Chapter Story 2 - Chapter 06

“ elcome home.”

Nagulat siya sa sinabing iyon nang isang matandang lalaki na bumaba sa hagdanan. Nasa isang napakaling bahay siya ngayon habang nasa likod niya ‘yong mga lalaking pumatay sa kaniyang ina. Kung kanina ay hawak-hawak siya ng mga nito at nagwawala siya, ngayon ay isang dipa ang layo ng mga nito sa kaniya ngayon at nakayuko ang ulo nung bumaba ang matandang lalaki na tingin niya ay nasa mid 60’s. Naghalo ang kulay ginto at puti nitong buhok. Sa bata niyang kaisipan, hindi niya alam kung ano ang kailangan nito at isa lang pumasok sa utak niya nang mga oras na iyon, ito ang nag-utos na patayin ang kaniyang ina.

“Sino kayo? Bakit niyo pinatay ang mama ko?! Napakasama n’yong tao! Wala kayong puso!” nagpumalahaw siya ng iyak. Presko pa rin sa utak niya ang ginawa ng mga nakaitim na tauhan na nasa kaniyang likod ang pagpatay ng mga ito sa nag-iisang magulang niya.

“Come on dear, she’s not your mother.” Malamig na sabi nito at deritsong tinungo ang magarbong sofa na nasa gitna ng sala.

Naka-dekwatrong umupo ito at agad may lumapit dito na lalaking nakaitim lahat ang kasuotan at sinindihan ang tobacco pipe nito. “Vittu! Liian Hidas!” Fuck! Too slow! asik nito sa lalaki at dilat ang mata na bumagsak ito sa sahig habang dahan dahang bumaha ang dugo na nanggagaling sa ulo nito.

Napatulala na lang siya sa pangalawang beses na may taong namatay sa kaniyang harapan. Biglang nasaid ang mga luha niya at hindi makapgsalita. 10 years old siya nang mga sandaling iyon pero alam niyang isang masamang tao ang nasa kaniyang harapan at isang pagkakamali lang niya ay ganito rin ang magiging kahinatnan niya sakali.

“Oh sorry dear, I didn’t mean to scare the little innocent of you. Heita tama ulos!” Throw this out! Kampanteng saad nito habang walang pakialam na bumubuga ng usok mula sa tobacco pipe.

Mabilis na nagsikilos ang tatlong lalaki at binuhat ang bangkay habang dalawang lalaki naman ang naglinis sa sahig para tanggalin ang dugong nagkalat. Pagkatapos n’yon ay lumapit ang matanda sa kaniya habang hinihithit nito ang tobacco pipe na nasa kaliwang kamay.

Nanginig ang buong katawan ni Jackylyn at sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya magawang kumurap ng mata sa takot na naramdaman.

“Don’t cry dear.” Pinunasan nito ang kaniyang mga luha. “I am your grandpa. So from now on, you will stay here with me on this mansion and live like a princess and use our family name. You’ll be called Jaakkina Rokassowskij.”

Biglang nanigas ang kaniyang katawan sa sinabi ng matandang lalaki saka siya nito tinalikuran. Simula sa araw na iyon matinding trauma ang nakuha niya at pagkatapos no’n ay nagmistulang impyerno ang kaniyang buhay.

“You okay?”

Tulirong nagtaas siya ng tingin at nakita niya ang nag-alalang mukha ni Theon na nakatunghay sa kaniya. May bibit itong icebox at tingin niya yata ay pagkain ang nasa loob. Bigla niyang pinagpag ang kamay niyang may buhangin at ngumiti ng kimi bilang oo. Naging pipi na naman siya sa presinsya nito.

“I guess you’re not,” anas nito, “Magpahinga ka na rito, I’ll set a sleep place for us tonight.” Nilagay nito sa kaniyang tabi ang bitbit nito at binuksan iyon. Kumuha ito ng bottled water at binigay sa kaniya. “Drink this. Ang putla-putla mo na. I’ll find foods as well. Puro drinks lang ang nasa loob ng box na ‘to.”

