Tahimik lang na pinagmamasdan ni Hudson mula sa malayo ang puntod na binibisita niya tuwing huling linggo ng buwan. Hindi niya magawang lapitan ang puntod na iyon at wala siyang lakas na lapitan kahit isang dipa lang nito at basahin man lang ang pangalan na nakasulat sa thombstone. Lagi niyang pinapaabot sa care taker ng private cemetery na iyon ang basket of flowers na lagi niyang dala at ito ang naglalagay.
Matapos ang 20 minutes, tumalikod na siya suot ang kaniyang gray hoodie jacket at bumalik sa sasakyan. Wala siyang maramdaman kundi kahugkaan. Ilang araw na siyang ganito at nagtataka na siya sa sarili. Hindi siya nakaramdam ng ganito kahit nung umalis ang babae sa hospital niya. Pabuntunghinga niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan at pinaharurot iyon.
Nasa pribadong safe house siya nang matanggap ang mensahe ni Cuhen.
‘Are you really sure by that?ʼ
Hindi siya nagkaroon ng sipag na mag-reply sa kaibigan. Lagi siyang sigurado sa sarili at kahit minsan hindi pa siya nagkakamali. Bawat desisyon na ginagawa niya, walang mali sa lahat ng iyon kaya walang dahilan para hindi siya sigurado.
Para siyang sinaksak sa likod ng babae nang malaman niyang iisa lang si Kianna at Abhaya. Ang galing nitong umarte pero magaling siyang kumilatis. Sa ilang beses niyang pag-background digging nito, wala siyang nakuhang impormasyon hanggang nung nasa bahay bakasyun sila.
Nang gabing iyon matapos niyang linisin at lisanin ang silid nito, naghalungkat ulit siya ng impormasyon laban dito. Naguguluhan na ang utak niya sa mga oras na iyon lalo na nung makita niya ang munting pulang balat nito sa tagiliran. Ilang beses ng may nangyari sa kanila ng babae dati at tandang tanda niya bawat kurba nito sa katawan at palatandaan. Posibleng kapatid ito ng babae o kambal pero nung buksan niya ang kaniyang laptop, may nag-send sa kaniya ng isang pribadong file at naglalaman buong detalye laban sa babaeng naging kasama niya.
Muntikan na siyang sumabog pero nanatili pa rin siyang kalmado at kinokontrol ang galit. Hindi makakatulong sa kaniya kapag galit ang kaniyang paiiralin. May kasalanan din siya sa babae pero hindi sapat na dahilan iyon para lokohin siya... Wait, dati pa ay may hinala na siyang iisang tao lang ang kaharap niya pero mas pinaniwalaan niyang si Kianna ito at iibang tao nga.
Iba ang larong gusto nito. Napangisi siya. He love game as well at kung gusto nito maglaro, pagbibigyan niya ito. Maglalaro sila at siya ngayon ang taya. Sisiguraduhin niyang siya ang panalo sa huli at kung sino man ang dapat matalo sa larong sinimulan nito, sinisigurado niyang ito ang matatalo.
Sa loob ng buong linggong pagkawala niya na walang ibang nakakaalam kung nasaan siya kundi si Cuhen lang, nalaman niyang magkasama ang pinsan niyang si Theon at Abhaya. Inuungkat niya ang ugat na pinagmulan ng dalaga saka niya ito parusahan sa parusang nababagay rito. Hindi siya kailan mapapatumba at walang ibang makakapagpatumba sa kaniya. Takot pa si Satanas na patayin ang tulad niya at baka mawalan ito ng trono sa impyerno. Hindi na siya makapaghintay, konting oras na lang at tatahimik na rin ang buhay ng taong gustong magpatumba sa isang Hayes.
TSINI-CHECK ni Abhaya ang sugat niya sa likuran mula sa salamin ng banyong iyon. Hindi pa masyadong naghilum ang tama ng baril niya, at nagdurugo ulit ito dahil sa pakikipaglaban nila ni Theon kagabi. Ramdan niyang nangalay ang balikat pero hindi niya ito pinansin. Sanay na siya sa mga ganitong pangyayari pero babae pa rin siya at paminsan-minsan ang katawan niya na mismo sumusuko. Alam niyang malalim ang sugat na nakuha niya kaya hindi pa ito masyadong gumaling.
Matapos palitan at gamutin iyon ay bumalik siya sa kama at tiningnan ang cellphone. Dinig niyang tumunog ang message tone at wala siyang inaasahan na bisitang mag-message sa kaniya.
“You ready?”
Nakalimutan niya, may lakad pala sila ni Theon. Mabilis siyang nagtipa na labin-limang minuto at bababa na siya. She wore jeans and simple black shirt. Naka-rubber shoes siya at cap. Pupunta sila sa isang branch company nito sa capital at personal na haharapin ang mga empleyado. Hindi ba ito nalilito sa daming negosyo? Aanhin ba nito ang mga pera? Hindi nito madadala iyon kapag namatay.
