Galit na pinagmasdan ni Hudson ang babae. Nasa rest house sila ngayon na pag-aari niya sa Batanggas. Naiwasan at natakasan niya ang umatake sa kaniya kagabi pero ilan beses din siyang binangga ng mga ito. Kung hindi pa niya kinuha ang nakatagong mataas na uri ng baril sa back compartment na nakalagay sa isang case nang dumating na siya sa kaniyang resthouse hindi niya malalaman na nando’n ang dalaga at walang malay.
Damn! Dapat pala gawa niya mismong handcuff ang nilagay rito para hindi ito makaalis at tanging thumbprint o boses lang niya ang kayang makakapagbukas. But yeah, andito na ito. Good thing at hindi masyadong naapektuhan utak nito sa malakas na pagkaalog sa loob.
Alam niyang may kakayahan itong makipaglaban pero kaya niyang iligtas ang sarili kahit walang tulong ng sino man. Hindi niya ito kailangan. Hindi na ngayon. Napatingin siya sa kamao niyang nagkasugat-sugat, nagkibit lang siya at tinamad na umupo sa sofa. Kung dati ay hindi niya siniseryuso ang taong kumakalaban sa kaniya at gustong gusto siyang itumba, ngayon makikita ng mga ito kung gaano siya kasamang kalabanin. Ito na ang panahon na harapin niya na ang mga ito ng seryusuhan.
Ilang beses na palakad-lakad si Abhaya sa loob ng silid na iyon. Naging manhid na nga rin siya dahil hindi niya maramdaman ang gutom. Nag-iisip siya. Ang dami-daming pumasok sa utak niya tulad nang kung paano nalamanng mga kalaban na aalis ang binata. Nagsusubaybay rin ba ang mga ito? Alam niyang sa putukan at habulan kagabi, hindi na warning shots iyon. Alam niyang desidido na ang mga ito na patayin ang lalaki at iyon naman ang hindi niya pahihintulutan. Masakit ang ulong humiga siya sa kama at napatitig sa kesame. Ano ba ang susunod niyang gagawin na hakbang?
Kapagkuwa’y napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang baril na binigay sa kaniya ni Jacky. Kailangan niya iyon kung sakaling masundan sila ng kalaban at dapat kausapin niya si Yx. Naikot na yata niya ang buong silid, wala ang baril na hinahanap niya kaya wala siyang choice kundi ang puntahan ang lalaki ulit sa sala.
Hindi niya nahagilap ang binata ro’n. Umakyat ulit siya sa 2nd floor at kinatok ang dalawang silid pero walang sumagot. Bumaba siya at lumabas ng bahay. Inikot niya iyon pero wala ang binata. Ang tanging nando’n lang ay ang sirang kotse nito.
Lumapit siya sa back compartment at baka naman nabitawan niya ro’n pero wala. Isa lang pumasok sa kaniyang utak, malamang nasa lalaki. Napatingin siya sa paligid. Wala man lang silang kapit-bahay. Puro niyog at halaman ang nakikita niya. Napasulyap siya sa kalmadong hampas ng dagat sa buhanginan sa kalayuan. Medyo napangiti siya. Weird but she love the ocean, kinakalma nito ang utak niya at pinapagaan ang nabibigatang loob.
Pumasok siya ulit sa loob ng kabahayan nang magsawa siya sa kapapanood ng dagat. Dumiretso siya ng kusina. Nakita niya ang lalaking kampanteng nakaupo sa stool at ina-assemble ang isang high calibre gun. Sa harap nito ay isang case na puro bala.
Tahimik siyang dumeritso sa ref at binuksan iyon. Napangiti siya nang makitang kompleto ang laman ng ref. Akala niya puro tubig ang laman at... Wait, bigla siyang napahinto nang akmang kukunin niya ang pitsel. Kaninong bahay ito?
“It’s my resthouse.”
