alungkot siyang umupo sa buhanginan at napatitig sa kalangitan. Maraming nagkikislapan bituin at kahit papaano, gumagaan ang kaniyang pakiramdam. Iniisip niya kung hanggang kailan kaya sila ng lalaki rito sa islang ito? May tutulong ba sa kanila sakali? Mahahanap ba siya ng mga tauhan ni Don Jukka?
Mayamaya ay nagulat siya nang may tumabi ng upo sa kaniya.
“You should take a rest.” Si Theon. “Why are you here?”
Sumikdo ang kaniyang puso sa malamyos na boses na iyon ni Theon. Pinigilan niyang manginig. “Wala, nagpapahangin lang ako sandali. Babalik din ako agad. Ikaw, bakit ka nandito? Dapat magpahinga ka na.”
Napabuntunghinga ito. “I am, and then I saw you heading this way. Akala ko nag-sleep walking ka.” bahagya itong natawa sa sinabi at napakamot sa ulo. “Okay, mauna na ako. Don’t stay here for too long Jackylyn. A boar might gonna eat you.”
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito, “Baboy-ramo? Meron dito?”
Tumango naman ito agad saka tumayo. Mabilis siyang napatayo at napasunod dito. Natatawa na lang ang lalaki sa kaniya at napakagat na lamang siya sa labi. Ayaw niyang maging pagkain ng baboy-ramo.
Kung hindi pa nasinagan ng araw ang mukha ni Jackylyn nang umagang iyon at naamoy ang masarap na inihaw na isda, baka ayaw pa niyang bumangon. Eksaktong paglabas niya ng kubol, nakita niya ang nakahandang pagkain sa ibabaw ng malapad na bato. May saging, bayabas, singkamas at dalawang malaking inihaw na isda. Bigla siyang natakam at naglaway sa nakita.
“Good morning sleeping doll. Breakfast is ready.”
Namula siya sa sinabi nito. Doll? Gusto niyang itanong iyon pero naunahan siya ng hiya. Ilang sandali pa ay naging ganado siya sa pagkain. Parang ngayon lang niya nasubukan maging tao sa sobrang tagal na panahon.
“T-thank you,” kiming saad niya matapos niyang dumighay.
Tumango lang ito at ngumiti na ikapula ng kaniyang pisngi.
Nang araw na iyon ay tinulungan niya si Theon na maghakot ng mga bato at gumawa ng malaking help signal sa buhangin kahit ayaw nito. Nagpumilit siya. Hindi na masyadong masakit ang kaniyang sugat at hindi naman iyon masyadong malalim. Sana ay mabilis silang ma-rescue kahit wala naman siyang alam kung saan siya tutungo pagkatapos nito.
Umupo siya sa malaking tipak na bato at pinagmamasdan ang naliligo na lalaki sa malinaw at asul na asul na tubig. Kung alam niya siguro lumangoy baka kanina pa siya nagtampisaw. Napapangiti siya sa tuwing umaahon ito at parang diyos na bumaba sa trono sa tuwing nagfi-flex ang muscles at abs nito sa katawan. Bago pa niya pagpantasyahan ang lalaki, bumaba na siya sa kaniyang kinauupuan at nagpasiyang maglakad-lakad at hanapin ‘yon bag niya. Baka makita niya ito at kailangan niya ang laman n'on. Naka-sealed ang mga documents at pera niya sa isang plastic kaya alam niyang hindi nababasa ang mga ito.
Malaki ang isla kaya malayo-layo rin ang kailangan niyang lakarin pero halos maabot niya na yata ang dulo nito, walang bag niya ang kaniyang nakita. Matamlay ang balikat na bumalik siya sa kubol. Anong gagamitin niyang pera kung gano’n kapag nakaalis sila ni Theon sa isla?
“Looking for something?”
Saka lang niya napansin na tapos na pala si Theon maligo at sinuot nito ulit ang short pant na hinubad. May huli na itong isda at mga kuhang clam at shellfish. Inaayos nito ang mga ‘to sa may kalakihang malapad na bato at sa ilalim no’n ay apoy. Magluluto ba ito?
“Magluluto ka?” gulat na tanong niya.
Natawa ito sa kaniyang inakto. “Yeah. Why?”
Hinarap nito ang mga dahon na hindi niya alam kung ano ang mga pangalan at saan nito nakuha. May isang tipak na batong matulis ito sa isang kamay at hindi niya alam kung para saan din ito.
