Chapter Story 2 - Chapter 08

Tahimik lang si Abhaya habang kumakain. Kasama siya ni Hudson sa dinner business meeting nito. Babae ang ka-meeting nila at halatadong panay pa-cute ito sa binatang doctor na kasama niya. Habang siya, walang pakialam kahit maghalikan at magyakapan pa ito sa kaniyang harapan. Napangisi siya nang marinig ang boses ni Jacky sa kabilang linya. Kukurutin niya talaga ang singit ng babaeng iyon kapag nagkataon. Nasa labas kasi ito ngayon at nakamasid lang sa kanila ni Hudson.

“Mukha kang pinagsakluban ng langit sa hitsura mo,” patuloy pa nito at sinabayan ng tawa.

Hindi niya na pinansin ang sinabi nito. Natuon ang kaniyang mata sa kamay nung babae na humaplos sa braso ni Hudson, lihim siyang nag-ikot ng mata. Ang landi lang. Sandali siyang nag-excuse sa mga ito nang matanggap ang tawag ni Yx. It’s been a week though na binabantayan nila ang lalaki but until now wala pa rin silang lead.

“Yx,” bungad niya.

“Magkita tayo mamaya. May importante tayong pag-uusapan.”

“Count me in.”

Pinatay na nito ang tawag habang siya ay hindi na muna bumalik sa loob. Andiyan naman si Jackylyn sa paligid at hindi naman basta-basta mapapatumba ang lalaki... Hindi nga ba? Nagkibit siya ng balikat at huminga ng malalim. Well, kung oras na talaga nito mamatay wala na siyang magagawa ro’n. Makikilamay na lang siya kung nagkataon.

“Hoy babae, ‘yong binabantayan natin Doctor nilamutak na ng kaharap niya,” sinabayan nito ng malabruhang tawa ni Jacky sa kabilang linya.

Nag-ikot siya ng mata, “Hayaan mo na, kahit mag-live show pa ang mga iyan. Gusto mo sabay pa tayong manood?” natatawang sagot niya habang tinungo ang kotse ni Hudson na naka-park sa parking lot.

“May porn video ba kayo before ni Doc? Send link, please!” banat nito at humalakhak na.

“Bruha ka talagang babae ka!” nag-ikot siya ng mata. Malanding tawa naman ni Jackylyn ang kaniyang narinig sa kabilang linya.

Nagdesisyon siyang huwag ng pumasok sa loob ng restaurant. Sa loob ng kotse na lang niya babantayan ang binata at tingin niya ay nakaka-distract ang kaniyang kagandahan sa mga ito. Wala siyang susi, pero dahil myembro na siya ng carnap gang simula nung maging secret agent siya kaya mabilis niya itong nabuksan.

Kahit nasa kotse siya, nagmasid siya sa paligid. Okay naman at walang problema, wala siyang nararamdaman kakaiba. Sandali niyang pinikit ang mata para lang magulat sa malakas na pagbukas at pagsara ng pintuan ng kotse.

Tapos na?

Gusto niyang itanong iyon pero wala nga pala siyang paki kaya nagkibit lang siya ng balikat nang simulan nitong ini-start ang sasakyan.

Bandang alas-onse ng gabi nang matanggap ni Abhaya ang text ni Yx na magkita sila sa labas ng mansiyon nang Hayes. Nakasuot siya ng nighties kaya pinatungan na lamang niya iyon ng roba. Sigurado siyang importante ang sasabihin nito sa kaniya.

Nakita niya si Yx na nakasandal sa hood ng kotse nitong itim. Naka-black leather jacket at cowboy hat na natatabunan ang hitsura nito. Napakamisteryusong tao talaga ni Yx. Aaminin niyang hindi niya pa gaanong kilala ang lalaki at ayaw niya ng tuklasin ang pagkamisteryo nito, sapat na sa kaniya na may tiwala siya rito at kaibigan ang tingin sa kaniya.

“May balak lumipad papuntang Russia si Doc. Hayes. Ayon sa source ko, hindi ka niya isasama at sekreto ang lipad niyang iyon. May ka-business deal siya ro’n pero maliban do’n may isa pang dahilan kung bakit pupunta siya ng mag-isa. I want you to stop him by hook or by crook, Kienne. Hindi siya pwedeng pumunta. Note this, hindi siya maaring pumunta. Stop him by force.”

Napakunot noo siya sa sinabi ni Yx nang makapasok na siya sa passenger side. Hindi man lang siya nito hinayaan batiin ito. Napailing siya sandali, puro trabaho ang nasa utak ng lalaki at gano’n din naman siya. “Kailan ba alis niya?”

