PROUD NA proud si Saskia sa kanyang sarili dahil maganda ang natatanggap niyang feedback sa garden ng mga McDonell. Iyon ang gabi nang anibersaryo ng mag-asawang McDonell at kaninang umaga lang ay pina-bless ng mga ito ang bagong garden ng mga ito. Maraming pumuri sa ginawa niyang design para sa garden lalong-lalo na ang mag-asawa McDonell. At natatawa siya dahil sa tuwing may nagtatanong sa Tita Melanie niya kung sino ang nagdisenyo ng garden ng mga ito ay ang palaging sagot nito’y “si Saskia—ang future daughter-in-law ko”.
Nilapitan niya ang mag-asawang McDonell at nagpaalam sa mga ito. “I have a date tonight,” aniya sa mga ito saka kinindatan ang dalawa. Mag-i-skype kasi sila ni Matt ngayong gabi at malapit na ang oras na pinag-usapan nila. Umaga na sa Cancun kung nasaan ito ngayon para sa campaign ad ng isang clothing line.
“You tell Matthew he owes us a gift,” anang Tito Hugh niya.
“I’ll tell him that, Tito,” nakangiting sabi niya rito.
Nang makarating siya sa kwarto niya ay agad niyang binuksan ang laptop niya at nag-online sa Skype. Maya-maya lang ay nasa screen na ng laptop niya ang mukha ni Matt. His face looked completely shaven like he really prepared for that night. Mukha itong mabango at kahit na magkalayo silang dalawa ay naamoy niya ito roon. Hindi na siya nagulat nang makita niya itong muling shirtless. Sa ilang beses na nag-Skype kasi silang dalawa ay palagi itong walang suot na t-shirt kaya nasanay na siya. Besides, he has a good body to look into and she doesn’t mind.
Ngunit may bago rito nang gabing iyon. May hawak itong gitara at sa oras na nag-online ito’y ini-strum na nito iyon.
“I’ve been roaming around always looking down and all I see, painted faces fill the places that I can’t reach. You know that I could use somebody...You know that I could use somebody...Someone like you and all you know and how you speak. Countless lovers undercover of the street. You know that I could use somebody...You know that I could use somebody...Someone like you...Oh, oh, oh...” kanta ni Matt habang tinutugtog ang gitara at diretsong nakatingin sa kanya sa screen.
“Off in the night while you live it up, I’m off to sleep. Waging wars to shake the poet and the beat. I hope it’s gonna make you notice...I hope it’s gonna make you notice...Someone like me. Someone like me. Someone like me...Somebody...Go and let it out. Someone like you...Someone like you...Someone like you...I’ve been roaming around always looking down and all I see.”
“Kings of Leon’s Use Somebody. Nice. You really could sing,” pumapalakpak na puri niya rito. “Pero iba yata ang ipinararating ng kanta mong ‘yon,” aniya nang tumigil siyang pumapalakpak dito.
“Do you know why I sang that song? I’ve travelled to so many places but I didn’t find someone like you. I want you to know how much I love you, Saskia. Pwede naman akong pumili ng isang babaeng madaling makuha but I chose you. I chose the hard way because you’re worth it. I terribly miss you, babe. It’s killing me,” masuyong sabi nito sa kanya saka ito lumapit sa screen ng laptop nito at nakita niya ang mga labi nito sa screen. He gave her a virtual kiss. Natawa siya sa ginawa nito.
“Buhay ka pa naman eh and that was gross, Matt,” natatawang sabi niya rito.
“Sweet kaya ‘yon. How many guys would you see kissing their laptop screens just to give their girls a kiss?”
Naiikot niya ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito. “Fine, fine.”
“You have to sing for me too, babe,” anito sa kanya.
“Ayoko nga! Hindi ko naman sinabi sa’yong kantahan mo ako ah,” tanggi niya rito.
“Be fair naman. Ang hirap kumanta eh,” anito sa kanya.
“Ginusto mo naman ‘yon eh,” aniya rito.
“I did that because I love you,” nangongonsensiya pang sabi nito.
“Sa pagkanta na pala nasusukat ang pagmamahal ngayon.”
“Nag-effort akong kumanta para sa’yo,” anito.
“Whatever.”