“Ano ang mga ‘yan?” Lumapit siya rito at tiningnan ang ginagawa ng lalaki. Na-amuse siya sa nakita at hindi niya alam na pwede pala magluto sa ganitong isla na walang kagamit-gamit kahit kutsilyo. Kahit may alam siya sa kusina, pagdating sa lalaki pakiramdam niya parang kulang ang kaalaman niya.
“Herbs.”
Napatango siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang pangalan ng herbs na ito. Napasunod ang kaniyang tingin sa bawat galaw nito at amaze na amaze siya. Mukhang sanay na sanay ito sa ganitong sitwasyon. Kahit siguro mag-isa lang ito, kaya nitong mabuhay.
“And one thing, I love the shrimp soup you cooked for me. Masarap. Nagustuhan ng panlasa ko. Guess hahanapin ko ang lutong iyon,” saad nito.
Napangiti siya ng hilaw. Akala niya hindi ito kumain. Hindi na lang siya sumagot. Hinihintay niyang maluto ang niluluto nito dahil amoy na amoy niya at takam na takam siya kahit hindi niya alam ang niluluto nito. Basta isdang nilalagyan ng mga dahon na pinag-chop nito.
“Kindly get me the soy sauce and vinegar.”
“Ha? Meron tayo?” takang napatanong siya.
“Yeah, there’s a store behind this forest.” Tinuro nito ang kagubatan.
Naniwala naman siya at tumayo para sundan ang sinabi nito. Agad naman siyang pinigilan nito.
“I’m joking, hey!” Natawa ito. “Nasa tabi lang ng icebox. I’ll pick those thing along the shore. Inanod. Good thing because we can still eat delicious foods for that. If you know what I mean...”
Para naman siyang napahiya pero natawa rin sa isipin na tumayo siya at sinunod ang sinabi nito. Naniwala talaga siyang may tindahan sa likod ng kagubatan. Napakamot na lang siya sa ulo at kinuha na ang pinapasuyo nito. Sana matagal matapos ang araw na ito para matagal din niyang makakasama ang lalaki kahit bawal at mali.
Pangatlong araw nila sa isla. Walang rescuer. Walang barko na dumaan. Walang naligaw na mangingisda. Wala lahat. Napapiksi si Jackylyn nang biglang gumuhit ang mataas na kidlat sa kalangitan at kasunod nito ay ang malakas na kulog. Kanina pa madilim at nag-alburuto ang langit pero ngayon lang ito tuluyan na nagalit. Malakas din ang hangin kaya ‘yon kubol na gawa ni Theon ay naging kalansay, wala na ang pinangtakip nito at bubong. Agad siyang hinila ng lalaki sa braso at sinabihan umalis sila ro’n at maghanap ng masisilungan dahil ilang sandali lang ay uulan.
Hindi nagkamali ang lalaki, ilang sandali pa ay muling kumidlat at kumulog ng malakas kasunod nito ay pagbiglang bagsak ng ulan. Malakas iyon. Naabutan sila pero hindi gaano kabasa. Nasa bukana sila ng kweba at hindi niya alam paano nalaman ng lalaki na may kweba sa loob ng kagubatan. Siguro sa lagi nitong pagpasok-labas at nangunguha ng prutas.
Gumawa agad ng apoy mula sa bato si Theon habang siya ay nakaupo sa isang tabi. Natatakot siya sa isipin na baka may masamang insekto at hayop na naninirahan sa loob.
“Take off your clothes. Magkakasakit ka,” suhestyon nito nang makagawa na ito ng apoy.
Biglang naging okay ang paligid nung nilagyan na nito ng tuyong panggatong ang apoy. Nagtaka siya kung bakit parang may naka-arrange na mga panggatong do’n.
“S-sige lang, hindi naman siguro ako magkakasakit. Okay lang ako.”
Hindi naman siya nito pinilit. Tumango lang ito at saka nagkwento. “I saw this cave yesterday. Naisip ko na tingnan at lagyan ng kahoy sakaling bisitahin tayo ng bagyo at hindi nga ako nagkamali. My instinct always says I’m right.”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya tumitig na lang siya sa apoy. Madilim na rin sa labas dahil sa lakas ng ulan sa labas.
