“ Daddy! Sama ako kay Aki at Kaka,” malambing na paalam ni Hyacinthie sa Ama. Nasa underground ito at may iniimbentong bagay.
Sa kanilang triplets, siya ang walang hilig sa mga invention o kahit anong related sa technology. Nauurat lang siya pagdating sa bagay na iyan at mas mabuting mag-make up na lang siya o ‘di kaya'y mag-liptint.
“No.”
“Pero, Daddy!”
“I said no, naiintindihan mo ba Hyacinthie?”
Nakagat niya ang kaniyang labi. Pag ganitong binanggit ng kaniyang amang Doctor ang pangalan, wala na siyang magawa kundi ang tumango. Malungkot siyang nagpaalam dito. Gusto lang naman niyang sumama sa kambal ng kaniyang Tito Cuhen makipaglaro.
Nakasimangot siyang sumakay sa elevator paakyat pataas sa ground floor. Doon niya nakita ang dalawa pa niyang kambal na masayang nagbabatuhan ng grapes.
“Omg! Bakit niyo pinag-throw ang mga berries?! I’ll sumbong you kay, Mommy!”
Tinawanan lang siya ni Harper at Hnleigh. Ang kaniyang identical twin. Kahit nasa grade 5 na sila, ang bully pa rin ng mga ito sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy, ampon siya at ‘di mahal ng dalawang kuya niyang mga monster.
“I’ll sumbong you kay Mommy— ang conyo mo.”
“Let’s leave that conyo girl. Laro na lang tayo ng Dota 2, Leigh.”
“Bye, conyo girl!” Binelatan pa siya ng dalawa at nagmamadaling tumakbo papuntang silid ng mga ito.
Naiiyak na nagdadabog siya papuntang kusina at binuk-san ang malaking refrigerator. Kumuha siya ro’n ng buong cake at nilantakan iyon na umiiyak sa inis. Her brother always called her conyo when she’s not naman! It’s not her fault naman, eh.
“I’ll sumbong you kay Mommy talaga. You’re so bad at me.” Pinunasan niya ang luha.
“What’s wrong? Inaaway ka na naman ba nang dalawang kuya mo?”
Agad nagliwanag ang kaniyang mukha nang makita ang magandang Mommy niya. Mabilis siyang tumakbo at yumakap dito. Dito na lang siya magpapaalam dahil alam niyang papayagan siya nito. The best kaya ang Mommy niya! Sadyang killjoy lang ang Daddy niyang Doctor. Hmp!
“Sama ako kay Aki at Kaka, Mommy!”
“Nagpaalam ka ba sa Dad mo?”
Agad siyang napaismid at umiling, “He won’t let me po. I just wanna play with them naman. Sige na, Mommy! I’ll be a goodgirl kila Tito Cuhen, I promise.” Nag-isip muna ito at ngumiti. Nagliwanag ang kaniyang mukha at tuwang-tuwa siyang yumakap dito. “Thank you po nang very much, Mommy!”
Halos hindi matanggal ang ngiti ni Hyacinthie nang ihatid siya ng kanilang family driver sa mansyon ng Tita Ellah at Tito Cuhen niya. Halos magliwanag ang kaniyang mukha nang matanaw sa bakuran ang dalawang identical twins na si Caddam at Achilleus. Agad siyang sumigaw nung nasa bakuran na siya at sabay na napalingon ang dalawa sa kaniya.
“Aki! Kaka!”
Agad nagliwanag ang mukha ni Achilleus nang makita siya pero sinimangutan siya ni Caddam. Ang arte talaga nito! Pasalamat ito at crush niya ang dalawang kambal.
“You are here again?” nakasimangot na tanong sa kaniya ni Caddam. Kulang na lang paalisin siya nito at pauwiin.
“You are so rude talaga sa`kin. Why ganiyan ka, ha?” Pinameywangan niya ito pero tinalikuran lang siya ni Caddam samantalang mabilis naman siyang lapitan ni Achilleus at niyaya sa loob ng bahay.
Bumati muna siya sa kaniyang Tita Ellah na may baby girl na karga. Humalik muna siya sa pisngi ng kaniyang Tita Ellah saka pinisil ang paa ng baby nito. “Tita, bakit ang cute niya like me?”
Natawa ito at ginulo ang kaniyang buhok. “Baka sumugod ang Daddy mo rito, princess.”
Napaismid siya at hindi na sumagot. Nagpaalam na siya rito at mabilis na sumunod kay Achilleus at Caddam na pareho niyang crush! Napahagikhik siya sa naisip pero agad niyang pinalis sa batang puso iyon nang nasa malaking silid na sila na pag-aari ng kambal. Kasinglaki ito sa silid ng dalawa niyang kuya. Pinagkaibahan nga lang, lalaking-lalaki ang silid ng kambal ni Caddam at Achilleus.