“Ganyan ka naman eh. Hindi mo ako mahal,” tila nagtatampong saad nito.
Inignora niya ang sinabi nito. “Pinapasabi nga pala ng daddy mo na may utang kang regalo sa kanila,” aniya rito.
“Hay. Ang sakit sa puso na ‘yong babaeng mahal mo, hindi gano’n katindi ang pagmamahal sa’yo—“
“Fine! Damn you! Pick a song,” naiinis na sabi niya rito.
He chuckled. “Kantahin mo kung ano ang gusto mong kantahin para sa’kin, baby.”
Nag-isip siya ng magandang kanta na bagay sa kanilang dalawa at napili niya ang kanta ng Lifehouse na “You Belong To Me”.
“See the pyramids around the Nile. Watch the sunrise from a tropic isle. Just remember darling all the while, you belong to me. See the marketplace in old Angier. Send me photographs and souvenirs. Just remember when a dream appears, you belong to me. And I’ll be so alone without you, maybe you’ll be lonesome too. Fly the ocean in a silver plane. See the jungle when it’s wet with rain. Just remember ‘til you’re home again, you belong to me,” kanta niya para dito.
“Wow! You have a lovely voice. Happy first monthsary, baby!” masiglang bati sa kanya ni Matt. Nagulat siya sa sinabi nito at napangiwi dahil hindi niya naalala. Isang buwan na pala ang nakalilipas mula nang umalis ito. At isang buwan na rin silang magka-relasyong dalawa. Iyon nga lang, magkalayo sila.
“Hindi mo natandaan? Kaya nga kumanta ako para sa’yo ngayon,” ani Matt sa kanya.
“I’m sorry. Hindi ko naman kasi alam na uso pala sa’yo ang monthsaries,” katwiran niya rito.
“Dati, hindi. But you’re a different case.”
Nginitian niya ito saka siya dumukwang sa laptop screen niya at binigyan ito ng virtual kiss. “Happy monthsary, babe! I love you,” bati niya rito.
“Thanks. Bawing-bawi,” anito saka kumindat sa kanya. “Kumusta nga pala ang anniversary nina mommy’t daddy?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya.
“Very much in love pa rin sila sa isa’t isa. Kinikilig nga ako sa kanilang dalawa eh. At alam mo ba, maraming pumuri sa garden. Tuwing may nagtatanong sa mommy mo kung sino ang nag-design no’n, lagi niyang sinasabi na ang daughter-in-law daw niya,” natatawang kwento niya kay Matt. Kinikilig kasi siya sa isipin na tanggap na tanggap siya ng pamilya McDonell.
“You will be. Congratulations, babe. You did great! Sana lang nand’yan ako para maki-celebrate,” anitong may lungkot sa tinig.
“Hey, hey. Hindi pwede ang malungkot, remember? Date night natin ‘to. Bawal ang malungkot,” aniya rito.
“Ayokong masira ang gabing ‘to pero may sasabihin ako sa’yo, Saskia,” seryosong sabi nito sa kanya.
“Ano ‘yon?” kinakabahang tanong nito sa kanya.
“Hindi ako makakauwi next month,” anito.
“So, kailan na ang uwi mo? Next next month?” tanong niya rito.
“After six months pa. Tasha had my scheduled fixed already when I came back. Everything’s set. Naka-oo na siya sa lahat ng kumukuha sa’kin. Sunod-sunod na ang magiging projects ko at hindi ako papayagang makauwi ng management hangga’t hindi ko natatapos ang lahat ng projects ko,” paliwanag sa kanya ni Matt. Kilala na niya ang Tasha na sinasabi nito—ang manager nito. Minsan na niya itong nakita sa mga pictures ni Matt sa Instagram at nang minsang mag-Skype silang dalawa.
She felt her heart sank deep. Sa susunod na anim na buwan ay marami itong mami-miss na selebrasyon sa buhay niya. Hindi na nga ito makaka-attend ng house warming at promotion celebration niya sa susunod na linggo, hindi pa niya ito makakasama sa birthday niya sa susunod na buwan. Madadaanan din ng anim na buwan na iyon ang Pasko at Bagong Taon at hindi niya ito makakasama sa mga panahong iyon. What’s sadder than that.
