhay. Hindi rin siya makapaniwala na labis na mahuhulog ang loob niya rito nang ganoon pero masarap sa pakiramdam ang nararamdaman niyang pagmamahal dito. Kahit na hindi pa siya sigurado kung ano ang nararamdaman ni Caraleigh para sa kanya. Basta asaya sila pareho sa isa’t isa.
Bakit kailangang maputol ang lahat ng iyon dahil lang sa nagpakita ang isang kakilala nito? Nagtataka na nga siya kung sino ang Rem na iyon sa buhay ni Caraleigh. Hindi rin daw naman iyon kilala ni Lemon kaya wala itong maikwento sa kanya.
Nasa tapat siya ng bahay ng mga Martinez ngayon dahil sinabi sa kanya ni Lemon na doon na daw natutulog si Caraleigh sa gabi. Minsan na lang daw itong umuuwi sa village nila kaya hindi na niya ito nakikita.
Ilang oras na siyang naghihintay roon at nakita na niyang pumasok sa bahay ang kanyang Tita Frecy, Tito Max, pati sina Calyx at Lemon. Hindi siya nagpakita sa mga ito dahil si Caraleigh lang muna ang gusto niyang makausap. Kaya naman nang makita niya ang kotse ni Caraleigh na pumarada sa tapat ng bahay ay nag-ayos na siya. Nang makababa ito’y doon lang siya bumaba ng kanyang kotse.
“Caraleigh, why are you doing this to me?” agad na tanong niya rito hindi pa man siya nakakalapit dito.
“Cage! Ano’ng ginagawa mo dito?” gulat na tanong nito.
“Gusto kitang makausap. Please talk to me. Ano bang problema?”
“Cage…”
“Caraleigh, I deserve an answer. Bakit mo ako iniiwasan? Ano bang nagawa kong hindi maganda?”
“Cage, wala kang hindi magandang nagawa. I…I actually appreciate all you’ve done for me. Pero hindi ako ang babaeng nararapat mong gawan ng mga gano’ng bagay. I’m sorry.” paliwanag nito.
“Bakit? Caraleigh, bakit? Bakit mo pinipigilan ang sarili mo na mahalin ako?” nagsusumamong tanong niya rito. Hindi niya maintindihan kung bakit nito sinasabi ang mga bagay na iyon sa kanya ngayon gayong maganda naman ang naging samahan nila nitong mga nakalipas na linggo.
“I’m sorry, Cage…” mahinang sabi nito.
“Caraleigh, I believed in love, again, because of you.” sabi niya rito nang talikuran siya nito. Pero mukhang hindi nito narinig ang sinabi niya dahil pumasok agad ito sa gate ng bahay.
God! I think I’m going to be crazy over this! Pero isa lang ang sigurado niya, masakit tanggapin na ang babaeng mahal mo’y hindi ka rin mahal katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo dito.
“ALLOW yourself to love again. Allow yourself to be happy.” Iyon ang mga katagang galing sa kapatid ni Brian na paulit-ulit na umuukilkil sa isipan ni Caraleigh. How did she let herself choose to be with Cage? Nakalimutan niya ang pangako sa kanyang sarili na tuwing Linggo’y pupunta siya sa Batangas at mangangarera para alalahanin si Brian. Nakalimutan na rin niyang nangako siya sa kanyang sarili na si Brian lang ang kanyang mamahalin habang buhay at wala nang iba.
But, Cage made her forget all of that. He just entered her life like a storm, messed around her regular activities, promises and her heart. She was always in her right mind. She was always in control. She was always in her limits. Until Cage came into her life. He made her forget all that was supposed to be important to her. At hindi niya alam kung mabuti ba iyon o hindi. Basta ang alam niya’y guilty siya ngayon.
Mahal niya si Brian…pero si Cage…
“Mind if I join you?” bungad sa kanya ng Papa Max niya. Umayos siya ng upo sa mahabang upuan sa lanai at tumabi naman sa kanya ang kanyang ama. Nasa bahay siya ng mga ito ngayon. “Matters of the heart?”
