akahinga siya nang maluwang pero agad din naglaho iyon nang humakbang ang lalaki patungo sa kaniyang kinaroroonan at doon niya nakita ang hitsura nito. May malaking pilat ito sa mukha at kalahating sunog ang katawan nitong hubot hubad sa itaas. Napaurong siya. Sino ito? Ito na ba ang huling buhay niya?
“Who are you?” mabilis na tanong niya. Hindi niya pinakitang nasisindak siya sa anyo at presinsya nito ngayon.
Humithit muna ito sa sigarilyong hawak at marahan binuga ang usok habang nakatingin sa kaniya. Nagbabadya ng panganib ang kislap ng mga mata nito. “Mr. Hayes asked me to eliminate you, Ms. Sahada.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Matagal siya bago nakahuma lalo na sa apelyidong binanggit nitong una. Si Hudson? Biglang sinakal ang puso niya pero bago siya kainin ng sakit, bigla niyang pinamanhid ang puso. Bullshit!
“In what way do you wanna die, sa masakit o sa masarap na paraan? Mamili ka,” hindi pa rin ito umaalis sa kaniyang harapan. Nanatiling nakatuon ang atensyon nito sa sigarilyong hawak at sa kaniya.
“Bakit niya gagawin ‘yon kung kaya niya akong patayin sa sarili niyang kamay?” iba ang naging sagot niya. Kahit anong gawin niyang hila sa lubid na nakatali sa dalawang pulsuhan niya ay wala pa rin silbi. Mahigpit ang pagkakatali non at mukhang hindi siya basta-basta makakaalis sa lugar na iyon kung walang tutulong sa kaniya.
Ngumisi ito at humakbang patalikod sa kaniya. Bumalik ito sa kinauupuan at muling humithit sa sigarilyong hawak na ngayo'y nangangalahati.
“He’s done with your game and to make the story sounds dramatic, he’s fucking tired to kill a whore.”
Putang-ina mo Hudson! Nangangalaiting sigaw niya sa isip.
After all this time of protecting him with all her life, ito rin pala ang papatay sa kaniya. Akala niya si Yx ang kaniyang kaaway pero mali pala dahil nakalimutan niyang demonyo ang lalaking Doctor at gusto niyang magwala sa kinahihigaan kama at pumatay.
“Such a pathetic son of a bitch,” ngumisi siya kahit alam niyang ang ngiti niyang iyon ay galit ang mababasa.
“I know darling.” Kapagkuwan ay nilagay nito sa ashtray ang upos na sigarilyo at napatingin sa kaniya. “Any last word?”
“Putangina mo.”
Pero isang malaking ngisi lang ang kaniyang nakuhang sagot. Tumayo ito at naghubad sa kaniyang harapan, tinanggal nito ang sinturon suot at kasunod ang pantalon.
No! Hiyaw niya sa utak.
Pinipilit man niyang kalmahin ang sarili pero hindi iyon gumana, lumitaw ang pagiging mahina niya. Nagpupumiglas siya pero mas lalo lang niyang naramdaman na humigpit ang kaniyang pagkakatali. Ano ba ang pwede niyang gawin sa mga sandaling ito?
She’s not that pathetic woman like before. Pinipilit ni-yang ikalma ang utak kahit alam niyang imposible na matatakasan niya ito pero kailangan niya iyon gawin. Tuluyan lumantad sa kaniyang harapan ang kahubaran nito at nagpupumilit siyang gumawa ng plano kung paano mapipigilan ito sa masamang bina-balak sa kaniya. Magkakamatayan muna sila bago nito magawang halayin ang kaniyang katawan.
Napahiyaw siya nang hawakan nito ang kaniyang paa. Hindi ito game over, no! Gumapang ang kamay nito sa kaniyang binti. Gusto niyang patayin ito ngayon din pero hindi niya nagawa. Mabilis kumalat sa buo niyang katawan ang pandidiri lalo na nung dumantay ang labi nito sa kaniyang paa at dinilaan iyon.