“Quarter to 11 bukas ng gabi. Hindi siya pwedeng bumi-yahe, delikado ang kaniyang buhay.” May binigay ito sa kaniyang envelope.

Tinatamad na tinanggap niya iyon at binuksan. Flight details iyon at location na pupuntahan nito. Sandali siyang napatingin kay Yx, “Paano mo nalaman ito?”

“I’m not that heartless to let you do this assignment alone kahit alam kong kaya niyo ito. Gusto ko lang mapadali niyo ito dahil mayroon kayong another assignment after this.”

Napatango siya. Kung sabagay, lahat naman ng mga tao ni Yx ay tinutulungan nitong sulbahin ang lahat ng assignment. Mas magaling ito sa kanilang lahat at alam niyang hindi basta-basta ang utak nito.

“That’s all for tonight, see you around.”

Nagkibit siya ng balikat at walang paalam na lumabas sa kotse. Bahagya niyang inayos ang roba dahil lumihis ito sandali sa kaniyang balikat. Hinintay niyang makaalis ang lalaki saka siya pumasok sa loob. Hindi siya dumeritso sa kaniyang silid, sa terasa ang punta niya. Lalanghap muna siya ng hangin at mag-isip ng plano kung paano pipigilan ang binatang Doctor. Ang sabi ni Yx, by hook or by crook at kailangan niyang sundin ang utos nito.

“Done seeing your man?”

Bahagya siyang nagulat sa boses na iyon ni Hudson. May kadiliman ang terrace kaya hindi niya napansin ang bulto nito na nakatayo sa kabilang bahagi ng terasa. Nakapamulsa ito habang nakasuot ng roba habang matiim siya nitong tinitigan.

“Yeah,” kiming sagot niya. Ang planong tumambay muna ro’n ay hindi niya na itinuloy.

Walang sabing tinungo niya ang kaniyang silid at nagpasyang do’n na lang tumambay sa kama. Bakit hindi niya gusto ang tono ng boses nito? May galit at diin ang pagbigkas pero dahil pagod siyang mag-isip sa mga ganiyan bagay, hinayaan na lang niya iyon. Ang dapat niyang isipin ay kung paano mapipigilan ito bukas. Unang pumasok sa isip niya ay painumin ito ng sleeping pills... Pwede!

Pero ang plano niyang painumin ito ng sleeping pills ay hindi tumalab dahil hindi nito ininum ang kapeng binigay niya nang gabing iyon. Shit! Nag-effort siya sa kapeng kaniyang tinimpla, pinabigay pa niya sa kasambahay para rito dahil napapansin niyang umiinom ito ng kape sa gabi. Tiningnan niya ang orasan pambisig, isang oras na lang. Mabilis niyang tinungo ang silid nito at kumatok. Bahala na! Bibigyan na lang niya ito ng malakas na suntok para makatulog ito.

Walang emosyon na binuksan siya ni Hudson ng pintuan. Naka-topless lang ito habang jeans ang suot sa ibaba. Napalunok siya ng wala sa oras at hindi agad nakahuma.

“Anything wrong?”

“Let’s talk Mr. Hayes,” saad niya nang makabawi at taas noong sinalubong ang mga titig nitong tagos kaluluwa kung tumingin.

“Follow me at the library.”

“No!” Napantastikuhan itong tumingin sa kaniya. “Let’s talk here. It’s a matter of life and death.”

Nagkibit ito ng balikat, “Come in.” Tumalikod ito at humakbang patungo sa couch na nando’n.

Napangisi si Abhaya. Sa mismong pagtalikod nito ay walang ingay na umigkas ang kaniyang kamay sentro sa batok ng binata pero mabilis na nasalo ng lalaki ang kaniyang pulsuhan at hindi niya inasahan na gagawin nito ang bagay na iyon.

“Too slow, Ms. Trunt,” walang gatol na saad nito.

Merde! Ito na ‘yon by hook or by crook. Mabilis na umigkas ang kaniyang isang kamay paatake rito. Isa lang ang masasabi niya, walang lalabas sa silid na iyon na mag-isa kundi siya lang.

“Opss! You miss again, Kianna,” walang emosyong saad ni Hudson, kulang na lang ay pagtawanan siya sa kaniyang ginawa atake. Ngayon dalawang pulsuhan niya na ang hawak nito.