Agad binigay sa kaniya ni Achilleus ang wireless controller. Kaniya-kaniya silang tatlo at nagsimulang maglaro nang paborito niyang laro na Zombie. Tulad ng dati, lagi siyang talo. Kahit limang beses silang naglaro sa araw na iyon, talo pa rin siya. Naiinis na tinapon niya iyon sa carpet. Nakasimangot na dinampot naman iyon ni Caddam at pinagalitan siya sa kaniyang inakto.
“Kung hindi mo tanggap ang pagkatalo mo, then ‘wag ka makipaglaro sa`min sa susunod. Spoiled brat!”
Nasaktan siya sa sinabi nito at dahil likas na bata pa ang kaniyang pasensya, nagsimula siyang umiyak. Eh, bakit ba? Gusto lang naman niya manalo pero lagi siyang tinatalo ng dalawa. Masyado kasing ginalingan!
“Cadd, don’t be so mean to her. She’s just a baby!” mabilis siyang inalo ni Achilleus.
“She’s not. We are just 4 years ahead of her.” walang prenong sagot nito at striktong tinapunan siya ng tingin.
“Why are you so rude to me ba? You’re like kuya Harper and Hnleigh! You guys love to tease me around until I iyak na.”
Inismiran lang siya ni Caddam. “Go home then. We don’t need you here!”
“Cadd! You’re hurting her.”
“I am not. Masyado lang siyang iyaking bata. Brat.”
“I am not a kid anymore! Stop calling me bata kasi I’m big na, hello!”
“Talk that when you are able to stand on your own. Crying kiddo!” pang-aasar pa nito lalo sa kaniya.
Mabilis niyang pinunasan ang luha sa mata niya nang tumalikod ito at nagtungo sa paboritong drum set nito. May musical set ito sa kabilang bahagi ng room at isa rin iyon sa pinagkakaiba nila ni Achilleus.
“I really hate you, Kaka!”
“Same here. No offense.”
“Cadd, enough. Remember who she is.”
“Yeah! I am Achilleus soon to be wife.”
Parehong napaubo ang dalawang magkapatid sa kaniyang sinabi. Muntik pa mabitawan ni Caddam ang drum stick habang si Achilleus sa tabi niya, hindi makapagsalita.
“You still remember that?” takang tanong ni Caddam. Kumunot ang noo nito. Kulang na lang lamunin siya.
Inismiran niya ang binatilyo at binelatan ito. “Naman! Aki told that to me. Hmp! When that happen, I will suntok you. Bye!” Mabilis niyang tinakbo ang pintuan at binelatan ulit ang binatilyo.
Nagdadabog na tinungo niya ang hagdanan at walang imik na bumaba ro’n. Nagulat na lang siya nang makita niya ang kaniyang Daddy na ando’n at halatang siya ang hinahanap. Seryuso ang mukha nito at kasama pa ang kaniyang dalawang kambal habang kausap ang kaniyang tito Cuhen.
Daddy! You always treat me like a baby pa rin. I’m 10 years old na. Napahimutok siya.
Kaya wala siyang magawa nung iuwi siya pabalik sa mansyon at pinabantayan sa dalawa niya pang kambal, na walang ibang gawin kundi ang maglaro na ‘di siya kasama. Naiinis naglaro na lang siya mag-isa at pinagsusuntok ang unan. Ngayon pa lang, gusto niya ng maging karate kids at hamunin ng suntukan ang mga kuya niya. Balang-araw, gagawin niya iyon. Magsusuntukan silang tatlo para kapag asarin pa siya ng mga ito, dudugo agad ang ilong sa kaniya.
“Crush mo si Caddam ‘no?” Naunang nagtanong si Harper.
“I guess, si Achilleus ang crush niya...” ganting sagot ni Hnleigh.
Napairap siya sa tanong na iyon ng dalawa. Kinakausap lang siya pag gustong asarin at inisin. The rest, wala.
“Don’t talk to me. I don’t know you!”
Ginaya naman siya ng dalawa at inasar hanggang sa nauwi siya sa iyak. Nakakaasar talaga ang mga ito! Minsan, naiisip na talaga niyang ampon siya. Ampon siguro talaga siya at hindi sila kambal tatlo. Agad siyang tumakbo papunta sa kaniyang Daddy Hudson, na naghahanda ng pagkain kasama ang Mommy nila.
“Daddy!”