“’Pa, nakita ko sa restaurant na kinainan namin dati ang Ate ni Brian.”
“And? May kinalaman ba ‘yon sa pag-iwas mo kay Cage nitong mga nakalipas na araw?”
Tumango siya bilang kasagutan sa huling tanong nito. Ilang araw na niyang iniiwasan si Cage dahil pilit niyang binabalik sa dati ang buhay niya. Umaaga siya ng gising para hindi nito siya maabutan sa bahay niya. Mas madalas na rin siyang doon natutulog sa bahay ng Papa niya kaysa sa bahay niya para maiwasan si Cage. Hindi rin niya sinasagot ang kahit na anong tawag nito at nagbilin siya sa kanilang opisina na palaging sabihin kay Cage na wala siya roon.
“She told me that I should allow myself to love again, to be happy again.” sagot niya sa unang tanong ng kanyang ama.
“Dapat lang. Ano’ng sabi mo?”
“Wala akong masabi. I feel guilty. Nakita niyang kasama ko si Cage noon.”
“Pinakilala mo si Cage sa kanya?”
“Opo, as a friend.”
Tumawa ito. “Ano ngayon ang problema mo?”
“’Pa, hindi ko basta na lang dapat kalimutan si Brian. I swore to love him forever. Pinangako ko sa sarili kong siya lang ang lalaking mamahalin ko.”
“Kung nasaan man si Brian ngayon, alam kong nahihirapan din siya katulad mo. Hindi ka rin niya mabitawan dahil d’yan sa feelings mo na ‘yan. Hindi naman ibig sabihin nang magiging masaya ka’y kalilimutan mo na siya. He will always have a special place in your heart just what your mother has to mine. Loving again doesn’t mean forgetting about your past love. It means loving yourself more and being happy of what you have right now.”
“Papa, nahirapan ka bang pakawalan si Mama noon?”
“Sa totoo lang, oo. Hindi naging madali sa’kin ang paglimot sa kanya. Nakapaghiganti pa nga ako sa mga sindikato para sa kanya eh. But then, I met your Tita Frecy. She made me into a new person again, pinasaya niya ako. Sabi ko sa sarili ko, I need to be happy again. Hindi ko naman siyempre nakalimutan ang Mama mo, she will forever be in my heart. It’s just that, I know she will be happy for me and I know she’s happy for me wherever she might be now. At, alam kong gano’n din si Brian sa’yo.”
“Papa, ayaw ko kasing sirain ang pangako ko sa sarili ko.”
“Caraleigh, allow yourself to be happy again. Don’t feel guilty. Kung ang pamilya nga ni Brian ay masaya na ngayon, dapat ay ikaw din. Isa pa, mahal ka ni Cage kaya wala kang dapat ibahala sa kanya.”
Napangiti siya. Botong-boto talaga ito kay Cage. “Talaga lang ha?”
“Oo. Kapag sinaktan ka niya, sabihin mo agad sa’min at ikakasa na namin ang mga baril namin sa kanya.” sabi nitong may halong biro.
“Bakit mo ba gusto si Cage, ‘Pa?”
“Dahil alam kong kaya ka niyang pasayahin. Dahil alam kong masaya ka sa kanya. At dahil nakikita kong mahal ka talaga niya.”
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Alam niyang hindi nagkakamali ang kanyang ama sa mga sinabi nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. “I love you, Papa. I’m glad, so glad na magkasama na tayo ngayon.” malambing na sabi niya rito. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na sinabihan niya ito ng ‘I love you’ kaya hindi nakapagtatakang maluha-luha ito ngayon. Niyakap siya nito ng mas mahigpit.
Naranasan din pala ni Papa ang nararanasan ko ngayon. But he’s happy right now. Tama si Lemon noon, I should try and see what’s in store for me. I will be happy.