Hindi siya sumagot. Kumuha siya ng pitsel at deritsong tinungga iyon. Parang isang taon siyang hindi nakainom ng tubig. Nang nahinasmasan na siya, kumuha na rin siyang lulutuin ng tanghaling iyon. Ngayon lang nagparamdam ang nga bulate niya sa tiyan at hindi yata tamang makipagpatayan siya na walang laman ang tiyan, kailangan niyang magluto at kumain. Matapos mahanda ang lulutuin ng tanghaling iyon, inayos niya ang suot na roba. Aware siyang nakapantulog pa rin ang suot niya at may kaiklian pa. Salamat at may suot siyang bra.
Nagsaing siya sa rice cooker habang naghanda ng ham, sunny rise up egg at bacon. She’s literally hungry. Nakalimutan niyang kumain kagabi dahil sa pag-iisip kung paano pigilan ang pag-alis ng lalaking binabantayan niya.
Nang buksan niya ang cupboard, kumuha siya ng isang mug... Para matigilan nang maalalang baka gusto rin uminom ng bwesit na kasama niya kaya dalawa ang kaniyang kinuha. Hindi naman siya nahirapan maghanap ng kape dahil andon na rin sa cupboard kasali ang cream and sugar. Walang imik na nagtimpla siya ng kape at dahil alam niyang hindi ito mahilig sa creamer. Konting sugar ang nilagay niya bago niya nilagay iyon sa mesa.
“Kape mo,” aniya.
Saka siya nagsandok ng kanin sa rice cooker at kumain. Gutom na gutom na talaga siya at patay gutom siyang lumamon sa harap nito. Hindi na siya nagyayang yayain pa ito dahil alam naman niyang hindi ito kakain. Masyadong mapili ito sa pagkain at mahal ang panlasa ng lalaki. Isa pa, adik ito sa kape.
Tamang nguya lang siya nang nguya at sabay lagok ng kapeng maraming creamer na halos kulay gatas na. Minsan, masarap din pala ang pagkain kapag gutom na gutom ka na. Doon niya pa lang na-appreciate ang lasa ng ham.
Saglit siyang natigilan sa pagsandok ng panibagong kanin sa rice cooker nang mapansin niyang matiim siyang tiningnan nang binata. Napapansin niyang hindi pa rin nagagalaw ang sugat na natamo nito sa noo pati sa kamay. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito at hindi niya iyon pinansin, nagpatuloy siya sa pagkain. Pero nasa tatlong subo pa lang siya nang magpasya siyang tumigil at pabagsak na nilapag ang kutsara at tinidor saka tumayo.
Tinungo niya ang silid at nang bumaba siya, nakita niyang kumain ito sa mismong platong gamit niya. Ang bilis pa ng subo nito na akala mo ay hindi nakakain ng isang taon. What the! Umusok ang kaniyang ilong.
“Hudson!”
Agad naman itong nagpanggap na walang ginawa at uminom ng kape. Kunwari itong hindi siya nakita at binalik ulit ang atensyon sa ginagawa. Lihim na napaikot ang kaniyang mata nang pumunta siya sa gilid nito at walang sabing kinuha ang kamay ng binata. Mabilis nitong binawi iyon pero mahigpit ang kaniyang pagkahawak at pinandilatan ito ng mata kahit alam niya mismo sa sariling hindi iyon tatalab.
“Stop it.”
“Shut up,” putol niya sa anuman sasabihin nito at sinimulan linisin iyon ng alcohol galing sa bitbit niyang medicine box na alam niyang ito ang ginamit sa kaniya ni Hudson kaninang madaling araw sa paglinis sa sugat niya.
Nilinis niya ang buong kamay nitong may sugat at tinapalan ng bandage. Nilinis din niya ang noo nitong may sugat at konting bukol. Sa inis niya dito dahil sa pag-iwan sa kaniya sa kwarto nito, diniin niya ang naturang bulak na maraming alcohol.
“Hey!” reklamo nito.