“Hindi ka sana pumayag. Hindi naman magiging opisyal ang schedule na ‘yon hangga’t hindi ka pumipirma ng kontrata ‘di ba?” aniya rito.
“Five years ang kontrata ko kina Tasha. Kahit hindi na ako pumirma ng kontrata sa mga kliyente namin, kailangan ko pa ring sundin ang mga nasa schedule ni Tasha dahil nakakontrata ako sa management nila. Kapag hindi ko nagawa ang mga proyektong ‘yon, makakasuhan ako,” paliwanag nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita dahil sa mga sinabi nito.
He has a choice but he didn’t fight for it.
“Saskia, pwede ka namang pumunta dito sa kung nasaan ako eh. I’ll arrange a ticket for you. May gagawin kaming pictorial sa Greece. Isasama kita do’n,” anito sa kanya.
At least, he’s doing something for their relationship. At tama na iyon para sa kanya.
“You do that. I terribly miss you too. I can’t last another six months if I won’t see you soon,” aniya rito.
“Me too, babe. Me too.”
Staring at him on her laptop screen made her feel worse than ever. Gusto na niya itong makasama. She felt like their set up isn’t working anymore. She needed him badly like she’s going to go crazy if she’s not going to see him in the next couple of months.
Real crazy. Dati, wala akong pakialam kung walang lalaki sa buhay ko. Ngayon, hindi ako mapakali na wala si Matt sa tabi ko.
NAGISING SI Saskia dahil sa isang malakas na katok sa kanyang pintuan kasunod ang malakas na sigawan sa labas ng kanyang kwarto. Boses iyon nina Tyra at Trina at mukhang nag-aaway na naman ang mga ito base sa taas ng boses ng dalawa. Sinulyapan niya ang kanyang alarm clock na nakapatong sa bedside table niya at nagtaka siya kung bakit naroon na sa bahay niya ang dalawang pinsan niya nang ganoon kaaga.
Napailing na lang siya. Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang lumipat siya sa bago niyang bahay at kasama niya rin doon ang mga magulang niya. Last week kasi’y umuwi na ang kuya niya at ang pamilya nito at nagpaiwan ang mga magulang niya roon para samahan siya. She was glad that they were all okay now.
Sinabi ng mga ito sa kanya na hindi naman daw niya kinailangang patunayan ang sarili niya sa mga ito o magbago siya dahil lang sa nangyari o hindi magpakita sa mga ito hangga’t hindi siya nakakagawa ng paraan para maging proud muli ang mga ito sa kanya. Ang sabi ng papa niya ay tao lang siya na nagkakamali. Hindi niya raw kinailangang bumawi sa mga ito dahil naiintindihan ng mga ito ang nangyari noon. Siya lang daw ang nag-assume na galit at ikinahihiya siya ng mga ito dahil sa nangyari.
Ang totoo pala’y matagal na siyang gustong makita ng mga ito pero hinayaan lang siya ng pamilya niya na pahilumin ang sugat sa puso niya at bigyan siya ng panahong maka-recover.
“Ano ba? Let me go!” sigaw ng boses ni Tyra.
“You’ll ruin everything for them, Tyra!” sigaw naman ni Trina sa kapatid. Napakunot-noo siya dahil sa narinig niya mula kay Trina.
Naintriga siya sa sinabi nito kaya bumangon na siya sa kanyang kama at tinungo ang pinto niya. Pagbukas niya niyon ay nakita niyang hawak ni Trina ang braso ni Tyra habang pilit na hinihila ito palayo sa kwarto niya. May hawak na iPad si Tyra sa kabilang kamay nito.
“Ano’ng mayro’n? Bakit kay aga-aga eh nagsisigawan kayo dito?” tanong niya sa dalawa.
“Ate Saskia—“
“Shut your mouth, Tyra!” naiinis na sigaw ni Trina sa kapatid.
“Hey, bakit? Ano’ng nangyayari sa inyong dalawa?”
“Tyra just woke up on the wrong side of the bed,” ani Trina.
“Hindi kaya! Kailangan niya ‘tong makita,” giit na ni Tyra kay Trina.
“Ano ba ‘yan?” aniya sa mga ito.
“It’s all just shit, Saskia,” ani Trina.