“S-salamat.” Tinanggap niya ito at mabilis na ininom. Hindi halatadong uhaw na uhaw siya.

Ngumiti lang ang lalaki at bago ito umalis, binilinan siyang magpahinga at huwag maglibot dahil hindi nila alam ang buong paligid at baka may mga wild animal siyang makasalubong. Sinunod niya ang sinabi nito at nagpahinga siya sa ilalim ng puno. Pinikit niya ang mata at nagpasyang umidlip muna. Kailangan niyang bumawi ng lakas dahil hindi basta-basta ang napagdaanan nila kagabi sa kamay ng bagyo…

“Bring Jaakkina to her new room,” utos ng matandang lalaki na nagpakilalang lolo niya.

Agad siyang nilapitan ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan at pinasan na parang bigas ng isa nung hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. Isang napakalaking kwarto ang pinagdalhan sa kaniya at nagmistula itong isang princess room na lagi niyang napapanood sa Barbie Movie.

Matapos siya nitong iwanan sa malaking kama, iniwan siya ng mga ito at ni-lock ang pinto mula sa labas. Nayakap na lang niya ang sarili at tahimik na umiiyak habang tinatawag ang ina na tulungan siya. Para siyang sisiw na naliligaw at hindi alam kung saan pupunta. Bata lang siya pero alam niya na ang nangyayari at ang tumatak sa isipan niya ay nasa kamatayan ang buhay niya.

Nakatulog siya na umiiyak at nung magising siya, magang maga ang kaniyang mga mata at may dalawang babaeng katulong na nakatayo sa paanan niya. Nakasuot ang mga ito ng uniform at nakayuko.

“Magandang gabi Senyorita. Hinihintay na kayo ng lolo mo sa hapagkainan para sabayan siya sa hapunan.” Nakayuko na sabi ng isang katulong.

Mabilis siyang umayaw, hindi siya nagugutom at ayaw niyang kumain. “Hindi po ako nagugutom.”

“Maawa ka sa`min Senyorita, ‘pag ‘di ka bumaba kami ang malilintikan ni Don Jukka.”

Naalala niya bigla ang mamang humandusay kanina. Bigla siyang nanginig sa takot na maulit iyon kaya kahit ayaw niya, wala siyang magawa kundi ang sumunod sa sinabi ng dalawa.

Parang may handaan sa napakaraming pagkain na nasa mesa. Nasa dulo ito at limang lalaking nakaitim at nakasumbrero ang nasa likuran nito nakatayo. Kumakain na ito nang dumating siya pero nang makita siya, tumigil ito at ngumiti na hindi abot sa mata.

“My beautiful grandchild!”

Napakagat labi siya at yumuko. Pati boses ng matanda ay nagdadala ng matinding takot sa kaniya. Walang salitang gustong lumabas sa kaniyang bibig. Inalalayan siya ng dalawang katulong na umupo sa kabilang bahagi mga isang dipa ang layo mula kay Don Jukka. Mabilis siyang inasikaso ng dalawang maid at nilagyan ng pagkain sa kaniyang plato. Marahan bumagsak ang luha sa kaniyang mata habang nanginginig ang kaniyang kamay na sumubo ng pagkain. Masasarap lahat ang mga ito sa mata pero wala siyang malasahan. Ang tanging nalasahan lamang niya ay ang kaniyang mga luha.

“Stop crying in the middle of our dinner, Jaakina.” Biglang bagsak nito sa kutsara at deritsong tumingin sa kaniya.

Napayuko siya at agad na pinunasan ang mga luha. Pinilit niyang maging okay sa harap ng matanda. Nanginginig ang kaniyang kamay na sumubo siya ng kanin at pinilit ang sariling tapusin ang pagkain nasa kaniyang plato. Saka lang siya pinayagan ng matanda bumalik ng kwarto niya nung natapos niya ang kaniyang pagkain.