“Tumigil ka!” malakas na singhal niya rito. Nakita niyang hindi ito natinag pero pansin niya ang pag-igting ng panga ng binata at pagkuyom ng isang kamao nitong walang bendahe. “Kung ayaw mong idiin ko lahat ng bulak sa kamay mo, ‘wag kang mag-inarte!” Pero idiniin pa rin niya ang bulak sa kamay nitong may sugat. Napangisi siya.
Nagpasya si Abhaya na maligo nang magtakim silim. Init na init na siya at hindi siya komportable sa suot. Nakatapis lang siyang puting tuwalya habang binalot niya kaniyang buhok ng puting tuwalya. Nilabhan din niya ang suot na undies at bra kasama ang night wear. Manipis lang naman ang mga ito kaya alam niyang mabilis lang itong matuyo. Itinapat niya mismo iyon sa aircon. Ayaw niyang suotin kahit anong damit ni Hudson.
Nakahiga lang siya sa kama habang nakalagay sa noo ang braso. Nakatitig siya sa kesame at hindi niya namalayan na dahan dahang hinila siya ng antok. Napabalikwas lang siya ng bangon nang marinig ang malakas na kalabog ng pintuan sa ibaba. Anyong bababa pa lang siya ng kama para magbihis nang mabilis na pumasok si Hudson sa kaniyang silid at walang sabing hinila ang kaniyang kamay paaalis sa kwartong iyon.
Wait, ang panty ko!
Gusto niyang sumigaw pero nahila na siya nang tuluyan ng binata patungo sa kung saan. Mahigpit niyang binuhol niya ang tuwalya sa dibdib dahil kapag kumawala iyon, jusko! Ayaw niyang tumakbo na walang damit.
“They’re here,” anas nito.
Merde! Sigaw ng kaniyang utak.
Pansin niyang nasa isang silid sila at pinapaakyat siya nito sa may bintana. Shit! May balak ba itong itulak siya? Ito kaya ang itulak niya ngayon?
“Grab the rope. They won’t see you from there,” utos nito.
Napa-oo siya nang wala sa oras. Mabilis niyang inakyat ang bintana at tama ito, nay lubid nga kaya kumapit siya roon padausdos mula sa ikalawang palapag ng bahay. Sa likuran ng bahay ang bagsak niya. Mabilis siyang nagtago sa dilim nang lumapag ang kaniyang paa sa buhanginan. Naiinis siya sa sitwasyon wala siyang baril man lang.
Nagtaas siya ng tingin at hinintay ang binata na bumaba. Napailing-iling siya nang marinig niya ang maraming yabag na naglakad sa loob ng kabahayan. Mukhang panganib ang naaamoy niya nang nga oras na iyon at tama nga siya, dahil nang makababa si Hudson mula sa lubid, narinig niya ang galit na boses na sumigaw sa loob.
“Puta! hanapin sila.”
“Kianna!” Hinila nito ang kaniyang kamay at mabilis na pinapasok sa loob ng kotse nitong kahit yupi ay magagamit nila sa pagtakas sa lugar na iyon.
Mabilis nitong ini-start ang makina ng sasakyan at pinatakbo. Agad naman niyang binawi ang isang baril sa beywang nito at naghanda sa posibleng mangyari. Hindi niya alintana na ang awkward ng kaniyang suot pero wala siyang panahon para ro’n, mamaya na lang niya isipin kung saan siya hahagilap ng undies.
May nakasunod agad sa kanila. Ang hina naman kasi ng pagmamaneho nito at kulang na kulang iyon para kay Abhaya. Mabilis niyang inagaw ang manibela sa lalaki at nagpalit sila ng pwesto kahit ayaw nito. Nasa back seat ito at siya ang humawak sa manibela. Napangisi siya nang sulyapan niya si Hudson saka niya binuksan ng malakas ang radio.