“Well, gusto kong makita ang pinag-aawayan n’yong ‘shit’ na ‘yan,” sarkastikong sabi niya rito.
Ang huling beses na nakita niyang nag-away ang dalawa nang ganoon ay dahil kay Matt—at boyfriend na niya ito ngayon. Siguro nama’y magiging maganda din ang resulta para sa kanya ng pag-aaway ng mga ito.
“Ate Saskia, kaninang madaling-araw ko nakita ang photo na ‘to. Hindi ako makatulog hanggang ngayon kaya nagpunta na ako dito. Hinarangan ako ni Ate Trina kasi kauuwi lang niya. Hindi ko alam kung saang bahay na naman siya umuwi after niyang mag-bar. I think you need to see this picture. I meant no harm or I don’t mean to hurt you with this,” ani Saskia.
Inabot niya mula rito ang iPad nito at tiningnan iyon. She felt her heart on her throat and she feels like vomiting it. Nakita niya ang isang babae at isang lalaki na naghahalikan sa litratong iyon. And the guy turns out to be her boyfriend—Matt. Kilalang-kilala niya ang physical features ni Matt. Ito ang nasa picture na iyon at hindi niya malunok ang katotohanang iba ang kahalikan nitong babae sa picture na iyon. At labis na inis ang naramdaman niya nang makita niya ang caption ng litratong iyon. “My baby”. Naka-tag pa sa Instagram account ni Matt ang picture na iyon.
“Saskia, don’t believe everything you see. Picture lang ‘yan. At lahat ng picture ay may istorya. Baka—“
“Let me guess. Ang istorya sa likod ng picture na ‘to ay...gusto lang talaga nilang maghalikan and poof! Here’s the picture,” sarkastikong putol niya sa iba pang sasabihin ni Trina.
“Don’t be ridiculous, Saskia! Tanungin mo muna si Matt tungkol sa picture na ‘yan. Pareho silang modelo. Malay mo, kasama lang ‘yan sa campaign ad na ginagawa nila. Isa pa, mukhang may ibang kumuha ng picture na ‘yan at hindi isa sa kanilang dalawa,” ani Trina.
“’My baby’? Sino’ng babae ang magpo-post ng picture sa isang social networking site na kahalikan ang isang lalaki kung walang namamagitan sa mga ito?” sigaw niya.
Anger is building on her system.
“Ate Saskia, kalma ka lang,” singit ni Tyra. She shoved the iPad back at her.
“Gusto mo ‘tong mangyari ‘no? Pilit mong pinakita sa’kin ang picture na ‘yan para magalit ako kay Matt para mag-break na kami. Well, congratulations, Tyra! Makikipag-break na ako kay Matt ngayundin,” inis na sabi niya rito.
Pumasok na siya sa kanyang kwarto at padabog niyang sinarado ang pintuan niya. Agad niyang binuksan ang kanyang laptop at nag-message sa email at Facebook ni Matt na nagsasabing break na silang dalawa. Pagkuwa’y sinulyapan niya ang sobreng naglalaman ng plane ticket niya papuntang Greece na ipinadala ni Matt sa kanya noong isang araw. Sa susunod na linggo na sana ang flight niya para makasama ito ng isang linggo pero hindi na mangyayari iyon. He made one big mistake and that ended everything between them.
Muli siyang humiga sa kanyang kama, kumuha ng isang unan at inilagay iyon sa kanyang mukha saka sumigaw ng malakas para kahit papaano’y mailabas niya ang inis, selos at galit na nararamdaman niya. Ang nakaraang linggo ay naging impyerno para sa kanya. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng komunikasyon ni Matt dahil pareho silang abala sa kanya-kanyang trabaho.
May tinapos siyang proyekto at ganoon din si Matt—ayon dito. Pero iyon pala’y ibang ‘proyekto’ ang ginawa nito. Ang tanging naging security niya na intact pa rin ang relasyon nilang dalawa noon ay ang plane ticket na ipinadala nito sa kanya pero wala na iyong halaga sa kanya ngayon. Kaya siguro ayaw nitong bitiwan ang proyektong iyon ay dahil makakasama nito ang babaeng iyon.
What she thought about their relationship then was true, after all. It’s just a hook up.