“Hey hey, why crying?” agad siyang inalo nito.
“Inaway na naman siguro ng dalawang kambal mo.”
“Ang dalawang ‘yon talaga. Pagsasabihan ko mamaya sila, okay? Tahan na.”
“I hate them po. Ayuko na sa kanila. I want a brother like Aki and Kaka. They’re good to me unlike them. Ang sasalbahe nila.”
Napabuntunghinga naman ang kaniyang ama at inakay siya nito papuntang breakfast stool. “You want me to teach you, princess?”
“What po?”
“To kick someone ass.”
“Hudson!” mabilis na apila ng Mommy nila.
Natawa naman ang kanilang Ama at ginulo ang kaniyang buhok. “I’m joking. ‘Wag mo na uliting pumunta sa bahay ng Tito Cuhen mo unless kung kasama ang dalawang kuya mo. Kung gagawin mo ulit iyon, you will be grounded.”
Napalabi siya at ‘di sumagot. Ano ba ang meron kung makikipaglaro siya sa anak ng kaniyang Tito? Mabait naman sila, maliban na lang kay Caddam.
“Hyacinthie...”
“Yes, Dad.”
“Hyacinthie!” pag-uulit nito sa pagtawag sa kaniyang pangalan.
Napairap siya sa hangin at napahalukipkip. Nababasa na naman siya ng Daddy nila, na ‘di siya sigurado sa kaniyang sinabi. “Yes, Dad! I promise. I won’t go there na.”
“Good girl.” Hinalikan siya nito sa ulo at muling hinarap ang pagluluto nito.
Napa-face palm na lang siya nang wala sa oras. Mami-miss niya ang dalawang kambal. Hindi sila same school at bantay sarado rin siya ng kaniyang kuya. Wala rin gustong makipagkaibigan sa kaniya. Hinaharangan ni Harper at Hnleigh at aawayin. Kahit sa school, pinapagitnaan siya. Kapag may tinatanong ang teacher nila na ‘di niya kayang sagutin, to the rescue agad ang mga genius niyang kuya. Nang-aaway pa ng teacher kapag papagalitan siya.
Average learner lang siya pero sa tulong ng dalawa niyang kambal at Doctor na Ama. Nakakasabay siya sa klase pero minsan, nahihirapan pa rin siya. Hindi tulad ng mga kuya niya na easy pie lang sa mga ito ang bawat quizzes at exams. Siya, kailangan niya munang mag-aral ng buong gabi at humingi ng tulong.
Dahil nangako siyang ‘di na pupunta sa bahay ng kaniyang Tito Cuhen, nagtiis na lang siyang maglaro sa playground nasa labas ng bahay nila. Kasama niya ang kaniyang kambal at tulad ng dati, hindi siya isinama ng dalawa sa laro ng mga ito. Hinayaan lang siyang maglaro mag-isa sa swing.
“Kuya Harper, I wanna play with you two. Sali me!”
“May narinig ka, Leigh?”
Umiling naman ang kaniyang kuya Hnleigh at sabay na nagsingisihan ang mga ‘to, “Nope. Hangin lang ‘yan.”
“Yeah, hayaan natin ang hangin.”
Nakagat niya ang labi at kulang na lang umiyak. Ang sasalbahe talaga ng dalawa! Balang-araw, lalayasan niya ang mga ito. Hindi niya ito papansinin. Lagi na lang siyang binu-bully ng mga ito. Dalawang linggo na siyang walang matinong kalaro.
Kaya nang bumisita si Caddam at Achilleus sa bahay nila sa araw na iyon, halos magtatalon siya sa sobrang saya. Hindi niya akalain biglang bibisita ang mga ito at may dalang paboritong pagkain niya.
“Caddam is here to say sorry.”
Namilog ang kaniyang mata sa sinabi ni Achilleus, “Sorry? Why siya magso-sorry?”
“Inaway ka niya, right? Kaya ‘di ka na dumadalaw sa bahay. So here we are.”
Ngumiti lang siya ng matamis at niyaya ang mga ito. Salamat na lang at dumating ang dalawa! Hindi naman siya papagalitan ng Daddy niya, eh. Agad niyang niyaya ang dalawang maglaro sa swing at pinaunlakan siya ng mga ito. Samantalang ang mga kuya niya, wala pa rin pakialam. Naglaro lang ang mga ito ng baril-barilan.
Kailan kaya sila magkakasundo? Napaismid siya. Doon na lang kaya siya titira sa bahay ng Tita Ellah at Tito Cuhen niya? Para kasama niya si Achilleus at Caddam? Napangiti siya sa isiping iyon. Pwede!