Tamang tama na pumainlang ang kanta ni Ruben na ‘Melancholiaʼ, nang apakan niya ang gear at deritsong humarurot ang sasakyan. Handa na siya. Gaya ng kaniyang inaasahan, ilang sunod-sunod na putok ng baril ang sumunod sa kanila pero ningisihan lang niya ang bagay na iyon.
Binuksan niya ang side window at walang takot na inumang ang isang kamay na may hawak na baril sa sumunod na kotse sa kanila. Tatlong putok ang kaniyang pinakawalan at mula sa side mirror, natamaan niya ang nagmaneho at natigil ang mga ito sa gitna ng sementong kalsada. Ilan beses niyang narinig na nagmura ang binata sa likuran at tulad niya ay gumanti ito ng barilan sa likuran.
“Hudson, delikado!”
“Shut up and drive.”
Ngumisi siya. “As you wish Doc.” Napatigil ito sa pagbabaril sa kalaban na sumusunod sa kanila at mahigpit na napahawak sa upuan. “Fasten your seat belt Doc. Hayes. We are going to HELL!” nakakalokong ngumisi siya rito nang sulyapan niya ito at walang sabing tinudo niya ang takbo ng sasakyan.
Sa sobrang busy niya sa pagpapatakbo, hindi niya namalayan na dahan-dahang kumawala ang pagkakabuhol ng tuwalya sa kaniyang dibdib. Napasigaw siya nang tuluyan kumawala iyon sa dibdib niya at lumantad ang tinatago niyang kayamanan.
“Huwag kang tumingin dito!” nagpapanik na sigaw niya.
“No worries. Hindi ako interisado sa katawan mo.”
Umakyat ang dugo sa kaniyang ulo. So, sinasabi nitong hindi siya kaakit-akit? Samantalang halos para itong hayok sa laman dati kapag hinuhubaran siya... Mabilis niyang inalis iyon sa kaniyang sistema ang bagay na iyon. Magpasalamat na lang siya at wala pala itong nararamdaman sa kaniyang katawan. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinsulto.
Kung sumasabay ba naman ang kanta, naka-play ang kanta na ‘Powerʼ ni Ruben at kasabay no’n, ang malakas na pagbagsak ng ulan. Shit! Pinahinaan ni Abhaya sandali ang pagpatakbo. Nakikita naman niyang hindi na nakasunod ang humahabol sa kanila.
Mayamaya pa ay sandali niyang itinigil sa tabi ang kotse at inayos ang tuwalya sa pagkakabuhol nito. Nang masiguradong okay na at hindi na iyon matatanggal, sinimulan niya ng patakbuhin ang sasakyan sa gitna ng kalsada. May bagyo yata? Iyon ang naitanong niya sa isip. Sinubukan niyang kausapin sa kabilang linya si Jackylyn but as usual wala pa rin sumasagot. She’s praying na okay lang ito at nakaligtas dahil kung hindi, hindi niya mapapatawad ang sarili.
Napasulyap siya kay Hudsonsa likuran. Nakapikit sandali ang mga mata nito at tila may iniisip. Kapagkuwa'y naudlot ito nang tumunog ang cellphone sa bulsa. May tumatawag. Naiiling na binalik ni Abhaya ang paningin sa kalsada. Hindi siya pakampante na natakasan nila ang humahabol sa kanila dahil alam niyang hindi pa rito magtatapos ang lahat.
“I’m okay dude. It’s nothing to me. Mga sisiw ang kumakalaban sa`kin.”
Umarko ang kaniyang kilay sa sinabi nito. Kahit malakas ang ulan sa labas, hindi naman nakaapekto iyon sa pandinig niya at malinaw pa rin niyang naririnig ang salitang lumabas sa bibig ng lalaki.
“No need. I’ll call you back. Anyways, I have lead. I hacked thousands of people these past week with Travis,” saad nito sa kausap.
Nanatili pa rin siyang nakikinig. Tingin niya, si Cuhen Malcogn ang kausap nito maliban sa matalik na kaibigan ang dalawa.
