Chapter Story 2 - Chapter 21 - Wakas

Napangiti si Abhaya habang pinagmamasdan si Hudson na ngayon ay seryusong nagmamaneho. Nakatuon ang atensyon nito sa daan pero mayamaya lang ay napangisi ito at napailing-iling.

“Thingking something?” amused na tanong niya.

Ngumiti ito nang lumingon sa kaniya at ginanap ang kaniyang isang kamay at hinalikan iyon. “I still can’t believe that you are mine again.”

“I can run away again and hide.”

Humigpit ang hawak nito sa kaniyang kamay. “Yeah, and I’ll chase you again and again.”

“But what about Zerus? Pagkakaalam ko, gustong gusto niya ako,” pang-aalaska niya kahit ‘di totoo. Alam niyang matindi ang galit nito sa binata. Iba rin magselos ang isang Hudson.

“Damn! I’ll make sure, he’ll rot in jail.”

Hindi siya sumagot. Hinalikan lang niya ito sa pisngi at humilig sa balikat. “Love...”

“Hmm?”

“What if I didn’t show up? What if, namatay ako during my assignments? What if I don’t really love you anymore? What if...”

“Love...” Sandaling itinigil nito ang sasakyan sa isang tabi at humarap sa kaniya. “The first thing I’m gonna do— kill Farhistt for fucking hiding you away from me,” biglang nagbago ang expression, “But I don’t want to talk about it anymore. And beside, those are ‘what ifs’, masaya ako na ngayong nandito ka. Masaya ako na binigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Thank you, love. Thank you so much...” masuyong saad nito.

Hindi siya sumagot. Aww, she really love this man. Hindi niya mapigilan ganapin ang mukha nito at haplusin iyon. Parang dati lang, nagpapatayan pa sila. Ang sarap naman sa pakiramdam nung panahon ‘yon.

“Hudson...” Ngumiti siya. “Alam ko na ang lahat-lahat. Your friend told me especially Yx kung anong totoong nangyari habang tulog ako.”

“That asshole!”

Natawa siya. “But then I wanna say thank you for saving my life. You managed to save me for multiple times. Kaya pala parang pamilyar sa`kin ‘yong taong tumulong sa`kin sa Mississippi and ikaw pala talaga iyon. Sa ngayon, gagawa tayo ng panibagong bukas na magkasama.”

Ngumiti ito at hinaplos ang kamiyang pisngi saka nagseryuso ulit sa pagmamaneho.

NATATAWANG tinapik ni Cuhen ang balikat ni Hudson habang nakangisi naman si Farhistt. “Since then, alam ko talagang kaibigan kitang gago ka.”

“Nagpapaligsahan ba kayong dalawa?” natatawang tanong ni Farhistt.

“Ibahin niyo ang gwapo kung ito,” kangising saad niya habang pinagmamasdan nilang tatlo ang mga sanggol sa nursery room.

Parang dininig yata ng tadhana ang gusto niyang mangyari at dahil siguro sa mga nasayang na panahon ay binigyan sila ng isang pares ng triplets. Nagkatotoo ang gusto niyang mangyari na may panangga na siya sa anak ni Cuhen balang-araw.

Dalawang malulusog na lalaki at isang babae. Damn! Sobrang proud niya sa kaniyang sandata at nakabuo ng tatlo. Pagkakatapos siguro makabawi ni Abhaya, sasabihin niya rito na gagawa ulit sila ng tatlo pa na pares ng triplets para isang dosena agad.

“Saan na ang panibagong sakit sa ulo in the future!” Mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Azael. May dala pa itong bugkos ng balloons at confetti.

Napatanga sila pareho sa biglaan presinsya nito. Mabuti na lang at wala si Zyd, umuwi ito ng Pensylvannia.

“Triplets? Iba talaga pinsan ko. Hooh!” Biglang sumulpot din si Theon at nagpasabog ng confetti. Kinuha pa nito ang kaniyang kamay at mabilis na kinamayan sabay tapik sa kaniyang balikat. “Bro, lakas makatriplets ‘yan 7 inches mo, ah.”

Sabay na nagsilingon ang mga nurses na nakarinig sa sinabi ni Theon at nagsihagikhikan na parang kinikilig. Nagbu-lungan at sabay na tumingin sa kaniyang hinaharap. Mabilis niyang binatukan si Theon. Nagtawanan naman ang tatlong gago pa niyang kaibigan.

“Shut up 3 inches!”

“Tulog pa ‘yan. Paano na kaya pag gising. Don’t mess a Willoughby bro, daks ‘to. Walang hindi natitikman nito na hindi tumitirik ang mata sa sarap!”

