“HINDI KA okay, anak,” sabi kay Saskia nang papa niya nang madatnan siya nitong nagkakape sa malaking sofa sa may garden nila. Pinapanood niya ang mama niya habang nagkakalkal ng kung ano sa garden na ipinagawa niya para dito sa kanilang likod-bahay. Dahil sa garden na iyon kaya ayaw muna nitong umuwi sa probinsiya nila. Isa pa’y ayaw siyang iwan ng kanyang mga magulang dahil sa “sitwasyon” niya.
That was the understatement of the year. She felt like the worst.
“I feel like hell, ‘Pa,” aniya rito.
“Alam ko. Kitang-kita naman sa’yo eh,” anito saka ito tumabi sa kanya. Dala nito ang cordless phone nila. “Bakit hindi ka sa kitchen o sa dining mag-kape?”
“Ayoko do’n,” simpleng sabi niya rito. Sa tuwing pumupunta kasi siya sa kusina nila ay napapatingin siya sa may pantry at naaalala niyang doon nangyari ang epic kissing scene nila ni Matt. She was still vulnerable about their break-up but she’s trying hard to move on.
Pagkatapos niyang makita ang litrato ni Matt na may kahalikang ibang babae ay hindi siya nakapasok ng dalawang araw sa kanilang opisina dahil nilagnat siya. Tinatawagan siya ni Matt pero hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Ilang ‘mad calls’ na rin ang natanggap niya mula kay Trina at Jenna dahil ang mga ito daw ang tinatawagan ni Matt kahit madaling-araw na pero ang tanging sinabi lang niya sa mga ito ay magpalit na ang mga ito ng numero. Kinausap na rin siya ng mag-asawang McDonell tungkol kay Matt pero pinalabas lang niya sa magkabilang tainga niya ang mga sinabi ng mga ito.
Hindi niya matanggap na sinaktan siya ni Matt. All his words were very promising. Pinagkatiwalaan niya ito ng kanyang nararamdaman. Natakot siyang magmahal muli pero sinubukan niya dahil gusto niya si Matt. Because his charms were stupidly irresistible. Pero pinagsisisihan na niya ngayon ang ginawa niyang subok dito.
All this years, she tried to be tough and to deflect every guy’s intention on dating or courting her. She gave up being tough for Matt but he hurt her. She didn’t expect that the guy whom she thought would make her happy actually gave her pain in the end. So much for the marriage talk.
“Ang pagmo-move on, hindi pinipilit ‘yan sa sarili. Kung hindi ka pa handa, dread over it. Hangga’t hindi mo nailalabas ang lahat ng nasa dibdib mo at wala pa rin kayong closure, aasa pa rin ‘yang puso mo at hindi ka pa rin matatahimik,” biglang sabi ng papa niya sa kanya.
Nagulat siya sa mga sinabi nito. Kahit kailan ay hindi ito nakialam sa love life niya. Kahit kailan ay hindi ito nagbigay ng advice sa kanya tungkol sa pag-ibig. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-uusap sila tungkol sa relasyon.
“Papa, ayokong pag-usapan ‘yon,” aniya rito.
Umiling ito. “You’ve been very impulsive, sweetie. Sa isang relasyon, hindi ka nag-iisa. Dalawa kayo. At para mag-work ang isang relasyon, kailangan n’yong magkaintindihan lalong-lalo na ang pagkatiwalaan ang isa’t isa. Trust is always next to love. Kung hindi mo ‘yon ibibigay sa karelasyon mo, talagang masisira ang pagsasama n’yo. Alam mo kung bakit kami pa rin ng mama mo hanggang ngayon? Dahil pinagkakatiwalaan namin ang isa’t isa.”
“Papa, ano’ng sinasabi mo? Na hindi ako nagtiwala kay Matt? I saw the picture!” aniya rito.
Muli itong umiling sa kanya. “See? Ikaw na mismo ang nagsabi. You ‘saw’ the picture. You didn’t hear it,” makahulugang sabi nito.
“Papa, ano’ng gusto mo? Magpaka-tanga pa rin ako hanggang ngayon? Matt is obviously having a good time somewhere around the world with another girl while I’m here being miserable,” naiinis na sabi niya rito. Pakiramdam kasi niya’y kampi pa ang sarili niyang ama sa lalaking nanakit sa kanya.
“Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit naging miserable ka. Nagdesisyon ka agad para sa inyong dalawa. Relationship one-o-one, anak, it’s not just you.”
Napatayo siya dahil sa sinabi nito. “I can’t believe you’re lecturing me about love and relationships now!” nakapamaywang na sabi niya rito.
Natatawang napailing ito sa kanya. “Inis na inis na kasi ako sa’yo, anak. Sa lahat ng babaeng kakilala ko, ikaw ang gustong-gusto ng sakit at conflict. Wala naman talagang gano’n kung nakinig ka lang sa kanya,” sabi pa ng papa niya.
“Bakit, ‘Pa, nakausap mo ba siya para magsalita ka ng ganyan sa’kin ngayon?” aniya rito.
“Oo. Phone pal na kaya kaming dalawa,” sabi sa kanya ng papa niya saka ito ngumisi sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya rito. “Anak, ‘wag kang masyadong magselos. Ikaw pa rin naman ang mahal niya eh.”
“Kailan mo pa siya nakakausap?”
“Simula no’ng araw na nag-break kayo,” kaswal na sagot ng papa niya.
“Bakit hindi mo sinasabi sa’kin?”
“You’ll freak out just like that,” kibit-balikat na sabi nito sa kanya.
“Papa!”
Tumawa ito sa kanya saka may kinausap sa cordless phone na dala-dala nito. “Hello? Oo. Gusto mo siyang makausap? Sige,” anang papa niya sa kausap nito sa telepono na hindi naman niya narinig tumunog kanina. “Ang Kuya Shep mo.”
“Kuya. Hello? Hello?” aniya sa kabilang linya nang wala pa ring sumasagot doon pagkatapos niyang mag-‘hello’.
“That picture was nothing, Saskia,” anang boses ni Matt sa kabilang linya. “’Wag mong ibaba ang telepono. Please,” nagsusumamong sabi nito sa kanya.
Nakita niya ang kanyang amang nag-peace sign sa kanya saka ito naglakad palapit sa mama niyang nakaupo pa rin sa may damuhan sa garden at patuloy ang pagkakalkal sa lupa. She watched her parents kiss each other. She wanted to be like that when she became old.
With Matt, anang isang bahagi ng isipan niya.
I doubt it, sabi naman ng isa pa.
“Of course, it is,” sagot niya sa sinabi ni Matt kanina.
“Will you let me explain first?” She hinted irritation on Matt’s voice. Nakaramdam din siya ng inis dito. Ito pa ang may ganang mainis sa kanya ngayon?
“You didn’t trust me,” he said a matter-of-factly. Nag-init ang ulo niya dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya’y siya pa ang may kasalanan ngayon gayong ito ang nangaliwa sa kanilang dalawa.
“I trusted you! Pero sinaktan mo lang ako. Damn you!” naiinis na sabi niya rito.
“Curse me if you want to. I’d still tell you the same. That picture was nothing. Parte lang ‘yon ng isang photoshoot. The campaign ad was about Christmas and the photographer required a kiss from me and Kam. Hindi ko alam na ipo-post ‘yon ni Kam sa Instagram. Nang komprontahin ko siya, ang sabi lang niya sa’kin, tinutukso lang niya ako dahil gusto niyang malaman kung seryoso ako sa’yo. Kaibigan ko lang siya, Saskia,” paliwanag nito sa kanya.
“Friends don’t kiss,” aniya rito.
“Sabi ko naman sa’yo parte ‘yon ng isang photoshoot eh. Trabaho lang ‘yon,” anito sa kanya.
“That’s the most absurd thing I’ve ever heard! You got paid for kissing your friend,” sarkastikong sabi niya rito.
He breathed a sigh. “Saskia...”
“Sa tingin mo maniniwala ako sa’yo? Hindi ako tanga, Matt.”
“Right. It’s as if you’ll listen to me. Oo nga pala. You branded me a playboy before. Ano pa kaya ngayon,” anito sa kanya na may lungkot at sakit sa tinig.
“Good. Nagkakaintindihan tayo.”
“You know what, I could just find another girl less complicated than you. Bakit ko pa nga ba ipinipilit ang sarili ko sa isang babaeng sarado ang isipan at hindi marunong magtiwala,” anito sa kanya saka naputol na ang linya nila.