“Oras na makakawala ako ritong hayop ka babasagin ko yan ulo mo hanggang sa magkapira-piraso!”
Tumawa lang ito at mas lalong dinilaan ang kaniyang paa habang hinimas-himas ang kaniyang binti. “Subukan mo...”
Napapikit siya at diring-diri. Panay piglas ang kaniyang katawan pero ano nga ba ang magagawa niya? Bumalik siya sa dating siya na walang magawa na naman sa sarili para iligtas. Bahagyang pumatak ang kaniyang mga luha and this is all because of Hudson! Lahat na lang. Dapat hindi siya nagpaalipin masyado eh, dapat hindi niya sinunod si Yx, dapat hindi niya hinayaan na gamitin siya nito! Dapat pinatay na lang sana niya ito. Masyado siyang marupok, iyon ang totoo.
Umakyat ang labi nito dahan-dahan pataas sa kaniyang hita at lasang lasa niya ang dugong kumawala sa kaniyang labi dahil sa pagpipigil niyang umiyak at sumigaw. Nanatili pa rin siyang kalma kahit alam niyang imposible na ang kaniyang iniisip.
Nang dumantay ang kamay nito sa butones nang kaniyang pang-ibabang suot, biglang may kumatok at bumukas ang pintuan saka pumasok ang lalaking naka-hood at nakamask.
“Busy ako sa pagkain nasa harapan ko. Get out!”
Nakaramdam siya ng saya nang tumigil ang lalaki at hinarap nito ang bagong panauhin. Lumapit ito sa lalaking demonyong nasa harapan niya at may ibinulong. Napamura naman ang lalaki at mabilis pa sa kidlat na isinuot nito ang pantalon at sinturon.
“Stay still here cunt, ihahatid pa kita sa impyerno.” Ngumisi ito at sabay na lumabas ang mga ito sa silid na iyon.
Ilang beses siyang nakahinga ng maluwang pero agad din siyang nag-isip nang paraan kung paano makatakas. Tiningnan niya ang kaniyang pulsuhan kung suot pa ba niya ang bracelet pero wala na iyon sa pulsuhan niya. Nag-ikot siya ng tingin pero mas sumasakit ang kaniyang ulo dahil na rin sa kulay ng paligid which is red. Sinubukan niyang hilain ulit ang tali, masyadong mahigpit at matibay iyon.
Nakabukaka siya sa malaking kama na iyon kaya nahihirapan siyang gumalaw kung sakali sa kaniyang plano. Gusto niyang sumigaw sa sobrang galit. Oras na makita niya si Hudson, langit na ang huhusga sa gagawin niya rito.
Ilang minuto ang nagdaan nang may pumasok ulit na bagong panauhin. Mabilis itong lumapit sa kaniya at walang sabing tinanggal gamit ng kutsilyong hawak nito ang lubid na nakatali sa kaniya. Hindi niya maaninag ang mukha ng lalaking tumulong sa kaniya ngayon dahil nakamask ito naka-hood. Nang tuluyan na nitong matanggal lahat nang tali sa kaniya, agad siya nitong dinaluhan para tumayo at makaalis sa kamang iyon.
May binigay ito sa kaniyang papel na tingin niya ay mapa nang lugar na iyon saka nito tinuro ang bintanang ngayon lang din niya napansin. Inabutan din siya nito nang baril at mabilis na tinulak para makaalis.
“Who are you?” nakuha niyang itanong.
Hindi ito sumagot. May kinabit itong escape rope sa gilid ng bintana at sumenyas na bumaba na siya roon.
“Why are you helping me? Sino ka ba, ha?”
