Mabilis niyang kinuha ang sumbrero at nagsuot ng hoodie jacket saka pinatungan ng mask ang mukha. Hindi na siya nagpaalam kay Jackylyn kung saan siya pupunta at hinayaan lang siya nito.
Bitbit ang biniling basket ng puro puting bulaklak at kandila, nanginginig ang kaniyang buong katawan habang papalapit siya sa puntod. Hindi niya malaman kung tama ba ang kaniyang ginawang dumalaw nang araw na iyon. Pero ilang araw rin niyang pinag-isipan ang sandaling ito kaya nilakasan niya ang loob na humakbang papalapit. Marahan siyang humugot ng hangin at sandaling tumigil.
No. Kaya niya ito. Hindi na siya iiyak. Pero nung mabasa niya ang nakasulat sa gravestone, parang hiniwa ang puso niya sa sobrang sakit. Bumalik ang lahat sa kaniya ang alaala na kinalimutan niya na.
My Little Angel
May 10, 2015
Para siyang lantang gulay na biglang bumagsak sa harap ng puntod kalahating dipa ang layo. Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha niya at hindi niya kayang pigilin ang mga iyon. Tinanggal niya ang mask at ang subrerong nakatabing sa kaniya at halos hindi siya humihinga na nakatingin sa puntod na iyon. Ang anak niya... Ang kaniyang anak na hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na masilayan.
Akala niya tuluyan niya nang natanggap ang lahat pero bakit napakasakit ang kaniyang nararamdamam ngayon? Bakit hinahati sa dalawa ang kaniyang puso at hindi niya alam kung ano ang gagawin kundi ang umiyak. Nagtaas siya ng tingin sa kalangitan at marahan pinikit ang mga mata, panay pa rin ang pagbagsak ng mga luha niya.
“So-sorry baby,” lugmok na lugmok siya nang banggitin niya iyon. Ang sakit! Nanginginig ang kaniyang buong katawan na gumapang siya papalapit doon at hindi niya mapigilan ang lahat, humagulhol na siya.
“S-sorry... P-patawarin mo si Mommy, h-hindi ka niya naprotektahan... B-baby, patawarin mo ako... W-wala akong kwentang ina...” naghalo ang sipon at luha niya. Ang basket ng bulaklak ay mahigpit na niyakap niya at nagkadurog-durog iyon parang buong pagkatao niya.
Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na masilayan man lang ito kung ano ba ang kasarian, kung babae ba o lalaki ang kaniyang anak. Ang sakit na matagal niya ng pinatay at binaon sa limot ay bumalik at mas masakit pa iyon.
“B-baby, an-andito si Mommy... Baby andito si Mommy.” Hinaplos niya ang malamig na lapida at napapikit siya. Para siyang hihimatayin sa sobrang sakit. “Baby...” hindi niya mapigilan humagulhol ng sobra.
Yumugyog na ang kaniyang balikat at ang lakas ng iyak niya. Wala siyang pakialam kung sakaling may makakakita sa kaniyang gano’n hindi alam ng mga ito ang kaniyang pinag-dadaanan. Hindi alam ng mga ito kung gaano kasakit para sa kaniya.
“Abhaya...”
Isang mahigpit na yakap mula sa kaniyang likuran ang kaniyang naramdaman. Nanatili siyang umiyak nang umiyak sa harap ng puntod ng kaniyang anak na pinagkait sa kaniya ng tadhana.
“P-patawarin m-mo ako... Dapat lumayo ako nang araw na iyon sa a-ama mo. Dapat naging matapang ako... hindi ka sana nawala sa`kin... ‘Di sana kasama k-kita ngayon... N-nayayakap... nahahagkan... Anak sorry...” humihikbing saad niya. Hindi niya kayang pigilan ang lahat ng emosyon na naramdaman.
“Abhaya...”
Pero manhid ang kaniyang buong pagkatao. Ang yakap na binigay ng lalaki sa kaniyang likuran ay balewala sa kaniya. Hindi niya pa napapatawad ang sarili. Wala siyang lakas para alamin kung sino ang taong yumakap sa kaniya ngayon basta ang alam niya bumalik siya sa dating Abhaya na matagal niya ng pinatay. Na matagal niyang kinalimutan.
Walang tigil sa pagpatak ang luha mula sa kaniyang mga mata at halos magwala na siya roon. Iyak lang siya nang iyak. Nakisabay pa ang panahon nang biglang kumidlat ng ilang beses at umulan ng malakas.
“Bakit?! Pati ba naman ikaw nakikisabay rin!” malakas na hiyaw niya sa kalangitan. Hindi na sakit ang kaniyang nararamdaman, poot na. Galit na ang nagsimulang umusbong. Galit na galit siya, hindi lang sa sarili.