Nakangangang napatingin na lang siya sa teleponong hawak niya. Seryoso ba ito sa sinabi nitong hahanap na ito ng ibang babae? Pinagkatiwalaan naman niya ito pero sinira nito iyon. Ayaw niyang magmukhang tanga kaya ayaw niyang makinig dito.
“Ano? Nagkabalikan na ba kayo?” tanong ng papa niya. Nakita siguro nito na hindi na nakatapat sa tainga niya ang telepono.
“Nag-break na talaga kami, papa,” aniya rito.
Napailing ang kanyang ama sa kanya. “Gusto ko ang batang ‘yon para sa’yo, anak. Sayang naman.”
“Papa! Wala ka man lang bang concern sa’kin?”
“Mayro’n. Kaya nga gusto ko kayong magkaayos ni Matt. Twenty-seven ka na. Pitong taon na naman ang lilipas bago ka magka-boyfriend ulit. Kailan pa kami magkaka-apo ng mama mo sa’yo?”
“Papa! ‘Kainis ka!” naiinis na sabi niya rito pero yumakap siya rito at hindi niya napigilang umiyak sa balikat nito. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya’y may nagawa siyang malaking pagkakamali.
HINDI INASAHAN ni Saskia na pupunta si Tyra sa opisina niya. Iyon ang unang pagkakataon na pumunta ito roon at dala na naman nito ang iPad nito. Ano naman kaya ang ipapakita nito sa kanya ngayon?
“If this is about a fucking social networking site again, forget it, Tyra. Hindi kita kakausapin,” agad na sabi niya rito. Hindi naman siya galit dito. Naiinis lang talaga siya sa lahat ng nangyari—sad to say, involved ito.
“Ate, I’m so sorry,” anito sa kanya.
“You’re forgiven,” aniya rito.
“Seryoso?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
“Oo. Basta ‘wag mo na lang ulit ipapakita sa’kin ang iPad na ‘yan,” aniya rito.
“Ate, hindi totoo ‘yong kiss ni Kam at ni Matt. Lip-to-lip touch lang ‘yon. Hindi maikokonsiderang kiss ‘yon,” ani Tyra sa kanya.
“Break na kami ni Matt, Tyra. Wala ng silbi pa ang pagpapaliwanag mo. Nakapagpaliwanag na rin siya sa’kin,” aniya rito.
“At hindi ka nakinig. Alam mo, Ate Saskia. Dapat magkaroon ka rin ng Instagram at Twitter para maging updated ka. Kam Nowinsky is getting married to a football player. Binura na niya ang photo nila na ‘yon ni Matt dahil nagalit din sa kanya ang boyfriend niya. Nag-apologize siya sa Instagram at Twitter dahil sa nagawa niya,” paliwanag ni Tyra. Inilapit nito sa kanya ang iPad nito na may video namang nakahandang ipanood sa kanya. “Kailangan mong mapanood ‘yan.”
“Why are you quitting modelling, Matt?” tanong ng isang boses na hindi niya nakikita sa screen. Tanging si Matt lang kasi ang nakikita niya sa screen.
“Because I think I’m already old to model,” ani Matt pagkuwa’y tumawa ito pati na ang interviewer. “Modelling really made my life but I already had enough. Okay. Here’s the thing. I’m going to settle down. In the Philippines. With the woman who resists my charm and who would make my dream come true. Everybody thinks that being famous is bigger than life, but they’re wrong. Love is. When you finally found the right one for you, everything else will become a blur and the only thing clear is her. Everything with her is clear. I’m going to marry her when I get back,” pagtatapos ni Matt sa interview na iyon.
Natutop niya ang kanyang bibig. Tiningnan niya ang date na nakalagay sa video na iyon at namura niya ang kanyang sarili. Bago pa niya makita ang picture nina Matt at
Kam naka-date ang video. Bago pa rin iyon nang huling Skype nila ni Matt. Ibig sabihin ay tatapusin lang talaga nito ang six-months nang pinirmahan nitong kontrata at uuwi na ito—sa kanya. He’s going to marry her. Really.
“Nakausap ko siya noon, ate. Right after I fought with you. Alam kong ayaw niya akong saktan pero sinabi pa rin niya sa’kin na mahal ka niya. Wala pa akong nakikitang lalaki na nagmamahal katulad ni Matt sa’yo. Don’t let him go, Ate Saskia,” sabi ni Tyra sa kanya pagkatapos.