Tahimik lang ang byahe nila patungo sa branch company nito. Hindi na siya nag-abalang pumasok sa conference room kung saan personal na hinarap nito ang mga tauhan. Nasa kabilang conference room lang siya at naglalaro ng Plants Vs. Zombies 2 nang makarandam siya ng bagot at gutom.
Past noon na pala at gutom na naman siya kaya marahan siyang tumayo at pumunta ng canteen. Nasa ibabang floor ayon sa pinagtanungan niyang guard sa floor na iyon. Tamang-tama umupo siya sa kanang bahagi bitbit ang pagkain nang makita niya si Zerus. Nagtatakang napatingin siya rito. Anong ginagawa ng isang Zerus sa Mississippi?
Wala sana siyang planong tawagin ang lalaki pero nang paglingon nito, eksaktong tumama ang mata nito sa kaniya. Lumarawan ang gulat sa mukha nito at ilang sandali pa ay napalitan ng saya at sigla ang mga magaganda nitong mata. Nakangiti itong lumapit sa kaniya at masigla siyang binati.
“Hey Ms. Trunt, I did not expect to see you here!” bungad nito na halatang hindi pa rin makapaniwala.
Ngumiti siya. Well, siya nga hindi. Niyaya niyang umupo ito at sabayan siyang kumain. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang hindi matatagong tuwa at saya. Odd. Dahil ganito rin ang unang pagkikita nila ng binata rati.
“Huwag mong sabihin nandito ka for work again? Ah, that’s impossible. So pwede bang malaman kung anong ginagawa ng magandang babae ito rito?” pabirong tanong nito na sinabayan pa ng mahinang tawa.
“Doing my vacation,” nakisabay na rin siya sa biro nito at tumawa.
“Great! I can be your tour guide then.” kumindat ito at sinumulan inumin ang coffee na dala nito.
Ngumiti lang siya. Mas okay na rin na andito ito para may makakausap naman siya saglit habang hinihintay si Theon na matapos.
“And you? Last time I checked, nasa Pinas ka pa.” Sinabayan niya iyon ng subo ng pagkain inorder.
Ngumisi naman ito ng nakakaloko, “Ibig ba sabihin niyan, interesado ka?” Natatawang napailing-iling na lang si Abhaya sa sagot nito. “Kidding, I don’t want to lost your appetite. Shit! Late na ako sa meeting, gotta go. Bye!”
Ano ba ang relasyon nito kay Theon? Business partner? Hindi rin kataka-taka, unang nagkita sila sa Malcogn's Empire. Baka kaibigan ito ng lalaki, relatives or whatever. Napailing lang siya at tinuloy ang pagsubo saka naman tumunog ang kaniyang cellphone, it was Theon.
‘Where are you?’
‘Hell.’
Bahala ito kung ano iisipin sa reply niya. She’s busy sa kalalamon. Dumaan ang ilang minuto at pumasok si Theon doon. Sabay na nagsiyukuan bilang respito ang mga empleyadong nando’n sa binata pero siya nanatiling kain nang kain.
“Let’s go.”
Nag-ikot lang siya ng mata at tinapos ang dessert bago siya tumayo. Ang sarap pala sa feeling kapag busog, at least mamatay siyang busog sakali kung makikipag-away na naman sila.
“How are you related to Zerus?”
Bahagya itong napatigil sa pagpindot sa button ng elevator pababa at napatingin sa kaniya.
“You mean, Zerus Craige?”
“Yeah,” tinatamad na sagot niya.
“My colleague friend and business partner. Why do you asked?” Saka nito pinindot ang button.
“It’s because I asked?” pabalang na sagot niya at nag-ikot ng eyeball.
“Stop doing that,” sita nito na nakatingin sa kaniya, “You remind me of her. She always throw tantrums like that.”
“Who?”
“Amara.”
At tumahimik na ang paligid. Hindi rin siya sinabi rito na may babaeng naghahanap dito na nagngangalang Amara, saka na lang siguro. Tahimik ang naging byahe nila pauwi at wala naman namiwersyu sa kanila. Good, at dahil wala rin siya sa mood makipaglaban.
TULALANG nakatitig si Abhaya sa kesame ng silid na tinutuluyan niya ngayon habang nakahiga sa marangyang kama. Bumalik sa isip niya ang nangyaring bakbakan dalawang araw na ang nakaraan. Ang bilis ng araw at hindi niya napansin iyon. Masyado kasing okupado ang pag-isip niya…
“We’re going to tell you but please don’t kill us!” pakiusap ng isa habang tinitiis ang sakit sa balikat nito.
Sayang, ang gwapo pa naman sana.