“Hind basta-basta rin ang kalaban ko at marami siyang galamay but no need to worry Cuhen buddy, I can handle this. Ngayon alam ko na kung sino ang isang nasa likod nito.”
Alam niya na?!
Ibig sabihin nalamangan sila ni Jacky at Yx? Kung sabagay, nakalimutan niya na ang kaharap at walang iba kundi si Hudson Herrence Hayes na nagtapos bilang Suma CumLaude sa ibang bansa at hindi pangkaraniwanang IQ. Hindi nga ito tao, isa itong robot.
Masyadong malakas ang ulan at napilitan si Abhaya na sandaling itigil ang sasakyan sa isang tabi. Nasa gitna yata sila ng kagubatan. Dahil sa pagmamadali niyang magmaneho, hindi niya alam ang lugar na pinasukan. Pinagkibit na lang niya iyon ng balikat saka pinatay niya ang headlight ng sasakyan. Pinahinaan din niya ang aircon. From the back of her eyes, hinagis na ni Hudson ang cellphone nito sa tabing upuan at inilagay ang braso sa noo habang nakasandal.
Nag-ikot siya ng mata at hindi ito pinansin. Do’n lang niya napansin na may tuwalya pa rin siya sa ulo. Sandali niyang tinanggal iyon at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Bahagya siyang napapikit sa lakas ng kidlat at kulog.
Lihim siyang napabuntunghinga nang maalalang takot siya sa kidlat at kulog dati pero ngayon, hindi na. Lahat yata ng kaniyang takot sa katawan, nawala na. Bahagyang bumakas ang lungkot sa kaniyang mata nang maalala ang nakaraan pero mabilis din niyang binura sa isip iyon. Pagod na siyang balikan bawat pahina no’n.
Sinandal niya ang sarili at nakatitig sa labas na halos hindi na makita sa dilim na kumalat sa bawat paligid at lakas ng ulan. Napabuntunghinga siya ng mahina. May nararamdaman siyang kirot sa sulok ng kaniyang puso at hindi niya alam kung para saan iyon.
“Wear this.”
Nagmulat siya ng mata nang inabot sa kaniya ng binata ang suot nitong leather jacket. Hindi siya kumibo. Nag-iisip siya kung tatanggapin ba niya iyon o hindi. Ang huli ang kaniyang pinili. “No need.”
“I know you’re naked behind that towel,” walang kaemosyon saad nito at binato sa kaniya na agad naman niyang sinalo. “You should’t be here Ms. Trunt.”
“Are you nuts?” pagalit na sagot niya, “Eh, hinila mo ako kanina.”
“I should’t hired you as my bodyguard. You’re useless after all, pabigat ka lang.”
Sapol. Para siyang sinampal sa matalas na dila nito. Kahit kailan, alam talaga nito kung paano siya saktan but not again, kung dati rati ay kayang kaya siya nitong saktan pwes hindi na ngayon. Makapal na ang kaniyang atay at baga. “I take that as compliment Doc. Hayes,” ningisihan niya ito sa rear view mirror.
Sinimulan niyang isuot ang jacket nito. Maluwang iyon at malaki. Tingin niya, hanggang hita ang abot ng jacket nito. Pasimple niyang inamoy at baka mabaho, pero sandali siyang natigilan nang maamoy ang paboritong pabango nito mula noon at ngayon.
Tinanggal niya ang tuwalyang nakapulupot sa kaniyang katawan sa loob at nakahinga siya ng maluwang pero hindi pa rin dahil wala siyang undies sa loob at ang awkward gumalaw. Muling kumidlat at kumulog kaya nagpasiya na lamang si Abhaya na ipagpahinga ang sarili saka na sila aalis sa lugar na iyon kapag tumila na ang ulan. Sumandal siya sa upuan at marahang pinikit ang mata hanggang sa hilain siya ng antok at nakatulog siya...