Nag-sign language ito. Napatanga siya at tumango. Mabilis siyang sumampa sa bintana para makaalis sa impyernong iyon. Good thing at may mababait pa pala na tao sa mundo. Maraming bantay sa labas pero dahil medyo may kadiliman ang bahaging iyon, malaya siyang nakababa at nakapuslit nang walang ingay. Hinintay niyang bumaba rin ang lalaki pero nag-sign language lang ulit ito at nawala na sa mga mata niya. Ang daming pumasok na katanungan sa utak niya pero tulad ng senyas nito, kailangan niya ang makatakas at umalis.
Panay linga si Abhaya nang magtago siya sa likuran nang malalaking paso ng mga halaman. Sinubukan niyang tingnan ang mapa na hawak pero dahil madilim, hindi niya makita kahit linya man lang. Fully loaded ang magazine na hawak niya pero gagamitin lang niya ito kapag gipit na siya. Kung sino man ang tumulong sa kaniya, utang niya ang loob dito at ibabalik niya ang kagandahan loob na pinakita nito balang-araw.
Limang lalaki ang nakikita niyang palakad-lakad sa gawi niya mga ilang metro ang layo. Wala itong armas na hawak pero alam niyang hindi basta-basta ang mga ito ayon na rin sa tikas ng mga katawan. Nag-isip siya ng paraan kung paano makapuslit doon nang walang makakapansin. Sanay siya sa ganito pero hindi ngayon dahil ramdam pa rin niya ang pananakit ng ulo at bahagyang panghihilo. Mukhang may halong ibang chemical ang pinaamoy nang taong gumawa nito sa kaniya.
Napaiktad siya. Nagkaroon ng barilan sa paligid. Mabilis siyang dumapa sa kaniyang kinaroroonan. Nakita niyang bumagsak ang dalawang lalaki sa kalayuan. Iniumang niya ang baril at itinuon ang baril isa sa mga ito pero hindi niya na pala kailangan gawin iyon dahil kasunod na bumagsak ang tatlo. Asintado. Gumapang siya at naghanap ng ilang mapapagtaguan. Gusto niyang makipagpatayan pero kukulangin siya ng lakas at bala. Kailangan muna niyang umalis at babalikan niya si Hudson isa sa mga araw na ito. Masyado siya nitong tinuring na basahan.
“Stop there.” May tumutok sa kaniyang uluhan ng baril. Napahinto siya at nagtaas ng kamay. Isang maangas na lalaking kalbo ang lumitaw sa kaniyang harapan ngayon. “Throw your gun, woman,” utos nito habang nakatuon pa rin ang baril sa kaniyang ulo.
Ginawa naman niya ang utos nito pero hindi nito inasahan ang pag-igkas ng kamay niya at dinaluhan ang siko nito at binalian ng kamay. Napasigaw ito sa sobrang sakit pero bigla rin bumagsak. Napatanga siya nang makitang may tama ang batok nito. Mabilis niyang kinuha ang baril na tinapon niya at mabilis na nagtago. Kailangan niya nang makaalis sa lugar na iyon ngayon din.
Hindi pa siya tuluyan nakalayo, may humila na sa kaniyang kamay. Ipuputok sana niya ang baril na hawak rito nang makitang ito ang lalaking tumulong sa kaniya kanina na makaalis sa silid na iyon. Nakaramdam siya nang kakaibang saya. Mabilis siya nitong hinila at dinala sa kung saan. Nagpaubaya lang siya.
Napasunod ang kaniyang tingin sa kamay nitong nakahawak sa kaniya, bakit parang pamilyar sa kaniya ang init na nagmumula ro’n? Kilala ba niya ang estranghero ito? Mabilis siya nitong hinila at siniksik sa katawan nito nang may humarang sa kanila at walang awang pinagbabaril ang ilang kalalakihan sa unahan. Masyadong lutang ang kaniyang pag-iisip at hindi siya makapag-concentrate dahil na rin siguro sa chemical o dahil sa presinsya ng lalaking nakahawak sa kamay niya ngayon? Sino ba ito? Bakit parang kilalang-kilala niya na hindi?