“Ano ‘yon!” Bigla siyang napatayo nang may narinig siyang kaluskos at ingay kahit malakas ang ulan.
“Bat,” simpleng sagot nito.
Natakot siya sa sinabi nito pero nanatili siyang kalma. Bumalik siya ng upo. Sana tumigil na ang ulan para makaalis na sila sa kwebang iyon. Baka hindi sila mamatay sa dagat, baka sa loob ng kwebang ito. Sa isiping ito, bigla siyang pinagtaasan ng balahibo.
“Ahas!!!” Napatili siya ng malakas nang biglang may dumapo sa kaniya. Iniwaksi niya ang kaniyang kamay.
Mabilis siyang dinaluhan ni Theon at pinakalma. Kinuha nito ang insektong dumapo sa kaniya. “Hey its not a snake, just an insect.”
Napahinga siya ng maluwang. Kumalma siya at nanghihinang umupo. Napaaray siya nang sumigid ang sakit sa kaniyang sugat. Hindi pa ito naghilom. May kalaliman iyon at ang lalaki ang laging naglalagay ng dinikdik na dahon. Masyado yata siyang na-excite at nabinat niya ang kaniyang sugat.
Habang ang ulan, hindi pa rin tumila sa labas at kahit may apoy sa gitna, hindi sapat iyon para hindi siya lamigin. Palihim niyang niyakap ang sarili at sumandal sa isang bato. Pinikit niya sandali ang mga mata.
Samantalang si Theon, napatingin siya sa dalagang mahimbing na ngayon na natutulog. Malakas ang ulan sa labas kaya kailangan niyang panatilihing buhay ang apoy.
Napabuntunghinga siya nang mapasulyap siya sa labas, tatlong araw ng lumipas pero walang rescuer na dumating. It’s okay, he was been trained before how to lived on survival mode. He can handle himself on this situation. But thingking of Amara his wife makes him worried.Hinahanap na siguro siya nito sa bahay nila.
Mabait ang kaniyang asawa sa kaniya pero alam niyang hindi siya nito mahal. Diyan naman talaga nagsisimula ang lahat kahit sa kaniyang pamilya. His parents was a victim of arrange marriaged and the love follows after he came. Akala niya gano’n din sa kanila ng asawa niya but guess he’s wrong.
Napatayo siya sa kinauupuan at nilapitan ang dalaga, nanginginig na ito ngayon. Basa ang damit nito. Tinapik niya ang balikat ni Jackylyn at doon niya napansin na sobrang init nito.
Fuck! Mataas ang lagnat ng babae. Dali-dali niyang niyakap si Jackylyn para hindi ito manlamig lalo. Ang tigas din kasi ng ulo nito, kasasabi lang niya kanina na maghubad muna ito ng damit. Wala siyang planong silipa ito kung iyon ang iisipin ni Jacky. Playboy siya nung nasa University pa siya at ilang babae na rin ang kinama at pinaiyak ng isang gwapong malanding Theon pero nagbago na iyon simula nung nagpakasal na sila ni Amara. Totoo talaga yata ang karma. Siya ang unang tinamaan.
“H-huwag!”
Natigilan siya saglit. Gising na ba ito?
“H’wag niyo patayin ang Inay ko! ‘W-wag!”
Biglang kumirot ang pinakasulok na bahagi ng puso niya. Binabangungot ito pero wala siyang magawa kundi ang yakapin lang ito nang mahigpit.
“I-inay!!!” At nasundan ito ng malakas na iyak.
Yes, he was trained to lived independently despite from his insouciance personality pero sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Alam niyang may masamang nakaraan tinatakbuhan ang dalaga na ngayon ay umiiyak. Ang tanging nagawa na lamang niya ang yakapin ito at bantayan buong magdamag hanggang sa tumila ang ulan sa labas.
Maaga niyang iniwan kinaumagahan si Jackylyn sa kweba. Hindi na rin siya nakatulog sa kakabantay rito. Tulog pa ito ng iwan niya. Kailangan niyang maghanap ng pagkain. Malakas kumain ang dalaga kaya nakakapagtaka kung bakit ang payat-payat nito.