God! Nakalimutan niyang hindi pala basta-bastang tao rin ang kaharap pero hindi siya magpapatalo rito. Ang lahat ng sakit na dinulot nito sa kaniya dati, ibabalik niya lahat. Isang malakas na sipa ang nakuha nito sa kaniya kaya nabitawan siya. Napangisi siya nang makitang napaatras ito. Masyado kasi siya nitong minamaliit.

“If you’re doing this to stop me from going... I tell you this, it’ll never work.”

“Talaga?” Sinugod niya ito. This time, may deter-minasyon na talaga siyang patulugin ito. Puntarya niya ang batok ng binata.

Puro ilag at pigil ang nakuha niyang sagot sa binata, minsan ay napapasadsad pa siya sa sahig at hindi nakakatuwa iyon. Atake rito, atake ro’n ang kaniyang ginawa pero wala pa rin nangyayari. Mukhang matatalo yata siya. Nag-isip siya ng magandang strategy. Bullshit! Ang laswang strategy na lumabas sa utak niya. Mabilis niya itong binura sa utak. Hindi niya ito gagawin, never! Pero sa sumunod niyang atake, hindi niya napaghandaan. Kinulong siya nito sa isang tabi dahilan para hindi siya makagalaw. This time, ginamitan na siya nito ng lakas para pigilan siya.

“One move Kianna or I’ll kiss you,” banta nito.

Nahumindig ang kaniyang balahibo. Sino ito para halikan siya? Subukan lang ng lalaki at hahalik ito sa sahig na marmol. Biglang lumabas ulit ang malaswang plano sa utak niya, nagdadalawang isip siya kung gagamitin pero wala siyang choice kundi gamitin iyon para sa ikakatahimik ng lahat.

“Hudson...”

Sandaling natigilan ang binata sa pagsambit niya sa pangalan nito. Biglang umamo naman ang kaniyang hitsura at malamlam ang matang tinitigan ito pero sa likod ng utak niya, gustong-gusto niyang patumbahin ito ngayon.

“If you think that will work, you are definitely—”

Idiniin niya ang sarili sa binata at sa kaniyang ginawa, naramdaman niya ang munting pagkabuhay ng pagkalalaki nito. Shit! Gusto niyang umatras sa kaniyang pinaplano pero nasimulan niya na kaya wala na siyang karapatan pa na umatras. Mas lalo niyang idiniin ang sarili sa lalaki. Tinatantiya niya lang na luluwag ang pagkakahawak nito sa kaniyang dalawang kamay at hindi naman siya nagkamali, lumuwang ang pagkakahawak nito dahilan para makawala siya.

Ngumiti siya nang nakakaakit at dahan-dahang yumakap sa leeg nito. Narinig niya ang mahinang pagsinghap nito at ramdam na ramdam niya ang nagsusumigaw na pagkakalaki nito sa kaniyang puson. Shit! Shit! Kailangan niya ng tapusin ito.

“Hudson...” this time, may lambing ang kaniyang boses at marahan pinihit ang ulo nito papalapit sa kaniya. Maliit siyang babae kaya kailangan niyang tumingkayad para maabot ang labi nito kung sakali. Hinaplos niya ang pisngi nito. God! Gusto niyang tumakbo at maghugas ng kamay sa ginawa. Bigla siyang nandiri.

Nanigas ito sa kinatatayuan at namula ang buong mukha. Gusto niyang matawa, sa tagal niyang fucking buddy nito hindi niya nakitang ganito ang reaksyon ng binata pagdating sa kaniya. Mas giganahan tuloy siyang akitin ito lalo para maisagawa na rin ang plano ng walang kahirap-hirap.

Bumaba ang kaniyang kamay sa leeg nito at bahagya niyang kinagat ang kaniyang labi. Dahil ang suot niya ay nighties lang na pinatungan ng roba, bahagyang lumantad ang kaniyang masisiglang dibdib nang dumantay ang kaniyang dalawang palad sa dibdib ng binata. Shit! Bigla siyang namula. Tulad ng dati, matitigas pa rin iyon at isa ito sa kinababaliwan niya. Pansin niya ang pagtaas-baba ng adams apple nito habang nakatitig sa kaniya. Walang reaksyon galing kay Hudson pero sapat na kay Abhaya ang pag-iinit ng katawan ng binata at pagkabuhay ng lalaki dahil sa kaniya. Kahit kailan talaga, babae ang kahinaan at magpapabagsak ng sinuman lalaki.

“Kianna...”

