Nagmulat siya ng mata nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Si Cuhen. Agad niyang sinagot ang tawag ng kaibigan. “What’s up dude?”
“It’s Ellah,” saad nito sa kabilang linya.
Matagal siya bago nakapagsalita. Napaunat siya ng upo at tumikhim. It’s the first time Vraiellah called him using Cuhen’s phone. “Yes?”
“I saw her...”
The fuck! “Where!” Isa ang babae na siyang laging bumibisita kay Abhaya nung natulog ito nang halos isang taon at ngayon ay tinakasan siya.
“Don’t bother. Let her go, Herrence,” nawala na ito sa kabilang linya.
Napahugot siya ng malalim na buntunghinga at ibinalik ang atensyon kay Travis na siyang nag-sorting bawat tao na may mag-resemblance sa dalaga. Kung hihintayin niya ito, sa million katao sa Pinas aabutin siya hanggang bukas. Dapat nilagyan pala niya ng tracking device ito kung gano’n. Why the fuck he never think that?
Naglakad siya patungo sa sopang naroon sa silid na iyon at humiga. He felt exhausted at all at magpapahinga lang siya. Ilang araw rin siyang walang maayos na tulog at kailangan niyang magpahinga kahit ilang oras para bawiin ang lakas at makapag-isip nang maayos pero tila bumabalik sa nakaraan ang kaniyang utak...
HINAYAAN niya ang dalaga na mawala. Hindi siya nag-abalang hanapin ito. Choice nitong umalis sa hospital niya at balik na ulit siya sa dati. Umiikot ang kaniyang mundo sa trabaho at sa Hospital niya. Everything was okay. Nasa isang bar siya at umiinom mag-isa nang maalala niya ang dalaga. Pinipilit niyang iwaksi ang mukha nito pero mas lalong luminaw ang hitsura nito sa kaniyang isip. Sunod-sunod na bote ang ininum niya at baka sakaling mapaalis niya pero nagkakamali siya dahil nakikita niya ang malungkot nitong mukha at luhaan mga mata.
“Fuck it!”
Kahit mga babaeng nasa loob ng bar na iyon ay nakikita niya ang mukha ni Abhaya sa mga hitsura ng mga ito and that makes him pissed. Damn! He decided to drove himself home. Umulan ng malakas pero wala siyang pakialam. He was drunk pero binilisan niya ang pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan sa gitna ng daan.
Nakikipagkarerahan siya na parang walang takot mamatay ng mga oras na iyon. Wala lang, gusto lang niyang makipagkarerahan. Kasabay ng pagguhit ng kidlat sa madilim na kalangitan, biglang may sumalubong sa kaniya na sasakyan.
Naramdaman niya ang malakas na paghampas ng kaniyang katawan sa unahan at paglamon ng kadiliman. He spent his four months comatose in hospital bed. Malaking pinsala ang nangyari sa kaniya nang araw na iyon. Ang magandang balita, walang nabaling buto sa kaniya. Ang kaniyang ulo lang talaga ang napuruhan. Pagkatapos sa insidenteng iyon, hindi na siya nagpapatakbo ng mabilis ng sasakyan.
Nag-focus siya sa paghahanap sa babae. May gusto lang siyang patunayan sa sarili. Simula nung mawala ito, maraming gumugulo sa kaniyang utak. Nakikita at nahahambing niya ito sa mga babaeng nagdaan sa kaniyang kama. Ito ang unang pagkakataon na nangyari sa kaniya kaya kailangan niyang makita ito at patunayan sa sarili na walang special rito at mananatili itong babaeng walang label sa kaniyang buhay. He used Travis to find her, pero burado lahat ng data. And that makes him think na hindi niya masyadong kilala ang babaeng alam niya sa pangalan Abhaya.