Tumango siya bilang sang-ayon pero bago pa ito nakapagbuka ng bibig, may bumaril na sa mga ito mula sa kung saan. Awtomatikong mabilis siyang gumulong at nagtago sa isang tabi pati rin si Theon. Patay na bumulagta sa sahig ang tatlo. Asintado. Tiningnan niya bawat paligid. Hindi niya alam kung saan nagtago ang tunay na kaaway. Merde!
“Ms. Trunt!”
Napatingin siya kay Theon, sumenyas ito sa kaniya pero hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin. Sumenyas siya pabalik pero malakas na siren ng patrol car ang narinig nilang dalawa. Kung minamalas at sinuswerte ka nga naman. Ang sumunod na ginawa nila ay naglaho sa lugar na iyon na parang bula. Mabuti at walang nakasunod sa kanila, o sadyang walang sumunod muna sa kanila...
Napabalikwas siya ng bangon nang mula sa labas ng kaniyang bintanang salamin ay nakarinig siya ng kaluskos. Mabilis siyang lumapit do’n na walang ingay habang may hawak na baril sa isang kamay.
“Kianna...”
Napalingun siya sa may pintuan nang marinig niya ang boses ni Theon. Agad siyang lumapit doon at binuksan. Nakapagbihis ito at mukhang may lakad.
“I’m hanging out with Zerus.”
Zerus? Pag-uulit ng utak niya.
“Stay here okay?” Tumalikod na ito.
“Wait!” Mabilis niyang nahila ang damit nito. “I’ll come with you.” Hindi na ito nakapag-ayaw dahil agad niyang hinila ang blazer jacket at nauna ng lumabas at bumaba ng hangdanan.
Taingay at makulay ang lugar na pinuntahan nila. Nasa isang magarbong bar sila at lahat ng mga pakawalang kabataan ay nasa gitna na nang dance floor at sumasayaw. Hindi pa man ay sumasayaw na si Theon sa tabi niya habang papasok sila. Hindi halatang malandi pa rin ito tulad ng una nilang pagkikita sa opisina ni Hudson.
Nasa counter si Zerus at umiinom wine nang madatnan nila itong dalawa. Ang lapad naman ng ngiti nito nang makita siya pero agad din napakunot noo nang makitang magkasama sila ng binata.
“My date tonight.” Inakbayan siya agad ni Theon at kinindatan siya na sumabay.
Ngumisi lang siya bilang pagsang-ayon. Sisikmuraan niya ito pag nainis siya. “Hi, Mr. Craige.”
“Damn man!” baling nito kay Theon, “Naunahan mo ako. Ang lakas mo talagang gago ka.”
“Ako pa! Ibahin mo ang Willoughby.” malambing na pinisil ni Theon ang kaniyang pisngi. Palihim naman niyang siniko ang binata at binabantaan ito na itutumba niya pag ‘di tumigil.
“Oh yeah? Tama na ‘yan. Inom na tayo.”
Nasa isang round table sila at nakaupo sa paikot na sofa sa second floor. Maingay ang paligid pero halatang lahat ng taong nandoon ay masaya at walang problemang iniisip. Napailing-iling siya at dinampot ang tequila na inorder niya sabay simsim.
Nagsidatingan na rin ang iba pang kasamahan ng mga ito pero tingin niya ay empleyado lang ng mga ito dahil nag-boss pa kay Theon at Sir naman kay Zerus. Sinaway naman agad ito ng binata na tawagin lang ito sa pangalan dahil nasa labas sila ng trabaho.
Boys night nga dahil siya lang ang bukod tanging babae na kasama ng mga ito. Well, she doesn’t care. Nasa pangangalaga niya ang binata at kung saan dapat ito, nakasunod siya sa ayaw at sa gusto nito. Maingay ang mga ito habang nagkikwentuhan nang kung anu-ano. Habang siya naman ay panay tingin sa paligid, wala siyang tiwala at baka nasa tabi-tabi lang ang gustong pumatay sa binata.
She’s busy sipping her drinks when someone caught her attention. May nakita siyang lalaking naka-hoodie. Nasa kabilang bahagi ito at dahil sa pula at iba't ibang kulay ng paligid, hindi niya maaninag ang hitsura ng lalaki. Biglang sumikdo ang puso niya... Her guts telling her something perilous will happen. Napatitig siya sa lalaki at alam niyang sa kanila ito nakatingin base na rin sa direktang nakaharap ito sa kanila at nakapamulsa.
Yx?
No. Kilala niya ang body built ng lalaki kahit magsuot pa ito ng makapal na jacket at alam niya ang height nito. Then who the hell is it? Another killer? Napangisi siya. Kung ang malas nga naman ng buhay nito. Mabilis niyang nilagok ang natitirang laman ng baso niya at tumayo nang makitang humakbang ito papalayo.