Una niyang binalikan nang umagang iyon ay ang kubol na ginawa niya, sira na ito sa nagdaang malakas na ulan kagabi. Nagpasya siyang ayusin iyon, hindi naman yata siya hahanapin ng dalaga sakali. Pagkatapos niyang maayos ang dingding at bubong nito, bumalik siya sa loob ng kagubatan. Naghanap muna siya ng pagkain bago niya binalikan amg babae. Gising na ito nang balikan niya, nakaupo sa bukana ng kweba at gano’n na lang ang saya nito nang makita siya. Bigla itong napatayo at naiiyak na nilapitan siya.
“Hey what’s wrong? Nasaktan ka ba? Got bitten?” Mabilis niyang naibaba ang bitbit na mga prutas at nag-alalang sinalubong ito.
Umiling ito at agad na pinunasan ang namumulang mata. Mukhang kagagaling ito sa iyak. “A-akala ko kasi iniwan mo na ako rito...”
Bigla siyang natigilan at napatitig sa maliit na hugis pusong mukha nito, sa namumulang malamlam na mga mata na pinalilibutan ng natural na pilik-mata, sa maliit at pointed nose ng dalaga na parang ilong ng isang manika, at sa hugis pusong labi nito na kahit kaputlaan masasabi niyang malambot ang mga ito.
Bakit ba naapektuhan siya sa sinabi nito? Ilan na ba babae ang nagsabi sa kaniya nung nasa high-school at kolehiyo pa siya at nag-aaral na huwag niyang iwan? Sampu? Mga sampung dosena yata kung ‘di siya nagkamali ng bilang. Pero galing sa dalaga? May kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya agad mabigyan ng kahulugan kung ano.
“I’m here,” Dapat pala hinintay niyang magising ito kanina.
Tumango ito at ngumiti na. “Pasensya ka na sa inakto ko, naunahan lang ako ng takot.”
Lihim siyang humugot ng hangin at ningitian ito. Niyaya niya ng bumalik sila sa kweba at kumain muna saka sila babalik sa kubol na tinayo niya ulit. Hindi sila pwedeng manatili ro’n dahil hindi sila makikita ng mga rescuer.
Aminado siyang magandang babae si Jackylyn at kahit payat ito at maputla, hindi nababawasan ang ganda nito. Pinilig niya ang ulo, ito ang kauna-unahang may inahintulad siya sa kaniyang asawa kung gandang hitsura lang ang usapan. Fuck.
“Let me see your wound.”
Napatingin si Jackylyn kay Theon nang lapitan siya nito. Pang-apat na araw nila sa isla at akala niya iniwan na talaga siya nito kanina nung magising siyang wala ito sa kweba kasama niya. Walang alinlangan na tinaas niya ang kaniyang damit at pinakita rito. Gumagaling na ang sugat niya.
Nagsuhestiyon ito na palitan nito ulit ng gamot ang sugat niya mamayang tanghali. Mabuti na lang at hindi na ito laging naka-topless, may suot na itong damit galing sa yate nitong nalunod.
Sabay silang napataas ng tingin ng lalaki nang marinig nila sa kalangitan ang ingay ng isang sasakyan panghimpapawid.
“Theoooonnn!”
Napakislot siya nang marinig ang malakas na sigaw sa megaphone. Sa wakas! Ang lawak ng ngiti niya pero sa isipin dito na lang pala sila nang lalaki ay biglang nagpalungkot kay Jackylyn. Mula sa chopper ay nakita niya ang lalaking pangalan ay Mordeccai na isang Attorney.
“I thought you were dead. Sayang naman ‘di ka natuluyan. 4 days wasn’t boring, right?” bungad nito kay Theon nung nasa loob na sila ng chopper at paalis na sa islang iyon. “Kung hindi pa ako tawag nang tawag sa phone mo na puro unattended, hindi ko pa malalaman na nawawala kayo.”
“Well thanks for that. I know you will.”
“Next time I won’t,” asik nito na tinawanan lang ni Theon.
Pinili niyang hindi pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito, nakatingin siya sa kabuuhan ng isla at do’n niya napagtanto na sobrang laki nito. Buti dito sila napadpad ng lalaki.
Saan siya nito pupunta? Hindi niya nakita ang kaniyang bag at wala siyang perang gagamitin. Sandali niyang pinikit ang mga mata at nag-isip ng pwedeng gawin. Nung magmulat siya ulit ng mga mata, natatanaw niya na ang buong city na ayaw niyang balikan. Bigla siyang kinain ng takot at hindi niya maikakaila ang bagay na ito. Yes, takot siya.
***