“So ibig mong sabihin si Amar—”

Tumalim agad ang mata ni Azael kay Cuhen. Tinawanan naman ito ng gagong kaibigan niya at nagtaas ng kamay. Nag-tawanan sila pero mayamaya lang ay nagseryuso.

“We were so happy for you dude.” nakangiting saad ni Cuhen.

NAGULAT si Abhaya sa mga bulaklak na bumungad sa kaniyang mata nang araw na iyon sa mansiyon. Sa sobrang dami, hindi niya alam kung saan siya unang lalapit.

“Ma’m, may nagpapabigay.” Kinikilig na lumapit sa kaniya ang isa sa kasambahay nila. Binigay nito ang isang bugkos ng white roses na favourite niya.

Agad niyang binasa ang maliit na card na nakaipit doon.

“I was busy being your handsome husband and now, will you give me a chance to court you? Or, can you be my girlfriend at the same time as my wife”

Napahagalpak siya ng tawa. Hindi siya makapaniwalang gagawin nga talaga nito ang panliligaw sa kaniya kahit mag-asawa na sila at may anak na. Para siyang teenager na kinikilig at mukhang tanga.

Saka naman lumabas si Hudson na kay lawak ang ngiti at may bitbit ng isang box ng diaper. “I guess, It’s a yes?”

Hindi niya mapigilan tumango habang tumatawa. Mabilis itong yumakap sa kaniya pero bago iyon, lumuhod ito at nag-offer sa kaniya ng box ng diaper.

“Please accept my love... I mean this diaper na pinabili mo sa`kin dahil ang sisiga ng mga anak natin at parang nagpapaligsahan sila kung ilang diapers nauubos nila bawat oras.”

Tinampal niya ito at hindi pa rin nawawala ang tawa niya. Nung mag-asawa na sila ni Hudson at nakatira sa iisang bahay, nalaman at nakita niya ang buong ugali nito. Yes, he’s cold and very intimidating... Sa trabaho at sa ibang tao pero pagdating sa kaniya, he’s the most sweetest caring husband that every woman prayed for. Alagang-alaga siya nito at napakalambing. May soft side ito at may werdong ugali na tinatago katulad niya.

Naalala niya kung paano sila maglalaro ng bula ng sabon dalawa, magtampisaw sa ulan at magpagulong-gulong sa bakuran, magtampalan ng icing ng cake, gumapang sa kaniya ng madaling araw at sinabihan siya ng rape na nauwi sa pagsuntok niya sa mukha nito dahil sa gulat at hindi lang iyon, pinagsusuot niya ito ng heels at bestida nung nagbubuntis siya.

Halos umusok ang ilong nito sa ayaw pero nag-alibi siyang naglilihi at kapag hindi masusunod gusto niya ay magtatampo siya kahit ang totoo tapos na siyang maglihi. Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi niya. Nilagyan pa niya ito ng make up at wig habang pinapalakad sa loob ng buong kwarto nilang dalawa. Pinagpa-wave niya ito ng kamay at pinakendeng-kendeng. Jusko! Parang kambing itong nakalunok ng bato sa sobrang laswa.

Natatawa pa rin siya kapag naaalala niya ang pinaggagawa nilang dalawa at alam niyang marami pa silang kawerduhan at panahon na tatahakin dalawa bilang mag-asawa...

NATATAWANG pinagmasdan ni Abhaya ng palihim si Hudson na mababaliw na yata sa kakahabol sa tatlo nilang makukulit na tsiketing sa maluwang na bakuran ng kanilang mansiyon.

Dalawang taon pa lang ang mga ito pero ang tatabil na at ang daming tanong. Hindi yata naubusan ng tanong lalo na ang nag-iisang prinsesa nila habang ‘yong dalawang prinsipe nila ay tahimik lang ang isa at ang isa ay napaka-hyper. Tipong kinukulit nito ang isang kapatid nitong lalaki at doon pa lang bibigay ang isa para makipaglaro at sabay nitong paiiyakin at awayin ang nag-iisang babaeng kapatid. Isa lang ang alam ni Abhaya, nakuha ng tatlo ang katalinuhan ng ama.

“Harper, Hnleigh! Come on baby, stop running. Daddy is tired. Mabubuang na yata ako.”

Agad naman tumigil ang dalawa at nagtitigan. Kumindat ‘yong isang kambal nilang si Harper na napakakulit at maloko sa kambal nitong si Hnleigh na sunod-sunuran lang sa gusto ng kapatid.

“Daddy! They are running inside the house! Oh my daddy. They’re so evil!” tumili naman ng malakas ang anak nilang si Hyacinthie at hinila ang ama nito para sundan ang dalawang kapatid.