“Hey Kianna!” Si Zerus.
Napalingon siya rito. “Yeah?”
“Mag-ingat ka rito. Mga lalaki rito mga gahaman sa babae at sex.”
“Zerus was right. Stay ka lang Kianna. Ayukong mapa-hamak ka.”
Lihim siyang nag-ikot ng mata sa kaartehan ni Theon. Nagpasya siyang bumalik ng upo. May punto ang lalaki, kung susundan niya ang sinuman taong iyon maiiwan niya si Theon at posibleng may mangyari rito. Kung sabagay alam naman niyang hindi naman basta-basta ang binata at kaya nito ang sarili. Nakakapagtaka, alam naman pala nito paano dalhin ang sarili bakit ini-hired pa siya ng ama nito?
Kinuha niya ang cellphone at nagbukas sa social media account niyang itim ang wallpaper. Wala itong kalaman-laman. Scroll up and down, inom at lihim na nagmamasid sa paligid ang kaniyang ginawa. Nakahanda na rin ang dalawang baril niya kung saka-sakali na mapapalaban na naman sila ng hayop na Theon sa gabing ito.
Biglang may nag-pop na message sa messages niya. At first she disregard it knowing na baka mga Arab or other extra terrestrial species ito from other side of earth. Scroll ulit siya hanggang sa nag-pop ulit iyon. Naturang black lang ang DP nito at wala itong kapangapangalan.
‘10:45’
Iyon ang nabasa niya sa dalawang message na pinadala nito. May ibang ibig sabihin iyon. Mabilis niyang tiningnan ang orasan ng kaniyang cellphone. Kakapatak lang ng orasan sa alas dyes. Kinabahan siya pero nanatili siyang kalma dahil walang magandang idudulot ang kaba kung sakali. Mabilis gumalaw ang kaniyang utak. May ibang pahiwatig ang numerong pinadala nito. Mukhang kailangan yata nyang hilain si Theon paalis.
Mayamaya’y tumayo ito at pupunta raw ng men’s restroom. Sinundan niya ito ng tingin. Naghintay siya na lumiko ito sa pasilyo kung saan ang banyo bago siya tumayo at nag-excuse sa mga ito at kay Zerus na mag-reretouch lang siya ng make up.
Nakita niya ang likuran nito na pumasok na sa men’s restroom at siya naman ay tumayo lang sa hallway kung saan hinihintay niya ang binata. Hihilain niya ito papaalis sa ayaw at sa gusto nito. Sandaling nilibot niya ang paningin sa paligid, wala naman siyang nakikitang kakaibang kilos nang bawat taong labas-masok sa restroom ng lalaki at babae. Sumandal siya sa malamig na pader na iyon at nag-cross arm.
Dumaan ang ilang minuto at wala pa ang lalaki. Nabahala siya. Napaayos siya ng tayo at naghintay pa ng ilang minuto bago tangkain pasukin ang pintuan. Wala. That’s it, papasukin niya ito at bahala na kung ano ang makita niyang mga espada.
Pero bago pa niya nagawang ihakbang ang mga paa, may biglang tumakip sa kaniyang ilong. Kumawala siya pero bago pa man niya nagawang harapin ang kung sino man ay may gawa, dahan-dahan niyang naramdaman ang pagdilim ng paningin at ang ilang sumunod na sandali ay wala na siyang naalala. Everything's shut.
Dim na paligid ang namulatan ni Abhaya nang sandaling nagmulat siya ng mga mata. Ilang beses pa siyang kumurap para mag-sink in sa isip na ibang lugar ang kinaroroonan niya.
Merde!
Napabangon siya para lang mapabalik ng pagkakahiga dahil sa mahigpit na lubid na nakagapos sa kaniyang kamay at paa. Anong nangyayari?! Pinilit niyang inalala ang nakaraan pangyayari at doon niya tuluyan naisip na wala na siya sa naturang bar at kasama si Theon.
Sinubukan niyang kalasin ang nakagapos sa dalawa niyang kamay pero masyadong mahigpit iyon. Pinakiramdaman niya ang kaniyang katawan, good thing at wala naman siyang naramdaman na may ginalaw sa kaniya. But hindi siya pwedeng pakampante, her life is at stake. Si Theon, nasaan? Mabilis niyang nilibot ang paningin pero mas nagdagdag lang iyon ng sakit ng kaniyang ulo sa kulay pula nitong kapaligiran.
Walang Theon nandoon pero may naaninag siyang taong nakaupo sa isang sulok at humihithit ng sigarilyo. Nang maubos ang stick na hawak nito, kumuha ulit ito ng bago at nagsindi. Tanging usok lang kaniyang nakikita at hindi ang mukha nito. Damn! Sino ba ito? Yx? Hindi. Zerus? Hindi rin.
Hudson?