Doon nagsimula na may nagpaparamdan na may gustong pumatay sa kaniya. Hindi niya pinansin iyon dahil ang huling taong gustong gumawa sa kaniya ng masama ay ngayon nasa hukay na at inaagnas. Pero ang kaniyang Ina ang kumuha ng bodyguard para sa kaniya matapos nitong mabalitaan nito na sumabog ang kaniyang yacht. Halos atakehin ito sa puso at nagmakaawa na mag-hired siya ng magbabantay sa kaniya.
Isang araw nagulat na lang siya nang may kinuha na itong bodyguard niya. Kianna and Abhaya resembled a lot. Kung may pinagkaiba, ang kislap ng mata at dating ng aura nito. Magkaiba ang ugali ng mga ito at gusto man niyang maniwala na iisang tao ang kasa-kasama niya, sobrang labo.
Lagi niyang napapagkamalan itong si Abhaya. Sa tuwing napapasulyap ang kaniyang mata rito, nakikita niya ang dalagang sinaktan at binasura noon. Kaya niyang protektahan ang sarili pero dahil sa isipin na gusto niyang malaman kung sino ito at ano talaga ang pakay nito sa kaniya kaya hinayaan niya itong manatili at sumunod sa kaniya kahit saan. Ayon kay Farhistt, ang kakilala nito ang nag-offer sa dalaga dahil sa kadahilanang maganda ang background at records nito pagdating sa ganitong bagay. Nag-background check siya sa organisation na pinanggalingan nito at legal iyon ayon sa kaniyang source.
Wala siyang problema rito. Hinahayaan lang siya kung sinu-sino ang kaniyang lalandiin. Hinahanap niya ang reaksyon sa mga mata nito pero bigo siya, wala siyang makitang kahit anong reaksyon.
Kahit nung nasa Cruise sila ni Theon. Sinisigurado niya nang mga panahong ‘yon na ang nakikita niya ay si Abhaya. Nagtatago ito sa ibang katauhan pero isang sampal lang ang kaniyang nakuha. Seryuso na rin ang killer kung sino man iyon dahil nakuha nitong barilin siya sa balikat. Nakita niya kung gaano gumuhit ang galit at pag-alala nito para sa kaniya at kung paano siya protektahan kahit kaya niyang iligtas ang sarili. Fuck! Fuck! His heart. Hindi normal ang tibok at mas lalong hindi normal iyon para sa kaniya. Naguguluhan siya kung bakit ganito ang reaksyon ng puso niya...
Habang kasama niya ito bawat araw, iba na ang kaniyang nararamdaman. May nararamdaman siyang hindi niya kayang bigyan ng pangalan. Mahal niya si Abhaya? Agad niyang pinawi ang ligaw na damdamin na iyon hanggang sa makita niya itong may kausap na lalaki.
Nasa terrace siya nang makita niyang may kausap ito. Disgusted was written over all his face. Alam niyang naguguluhan lang siya dahil kamukha ito nang babaeng hanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya kung nasaan ito.
May nagbigay sa kaniya ng clue. Isang larawan ng babaeng nasa loob ng isang coffee shop. Ang totoong Abhaya ay nagtatago sa Russia. Kaya nagdesisyon siyang pumunta na mag-isa. May aasikasuhin din siyang negosyo pero ang main reason niya ay puntahan ang dalagang matagal niya nang hinanap para malaman niya na ang mga gumugulo sa utak niya.
Napigilan niya si Kianna na sundan siya pero hindi ang mga armadong nasa sasakyan na nakasunod sa kaniya at nakipaglaro ng baril-barilan. May phobia pa siya sa mabilis na pagpatakbo pero wala siyang choice kundi harapin ang phobia na iyon.
Nailigaw ni Hudson ang mga humahabol sa kaniya at nagdesisyon siyang sa resthouse muna niya siya magpapalipas ng gabi. Para lang malaman na nasa likod ng compartment niya si Abhaya, duguan at walang malay. Fuck! Ang tigas talaga ng ulo nito. Agad niya itong pinangko, sinipa lang niya ang pintuan ng bahay para bumukas iyon.