“Ate tulungan niyo po akong makaalis dito. Hindi ko po siya tunay na lolo, pinatay niya ang nama ko!” pumalahaw na naman siya ng iyak sa dalawang katulong nang ihatid siya ng mga ito pabalik. Walang sinabi ang kaniyang ina na may lolo’t lola siya. Ang sabi lang nito, sila lang dalawa. Wala rin siyang amang nakagisnan.

Awang-awa na tumingin sa kaniya ang isang babae at hinaplos ang kaniyang buhok. “Ineng, tulad mo priso kami ng mansiyon na ito. Hindi ka namin matutulungan ng kapatid ko kahit gustuhin man namin na maalis ka rito. Isa lang kaming hamak na anak ng magsasaka na pinaginterisan ni Don Jukka ang lupain para pagtayuan ng casino at kami ang ginawang pain sa mga magulang namin para pumayag ang aming ama pero tulad mo, pinatay rin siya at heto kami, nakakulong tulad mo.”

Hindi siya nakaimik nang marinig iyon. Sunod-sunod lang nagsibagsakan ang kaniyang mga luha.

“Pasensya ka na, ha.” Naluluhang saad ng kasama nito at iniwan na siyang mag-isa sa loob ng silid na iyon.

Napaiyak siya lalo at nanalangin na sana isang masamang panaginip lang ito lahat. Na pagkatapos nito ay nakangiting mukha ng kanyang ina ang sasalubong sa kaniya at kikilitiin siya hanggang sa babangon siya sa kama dahil maaga pa siyang papasok sa school.

Simula sa araw na iyon nagbago ang lahat. Lahat ng galaw at kilos niya ay naka-monitored. Lahat ng luho binigay sa kaniya, simula sa laruan mamahalin hanggang sa mga damit at sapatos na galing pa sa Finland. Doon din niya nalaman na isang Finnish ang matandang Don at mag-isa lang ito sa buhay. Siya lang ang tanging kapamilya tulad ng sinasabi nito kaya bawat galaw niya ay naka-monitored araw-araw. Para siyang isang prinsesang nakakulong sa mansiyon na hindi niya kailanman pinangarap. Mas gusto niyang isang normal na tao na hindi namumuhay sa takot at galit pero wala siyang magawa. Tanging tango at sunod-sunoran lang siya sa utos ng matanda.

Hatid-sundo siya sa private school na pinapasukan niya kasama ang dalawang bodyguard. Wala siyang naging kaibigan dahil na rin sa takot ng mga ito na lumapit sa kaniya. Kasa-kasama niya ang dalawang bodyguard kahit sa loob ng klase.

Nung nag-highschool na siya, may naglakas loob na i-bully siya. Tatlong babae at inambangan siya nung nasa restroom siya at pinagtripan siyang gulpihin ng mga ‘to. Pagkatapos no’n, naging missing ang tatlong babaeng bumugbog sa kaniya nang araw na iyon. Kaya mas lalong wala ng gustong lumapit sa kaniya, kahit maging ka-seat mate sa loob ng room. Minsan din niyang sinumbat sa matanda ang bagay na ito pero tinawanan lang siya at sinabihan walang pwedeng manakit sa katulad niyang galing sa pamilyang Rokassowskij.

Ilang beses din niyang sinubukan na tumakas sa mansyon pero hindi siya nagtatagumpay, laging bigo ang kaniyang plano. Medyo nakakahinga lang siya ng maluwang kapag wala ang matandang Don at nasa ibang bansa. Hindi niya kasi alam paano pakiharapan ito, dahil maliban sa malaki ang takot ang kaniyang nararamdaman... hindi matatawarang galit din na mas lalong lumaki araw-araw.

Sa takot niya kay Don Jukka, subsob siya sa pag-aaral. May private tutor din siya gabi-gabi at nung minsan hindi niya na kinaya ang lahat ng pressure at pag-iisa, sumubok siyang maglaslas ng pulsuhan. Pero naagaapan siya ng dalawang maid na si Lolita at Loida nung minsan pumasok ito sa kaniyang silid gamit ang master key.