“Let’s go home.”
Naramdaman niyang biglang tumaas sa ere ang kaniyang katawan, doon lang siya tila nahimasmasan nang makita niya ang mukhang bumuhat sa kaniya.
“Let go of me!” Isang malakas na sampal ang binigay niya sa pisngi ni Hudson. “Ang kapal ng mukha mong magpakita sa harap ng puntod ng anak ko! Ang kapal ng mukha mong hayop ka.”
“No. I’m taking you home, with me.” Hindi man lang ito nasaktan sa kaniyang ginawang sampal. “Abhaya... Makakasama sa—”
Mag-asawang sampal ang kaniyang binigay kay Hudson at malakas na sinuntok ito sa dibdib para lang bitawan siya. “Bitawan mo akong hayop ka. Bitawan mo ako!”
“No.”
“Tangina mo! Putangina mo Hudson, dahil sa`yo, nang dahil sa`yo kaya ako nagkaganito. Lahat, ginawa ko ang gusto mo. Lahat-lahat, wala kang narinig na pagtutol sa`kin kahit kainin ako ng selos sa paiba-ibang babae mo pero hayop ka! Pero bakit pati anak ko? Bakit kailangan niya mawala nang dahil lang sa`yo?! Ha? Bakit, Hudson? Bakit napaka-putangina mo!”
Nabitawan siya nito. Nasapo nito ang pangang sinuntok niya. Malakas ang ulan pero wala siyang paki roon. Kinain na siya ng emosyon niya at galit na galit siya. “I’m sorry, Abhaya... I’m really sorry...”
Sumabay ang kidlat pero dinig na dinig ni Abhaya ang katagang iyon na binanggit ni Hudson sa harapan niya. “What? Sorry? Sorry?!” Pagak siyang natawa.
“Patawad kung nasaktan kita... Patawad kung nang dahil sa`kin nawala ang anak nati—”
“Anak ko! Anak ko lang, Hudson. Wala kang karapatan na angkinin. Dahil ikaw ang dahilan kung bakit. Ikaw!”
“Abhaya...”
“Tumigil ka!” malakas na sigaw niya at tinakpan ang teynga. Basang basa sila sa ulan pero ang mga luha niya ay walang awat sa pagpatak. “Ayuko ng makita pa ang pagmumukha mo. Much better kung mamatay ka na at mabulok sa impyerno. Huwag mo na ako pestehin pa kahit kailan.”
“No Abhaya! Makinig ka...”
“Matagal mo ng pinatay ang dating Abhaya.” Pumihit siya para tumakbo papalayo rito pero nahila agad nito ang kaniyang kamay at mabilis siyang niyakap nang sobrang higpit na ayaw siyang pakawalan kahit anong mangyari.
“Kinamumuhian kita Hudson,” pinal na lumabas sa kaniyang bibig ang katagang ito, “Lahat ng nakaraan natin, binasura ko na. Hindi mo kailanman mababawi sa isang sorry ang lahat, tandaan mo ‘yan!”
Natigilan ito at matagal bago nakasagot. Kitang-kita niya ang sakit sa kislap ng mga mata nito, “I know... I know.”
Nagpumilit siyang kumawala sa mahigpit na pag-kakayakap nito sa kaniya pero tila bakal ang brasong nakapulupot sa kaniya ngayon. Panay suntok ang kaniyang ginawa sa lalaki pero walang silbi iyon hanggang sa naramdaman niyang tumigil ang kaniyang katawan sa pagpupumiglas at tanging maririnig na lang sa paligid ay ang malakas na hangin, ulan at ang kaniyang hikbi.
“Bakit... Hindi naman ako naging masama... Pero bakit?”
“Abhaya...”
“H-hindi kita mapapatawad, Hudson... Hindi...” Ilang minuto siyang gano’n na umiiyak sa dibdib nito hanggang sa naramdaman niyang nanghihina ang kaniyang tuhod at katawan. Sa sumunod na sandali ay bigla siyang nawalan ng malay.
“Fuck! Abhaya!”
Nakaupo si Hudson at halos ayaw niyang tanggalin ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa dalaga na walang malay. Mataas ang lagnat nito. Nasa isang pribadong silid ito ngayon at wala siyang planong pakawalan ito sa kaniyang paningin. Baka tuluyan siyang takasan ng dalaga at hindi siya mabigyan nito nang pagkakataon na makausap.
He don’t give a damn kung ayaw nitong makausap siya. They need to talk. Tama na ang maling akala, maling hinala, maling akusasyon at maling takbo ng utak at puso niya. He learned his lesson in a hard way already. Ayaw niyang mawala ito. Hindi sa ikatatlong pagkakataon.