Pagkatapos malaman niyang ang babaeng nasa harapan niya at babaeng pupuntahan sana niya sa Russia ay iisa, pinilit niya ang sarili na kumalma. Hindi makakatulong ang galit kaya pinilit niyang gumalaw na parang kaswal lang sa harap nito. Halu-halong emosyon ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon na halos hindi niya alam kung ano ang kaniyang gawin. Masasabi niyang magaling nag dalaga magpanggap.
Nasundan sila ng mga humahabol sa kaniya at saka lang napagtanto ni Hudson na isa si Abhaya sa dahilan kung bakit siya hinahabol para patayin. Agad nag-sink in sa kaniyang utak ang ilang beses ng pagtatagpo na kasama ito ay iyon din ang ilang beses na may gustong pumatay sa kaniya.
Abhaya was playing a little dirty secret, buhay niya ang taya. Akala niya nasa panig niya ito pero nagkakamali siya. Marahil isa ito sa paghihiganti nito sa kaniya. Pero hindi, hindi siya nito mapapatay at walang makakapatay sa kaniya. Magkano ang ibinayad ng kaaway niya rito para gawin assets? Million? Half billion? Alam niya na kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi siya makapaniwalang kakampi ng mga ito ang dalaga.
PINAGMASDAN ni Abhaya ang sariling repleksyon sa harap ng salamin sa loob ng silid na iyon. Una niyang napansin ang kaniyang buhok na mahaba na at matang walang kabuhay-buhay.
Nagpatulong siya kay Jackylyn na ayusan siya ng pekeng passport at visa. Sa tulong nito, na-access niya ng pasekreto ang kaniyang bank account na hindi malalaman ni Yx o nang kahit sino kung sakaling ita-track siya. hinayaan niya si Jacky pagdating sa gano’n bagay. Tinago siya nito sa lugar na ito lang ang nakakaalam. Isang buwan na ang nakaraan simula nung umalis siya sa Hospital.
Magaling na siya at bumalik na ang lakas sa kaniyang katawan. Nagdesisyon siyang manirahan sa abroad. Wala rin balita si Jacky kay Yx at hindi na ito nakakausap ang lalaki simula na napunta ito sa kamay ni Theon. Pero bago siya magtatago at mananahimik sandali, nagdesisyon siyang may dadalawin. Saka naman niya naalala ang pagtatagpo nila ni Vraiellah nung nakaraan...
“Abhaya?”
Kakalabas lang nila ni Jacky sa taxi saka naman siya nakita nito. Kasama nito ang dalawang kambal at lumarawan ang saya niya para rito. Nag-aabang ang mga ito ng masasakyan dahil wala raw si Cuhen na magsusundo. Imbes na magpanggap siyang hindi ito kilala, niyakap na siya nito at gano’n din siya. Ang gaan sa pakiramdam na may taong nakakaalala sa kaniya.
“Ito na ba ang mga anak mo? Ang cute naman nila at mukhang smart sa kanilang edad.” Lumuhod siya para mapan-tayan ang tangkad ng dalawang bata na seryusong nakatingin sa kaniya.
“Of course we are smart. We got Daddy’s brain,” sagot ng isa na kamukhang kamukha ni Cuhen.
“And we’re not cute, we are handsome,” dugtong ng isa. Hindi magkamukha ang dalawang kambal pero parehong gwapo.
Natawa naman siya pati si Jacky na nakikinig nang mga sandaling iyon.
“Mag-usap muna tayo at magkwentuhan kung okay lang sayo Abhaya.”
Ayaw man niyang paunlakan, si Jackylyn na ang nagtulak sa kaniya kaya na mag-usap sila ni Vraiellah. Pakiramdam niya, kailangan niya mag-explain dito kahit wala naman siyang kailangan sabihin...