Mas mapang-akit niya itong tinitigan. Tingnan niya lang kung hindi pa uubra ang plano niya. Bumaba ang kaniyang kamay patungo sa nagsusumigaw nitong abs. No! Bakit siya yata ang nag-iinit sa kaniyang ginawa? Pero hindi na siya pwedeng huminto, kailangan niya munang patulugin ito saka siya makakaalis sa naturang silid. Kinuha niya ang kamay nito at hinila papuntang kama. Wala sa loob na sumunod naman ito sa kaniya at nagpaubaya.

“I want you...”

Nanindig ang kaniyang balahibo sa sinabi nito pero nag-pretend siyang hindi narinig iyon. Anong akala nito sa kaniya, makukuha ulit nito? A big NO. Ngumiti siya ng sobrang tamis habang mas lalong inilantad ang katawan sa lalaki. Oras na kumagat ito sa kaniyang plano, panalo siya. Humiga siya sa kama. Napangisi siya sa kanan bahagi ng kaniyang utak. Once na hihiga ito, game over ito sa kaniya kaya naghanda-handa siya sa sumunod nitong gagawin. She seductively untie her robe at tuluyan ng lumantad ang kaniyang suot na manipis na pantulog.

“Join me here sweetheart,” she teasingly bit her lips. Konti na lang, oras na lalapit ito at dadagan sa kaniya sa kama wala na itong kawala. Marahan siyang natawa sa likod ng kaniyang utak. Mga lalaki talaga, mukhang babae.

Deritsong nag-lock sa beywang nito ang kaniyang dalawang hita nang dumagan ito sa kaniya. Bahagya niyang pinikit ang mata para mapaniwala talaga itong wala siyang binabalak. Ilang beses din niyang pinaalalahanan na huwag siyang pahalata sa plano at baka mabisto nito.

Tinitigan siya nito ng mariin at alam niyang buhay na buhay na ang makamundo nitong katawan laban sa kaniya. Dahan-dahang lumapit ang labi nito sa kaniya at bago pa ito nakalapat sa kaniya, nakaigkas na sa hangin ang kaniyang kamay para bigyan ng malakas na hampas ang batok nito at makatulog.

“Merde!” Napasigaw siya nang mabilis nitong nahuli ang kaniyang dalawang kamay at mabilis na nilagyan ng handcuff kasama ang headboard ng kama na hindi niya alam kung saan nito galing iyon.

“You think I am a fool?” ngumisi ito na nanatiling nakadagan pa rin sa kaniya, “Sorry darling I am not that IDIOT.”

“Bullshit! Pakawalan mo ako rito!”

“Later baby,” sarkastikong saad nito at pinagpag ang kaniyang hitang nakayakap sa beywang nito pero hindi siya nagpatinag. Mas lalo niyang hinigpitan iyon. “Don’t tease me more Ms. Trunt, you might regret it later. Ayaw mo naman sigurong kunin kita sa ganitong posisyon at angkin hanggang sa ‘di ka makalakad.”

Mabilis pa sa alas-kwatrong kinalas niya ang kaniyang hita at sinipa ito sa sobrang inis. Dahil hindi nito napaghandaan ang kaniyang ginawa, nahulog ito sa kama. Marahan itong natawa sa kaniyang ginawa pero agad rin nagseryuso nang sulyapan siya bago nito tinungo ang closet. Kumuha ito ng itim na t-shirt at leather jacket saka sinuot. Pinarisan nito ng itim na pantalon habang nakangising nakatingin sa kaniya. Dinampot nito ang isang attache case na nakapatong sa side table at tinungo ang pintuan.

“Hudson! Bring me with you. Delikado ang buhay mong gago kang bwesit ka?!” nangangalaiting sigaw niya sa sobrang galit.

“I take that as compliment. Maghanda ka ng kabaong ko pagbalik ko.” Iniwan siya nito sa loob ng malaking silid nito.

Umakyat ang lahat ng dugo sa kaniyang ulo. Napasigaw siya sa sobrang galit. “Jacky!” tawag niya sa babaeng nasa kabilang linya lang at nakikinig.

“Paakyat na ako sa terrace.”

Kumalma siya sa isipin paparating ang kaibigan para pakawalan siya. Kailangan niyang sundan ang lalaking iyon. Susundan niya ito at pagkatapos ay isusuko niya na kay Yx ang assignment pagkatapos ng gabing ito. Kung pwede lang maghanda ng kabaong nito, gagawin niya.