“Kill them!”
Doon pa lang tuluyan nagising ang diwa ni Abhaya nang marinig niya ang malakas na sigaw na iyon at ilang sunod-sunod na bala ang bumalot sa paligid. Kung hindi siya nahila agad nito papasok sa isang pader na may lagusan baka tinamaan na siya. Mabilis siya nitong tinulak papalayo. Madilim at walang buwan pero sa alon na naririnig niya ay malinaw na nasa isang lugar sila na napapalibutan ng dagat.
“Take the motorboat and save yourself. Go!” May inabot ito sa kaniyang susi at bagay na kasinlaki ng lapis. Isa itong flashlight.
Napatango lang siya sa sinabi nito at mabilis na tumakbo sa direksyon na tinuro nito. Tanaw niya na ang motorboat sa unahan nang bahagya siyang natigilan. Ang boses nito, pamilyar sa kaniya o pinaglalaruan lang siya ng kaniyang pandinig? Nakuha pa niyang lumingon sa lalaki pero wala na ito roon. Ipinilig niya ang ulo at deritso nang tinungo ang sasakyan dalampasigan. Imposible. Hindi. Mali ang kaniyang iniisip at alam niyang napakaimposible na mangyari iyon.
Mabilis niyang nilagay ang susi para paandarin ito. Pero hindi pa niya tuluyan na-start ang sasakyan dalampasigan nang maramdaman niya ang malakas na pagtama ng baril sa kaniyang likuran. Sandali siyang napapikit at napangiti sa kawalan. Ilan bala na ba ang laging tumatama sa kaniyang katawan? Ilan sakit at sugat na ba ang naranasan niya? Ilan dugo na kumawala sa kaniya dahil sa ganitong trabahong pinasok?
Namanhid bigla ang kaniyang buong katawan at doon lang niya napansin na malakas ang uri ng baril ang ginamit ng bumaril sa kaniya dahil tumagos ito sa kaniyang dibdib.
Bumagsak siya bigla sa tubig at nalasahan niya ang alat ng dagat. Mamatay na ba siya? Mukhang dito yata nakatadhana ang buhay niya. Hindi niya na makuhang sumigaw sa sakit, basta lang nakatitig ang kaniyang mga mata sa kalangitan na walang ibang makikita kundi pawang kadiliman. Naramdaman niyang lumubog ang kaniyang katawan at tuluyan pumikit ang kaniyang mga mata. Mamamatay siya sa lugar ng mga banyaga.
WE ONLY live once sabi nila pero mali, we live everyday and we die once. So forgive while you still have the chance to forgived that person, hate less and love more while you still can. Life is so short to take things seriously. Be weird and do the things that makes you happy and contented.
Isang banyagang silid ang nagisnan ni Abhaya nang magmulat siya ng mata. Napansin niyang nasa loob siya ng isang pribadong silid at may mga aparatong nakakakabit. Mabilis siyang napabangon. Hilong-hilo siya at masakit ang bandang dibdib niyang tinagusan ng bala. Good thing at buhay pa siya... Wait, bigla siyang napahinto at tulalang napatingin aa kawalan. Sino ang nagdala sa kaniya rito? Dapat patay na siya ngayon.
Nag-ikot siya ng tingin, maliban sa mga aparatung nandoon at malambot na sofa sa isang tabi, wala na siyang makitang iba pa. Pansin din niyang umaga dahil sa sikat ng araw na nagtatangkang pumuslit sa bintanang salamin. Sandali niyang pinikit ang mga mata at nang magmulat siya, pinagtatanggal niya ang mga aparatung nakakabit sa kaniyang katawan.
She hates it. Alam ni Yx na ayaw niyang tumira sa hospital bed and she despise it a lot. Kaya kung dati may mga tama siya, sa laboratoryo lagi bagsak niya o kaya personal siyang ginagamot. Lagi siyang may naaalalang nangyari at pangit na nakaraan.