“Ang tanga ko. I don’t deserve him now,” aniya.
“’Wag mong isipin ‘yan. Sabi ni Matt sa’kin noon, minahal mo siya hindi dahil siya si ‘Matthew McDonell’ na tinitilian at hinahangaan ng mga tao. Sigurado akong gano’n din siya sa’yo, ate,” sabi pa ni Tyra sa kanya.
Tiningnan niya ito ng deretso sa mga mata. “Salamat, Tyra. Sorry din sa mga nasabi kong harsh sa’yo,” aniya rito.
“I’m so sorry din, ate. Sinira ko ang relasyon n’yo ni Matt. Pero maniwala ka sa’kin, hindi ko intensyon ‘yon. Concerned lang ako sa’yo,” paliwanag nito sa kanya. Niyakap niya ito.
“It’s okay. Gumawa ka naman ng paraan para magkaayos kami eh. I promise you, Tyra. Magkakaayos kami,” nakangiting sabi niya rito.
Okay, stupid. What to do now?
“WHAT THE hell?”
Napangiwi si Saskia dahil sa bungad sa kanya ni Matt nang pagbuksan siya nito ng pinto. Nasa Santorini, Greece sila. Ginamit niya rin ang plane ticket na ipinadala nito sa kanya dahil gusto niyang iuwi ito sa Pilipinas bago mag-Pasko. Gusto niyang makipagbalikan dito.
“M-Matt, it’s c-cold out here,” aniya rito. Hindi man nag-i-snow roon ay napakalamig naman ng simoy ng hangin. Napamura si Matt pero niluwangan nito ang bukas ng pinto at hinila siya papasok sa loob ng tinutuluyan nitong kwarto.
“Bakit ka nandito? Tapos na tayo ‘di ba?” agad na tanong nito nang makapasok siya sa loob.
“I’m here to take you back,” aniya rito. Lumapit siya rito. She ran her fingers through his chest, teasing him.
“Like hell you would. You already dumped me, remember? Hindi ka nakinig sa’kin ‘di ba? Bakit nandito ka ngayon?”
Tumingin siya ng deretso sa mga mata nito. Na-miss niya ang mga mata nito. Hindi niya ma-imagine na may tinitingnang ibang babae ang mga matang iyon katulad nang pagtingin nito sa kanya.
“Dahil nagkamali ako. Dahil napakababaw ko. Dahil naging tanga pala ako. Dahil nagalit ako sa’yo na hindi naman pala dapat. Dahil nagselos ako. Dahil nga kasi mahal kita. Normal lang naman na magselos ako dahil mahal kita ‘di ba?”
Hindi sumagot si Matt sa mga sinabi niya. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Dahil doon ay nagkaroon siya ng pagkakataong halikan ito. She kissed him tenderly. She urged him to respond to her but he didn’t. Kaya itinigil niya ang paghalik dito.
“May date ako mamaya. You should leave,” anito sa kanya. Napanganga siya dahil sa sinabi nito. Pitong salita na tumarak ng labis sa puso niya. He’s cutting her off his life now.
“Malamig sa labas. Isa pa, hindi ko alam ang lugar na ‘to. Hahayaan mo akong mag-isa sa labas?” nangongonsensiyang sabi niya rito. She have to do every means just to take him back.
“Paano ka pala nakapunta dito kung hindi mo alam ang lugar na ‘to?”
“Sinundo ako ni Tasha sa airport. Siya ang kinontak ko bago ako pumunta dito. I wanted to surprise you pero ako pala ang masosorpresa sa’yo. May bago ka ng date,” aniya rito.
“Ako na naman ang sinisisi mo? Fine. Ako na ang may kasalanan ng lahat ng problema sa mundo,” sarkastikong sabi niya rito.
“I’m sorry,” nakayukong sabi niya rito. “Pero seryoso ako, Matt. I want you back.”
“Damn it, Saskia! Bakit bigla kang nagbago ng desisyon ngayon? Heck, I couldn’t figure you out,” frustrated na sabi ni Matt sa kanya.
Lumapit siya rito at niyakap ang baywang nito. “You have a lifetime to figure me out, Matt,” aniya rito.