Marahan niyang dinantay ang kaniyang kamay sa maputlang kamay nito na walang swero. Napatitig siya roon at napakuyom ng kamao. Mabilis niyang inilayo ang kaniyang sarili at nagtungo sa bintana. Nahugot niya ang kaniyang buntunghinga nang hawiin niya ang makapal na kurtina na tumatabing doon. Nakikita niyang umuulan pa rin sa labas pero mahina na. Namulsa siya at matagal na nakatitig sa malungkot na kalangitan.
Hindi pa siya nakapagpalit simula kanina nang dalhin niya ang dalaga sa malapit na hospital ng Hayes. Tulad nung una, siya ulit ang nag-asikaso and he was fucking mad about it. Laging ganito ang senaryo at parang naiintindihan niya na kung bakit Doctor ang kaniyang propesyon. Basang basa pa rin ang kaniyang kasuotan at wala man lang siyang maramdaman lamig. Naging manhid na naman siya. Damn! Napakuyom ulit siya ng kamao at nagsilabasan ang mga litid ng ugat sa kaniyang leeg.
Hindi niya akalain sa puntod ng anak... nila niya ito matatagpuan. Hindi niya alam kung paano nito nalaman iyon pero ang mahalaga ay nasa kamay niya si Abhaya ulit. He needs to clear things out.
Bigla may kumatok at pumasok sunod-sunod ang kaniyang mga kaibigan ulol. Hindi na siya nagtanong kung bakit parang mga kabute itong nagsisulputan mula sa kung saan.
“Hey bastard!” nakangising salubong ni Azael at may bitbit na basket ng puro fresh na bulaklak.
“Condolence dude,” sabad agad ni Cuhen. May dala itong puting balloons. May nakalagay na 'Condolences, Bruʼ.
“That’s harsh. Abhaya is alive though,” kangising sambit ni Zyd.
“That’s for his heart. Condolence bro. May your heart rest in peace in hell,” walang prenong sagot ni Farhistt na may bitbit na basket ng prutas.
Kaniya-kaniyang bitbit ang mga ito. Kulang na lang ay magsibidahan ang mga ito kung sinong pinakamagandang bulaklak ang dala at prutas.
“Mga hayop! Leave. Now,” sinamaan niya ang mga ito ng tingin.
“Ulol. Mas masahol ka sa`min.” Sabay na nagsitawanan ang mga ito at pabagsak na umupo sa sofang nandoon.
“Hindi, mas masahol si Cuhen,” panimula ni Azael. “What he did to Vraiellah... No comment na ako!” natatawang dagdag nito.
“Mas bilib kami sa`yo,” Si Cuhen. “Nahulog ka sa sarili mong kapatid. Gago!”
Tawanan ang buong paligid. Natawa siya sa presinsya ng kaniyang mga baliw na kaibigan. Ang swerte din niya sa mga ito kahit papaano lalo na kay Cuhen na laging nasa likod niya lang.
“Kay Doc. Hudson Herrence Hayes tayo mas bibilib!” Si Zyd na nauna ng kinain ang prutas na dala. “Matagal ng in love sa babaeng wala ng nararamdaman pagmamahal sa kaniya, kundi galit.”
He laugh. Nice jokes. Siya in love? Pero hindi ang kani-yang mga kaibigan. Nakatingin na ito sa kaniya ngayon na para siyang isasalang sa korte anuman oras. Seryuso itong nakatingin sa kaniya at hindi niya na kailangan magtanong sa titig na binigay ng mga ito.
“I... I don’t love her,” pinal na sagot niya.
“As far as we know, hindi buwan ng April ngayon. Maniniwala na ba kami?” Si Azael.
“Catch!”
Mabilis na nasalo niya ang binato sa kaniya ni Zyd na mansanas. “Action speak louder than words! Crazy af.”
“Stop denying my man,” umiiling na sabad ni Farhistt. Tila hindi nito nagustuhan ang kaniyang sinabi. “Baka kapag umalis siya, para ka na naman asong ulol na hanap nang hanap.”
“I’m stating the truth,” umilap ang kaniyang tingin. Natatakot siyang malaman ng mga ito ang totoong nararamdaman niya.
“Ah that’s why your clothes are all wet.” Si Cuhen. “Magpalit ka muna ng damit. Kami na bahalang magbantay sa reyna mo. She’s safe to us.”
Hindi pa siya nakasagot ay hinila na siya ni Farhistt at Azael papalabas sa loob ng silid na iyon at pinagsarhan ng malakas ng pintuan. Damn. Paano ba kasi napunta ang mga ugok na ito sa buhay niya? Wala siyang magawa kundi ang umuwi muna at ayusin ang sarili.