Panay ang tingin ni Abhaya sa kaniyang cellphone kung may text ba na galing kay Hudson. Dalawang linggo simula nung nagdaan na may nangyari sa kanila nang binata at aaminin niya man o hindi, hinahanap ng kaniyang katawan ang bagay na iyon. Wala siyang natanggap na mensahe galing dito, kahit man lang tawag. Napabuntuhinga na lamang siya at nakalumbabang nakatitig sa kaniyang computer.
“Para kang timang,” sita sa kaniya ni Freia nang kalabitin siya nito.
Inirapan lang niya ang babae at ibinalik sa computer ang kaniyang paningin pero wala ro’n ang kaniyang atensyon. Paulit-ulit niyang inalala ang pangyayari, siya, sinuko ang lahat sa lalaking wala siyang kasigaruduhan pero ang landi ng puso niya kaya ito siya parang tanga na naghihintay...may dapat nga ba talaga siyang hintayin?
“Oh my gosh! Tingnan mo bess, ang hot niya!” nagpipigil na tili nito. Sinabunutan pa siya dahil ayaw niyang tumingin.
“Ano ba?!” inis niyang pakli.
“Look! May kasama si Boss na napakagwapong lalaki at jusko, nararamdaman kong lumuwag ang hook ng bra ko! Ang hot.”
Napailing siya. Talaga lang ha? Wala ng ibang gwapo sa kaniyang mga mata kundi ang binata. Lunch hour at wala siyang ganang kumain, habang ang kasama niyang lukaret ay diet kaya andon lang sila sa kanilang cubicle.
“Is Ms. Sahada here?” baritonong boses ang kaniyang narinig at alam niyang si Mr. Cuhen Malcogn iyon.
Bigla siyang napatayo. God! Tatanggalin na ba siya nito at personal talaga siyang pinuntahan?! Kahit kailan, hindi bumaba ito sa department nila at kahit minsan, hindi ito mismo dumiderikta sa empleyado nito. Madalang din itong makita sa kompaniya na pinagtatrabahuan nila. “Y-yes boss? I’m here,” hindi siya makatingin ng maayos dito. Nakayuko lang siya. Naasiwa siya at nagsimulang kabahan.
“Doc. Hayes need something from you.”
Awtomatikong nagtaas siya ng tingin at tumama ito sa lalaking kanina pa niya iniisip. No, lalaking laging laman ng kaniyang isip pala! Napatanga siya nang masilayan ang gwapo nitong mukha. Seryuso lang itong nakatingin sa kaniya at walang mababanaag na emosyon.
“Come with us.” At tumalikod na ang mga ito.
Napatanga siya. Parang bulateng pinaliguan ng asin naman si Freia na sinabunutan siya sa naramdamang kilig. Tinulak pa siya nito at sinabihan ng “Go bess! Kwento mo sa`kin ang jugjugan niyo, ah?” malanding tumawa ito.
They end up in a fancy restaurant together. Wala ang boss niya. Sila lang dalawa ng binatang Doctor. Nakahawak ito sa menu habang siya ay asiwa sa kinauupuan. Sandaling nawala ang confident na lagi niyang suot. Ang daming pumasok sa utak niya, tulad nang kung bakit andito ito ngayon. Namiss rin ba siya nito tulad ng pagkamiss niya?
“You’re shaking,” puna nito.
Napatingin siya rito. Nakatutok pa rin ang mata nito sa menu na binabasa. “I guess,” kimi siyang ngumiti.
“Be my guest, my shoot.”
Bigla siyang namula sa sinabi nitong shoot. Naalala niya ang ilang beses nitong pag-angkin sa kaniya at ilang beses na naramdaman niya ang mainit na likidong pinakawalan nito sa kaniyang sinapupunan.
Nag-order lang siya ng salad, wala siyang ganang kumain. Sino ba ang gaganahan kumain sa harap ng lalaking kumuha ng walang kahirap-hirap sa kaniyang puso. Eksaktong matapos ang binata nang magsalita ito.