Just like the old days pero iba ngayon. Nakapaa niyang tinungo ang salamin bintana at pinagmasdan ang labas mula roon. Doon niya nakitang nasa banyagang lugar pa rin siya. Mabilis siyang napakapit sa dingding. Hindi pa kaya ng kaniyang katawan.
“Ma’m!” Napalingon siya sa babaeng nurse na mabilis na dumalo sa kaniya at tinulungan siyang bumalik sa kama. Alalang-alala ang buong mukha ng pinay na nurse. “You are not allowed to roam around.”
“Kailangan ko ng umalis,” walang emosyon saad niya.
Nagulat naman ito nang magsalita siya ng tagalog pero agad din napatango. “Hindi pa pwede Ma’m sa kadahilanang hindi pa magaling ang sugat niyo. Dumaplis sa puso niyo ang bala at buti na lang nadala agad kayo rito.”
“Sino nagdala sa`kin dito?”
Umilap ang mga mata nito at tumingin sa dala-dalang mga gamot sa isang box. “Si Doc po ang nakausap ng taong nagdala sa inyo pero masasabi ko po na ang swerte niyo madam. Kaya kung maari, ibalik natin sa katawan mo ang nga ito at ako ang mapapagalitan sa itaas. Ayuko po matanggal sa trabaho madam. Walang kakainin pamilya ko sa Pinas pagnagkataon.”
Ang drama naman ng buhay nito. Ayaw sana niya pero mukhang sincere naman ito sa sinabi laban sa pamilya kaya tumango siya at tinusukan ulit siya nang panibagong karayom. May ininject din ito sa daluyan ng dextrose na gamot at ilang sandali pa ay nakaramdam siya ng pamimigat ng mga mata. Walang katapusan kadiliman na naman ang umalipin sa kaniya. Nakakapagod din minsan at parang gusto na yata niyang huwag na lang din magising at tuluyan na lang siyang matulog sa kamang iyon habangbuhay.
“Abhaya wake up...”
“I’m here...”
“I’m sorry for doubting you...”
“Please wake up. Sleepin’ for whole two months is fucking not okay. Wake up please?”
Mga katagang naririnig niya pero walang lakas ang kaniyang mga mata para magmulat. Ayaw niyang magising. Bakit pa, ‘di ba? Kung sakaling gigising ba siya may mangyayari bang maganda? Hindi na ba siya gagamitin ulit para sa pansariling kagustuhan ng mga taong nasa kaniyang paligid?
For almost two years na pagkawala niya, akala niya tulyan maghihilom lahat ng sakit pero hindi. Walang naghilum. Mas lalo siyang nasaktan. Nagtiwala siya pero nasira ulit nang taong akala niya ay kaibigan. Bakit pa siya gigising ‘di ba? Anong magiging rason niya ulit? Huwag na, mas mabuting gano’n na lang. Oras na gigising siya, magiging marupok ulit siya tulad ng dati.
“Please come back...”
“I need you...”
NOT everything will stay. People changed and so were feelings. Learn to stand on your own because one day, the people you thought would never let go of you, will let go of you.
Deritsong nagmulat si Abhaya ng mga mata. Puting kesame ulit ang kaniyang nabungaran. Ilang minuto siyang gano’n lang ang ginawa at walang emosyon. Tahimik ang buong silid at doon lang mag-sink ulit sa kaniyang utak na nasa pribadong silid siya ng hospital.
There’s a basket of fresh flower sa side table pero hindi iyon ang kumuha ng kaniyang atensyon kundi ang mga magagandang painting sa loob ng silid na iyon na nakasabit sa dingding. Hindi na siya nag-abalang bumangon, nanatili lang siyang nakahiga sa kama.
Bumukas ang pintuan at niluwa ro’n si Theon. Luma-rawan ang saya sa mukha nito nang makitang gising siya.