Sa ilang taon na nagdaan, dahan-dahan niyang nalaman na may ari si Don Jukka nang isang illegal business na isang Black Arms Trade. Isa itong organization for illegal arms transactions sa iba’t ibang panig ng mundo mostly sa Russia. Hindi ito palagi sa mansiyon at lagi itong wala, kung bumalik ito galing sa ibang bansa ang daming mga material na bagay ang binibili nito sa kaniya na halos kulangin ang kaniyang kwarto sa sobrang dami pero hindi niya nagagamit. Natatambak lang ang mga iyon sa bodega kahit gusto niyang ipamigay pero wala naman gustong tumanggap ng galing sa kaniya. Para siyang isang sakit na kinakatakutan.

Taon-taon may namamatay na tauhan ng Don at hindi na bago iyon kay Jackylyn, nasanay na rin siya na may binabaril ito kahit nasa harapan siya or nasa hapagkainan sila. Si Don Jukka ay isang napakasamang tao na dinadasal niya gabi-gabi na kung hindi ito mamatay ay sana makawala na siya sa lugar na iyon. Napipilitan lang siyang tawagin itong lolo sa tuwing kaharap ito pero ang totoo, demonyo ang tingin niya sa matanda.

Isang tapik ang nagpagising kay Jackylyn sa kaniyang mahimbing na pagkatulog. Eksaktong si Theon ang namulatan niya na nag-aalala ang mukha. Nakakunot ang noo nitong nakatunghay sa kaniya.

“You okay?”

Marahan siyang tumango. “O-okay lang a-ako…”

“Good. Lumipat tayo sa kanang bahagi ng isla.”

Tumango siya bilang pagsang-ayon at tinulungan siya nitong itayo. Dalawang oras daw siyang tulog ayon kay Theon kaya nagkaroon ito ng panahon na maghakot ng mga gamit mula sa lumubog na yacht. Nakaya rin nitong gumawa ng munting kubol mula sa mga kahoy na napulot nito at tuyong dahon ng niyog mula sa kalayuan malapit sa bukana ng kagubatan papasok.

“You’ll stay inside while I stay here.” Tinuro nito ang labas kung saan nito nilagay ang ilan sa mga napulot nitong kagamitan mula sa lumubog na yacht. May mga panggatong na rin itong nilagay at sa hinuha niya, pang-bonfire ito mamaya.

“Sure ka? Pwede naman ako rito sa labas kasi—”

“Come on Jacky, you’re wounded,” putol nito sa anuman sasabihin niya.

Tama nga naman. May sugat siya at hindi ito ang panahon para mag-insist siya sa isang bagay na alam niyang ‘di nito papayagan.

Sumapit ang gabi. Prutas at isda ang kinain nila nang gabing iyon. Kanina pumasok mag-isa si Theon sa kagubatan at may dala na itong saging at singkamas paglabas para sa pagkain nila. Napahiya siya sa galing nito maghanap ng pagkain samantalang siya ay buong maghapon nakaupo. Ang lalaki rin ang gumawa ng bonfire at naibsan ang nararamdaman niyang lamig dahil na rin sa kaniyang sugat. Ang kwento nito, sanay ito sa survival mode kaya hindi na bago para rito ang ganitong buhay.

Hindi siya makatulog sa loob ng kubol kaya nanatili lang siyang nakatitig sa ulap na puno na ngayon ng bituin. Napangiwi siya nang damhin niya ang kaniyang sugat. Buti at ito lang ang nakuha niya. Nagpasya siyang tumayo at pinilit na hindi makalikha ng ingay para hindi magising ang lalaki na mahimbing na ngayon na natutulog sa labas. Dahon ng saging ang sapin nito at ang unan nito ay ang isang kamay nito. Kung pagmamasdan, mukhang pagod na pagod ito. Malungkot siyang ngumiti sa isiping iyon at bago siya pumunta malapit sa dalampasigan, nilagyan niya ng panggatong ang bonfire para hindi mamatay ang apoy.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.