Natatawang napapailing na lang si Hudson sa kakulitan ng mga anak nila ni Abhaya. Agad niyang kinarga ang babaeng anak. Malalagot siya nito sa asawa kung malaman nitong hindi niya nabantayan ng maayos ang triplets nila. Ang lakas pa ng apog niyang nagpresinta na siya na ang magbantay dahil day-off ng mga yaya nito.

Abhaya become a full time wife and a mother. Wala siyang masabi sa sobra-sobrang pagmamahal na pinapakita nito sa kaniya at sa mga anak nila. Napakaswerte niya talaga sa asawa. Alagang-alaga siya nito. Hindi na siya magtataka kung balang-araw sabay silang tataba.

“And where do you think you two going?” Mula sa kung saan lumabas ang asawa niya at ginulat ang kambal.

“Mommmmm!” ang lakas ng sigaw ng mga ito na parang nakakita ng multo.

Napahalakhak siya ng tawa. Masasabi niyang mama’s boy ang mga ito at papa's girl naman ang nag-iisang prinsesa nila.

“Haven’t I told you to behave, hmm?” natatawang sita ni Abhaya sa mga ito.

Nagsihagikhikan ang mga ito at bumulong sa mag-kabilang teynga ng asawa. “Daddy is getting old, mom. He can’t run well. He looked like an old grumps!”

Sabay silang nagtawanan sa narinig. Hindi iyon bulong, sinadya yatang iparinig iyon sa kaniya. Mukhang mababaliw na yata talaga siya...

Mayamaya, may biglang bwesita silang dumating. Si Cuhen, Ellah at ang dalawang kambal nito. Mabilis na lumapit ang fraternal twin sa kaniya at nagmano. Napatanga siya at nagpipigil naman ng tawa ang ama ng mga ito.

“Dude, you’re making me a grump!” angal niya.

“Kinda!” bwelta nito at ngumisi. Tiningnan lang niya ito ng masama.

“Daddy let me down. I wanna play with Kaka and Aki.”

Agad naman napasimangot ang dalawang kambal sa narinig. “It’s Caddam!”

“Achilleus,” segunda ng isa.

Nagsitinginan silang dalawa ni Cuhen at nagkibit ng balikat. Habang nagkamustahan naman ang mga asawa nila at nag-decide na magkaroon ng barbecue party sa araw na iyon tutal linggo.

Mabilis napatakbo si Hudson sa anak niyang babae nang pumalahaw ito ng iyak at tinawag siya. Naglalaro ito kasama ang kambal ni Cuhen habang ang kambal naman niyang lalaki ay may sariling laro. Napakaiyakin pa naman ng prinsesa niya at sobrang clingy. Mas clingy pa sa kaniyang napakagandang asawa.

“Hey, what’s wrong little princess?”

“Kaka, kiss me!”

“It’s not me, It’s Achilleus!”

What the fuck?! Mabilis niyang kinarga ang anak at galit na hinarap si Cuhen. “Dude ngayon pa man, panagutan ng anak mo ang ginawang paghalik sa prinsesa ko!”

Agad naman nagtago sa likod ni Cuhen ang dalawang kambal. Natakot yata sa asta niya.

“Perv! Why you stole a kiss from her?!” Mabilis na lumapit ang dalawang kambal niyang si Harper at Hnleigh at sinipa ang binti ni Cuhen.

Imbes na magalit, ay nauwi sa tawanan silang dalawa. Damn. Mukhang may magpapatuloy sa gawain nilang mag-kakaibigan.

“Hey kiddo, relax. It’s not me who stole a kiss,” pag-explain ni Cuhen.

Sumimangot lang ang dalawa at agad na tumakbo kay Abhaya na natatawang nakikinig sa kanilang diskasyon mag-kakaibigan habang hindi pa rin tumigil sa pag-iyak ang anak niya.

“Achilleus, say sorry to Hyacinthie.”

Umiling ang anak nito na bahagyang lumabas mula sa pagkakatago sa likod ni Cuhen. “I won’t, I mean it. And I’m gonna marry her.”

Literal na bumagsak ang panga nilang dalawa ni Cuhen sa narinig. The fuck! Ang bilis naman yatang na-develop ang hormones ng anak ng kaibigan niya.

Natahimik agad ang princesa niya at nagtanong. “Daddy, what’s marry?”

Puta! Mabilis niyang inilayo ang anak sa mga ito habang humahakhak si Cuhen. Nagalit siya nung halikan ng anak nito ang anak niya pero kasal? Fuck! Napakabata pa ng mga ito! Hindi pwede!

“From buddy to kumpadre!” halos mamatay-matay na sa kakatawa ang kaibigan niyang ulol.

Napailing-iling na lang siya at sinamahan maglaro ang anak. Baka sa susunod na iwan niyang maglaro ito kay Achilleus, itinanan na nito ang kaniyang munting prinsesa. Not gonna happen, ever!

W A K A S ! ! !

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.