“Damn you’re awake!”
Hindi. Patay na ako. Gusto niyang isigaw ang katagang iyon pero nanatili lang iyon sa utak niya. Malamang buhay siya, heto nga at humihinga siya.
“I thought you gonna rest on that bed forever.” Saka ito tumawa. May bitbit itong basket of flowers at nilagay iyon sa side table.
Kay Theon pala nanggaling ang mga bulaklak. Napatango siya sa isipin iyon at hindi pinansin ang sinabi nito. Nanginginig ang kaniyang kamay na tinanggal ang oxygen na nakasabit sa kaniyang ilong at nakuhang umupo kahit nanghihina pa siya.
“Hey, hey woman, hindi ka pa okay at kagigising mo lang mula sa napakahabang tulog.” Mabilis naman siya nitong dinaluhan at marahang pinitik ang kaniyang noo.
Napabalik siya sa pagkakahiga at walang emosyon na tinitigan ulit ang kesame. Ilang araw ba siyang tulog at nakapa-oa naman nito at teka, buhay pa pala ang hayop na ito? Akala niya natuluyan ito. “B-buhay ka pa?”
Natawa ito sa kaniyang sinabi at napakamot sa ulo. “Gusto mo yata akong mamatay, ah. Anyways, I’m glad you are awake. Lemme call the doctor...”
“No,” agap niya.
Nagkibit lang ito nang balikat at tumango. Tinungo nito ang malapit na bintana at hinawi ang kurtinang tumatabing doon. Mula sa kaniyang direksyon nakita niya ang malakas na ulan sa labas isabay pa ang pagkidlat.
“May bagyo,” saad nito at nanatiling nakatingin sa labas, “And its been almost a year since you slept in that bed.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Gano’n siya kahabang tulog? “W-why?”
“A fake nurse poisoned you. Dapat nga, patay ka na ngayon pero ginawa lahat ng mga Doctor ang kanilang makakaya para mailigtas ka.” Humarap ito sa kaniya at nagseryuso. Naka-pamulsa ito at matiim siyang tinitigan, “Kaya inuwi ka rito sa Pinas at dito na tuluyan nagpagaling.”
Naalala niya ang nurse na sinabi nito. Sayang naman bakit hindi siya natuluyan? Hindi siya kumibo. Tumingin siya sa kamay niyang may nakatusok na karayom. She hates it! Kating kati siyang tanggalin iyon pero hindi pwede, andiyan si Theon.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone nito. Mabilis ni-tong sinagot iyon at biglang nagliwanag ang mukha, “Jackylyn!”
Agad siyang napatingin sa binata. Ang kaibigan ba niya ang nasa kabilang linya? Kumusta na kaya ang babae? Wala na rin siyang balita rito kung kumusta na ang kalagayan nito ngayon.
“Yeah-yeah, I’m here at the hospital,” sumulyap ito sa kaniya, “No no not me.” Tumawa ito. “It’s my friend, Kianna Trunt.”
Naghintay siya sa kasunod na sasabihin nito pero biglang nawala ang katawag nito sa kabilang linya. Nagkibit naman ng balikat si Theon at binalik sa bulsa ang cellphone. Masaya siya sa nalaman na okay na ang kaibigan. Siya na lang pala ang hindi.
Hindi na rin nagtagal si Theon at agad na itong nag-paalam sa kaniya. Dumaan lang daw ito para kumustahin siya kung gising na ba siya. Tango lang ang sagot niya at hindi nagsalita. Maliban sa lalaki may bumibisita pa ba sa kaniyang iba? Ipinikit niya ang mata niya nang bumukas ulit ang pintuan, at nang silipin niya ito sa kabilang mata niya nurse at doctor ito. Lihim siyang nagbuntunghinga at hintayin na lamang na umalis ito pagkatapos.