“I want you.”
“Ha?” hindi siya nakahuma sa sinabi nito. Deritsahan lang nitong sinabi ang bagay na iyon samantalang ‘yong ibang lalaki, ilang baldeng lakas na loob ang nilunok para masabi lang sa babaeng gusto nila.
“Alam natin pareho na gusto natin ang nangyari at ako ang unang tao sa buhay mo. Be my partner in bed, Abhaya. I need you. I want you to complete and warm me everynight. Be my game.”
Namutla siya sa sinabi nito. Ano raw? Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi niya inaasahan na ito ang pakay sa kaniya ng lalaki. Biglang tumaas ang galit sa kaniyang dibdib pero nang tumama ang mata niya sa mga mata nitong kulay berde, para siyang nahipotismong tumango.
“I’m... I’m willing to play.”
Tanga na kung tanga. Sumang-ayon siya. Iniisip niya nang nga sandaling iyon, sanay siya sa laro at pinapangako niyang hindi siya matatalo sa laro nilang iyon. Kung dapat niyang gamitin ang mga maskara niya para manalo, gagamitin niya.
And that’s where their not so love story started...
Nagising siya sa mahinang tapik sa kaniyang pisngi. Nagmulat siya ng mata at napailing nang maalalang binangungot na naman siya sa nakaraan niya kay Hudson. Bwesit ang lalaking ito sa buhay niya. Paulit-ulit na pinapaalala sa kaniya ang kaniyang katangahan.
Una niyang napansin ay kakabisita lang ng araw sa mundo. Umaga na pala at napatingin siya sa unahan. Napailing-iling siya nang makitang may natumbang puno at ilang mga baling sanga na nakaharang sa unahan. Binuksan niya ang pintuan at lumabas. Nilibot niya ang paningin sa buong paligid, nasa gitna sila ng kagubatan... No, probinsya. Nagsimula siyang humakbang kahit nakapaa. Sanay na siyang gano’n kaya simpleng naglakad lang siya. Hindi niya na inalam kung sumunod ba ang binata.
“Where’s your phone?” bumaling siya rito. Napansin niyang nakaupo na ito sa hood ng kotse at nakatingin sa kaniya.
“Why?”
“Gonna call someone,” walang ganang sagot niya.
“No.”
Parang gusto niyang suntukin to. Tatawagan lang niya si Yx para ma-rescue sila ro’n gamit ng chopper. Delikado kung aalis sila na walang gamit na kotse. Imposible naman na makakatawid sila dahil may nakaharang sa unahan na malaking kahoy. Good thing, hindi sa kanila bumagsak iyon.
Hindi niya pinansin na lang ito kaya nagsimula na siyang humakbang. Maputik ang daan na kaniyang nilalakaran dahil sa malakas na ulan. Hawak niya sa kabilang kamay ang baril. Nakailang hakbang pa lamang si Abhaya nang maramdaman niyang lumutang ang kaniyang katawan sa ere.
“Ano ba!” galit na hiyaw niya, “Put me down you asshole!”
Tiningnan lang siya nito sa nababagot nitong mata at hindi man lang sumagot. Nagpatuloy ito sa paghakbang na buhat siya na parang asawa habang kumakalawag ang kaniyang maputik na paa para ibaba siya.
“Stop it,” hindi nakapagtimping sagot nito ng dakdak siya nang dakdak at sinabayan pa iyon ng bayo, “Or I’ll drop you, right now.”
“Sabi ng ibaba mo ako!”
“Minsan naiisip ko, patigilin kita gamit ng labi ko.”
Nagbuhol ang kaniyang kilay sa sinabi ng binata, “Kung gusto mo ako na ang papatay sa`yo,” saka niya ito tiningnan ng masama. Kulang na lang, malunod ito sa ginawa niyang pagtitig.