Mabilis siyang napakawalan ni Jacky, binigyan siya nito ng isang baril nang makalabas sila ng silid at mabilis na nagtungo pababa. Napahinga siya ng maluwang nang makitang hindi pa nakaalis ang sasakyan ni Hudson, nasa loob na ito ng sasakyan at may kausap sa cellphone. Hindi nakataas ang salamin ng bintana kaya kita niya ang pagtagis ng bagang nito sa kausap.

“Go, go! Wala na tayong oras.” Tinulak na siya ni Jackylyn. Alam niya ang ibig sabihin nito.

Wala siyang sinayang na sigundo, agad siyang tumakbo sa likuran ng sasakyan at sumakay sa likuran ng walang ingay. Buti na lang talaga at may kaliitan siya at nagkasya siya sa back compartment.

“I’ll follow you at the airport,” narinig niyang sabi ng kaibigan sa pamamagitan ng hikaw na kaniyang suot.

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang umandar na ang sasakyan at mabilis ang naging takbo nito. Akala ba niya takot ito sa mabilis na pagpapatakbo? Hindi niya na pinansin iyon ang mahalaga makasama siya sa pag-alis nito patungo sa ibang bansa. Ayaw niyang bumaba ang tingin ni Yx sa kanila ni Jackylyn kung hindi niya magamapanan ito. Mula sa kalagitnaan ng byahe, dinig niya ang putukan nang mula sa kung saan. What the heck?!

“May nakasunod sa inyo na tatlong sasakyan.” Si Jacky.

“Shit! Sabi na eh,” inis na pakli niya. Parang gusto niya tuloy lumabas sa likuran para makipagbarilan pero alam niyang imposible ang pinaplano niya. Baka siya pa ang maunang mamatay sa gagawin. Ramdam niyang mas tumulin ang takbo nila.

“No need to worry, bulletproof ang sasakyang ginamit ni Doc.”

Nakahinga siya ng maluwang. Kahit sobrang kina-mumuhian niya ito, ayaw niyang mamatay ito sa pangangalaga niya bilang assignment. Siya ang malalagot nito kay Yx pagnagkataon. Ibabalik niya ang project na ito na walang mantas kung sakali. Napapikit siya nang maramdaman ang malakas na pagkauntog ng kaniyang ulo. May bumundol sa kanila mula sa likuran.

“Okay ka lang?!”

“Shoot them now.” Ramdan niya ang dugong pumuslit sa kaniyang uluhan kaya dinama niya ito. Mula sa suot niyang bracelet na ini-light on mode niya ngayon, kitang-kita niya ang dugo sa kaniyang kamay nang tingnan iyon. Napamura siya sa hangin.

“One car down.”

Dinig niya ang malakas na pagsabog ng sasakyan. Napangisi siya. Kahit kailan, walang mintis ang kaibigan niya pagdating din sa bakbakan. Hindi nakakapagtaka kung bakit ito ang pares niya dahil lagi itong maaasahan. Pero napapiksi siya nang may bumunggo ulit sa kanila at bahagyang gumiwang ang sasakyan. Shit!

“Kapit lang!”

“Gaga! Saan ako kakapit?” inis na sagot niya at napapikit ulit siya nang maramdaman niyang nakipagsabayan ng bunggo si Hudson dito. Nauntog ulit siya. Kung alam lang niyang ganito ang mangyayari, hindi na siya pumasok sa back compartment.

Ilang sunod-sunod na putok na baril ang kaniyang narinig. Pinapaulanan talaga sila. Pasalamat din siya at bulletproof car ang dala nito. Kung hindi lang kasi matigas ang ulo ng hinayupak na Doctor na ito, wala sana sila sa ganitong sitwasyon ngayon.

“Abhaya? Okay ka lang ba? Kiene?!”

“Oo! Si Hudson ang atupagin mo, hindi ako!”

“Apat na armadong sasakyan ngayon ang— Argh! Shit, Abhaya may tama ak—”

“Shit! Jackylyn?!” nahumindig na sigaw niya. No! Alam niyang hindi basta-basta ang kaibigan. Gusto niyang lumabas pero kapag gagawin niya iyon, nilalagay niya sa panganib ang kaniyang buhay kung sakali. “Jacky! Okay ka lang ba? Jackylyn!” pero walang sagot mula sa kanilang linya.

Tanging ingay lang ng paligid ang naririnig niya at kasunod ang malakas na pagsabog. Sumikdo ang puso ni Abhaya, pinagdasal niyang okay ang kaibigan. Hindi niya mapapatawad ang sarili sakali.