Ang bagal umusad ng oras at alam ni Abhaya na gabi na dahil na rin sa natatanaw niya ang labas mula sa bintana.
Hindi rin siya nakaramdam ng gutom, at wala siyang ganang kumain.
“Kienie!”
Nagulat siya sa panibagong pumasok na tauhin at nang lingunin niya ito, nakita niya ng si Jackylyn ito. Lumarawan ang saya sa mukha nito at mabilis siyang sinunggaban ng yakap. Napangiti siya nang wala sa oras sa ginawa nito. Para itong tanga.
“Gaga papatayin mo ba ako?”
“Hindi. Sasakalin lang kasi lukaret ka! Akala ko namatay ka na dahil wala akong naging balita sayo samantalang si Theon lang pala ang makakapagturo sa`kin kung nasaan ka.” Tinampal nito ang kaniyang braso dahilan para mapaaray siya.
Hintayin lang nito na gumaling siya at sasabunutan niya ito nang isang daan at lalagasin lahat ng mga buhok. “Speaking of Theon...”
Namula naman ang buong mukha nito kaya nauwian sa tukso ang pagtatagpo nilang iyon dalawa. Saka lang sila nagseryuso sa usapan nang banggitin niyang gusto niyang umalis na roon at ito ang pinakiusapan niyang tulungan siya. Biglang rumehistro ang pagkagulat sa hitsura nito pero wala itong nagawa kundi ang tumango.
“Peste ka! Buti hindi alam ni Theon na umalis ako at pumunta rito nang pasikreto.” Pinagdidilatan siya nito ng mga mata at nag-cross arm sa harap niya.
“Gusto ko ngayon na.”
Nag-isip naman ito nang paraan. Nagpaalam muna ito saglit na lumabas dahil may kukunin lang saglit. Ang ginawa naman ni Abhaya ay pinagtatanggal ang nga tubong nakakabit sa kaniya. Malakas na rin siya at wala na siyang maramdaman kakaiba sa katawan kahit kagigising lang niya. Nang bumalik si Jackylyn ay may bitbit na itong paperbag at iba na rin ang suot nito, nakapang-nurse na suot na ito.
Napangisi siya at biniro ito. Bagay pala rito ang mag-nurse kesa mag undercover agent. Agad nitong binigay sa kaniya ang paperbag at damit pala nito iyon na suot kanina. Mabilis niyang isinuot iyon sa harapan nito, okay lang naman sa kanilang dalawa iyon. Nakalabas sila ng building na iyon na walang problema. Tumila na rin ang ulan na parang nahihiya sa kaniyang presinsya.
Just like the old days, ang galing pa rin nilang magpanggap dalawa ng dalaga kaya siguro magkapartner lagi sila sa trabaho. Wala itong dalang sasakyan kaya nag-commute lang sila at hindi niya tinanong kung saan ang kanilang deriksyon.
Biglang tumalim ang kaniyang paningin nang makita ang taong ayaw niyang makita sa lahat... Si Hudson. Kakababa lang nito sa kotse nito kasunod ay isang babae na hinuha niya ay kasing-edad lang nila ni Jacky pero hindi roon natuon ang kaniyang atensyon kundi sa building na pinasukan nito na pinanggalingan lang nila ng kaibigan. Anong ginagawa nito roon?
Mabilis siyang napatingin sa pangalan ng hospital at doon lang pumasok sa utak niya na nasa isang Hayes Hospital siya. Merde! Bakit ‘di siya pinatay nito kung gayun nasa poder pala siya ng hospital nito? Posibleng hindi nito alam? Pero imposible ang bahaging iyon. Sumakit bigla ang kaniyang ulo nang sapilitan niyang mag-isip kung bakit.
“Sandali lang Manong,” agap ni Jacky sa driver nang simulan na nitong paandarin ang sasakyan, “Okay ka lang?”
“Yeah I am.” At sumenyas na siya na driver na umalis na sila sa lugar na iyon.