“Fuck love!” mura nito kung saan. Hinawakan nito ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang nito at hinila siya nito sa harapan nito. Hinawakan nito ang baba niya at itinaas iyon para magkatinginan sila ng deretso sa mga mata. “Kahit kailan ba hindi mo padadaliin ang lahat sa’kin?”
Nginitian niya ito. “Worth it naman ang lahat ng hirap ‘di ba? Mahal mo naman ako eh.”
“Brat,” anito saka bumaba ang mukha para halikan siya. He kissed her like there’s no tomorrow—like how he missed her. “Bakit ka nandito? Ang sabi mo sa’kin hihintayin mo ako sa Pilipinas no matter what, ‘di ba? What made you changed your mind?” tanong nito sa kanya nang maghiwalay ang mga labi nila.
“Sinabi mo kasing maghahanap ka na ng ibang babaeng mas less complicated kaysa sa’kin. I’m tough but I got scared when you said that. Noon ko na-realize na hindi pala kita kayang pakawalan. At bago ka pa makahanap ng kapalit ko, kailangan na kitang makuha muli,” paliwanag niya rito.
“See? You don’t trust me. Sinabi ko lang ‘yon dahil naiinis ako sa’yo. Hindi lang ikaw ang miserable na magkahiwalay tayo, Saskia. Ako rin. I’m counting the days na matatapos na ang trabaho ko para makauwi na ako sa’yo but you never made it easy.”
“I trust you. May mga bagay lang akong naiisip na—“
“’Wag kang mag-isip ng mga negatibong bagay. Ilang beses ko ba dapat sa’yong sabihin na mahal kita para maging secure ka sa relasyon natin? Didn’t you listen to everything I said before? Uulitin ko ang sinabi ko sa’yo at ang sinabi ko sa mga taong nakapaligid sa’kin, Saskia.”
“I’ve travelled all over the world, I’ve met different people—mostly, women—pero nang magbakasyon lang pala ako sa Pilipinas ko matatagpuan ang babaeng mamahalin ko habang-buhay. I never knew love until I met you, Saskia. No’ng sinabi ko sa’yo noon na kung kailangang ulitin ko ulit ang lahat ng ginawa ko para sa’yo sa gayon ay ako pa rin ang mahalin mo sa huli ay gagawin ko, totoo ‘yon. Kapag sinasabi kong mahal kita, maniwala ka dahil ‘yon ang pinakatotoong bagay na lumalabas sa bibig ko,” paliwanag sa kanya ni Matt.
“Naniniwala naman ako sa’yo eh. I’m sorry kung naging mahina ako, Matt. I’m sorry kung nasaktan at napahirapan ko ang loob mo,” aniya rito.
He hushed her. “Quits lang tayo. Pero mangako ka sa’kin na hindi na ulit mangyayari ‘to,” anito sa kanya.
Itinaas niya ang kanang kamay niya. “I swear. Cross my heart, hope to die,” pangako niya rito.
“Good. About the marriage—“
“Napanood ko ‘yong interview mo. I’m so touched,” nakangising sabi niya rito.
“I’m glad you liked it. Siguro naman by now naiisip mo nang hindi ako tatanggap ng ‘no’,” anito sa kanya.
“I already said ‘yes’ then, remember? I’m all yours to take,” masuyong sabi niya rito.
“You’re going to be Mrs. Matthew Lawrence McDonell tomorrow. How does that sound?” masuyong sabi nito sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.
“Bukas?” gulat na tanong niya rito.
“Ayaw mo? Sayang naman. Maganda ang seremonya ng kasal nila dito,” anito.
“I’m going to be Mrs. Matthew Lawrence McDonell tomorrow, then,” nakangiting sabi niya rito.
When he bent down to kiss her, she knew that tomorrow would be all right. Her love’s going to be just beside her for the rest of her life. She’s finally going to have her happy ending.
All the pain, heartaches, avoidance, ignorance, charades and pretensions would finally had its end. The next fifty years would be full of happiness, complications that would teach each of them a lesson, love and teasings. Yes. There would be a lot of teasing.
Nangako kasi si Matt sa’kin na ako na lang ang makakakita sa kanya na nakahubad ‘di ba? His body is only for my eyes to see. Single Saskia, signing off.