Kapagkuwa’y naramdaman niyang mas lalong tumulin ang takbo ng sasakyan. Malakas na putukang ng baril at langitngit ng bawat gulong ang kaniyang naririnig. Karera na ang nangyayari at sayang, hindi man lang siya ang nagmaneho na ito pa naman ang isa sa gusto niya. Wala siyang magawa kundi ang magdasal na sana ay hindi siya mawalan ng malay sa pinagtataguan niya ngayon. Pero nang maramdaman niyang umikot ang sasakyan ng ilang beses dahil sa malakas na bumundol sa kanila, doon na siya kinain ng kadiliman nang tumama ang kaniyang noo ng malakas.

“Jacky...”

NAPAARAY si Abhaya nang magmulat siya ng mata. Nasapo niya ang noo at ilan beses napakurap-kurap para alalahanin kung ano ang nangyari. Saka lang nag-sink in sa kaniya ang lahat nang maalala niya ang nangyari. Deritso siyang napabangon mula sa kinahihigaan.

“Hudson!” nag-ikot siya ng tingin at saka lang niya napansin ang binata na nasa tabi niya at mahimbing na natutulog.

May mga galos at ilan sa mga dugo ay nanigas na sa mukha at buhok nito. Napakagat siya ng labi habang pinagmamasdan ito. Hindi niya alam kung bakit at paano siya napunta sa silid na iyon, ang importante sa kaniya ay buhay ang lalaki. Napasulyap siya sa kanan kamay nito, nagkasugat-sugat iyon at may ilan pang dugo. Napakunot siya at inabot ang kamay nito, hindi siya tanga para hindi malaman na sumuntok ito sa matigas na bagay kaya nagkaganito ang kamay nito. Pansin niyang may bendahe ng nakaikot sa kaniyang ulo, ipupusta niyang may bukol siya.

Napapiksi siya nang maalala si Jacky. Mabilis niyang hinawakan ang kwentas at nagsalita. Pero ilang beses na siyang nagsalita, walang Jackylyn sa kabilang linya na sumagot. Kinalma ni Abhaya ang sarili, hindi makakatulong sa kaniya ang pag-aaalala at kilala niya ang kaibigan, hindi ito basta-basta mapapatumba. Magkikita pa rin sila at may tiwala siya rito. Nagpasya siyang bumaba mula sa kinahihigaan nang magsalita ang binata.

“You should rest, your body needs it.”

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy siya pero agad din umikot ang kaniyang paningin kaya nasapo niya ang kaniyang ulo. Masakit.

“Rest.”

Nang hilain siya ni Hudson pahiga, nagpaubaya siya. Namimigat ang talukap ng kaniyang mata nang bumagsak ang kaniyang ulo sa unan. Tama nga ito, kailangan niyang magpahinga kahit saglit at hindi niya namalayan kinain siya ng kadiliman ulit.

Nang magmulat siya ng mata, umaga na at mataas ang sinag ng araw ayon na rin sa liwanag na pumasok sa loob ng buong silid. Hindi muna siya bumangon, tinitigan lang niya ang kesame ng ilang minuto saka siya nagpasyang bumangon. Wala ang lalaki kaya malaya siyang gumalaw.

Dumeritso siya sa bintana at dumukwang mula ro’n. Bumungad sa kaniya ang asul at payapang karagatan sa unahan mga ilang metro ang layo. Nanlaki ang kaniyang mata sa nakita, nasa isang resort sila?! Pinihit niya ang sarili at deritsong lumabas para hanapin at kausapin ang binata.

Eksaktong nasa huling baitang na siya ng hagdanan nang makita niya si Hudson. Nakatayo. Nakapamulsa at nakaharap sa dagat sa may bintana sa sala. Sandali siyang tumigil at tinitigan ang buong likod nito. She felt something dark aura consuming him. Nagbabadya iyon ng panganib at sa unang pagkakataon na kasama niya ito ulit mula nung naglaho siya, nakaramdam siya ng sandaling takot. Pinili niyang tumahimik at humakbang pabalik sa itaas.

“What the hell were you thinking?!”

Napatigil siya at hinanda ang sarili na hinarap ito. Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin. “I’m doing my job Doc. Hayes,” walang takot na sagot niya. Bakit hindi niya gusto ang nakikitang kakaibang galit sa mga mata nito?

“Bullshit!” mura nito at galit na hinugot sa bulsa ang cellphone nito na tumunog. Sandaling nawala sa kaniya ang atensyon ng binata. “I’m okay. Yeah, I’m doing good. Bye Mom, take care.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.